second life

Sorry matagal akong hindi nakapagpost, muntikan na kasi akong bawian ng buhay (no joke). Dahil matagal akong hindi nagkwento, isasalaysay ko kung anong muntikan kong ikinamatay, kahit mahaba please bear with me,

Nagkaroon na ako ng maraming life-threatening situations sa buhay ko pero yung nangyari last weekend ang masasabi kong near-death experience talaga.

Flower Festival sa Baguio, at dahil nakagawian ko nang pumunta dun para sa Session in Bloom, 8AM last Thursday straight from work ay sumakay na ako ng bus paakyat. This time, mag-isa lang akong pupunta dun, wala ang fuckingshet na si Khikhi, na mas pinili pang mag-attend ng ibing keysa sumama sa akin. Wish ko lang successful yung libing.

Dahil medyo mahaba ang byahe, kumain na ako nang marami para hindi magutom sa daan. Nag-charge din ako ng mp3 player para tuloy-tuloy ang pakikinig ko ng Aleck Bovick songs habang nagmamasid-masid sa labas ng bintana, nakatingin sa bangin at sa fog...

Mula sa bus hanggang sa pagdating sa Baguio at pag-uwi sa apartment ni Doris (mudrax) ay puro pagkain ang hinarap ko. Matapos ang maghapong paglamon ay natulog na ako dahil 24 hours na akong gising.

And then disaster struck. Kumukulo ang tiyan ko.

Maaga pa as in 6AM eh bumangon ako. Lahat ng dumampi sa balat ko ay malamig, ang tsinelas, ang pintuan ng banyo, ang bowl. At lalo na ang tubig na mala-ice water, pero kinaya ko. As expected wet na wet as in basang-basa ang jebs ko nun. Kebs lang. Matapos ang activity na ito eh natulog ako uli.

Nagising ako uli ng 10AM. Same feeling... parang may steam engine sa loob ng tiyan ko. Paglabas ko ng kwarto ang una kong tinahak ay ang banyo. Naka-lock. At tahimik ang paligid, mukhang mag-isa ako.

Hanggang sa makita ay ang note na iniwan ng Tita Sasha Fierce ko sa mesa:

Nag-grocery kami.


Tinext ko sya agad, nasaan ang susi ng pinto sa banyo? Nasaaaaan? Walang reply. Malamang busy sya sa pagdedecide kung anong bibilhin, Eight O' Clock o Tang. Sino ba naman kasing matinong tao ang maglolock ng banyo bago umalis ng bahay... kahit may naiwan pang tao sa bahay?

Kailangan kong maging kalmado. There's a way for everything. Kalmado akong naghanap ng arinola.

Wala!

At buti na lang wala! Dahil kung meron malamang na-tempt akong mag-squat... Gawin ko man iyon eh hindi ko sya kayang i-blog dahil nakakahiya.

Dahil walang arinola naghanap ako ng malaking kaserola. Joke! Syempre kahit nagpapanic na ako eh hindi naman ako ganun ka-desperate. I let calmness, serenity and peace take over me... and then sinipa ko ang pinto ng banyo.

Kung kanina eh manaka-nakang pag-ulan pa ang buhos ng diarrhea ko, this time full blown na talaga sya, as in signal number one. Thankful ako na naiabot ko sya sa bowl, paano ko ipapaliwanag ang diarrhea sa sahig kung hindi ko sinipa ang pinto ng banyo? Matapos ang session eh saka ko lang nabasa ang text ng Tita ko, Hindi yan nakalock mahigpit lang talaga ang pinto.

Kawawang pinto...

Pagdating ng tanghali bago maligo, nagkaroon na naman ako ng isang session sa banyo. Ang hirap ng pinagdadaanan ko, kasi ramdam na ramdam ko ang paglabas ng liquids. Gumuguhit. As in puro liquids walang solid, at parang gripo sya, full force. Madedehydrate ata ako.

Lumabas ako para makipagkita sa mga friends, kumain at magliwaliw. Mag-iinuman sana kami kaso naudlot nang masalubong ko si Doris sa Session Road kaya napilitan akong umuwi nang maaga. Which is fine with me dahil hindi na maganda ang panahon, nagbabadya na ng matinding pagbuhos...

...and I'm not talking about the weather.

Pag-uwi ko, y naghihintay na dinner kaya kumain muna ako bago mag-drop it like it's hot. At nagkaroon ako ng time na i-analyze kung bakit nangyayari sa akin ito. Inisa-isa ko ang mga kinain ko .

corned beef with egg and fried rice
Chocolas
Peach Mango Pie
barbeque (Promo: 2-sticks for P50)
chocolate smoothie
iced tea
chicken sandwich
nova chips
homemade embotido and longaniza
more chocolates
tinola
chicken corn pizza (note: corn)
hot choco with mallows
sizzling chicken barbeque
tinola again

Dahil hindi na kinaya ng katawang lupa ko ang pinagdadaanan kong trahedya eh natulog na ako. Pero hindi pa tapos ang lahat.

3AM - shit
8AM - shit , nakita ko uli yung corn hihi! Buo pa sila.
10AM - shit during Maynila, a very fun and not-boring TV show
12 N - Shit during Eat Bulaga, noontime attack

Syempre habang nangyayari ang mga ka-shitan na ito eh ginawa ko ang mga sumusunod na recommended cures nila Sasha Fierce at Doris:

Uminom ng Diatabs
Kumain ng mansanas
Magsuot ng medyas
Uminom ng sabaw ng bayabas
Uminom ng maraming tubig
Switch to Imodium

At syempre kumain pa rin ako uli, this time hipon ang ulam namin. My favorite... ipinaghimay pa ako ni Doris. Nawalan na naman ako ng control sa pagkain.

Matapos kumain, habang nanonood ng TV, nag-iba na ang pakiramdam ko. Hindi lang tiyan ko ang may problema, worse.

Nagdilim ang paningin ko.

Umiikot ang paligid kaya tumingala na lang ako. Pinilit kong kontrolin dahil kailangan kong umalis ng bahay at babalik na ako ng Manila. Pumikit ako. Lalo akong nahilo, kaya tumingin ako kay Doris.

"NAMUMUTLA KA!!!" sigaw nya sabay takbo papalapit sa akin at niyakap ang ulo ko sa kanyang dibdib at hinaplos-haplos ang mukha ko. "Anong gagawin ko?" sabi nya. Ramdam ko na ninerbyos sya.

Sabi ko nasusuka ako kaya inakay nya ako sa lababo at doon ako muling nakipagkita sa mga kinain ko. Hello corn, hello chicken, hello chismosang shrimp. At parang naaninag ko pa yung corned beef na kinain ko two days ago. Sa bawat batch ng food groups na sinuka ko eh na-realize ko na baka kaya ako nagdi-diarrhea dahil hindi natutunaw ang mga kinain ko.

Buti na lang matapos akong sumuka ay umayos na ang pakiramdam ko.

Dahil sa pangyayaring yun na-postpone ang pag-uwi ko ng Manila. Pakiramdam ko talaga eh muntikan na akong namatay at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung diarrhea ang dahilan ng pagkamatay ko.

So now I'm living my second life, and I promise not to waste my second chance here on Earth. I'm one of the lucky ones to have a very close encounter with death, and I was blessed to survive.

Thanks to Imodium.


Bwahahah sponsored post?

62 comments. Post your comment here.:

khantotantra said...

naranasan ko yan, (hindi yung malockan ng banyo). Nagkasakit ako ng amoebiasis. almost every hour ay nasa cr ako. di kinaya ni diatabs at imodium. yung nireseta pa ni doc ang ginamit ko. 4 days na sira ang tyan tapos 3 days recovery.

andami mo palang nakain bago umakyat. :D

Sendo said...

bwahahahhaa ...buong buo pa talaga sila lahat~!! haha. super near death talaga ha! haha....grabe rin naman kasi nakain mo noh nyehe..kaya magbaon palagi ng Imodium

Nimmy said...

bakit kaya ganun ung corn? kung ano itsura nya pumasok ganun pa rin paglabas? hahahahah :P

Rio said...

nangyari na din sa akin yang soooooooooobrang pananakit ng tyan.inakala ko nga na mamatay na ako dahil sa sobrang sakit.salmonella naman ang dumali sa akin.dahil daw yun sa egg na nasa sans rival cake.di kasi naluluto yun e.nag stay ako sa ospital ng 3 days nun.

nyay! nababahaba na comment ko..
basta ingat lagi sa mga kinakain..mahirap sumakit ang tyan.:)

tabian said...

wow! hindi ka masyadong nagkakakain, in fairness...hehe
pero buti naman at ok ka na..cheers!

Diamond R said...

hillow corn. di ko alam kong maaawa ako sa sinapit mo or matatawa lang talaga.naiimagine ko kasi ang mga close encounter mo sa mga kinain mo as if parang buhay na buhay pa silang lahat.

Pero mabuti naman nalampasan mo ang trahedyang ito.

thanks to Imodium at sana buminta siya ng tudo tudo.

poks said...

nangyari sa akin yan..ilang araw na tubig ang tae ko..pero hindi dahil sa kinain kasi hindi ako makakain nong time na yun kundi dahil sa tensyon! yu nuw..nong na broken pekpek ako!! seryus na nangyari sa akin!

apir tayo sa hipon!! kahit hipon buong taon,ahahaha

nieco_speaks said...

wow, andami mo namang nalantak sir. explains why posibleng d ka natunawan. eheheh..

parang lahat tayo dito sir ay nabiyayaan na ng 2nd life. buti na lang at hindi humantong sa ospital ang kwento mo. good job imodium.

Hello corn, hello chicken, hello chismosang shrimp. >> classic. wahhaha

The Gasoline Dude said...

Akala ko naman nahulog 'yung bus na sinakyan mo sa bangin. Diarrhea lang pala. Tsk tsk.

kalokang Pinay said...

Glad you're feeling better, wawa ka naman. Pero ask ko lang kung anong kinalaman ng pagsuot ng medyas?

Reesie said...

Ay nako, akala ko major na major ang nangyari sayo glentot! Bigla akong kinabahan. Chos! Siguro kumain ka ng double dead na meat. LOL. Glad you're okay though.

Kamila said...

nyahahahah.. hala wait.. ano nga ba sasabihin ko? nakalimutan ko..

akala ko yung bus trip ang near life experience mo eh.. kase yun ang unang pumapasok sa isip ko pag-papuntang bagyo..at ano naman konek ng pag-suot ng medyas.. hahahaha...

baka nga hindi natunaw ang pagkaen..ang dame nun ah.. di ko carry parang pang tatlong araw yata nakaen mo..pero sabagy lalake ka naman..

lol..

ingat na lang sa susunod sa mga pagkaen..wag masyado marami...

mots said...

tsk tsk tsk..puno na raw ang septic tank niyo. ipasipsip na yan!

ang una ko talagang naisip eh yung tipong makabasag butong kamatayan. mas matindi pa pala dun. nakita mo ba yung liwanag sa dulo ng tunnel?

ipadala mo tong kwento na to sa 700 club asia.

Allen said...

leche ang mahal ng barbecue nyo! 25 pesos isa! ano yun, fine dining na barbecue?

natawa ako sa "disaster struck". Naaalala ko yung google chrome incident ko sa blog mo.

"Sasha Fierce disaster struck!" wahahahaha!

goyo said...

Magaganda ba ang mga kanta ni Aleck Bovick? haha.

Baka suka't tae yun sir. Hehe. Buti na lang nakaligtas ka sa near death experience na yan! Salamat sa Lumikha! lol.

Gusto ko yung Archive dito sa blog mo. Gusto ko din gumawa ng ganun, pero tinatamad ako. Nung nakita ko na libo libo na ang post mo, hindi pala ako dapat tamarin. hehe.

LordCM said...

parang ako lang nung isang buwan, mansanan lang gamot jan :D

taribong said...

Naan-annonganka daw!!! :D
Welkambak!!!! \:D/

runmdrun said...

arte! akala ko naman kung ano'ng life threatening incident naman! kunsabagay, maraming BATA nga naman ang namamatay dahil sa dehydration. Aysus, ilang taon ka na ba tutoy?!hehe
para sa akin, ang mabisang panlaban sa ganyan umiwas sa gatas - lactose-intolerant kasi ako! yun lang!

caloy said...

nainspire ako sa sinulat mo. :) i love the structure ek ek pakyu!

Jepoy said...

Skip read! I love the honesty on this post.. Blog on!

Lol

Nanyari narin sakin yan ang ginawa ko kinain ko ulit yung tae ko.

Kala ko pasyal ka sg? Sus magbook na!

mike said...

WTF....i thought you'll say something like "i saw the light at the end of the tunnel".

this is just nasty. shit, shit, and more shit......what a very inspiring story. i like it! :)

kaye said...

mygaaaaadddd! bwisit, kabalik balik mo puro katatawanan na naman mababasa ko. ang gulo mo talaga!

kaya ngayon mahalin mo ang second life mo. hindi kaya biro ang pinagdaanan mo. biruin mo, kuntodo diarrhea ka na e kung anu ano pa rin ang kinakain mo. parang normal bowel movement lang at di kelangang ipreno ang sobrang pagkain ng sarisaring lamang tiyan. XD

ISTAMBAY said...

mabuti na lang sir at tumingala ka.. malamang pa sa alamang kung hindi mo ginawa un.. sa ospital ka na nagising.. naranasan ko na din yan, ung tipong magdidilim ang paningin pero nilabanan ng isip ko... takot ang unang pumasok sakin eh. sa case ko nga lang eh lagnat o trangkaso yata un...

magandang araw sayo sir..

rah said...

Ang first aid talaga sa dehydration na cause ng diarrhea ay pag inom ng oral re-hydration salt (Orasol) katulad ng Hydrite.

Well, ok naman ang Immodium, the only problem is, it is an "anti motility" or iniistop niya yung paglabas ng toxins. Yung symptom lang niya ang pinipigilan niya. Hindi siya treatment.

Buti nalang ok ka na. Dahil jan, magpapansit ka naman. hahaha

hArTLeSsChiq said...

hahaha kasi naman parang wala nang bukas ang ginawa mong pagkain, ayan tuloy...

buti naman ok ka na, kain ulit ng marami ha!

KUMAGCOW said...

what a shitty day hahahaha

Xprosaic said...

Wow! usapang tae pala ito...lol... maswerte ka binigyan ka ng another life... lol... sa susunod kainin mo na naman apples, oranges at grapes para pag lumabas buo pa din... lol

Spiral Prince said...

OKAY.
1.) I love your Mafia+Crow+Despicable Me-esque lay-out
2.)Wag kasi kain ng kain, mag share ka kasi. Yan ang lesson ng near-death-shitty-experience na ito.

Pagaling ka glentot!

Michael said...

LOL. Pareho tayo, naranasan ko na rin iyan, been there done that, at mas madalas pa sa iyo ang di mapaliwanag kong bowel movement dahil ang tiyan ko na ang pinakamalandi. Talagang natuwa ka pa sa mga corn na hindi natunaw. :D:D:D:D

WV: reergeni. Wala lang. :D

jedpogi said...

buti na lang at nakaligtas ka hehehehe ... Cheers to that!

egG. said...

grabe... bute po nakakahinga pa po kayo ngayun....

at bute at di po kayo naospital... neks taym hinay hinay po sa pagkain ah... hintayin muna matunaw ang mga pagkain bago kumain ulet hehehehe :D..

ingatan po ang second layp phowwwzzzzz :D

Yj said...

that's not what i heard!

ahahahahaha iba daw ang sumakit sayo eh....

yaiy... shit ka talaga!

Ako si Yow said...

Impacho yan. Haha. Ang dami mo kasi kinain, parang ikaw lang ang gutom sa mundo. Ayan tuloy. Bute nga hindi ka nadehydrate? Sa dami ng shit na nabasa ko. Haha. Hinay hinay lang kasi, hindi maaccomodate ng maliit mong anyo ang madaming pagkain. Nyahahaha. Joke lang. Akala ko nadaganan ka ng bulaklak ng panagbenga. Haha.

Keatondrunk said...

buti bro ok kna, ingat ingat lang ha, yan kc hehe!

bHeniPotpOt said...

shitful day pla un! near death expi nga! buti hindi ko pa nararanasan. mas matindi pa yata un sa dysmenorrhea ng mga babae e xD

fetus said...

sobrang tae naman tong post na to! hahaha...

muntik na akong namatay nung bata pa ako sabi ng mga magulang ko dahil sa pagtatae. seriosong usapan pala ang shit na to. lol...

-mark- said...

hahahaha, bakit ako kapag ganyan nagloloko ang tyan, parang pabor sakin. ang sarap sa pakiramdam ko na nakaupo ako sa trono at parang gripo ang .... hahahaha iba ang second life na experience ko, dahil talagang masasabi ko second life, parang si papa jesus na nabuhay ulit.hehehe

Pinoy Adventurista said...

na-miss ka namin... ang tagal mong nawala eh... char! =D

Ungaz said...

kaw na magana kumain.ayaw papigil?!hahaha...konti konti lang kasi.masisira figure mo sige ka.kmusta naman di ba sumasakit pwet mo ngayon?LOL...ingatz

Ruperto Prieto Jr. said...

kawawa ka naman glen. i really hope you're okay. na-experience ko din yan and it's really exhausting and painful. Hope you won't be in that ordeal again! GOD bles!!!

Sows said...

haha. isa ka tlgang nakakaaliw na biatch. JOKE.



at nga pala, after 10,000 BC nag update nako. kakahiya nmn sau eh. :P

Donato said...

hahaha. wla ka pa ring kakupas-kupas.

sabi nila pag muntikan na daw mamatay yung isang tao dun daw nabubuksan yung kanyang third eye.

humanda kna sa mga susunod mong mararamdaman... LOL!

Tsina said...

Hahaha. Buti hindi ko pa nararanasan iyan. Salamat talaga sa Imodium. =p

KikomaxXx said...

ahaahha natuwa lang ako sa corned beef and everything about corn.. ahahha.. di nga natunaw... may close encounter din ako ng mga ganitong situation.. ahehehe...

Raft3r said...

nyahaha

life is good
kita mo, may sponsor ka na agad!
hehe

ano pala nagagawa ng pagsuot ng medyas?
=P

Traveliztera said...

oy wag ka maging gollum!!!

Oliver said...

sponsored post! hahaha.
ano yun? di ba pag ganyan food poisoning na? or not? (sori ignorante lang, haha.)

T.R.Aurelius said...

tama hindi ka natunawan kaya nagreact ang tiyan mo, hindi rin niya mailabas kaya ka nagvomit,

hinay2 lang sa food kuya glenn


:)

iya_khin said...

tawag dyan eh K-C-B-AN! hahaha! sa dami mo naman kasing nilamon di malayong mag kaganyan ka nga.

Next tym control na sa pagkain..(nagsalita ang mataba) hahahah!

sarap kasing ngumasab!

buti nalang ok kana. ingat ka kasi!

Unni said...

kung anu ano lang kasi ang kinain eh ahihi,,,
anyway salamat at buhay pa ang glentot dahil kung hindi wala na tong wickedmouth.com jokes..
pero enferness natawa ako sa malaking kaserola haha..
nakakalimutan ko problema ko pag nagagawi ako detei...

hinay hinay lng sa paglamon next time wakuku...

glentot said...

khantotantra naku amoebiasis na pala yung sayo buti hindi ka naospital...

Sendo actually eye-opener talaga ang nangyari na yun. From then on lagi na talaga akong may imodium sa bag

Nimmy yun nga eh, nakaka-amaze. Same with malunggay.

Rio shiiit total nightmare! ayokong maospital naman buti na lang hehe...

tabian sobrang cheers! and to celebrate, kain uli

DiamondR haha kung nag-spike ang sales ng Imodium sa akin sila magpasalamat hahaha

poks oo noh kung broken hearted este broken pekpek ka everything else followd, lahat masakit

nieco_speaks haha oo nga eh pasalamat ako at hindi ko kailangang gamitin ang Maxicare

The Gasoline Dude hayup ka ipinagdadasal mo bang matuluyan ako sa bangin

kalokang Pinay kasi malamig noon, at sabi nila sa talampakan daw pumapasok ang lamig ahaha

Reesie tingin ko nga yung promo na barbeque ang salarin, mabilisan kasi ang ihawang naganap...

Kamila sarap kasi kumain sa bus trip eh kasi diba boring... mas pipiliin ko na magtae keysa maaksidente sa daan

mots hahaha tingin ko nga ang dami kong naicontribute sa septic tank. actually habang nakaupo ako sa banyo nakikita ko na ang liwanag muntik na akong kunin!

Allen hahaha You got chromed! oo nga ang mahal ng barbeque at tingin ko yun talaga ang salarin kaya nasira ang tiyan ko

goyo may super gandang kanta si Aleck Bovickkkkkkk!!! Gusto ko ang nota ang title nya hahahaha

LordCM isa nga yun sa mga kinain ko

taribong anong Naan-annonganka???? hehehe

runmdrun 23 pa lang ako klaya prone ako sa children's diseases!!! hahahaha

caloy pakyu! hahahaha

Jepoy pakshiet ka, plastic! may linya ka pang "magpost ka everyday" hindi ka naman nagbabasa hayuuuup! saka na yung pasyal madami akong gastos this year eh hehe

mike i actually saw some light dancing around my eyes... kapag umiire hahaha

kaye sobrang mahal ko na ang second life ko and I promise to watch what I eat haha

ISTAMBAY gaun ba yun??? hindi ko alam na tama pala yung ginawa ko. Tumingala lang ako kasi feeling ko umiikot ang lahat ng tignan ko.. Tapos huminga lang ako ng malalim tapos nakita ko yung dumidilim na mula sa gild ng paningin ko hanggang sa gitna, dun na ako niyakap ng nanay ko, siguro kung hindi sya kumilos hinimatay nga ako.

glentot said...

rah haha now I know the difference, salamat! kaso hindi ata masarao yung Orasol

hartlesschiq haha oo back to normal pero i watch what i eat na hehehe

Kumagcow you got that right!!!!!!!!!

Xprosaic haha baka naman buto ang kinakain mo kaya buo pa rin paglabas hahaha

Spiral Prince haha salamat sa pag-appreciate ng layout!!!

Michael oo no tuwang tuwa ako dun sa corn, na-aamaze ako eh

jedpogi oo kasi diba nakakahiya sa mga kamag-anak namin na malamang namatay ako sa diarrhea haha

egG oo nga eh natuto na talaga ako sobrang fear ko pa naman magkasakit

YJ pakyu! hahahaha mali ang sources mo

Ako si Yow gagu! sabagay kaya nga siguro lumabas uli kahat hahahahaha

Keatondrunk oo nga eh ayoko na malagay uli sa ganung shituatiom

bhenipotpot hahaha ah I think mas masakit pa rin yung dysmenorrhea kasi monthly un eh hehehe

fetus naku nakkaatakot kapag sa bata ito nangyari may chance nga na matigok si kid

mark haha ayoko na ng ganung feeling parang nauubos ang dignidad ko sa bawat buhos

Pinoy Adventurista hahaha oo nga now I;m back!!!!!!!!!!

Ungaz haha my ass is sore hahaha pakyu!

Ruperto emphasis on painful!!!!!!

Sows hahaha sige sige magbabasa talaga ako dun hahaha

Donato pakyu ka, pakyu! parang may nakita kasi ako sa bahay kagabi at ayokong i-acknowledge dahil from now on matatakot na ako, tapos mababasa ko itong comment mo! mag-isa lang ako sa bahay!!!! huhuhuhu help

Tsina haha oo gusto ko ngang maglagay gn ad ng imodium eh

Raft3r yung medyas naiibsan nya ang lamig na pumapasok sa talampakan hehe

Traveliztera hahaa Maaaaaaaaaaaaay Preeeeeeessssssssssssyooossssssssss!

Oliver haha hindi naman siguro food poisoning, baka overeating lang haha

TR Aurelius minsan may good benefits talaga ang pagsusuka

Iya_khin tama ka ang sarap ngumasab lalo na ng corn!!!

Unni haha ayoko naman mamatay agad kakapalit ko lang ng layout!!!!

SALAMAT PO SA INYONG LAHAT SA LOVE AND SUPPORT BWAHAHA MWAHCHUPA!!!

APE said...

katakawan much?!

buti hindi nagkasabay yang pagtatae mo sa tsunami. malamang katapusan na ng mundo kung sakali. bahahaha.

MiDniGHt DriVer said...

hehehe.. classic glentot!

Ang mais Bow!

Ester Yaje said...

aaaahhhhhhhh! lang ya! akala ko kung ano. pagtatae lang pala. haba nun kuya glen. and in fairness, hindi ako na bore sa pagbabasa. magaling magaling, magaling talaga akong magbasa! yan kasi kung ano anong masasarap ang kinakain, kung shinare mo pa yan sa kin, sana dalawa tayong mahahappy for our second life. anyway, anong ini-imply mo sa comment mo sa post ko?

domjullian said...

ako din minsan nakakakita ng corn...minsan naman kangkong

cArLo said...

kung ang banyo ay naka-lock, either:
1) may asong kinulong dito...
2) gawa sa ginto ang bowl, malamang ninakaw sa kaisa-isahang 7 star hotel sa dubai, or
3) meron talagang tao, may kasamang iba, tumahimik lang para di mahuli.
haha joke!
LOL @ ALECK BOVICK!! serious?!??? hahaha ^_^ buti nalang na-share ko senyo si aleck bovick. nag-iba ang pananaw ko sa buhay dahil sa kanta nya. wahaha :)
nice blog a! follow na kita :)

gasti said...

grabe namang pagtatae yan. naalala ko tuloy yung dati nagkaganyan ako. nagblackout ako ng mga 5 seconds sa loob ng banyo habang nakaupo sa toilet bowl.

buti nalusutan mo ang kabantutan na dinanas mo

glentot said...

APE actually greates fear ko maabutan ng earthquake habang jumijebs haha

Midnight driver haha salamat!!! shoutout sa mais

Ester salamat natuwa ka. sasabihin ko sana parang may career ka sa pole dancing pero baka maoffend ka haha

domjullian hahahaha!!! may isa pa, malunggay!

carlo Aleck Bovick changed my life. For real. mas naging katanggap-tanggap ang end of the world dahil sa contribution nya sa music

gasti hahah shyet buti nakasurvive ka!!!

cArLo said...

onga... thanks talaga sa music ni aleck bovick.. ngayon di na ako takot sa 2012 or kung ano mang year na di naman dumadating hehe : )

Anonymous said...

di ba vertigo ang umatake sa u..

eligadz said...

di mo pa talaga oras sir glen, magiging manggagamot ka nyan siguro :P

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding