dear caloi

Naalala ko pa noong una kitang nakilala. Grade 3, first day of school. Bagong lipat ako sa school at wala pa akong kakilala, kaya kailangan ko ng new friends. Sa harap ako nakaupo, dahil according to height ang arrangement. Huwag kang mayabang, magkasing-height lang tayo... sa harap ka rin nakaupo.

Nung marinig ko kung anong apelyido mo, tumawa ako nang malakas, kasi sounds like "Gorilla". Naasar ka, sinabunutan mo ako. Hahaha. Hindi mo na siguro yun naaalala.

Pero I'm sure naalala mo na noon pa lang eh crush ka na ni Khikhi. Alam naman ng lahat yun. Ang aga nyang lumandi... Nakafocus lang sya sa iyo noon at hindi ka nya tinantanan. Hanggang college.

Noong Grade 4, naalala mo ba nung may ipinabasa ako sa iyo na short story? Yun ang pinakaunang sinulat ko. Istorya tungkol sa isang bampira na nakatira sa loob ng kweba. Matapos mong basahin sabi mo nakakatakot! Proud na proud naman ako. Haha! Parang mga shunga lang.

Naalala mo ba nung Grade 5, nag-camping ang Boy Scouts at ikaw ang leader. Galit ako sa iyo lagi nun, kasi lagi mo akong pinapagalitan dahil tanghali na ako bumabangon, hindi ako tumutulong sa mga gawain, at lagi lang akong naglalaro ng shatong.

Baka hindi mo na naaalala lahat ng iyon, pero etong mga recent lang for sure maaalala mo. Isang malaking flash forward!

Nung college, lagi kami sa apartment nyo sa likod ng SLU. Hindi ba laging may inuman sa inyo kapag weekends, at lagi kaming present? Si Khikhi pa ang inuutusan nating bumili ng alak. Kahit naka-uniform pa sya ng pang-Nursing, wala syang pakialam basta ikaw ang nagtext, bibili sya agad ng Emperador. Ganun ka nya ka-mahal.

Nung tinadyakan mo nga ang pinto ng CR habang umiihi sya eh hindi sya nagalit sa iyo. Yun ang tunay na definition ng Love. Dapat kapag sinabing "Define love", ang sagot eh "It's when a person kicks the bathroom door while you're peeing and you can't get mad because you can't stop smiling."

Di ba nagpropose pa sya sa iyo tapos binasted mo paulit-ulit... Bwahihihi nice one! (I labia Khikhi, mwah!)

Nung tinuruan ako ni Dyan na mag-yosi, nandun ka rin diba? Nandun tayo sa rooftop ng dorm namin. Halos gumapang ako sa bubong sa sobrang pagkahilo. Nagsuka pa ako. Dinamayan nyo ako LOLz.

Naalala mo ba nung sinabi kong ayokong umuuwi sa Bolinao dahil ayokong umuwi sa bahay namin dahil maraming problema sa bahay namin. Sabi mo sa bahay nyo na lang ako tumuloy. Syempre ayoko naman yun, Principal natin nung high school ang Tatay mo, nakakahiya naman makituloy sa inyo. Pero na-appreciate ko yun.

Matagal rin tayong hindi nagkita after ng graduation. Yung huli eh nung palihim akong umuwi sa Bolinao para makasama kayo sa inuman. As usual ang una nating sinabi sa isa't-isa ay "Ang liit mo pa rin!"



Eto yung huling picture na magkasama tayo nun. Hindi ka pa nakatingin sa camera.

Matapos nun, halos hindi na rin tayo nagkakausap, sagutan lang ng comments sa Facebook. Akala ko kasi, nandiyan ka lang naman lagi. Nasa isang circle of friends lang naman tayo. Nasa isang barkadahan.

Marami pa tayong napagsamahan, mga araw na hindi ko na naaalala, at hindi mo na rin maaalala.

April 14, 2011, Thursday. Araw ng Grand Alumni Homecoming natin. Ikaw ang nag-organize. As usual hindi ako um-attend, dahil may trabaho ako. Lagi namang merong "Next time!" Nagising na lang ako na may tumatawag sa phone ko, ayokong sagutin kasi akala ko HSBC telemarketers. Nung tumawag uli, sinagot ko na. Si Khikhi pala ang tumatawag, at umiiyak sya.

Patay ka na raw...

Hindi ako agad makapaniwala. Parang ang hirap isipin na ikaw, na laging nandiyan, laging online, madaling hanapin, one text away, madaling makausap, ay wala na habangbuhay.

Bakit naman ganun Caloi, alam mo namang maraming naaksidenteng motor dun sa pinuntahan mong lugar... Sana hindi ka na lang pumunta dun, sana nagpakalasing ka na lang dun sa inuman sa alumni party, kahit gumapang ka pang pauwi... Sana hindi ka na umalis. Marami na tayong kaibigan na namatay doon, at sumunod ka sa kanila.

Kung alam ko lang na yun na ang huling araw na pwede ka naming makasama, sana umuwi ako, kahit mameke ako ng sick leave or mag-aAWOL, makapagkita-kita lang tayong lahat uli. Tatanggapin kong sabihing mas matangkad ka sa akin (ng 1 millimeter), manalo ka lang.

Pero ganyan nga siguro talaga. Tapos na yung misyon mo dito sa mundo. At least, bago mo kami iniwan, nasabi mo raw na yung araw na yun ang pinakamasayang araw sa buhay mo. At kahit ginulat mo kaming lahat, at least marami kang iniwan na ala-ala, lagi ka pa rin naming mapag-uusapan, lagi ka pa rin naming babalik-balikan.

Naalala mo nung lagi kami nakatambay sa apartment nyo, at dun kami nagcocompose ng mga kanta namin? Kinatok pa nga kami ng kapitbahay nyo kasi alas dos na ng umaga, nag-iingay pa kami. Naggigitara si Junn at kumakanta si Khikhi...

Naalala mo pa ba yung nagawa naming kanta?

Yung kanta na alay para sa isang namatay na mahal sa buhay...

video

Never kong na-imagine na darating ang araw, sa iyo maide-dedicate yung kanta... Sana magustuhan mo Loi, yan na lang ang pabaon namin sa iyo. Sign yan na hindi ka namin kakalimutan.

We'll miss you so much Loi... Ngayon we're past the denial, the angst, the grief... we just really miss you. Thank you dahil naging parte ka ng buhay namin.

PS. Aaminin ko na, ako yung nagsulat ng "Personal Property of Caloi Gorilla" sa cover ng isang porn CD at iniwan kong pakalat-kalat sa apartment nyo para makita ng Ate mo hehehehehe. Sowee!

68 comments. Post your comment here.:

rah said...

Aww.. we will surely miss him :(

Reesie said...

ang sad. naiyak ako. :-( life is indeed short. naiyak ako lalo nang pakinggan yung kanta. :-( ang hirap talaga yung bigla-ang pagkawala. masakit talaga pag ganon. :-(

Diamond R said...

ang galing.
natawa ako doon sa PS.(pagamin sa ginawa mo sa CD.May ganon tlaga. Ang kulit mo.

Nakakalungkot pero ang dami mong alala sa kanya. Life is short.

Kamila said...

Grabe hindi ko naman kinaya yun... waaah.. :( bakit dameng nawawala ngayon? ang babata pa..? nagkalat sa mga blogs din.. mga dedication.. :(

medjo sumakit din ang sinuses ko, pero di naman natuloy na naluha...

may he rest in peace.

Midnight Orgasm said...

Very sentimental.

maldito said...

rest in peace caloy....one way or another we are all gonna end up dead....too bad nauna ka lang..

condolence glentot.

khantotantra said...

nisisipon ako pero parang naluluha habang binabasa tong post mo about sa iyong friend.

hirap sigurong mawalan ng close friend. Though di ko pa neeexprience, parang nadama ko sa sinulat mo.

ang good thing, nakapag alumni homecoming sya at he had a wonderful and memorable night, before he passed away.

RJ said...

makikita mo lang tlga ang halaga ng tao pag wala na sya sa iyo...

Condolence kuya..

The Gasoline Dude said...

Condolence. Magkasama na sila ni AJ Perez sa langit.

Pao said...

May Caloi rest in peace. I hope so, with your last note, siguro hindi ka na niya guguluhinsa pag-amin sanagawaa mo sa kanya with that porn CD. haha. You bitch! lol

hArTLeSsChiq said...

Condolence.

LordCM said...

condolence pre...sayang nga lang at may mga bagay na hindi tayo nasasabi sa mahal natin bago pa sila mawala ng tuluyan....

Spiral Prince said...

Napaisip naman ako dito, glentot. Hayst. Condolence, glentot. :(

May he rest in peace.

mjhayp01 said...

awwww...so sad nman... :(( condolence to ur friend..

Eilahtan said...

condolence. nakakalungkot naman :(

nakakalungkot naman mawalan ng kaibigan. lalo na kapag walang paalam.

Marjorie said...

i'm sorry to hear about the passing of your friend. i enjoyed reading this, nakakaiyak, nakakatouch, at may comedy pa. you sure made a good tribute for your friend.

empi said...

Aw! Condolence po, Glentot! Nawa'y nasa payapa ang kanyang kaluluwa.

Renz said...

aww :(
ang sad naman ng nangyare. Hirp mawalan ng taong nakasama mo ng matagal. Nakikiramay ako kuya. May he rest in peace with our Creator.

mike said...

so sorry for the lost of your friend....condolence.

runmdrun said...

nalungkot naman ako dito...

now I feel bad for making fun nung sinabi mong may friend ka na namatay. Sorry, peace na! :D

bulakbolero.sg said...

condolence...

Nishiboy said...

condolence.

i've been hearing and saying that word a lot lately.

Mr. Chan said...

condolence Glenn...

A good friend from childhood until now... will remain in your memories forever.

mahirap tanggapin, naapektuhan ako. hehehe

DENASE said...

Ganyan talaga ang buhay parang mais, nalalata rin at namamatay. Pinakikinggan ko ngayon ang video, nakakalungkot pakinggan dahil naaalala ko rin ang kaibigan kong pumanaw nung isang taon.

Condolence.

aajao said...

naku eto na yung kakalungkot na kwento. condolence, glentot. losing a good friend isn't easy.

Michael said...

Condolence.

Hindi ko maisip kung ano ang magiging reaksyon ni Caloy kung nabasa niya iyong PS mo. :3

MKK said...

Ang lungkot ng story..

isang lalaking naging parte ng buhay ng ibang tao at nag-iwan ng magagandang ala-ala sa kani-kaniyang buhay.

Kung nasan man siya ngayon, maligayang paglalakbay na lang.

claudiopoi said...

sabi ko na nga bang may nagbabadyang trahedya.

eto ang una kong nabasa ngayong araw na to, at nalungkot ako ng very, very grave.

sana masaya na siya ngayon, kahit nasaan man siya, friend.

and condolence sayo, master glentot.

egG. said...

aw naiiyak ako... nag-eexpect pa naamn ako ng something comedy.. haaayyyy...

condolence po. nawa'y masaya siya sa langit....

megan fucks said...

ala glen nakakaiyak naman to. I'm sure nasa mabuting kamay na c caloi

rica said...

condolences sir..

just be strong, i'm sure caloy doesn't want to see you and your other friends sad and he's happy bcos he knows who his true friends are..

Greta said...

condolence glentot..mahirap siguro madedlakan ng kaibigan ng maaga..mapapa this shit can't be real! ka siguro...kasama sa pakirmdam isipin.

Donato said...

awwwsss... bat hindi na lang kasi ginawa ni Lord na alam natin yung araw ng kamatayan natin para kahit papano mapaghanadaan natin o ng mga mahal natin pag dumating na yung araw na yon?

sayang at hindi pa naman naisa-MMK ang buhay nya bago sya umalis, di tulad ni AJ Perez :(

at dahil seryoso ang post mo ngayon, hindi muna kita lalaitin :(

may his soul rest in peace :'(

chilaxjukebox said...

taena, bigla ako nalungkot.. I can feel sa post mo na to na malungkot ka kahit pa maraming banat ng jokes...hay...mahina ako sa mga ganitong namamatayan ng kaibigan :(

NoBenta said...

ramdam ko ang lungkot sa malalim niyong pinagsamahan. nakikiramay ako parekoy.

rainbow box said...

condolence.

masakit ang maiwan, pero mabuti at may tumatatak na magagandang alaala para sa ating mga nagmamahal. God bless.

Ako si Yow said...

Aww.. Nafeel ko ng sagad yun ah? Iniisip ko pa lang ang gantong senaryo, di ko na kinakaya. Tsk. May He rest in peace. Wala na kasi magmomotor! Delikado. Yan din kumuha sa Kuya ko. :(

Ang ganda nung kanta. Si Khikhi yung songer?

Yojimim said...

So sad.... :((
I love my friends, and I understand your grief. Iniisip ko pa lang na the same thing would happen to anyone of them anytime, parang nade-depress nako sa kalungkutan. Haaaay. Ang morbid ko lang.
May Caloi rest in peace.

Xprosaic said...

Ramdam ko ang lungkot kahit pilit mong ginagawang light ang post mo... Condolence Glen saka sa bereaved family ng kaibigan mong si Caloi

nyabach0i said...

condolence sir.

Chingoy said...

nangilid luha ko dun ah... relax lang glen... GOd bless!

chilaxjukebox said...

pare, anu chords nung vanishing away? nice song pare. gusto ko kantahin! hehehe...anyway condolence

APE said...

RIP.

I was caught off guard with this one man. Dumaan ako dito para matawa. Nakakatawa pa rin naman pero heavy read man. Heavy.

Unni said...

T_T
condolence...
sad naman,,

Keatondrunk said...

masakit tlga ang goodbye, mabigat! condolence bro..

silentassasin said...

Condolence glen.

Natawa ko dun PS.."Personal Property amp...

isp101 said...

Grabe, nakakalungkot naman, kakaiba ito sa mga nakasanayan ko ng mga post mo na nakakatawa... Nakakaiyak ito, but, tnx for sharing! Totoo ito, I admit, ako rin lagi kong sinasabi na "may next time pa naman", but the reality is, maikli lang ang buhay ng tao dito sa mundo... All I can say is, condolence. Let's pray for Caloi's family. God bless!

PABLONG PABLING said...

ang lungkot.... :( ayoko mamatayan ng kaibigan :(

Anonymous said...

lammo Glenn, Black Sabbath nong mabasa ko to. AT dahil walang pasok ang dakilang OFW, nag-back read ako ng mga posts mo. Grabe, an tagal ko nang hindi tumatawa kanina lang. Riot mga blog mo. Tas nalaman ko pa, nilait-lait mo mga taga-Pangasinan e taga-roon ako. Peor OK lang. Cool naman mga posts mo kaya patatawarin na kita.

ANd BTW, condolence.

ahmer said...

hays lalo ako nalungkot...
your memories always stay, you;re vanishing away...

Poldo said...

Naranasan ko na ring mawalan ng bestfriend.. Actually death anniversary nya this coming Apr. 29.. Nakakalungkot.. hays...

Condolence glentot!

Emmaleigh said...

Condolence. :(

naiyak ako. walang chorva. ang emotional kasi ang dami ko din "kakilala" ang pumanaw nitong Holy Week.

bukod ke AJ Perez,

pinsan ng bf ko - nakakadurog lang din ng pagkatao na nakikita ko nasasaktan yung mga malapit saken dahil sa pagkawala biglaan ng mahal nila sa buhay. Ang hirap absorb na wala na yung taong yun habang buhay.

bf nung kebigan ko.

Ang sobrang emotional and "traumatic" in a way ng April. kaya, napaluha ako, kasi nararamdaman ko yung nararamdaman mo. biglang nawala yung laging anjan lang.

*cyber hug*

jezonhamster said...

di talga natin masabi kung kelan madededbol ang mga kaibigan natin, nakakalungkot lang. condolence

Boss ni Pinoy said...

ang lungkot .. nung una q tong nakita nd q tinapos .. nd q makaya eh .. auqng icpn n mangyayari din sakin yan .. huhu baka d q kayanin .. i really value and love my friends ..

condolence sau glentot ..

napansin q lng etong semana santa ang pinakamaraming namatay .. kht ung mga kakilala q namatayan .. bkt kaya?

tim said...

Wow- that's horrendous...

Sorry to hear that :(

aleihs shiela said...

life too short. so live life to the fullest.


condolence :/

glentot said...

rah that's for sure.

Reesie salamat for symphatizing with us and sa pakikinig na rin sa song, it means a lot to me

Diamond R oo kaya live it to the fullest. gawin mo rin yung sa CD thing

Kamila true, marami nga atang nangamatay this month.

Midnight Orgasm death always is.

maldito yun nga lang siguro talaga ang buhay, una-unahan lang sa finish line

khantotantra sana hindi ka mawalan ng friend like we did

RJ salamat RJ. Yun nga eh, dami regrets. Parang hindi ko nasabi kay Caloi during his lifetime how much I value his friendship

Gasul haha yun lang, baka sabay sila sa byahe paakyat

Pao haha mapapatawad nya naman yun for sure tatawanan lang nya yun

hartlesschiq salamat

LordCM ang corny kasi kapag buhay pa tapos sinasabihan mo na ang MAHAL KITA KAIBIGAN KO haha

Spiral Prince anong naisip mo hehe salamat

mjhayp01 salamat po

Eilahtan oo, hindi pa kami bestfriends nun pero ramdam ko yung loss. salamat

Marjorie salamat po... i hope he appreciates it too

empi oo sana nga although hindi rin masamang magmulto sya minsan hehe joke

Renz salamat, I know for sure he's there smiling down at us

mike salamat po...

runmdrun hahaha hindi ko friend si AJ Perez

bulakbolero.sg salamat

Nishiboy mukhang marami ngang pumanaw recently

Mr Chan sorry for damping your day and salamat sa pakikiramay. I don;t wish this kind of grief on anyone

Denase naranasan mo rin pala yung ganito. thank you sa pakikinig rin sa song.

aajao losing anyone isn't easy, kahit siguro kagalit ko ang mamatay eh medyo may konting kurot pa rin hehe, salamat kuya

Michael hahaha matatawa na lang yun, ganunan lang naman kami noon

MKK oo nga at sana mabgo sya tuluyang bumyahe eh nabasa nya yung tribute ko sa kanya

claudiopoi sorry naman at na-upset ang magandang morning mo hehe salamat salamat

egG hehe mahirap hanapan ng comedy ang death of a friend eh

megan fucks oo, at wala munang susunod ha!

rica salamat po for the really inspiring words...

Greta oo nga, yun nga ang naisip ko for you noon nung magkachat tayo sa FB sabi mo eh may manghahunting sayo dahil sa isang post mo sa blog mo...

glentot said...

Donato siguro hindi ginawa ni Lord na ganun para mas maappreciate natin ang oras na kasama natin ang mga mahal natin at gamitin ito wisely. salamat naman at walang panlalait ngayon haha

chillaxjukebox ramdam ba ang kalungkutan sa ere... ganun talaga siguro ang atmosphere... ano pa kaya kung umattend ako ng lamay...

Nobenta salamat po Sir...

raibow box oo yun na nga lang ang panghahawakan naming mga friends nya

Yow aww oo nga pala nabanggit mo na may Kuya kang kinuha rin... Pamatay talaga ang motor no? I-encourage ko nga magmotor si Khikhi. At oo sya nga ang songer...

Yojimim morbid thought pero eventually (wag naman sana soon) everyone will have to face it

Xprosaic salamat. Kung nababasa lang nila ito, sana makabawas sa lungkot nila

nyabachoi salamat sir

Chingoy sa gilid lang ang luha? artista? hehehe salamat Kuya

chillaxjukebox meron akong chords teka hanapin ko yung link ibibigay ko sayo hehe irecord mo ha at parinig mo sa amin!

APE death is never a light and breezy thing... sorry naman! hehe babawi ako next time

Unni salamat po...

Keatondrunk salamat. oo nakakalungkot nga, misnan iniimagine kong deads na si Khikhi nalulungkot rin me

silantassassin salamat po hehe

isp101 salamat sa insightful na comment, babawi na lang ng masayang post next time hehe... I hope mabasa ito ng family ni Caloi

Pablong Pabling paps! sana nga wala nang makaranas ng ganun...

Anonymous salamat po... at salamat sa pagbackread at pag-appreciate. and the only reason na nilalait ko ang Pangasinan is taga-Pangasinan din ako haha...

ahmer mukhang nakarelate ka sa kanta ah pero sana not in a morbid way hehe

Poldo naku condolence din sa mga naiwan ng friend mo... at malamang sobrang sakit sa iyo kasi best friend mo sya

Emmaleigh hala ang dami nga talaga atang kinuha this april... salamat sa cyber hug! hehehe condolence rin sa mga naiwan ng mga friends mo...

jezonhamster oo nakakalungkot, sana wag na masundan. salamat

Boss Ni Pinoy mahirap sagutin yung tanong mo hehe baka oras lang talaga nila... dahil rin sa nangyaring to i learned to valule my friends more...

tim i'm sorry to hear it too

aleihs shiela tama ka jan, Amen.

SALAMAT PO SA INYONG MGA NAKIRAMAY.

Anonymous said...

taga-Pangasinan ka? Tscccchhhkkkk!!!! Osya, ano ibig sabihin ng "ANTOTAN, mabay-BAYAG ya mangan na BINULBOL imay OTOT!!!

Anonymous said...

pag nasagot mo yan saka lang ako maniniwalang taga-Pangasinan ka!

Heto pa isa:

Translate mo nga ibig sabihin neto: "Miss Beautiful, maniyotan?"

Placida said...

pano na c Kiki? sayang naman lovestory nila.Anyway, condolence huh.

iprovoked said...

Haaay, ayoko na sanang basahin pa after nung "patay ka na raw". I was hoping may punchline or something pero wala. Ang sad. My condolences. :|

newstartleah said...

Hala. Naiyak ako. :(

Kinabahan din.. Plano ko pa namang bumili ng isang motor/scooter.. :(

Pero siguro nga, ganun ang buhay. Very unpredictable. One moment, magkakasama kayo.. the next, wala na pala siya. Kapag tayo ay iniiwan ng mga mahal natin sa buhay (eaither namayapa na sila o nangibang bahay.. hehe), hindi talaga maaalis na magkaroon ka ng mga "what ifs".. pero the best way is to let go and move on. Kasi im sure, kasama na ni Caloy si Papa Jesus. He's in a better place na..

Tulo luha na ako pero natawa pa rin ako sa P.S. Hehe..

My Tasty Treasures
Ako si LEAH.
I am LEAH.

Sows said...

condolence brod. and in fairness, ang ganda ng song..

Allen said...

Kahit ginago mo yung pagkakasulat mo dito, ramdam ko ang pangungulila mo. Kelan lang namatayan din ako ng kaibigan at di ko din sya nakita. I feel your grief. Sana maghilom na ang mga sugat at mapawi ang mga pangungulila. Sana masaya na sila kung saan man sila ngayon.

fairyfleur said...

Condolence. Alam ko din kung gano kasakit pag may ka barkadang namatay na hindi mo man lang nakita nung huling araw na niya dito sa mundo. Pero sabi nga nila diba, everything happens for a reason. :)

Lourdjenn said...

Nagbaback read ako at ngayon ko lang nakita ang post na ito. Of all the things na nasulat mo idol, ito talaga ang nagpatindig ng balahibo ko, in a way na masyadong heartfelt na parang tanga ako ngayon at naiiyak.

Galing ni khikhi.

Condolence po.

Senyor Iskwater said...

ang bigat naman nito... alam ko na story ni Caloi pero grabe, naka-relate ako sa pagkawala ng isang bff...

walang joke naiyak ako at habang nagta-type eh basa kamay ko...

hyyyy...

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding