to mica

Recently umakyat ako uli sa Baguio. Sa dami ng beses na paulit-ulit akong paakyat-baba, ang dating exciting na bus ride ay napaka-boring at unbearable na ngayon. Masakit sa likod, masakit sa puwet, dagdagan pa ng puyat at pagod dahil sa magdamag na pagsasayaw. Kaya ang 6-hour na byahe ay pinipilit kong itulog.

Ang nakatabi ko sa upuan ay isang matandang babae (na naman!) na may kasamang mag-asawa na nakaupo sa katapat naming upuan. Medyo malalakas ang mga boses nila kapag nagkukuwentuhan kaya ni-full ko ang volume ng aking mp3 player sabay pikit.

Nakaidlip ako, in-off ko na ang mp3 para makatulog nang tuluyan, nang biglang may narinig akong malakas na pag-iyak ng baby.

Aheytit.

Hindi naman sa masama ang ugali ko or anything pero ayoko talaga sa mga bata (LOL) lalo na sa mga maiingay. Sa simbahan nga eh, dun ako umuupo sa row na walang mga bata. Ayoko kasi yung nasa deep state ako ng pagdadasal at pagsisisi ng mga kasalanan eh biglang may tatakbo or sisigaw, napapamura ako (quietly) at nadadagdagan ang kasalanan ko.

At ngayong gusto kong matulog, hindi ko magawa dahil iyak sya nang iyak. Pasimple akong sumilip dun sa mga katabi ko sa upuan, pilit na pinatitigil ng Tatay yung baby, habang yung Nanay naman eh tulog. Yung katabi kong mother-in-law eh nagtitimpla ng gatas. Bata pa yung mag-asawa, halos ka-edad ko lang. Yung katabi ko naman eh siguro kasing-edad ng Nanay ko.

Nung tumigil na sa pagngawa ang sanggol, pinilit ko uli na matulog at mag-imagine ng kung ano-anong kalaswaan at happy thoughts.

Pagdating sa may bandang La Union nilabas ko ang aking baong Goldilocks Macaroons. Syempre dahil nice me, inalok ko si Ate na katabi ko. Ngumiti lang sya pero tumanggi sya.

"Pasensya ka na ha, maingay kami," sabi nya.

"OK lang po," sabi ko naman na puno ng kasinungalingan at poot.

"Special baby kasi yan eh," pagpapatuloy ni Ate.

Hindi ko alam kung paano ko idedescribe ang reaction ko noon kundi ganito: "???????????"

"May sakit kasi sya," explain naman si Ate, "kaya kami papunta sa Baguio dahil nandun ang pedia nya."

Sabay-sabay na pumasok ang mga katanungan sa utak kong 2.5MB capacity: Anong sakit ito? Gaano ka-lala? Nasa Manila na kayo, sa Baguio pa kayo magpapa-pedia? Muntik na akong mag-hang.

Hindi na napigilan ni Ate ang magkwento habang tulog ang mga kasama nya. Ang baby daw ay may sakit na kung tawagin ay Congenital R-something Hypoplasia. Hindi ako nag-nursing at I'm sure hindi yan na-cover sa mga Science classes ko noon kaya hindi ko alam kung tama ba ang dinig ko sa sakit na yan, basta ang sabi ni Ate, ang sakit daw na ito ay very deadly, as in after maipanganak, 7 days lang ang ineexpect na tagal ng buhay ng baby.

Isang doctor lang ang nakahanap ng paraan para ma-prolong ang buhay ng baby, yun yung doktor na pupuntahan nila ngayon sa Baguio. Kaya pala willing silang magbiyahe para lang puntahan yung doktor.

"Eto nga o, dala namin lahat ng gamot nya. Nailigtas ng doktor ang buhay nya, pero habangbuhay na syang iinom nitong gamot."

"Anong gamot po ba yan?" tanong ko naman.

"Steroids."

Katahimikan. Natahimik ako. Napatingin ako sa hawak nyang transparent bag na puro gamot ang laman. Katahimikan. Katahimikan. Pilit akong nag-analyze. Hanggang sa hindi ko na mapigil at nagtanong,

"Pang-bodybuilder?"

"Hindi, para sa genes nya." Ang shunga ko. Eh hindi nga kasi yan na-cover sa Science and Health na subject ko noon eh.

Naging busy na si Ate sa pagtitimpla ng gamot kaya pumikit na ako uli at nag-analyze. Eto naman eh obserbasyon ko lang at hula lang. Yung mga magulang ng baby eh ang babata pa just like me. Ang hula ko eh hindi kasali sa plans nila ang magka-baby. Sya ay isang... surprise! In other words, si baby ay maco-consider na something I like to call "sperm of the moment".

Nafascinate rin ako sa internal workings ng human body. Steroids ang bumubuhay dun sa bata. Chemicals na pampahaba ng buhay. Parang sasakyang hindi aandar kapag walang gas. Parang laurang kikilos kapag walang battery. Lahat na yata ng bagay eh ma-dedeconstruct to scientific keme.

Maya-maya, umiyak uli ang baby, at na-realize ko na katabi ko na pala sya. Napagod na siguro yung Tatay kaya yung mother-inlaw naman ang bumuhat. May nararamdaman akong maliit na paa na sumisipa sa hita ko. Pagdilat ko ng mata ko, napatingin ako sa baby at napahinto sya sa pag-iyak at napatingin din sa akin.

Iba pala ang effect nun, kapag tinignan ka ng baby eye to eye. Lalo pa at miracle baby itong katabi ko. Naintindihan ko na kung bakit nagsasakripisyo itong pamilya na ito. Hindi lang pagod yun ah, maraming salapi ang involved, lalo pa nung sinabi ni Ate na "Hangga't may mabibili kaming gamot, mabubuhay sya." Because looking into her eyes makes it all worth it.

"Ano pong pangalan nya?"

"Mica." Or Mika? Nica? Nhieckah? Hindi ko narinig masyado at ayoko naman sabihing "Teh paki-spell!"

So Baby Mica this one's for you! Keep strong baby! You're surrounded by people who love you very much! Mag-steroids ka hanggang magka-abs ka.

Realizations:

There's something about babies that makes you wanna make them. So go make some babies na! Fuck the RH Bill! LOL.

64 comments. Post your comment here.:

YOW said...

Ahhh... Sweet pala ang post. Akala ko kawalanghiyaan lang.

Baka Congenital Adrenal Hyperplasia? Sakit yun na nadadiagnose sa New Born Screening. Deadly nga ata yun at tama naman ang description ni ate na "special baby" siya. Hindi ko lang alam kung para saan ang schiroids at ayoko naman magmagaling. Ang alam ko para lang sa nagtransplant yun, para hindi maireject ng katawan ang nilagay na bagong parte. Ay. Di ko lang din pala alam, nalimot ko na. Hahaha.

Ang sweet ni ate sa baby, dinaig pa ang nanay na hindi mo man lang naikwento kung nagising. Tama ka Idol. Irritating minsan ang mga bata pero pag nakikita mo na parang ang sarap gumawa. Like!

-mark- said...

first time mo makipag eye contact sa baby kaya ngayon ka lang na touch... ako kahit aso nakikipag eye to eye ako kaya malapit ako kahit sa kanila.wahaha.

bien said...

sweet.

Pang-bodybuilder?
potah, di nakayanan ng powers ko to.

I hope she gets better.

maldito said...

ako pag nag eeye to eye sa bata, palaging nauuwi sa suntukan at iyakan..kaya wag nalang.ahahha.joke
pareho kami ng baby na nagstesteroids..kailangan din kasi..pero hindi ako nagpapalaki ng katawan ha...
kaya kay maykah, hindi mo rin alam ang korek na spelling kaya hayaan mo rin akong gumawa..ahaha..be strong baby!

Bino said...

natouch ako dun sa sinabi ng ate na hangga't may mabibiling gamot eh mabubuhay ang bata. nakakalungkot lang na sa gamot na lang aasa ang buhay ng baby. Ganunpaman, dalangin ko naman na malagpasan nila ang pagsubok na yon.

iya_khin said...

mixed emotions ako...di ko alam kung matatawa ako o maiiyak..pwede bang baliw-baliwan nalang uli?!

steroids para magka-abs?! lels ka! ;p
pero kakaawa naman yung baby...haaay...siguro..i mean..my ginawa yang mag-asawa na yan bakit naging ganun ang bata...hmmm...baka..kita mo natutulog lang ang ina walang keber?! nakakapagduda.....

ako kasi pag may sakit ang anak ko o umiiyak lang...mabilis pa sa alasdose ang pag-aalala ko...yun lang..

sana gumaling sya...

Charles said...

kasi naman nabingi ka na-kaka-Amy Winehouse mo. Nimfa ata. tinanong mo ba if magkapatid yung magulang?

KUMAGCOW said...

From walanghiya to caring, then to fu**** the RH bill... whatta nice person you are glennglenn...

Leo said...

Na-touch naman ako sa story na 'to.
You're like a brusko na mama na na-tame ng isang baby. Cuteness indeed! :)

Nimmy said...

syet! abs! loko loko ka! hahaha :P)

LordCM said...

kala ko pati baby wawalanghiyain eh! sweet naman pala sa bandang gitna, sana binigyan mo sya ng macaroon...at f*** the RH bill talaga :))

Supladong Office Boy said...

natawa ko sa comment ni Yow.. bakit parang hindi na nga nagising yung nanay? deadma kay baby ganun?! hahaha..

pero ang kyut lang nung nag-eye-to-eye na kayo ni Mica.. akala niya nakakita siya ng kalaro. kasi mukha ka din bata! LOL

Diamond R said...

madalas may kwento ang mga biyahe mo papuntang Bagiou. Hanip sa realizations pagkatapos ng "sperm of the moment" Eye to eye with mica.Galit ka na sa RH bill. Pero agree ako sa sinabi mong go make babies.wag na lang yong steroids kasi mahal yon.

lhay said...

ang touching ng post mo..i miss reading your blog..=)

Greta said...

maramdaming post pala ito..hindi ako nakapag-prepare idol!at infareness sa comment ni yow na full of effort,muntik na syang mapa-discuss ng new born screening at pathophisiology ng congenital adrenal hyperplasia which is trulalers deadly nga!kowowo naman..

pero isang masigabong palakpakan para sa sagot mo na "Pang-bodybuilder?"..ikaw na ang judgemental sa steroids!!!!hahaha

at p.s. (oo mahaba ang comment na to)pro rh bill pa din ako!!!!!!lol

taribong said...

hahaha darating ang araw, magkaka-baby ka rin.... hmmm ano kaya't maging kambal ang magiging anak mo?!?!? :D alam ko namang magiging responsable kang magulang. Way to go, parekoy!!!

word verification: braveri

mike said...

i was ready to say what a very sentimental post but damn, "mag-steriods ka hanggang magka-abs ka"....very funny.

Nate said...

ikaw na ang swwet, glentot! and pareho kami ni iya_khin.. iyak-tawa sa post.. :P

khantotantra said...

akala ko magagalit ka kasi katabi mo na yung mainggay na bata, yun pala nagkaroon kayo ng connection via eyes.

WHo knows, mapagaling ng pedia ng baguio ang sakit nung baby. Let's pray for her 0:)

Nanay JoyniSha said...

Ang hirap nun para sa magulang, yung makita mo na ganun yung situation nung baby.I salute her lola din.

Lagnat at ubo nga lang ng mga anak ko naiistress na ko.

Very funny and touching post ser=D

Poldo said...

o xa sige magexplain ng medical terms ang mga nurses (referring to Yow En greta) tse! LOL

Mahirap, nakakalungkot. Pero yun talaga ang plan ni god para sa kanila at blessing parin si mica.

Tama! F&*k RH Bill. Anak lang ng anak!! The More, the merrier! LOL

Andy said...

Nice post! Keep it up!

Ayie =) said...

For whatever holy reason e biglang nagwork ang blogspot comment section so here I am,a ng iyong daily stalker.

Ayan, nabahiran ng kaputian ang budhi mo dahil sa baby.

Wala na akong maicomment. Basta. =)

Pakabait ka lagi.

nyabach0i said...

tama si yow. adrenal hyperplasia siguro yun.

pero i swear! may kurot sa puso ang post mong to. ako naman si tanga nagaabang ng sexual innuendos. well at least may sperm of the moment hirit ka. haha.

egG. said...

naiyak naman ako.. kala comedy ulit... katulad nung kay ate..... ung sa siopao....

may kurot sa puso... sana humaba pa buhay ni mica :(

Ungaz said...

Akala ko blog post yung comment ni Yow.LOL!!!

Anong meron sa tingin ni glentot at natigil si baby mica sa pagiyak?!hahahaha...

Sana manalo sa lotto sila ate para mabuhay ng matagal si mica.

Gumawa ka na din ng baby mo.nakakaexcite makita ano kalalabasan ng gawa mo!LOL

Glenn said...

Funny, sensitive, and insightful. I'm a fan. Haha fan talaga? :) Basta Glenn talaga witty and sharp.

Glenn

Michael said...

Kalaswaan at happy thoughts? Db, pareho lang iyon? LOL.

Buti na lang, nag-blog kaagad si Yow sa comment mo, Andoy, kasi kung hindi ako nagkakamali at hindi rin naman ako nagmamarunong at hindi rin naman ako nursing, kung hypoplasia iyon, parang dapat lalake ang apektado lang, db?? Ewan ko, hindi naman iyan tinuro sa geometry namin ... Kaya, baka tama si Yow, siya na ang malanding RN! :D

Na-disappoint ako,, makamundong pagnanasa pa naman ang inaabangan ko sa blog mo ... Hmpf! :|

Sean said...

i hope mica gets better.

empi said...

sperm of the moment talaga no... hehehe

sana malagpasan ni baby mica yan.

Keatondrunk said...

lumambot ang puso ni bro hehe, cge make babies na!

an_indecent_mind said...

gusto ko sanang magbigay ng diskusyon sa kuneksyon nyo nung bata, eye-to-eye at sa walang sukatang pagmamahal ng mga magulang ni myka kaso naglabo labo na lang yung ideas ko sa tuwing maiimagine ko yung itsura mo sa "pang-steroids???!!" bwahahaha!!

yeah!! fuck the RH bill!!

rainbow box said...

ayoko ng ifuck ang RH Bill. Mabubuntis na cya. Tawa ako ng tawa sa katahimikan at sa kaka analyze mo. E d binigyan ka ni ate ng something to think about. Pihadong di ka nga makakatulog. Lolz. Alam mo bang in one way or another, anghel ka sa oras na iyon para kay ate mader in law? Mahirap ang pinagdadaanan nya. And you, being there to listen to her.. You probably just gave her strength and hope. Sbi nga db, mas nakakagaan pag ang burden is shared. My prayers for mica. Gawa ka na rin ng bata ok?

Oliver said...

haha, langya ka may natutunan na naman ako sayo. Sperm of the moment, ampf.
si yow na ang magaling sa Sayens.
in fairness, i like the twist of the post, hehe

Ms. Chuniverse said...

Sabi ko na nga ba, dumadaloy din ang dugo ni Rosa Rosal sa 'yong ugat.

Damayan entry itey.

:)

APE said...

As much as I love my daughter and enjoy every moment with her...I don't ever wanna have ANOTHER kid. No way. Ok na sakin ang isa.

pro-RH bill po. but I dont really go out on the streets and give away free condoms. kung san mo gusto dun ka, walang pilitan.

gillboard said...

naiintindihan ko sa part ng ina, dahil 9 na buwan niya yun dinala. kaya gagawin talaga lahat ng makakaya para maligtas siya.

sana mapagaling ng duktor sa baguio si mica/mika/nica whatevs.

isp101 said...

Nakakaawa naman si Baby Mica... Sana gumaling siya, napaka tiyaga ng parents nya if pupunta pa sila Baguio just for the check up. Wala ba silang mahanap na specialist dito sa manila? Hmmm... Ako rin, naghahangad ng baby, pinagpe pray namin ng wife ko! Buti ka pa, panay punta mo ng Baguio, huling punta namin nuon ay honeymoon namin ng misis ko, hehehe! =)

L said...

wow! may pusong mamon ka rin pala, glen. kala ko kasi puro porn lang talaga ang laman ng blog na 'to. loljoke! seriously, sana nga magka-abs na si baby mica. kahit na di ko rin naintindihan kung ano sakit niya.

trust for a happy relationship! \m/

Marjorie said...

may bago na naman akong natutunan, "sperm of the moment" hahaha.... ipagpe-pray ko din si baby mica. i hope she lives a long and happy life.

aajao said...

maraming pwedeng interpretations dito sa blog post na ito. it goes beyond the byahe to baguio story ;)

stevevhan said...

Hi glen, i have a something for you. I am quite in a hurry now so pardon me if cant read your comment. Gusto ko pa namang basahin, grrrrr

Anyway, can i have your email address?, just send it here: stevevhan@yahoo.com

Thanks!

ELAY said...

" Because looking into her eyes makes it all worth it." nung binabasa ko yan i was like AWWWWWW.. tpos biglang TEH PAKI SPELL hahaha wtf??? hahaah astig ka tlga kuya

KikomaxXx said...

wow andoy... im proud sa kasweetan na lumalabas parin sa iyo kahit anong hinanakit at poot pa ang pinag-iisip mo sa mga maiingay na nangdidisturbo sa peaceful moment mo.. hahaha...

Dhianz said...

natuwa naman akoh sa pagkakuwento moh glentot... very inspiring naman si baby mica.... btw naaliw akoh sa lahat nang entries moh... kc 'ung mga entry moh 'ung tipo na u gonna read it all d' way gaano man kahaba itoh.... so 'unz... laterz.. Godbless!

Traveliztera said...

Akala ko nung una ang joke time mo ulet e. . . Lagi kasing may mga events kang kakaiba sa Baguio trip mo na nakkwento mo sakin sa text!!! (Namiss ko po un!)

Regarding kay Mica, she's indeed a miracle... O di ba naging softy ka rin... hehe and my prayers are with her sa kanyang paggaling!!!

Nice sweet Glentot! :D

PS At least alam mo na ibang action ng steroids...

Pong said...

Ibig sabihin ser angel ka na. Once daw na tinignan ka ng bata at di siya umiyak ay may kasama kang angel.

life and miracle.

be blessed ser!

~ JaY RuLEZ ~ said...

sana pagmilagrohan sya at tuluyan ng gumaling...

UnniBenteNwebe said...

ang sweet ni glentot ah~~
be strong baby mica..

pang body builder talga hehe

mots said...

ang bait mo dito glent. ikaw na ikaw... charut. haha peace

mots said...

ang bait mo dito glent. ikaw na ikaw... charut. haha peace

Lourdjenn said...

Unang post palang ang nabasa ko natawa na ako, pero serious ang topic, kudos sa mga parents ni mica at sa lahat ng taong nagmamahal sa kanya. special nga siya.

ahmer said...

ipasyal mo naman kami sa baguio!

Myrtea said...

nakarelate ang aking motherhood feelings. kawawa naman si baby... she's just too young. laban lang baby mica!

glentot, alive na naman me at ang makasalanan naming mundo.

oh well...

ano ba 'to, bagay na bagay sakin yung word verification mo: "Laswa" lekat parang sinadya!

ishna said...

Awww. So dun pala papunta ang blog post na ito. For baby Mica. Akala ko nung una about long trips, tapos about Baguio, tapos about the people na nakakatabi sa bus.. Haha.

Ester said...

Haha. na touch na sana ako sa story pero di ko na naman mapigil ang pagtawa.lalo na sa side comments mo. adik ka lang talaga kuya glen no? kaya siguro nakakatuwang balik-balikan tong blog mo kasi nakakatawa ang mga post mo.

glentot said...

YOW hindi ako makarecover sa haba ng comment mo. Ikaw na. At salamat sa pagbuo ng congenital stuff stuff. Ikaw na ang nurse! ikaw na!

-mark- baka aso ka sa previous life mo...

bien I hope she does too, walang halong biro, I hope gumaling sya

maldito kung ako man ang bata at ikaw an gnaka-eye-to-eye ko, malamang sa away mauwi may matching pang barangay at blotter joke!

Bino a ctually mukhang kayang-kaya naman bumili ng gamot si Ate dahil i can tell from her features na mayaman sya at ang pamilya nila. Pero if money eventually runs out, sana magaling na si baby nun

iya_khin syempre you're a mom hehehe ewan ko nga ba kuhng bakit tulog lagi sila baka puyat lang talaga

Charles hahahaha I think hindi naman sila magkapatid!

KUMAGCOW hahaha Do I still surprise you?

Leo hahaha I bring all the cuteness LOL

Nimmy I gotta feeling na sabay nyo ito binasa ni Leo LOL

LordCM haha malamang di pa sya pwede kumain ng macaroons

Supladong Office Boy oo naman baby face ako eh! Ewan ko ba diyan kay Yow sineryoso nya kasi may nursing nursing involved hahaha

Diamond R kung sana lang 100% ng mga baies na naipapanganak ay walang sakit...

lhay thanks I hope you continue reading my blog haha

Greta ikaw na ang maraming alam na hafaluting words ibibintang mo pa kay Yow! Pro RH Bill rin naman ako pero sige ikaw tumingin sa baby sa mata baka mapasabak ka agad LOL

taribong haha pwede triplets para mas masaya? LOL

mike I don't go much for sentimental posts ehehe

Nate haha kitang-kita naman ang sweetness ko nag-uumapaw

khantotantra I believe in miracles!

Nanay Joynisha ah so mom ka rin pala akala ko nickname mo lang yung "nanay" hehehe

Poldo I think oo blessing talaga yung baby I think she taught all of them a very good lesson

Andy pakyu

Ayie ano ka ba ang puti puti kaya ng budhi ko what made you think otherwise?

nyabach0i ang babaeng napagkakamalang bakla, hindi naman lahat ng post ko eh sa kabastusan nauuwi LOL!

egG oo nga sana mabasa nya itong blog post ko someday. She'll know it's about her

Ungaz napakapeaceful kasi ng face ko kaya tgumigil sya sa iyak. i think hindi nya kailangan manalo sa lotto kasi nasesense ko na mayaman sila ate

glentot said...

Glenn! Nice to see you here katukayo

Michael ikaw na ang talagang malibog! terminal 6 now na!

Sean I hope too

empi Miracles happen

Keatondrunk hahaha kung sana lang babies lang sila forever eh hahaha

an_indecent_mind haha kung ano man yang napakagandang diskusyon mo, sana maalala mo at maicomment someday LOL

rainbow box huwag muna now magpapayaman muna ako ahahahaha

Oliver twist talaga! Whodunit ba ito? Kitang kita ko naman kung sino ang mga salarin hahaha

Ms Chuniverse hahhaa yun nga lang wala akong naitulong sa kanila kundi panandaliang listener

APE I'm not anti RH Bill rin naman just messing around. I don't think there's a bill that can solve our population problems.

gillboard sana nga kasi napakaganda nyang baby, pwede pang commercial

isp101 I think attached na sila dun sa specialist kasi sya ang nakapagsave kay mica once...

L haha if they had enough trust, hindi sana nagkaganun hahahaha but mica is a very beautiful by-product

Marjorie and I hope magamit mo ang sperm of the moment sa daily conversations hahahaha

aajao yun lang eh kung merong masipag mag-interpret hahaha

stevevhan i got it thank you very much

ELAY ayoko naman ng madramang post kasi hahaha

kikomaxxx ako na talaga ang sweet

Dhianz naninibago ako sa comment mo, ang ikli hehehehhee

Traveliztera oo nga we never stop learning talaga at least may natutunan ako kay baby

Pong hahaha kanina sweet lang ngayon angel na! OMG

jay Rules sana nga. sana marunong gumawa ng milagro ang parents nya hehehe

Unni yun talaga ang unang pumasok sa isip ko

mots hahahaha mabait naman talaga ako no

mots hahahaha mabait naman talaga ako no

Lourdjenn salamat po sa pagcomment at sa pagvisit na rin hehehe

Ahmer lets go!

Myerta you're back!!! I'm glad

ishna sorry misleading yung kalokohang pagsusulat hahaha

Ester salamat naman at natuwa kang bumalik balik hahahahah

Thanks everyone mwahchupa.

Kristeta ♥ (kalokang Pinay) said...

Ang sweet naman ng post. I'll be praying for baby Mica & her family.
At sana wag ito mabasa ng mga couples na may dose ng anak yung last part ng post mo... Baka ma touch at maisipan pa ulit magbaby!

candytaste said...

wow..na-touched ako kahit loko yung writer ha.... well, naimagine ko yung itsura ng bata..in fact..kahit mejo "may pagka maloko" ang writings nito.. it touched my heart.. i want to cry..bsta naaawa ako sa bata.. and i like the last line..:)

June | Life and Spices said...

Hahahaha..nag rason ka pa sa huli maka pag toot lang? hahaha... pero totoo yan... nakakawala ng stress ang bata.

Senyor Iskwater said...

mas natuwa ako sa mga sagot mo sa comments... nabasa ko na 'to dati...hindi pala ako nakapag-comment...

Anonymous said...

ka-touch :(

Jemaima Robles said...

aw. maraming nagsasabi na hindi sila mahilig sa bata o hindi marunong mag-alaga ng bata pero there is really something about babies that would eventually change anybody's mind. :)

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding