april fools' day

Matagal kong pinag-isipan kung anong April Fools' Day prank ang gagawin ko sa blog ko. Ang hirap kasi tapatan nung ginawa namin ni Jepoy Pikpik last year kung saan nag-announce kami na magsasara ng blog matapos ang isang epic na fight scene. May mga naloko naman kami, mga 38 katao.

Halos isang taon akong nag-isip kung anong magandang gawing kalokohan this year. Isa sa mga naisip ko eh i-redirect ang link ko sa isang porn site. Naisip ko rin maglagay ng nude pic ko sa header. Pero dahil malamang may mga totoong maasar sa akin kapag ginawa ko yun, so hindi na ako magjojoke this year. Naisip ko na lang mag-compilation.

The 10 Greatest Pranks I Ever Did




Nung high school, mahilig kaming magkaka-barkada na mag prank calls. Magkukunwari akong staff ng isang game show at kung sino mang matawagan namin ay magiging lucky winner...

"Misis, kailangan nyo lang pong hulaan kung anong title ng song ito" (sabay play ng music).
"Ah eh, teka hindi ko yata-"
"Tama! Nanalo po kayo ng fifty thousand pesos!!!"



Nung nag-abroad ang best friend ko, tinawagan ko sya para lang magkunwaring taga-Rural Bank at sabihing i-dedemolish na ang bahay nila. Na-sense ko ang panic sa kanyang boses sa pagsigaw nya ng isang malaglag-karsonsilyong "WHUAAAAAAT???!!!!"


For the full story:
Clicking me!



Minsan nanood kami ni Rose ng movie. Naka-flip-flops sya nun, at nung hinubad nya para itaas ang paa nya sa seat, tinago ko yung tsinelas nya. Yun lang, masaya na akong nakakaperwisyo ng tao sa ganung paraan.



Minsan ang pranks ay hindi kailangang elaborate at pinagplanuhan. Pwedeng spur of the moment. Tulad nung first year high school, pinatid napatid ko ang kaklase kong babae... sa hagdan... Nalaglag sya, nagasgas ang tuhod nya. Hindi ko naman sinasadya! Balak ko lang syang patirin, hindi ko naman napansin na nasa hagdan pala kami.

Pero everything went fine naman, nag-sorry sya sa akin.

Opo sya ang nag-sorry.



Speaking of spur of the moment, nasubukan nyo na bang manggago ng maraming tao nang hindi sinasadya, dahil sa biglaang inspiration? There's this one time may dumaang bus at tumigil sa harap ko at nagtanong kung nasaan ang Kamagong Street. Tinuro ko sa maling direksyon. Pag-alis ng bus, nakita ko tatlong magkakasunod na tourist bus pala sila.

For the full story:
Clicking me!



Madalas kong gawin noong college ang manghiram ng phone ng barkada ko at palitan ang name ko na nakasave sa phone book nya. Ang ipapalit kong name eh name ng isa pang barkada namin na nasa phone book nya rin. Matapos i-edit, magtetext ako sa phone ng barkada ko (iisipin nya yung isang barkada namin ang nagtext sa kanya dahil name nya ang lalabas) at aawayin ko sya. Ang ending, mag-aaway sila nang hindi nila nalalaman kung bakit. Masaya na ako nun.



Syempre ang paborito kong gaguhin sa buong mundo ay si Khikhi. Here's one time na ginago ko sya sa text. Nagkunwari ako na ako yung crush nya noong college. It started with "Hi Khikz" and ended with "Gago ka Glennnnnn!!!!!"


For the full story:
Clicking me!



Nung high school, madalas kami tumambay sa bahay ng mga barkada namin. Ayoko nang sabihin kung anong movies ang pinanonood namin, let's just say na educational documentary ito. One time, patapos na ang movie at pabalik na kami sa school, nagnakaw ako ng mga naka-frame na pictures na nakasabit sa wall at dinala school para isabit sa library. Nagulat na lang yung barkada namin nung may lumapit sa kanya para sabihing "Bakit may family picture kayo sa library?"



Mahilig rin akong mangialam ng accounts ng iba. One time nag-login ako sa Friendster account ng isang kaibigan ko at lahat ng friend requests nya ay ni-reject ko. After a few months nalaman kong isa sa mga ni-reject kong friend request ay yung kagalit nyang nakikipag-bati sa kanya, kaya lalo silang nag-away at never na nag-usap uli.

For the full story:
Clicking me!



Noong college, during class, sabi ng instructor namin, isulat namin ang pangalan namin sa isang papel at i-pass to front, dahil isusulat niya ang grade namin sa papel. Matapos mag-pass, naisip ng instructor namin na huwag na lang pala mag-pass dahil next week nya na i-aannounce ang grades namin. Eh yung isang kaklase namin, si Reginald, hindi nakikinig. Kaya nung ibinalik ang mga papel, pagdaan sa akin ng papel nya, sinulatan ko ng "69".

Pag-abot nya sa papel, nanlaki ang mata ni Reginald sa nabasa nya. Priceless moment.

Ang twist eh the following week, nung binigay na ang grades namin, 69 talaga ang grade nya. Bwahahaha.



I sincerely apologize sa mga taong ginago ko... Here's a token of my sincere apology:



72 comments. Post your comment here.:

orally said...

At di napigilang ilagay ang fectyur!

Anonymous said...

hilda says..
putah ka glenn! mamamtay ka din..iloveu fren

Reesie said...

hahaha. buti nalang may mga kaibigan ka pa sa kabila ng mga pinanggagawa mong kalokohan sa kanila! haha.

dhee said...

namiss kita glentot... natawa ako sa story moh... lavet... thanks sa pagpapasmile =) Godbless!

rainbow box said...

siguro magiging avid reader mo nalang ako. pass na ko sa friendship. :)) :)) :))

KUMAGCOW said...

napakasincere mo sa picture na yan.. pang oscars!!!!

Pinoy Adventurista said...

Wahahahaha!!! Happy April Fool's Day! Ito ang araw mo! lolz!

tabian said...

ikaw na..ikaw na talaga!
feeling ko dahil sayo na imbento ang araw na itey..wehehe

Anonymous said...

hahahaha naaalala ko laast year ang putik..may gumawa pa ng entry para sa inyo. haha. insert drake name. bwahahaha

-kikilabotz

khantotantra said...

andaming pranks. Isa sa natatandaan kong prank mo yung hinack mo yung friendster account nung friend mo. yun na ang pinakabongga sir! :D

gasti said...

naalala ko din yung prank last year. haha! pati si maldito napeke! amp!

pwede naman talaga mag sorry. Happy April Fools Day. effort talaga ang panloloko.

hello sa mga estafador dyan!

Yj said...

natuwa ako sa compilation

pero hindi sa mukha mo!

pakyu..

that's all... yaiy

Will said...

Wahahaha, hayup ang mga pranks mo, lalo na yung sa bus! asteeg!

Jepoy said...

Potashet na muka yan, parang nangaasar lalo! King ina mo nalala ko nanaman ang april's fool fay kung saan may ininvite ka sa blogger meet up na hinfi naman dapat kasali ahaha pakyu!

VeeBee said...

lol natawa ako sa prank mo ke Reggie... buwahaha....

bulakbolero.sg said...

natawa ako dun sa family pic sa library. kulet lang.

Kamila said...

parang natakot na ako sayo pagkatapos ng lahat ng nabasa ko.. pinaka epic na yata para sa akin yung kinuha mo yung litrato ng tropa mo at nilagay sa library.. parang di ako naniniwala na educational pinapanuod niyo. hehehehe....

kaye said...

bwahahahahaha! langya ka talaga! buti na lang at di pa tayo nagmimeet in person. Ok na saken kahit hanggang blog lang tayo magkakilala. Ang lupit mo!!! :-D

stevevhan said...

you are such a bad guy!, :(

Pero i love the library and the last prank!, cool!!!!!haha

stevevhan said...

you are such a bad guy!, :(

Pero i love the library and the last prank!, cool!!!!!haha

Michael said...

Isa kang dakilang mamamayan na dapat tularan dahil sa iyong kapita-pitagang alituntunin, Andoy! At, talagang binasa ko pa lahat nung mga hyperlinks mo ... Ako na ang reader! Its mi olredi! LOLOLOLOL. :D

egG. said...

nakakaloka naman ang mga kagaguhan mo.. lalo na ung tourist bus.... jusme lang.... saka yung sa friendster..

hanep.. ginulo mo na ang buhay ng mga nangangailangan lol. :D

L said...

lol! ibang klase ka, glentot! isa kang endangered species. bilib na 'ko sa mga pinaggagagawa mo. A for effort 'yung family picture sa library. ang hirap kaya isakatuparan nun. \m/

Donato said...

ang masasabi ko lng...

HAHAHAHAHA!

at oo, isa ko sa 38.

pakyu!

Diamond R said...

natawa ako doon sa 69 biglang naimagine ko lang ang priceless moments niya.
akala ko lang ang sasabihin mo sa twist of the story nag ibinigay na ang grade 96 ang grade niya at ikaw pala ang 69 Kung naisip lang din kaagad ng teacher mo na mang trip din.

ang kulit.

Madalas ko palang gawin yong frank call dito sa UAE ang magtawag sa kasamahan at ang pakilala immigration, Bank or police.Kasi daming takot sa mga agency na yan.

Sows said...

kung pwede ang sorry para san pang parak?


ang bad ng main character...
(hnd kc ako naniniwalang gnyan ka kasama..hmmm, teka mejo nagbabago ng isip ko)


:P

Jag said...

Apir! Dahil mahilig din akong gumawa ng kalokohan haha!

Naalala ko tuloy napagawa ng post si drake sa ginawa nyo ni jepoy haha!

Anonymous said...

Sadyang ga...sadyang mabait ka lang talaga.hahahahaha!Natakot akong ituloy?Kaw na buset...Si ateng malake kipay na binlog mo tigok na.lagot kaaaaa!!!!LOL


UNGAZ

Anonymous said...

Hahaha.. ang kulet .. IDOL :))

KikomaxXx said...

Ay Bow Down Sobra... hehehe... yung iba dito nagawa ko na.. pero yung iba nagkaideya ako.. hahaha

silentassasin said...

original prankster

kristian said...

Ang kulit mo tsong! haha. Masubukan din nga ang ilan sa iyong kagaguhan. haha

russ said...

ang kulit.. ng bloghopping lang saglit.. miss you glentot!!

Bogart said...

Antagal naman ng karma. la pa ba hanggang ngayon? hehehe. Peace.

Robbie said...

Masama kang taoooooooooo!!!!!!! Wahahaha. Charot.

Raft3r said...

nyahaha
magkakasundo tayo
i love pranks
hehe

Pao said...

The end note is just hilarious. hahaha. You rock, as always.

JanDee said...

lesson learned:

hindi lahat ng panloloko sa kapwa nakakataba ng puso??

hihih...

IKAY said...

sobrang mapagmahal mo palang kabarkada...hehehehe

goyo said...

Tourist Bus, Family Picture Library, taena benta. hahaha. April 1, taena unforgettable sa buhay ko sobra. Shit. Haha.

Xprosaic said...

Priceless moments! ahahahhahaha adik ka talaga! Wala sa hinliliit mo ang mga nagawa ko... hehhehhehehe

-mark- said...

sa post na ito pinataputunayan mo na isang kang salbaheng bata! dahil sa mga nababasa ko sa blog mo, naiimpluwensyahan ako masydo at naiisip na ang mga maling gawain ay tama.hahahaha at dahil sa impluwensiya mo, masasabihan na ako ng lola at mama ko na demonyo ako.ahahahah nagawa ko na yung prank calls nung gradeschool ako pero yung ibang ginawa mo, legend na yun,walang makakapantay.haha

Poldo said...

Taena di ko maimagine yung Family picture sa Library! hahahaha..

at naalala ko yung last year entry nyo at sobrang affected ang isang drakula... hahahaha..

Keatondrunk said...

nice, isa kang GURU bro hehe!!

isp101 said...

Pasaway ka talaga GLENN, pinatid mo nuon yung kaklase mong babae sa hagdan?! TAPOS, SIYA PA ANG NAG SORRY!? Hehehe! Buti, di naman nabagok ang ulo! Sa mga BATA, wag nyo po gagayahin si Glenn! Hehehe! =)

kalokang Pinay said...

Hahaha! Buti na lang pinili ko talagang sa bahay basahin ang post mo, kundi pagtitinginan na naman ako ng mga tao dahil sa babaw ng tawa ko!!!

So wala palag ligtas kung ang mga pranks mo ay di lang pangstrangers kundi para sa mga friends din! kulet!!!

runmdrun said...

ßs§Bad person! Ako talaga mahina ang loob ko sa ganyan. Lagi ko kasing naiisip yung worst na pwedeng mangyari dun sa tao. Pero ginawa ko na yung post-it sa ilalim ng optical mouse sa office. Lahat sila pilit galaw ng galaw ng mouse thinking it's broken. Ayun, ni-reset nila ang PC nila which means they have to start every accounts na ginawa nila from the beginning!haha Pero nag-sorry ako agad hehe

mr.nightcrawler said...

ay grabe... yung mga ibang ginawa mo ay kahindik-hindik. pero mas kahindik-hindik ata yung picture na nilagay mo! bwahaha. peace :)

Traveliztera said...

ikaw ang dahilan bat nabuo yang Sorry na yan...

alam mo, patay ka ron sa tourist buses na un. kaya pala bumagsak tourism natin :P HAHAHAHHAHAHA

Ako si Yow said...

Eh bakit ba kuyang kasweet mo? Haha. Tawa ako ng tawa ng di ko alam. Haha. Naaalala ko pa yung mga istorya behind sa lahat ng kagaguhan mo. Pagpalain ka nawa ng Panginoon. Haha. Wala kang kunsensya. Pero parang ang sarap itry nung papalitan yung pangalan sa contacts. Haha.

Allen said...

Di ko alam kung anong kasalanan ng nanay mo sa mundo at binigyan sya ng anak na kagaya mo. Wahahahahaha!

Tinuhog mo din yung pagpopromote ng mga lumang posts mo ha! One time big time. hahaha!

In fairness binasa ko lahat. :DDDD

Boss Ni Pinoy said...

haha nice !

i labb it .. winner ung sa BUS at dun sa friend mong nasa ABROAD .. nageffort kp huh .. makapang.good time lng ..

pero naisip q .. nakakatakot k namang maging KAIBIGAN hahaha

jason said...

adik lang binasa ko talaga lahat ng links para masmabasa ko buong stories behind those pranks. lels

naranasan ko na rin magpigil ng tae,. nahilo ako at nilagnat. haha!

kung ipaprank mo ko, wag lang sa aso baka magcollapse ako. wahaha

Anonymous said...

Haha.. Naging Instructor mo pla si maam Aquisay .. hahaa.!
Instructor ko sya last sem , haha :P

my-so-called-Quest said...

adik ka talaga glentot! hahaha.
alam ko late na naman ako sa comment! at mukhang hindi ka mauubusan ng pranks. apir!

ʎonqʎʇıɔ said...

kailangan pacute sa picture?

magpakita ka na, glenthoth. ahmishu! (pwere april fool's)

LordCM said...

di kaya pre pinaghahanap ka pa rin ng mga ginago mo? lozz

kawawa naman sila hehehe

Gusto mo bang manalo ng $25?

caloy said...

tanginang muka yan. pwgi! LOl hahahaha! ay hindi, lab pala kita. LOL

glentot said...

orally uu ang sarap ko jan eh haha

bruhilda labia too missya

Reesie mahal na mahal nga nila ako eh

rainbow box hahaha deal!

Kumag alam mo naman ako always sensitive sa feelings ng iba

Pinoy Adventurista Haha my favorite day of the year

tabian oo akong ako na talaga ito haha

kikilabotz hahaha oo diba affected much sya hehehe

khantotantra haha oo bongga rin ang naging resulta nyahaha

gasti ang bilis it's been a year!!!

YJ pakyu aminin mo ang sarap ko, thanks

Will haha i'm proud of that nga eh haha

Jepoy haha ikaw talaga bakit hate na hate mo si *!

Veebee haha hindi nya malimutan yun!

bulakbulero haha ako nakaisip non! proud haha

Kamila haha educational yun no kasi marami kaming natutunan ahaha

Kaye haha don't let my reputation fool you jk

stevevhan haha gawin mo rin!

Michael haha salamat naman hindi ko inexpect na may magbabasa pa nun

egG i suggest na itry mo rin!

L haha actually madali lang sya all you need is guts nyahaha

Donato haha oo donato nakita ko nga ang comment mo nun, ang tino! hayup ka

Diamond R haha mas nakkatakot ka pala magprank call!

Sows haha oo don't believe kasi napakabuti kong tao

Jag pakikwento mo naman ang mga ginawa mong kalokohan!

Ungaz na tamad maglogin! Si ateng drug mule? How did you know na patay na sya???

Anonymous salamat ahaha

Kikomaxxx salamat glad to be of service ahaha

Silent assasin hindi naman, recycled rin yung iba ahaha

kristian oo and tell me about the results haha

russ miss ya 2 salamat sa pagbloghop

Bogart haha all in the name of fun lang naman hahaha

Robbie hahahaha i knoooow riiiight!

Raft3r haha kwento ka naman!!!

Pao thank you!!!

JanDee nakakataba nga ng puso ang mga reaction nila eh hehehe

IKAY heeyy nice meeting you!!!

goyo naiblog mo ba yan? mabasa nga hehe

Xprosaic pa-good boy image ka kase! haha

mark haha salamat at napakataas ng tingin mo sa akin nyahaha!

Poldo haha it's been a year ang bilis no???

Keaton haha salamat salamat

isp101 haha true story as in nagulat din ako nung nagsorry sya hahaha

Kalokang Pinay haha penge ng phone number mo at itry ko sayo hehehe

runmdrun hahahha! helpful ka!!! sinubukan ko yang prank mo, it worked!!! hahaha lavet!!!

nightcrawler haha ang cute ko nga dun eh hehehe

traveliztera hahaha i'm sure i made their tour more colorful!!!!

Yow haha oo gawin mo pag-awayin mo ang Greta at Ungaz hahaha

Allen hahaha salamat sa pagtityaga!! nyahaha

Boss ni Pinoy haha hindi no ang saya kaya paliilgayahin ko ang buhay nyo haha joke lang

jason haha binasa mo? salamat ahaha... ...ahh takot ka pala sa doggies ah tatandaan ko yan

Anonymous, ikumusta mo ako sa kanya nyahaha jk! Maalala nya pa kaya ako?

My-so-called-quest haha fayn ako na ang adik! nyahaha

citybuoy may H talaga hahaha... syempre no todo effort pag pictorial nyahaha uu kitakits soon! miss you guys too

LordCM haha malamang hinahanap nila ako kasi na-touch ko ang buhay nila

caloy LOL! may kailngan ka lang hahahaha

Donato said...

gagu. hindi pa nga ako marunong mag comment non kaya naka-"anonymous". tapos may name din naman sa baba, parang tanga lang. may surname pa. LOL

MKK said...

Hala Glentot! kaw ung nsa pic? potahena kala ko kung sino... prang ndii ikaw ah...

iya_khin said...

alam mo honestly di ako nasa mood talaga this past few days....at bigla kitang naisip..walang biro...kaya dumalaw ako sa b-haus mo hoping mapapasaya mo ako...and it worked!! kaloka ka tlaga! thanks...you made me smile just for awhile...keep it up!

Sows said...

hindi rin, prang consistent naman kc ang kabaitan mo so naniniwala na rin akong ikw lhat ng sinusulat mo! :P

Mr. Chan said...

first time ko dito at natawa ako kay Reginald. LOL

madami din kasi akong ginago nung college. hehehe

Eilahtan said...

ang galing nyo mang uto ser :) aydol

Klet Makulet said...

yan ang tinatawag na gifted at genius. wala kang katulad. ipagpatuloy mo yan at hintayin na lang ang paghuhukom hahahah joke. hindi pa ako tapos na basahin yung buong post mo nangingiti na ako sa pagbabasa...asteg!

glentot said...

Donato oo nga first time mo mag-comment nun kasi akala mo magsasara na haha

MKK ako yan haha ang cute ko no thanks.

iya_khin salamat naman at na-cheer up ka ng blog ko hehe keep smiling

Sows oo naman pang-role model ang bait ko eh hehehe

Mr Chan salamat po sa pagdalaw. masarap nga mag-reminisce ng mga kagaguhan noong college

Eilahtan haha salamat po!!!

Klet Makulet haha salamat naman! nagpapakabait na kaya ako ngayon...

sugaryichigo said...

Winner mga kagaguhan na nailathala dito :)). Hmm, parang never pa akong nanggago ng April Fool's Day. Expected eh. Mas fun kung Christmas Day o birthday mo gagawin. :))

Anonymous said...

hai! ano email mo? magppadala kasi ako ng fan letter. hihibrr <3

Sendo said...

hahahahahaha. grabe glenn. i'm a fan! parang gusto ko gawan ng movie buhAy mo at ito title!!! hahahaha. ansaya!

Myk said...

ZOMG. I couldn't say if your friends are lucky they have you or not. I know all that you did (or almost all of them) was mean but I couldn't help but laugh.

Senyor Iskwater said...

maloko ka talagang bata ka... tsk.... tsk... may problema ka. you need help...

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding