ang mga apo ni don tiburcio

Recently, may mga balikbayang bloggers (hindi ko na babanggitin kung sino dahil secret lang daw ang pag-uwi nila) na nag-set-up ng isang mini-get-together. Dahil ako ay likas na kaladkarin, mabilis akong nagpunta. May kainan eh haha. At may mga um-attend na mga bloggers na dati eh sa blogs ko lang nakikita at sa wakas nakilala ko sila.

Masaya naman ang kainan at kantahan at kwentuhan. Kaso ang aga magsara nung napuntahan naming place sa Seaside Macapagal, at dahil bitin pa kami, dumiretso kami sa MOA para ipagpatuloy ang alcohol intake.

Pagdating sa isang bar/restaurant dun, pag-upo sa table namin, mabilis akong nagmasid-masid at sa di-kalayuang table, may nakaupong limang babae.

Actually, dalawang babae at tatlong apo ni Don Tiburcio. Yups, mga teenager na tibo. At sa aking pagmamasid sa ayaw-paawat na PDA, yung dalawa dun eh mukhang magjowa, yung isang tomboy lang ang walang jowa. Fifth wheel sya.

Wala naman akong masamang masasabi sa kanila, or sa mga lesbian in general. Pansinin lang talaga sila kasi full blown lesbian get-up silang tatlo. Gupit lalaki, over-sized shirt, at lalaki talaga sila kumilos, sa unang tingin eh mapagkakamalan mo talagang mga lalaki. Hindi na phase ang pinagdadaanan nila. Hindi na sila confused. Decided na sila. Tahong over talong. Sugat over ugat.

Syempre napansin din ng mga kasama ko yung grupo ng mga tiboli, lalo pa at panay ang point out ko sa kanila na "LOL, may KFC sa kabilang table..."

KFC as in finger-lickin' good.

At ni-point out naman nila sa akin, "Ah, mga Lulu..."

"Huh? Anong Lulu?" tanong ko.

"Lulu... Basta, Lulu. Ulit-ulitin mo..."

"Lulululululululululululululululululululululu- ah OK gets!"

Mga ilang minuto pa eh nakaramdam ako ng weewee kaya nagpunta ako sa toilet. Eh yung toilet ng place na yun, unisex. May bowl at urinal sa loob (sabi nga ng kasama naming balikbayan blogger na itago natin sa pangalang Pkpk Queen, kapag nakaupo daw sya sa bowl eh kaharap nya na yung urinal, pwede na sya maghilamos dun sa sobrang lapit sa mukha nya).

Anyway, dahil isa lang ang toilet, may pila. At isa sa mga nakapila eh yung isang teenager na tibo. Habang nakapila kami eh palihim ko syang in-assess. Naka-wax ang hair, check. Baggy pants, check. Wala syang boobs, check. Tingin ko eh nagsuot sya ng girdle or something para mag-flat yung dibdib nya. Tinignan ko ang face nya, maganda sya. Hawig nya si Pia Archangel.

Panay ang tingin nya sa salamin, tinitignan ang sarili nya. Parang nag-papractice sya ng iba-ibang pose. May nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa, merong nakasandal ang siko sa wall. Pa-macho effect. Naisip ko, "Ang siga-siga mo eh pagpasok mo jan sa toilet, uupo ka rin. Hihi."

Uulitin ko, I have nothing against sa kanila. Naaliw lang ako dun sa teenager na yun. Kaya habang nakapila eh parang gusto ko syang alayan ng awiting "If I Were A Boy..." hahaha joke.

Pagbalik ko sa table namin, tuloy uli ang kwentuhan at inuman at hindi nagtagal, naiihi na naman ako. So nag-CR ako at pagbalik ko, excited yung mga kasama ko na ikwento ang mga pangyayari habang wala ako.

"Pina-take-out nila ang naiwan nilang beer!"

Paalis na siguro ang mga tomboy at nanghinayang sila sa hindi nila naubos na beer, kaya gusto nilang dalhin. Pero syempre ayaw nilang dalhin ang mga bote. Kaya ipinaplastic nila ang beer. Parang softdrinks lang. At dahil maraming bote ng beer yun, maraming plastic ang ginamit. Kaya pagsulyap ko sa table nila, may isang malaking plastic bag dun (yung plastic na pang-grocery) na ang laman eh mga nakasupot na beer.

OK wala namang masama kung ayaw nilang iwan yung beer na hindi nila naubos. Pero first time kong makakita ng ganun.

At mukhang nag-CR ang mga kasama ng tomboy, kasi mag-isa na lang sya (yung fifth wheel na walang jowa ang naiwan). Kaya habang hinihintay nya silang bumalik eh nilantakan nya yung kropeck.

Tuloy pa rin ang kwentuhan at inuman namin as time went by. Kailangan kong i-emphasize ang time went by, dahil mahabang oras na ang nakalipas, hindi pa rin bumabalik ang mga kasama nung tomboy. Pero cool lang sya, pa-munch-munch lang ng kropeck at pa-bounce-bounce ng head sa beat ng live band.

Tuloy pa rin ang kwentuhan at inuman namin as time went by. Hindi pa bumabalik yung mga friends ng tomboy, but it's cool. Natagalan lang siguro sa pila sa toilet.

Tuloy pa rin ang kwentuhan at inuman namin as time went by. Hmm nasaan na kaya yung mga friends nya... For sure may reason kung bakit sila natagalan. No need to panic though. Hawak nya ang cellphone nya pero hindi ginagamit, low-batt siguro. Munch-munch pa rin ng kropeck.

Tuloy pa rin ang kwentuhan at inuman namin as time went by. Ubos na ang kropeck. No need to panic. Pabalik na rin siguro sila.

Tuloy pa rin ang kwentuhan at inuman namin as time went by. Balisa na ang tomboy. Balisa na rin ako kasi bakit hindi na sya binalikan ng mga friends nya! (affected???) Nagsisimula nang magligpit ang mga waiter. Magsasara na ang bar.

Nilapitan na ng waiter ang tibo. Syempre hindi ko marinig ang usapan, pero parang ganito:

Waiter: Sir we're about to close.

Tiboli: Sandali lang kasi hinihintay ko pa yung mga kasama ko, nag-CR lang sila.

Waiter: Sir, are you THAT stupid? Don't be naive. Look around you, look at your watch! They were gone for hours! Your friends ditched you! They're probably out there by now, laughing their faces off because you were so stupid to fall for the toilet trick. You think this only happens in movies?And you really wanna wait here? My God, wake up!

Ako naman, sa isip-isip ko, kapag itong mga kasama ko eh biglang nagpaalam mag-CR nang sabay-sabay, magkakamatayan muna bago ako magpaiwan.

Maya-maya pa eh tinawag na ng Manager ang tibo kaya pumunta na sya dun sa counter, habang kami naman eh pack-up na at uwian na. Kahit gusto ko pang masubaybayan kung anong nangyari dun sa tibo, hindi naman pwedeng lumapit ako sa counter at maki-uzi.


Pero malamang, nagkaroon ang tibo ng isang ma-Axion na moment.

Umalis na kami, and all I can do was look back at that lonely, abandoned plastic bag na puno ng beer at naiwan sa upuan...

Sa totoo lang nakakaawa ang nangyari dun sa tibo. Biruin mo, pumunta ka dun na walang ka-partner, habang yung mga kasama mo eh naglalaplapan sa harap mo, ikaw eh nagkukuyakoy na lang... Tapos surprise! Ikaw ang magbabayad ng bill! At uuwi kang mag-isa!

Parang gusto ko syang alayan ng isang awitin... "Ang kawawang tomboy... may baril walang bala blah blah blah"

At ang masasabi ko lang dun sa kaibigan nyang iniwan sya na walang pambayad sa inorder nila,

SHAME ON YOU! KAHIHIYAN KAYO SA LAHI NI DON TIBURCIO!

53 comments. Post your comment here.:

Khantotantra2 said...

Tahong over talong. Sugat over ugat.>> wahahahaha. kulit lang nito.

Pero nakakaawa si 5th wheel, parang naging bodyguard na lang ng dalawang couples tapos sya pa nagbitbit ng beer na naka-plastic.

kaawa-awa talaga. naghugas kaya sya ng plato?

tabian said...

Na windang ako sa isang supot ng beer..pwede bang may straw na rin?hehe
wawa naman yung nang iwan, kasi wag eengot engot..

mike said...

i don't get the "Lulu" part? slow learner here so please specify.

about the 5th wheeler, i do hope s/he had some monies to pay for the bill...tsk tsk. that's what friends are for....

creexs said...

Korek, anong meron sa lulu? di ko rin ma-gets. ..

claudiopoi said...

haha. nakakatawa, as usual! kawawa naman si fifth wheel. parang pinamudmod talaga sa kanya na malungkot ang buhay nya. wala na nga siyang jowa, naibsan pa ang kanyang kaban ng yaman. ikaw na ang magiting na observer, glentot! haha :D

empi said...

Kawawang nilalang...naisahan ng mga friends. :D

di ko pa rin ma gets ang Lulu kahit paulit ulit ko ng sinabi. :D

Maldito y Maldita said...

taena totoo ba to. hahaha kawawa naman ang timberloo. hehe kainggit naman kayo. nagkaron ng instant blogger eyeball. sama naman minsan haha :)

MiDniGHt DriVer said...

hahahaha.. as time went by nakabalik din ako dito. LOl.. Nasabi sa kanya ng waiter yun? inpekness.. hehe...

Pero ika nga nila, Nasa tomboy ang tunay na pagasa ng mga dalagang Ina. hehe..

tsk tsk.. sama nung mga tropa nya, hinayaan syang mapa-axion magisa. Kung sa bagay, sigurado naman na may AKSYON din na ginawa yung dalawang pares. hehe

Supladong Office Boy said...

Grabe. Kawawa naman si 5th wheel.. Dapat sinamahan mo muna para hindi naman siya nagmukhang kawawa dun.

Though nayayabangan talaga ko sa mga lesbians lalo na sa mga porma at tindig nila na akala mo ay may et*ts din sila, pero kung ganito naman makikita mo nakakaawa din kasi kahit papano babae pa rin sya.

One lesson learned, wag hahayaang maiwan mag-isa lalo na sa ganyang gimikan. Sumama rin sa CR kung kinakailangan. Wahahahaha.

egG. said...

nakakaawa naman :(

pero nahilo ako dun sa paulit-ulit mong sinabing

tuloy pa rin ang kwentuhan... blah blah blah blah.....

------

kawawa naman... expect ko pa naman me riot na mangyayari sa kwento mo.. pero naawa ako.. :D

Anonymous said...

ay kawawa naman..

hArTLeSsChiq said...

saklap naman ng kapalaran ni ate/kuya, sabit na nga, siya pa pala ang magiging taya.

for sure iistrawhin ni ate/kuya yung beer pagkatapos ng ma-axion niyang kinahinatnan. basag na basag!

domjullian said...

sama ka kasi ng sama e. lol

Diamond R said...

Binayaran naman seguro ang bill ng dalawa bago ito umalis.Ang di ko lang maintindihan sa kanya bat naman siya nagiisa. awitin ulit natin ang kawawang....

ang lufet ng obserbasyon mong ito.pero masaya.

kaye said...

awww...I didn't know there's still someone as gullible as that obit. kawawa naman. :-(

Poldo said...

In-fairness naawa ako dun kay 5th wheel Obit... Putragis sana may bala sya kahit papano para makaiwas sa AXION.. Wala na ngang ka-KFC at di magagamit ang LULULULULULULULULULULU...

teka hulaan ko si PKPK QUEEN.. si Ate kandirit ba sya? yung galing sa lugar ng mga supotnasausage? hula lang ha!

ISTAMBAY said...

muntanga na si boy, naghihintay na pala sa wala. kasaklap naman, sakin gawin yan, ubos ang lahi nila hahaha.. joke lang...

nakakatawa ang sabi ng iba, ako naaawa.. hindi dapat ganon diba sir?



magandang araw sayo sir

KUMAGCOW said...

howmaygad!!!!!!!!

disgrace nga cla... fifth wheel na naging flat na gulong!

Ako si Yow said...

Ang laswa pala ng utak ko, akala ko totoong nagbanyo yung mga tomboy at babae tsaka nagpompyangan sa banyo kaya matagal. Hahaha. Anu be! Iniwan pala, shet, pinagtripan. Kawawa naman.

Ang tawag naming magkapatid sa mga Ate na pogi na may bebegel na syota eh BabyLove. Haha. Isang strange encounter kasi ang naranasan namin kung saan may katabi kaming magboyfrie.. maggirl.. I mean, magkarelasyon na tomboy at babae at tawagan nila eh Baby Love. Shet lang. Haha.

kristian said...

oo nga. kakaawa naman c 5th wheel. 5th wheel (kasi wala nga naman siyang partner), iniwan pa ng mga langyang kaibigan.

Di ko pa rin nagets yung Lulu. Ano ba yan? Di pa siguro nakalakbay ang term na yan sa aming kabukiran. haha

Kamila said...

Unang una.. di ko nagets ang Lululululululululululu... inulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ko... so di ko pa rin nagets.. anyhoo...

kawawa naman siya ever! Grabe! Ano ba! As in ANO BA! Affected din ako.. :( Huhuhuhuhu.. Sayang di mo nalaman ang ending ng kwento nangyari sa kanya

The Gasoline Dude said...

Teka muna, parang andiyan ako sa meetup na 'yan pero hindi ko alam 'yang kuwento tungkol sa mga apo ni Don Tiburcio. Ako na ang hindi kasama sa usapan. Ampf.

♥superjaid♥ said...

nung una di ko magets kung bakit KFC at Lulu mga 5minutes bago ko nagets hahaha anyway..kawawa naman si 5th wheel tsk ang mga ganung kaibigan dapat di sinasama sa inuman eh tsk

wv: panis --- hehehe

Michael said...

Iba ang nasa isip ko kung bakit ang tagal nilang nawala. LOL. May sense nga naman ang iniisip ko, kasi wala siyang kapartner. Ahihihihi... :D:D:D:D:D

Nimmy said...

lululululululu! gandang tongue exercise!!! panalo! salamat! :P

Keatondrunk said...

patay na! kaawaawa nman ung isa laki pa ata ng bill cgurado suntukan sunod na magkitakita un

silentassasin said...

Kailan nangyari ito April 1??
Those mean girls..or shld I say lesbos!!!

maldito said...

kawawa naman.....noong una ko palang nabasa na sinupot ang beer..i know ders something wrong..hehehe...potah..malalaman nalang natin sa tv...grupo ng mga tiboli...pinaslang.ahahha

Sendo said...

me mauuto pa pala ng ganun? haha.

Spiral Prince said...

kawawa naman siya...

tinulungan mo sana, glentot! :P

Reesie said...

Hahaha! Axion moment talaga! Haha. Grabeh naman! Meron palaga talagang ganon? Sana malason yung apat na kaibigan niya.

ANg galing-galing mo magkwento Glentot! Nahulog (charing) ako sa chair ko sa kakatawa.

orally said...

Tahong over talong. Sugat over ugat. loveit. magamit nga to sa conversation ko with friends na Lulubelles

Xprosaic said...

Ahahahahahhaha adik! at ilang beses pa istress ang "time went by"... ahahahhahahah...

Sows said...

haha. nabasa ko to kahapon s ofis now lng nka comment. kakaawa. kaso mo, mxado kc xang mapagtiwala. hnd palageng kapwa ko mahal ko, ateh!


char! :P

stevevhan said...

hindi ko magets yung lullullululululululu pasensya naive lang!

hahahahaha, obrang daming lols!, hahahahaha. At infearnes ha and dami kong natutunan, KFC pala ha?check, check na check!

kawawa naman siya, may i goodbye yung mga friends niya, hindi ba mudos lang yun?, diba hindi na uso ang maAXION na paggawa diba retso jail na?aw!

hay naku, akala ko kung anung don tiburcio yung lang pala synonym pala ng ethnic group na 'tiboli haha

Prinsesa BatongOrange said...

putangina what a story! badtrip ako ngayong araw na to buti na lang nabasa ko entry mo. at least may nalaman akong bago: Lulu. wahahahaha.

VICTOR said...

Glenn, remind me to introduce you to my cool/hot dykes one of these days. They will restore the honor of their species. LOL.

chilaxjukebox said...

Yes, sa wakas tapos ko nang ibackread lahat ng post dito..hehe (i admit, nagskip ako ng konti sa mga movie review..hehe)
ung kwentong yan parekoy, ginawa namin sa tito ko dati, bakla nmn xa..hehehe :D

fetus said...

taena. kung makapag trip nga ang mga tao eh, walang patawad. tsk tsk tsk.

Emmaleigh said...

natawa ako dun sa pina-plastic na beer. pero, naawa din ako na naiwan na lang si ate dun. malamang e kasama sa plano yung pagpa-plastic nung beer.

kung ako dun ke ate, hinde ko na friendship yung mga nang-iwan. =)) isipin mo na lang kung hinde sapat yung pera ni ate. wawa naman

Anonymous said...

ang galing mo namang mag observe detalyado!!!

Donato said...

napaka educational tlga ng blog na to. dami kong natututunan. haha

kaya pla sanay na sanay sa tongue twister ang mga tiboli LOL!

Eilahtan said...

matry ko ngang ilagay din sa plastic ang left over na beer. haha

kawawa na nga si ateng apo ni Don Tiburcio -.- sumama na din sana sya sa pag CR :D

juanluis said...

i love this post funny but honest and true...at may lesson... idol!

runmdrun said...

Yan lang ang wag na wag gagawin sa akin. As in, kahit sabihing "joke" lang, siguradong EOF, at kahit babae pa gumawa sa akin niyan, sisikmuraan ko pa!
pramis, hindi pa rin ako nakaka-encounter ng beer na pinaplastic! panu yun? sinu-straw rin?

isp101 said...

Paano kung walang pera si 5th wheel, eh 'di sya magbabayad ng lahat ng drinks, tapos uuwi pa syang luhaan... Patay, hehehe! =)

Ungaz said...

wow kapal ng fez ng mga clappers..clap clap ang mga kipay! anywy ma-red tide sana mga tahong nila.hahahaha!!!!

di mo tinulungan si ate,kuya,ate,yung tao..bka yun na pala soulm8 mo.ayee!!!bromance.no bang comment to!lasing ba ko?!hahahaha!

glentot said...

Khantotantra2 malamang sa alamang yun nga ang naging drama nya bago sya umuwi

tabian you mean wawa yung naiwan hahaha

mike lululululuulululu tignan mo sarili mo sa salamin while doing that and you'll get it haha

creexs tongue action!

claudiopoi haha interesado alng talaga ako sa mga buhay ng iba hahaha ipamukha ba naman sa kanya ng mga "friends" na wala syang jowa haha

empi it's tongue action!

Maldito y Maldita sige ba haha sama ka kapag may nag-invite uli LOL @ timberloo

MiDniGHt DriVer haha gusto ko yung kasabihan mo!!! so true!

egG. ako rin nahilo dun sprry to disappoint you

Anonymous honga...

hArTLeSsChiq haha hindi kaya ibinalik nya na lang yung beer para mabawasan ang utang nya?

domjullian haha LOL ako pa may kasalanan

Diamond R hindi nila binayaran.

kaye obit talaga haha i like the term

Poldo hahaha buti gets mo ang lulu! oo sya na nga

ISTAMBAY actually naawa rin ako sa kanya ng slight

KUMAGCOW oo nga nag taas pa man din ng respeto ko sa mga tibo

Ako si Yow ikaw na ang nag-isip agad ng malaswa!!!

kristian haha lulu means tongue action as in lululululu

Kamila humarap ka sa salamin habang ginagawa ang LULULU pat panoorin ang dila mo

Tha Gasoline Dude ikaw kasi nakatingin ka lang sa malayo at pa-bounce bounce ng head sa music! hehehe

superjaid dapat nga talaga maging mapili sa mga kaibigang sasamahan

Michael pareho kayo ni Yow

Nimmy sana magamit mo rin ang Lulu, ikaw na ang bahalang umisip kung pano mo Lululuhin si asawa mo

Keatondrunk haha mas gusto kong makita yung suntukan!

silentassassin OMG!!! Oo April 1 nga nangyari ito, ngayon ko lang narealize dahil sa comment mo!

maldito hahaha ay alam na!!! mapaghiganti pa man din (daw) sila

Sendo ako rin nagulat pero meron pa rin palang ganun

Spiral Prince haha baka pag tinulungan ko sya maging girl na sya uli at mainlove sa akin nyahaha masaklap

Reesie ikaw talaga nahulog daw haha sana nga magtae yung mga kasama nyang uminom... habang naglululu eewww gross

orally haha mabuti naman at may natutunan ka sa post ko haha

Xprosaic oo yun lang ang alam kong effective na pagkwento kung paano lumipas ang oras eh haha

Sows haha at least namulat na si tiboli sa kung gaano kasama ang mundo

stevevhan tongue action yung lululu try mo exercise sa umaga ... really nakukulong na ang mga hindi nagbabayad? Naku mukhang malululu talaga si Ate sa correctional

Prinsesa BatongOrange haha salamat, glad to cheer you up

VICTOR oh yeah nameet ko yung isa mong friend diba lesbionic dun yun...

chilaxjukebox wow nagbackread ka??? bakit??? anong hirap ng buhay ang nag-udyok sa iyo para magbackread??? haha salamat salamat

fetus haha uu diba at least may bagong motto yung tibo: trust no one!

Emmaleigh tingin ko nga eh plano nila yun para hindi maghinala yung tibo na iiwan na sya, kasi iisipin nya Ah ipinaplastic ung beer ibig sabihin may plans pa after this

Anonymous salamat, wala akong magawa eh

Donato hahaha paturo ka sa kanila ng mga tongue techniques!

Eilahtan haha kung ipapaplastic mo an gbeer humingi ka na rin ng straw

juanluis haha salamat po!

runmdrun End of Friendship talaga hahaha hmm kung hindi nila iistraw baka isalin nila sa mangkok

isp101 paano nya babayaran yun eh wala syang pera hahaha

Ungaz hmm parang may poot ka sa mga tibo, bakit, may experience ka na ba sa kanila?

SALAMAT PO SA INYONG LAHAT SORRY LATE NA AKONG SUMAGOT... Smoochchupa!

kristian said...

okey na. salamat sa maduming isipan. haha.na gets ko na yung lulu ng dahil sa KFC. finger lickin' good. xD

Anonymous said...

paulit-ulit ko inisip ung lulu pambihira!tapos nun nagets ko, nasuya ako..hahaha

sana kinupkop mo na lang ung borboli, baka sakali ikaw ang makapagpadama sa kanya kung pano maging isang babae!euw.haha

greta

Jhamy whoops! said...

very bad friends... tsk.. tsk..

nakakatawa ang plastic bag na may beer... parang ice tubig lang na pwedeng ilako.. :))

[daemonite] said...

kawawa naman tatanga tanga kasi hays...

Senyor Iskwater said...

da best yung closing song...

kawawa naman talaga siya... baka masama ugali niya...ganun

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding