vanishing away - versions

Hey Kids! Alam ko wala kayong pakialam sa buhay ko or sa aking hobbies and other shits dahil ang pinupuntahan nyo lang naman dito sa aking blog ay mga kwento ng kababuyan, kahalayan at imoralidad. Pero paminsan-minsan, may ginagawa naman akong matino, something I can be proud of, so today I'm gonna sit down and be serious.

Naalala nyo ba itong song na ito...



Yan yung original composition namin nila Khikhi (vocals) at Junn (guitar) na ginawa namin noong college (lyrics lang ang contribution ko). Na-post ko itong song recently as dedication sa aming kaibigan na si Caloi who passed away last summer.

I call this the "Drunk Version" dahil nag-iinuman kami nung ni-record yan, so excuse any imperfection. Another thing, si Khikhi, kapag gumagawa ng melody, inconsistent... dahil nalilimutan nya ang sarili nyang melodies. Kaya madalas ko syang ma-batter (as in "battered wife") kapag nagrerecord kami.

Now you know what I nicknamed her "Khikhi", dahil sa boses nyang may slight hint of pepe-sound. Joke lang Khiks, labia!




May mga nagsabing nakakadiri daw ang song at meron rin namang mga natuwa sa kanta, isa na si ChilaxJukebox. In fact gumawa sya ng sarili nyang acoustic version:



Sobrang nabilib ako sa talent nya, dahil marunog syang mag-gitara at undeniable na may boses syang tunog pang-alternative. May hint ng influence ng Incubus (and it also reminded me of Slipknot's Vermillion Pt. 2 with a very very slight touch of Alterbirdge). I especially liked how he changed a couple of lines and sang it very differently, and the ad libs worked well.

I'm sure Caloi would like this version dahil mahilig sya sa alternative. So this is officially the "Alternative Version".

Thank you ChilaxJukebox! Akala ko nanggu-goodtime ka lang nung sinabi mong gusto mong gumawa ng version nito hehehe. Thanks thanks!



Itong next version naman ay product ng isang tandem na pinaghirapang mabuo for a looooong time. Several months in the making ito.

Isang araw nag-experiment lang ako sa isang software, nag-mix ng mga keyboards and violins hanggang mabuo ang kanta. Vocals na lang ang kulang, at dahil hindi ko mahagilap si Khikhi (na malamang hindi rin makikipag-cooperate dahil ayaw nya sa song na ito at busy sya), I approached a very good blogger friend of mine, Traveliztera at kahit super busy sya sa kanyang duty/studies eh ginawa nya talaga ito.

Listening to it, I can't help but imagine the amount of time and effort she put into it. I thought she was joking when she said na naka-sampung revisions na sya. Traveliztera is much of a perfectionist, what's OK for me is off-key to her kaya inulit nya nang inulit and now it's perfect. According to Traveliztera, this is the "Pop Ballad Version".



Can you believe her voice??? It's AMAZING.

So there I hope you enjoyed those three very different versions of one song. This song is very special to me because of what it means. We all have lost someone, and we will continue losing loved ones, and all we can do is live out this life until we see them again.



Still dedicated to you Caloi and to all the rockin' times you brought into our lives.

53 comments. Post your comment here.:

Traveliztera said...

awww thank you for giving me the opportunity to sing this song and promise, i thought of caloi when i recorded the final version...

ang galing ng ginawa ng group niyo kahit na drunk version pa yan haha! tignan nio nga nacompose nio--super heartfelt. :) and kay chilaxjukebox, onga noh? alternative talaga... and ang ganda rin! cool niya!

salamat ulet and i'm sure caloi is happy sa naging project ninyo at ikaw mismo sa pagshare ng nagawa ninyong masterpiece :)

PS galing mo mag-mix a :P promise... sana magawa ko rin yan hehehe! i enjoyed our tandem!

-mark- said...

wow, ang galing-galing nila.
the ChilaxJukebox version, masarap pakinggan pampatulog,
the Traveliztera version, nang narinig ko parang binalik ako sa time na lagi akong nasa gig ni cynthia alexander.. excellent voice..

YOW said...

Eh di kayo na! Hahaha. Ang husay. Yan ang talent. Ang ganda ng boses ni Ate Steph. She's really good. At ikaw ang gumawa nung tugtog? Whoa! Eh di ikaw na. Haha. Kayo na ang musically-inclined at talented. Wala ako talent diyan. Ang husay din ni Kuyang na bumeversion. Ayusin mo din kasi yung kay Khikhi. Mahusay din naman siya. Good Job. MORE!!!

chilaxjukebox said...

pucha, napasubsob yata sa lupa ang audio quality nung sakin..hahaha...

don't worry, promise uli, i'll work on the audio and production...nasira kasi keyboards ko kaya di ko nalagyan ng kung anu anu...sori na..hehehe..pero akchuli, even these past days, sinusubukan ko xa iedit at irerecord...hahaha

ganda ng boses ni Traveliztera (orgasmic), sana one day makaduet ko xa..nice arrangement din pre!


Thanks ng malaki boss, sa appreciation...

isp101 said...

Hello, Glen! Caloi would be really happy to hear those different versions of VANISHING AWAY... I love the versions of Khikhi and ChilaxJukebox, very cool! But, what I love the most is Travelistera's version, parang recorded sa Studio, very nice! =)

RJ Naguit said...

kay traveliztera yung the best para skn.hehe :) andun tlga emotions eh.haha

bienvenido_lim said...

Kudos to you and your friends. Napa-wow naman ako sa boses ni Traveliztera.

everybody_loves_raymond said...

hi GLen

grabe napaka-renaissance man mo naman.

andami mong talent. at mabangis kasi talagang ginagawan mo ng paraan na maisakatuparan. the other half of humanity are too full of excuses. sadly, kasama ako ro'n.

yeah listening to it si Caloy pa rin ang bida. suwerte niya for having friends like you.

i'm curious what software was used in this one. Logic Pro ba? Nuendo? Reason? Fruity Loops? He he, halata bang frustrated audiophile din ako?

cheers, glen!

gnehpalle02 said...

nabasa ko po yung entry about kay caloi pero di ko napakinggan yang kanta lahat ng version ay ang galing. although malungkot ung kanta sobrang naman ganda nung message.

sure po akong nagustuhan nia ung mga bagong version :D

congrats po kay bb. travelista and kay ginoong chillaxjukebox at sa inyo din po ginoong glentot :D

Jepoy said...

Glentot! FUCK I want my own version...Send me the lyrics and Chords. I have some good musician friends here. I create our own version....Wait and see you'll gonna eat your own effin crap!

And yes we'll be doing it for Caloi too. Bilis!

khantotantra said...

wow, husay ni traveliztera. parang mymp at ikaw ang naglagay ng accompany music? talented ka!

gusto ko din yung 2nd version. :p

KUMAGCOW said...

I can't wait sa WORLD PREMIER ng VIDEO!


Glennglenn, labiamajora!



hhahaahhahaa

egG. said...

ganda ng kanta.... pero nagustuhan ko yung alternative version....

tas yung kay travelistera ok din parang ma-emo.. pero gusto ko melody dun...

wala lang napakowment lang...


pero ganda ng kanta... :) galing :)

EngrMoks said...

Kelan ang MAJOR CONCERT? magpapabook nako ng tickets.

daemonite said...

i love the third version. yun prang my echo yun voice nun girl...

yun una, original gusto ko din kasi wala pang kahit anung kyeme.. like natural...

yun sa lalaki naman, di ko maintindihan nun intro, parang walang boses... but still as the song progress ok na din...


all in all, pinakagusto ko yun lyrics... damang dama mo ang damdamin ng song...

Nate said...

@glen: it's a really nice song..

@Traveliztera: you're an angel!! listening to your version gives me the shivers...

uhm, so, when's the MTV gonna be released? i hope soon? :P

Leah said...

I like the alternative verson.. ni ChilaxJukebox.. though medyo hindi maintindihan yung unang lines (kasi super mababa yung song), okay lang.. carry pa rin..

With Stephie.. ang galing. Parang nasa simbahan lang, with the echoes and all. Bravo!

I'm sure Caloi would like the songs.. :)

miss Gee said...

huwaw!! Nice song. ang deep ng meaning and intensity ng emotion!

is it ok i-post ko sa wall ko?
;)

bulakbolero.sg said...

hanggaleng naman. nakakainlab ang boses in step. naks.

ganda ng pagkakalatag ng kanta.

Anonymous said...

Hindi ko pa mapapakinggan ngayon to..nasa work pa me, at blocked ang video..pero i am sure maganda lahat base sa mga comments, lalo na comment ni papa je.


-dyowa ni Edmilyn

Jam Santos said...

pwede na ba madownload sa itunes to? ;)

Anonymous said...

meron po band download link ung version ni travelizta and khikhi? sarap pakinggan pauletulet nung song! Parinig nman sna ung f'ed up na song...kung pede... anyways, congratz for this awesome song!:)

KikomaxXx said...

hahaha sana sa susunod andoy ikaw naman kumanta... ahhaha

L said...

mukang okei rin naman 'yung version niyo nina khikhi. actually, may boses nga rin siya eh. medyo basag nga lang. siguro nga kasi may tama na. hehe.

'yung next two versions, astig din. kumbaga sa pasta, may white sauce at may red sauce. pero parehong masarap!

condolence sa pagkawala ng kaibigan mo, pre.

Oliver said...

hands down, maganda ung version ni steph, haha.

Anonymous said...

maganda naman pala boses ni khikhi haha it's not as bad as u described it then haha :p

Em said...

Both are cool versions... but the Pop Ballad Version kicks ass. :)

Anonymous said...

download link pls :))

LordCM said...

gawa na ng album ba! lolzz

tagal ko nang pangarap na makapag compose ng sariling kanta, maging gitarista at makakanta, wala pa rin! :D

marxlin said...

Nice! Hingget na naman ako. :p

Michael said...

Kayo na! Iyon lang ... :D

citybuoy said...

taena, sushal ka na tol. next na niyan yung boyce avenue version.

Anonymous said...

hi!...it's really weird. Carilla is my surname and i have an uncle whose name is Caezar Carilla. halos kapangalan na nya si Caloi Corilla. Wala lungs

Robbie said...

Ganda nung 3rd version. ;)

Pang-gospel ang vibe.

Maldito said...

ang ganda ng boses ni travelista or whatever spelling it is...basta ang ganda....sumali ka kaya sa mga contest? hehehe..

wish ko lang may choir sa end....choosy? ahaha.pero ang ganda talaga. weeee..

SunnyToast said...

Edi kayo na! ang mga talented....lol

Really the song is such a sad song this remind me of my batchmte sa highschl mag gradte na rin kmi nun and then he passed away.. the sad part pa pumunta pa sya sa bahay ng gabe before he died just to have dinner:(

hay tama na naiyak na ako ka inis ka glentot!

by the way, I already read the kafka on the shore...the story is insistently metaphysical mind-bender...hope to read a review about this book sa blog mo:)

Donato said...

ayos ang mga version ah. hindi lang sa pag ba-blog ang talent nila :)

pinakamaganda yung version ni traveliztera. walang sinabi si charice. hehe

wla bang version na ikaw ang vocalist?

kalokang Pinay said...

Hindi ako makapili kung alin ang mas maganda! Like ko parehong version. And from the looks of things e may mga iba pang gustong gumawa ng ibang version! I read the story about Caloi....na sad naman ako... Pero i bet bilib sya sa pagalala nyo sa kanya....

Marjorie said...

as usual, sobrang loser ng office namin at pati videos naka-block din. so papakinggan ko na lang ulit pag-uwi sa aking balur.

purplebrightsummer said...

Ang galing naman ni traveliztera.
Superb ang boses. :D

Traveliztera said...

awww napadaan ulit ako dahil nabanggit ni glen yung responses ... maraming salamat po :)

ang galing din ng ibang versions :) ramdam ko na inspired sila sa pagproduce nito :)

Pong said...

ito yung para sa friend mong si caloi.
great version din itong kay mam.

be blessed ser

glentot said...

Traveliztera here's to more songs in the future! LOL

-mark- haha ewan ko lang kung kilala nya si Cynthia Alexander hehe

YOW Ayusin ko yung kay Khikhi? Ang halay mo! LOL

chilaxjukebox wow may follow up ka pala! LOL meron pa akong isang song na duet ng male at female LOL baka gusto mo corny nga lang yung song hahahaha

isp101 haha thanks for appreciating it

RJ hehe sa ilang months na ginawa nya yan, lalabas nga talaga emotions nya hehe

bienvenido_lim salamat orallyours!

everybody_loves_raymond renaissance talaga? LOL there are just some things I'm passionate about na hindi ko kinakalimutan kahit taon na ang binilang. thank you!

gnehpalle02 salamat salamat!

Jepoy gawan mo rin ng version dali na! seryoso ka? isesend ko talaga!

khantotantra salamat! MYMP talaga haha I like that band (noon)

Kumagcow world premiere! LOL! Parang MTV channel lang

egG thank you sa pag-appreciate!

EngrMoks haha ask mo si Traveliztera

daemonite salamat! I can proudly say na lyrics ang nacontribute ko sa kanta na ito haha

Nate let's hope na may time and energy si Miss Hyper Singer hahaha

Leah thanks for taking time to listen!

miss Gee Opo you can post it everywhere you want hehehehe!

bulakbolero sana nga boses na lang ni Steph wag na yung accompaniment hehehehe

dyowa ni Edmilyn naman! magpopost ba ako ng panget? LOL joke lang

Jam Santos hahahaha paano ba muna iupload sa iTunes!

Anonymous right now wala pang download version but I'll post one soon! tamang promotion na rin hahaha. How did you know about the Fucked Up song???

Kikomaxxx hahaha malamang ayaw mong pakinggan pag ako ang kakanta hahaha

L salamat sa pag-alala sa yumao at sa time sa pakikinig sa songs... thanks thanks!!

Oliver hahaha hindi naman sa pinagcocontest ko sila diba haha

Anonymous haha ayoko lang lumaki ulo ni Khikhi kaya sinasabihan kong panget

Em I'm sure kung may more time, OK rin yung alternative! I wanna hear it in a clearer and crisper recording...

Anonymous soon!!!!!!

LordCM haha it takes time, efffort and naturally talented friends like the ones I have haha

marxlin salamat po! don't be hingget

citybuoy hahaha kailangan rin ng Lady Gaga version: funeral pop?

Anonymous haha don't tell me ang real name ng uncle mo ay Alfred?

Robbie Traveliztera's voice is heavenly kasi haha

Maldito beautiful voice matc hes beautiful face kasi!

SunnyToast haha hindi naman ako marunong magbook review! so sad rin for your loss...

Donato haha wala! kung ako kakanta baka wala nang bumalik sa blog ko!

Kalokang Pinay salamat for taking the time to listen!!! thank you!

Marjorie sayang naman hehehe hope you listen one time

purplebrightsummer that's true Amen

Traveliztera all I can say is, MORE!!! hehehehe

Pong hahhaa mam and ser talaga LOL God bless you rin

THANKS PO SA LAHAT MWAHMWAH SMOOCHCHUPA!

Ungaz said...

de sige kayo na magaling!!!Kayo na talented!hahahaha...nice one.MOOOORRRREEE!!!!

rica said...

GALING! iba iba yung versions pero sakto sa (emo) trip ko ngayon, hehe.. ayus yan! :D

dyubil said...

ganda ng kanta sobrang meaningful. salamat sa pagshare. sana pwede ko ma download. hehehe you're such a good friend. hindi na sya mawawala dahil lagi sya maaalala sa kanta.

Traveliztera said...

nabasa ko msg mo via email hehe oo sure no worries go lang :)

MgaEpal.com said...

Ang tibay neto. Kung hindi naman maganda 'to malamang hindi kami aabot sa pangatlong version. Ok mangbaboy ka na ulit, nakakatakot yung serious side mo.

Post Scriptum:
Tagay para sa kaibigan mo glen.

glentot said...

Ungaz LOL parang hindi mo naman pinakinggan eh bwahahaha

rica uu emo nga yang song na yan

dyubil maglalagay ako ng download link soon!!! salamat!!!

Traveliztera inaayos ko pa yung download banner hehehehe

MgaEpal.com tuwing magcocomment kayo, parang gusto kong i-print ang blog post ko at ipa-frame hehehehehehe thanks!!!!

Anonymous said...

matagal na kong dumadaan dito,ngaun ko lng narinig...pero nabilib.apir sa inyo.

Joanna said...

Why on earth are you so talented and yet seemingly so obscure? Someone should pluck you out of obscurity.

This is why Pinky and I were debating on who gets to manage your "band" back in college.

How about that other song... the untitled one? Has the line, "Coz you taught me how to hold on like it's real."

You are an artist through and through... umamin ka nga... can you paint too?

glentot said...

@Anonymouse salamat po at salamat na rin sa comment...

Joanna that untitled song is "Fucked Up" but we changed the title to "Tormenting Me" but F-d Up still sounds better hahahha. I'm working on it, and I still haven't forgotten about the gospel song I told you about... Sana lang may makita akong marunong maggitara... about painting, I have some watercolors but they're not interesting. And stop praising me, you're an artist too...

chilaxjukebox said...

until now nasa playlist ko to sa aking cellphone :)

one of these days gamitin ko ung song ah! rerecord ko lang pag sinipag at nagkagitara na uli :D

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding