diz iz bowlshet

Last week on my way to work, napadaan ako sa Reyes Barbecue. Dahil natakam na naman ako sa menu, at dahil walang pila sa counter, dun na lang ako, keysa pumila ako sa ibang kainan. Kahit medyo hindi maganda ang experience ko sa branch na ito last year dahil marumi ang lamesa, madilim, ang bagal ng service at nagmamantika yung orange juice (hindi ko na sasabihin kung anong branch), dito pa rin ako kumain.

Paglapit ko sa counter, ang crew na kumuha ng order ko eh naka-taas ang t-shirt sa dibdib at nakalabas ang malaking tiyan. Bago ako tanungin kung anong order ko, pinunas nya ang laylayan ng t-shirt nya sa mukha nyang pawisan. Ganun ka-professional ang greeting sa akin.

Umorder ako ng 2-piece barbecue meal at para makaiwas sa orange juice na oily, nag-Royal in can na lang ako at humingi ng glass with ice. Imbes na 2-piece ang i-punch nya, 1-piece lang ang pinunch nya, at nag-additional 1-stick na lang ako na mas mahal nang konti. Simple mistake, o modus operandi?

Ako lang ang customer. Pag-upo ko, habang hinihintay ang order ko, nagkaroon ako ng mahabang time na magmasid, at nagmagandang-loob na rin ako na magpunas sa lamesang malagkit dahil nakakahiya naman istorbohin ang waiter.

Iisa lang ang waiter, at abala sya sa pakikipagflirt dun sa babaeng crew ng Pan de Manila na nakatambay lang. Yung dalawa pang waiters eh naka-off duty na at naglalandian rin (isang lalaki at isang bading). Ang crew na kumuha ng order ko, sya rin yata yung cook, at sumasalit rin sya sa pakikipaglandian dun kay Ateng Pan de Manila.

Bukod sa halos kalahati ng menu nila na nakadisplay sa wall ay may nakapaskil na "Not Available", at yung canisters nila ng mga toothpick ay wala nang laman, nakita ko rin na yung ini-slice na saging na saba (para sa Caramel Banana Ala Mode) ay naka-imbak sa malaking jar ng mayonnaise (na walang takip) at nakasalampak sa ilalim ng ref, sa ilalim ng mga softdrinks. Note to self, wag na wag oorder ng Caramel Banana Ala Mode.

Hindi na ako nagtaka kung bakit puno ng tao yung World Chicken sa kabila samantalang dito eh walang tao. May reputasyon na siguro itong branch na ito ng Reyes Barbecue.

Pagdating ng order ko, yung binigay na glass with ice, tunaw na ang yelo. Iinumin ko na lang sana yung tubig nang mapansin ko yung baso. May grasa sa loob. OK ewan ko kung grasa nga yun pero itim talaga, pinahid ko pa sa tissue. Pinapalitan ko agad yung baso, kumain, sabay alis.

Hindi ko sinisiraan ang Reyes Barbecue, kasi paborito ko ito. Itong branch lang talaga na napuntahan ko ang medyo FAIL. Kung isa akong undercover customer at isusurvey ko sila para ireport sa Manager, gagawa ako ng 10-page essay para masisante silang lahat, magmula dun sa dugyuting cook/tao sa counter, kung sino man ang taga-hugas ng baso, yung malanding waiter, pati na yung mga naka-off duty.

At oo, pati si Ateng taga-Pan de Manila. Damay-damay na ito.

73 comments. Post your comment here.:

EngrMoks said...

naks nagrereview na rin ng restaurant/fastfood/dine-in/beerhouse si Glentot!

Nakakain nako dyans a Reyes, sa may AlphaLand sa Magallanes, masarap naman yung grilled pusit nila...at Java Rice.

The Gasoline Dude said...

Food blogger ka na din? Akala ko ba eh vlogging na ang focus mo? LOL! Kailangang makarating sa management ng Reyes BBQ ang hinaing mo. Hindi ito makatarungan! Kailangang i-share sa Facebook at i-ban ang Reyes BBQ.

Anonymous said...

grabe naman ang branch na yan. dapat i-report kasi so dugyooooot.

kaderder naman ang experience mo dyan sa kinainan.

-khanto

mike said...

are you for real?? there's so many health violations. they should close this place. eeewww...

renz bacani ginez said...

kaya nga.. dapat makarating sa management ayan..kahit ang branch na yun lang pede madamay yung ibang branches nila dahil sa dugyot image niyan..

empi said...

iba iba talaga ang pamamalakad ng ibang branches no... sa ibang branch maganda ang service at malinis tapos, pagpunta mo sa ibang branch hindi maganda... kaya nasisira ang pangalan ng resto o kainan dahil sa ibang branch na hindi maayos e.

fetus said...

bat nadamay si ateng pan de manila? hahahaha...

gnehpalle02 said...

kailangan silang i-report o mas maganda ipa-imbestigador sila.. ehehehe. Seryoso, hindi po dapat silang hayaan na magpatuloy ng ganyan, kasi kawawa naman ung ibang kumakain na hindi napapansin ung mga kabababuyan nila. What if kung matandang malabo ang mata lalo pa silang magkakasakit kapag patuloy sila ng ganyang serbisyo...

mommy-razz said...

kainis ung ganun na resto, kaya pala walang pumapasok don.. huwag ka ng bumalik don..

Maniniyot said...

Kahit kelan ayaw ko na talagang bumalik sa Reyes Restaurant. Nagkaroon na rin ako ng bad experience sa kanila. Pero worse yung sayo. Yung sa akin, naexperience ko lang eh yung sobrang tagal ng service nila. Sobrang bagal na halos umabot ng 45minutes. Tsk. Badtrip talaga yun. Kaya ayaw ko nang bumalik sa kanila.

Jam Santos said...

sobrang fail talaga diyan. may gumagapang pang mga baby ipis sa sahig at dingding. mag spaghetti ka na lang sa country style. haha!

-mark- said...

so kadiri, masarap pa naman sa reyes bbq, kung ako ay ikaw irereklamo ko yan sa main office nila,mag sesend ako ng email..hehe sabagay madami akong time,ikaw ay busy lagi... alis na ku,hihi

Anonymous said...

gateway yan noh!!! :))

Nanay JoyniSha said...

"Isumbong sumbong kay bonggang bonggang bong bong.Dito na agsumbong direchupa ang aksyon".

Pwede mo ipa cancel kung mali ang punch.Punch you sila.Tamad lang silang iayos.

Kadiri naman yan san kaya yan ng matry.

*napadaan

Marjorie said...

at dahil dyan ayoko na kumain sa reyes barbecue. pansin ko nga laging nilalangaw ang resto na to eh, kaya nga nagtataka ako kung bakit madami pa siyang branch.

jat said...

sana makarating sa management nila yan. Pag ganyan palagi, wala na talaga silang magiging customers.

Saka sana magprovide ang management ng pampunas sa pawisang mukha, hindi t-shirt. haha

silentassasin said...

I-report na yan kay Ricky Reyes..hahaha, sya ba may ari nyan?

Sean said...

saan yan? kadiri! sabihin mo na nang maiwasan haha. love ko pa naman ang reyes bbq.

Andy said...

di ba sanay ka naman na kumain ng ganyan?

Jaderated said...

natakam ako. dyan ako magpapaparty shyet.

Artiemous said...

hahaha! alam ko kung saan to! :D wala na nga kumakain dito eh dahil sa tagal ng service at walang kwentang crew. basta sa 3rd floor to ng isang sikat na building sa makati kung saan kita nakita... gusto sana kita tawagin at magpapicture sayo kaso baka sabihin mo... "Hu u?" :D

rah said...

I hate that branch. Sana idisclose mo na kung saan branch yan para naman matauhan sila. And until hindi sila magbago this impression will stand. Importante ang food safety. Marami nang namatay dahil sa food poisoning.

bienvenido_lim said...

Sayang nga yang Reyes pag napabayaan. Ang ganda pa naman ng pagkahiwa nila ng pork sa bbq, square-square at di halatang madaming taba. Hay naku, they should do something about it or makuntento na lang sila sa pagperm at rebond

Supladong Office Boy said...

glentot saan yan?

dyan ko dadalhin yung mga blogger friends kong gusto lagi magpalibre! hahahahaha.

tamang-tama 'to pag-uwi ko ng pinas. LOL

Anonymous said...

Baka puwedi magpart time sa kanila, pakitanong pls at sabihin mo sa akin. Salamat

-dyowa ni Edmilyn

Diamond R said...

di na muna ako magbabasa ng mga comments dahil tawa ako ng tawa sa kakaibang karanasan mong ito pigil na pigil.Pero kuhang kuha ko ang mga eksenang napansin mo. Pati yong sagin sa garapon na walang takip sa ilalim ng ref.Hahahahahah.

Iba ka napaka pasinsiyoso mo. ako tahimik na tao pero di nakakapag pigil pang mga ganyan ang eksena lalo na pag sa pagkain. Oh lord Masuwerte sila at ikaw ang naperpisyo nila. kawawang business dahil sa mga walang kwentang empleyado magsasara.

hArTLeSsChiq said...

awts wala pa naman akong nakakainan na branch ng Reyes bbq na ganyan kasalaula... kadiri naman, parang pinabayaan ah. Dapat silang ireport sa mga ganyang unhygienic practices.

Yung tao pa lang sa counter, mapapadalawang isip na kong ituloy ang pagkain. Buti naman hindi ka nakaramdam ng kahit ano afer mo dun kumain.

SunnyToast said...

Kadiri naman...for sure kung skin yon ngyri nag wala ako at pati yong nag laladian for sure na award winning ko. wala pa naman ako patience sa mga situation na ganito lalo kung gutom na ako.

egG. said...

kaya siguro walang katao-tao dahil hindi dinadayo dahil sa maling pamamalakad siguro.. siguro iniisip nila nasa palengke lang sila lol...

anyway.. yung reyes bbq din dito sa isang malapit na SM dito samin hindi din dinadayo. lage walang tao.. yun pala ganyan pala.... buti never pa ako kumain sa reyes bbq....

magmamang inasal na lang ako lol :D

daemonite said...

wahhhh kua glentot, san branch? pa pm para di ako kakain jan...

MD said...

sa ibang reyes oks naman.. hmmm, pero pwedeng ireklamo yan tol ah.

pare, patweet naman sakin yung branch. hehe

Pinoy Adventurista said...

anung branch ba yan? share mo naman... :)

Michael said...

Ikaw na ang health inspector ... Kumain ka pa diyan kung aabutin din pala sila ng comment sa iyo ... :D:D:D:D:D:D:D:D

WV: burac. Nagpapahiwatig ang blogger sa kung ano ang nakita mo sa baso mo ... :D

kaye said...

at dahil dyan hindi na ako kakain sa alinmang branch ng reyes bbq. hahaha.

gusto ko yung world chicken.

mas maganda kung pinangalanan mo yung branch para mas maraming makaiwas. haha!

aleihshiela said...

waah! kinaya ng tsan mo ung kinain mo? haha. iba ka, pareng glen. da best. ikaw na :P
report na yan. di karapat dapat bigyan ng sanitary permit. ewwness.

Leah said...

Ayayay!! May grasa sa baso? Malagkit ang lamesa? Eeek!! Kapg ganyan yung service, dapat nang ireport yan..

Ang masama nyan, baka yung kinain mong barbecue meal, hindi rin malinis ang pagkaluto, Glen.. Hala......

chilaxjukebox said...

sabagay, sa antipolo branch din di kagandahan service, at mahal xa ah..di sulit...tsk tsk...
mang inasal k nlang pre halos pareho lng nmn :D

Robbie said...

Yak. Kadiri naman.

Mabuti kung hole in a wall type na kainan yan mapagbibigyan ko pa. Pero honestly, I only ate sa Reyes Barbecue twice ever. Hindi ko gusto ang vibe ng lugar.

Pero dapat sa ganyan na branch nire-report. Or dapat may regular checking ng mga branches na ginagawa ang main office.

Will said...

Sayang masarap pa naman atsara dyan. Mag reklamo na kasi sa dapat pagreklamuhaaaaan.

YOW said...

Yung branch naman na gawi dito malinis at sobrang liit, sagana sa tauhan. Sigurado ka bang Reyes Bbq yan? Baka di mo napansin ang pinasukan mo mali pala spelling, Reyis Barbecute nakalagay. Made in China? Haha.

tabian said...

ikaw report mo din sarili mo..alam mo na nga na dugyotan ang show dun ka pa talaga kumain, parang patay mali lang..hehehe

buti di sumakit tyan mo, sabagay baka stainless steel na yang bituka mo kaw ba naman nagkakain sa mga ganyang lugar tignan ko lang kung hindi kumupal ang digestive tract mo..XD

NoBenta said...

okay lang sakin ang lasa ng reyes barbecue pero kung may malapit na world chicken, mas pipiliin ko yun. sarap! \m/

iya_khin said...

buti nalang barbecue ang order po atleast patay ang germs!! hygiene lagpak talaga sila!! nakakawalang gana pa naman pag ganyan!

ipasesante na sila..o kaya gawin nalang bahay aliwan yan tutal naglalampungan lang sila atleast dun di na nila kailangan magluto kasi hilaw ang kakainin nila at dugyut-dugyutan kung gusto nila! wahahaha! bitter!

kalokang Pinay said...

Haaay, nakakataka na sa sobrang tindi ng competisyon ng mga restaurants sa Pinas ay may mga tulad nito na sinasayang ang opurtunidad!
Pero dapat siguro ang gawin mo ng note to self " hindi na ako babalik sa branch na ito!"

chino said...

kung may alam ka isumbong mo kay Tulfo or kay Pareng mike enriquez. hihi. food blogger ka na din pala....Aliw

isp101 said...

Hello, Glen! Kung ako sa'yo, talagang ire report ko iyong mga walang pinag aralan na yun... Ang mahal2x ng barbeque nila, tapos ang pangit ng service. Parang alam ko ya'ng branch na yan ah, sa may gawing ortigas ba ito?! Hehehe! I'm sure, hindi ito yung sa loob ng galeria, kasi medyo matino service duon. Siguro, baka franchise yung branch na yun, usually, yung mga franchise, walang pakialam sa quality ng service. Wag kana kakain ulit duon, para di ka ma bwiset, hehehe! =)

Oliver said...

alam ko kung saang branch ito, hahahaha.
ito ba ung branch na malapit sa atin?

Momel said...

Ewwyness, how kadirdir, how third world the baho cook.

Actually, meron isang branch ng Reyes na malapit sa office namin, yung sa bandang Emerald Ave. Sapat lang, wala ka talagang masasabi, maliban sa fifty golden years ang paglabas ng order. Bumaba na ang sperm count ko't lahat eh waiting in vain pa rin si watashi, maka-lafiz lang ng nyorbikyu ever. Backstage!

Anonymous said...

wag na kasi kumain sa branch na un...sakit lang aabutin mo.may duda kong dugyot pgkakaluto ng kinain mo.hahahahaha!!!!ingatz idol


UNGAZ

Gone to the John said...

napaisip tuloy ako kung saan may Reyes na may World Chicken at may Pan de Manila na katabi... :D

gillboard said...

dapat sabihin mo kung saang branch para maiwasan din namin.

Maldito said...

hindi ko alam kung anong uring kainan yan...kaya hindi ako makakadecide dahil i need to know the other branch too..ahaha.wala lang.baka sakalaing diyan lang talaga ang palpak at may libreng hepa a-z.

DRAKE said...

Arte sa halagang 40 pesos na order kung maka reklamo kala mong umuorder sa mamahaling resto.hahhaha!

runmdrun said...

Ang selan!
Biro lang. Ano'ng branch? Although hindi naman ako kumakain sa Reyes Barbeque, baka sakali lang. Dali, ireklamo natin! Pwede ka pa yumaman diyan! Seryoso, ako idedemanda ko ang Market! Market!, long story pero my point being, maraming yumaman dahil sa bad service na nakuha nila. Heard of that expat who sued SM kasi hindi niya mapa-breastfeed yung anak niya kasi walang feeding station ang mall. Pag-uwi niya, nagkasakit ata yung baby or namatay. Ending, she sued SM Malls, and in turn SM Built Feeding stations in all SM Malls! Wait, dapat mo rin palang isipin kung gaano kalaki yung korporasyon na babanggain. Jollibee foods na ba ang Reyes Barbeque or Mang Inasal yun?

Whang said...

awts mabuti nalang hindi pa ako nagagawi jan(kung saan man yan!)hahaha

pero iba ka brader, ikaw pa talaga nagpunas ng mesa... sana ikaw nalang rin naghugas nung baso hahaha..peace

LordCM said...

paid post ba to? lolzz

ayos, at least alam na kung ano ang iiwasan pag jan napadaan :D

janice said...

ay..customer pa naman ako ng reyes bbq dito sa nuvali...tsk.tsk..tsk

Anonymous said...

ewwwwwwwwwwww nyhahaha,.,,,,
ireport sa imbestigador??lol
anover d ko kineri ang grasa thingy sa baso haha....

damay damay na to pati si ate sa pan de manila,,bang!!!

-unni-

glentot said...

EngrMoks LOL di naman beerhouse nasa loob naman ng corporate building hahaha... uu masarap naman sa ibang branch

The Gasoline Dude uu naku alam ko pa man din ang email address ni frank reyes VLOGGING lol ikaw yun forte mo yun hehe

Khanto ayoko na magreport efort pa yun blog na lang

mike yea for realz!

renz bacani ginez tama kaso hindi naman ako concerned sa kanila so bahala na sila LOL

empi oo nga parang burger machine

fetus sya kasi ang ugat ng lahat ng paglalandian sa branch na yun

gnehpalle02 oo nga no buti malinaw ang mata ko. ano ba number ng IMB

mommy-razz uu hinding hindi na ako babalik dun

Maniniyot oo on top of the kadugyutan pa yung mabagal na service

Jam Santos hahaha yung isang kateam ko nagka-amoebiasis na sa spaghetti ng country style!

-mark- hahaha effort naman yun!

Anonymous hindi po! guess again hehehe

Nanay Joynisha ahahahaha kay Bonggang Bonggang Bong Bong! Bashtush! Lavet ahahahaha salamat sa pagdaan sa aking munting blog

Marjorie nainspire ako sa mga posts mo na review eh! ehehehe

jat hahaha oo nga hindi man lang makapagprovide ng face towel! isend ko sya sa management ang post ko na ito hahaa

silentassasin BWAHAHAHAHAHHA hindi ricky, Frank!

Sean sa isang malaking building sa Makati

Andy ikaw anong sanay mong kainin

Jaderated hahahaha invite mo ko!

Artiemous weh! nakita mo ko? sana tinapik mo man lang ako hehehehehe hindi kita nakita

rah basta nasa Ayala itong branch na ito sa isang sikat na building sabi nga ni Artiemous

bienvenido lim hahaha yung pagkahiwa talaga ang napansin mo!

Supladong Office Boy hahaha gowww mag-buffet kayo with bottomless orange juice

Dyowa ni Edmilyn haha kung dun ka nagwowork anong gagawin mo

Diamond R haha hindi talaga kasi ako confrontational lalo pa mag-isa lang ako nun at ang dami nila

hartlesschiq hindi naman immune na ako, street food nga kumakain ako LOL

Sunny Toast hahaha swerte sila hindi ikaw ang customer nung time na yun

egG sabagay wala naman silang pakialam kung may customer o wala o baka mas gusto pa nilang walang customer

glentot said...

daemonite secret! para ma-swertehan mo rin minsan masurprise ka hehehehe

MD oo sa iba OK naman kahit ung mga nasa food court ng malls ang branch eh somewhere in Makati LOL

Pinoy Adventurista somewhere in Makati hehehe

Michael haha ang creative ng vord verification talaga

kaye ako rin mas gusto ko talaga ang world chicken

aleihshiela oo kinaya naman i don't think marumi naman yung food,,,, or whatever haha

Leah ewan masarap eh hahaha

chilaxjukebox hehe oo nga kaso naliliitan ako sa serving ng Mang Inasal mas gusto ko na sa CHIKBOY

Robbie oo nga dapat may regular timbugan sila

Will sa blog na lang ako nagrant hahahaha

Yow oo Reyes sya Reyes Barbikyu. LOL

tabian ikaw na ang maselan

NoBenta dami tao dun noon eh at sunod sunod na araw na ako sa world chicken

iya_khin haha sila sila ang nagkakainan?

kalokang Pinay oo nagsulat na ako sa aking virtual post it at habang buhay na silang naka-flag

chino haha hindi naman puro kababuyan lang kasi ang nasaksihan ko dun

isp101 mukha ngang wala talaga silang pakialam sa quality ng service

Oliver oo ito na nga sya! ahahaha kitakits! LOL

Momel how provincial. nyahahahaha fifty golden years talaga! hahaha

UNGAZ buhay ka pa palang hayup ka!

Gone to the John oo may isa pang clue may katabi ring BINALOT

gillboard secret na lang para maexperience mo rin

Maldito haha hindi naman ako nakipagsex sa pagkain! LOL

Drake ulul! 40 pesos!

runmdrun salamat naman sa napakahabang pagpapaliwanag. Mukhang gusto ko nga silang pagkakitaan hmmm mangangalap akong ebidensya

Whang hahaha martir na yun...

LordCM paid ng competition ng Reyes ahahaha

Janice OK naman sa ibang branches eh

Unni haha para hindi sila tantanan.

tim said...

Okay ah- why not make another blog food na. hehehehe. anyway- okay din yang restaurant na yan sarap pasarahan. hehehehe

aajao said...

walang pagdududa. LOVE mo talaga ang REYES BARBECUE (gusto kong sabihin na pati yung branch na pinuntahan mo) kase sa kabila ng masama mong karanasan dun eh umulit ka pa ng dine in :)

Keatondrunk said...

san kayang branch yan gusto ko pa nman yan, bka franchisee lang un hindi tlga store branch ng reyes bbq hehe..

cArLo said...

Unacceptable ang ganitong conditions for a resto/fastfood/kainan/whatever! You should report this sa management or else e malulugi't magdurusa ang owner dahil sa kanila..ehehe..
hmmm saan kaya ito na curious tuloy ako hehe :)

citybuoy said...

omg glen. halos di kita nakilala. ang tame ng post?

imy!

APE said...

"Imbes na 2-piece ang i-punch nya, 1-piece lang ang pinunch nya, at nag-additional 1-stick na lang ako na mas mahal nang konti. Simple mistake, o modus operandi"


Putanginang Reyes BBQ yan. Nangyari na rin sakin yung kunwari nagkamaling 1pc lang ang na-punch. Modus Operandi!! Isumbong na kay Bitag tong Reyes BBQ. Chos!

goyo said...

Nakakain na ako once sa reyes bbq, masasabi ko na masarap nga. Pero mukhang yang branch na yan e, mukhang nakakadiri ngang kainan at mga tamad ang tao.

KUMAGCOW said...

Kinainan mo pa din eh siguro type mo si Ate na nasa Pan De Manila

Sketchperiments said...

creative ng Worlds Chicken PR ha. ganito na pala ang labanan ngayon LOL. pero i also observe yang mga landian ng crew. i find it funny how they represent the business they work for ng ilang oras per day and interact with the neighboring business crew.

nieco_speaks said...

Booooo!!! dapat pala ireport ito sa city health something something para mainspection. dapat maitrain sila sa tamang mga paraan ng kompanya. they're putting a bad repu sa reyes. sayang.

Anonymous said...

sa RCBC ito! lol

Senyor Iskwater said...

taena...damay damay na...sa trinoma ba ito? o sa rcbc? naku maswerte sila at ikaw ang customer...mabait ka pa.. more take down notes ka lang...

DEMIGOD WINZTON said...

AW, THAT'S BOWLZHIT TLGA. PARANG WE'RE SO STRESSED SA WORK, AT MINSAN NAKAKA-STRESS DIN ANG PRESYO, THAT WE DONT DESERVE POOR SERVICE :/

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding