i saw the sign

Hey Kids! Good day to one and all. Kanya-kanyang trip ang mga tao habang nasa mahabang byahe. Usually, may natutulog, nagso-soundtrip o kaya nagja-jackstone. Meron din namang palihim na nagma-manual sex (as opposed to oral sex) para maibsan ang nakakabaog na pagkabagot.

May friend ako, mahilig magbilang ng aso sa daan, mula sa pag-alis ng bus sa terminal hanggang sa pagbaba nya. Bale umaabot ng libo ang bilang nya.

Ako naman dati ang gawain ko eh magbilang ng mga lolang nakasuot ng plunging neckline, yung litaw ang wrinkles sa cleavage. Minsan naman ang binibilang ko eh mga confused teenage boys na naka-pekpek shorts. Last year ang inabangan ko eh mga "Bawal Umihi Dito" signs.

Nung Holy Week, umakyat ako sa Baguio para magnilay-nilay with my mudrax at dahil mahabang byahe ito, nag-soundtrip na lang ako. "Soundtrip" means nakatitig sa mga bukirin, talahiban at bangin sa saliw ng awitin ni ... you guessed it right... Aleck Bovick.

Nung pauwi na ako from Baguio to Manila na-impeksyon na ang tenga ko kay Ate Aleck kaya napagdiskitahan ko na lang tumingin ng mga karatula sa daan, yung mga pangalan ng businesses. Mabilis ang takbo ng bus pero mas mabilis ang mata ko lalo na sa mga kakaibang signs. Ang critera ko eh yung creative, agaw-pansin, memorable, mapapa-shet ka, may dating, or in layman's terms: nakakalurkey.

Dahil diyan ang agenda natin for today is an entrepreneurship seminar (seminar talaga?) entitled "Choosing The Right Business Name By Looking At Roadside Signs and Knowing What Not To Name Your Business" or CTRBNBLARS&KWNTNYB for short.

Ang una kong nakitang kakaibang business name ay ang Sweetest Name Eatery. Ang lande. Kung ano man yung "sweetest name" na yun, hindi na mahalaga, ang concern ko is, kung "sweetest" talaga yung name, bakit hindi mismo yung pangalan ang ginamit?

In-analyze ko ito nang mabuti. Baka si Jesus Christ yung tinutukoy nyang "sweetest name", which means creative nga ang eatery na ito wherein kinabog nya yung tindahan sa tabi ng bahay namin noon wherein ang pangalan ay "Amazing Grace".

Where does "spoof" end and "copyright infringement begin? Yan ang tanong na hindi balak sagutin ng isa pang kainan na nadaanan ko, Johnny Bee's Restaurant. Pakialam pa nila kung medyo sounds-like ito sa isang sikat na food chain?

Alam ni Johnny Bee na ang key sa magandang business name ay yung madaling maalala. Halimbawa sa kainan, kahit lasang pinakuluang medyas ang sabaw at may bato sa kanin, doon kakain ang tao kung madaling tandaan ang name. Minsan, kahit wala kang balak kumain dun sa kainan na yun, sisikat siya dahil sa word of mouth. Ayaw mong maniwala? Tanungin mo yung owner ng Babalu's Bulalohan sa Binalonan. Malaking signboard, check. Tongue-twister na pangalan, check. Masarap ba ang bulalo, kebs.

Kahit nadaanan ko lang yan sa bus, kahit hindi ako kumain diyan, maaalala ko sya habangbuhay. Kung hindi mo yan maalala, may something wrong sa iyo. Talk to Babalu.

May nadaanan akong tindahan ng mga halaman, ang Vhino's Garden. Hindi naman ito masyadong creative, maliban sa nagmamagandang letter H sa "Vhino". Hindi ko alam kung anong ikinaganda ng buhay ni Vhino sa pagdagdag nya ng letter H sa pangalan nya. Kanya-kanyang trip lang talaga yan. At least hindi sya nagda-drugs. Lulong lang sya sa letter H.

Yung may-ari ng Gooch Bar siguro ang naka-drugs. Or baka hindi lang nya alam na "gooch", according to UrbanDictionary.com, is the area between the balls and the anus, wherein kung hindi ako nagkakamali ang translation nito sa Tagalog ay "kuyukot". Kung tinawag na Kuyukot Bar ito, malamang kakabugin nito yung Babalu's Bulalohan sa pagiging memorable.

Imagine mo kung may magtetext sa iyo ng ganito: "Friend, kitakits tonight sa Kuyukot!"

Sasagot ako agad ng "See ya!"

Kung may amoy ang Kuyukot Bar, malamang hindi ito mabango. And speaking of hindi mabango... Kung may kaibigang bading ang may-ari ng Majoho Hotel and Restaurant, malamang hindi yan ang pangalan nyan ngayon. Hindi natin kailangang maging fluent sa gay lingo para magka-idea na hindi masyadong mabango sa pandinig ang name na "Majoho". Iba-iba ang level ng amoy. May mabaho, may mabantot, may maantod, masangsang, paakyat sa level ng makyoho, mashoho, papunta sa sukdulan: majoho.

Sobrang bango naman sa pandinig ng pangalan ng nadaanan kong motmot, ang 5 Star Apartelle. Luxury amenities ba ang hanap mo? Wala nyan dito. Ang tinutukoy nyang 5-Star ay hindi yung world class quality... kundi yung limang stars na naka-drowing sa tarpaulin.

Walang pakialamanan! -- 5 Star Apartelle Owner


Mga ilang minuto pa ay biglang bumalandra sa harap ko ang Bong Sabon Factory Price, at napakaraming katanungan ang mabilis na pumasok sa aking isipan: magkano ang Bong Sabon kapag sa mall binili, compared sa factory price sa outlet? In the first place, meron bang Bong Sabon sa mall? In the first place, ano ang Bong Sabon, at ano-anong sumpa sa katawan ng tao ang nagagamot nito?

Napa-imagine na naman ako bigla. Isang commercial, isang sexy at flawless na actress, nakatapis ng twalya at magbibitaw ng ganitong linya:

For skin so soft and smooth, I only use... Bong Sabon.


Minsan, sa pangalan pa lang ng business, alam mo na kung ano ang sitwasyon na kinasasadlakan ng mga may-ari. Halimbawa na lang itong magkatabing tindahan ng pakwan sa sidewalk, sa ilalim ng mga puno ng aratilis, ang Marcella's Sweet Pakwan at ang Janet's Sweet Pakwan. Malinaw na malinaw sa ating lahat ang rivalry sa pagitan ng mga pakwan ni Marcella at Janet. Ang ikinakabagabag ng kalooban ko ay kung sino sa kanila Marcella at Janet ang nauna sa pangalang "Sweet Pakwan" at sino ang second-rate trying hard copycat.

I-assume natin na ang original ay si Marcella at ang nanggaya ay ang hindot na si Janet. Napakahirap bang umisip ng pangalan ng pakwan stand??? Kailangan "Sweet Pakwan" rin? Pwede namang Janet's Malalaki, Mabibilog at Makakatas na Pakwan. O kaya Pakwan, Pakyu! Pakme!

Tignan natin kung hindi pilahan ang pakwan ni Janet.

Sad to say hindi na natin malalaman kung anong kahihinatnan ng dalawang magkaribal sa business na ito. Kaninong pakwan kaya ang mas malaki at mas masarap? Kaninong watermelon ang mas nagwawater-water?

Meron pa akong namataang apat na magkakasunod na stalls: ang Aurora Eatery, ang Aurora Eatery, ang Aurora's Eatery at ang Mercedes Eatery.

Malinaw na malinaw sa lahat ang rivalry na nagaganap dito, pero unlike sa Marcella vs Janet, kitang-kita natin kung sino ang mas nakakalamang kay Aurora vs Mercedes. Tatlong stalls kay Aurora, iisa lang ang kay Mercedes. Kung ako kay Mercedes, manliliit ako nang tunay at wagas.

Sabi nga ni Aurora kay Mercedes:

You're a Mom & Pop, I'm a corporation!


At hindi kayo namamalik-mata, may apostrophe talaga yung pangatlong stall. Sa lahat ng branches ni Aurora, itong isa lang ang naka-afford ng apostrophe.

So mga Kids I hope may natutunan kayo sa entrepreneurship seminar natin today. Ako, nangangarap rin magkaroon ng sariling business. Ang gusto ko ay computer shop at tatawagin kong Cyber 6 Den.

Thanks bye mwahchupa.

59 comments. Post your comment here.:

The Gasoline Dude said...

Hahaha! Ikaw na ang Entrepreneurship Guru! Pwede ding i-apply ang post mo sa blogging.

megan fucks said...

pak na pak.ü adik

khantotantra said...

ahahaha. grabe ang kompetisyon sa mga tindahan na nakita mo lalo na between the biggest and sweetest pakwan.

baka sa susunod na pag-akyat mo sa baguio, apat na auroras eatery na. nag merge na sila ng mercedes eatery. lol.

Renz said...

wahahahahaha. dami kong tawa dito. hobby ko din kasi yan XD

saka ito--> CTRBNBLARS&KWNTNYB
Fvck pano matatandaan yan? XD XD

ang tambok ng isip mo sir. katuwa. Pagnadaan ka dito sa amin may ganyan din, "Ligawan ni aling Agnes." mukang typo yung ligawan pero pinanindigan nila XD

Neneng Kilabot said...

ahahaah lintek na yan..

wala ka tlgang kupas ser..

empi said...

Ang hirap naman tandaan yong for short na binigay mo. Hehehe!

Parang kadiri pakinggan ang Kuyukot Bar. Hahaha!

Di kaya Papaya Soap ang Bong Sabon? Hehehe

Kamila said...

Nice ang GOOCH BAR.. ano kayang amoy dun? Hehehehe at napaka-informative nita dahil di ko alam na yun pala meaning nun. Toink.

May alam akong computer shop, pangalan IYO TUBE. At so far iyon lang sa utak ko ang naaalala kong kakaiba... hindi ko naisip na pwede pa lang hobby yun na tumingin sa mga yan... hobby ko kase dati tumingin ng mga banner at tarpaulin ng mga tumatakbong Mayor, Vice Mayor, SK officer, Merry Christmas nila at ng pamilya nila... At Hello nila.. at mga project nila.. at kung anu ano,

Dhianz said...

haha... iniscan koh lang pero natawa akoh =P

namiss kitah glentot.. ingatz! Godbless!

MiDniGHt DriVer said...

Dami kong tawa sa palihim na nagmamanual sex. Di ako nkakarelate... promise! hehehehe

Anonymous said...

isang Boring na umaga sana... pero...
salamat sa Blog mo pinatumbling mo na
naman ako sa tuwa :D

Go kna sa binabalak mong Business.
sigurado papatok yan =))

hm. salamat din pala sa Pagpansin sa YM kagabi :"> (kilig)
at sa isang Quiz na nasagot ko.. pero kala mo
nag cheat ako. :-S di kaya :-S HAHA

oxa TCGB iDOL :">

-vel

Patricia ♥ Ashika said...

Muntik na matanggal ang panga ko kakatawa. Ayos!

mike said...

you just gotta love the imagination of these individuals. LOL @ babalu's bulalohan sa binalonan. took me a while to even read it completely without getting tongue twisted.

-mark- said...

kahapon nasa bus ako bigla akong nakakita ng karinderya ata yun ang pangalan ay "TOUNGE IN A MOOOO". yun lang

Poldo said...

Dun sa amin dati di ko alam kung anong trip nung owner dahil ang pangalan nung internet cafe nya e "KENs' Thought Cafe" at dun sa sign board nila effort kung effort at nakadrawing pa na si Ken MAy Thoughts... LOL..

salamat dito sa seminar nagkaroon na ako ng Pointers para pagbabasehan ng pangalan ng business ko in the future!! haha

rah said...

Ako naman ang binibilang ko sa umaga, mga babaeng walang suot na bra. Hokie pokie.

janice said...

naman..napaka observant..ako usually nag iimagine at natutulog lang sa byahe..

bHeniPotpOt said...

eto na naman ako pangisi ngisi ng parang aso. :)) nakakatawa lahat ng explanasyon sa mga pangalan nung mga business signs :)) nakakuha ako ng idea xD

claudiopoi said...

pooootang ina! hindi ko kinaya ang post na to! laffftrip! hahaha!

sana malaman natin kung kaninong pakwan ang mas nagwawater-water at nagsisquirt ng pakwan juice!

hahaha. one of the best to, master glentot! :D

rica said...

ahaha! ako hindi restaurant yung nakita ko, sign lang sha di ko matandaan kung saan eh, sabi "keep off the GRASH" as in all caps yung "grash", haha! pati yung bakanteng lote sa tabi ng subd sa imus, sabi "don't BLACK the drive way" hihi! :D
salamat sir sa pagdaan at pagcomment sa aking blog, kinilig ako ah haha yung bro ko todo tanong ng "anu ba yun?!" kala niya tuluyan ng naloka yung ate niya hihi! :D

RICO DE BUCO said...

hahahaha adik tawang tawa ako dito glentot hahahaa..lalo na sa part na kita tau sa kuyukot at ung water water part hehehe astig lang hahaha


lafftrip galore!

Spiral Prince said...

loooooooooool. nagising naman ako ng binasa ko to. hahahaha. at talagang mahal na ang mga apostrophe ano?

psst. imbitahin mo'ko sa opening ng cafe mo ha? tenkyu!

Chingoy said...

bungga gid! hahaha

may nakita ako sa davao na funeral parlor: *****'s Funeral Parlor, YOUR FAILURE IS MY SUCCESS. (katapat nya ang isang OSPITAL)

mabuhay ang pakwan ni janet! :D

wv: shiph (shif?!)

egG. said...

daming alam na pangalan ah.... pak na pak!!! pero di ba mas maganda kung kakaiba ung pangalan at madaling matatandaan ng tao.. ika nga UNIQUE AND REMEMBER... me ganon? smpre waleyyy!

mejo curious nga lang ako dun sa mga kanta ni Aleck Bovick.. hehehehe.... kumakanta pala siya.. kala ko boldstar lang siya charrrrr... hehehehehe

Myk said...

Sinipon ako bigla sa "Majoho Hotel and Restaurant." LOL!

isp101 said...

Ayan, happy thoughts na ulit, Glenn! Mas ok na siguro kung English nalang yung, Gooch Bar, kaysa naman KUYUKOT Bar! hehehe! Ewan ko kung napapansin nyo ito sa edsa, may isang bus liner na meron malaking add sa likod, "HOTEL MOKKO", hehehe! Innovative din sila! Hehehe! =)

Ako si Yow said...

Structure! HAHAHAHA.

Hayop ka, nakakasaya ang pagbabalik mo. HAHAHAHAHA. Nahayop ka pa tuloy, sorry naman. Can't get over it. Funneeh! Haha. Majohong pak na pak! Ikaw naa!

nyabach0i said...

meron bang second session ng CTRBNBLARS&KWNTNYB? pasign up na sir :)

xaxa said...

hahaha ang galing naman

Michael said...

May sapi lang talagang tunay at wagas iyong may-ari ng Majoho Hotel & Restaurant. At, kung sino kina Marcella at Janet ang mas masarap ang pakwan? Hula ko si Janet ... Alam na. LOLOLOLOLOLOL. :D

chilaxjukebox said...

LOL! wahahaha..taena, muka akong tanga dito sa office ngayon kakatawa! Magiinvest ako jan sa cyber 6 den mo...hahaha..

Reesie said...

wahahaha. janet's pakwan? waahaha. you never fail glentot! this post just made my day. wahaha.

tabian said...

kamusta naman ang Majoho Hotel and Restaurant? ang antot at may restaurant pa...lang ya!

Kung ako magkakabusiness gusto ko funeral parlor and I'm gonna call it - Punerarya Mabuhay and Catering Services...slogan - "Nakalibre ka nang make-up may dinuguan ka pa for free"

mjhay said...

ikaw na ang magaling..lol nakakawala ka ng stress.. lahat na yata ng blog mo nabasa ko na..... natawa ako kay pakwan... :))

MKK said...

Glenn! IKAW NA! DA BEST KAA!! WOOHH!! XD

PABLONG PABLING said...

iba ka talaga glentot hari ng insights ka... :D tawa ako ng tawa. :)

Diamond R said...

pag may nakita akong "Pakwan,Pakyu! Pakme! "stall ng pakwan ikaw ang maaalala ko.

ardent1 said...

hindi ko kinaya ang face-off ng pakwan nila marcella at janet. Bwahahaha...

the philippine guild said...

hunch ko lang eh iisa ang ex boyfriend ng dalawang pakwanan na yan. by the way, most of the business names ngayon na weird eh superstitious like prosperity canteen. tot, punta ka dyan sa pinakapanget na building sa ayala, yung blue ang kulay, near PBCom, may nakabalandrang canteen sa groundfloor ng building. akala mo tuloy nasa quiapo ka at wala sa ayala.

Xprosaic said...

IIlan sa nabanggit mo nakita ko na... motmot pala yung 5 star apartelle... hehehhehehe... at tama sige magbisnes ka nung cyber syap mo... aabangan namin kung ano pakulo mo sa loob ng syap... hehehhehehe

Jag said...

Naalala ko may Mc Dodong malapit sa school namin dati hehehe...isa siyang Karenderya...

Nakakatawa pero in fairness may natutunan ako dito hehehe...

kalokang Pinay said...

Hahahaha! Muntik ng magising ang anak ko (at kapitbahay!) sa katatawa! Di ata magandang gawing magbasa ng post mo ng 5am!

Anyhu, gusto ko ang short name ng seminar ah, wagi at madaling tandaan!

Medyo nainggit ako dahil madalas naman kaming magbyahe pero di ko naisip na bigyan ng sobra at detalyadong pagoobserve ng mga sign post... (mental note, kaylangan gawin ito next time makauwi!)

Naloka ako sa factory price ng Bong sabon at sa pakwan ni Janet! huwah!!!

mots said...

natatwa na naman akong mag-isa. hayup ka talaga. halimaw

♥superjaid♥ said...

napahagalpak ako sa kakatawa dito. tiningnan tuloy ako ng masaya ng pinsan ko parang sinasabi nyang nababaliw na ako hehehe

iprovoked said...

Adik ka Glentot! hahahaha. Nandito ako sa office ngayon, alas kwatro na ng umaga at humahagalpak ako ng tawa! LOLOLOL. Nice one, idol, mahal na mahal na kita! Haha :D

VeeBee said...

sakin naman, nakagawian ko nang gawing libangan habang nasa biyahe ang magbilang ng animo-lapidang titulo ng mga tao na nakapaskil sa harap ng bahay nila. kadalasn makikita mo to bandang pangasinan hanggang tarlac. merong doktor, lawyer, at kahit nurse.... hehe ewan ko lang kung bakit kahit titulado mga taong yun at pinagyabang pa sa harap ng bahay nila, eh maliliit pa rin yung mga bahay nila?

Anonymous said...

whew! natapos din ang backread...kudos kay Mr. peace laba dami labango...^^,

dahil sa galing mo mgobserve sa nangyayari sa mundo eh naengayo tuloy akong mag-blog din...actually dami ko na draft...account at layout na lang ng page ang kulay eh magkamukha na tayo wahahaha...pekyu from the bottom of my ass idol!

keep them coming and God bless!

-Dark@ngel.sa.gabing.madilim

mjomesa said...

bow na ako sa observation mo..wahahaha..

mwahchupa ever...

sabihan mo si mercedes na magtayo din ng branch...waahah

aleihs shiela said...

Babalu's Bulalohan sa Binalonan pala ang pangalan nung kainan na un sa Binalonan. naturingang kapit-bahay lang ng Pozorrubio hindi ko pa alam. Lagi ko pa nadadaanan. haha.

ok, serr. adik ka talaga Ü

Maniniyot said...

Nakakatuwa naman yung mga pangalan ng mga tindahan lalo na yung Babalu's Bulalohan sa Binalonan! :D

kwentongbalentong said...

pwede kang entrep adviser! walanghiya dineretso mo na sana ng cybersex! sabagay magiging mahiwaga yun at dudumugin ka.... ng mga tulad mo.. hahahaha.

kamusta parekoy? may bagong bold movie ka ba?

APE said...

Iba talaga ang imahinasyon ng Pinoy! Makaakit lang ng wallet! este, customer!

Hanggang sa susunod na seminar pre!

Eto classic, lagi ko nakikita sa mga bus.

HOTEL MOKKO.

lol.

glentot said...

The Gasoline Dude you mean sa mga blog names? Haha baka maraming magalit sa akin!!!

megan fucks haha hindi ka na nasanay!

khantotantra haha oo na-acquire nya na as asset si Mercedes! hindi na mapigil ang pag-asenso

Renz haha natawa ako sa ni-share mong name ng store! pinandigan ang naghuhumindig na typo error!!!

Neneng Kilabot coming from you I take that as a very nice compliment haha salamat!

empi haha kadiri pakinggan pero may staying power young name diba haha

Kamila haha sa kakanood ng Jackass ko yata nalaman kung ano ang meaning ng gooch. haha yung Iyo Tube na yan may hidden meaning yan!

Dhianz haha skipread! miss ya D

MiDniGHt DriVer haha napaghahalatang gawain!

vel kung maka-puri ka naman hahaha salamat nga pala kulang pa ang sagot mo

Patricia ♥ Ashika haha sorry kung na-lockjaw ka haha

mike haha i'd love to see these businesses go national

mark haha censored na yang name ng business na yan ah

Poldo haha hayup natawa ako sa name ng cafe na yan! Mairaos lang talaga ang kalokohan ano hehe pero creative!

rah hahaha perky kung perky!

janice naku kapag natulog ka y ou'll miss a lot

bHeniPotpOt at anong idea naman ang nakuha mo heheheh share!

claudiopoi haha salamat salamat sige pag tumigil ang bus dun minsan titikman ko ang mga pakwan nila nyahaha

rica haha salamat sa pagshare! natawa naman ako sa grash at black!!!

RICO DE BUCO salamat at naappreciate mo nyahaha

Spiral Prince haha thanks at natuwa ka akala ko pa naman lalangawin lang itong post na ito

Chingoy Fuuuuuuuuuuuck sobrang natawa ako nyahahahha gagu!!!!

egG kung maka-UNIQUE AND REMEMBER ka naman! kebs lang kung mali nyahahaha! lavet! oo kumakanta sya!!! tignan mo!!!

Myk haha at least hindi mo sya maamoy!

isp101 nyahaha oo nakita ko na nga yang Hotel Mokko na yan! Pasimpleng kalokohan! Nyahaha

Ako Si Yow gagu! lagi mo na lang akong minumura! hindi ko tuloy sure kung talagang natuwa ka! haha

nyabach0i magkakaroon soon!!! nag-iipon pa ako!

xaxa salamat

glentot said...

Michael haha tama, may sapi! actually silang lahat may sapi! sinapian ng creativity!

chillaxjukebox haha go! bili na tayong computers nyahahaha salamat at napasaya ka

Reesie salamat salamat salamat! glad to cheer you up!

tabian hahaha tama!!!!!!!! at dapat may kasamang cound system ang funeral services mo, patugtug ka ng "Stayin' Alive" hahaa

mjhay nyahaha salamat po! i appreeciate your appreciation nyahaha

MKK lololol salamat!

Pablong Pabling coming from your Paps malaking compliment yan hahaha salamat!

Diamond R haha oo malamang kasi stall ko yun nyahahha!

ardent1 haha pugsitan sila malamang ng katas-katas ng pakwan

the philippine guild mmmm tanungin ko nga yung friend ko na nagwowork dun kung mukhang embodiment nga ng prosperidad ang canteen na yun ahahaha

Xprosaic haha sige kukunin kitang model ng Cyber 6 den!

Jag Mc Dodong haha amputah!!!! lavet!!! at kelan ka ba walang natutunan sa akin! nyahaha

kalokang Pinay nasa UK ka kasi so wala ang Pinoy humor sa mga shops jan nyahaha salamat at natuwa (at nakabulahaw) ka!

mots nyahaha thank you sir!!!

superjaid haha go lang ishare mo na lang sa pinsan mo baka matuwa rin sya

iprovoked nyahahaha! salamat sa pag-appreciate mwahchupa

VeeBee nyahahaha oo nga no!!! meron nga sa Pangasinan halos buong harap ng bahay eh tadtad ng ganung signs! Sila na ang may graduate sa pamilya!

Anonymous haha darkangel salamat at kapag may blog ka na iwan mo dito ang link para mabasa naman namin hehehe

mjomesa haha baka mag-succumb na si mercedes sa pame-mressure ni aurora!

aleihs shiela haha try mo naman kumain dun at sabihan mo kami kung masarap yung bulalo

Maniniyot oo nga gusto ko tuloy makilala si Babalu

kwentongbalentong nyahaha marami akong bagong bold!!!!! kaso hindi ko maiblog eh!!!

APE nyahahaha at malamang yang classic na yan eh napasok mo na? San banda nakatago ang remote control? nyahahaha


SALAMAT PO SA INYONG LAHAT MWAH MWAH MWAH SMOOCHCHUPA!

APE said...

Hahahah! Di ko pa nasubukan sa HOTEL MOKKO. Pero malamang nakalapag lang sa mesa. Pagbukas mo ng pinto kita mo na agad. lol. SOP ng mga motel yan.

Allen said...

HAHA! Kung ako kay Janet, ginawa kong Janet's SWEETER Pakwan yun para talbog si Marcella. haha!

Sosyal si Aurora. May group of companies. haha!

Wala ka sa Tito ko dati. may business na suka. Ang pangalan, Bonsai Lou. Galing sa Pangalan nyang Boni, sa girlfriend nyang si Sai at sa kabit nyang si Lourdes. Sa spelling palang, alam mo na kung sino ang orig at sino ang number 2 na least priority dahil dinugtong lang sya sa brand name. haha.

goyo said...

Majoho Hotel and Restaurant. --- HAHAHA! Majoho ampota.. tama ka, kahit hindi bihasa sa gay linggo, alam na mabaho ang ibig sabihin nito. bwahaha. Majontot.

fetus said...

napasearch tuloy ako ni aleck bigla hahaha. naknang langkwenta pala yun.

Senyor Iskwater said...

mas masaya maging creative pag mga prutas pala ang tinda like pakwan...madaling makapukaw ng atesyon...

nakakatawa ang post na ito...

another mema comment....hyyy

DEMIGOD WINZTON said...

LOL! MAS ENTERTAINING 'TO. VERY EQUIPPED KA PALA PAG DATING SA PAGBIBIGAY NG SEMINAR ON ENTREPRENEURSHIP! HAHA. AT OK DIN ANG TASTE MO SA PAGBIBIGAY PANGALAN SA ITATAYO MONG NEGOSYO: CYBER 6 DEN?? LOL!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding