a miserable 2010

Last weekend, nagkita kami ng aking mabuting kaibigan na si Paquita Rose at habang himihigop ng Bubbatealicious (na lasang laing) at nanlalait ng mga tao sa paligid, napag-usapan namin ang mga buhay naming patapon na wala nang patutunguhan sa mundong ibabaw.

"Rose, parang minalas ka nung 2010 ano?"

"Gagu hindi naman, paano mo nasabi... gagu ka..."

"Hindi ba January 1 2010 pa lang eh minalas ka na?"

At ipinaalala ko sa kanya yung nangyari sa kanya noong New Year. Nag-vacation leave sya noon para umuwi sa hometown nila sa Mindoro. Medyo mahigpit kasi sa opisina nila at sya lang ang inaasahan sa ibang mga tasks, pero dahil New Year naman eh pinayagan syang magbakasyon. Tuwang-tuwa naman syang bumyahe...

Pagdating sa Mindoro, araw ng Linggo, ipinatawag sya ng opisina nila, bumalik daw sya dahil hindi pumasok yung ka-relyebo nya. Ang tanga lang nya kasi nagpasindak sya, mabilis na nag-impake ng gamit at tumambling papunta sa Puerto Galera para makaabot sa last trip ng bangka papuntang Batangas Port.

Pagdating nya sa Galera, naabutan pa naman nya ang last trip ng bangka... na nasa laot na. Pinanood na lang nya ito papalayo. Bumili na sya ng ticket pang-9AM the next day. At para sigurado syang hindi sya maiiwan ng bangka...

... sa bangka sya natulog. Yup, dun sa nakaparadang bangka.

"Oo nga no, January pa lang yun. Ang pangit ng pasok ng taon ko..." pag-confirm ni Rose.

"Oh di ba kamalasan yun? Tanga ka kasi! Di ka na lang nag-check in dun."

"Ayoko baka mapahaba ang tulog ko."

Impairness nag-work ang plan nya, hindi sya nakatulog. Kasi buong magdamang syang nakaupo sa dilim, mag-isa, umiiyak, habang ang mga tao sa paligid ng beach ay partey partey...

"Di ba may kasunod pa yan... yung Holiday OT mo...", next item sa mga kamalasan ni Rose.

Hindi ko na maalala kung anong holiday yun, pinapasok nila si Rose kahit holidays. Pero hindi sya nabayaran ng OT. Hindi lumabas sa payslip. Nakalimutan daw. Nung nagreklamo sya, sabi lang ng boss nya,

"Ililibre na lang kita ng lunch!"

At dahil mahal na mahal ni Rose ang trabaho nya, pumayag sya na lunch na lang ang kapalit ng ilang araw na serbisyo nya. Pero ang masaklap, hindi pa rin sya nilibre ng lunch. Ibinaon na lang sa limot ang lahat.

"Ano pa ba yung ibang kamalasang nangyari sa iyo? Ah nung nagpakulot ka tapos yung buhok mo nagmukhang natuyong seaweeds kaya pina-straight mo uli."

"Kung makalait ka naman... gagu ka... 2009 yun."

"Teka di ba 2010 rin ba yung karanasan mo sa MRT??"

Memorable yung nangyari sa kanya noon eh. Isang umaga pasakay sya sa MRT tapos sa pagtutulakan eh nahubad ang shoes nya, naiwan sa platform ng istasyon, kaya pumasok sya sa office na isang sapatos lang ang suot.

Read here: A Cinderella Story

"Hindi pa nga worst yan diba? Naalala mo yung nagtae ka sa bus?"

"Gagu pakyu!"

Actually hanggang ngayon, idini-deny nya pa rin ang buong pangyayari. Sa kakahintay nyang makita si DingDong Dantes sa premiere night ng You To Me Are Everything, sumakit ang tiyan nya at nagmadali syang sumakay ng bus pauwi, pero na-traffic sya sa Santolan kasi may event dun si Noynoy (nung nangangampanya pa lang).

Basahin dito: Nagtae Sya Sa Bus - Unabridged

"Gagu ka tigilan mo nga yang mga pangit na nangyari sa akin! Marami rin namang good. At least ngayong 2011 puro good ang mangyayari sa akin."

"Oo nga meron din naman palang good news, gaya ng love life mo..."

[Silence]

"Kumusta na nga ba yung kinikuwento mong guy, Rose? Yung kalandian mo noon sa office nyo tapos lumalabas kayo para mag-date sa KFC Cubao. Yung kilig na kilig ka kasi may abs pero hindi ka naman nililigawan pero in-assume mo na nililigawan ka?"

"Tanga hindi ako nag-asume. Pero yun nga ang ikwekwento ko sa iyo. Nung isang araw hinanap ko sya sa Facebook. Ang daming results kasi common ang pangalan kaya inisa-isa ko."

"Ang tiyaga mo. O tapos? Nakita mo?"

"Oo, may picture nya eh. Tapos may nakalagay na link sa pangalan ng babae, kaya tinignan ko rin yung profile nung babae. Nagulat ako sa primary photo nung babae..."

"Bakit?"













Silence... uncomfortable silence. Na-realize ko napaka-insensitive ko pala. Inisa-isa ko pa yung mga pagkanda-leche-leche ng 2010 nya, yun pala pagdurusa rin ang haharapin nya ngayong 2011...

Napatingin ako kay Rose, nakayuko lang sya, nakatingin sa shoes nya... Tingin ko nalungkot talaga sya sa naunsyami nyang lovelife...

Anong klaseng kaibigan ako? Napaka-asshole! Kailangan ko syang damayan...












For 5 seconds!



"BWAHAHAHAHAHA SHUNGA PAKIPOT KA KASI!!! PAKYU!!! Hayaan mo sa 2012 seswertehin ka na bago mag-end of the world!" sabay higop sa Bubbatealicious.

55 comments. Post your comment here.:

khantotantra said...

grabe ang experience ng friendships mo sir glentot. wakokokok. pero it only shows na close kayo ng friend mo kasi nakakapag-usap kayo ng ganun, kahit na may murahan, yung ang sign ng sweetness

maldito said...

pakyu ka glenntot..hindi ka na naawa..ahahaha..ang sakit kaya ng makita mo lovelife mo na may kahalikang iba..worst sa harap pa ng pari..lols

tabian said...

sus 'to naman kung makalait ng kamalasan parang nagluluto lang pancit canton... di ka na talaga na awa..be supportive, e pimp mo kaya si paquita ng maambunan naman ng swerte! weeee!!! :D

rah said...

Hehehe, kawawa naman pala si ROse, forever na matatatak sa pangalan niya na natae siya sa bus :)

mike said...

geez. i'm trying to figure out if i should feel bad for ROSE or just laugh at her misfortune. anyway, i do hope her luck change very very soon...

The Gasoline Dude said...

Parang ayaw na kitang maging kaibigan. LOL!

Kamila said...

okay lang isadsad ko ang sarili kong kahihiyan, pero pag iba nag-sadsad ng kahihiyan ko sa madla.. katulad ng ginawa mo.. hindi ko alam gagawin ko.. hahahahahah.. pero ano muna ang sadsad?

Lol. Hahaha... pero parang medjo na-feel ko ang luha sa gilid ng mga eyes ko.. nung sinabi mo mga huling linya... arte lang.

nieco_speaks said...

wahahaha.. pakyu! harshness much naman tong taong to. you're a very sympathetic friend seerr glentot. ehehhe.. binanatan na kaagad?! lol ehehhehe.. XD

Alkapon said...

tama ka...ashole ka talaga.. bakit ngayon mo lang nalaman? he he he

rainbow box said...

hindi ako makaget over sa naiwan nya ang shoes nya sa platform.


ang sweet nyo rin ni Rose noh? hihi

Artiemous said...

wahahaha! ang makasaysayang Nova Bus! :D Ok yung iniinom mo laing flavor! meron kaya silang ginataang puso ng saging flavor? :D

rainbow box said...

kiclick ko yung A Cinderella Story.

walangya, Rose Marie din pala sya. TUKAYO! :))

Neneng Kilabot said...

ahahahhaa.. hayop na kaibigan at tunay na maasahan! hahah

nakakatuwa si ate paquita.. parang gusto ko syang makilala.. ano bang tipo nya sa isang lalake?

kalokang Pinay said...

Uy wawa naman si rose =(
wag na natin antayin ang 2012. Baka pwede na syang swertehen ngayong second quarter ng taon.....

KUMAGCOW said...

Hindi ka naman siguro mean... hindi naman... well... no hindi naman siguro... pero.. nah hinde... heheh

Michael said...

Bakit alam na alam mo ang buong talambuhay ni Paquita Rose?? Talaga bang attracted ka lang sa mga taong pinaglihi sa kamalasan, o ano??

Magkakasundo kaming dalawa niyan kung laging pagtatae ang pag-uusapan. LOLOLOLOLOLOL. :D:D:D:D:D:D

JanDee said...
This comment has been removed by the author.
JanDee said...

SAKLAP!! tahahaha..

..sa ganyang pagkakataon nakakatulong ang kaibigan eeh..

..hindi para tulungan kang malutas ang problema mo...

..kundi patawanin ka sa kabila ng mga problema...

naks..

XD

ghilzie said...

astig! kaso awch sa dulo waaaaaaaaa...

TOTOONG KAIBIGAN SIR! *saludo* :D

Spiral Prince said...

ang sama mo glentot. NGIYAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!

Greta said...

ang sweet mo namang friend glentot..nafefeel ko, ikaw na ang "SWERTE" na hinihintay ni rose para sa 2012 bago gumunaw ang mundo!ayeeee..

RICO DE BUCO said...

grabe naman palang kamalasan yan hahaha kawawa naman si rose hahaha naawa ako pero natatawa narin lalo pat pag nanalala ko iyong tae issue nia hahaha

Ruperto Prieto Jr. said...

so bad glenn! your nasty! :-)

Anonymous said...

Ilang araw na akong nakababad d2 s blog mo. Tlgang binabasa ko lahat ng entries mo. Di ko titigilan hanggat d ko pa nababasa lahat. Hai minsan nga iniisip ko napakamakasalana ko na rin eh.

-rox

Xprosaic said...

Ahahahahhaha ikaw na ang may matinding memory sa lahat ng kamalasan ng tao! ahahahahahahhahaa

egG. said...

ay grabe.... nakakaloka naman nanyari kay rose.. pero inpernes isa siya sa mga biniyayaan ng mga maganda at remarkable na most embarassing moment in her life.. kaya dapat proud pa rin siya sa kanyang mga kamalasan..

dahil di niya yun makakalimutan pumuti man ang buhok niya... ahihihihihih....

cArLo said...

alam ba ng friend mo na nasa blog mo na s'ya? haha ^_^
pero grabe ha, dapat hindi n'ya palampasin yung mga maling pasahod sa kanya, pati yung free lunch? di biru-biro ang OT ha, lalo na pag holiday.

Ako si Yow said...

Shet! Solid na kissing scene pa ito. HAHA. Kawawa naman si Paquita Rose. May kaswertehan siyang babae ah? Malayo mararating niyan. Haha.

Unni said...

ang very good mong kaibigan glentot haha
ang thoughtful mo kasi naalala mo lahat ng kamalasan nya nung 2010 wakuku
sana wag n cyang magpakipot sa 2012 wahaha,,,jusko dami kong tawa,,,,
nice nice

Sean said...

talagang ang malas nga ni rose. malas talaga dahil ikaw ang naging kaibigan niya, joke!

Jepoy said...

Baket hindi nalang kayo ni rose?! Tutal na sex narin naman kayo dati lol

poks said...

kawawa naman..at kababayan ko pa...ahahahaha!

bait mong kaibigan..hayop! ahahaha

orally said...

Gawan mo na lang ng fairytale uli si Rose, yung sya naman kontrabida

Me said...

Nothing beats the pain of a brokenheart... Baka ikaw na ang solusyon sa kamalasan nya :)

Ungaz said...

Langya ka talaga Glentot...SWEETEST FRIEND EVER!LOL...Sana ikaw ang makatuluyan ni Pakita Rose...Alabet!!!LOL

-mark- said...

hahaha, naawaa ako kay rose siguro may asin siya sa puwet,hehe hindi na man siya nagassume na nililigwan siya kc nagassume siya na me pagasa siya sa guy,hahahahah

Poldo said...

At least in 5 sec. narealize mong naging bad kang kaibigan... kaso after that mukhang lumala! wahahaha..

nasesense ko kayong dalawa ang magkakatuluyan sabay kayong lalamunin ng nagbibiyak na lupa pagdumating ang end of the world.. Kaya dapat umayuda agad agad gow! Joke lang! hahaha

ingat idol!

Tsina said...

HAHA. Ang sama mong friend. =p

-=K=- said...

You know what, no matter how much of an asshole you were, Im sure your friend appreciated the fact that you spent time with her to make her feel a lil better (or worse? haha). I've been in the same boat as her and I was able to cope up by hanging around with my male buddies. Men have a unique way of consoling a friend, without making it look so melo-dramatic.

Robbie said...

Wahahaha! Masama ba na natatawa ako sa mga kwento mo tungkol kay Rose? Wahahaha. Grabe naman ang pagka-martyr sa trabaho. DI ko gagawin un.

kaye said...

leche ka glentot! talagang in your face ang mga tira mo ke ate. kunsabagay, sa dami ng kamalasan mo e parang misery loves company ang dramadramahan mo. bwahahahaha!

iya_khin said...

waaah!! kawawa naman ang friend mo!! ikaw talaga nilait-lait mo pa!!

o kung kayo nalang kaya?! weeeehhhh!!!

Donato said...

mukang malas talaga si rose, kasi naging kaybigan ka nya. nyahaha!

sana next time yung love story nyo namang dalawa mabasa ko. ahihi

Jag said...

Malay mo ikaw pala ang destiny ng friend mo hahaha! 2012 yun LOLZ!

Jag said...

Congrats pala Glentot sa bagong datcom hehehe...

APE said...

hahahah! impakto ka Glenn!

ayus yung ending nito. cliffhanger!

Reesie said...

ba't parang hindi ako na surprise na ganito ka talagang kaibigan? haha! :P

Boss Ni Pinoy said...

namiss q n si sasha fierce at khikhi hehe ;) kelan ang next post ??

isp101 said...

Grabe, kawawa naman si rose!!! Dapat di nalang sya pumasok, nasa bakasyon naman sya! Napaka walang utak naman ng mga boss niya, saka isa pa, yung 'di pagbayad ng mga restday at holiday OT nya, 'di tama yun, sana ni reklamo nya sa DOLE! Hehehe! Glenn, tulungan mo nalang magka love life ang kaibigan mo, malamay mo, ikaw pa ang maging mr.cupido! Hehehe!

KikomaxXx said...

hahaha kaymalas na buhay... kala ko pa naman iyakan section yung huli... nanggago ka lang pala.. hahaha...

glentot said...

khantotantra oo close kami nun! sanay na sya haha

maldito haha yeah masakit nga yun buti na lang hindi sa akin nangyari ahahah

tabian naku sya dapat ang gumawa ng sarili nyang swerte hehe

rah haha courtesy of my blog!!!

mike yeah i think she should get a break...

gasul hahahahah bakit naman angh saya ko kayang friend!!!

Kamila haha hindi naman nya alam kasi hindi sya nagbabasa ng blog ko

nieco_speaks haha symphatetic you got it!

Alkapon hahaha syempre para may dramatic moment kunwari ngayon ko lang

narealize

rainbow_box haha ako rin hindi ko malimutan yun

Artiemous haha mas masarap yung guinataang langka flavor!!!

Neneng Kilabot tipo nya yung may abs!

kalokang Pinay sana nga swertehin na sya

Kumacow hahaha pak na pak! you decide

Michael haha syempre specialty ko yun

JanDee haha thats what friends are for!

ghilzie haha you can't find anyone more real than me!

Spiral Prince haha salamat sa pag-confirm!

Greta haha syempre lucky charm ako eh! tignan mo inambunan kita ng swerte!

Rico haha OK lang sa kanya yun natatawa rin lang naman sya

Ruperto hahaha I KNOW RIGHT!!!

Anonymous hahaha ayos lang yan at least napasaya ka haha salamat!

Xprosaic haha nakadocument ang lahat!

Egg oo no maikwekwento nya pa yun sa mga apo nya

carlo hindi nya alam ang blog ko at sana wag nyang malaman!

Yow haha laplapan sa church diba!!!

Unni haha thoughtful ngang maituturing ito!

Sean hahaha sana marealize nya agad yan

Jepoy eeeeeehhh baboy ka hayop!

poks hahahaha malalaman mo yan!

orally haha hindi nya bagay kasi mas bagay nyang apihin!

Me hahaha noooooo! hehe

Ungaz gagu ka kung maka-Sana ka naman jan! haha

mark haha yun nga lang nagkaroon agad ng kasalan!

Poldo haha gagu wag naman!!!

Tsina i know right haha

K yeah I agree. I'd rather laugh with her than cry with her hahaha

Robbie haha it's not your fault ako man natatawa na lang

kaye oo nga eh nagsalita naman akong hindi minamalas ahaha

iya_khin haha walang talunan!

Donato gagu walang ganun ahahaha pakyu

Jag ang tagal na nitong .com ahahaha

Ape haha mukhang wala na tayong aabangan eh baka matapos na ang mga kamalasan nya

Reesie you have no idea ahahahahahaha!

Boss Ni Pinoy eto na kakapost lang uli haha

isp101 haha naku asar na asar rin ako sa boss nya kapag nababanggit nya

Kikomaxxx haha ayoko nga ng Tanging Yaman moment!

Raft3r said...

hehehe
that's what friends are for, ika nga

goyo said...

grabeng kamalasan naman yan. tunay kang kaibigan Glentot. Isa kang tunay at hindi mapapantayan na kaibigan. Para masaulo mo yung mga pangyayaring yun, dabest. Parang pagtae nya sa bus, dabest. haha. Malas na uto uto pa sa libreng lunch. lol. Pati yung sapatos. Lahat! BWAHAHAH! Sarap asarin ng taong yan. hehe.

Maldito y Maldita said...

WOOOOOOOOHOOOOOOOOOOOOOH bow ako sayo! yukong yuko! hahahaha. ikaw na talaga.. parang dapat ikaw ang maldito. hehe tumbling

DEMIGOD WINZTON said...

SOBRANG DAMING PINOY COMIC EXPERIENCES! NAKAKAALIW, AT NAKAKARELATE, PARA SA MGA MUNTIK NANG MAPAG-IWANAN NG SINELAS SA TRAIN STATION, AT NAGPIPIGIL MAPA-JEBS SA BYAHE!
KAHIT LATE NA ANG PAGKAKA-BASA KO NG POST NA ITO. I'M SURE YEARS AFTER 2010 HAVE GIVEN YOU MORE BLESSINGS AND LAUGHTER!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding