do not do unto others unless you think they will do it to you too

Hey Kids! Sorry sa napakahabang panahon ng pananahimik. Naging busy kasi ako sa paghahanap-buhay kaya nakapag-lie low ako sa paninira ng mga buhay. Naubusan rin ako ng stories kaya hindi muna ako magkukwento ngayon. Magshe-share na lang ako ng iba't-ibang paraan ng panlalait ng tao pag-eenjoy.

Mahilig ba kayong tumambay sa labas with your friends na patapon na rin ang buhay? At matapos manood ng sine, kumain at mag-malling eh ayaw nyo pa rin umuwi pero nauubusan na kayo ng pagkakaabalahan? Puwes ibabahagi ko sa inyo ang sumusunod na masasayang activities!!!!!!!!!!!!!! (ang hyper lang)

Spot The Neon



Ang game na ito ay simple lang. Hanapin ang mga taong nakasuot ng damit na neon (pwedeng neon green, neon pink, neon orange, basta neon, yung masakit sa mata). Ang twist sa challenge: dapat ma-spot mo sila from 150 meters away. Which is surprisingly easy, kasi nga naka-neon sila, kaya kitang-kita sila kahit sa outer space.

Blast From The Past

Unahan lang makahanap ng lalaking naka-tuck in ng T-shirt (10 points), babaeng naka-macarena (20 points), babae o lalakeng naka-chaleco (30 points). Instant winner ka kung makakahanap ka ng taong naka-jumper (so far once pa lang akong nanalo sa Instant Win). Pero kung makakakita ka pa nito, ikaw na ang undisputed champion:


Acid Wash FTW!

Pero actually, kahit makakita ka ng naka-acid wash, may makakatalo pa rin sa iyo, kung may makakahanap ng pinaka-pamosong platform slippers in history, lalo na kung nakuha nyong magpa-picture:



"Talk to my RAMBO, bitch" -- sabi ni Ate.

Copycats

Hanapin lang ang nakasuot ng imitation. For starters, maghanap ng sumusunod:

Level 1: Havanas (easy round, madali lang humanap neto)
Level 2: Savannah (you must have a keen eye)
Level 3: Havanasia (tugsh! winner)

Pramis, may nakita akong Havanasia...

Ugly Kids

Ang mga bata ay cute by default... pero meron talagang mga magulang na sumuway sa batas ng kalikasan at walang habas na naghalo ng genes, kaya ang resulta ay mga chakang supling. Ang rule ng laro na ito ay simple lang, kapag may nakita kang kids na panget (mga 5 years old pababa) lapitan mo sya at sabihan mo ng "Tsk tsk tsk good luck with puberty..."

Cosplay Or Ganyan-Talaga-Sya

Kapag may dumaang may weird fashion sense, alamin kung sya ay naka-costume na pang-cosplay, o kung ganun talaga ang itsura nya sa pang-araw-araw na pamumuhay. Maaaring laruin ang game na ito kung may mapadaang: baklang naka-wig, lalaking naka-eyeliner, babaeng labas ang maugat na cleavage o tibong mukhang Pokemon.

Another version of this game: Masaya ring gawin ito sa mga cosplay events: alamin kung ang costume nila ay macoconsider na cosplay o isa lamang joke.

At dahil jan, let's play a game!!!!!!!! (hyper pa rin)

Ang mga sumusunod ay mga cosplayers na nadaanan ko sa Megamall. Pumayag naman silang magpakuha ng picture, pero hindi nila alam na gagawin ko itong kasangkapan sa game.

Instructions: Piliin sa mga larawan sa ibaba kung sino ang "Winner Pasok sa Banga" at sino naman ang may "Areas for Improvement".

Disclaimer: Wala akong nilalait sa mga cosplayers na nasa larawan.



















Malinaw ha? Wala akong nilait ni isa.

OK Kids thanks byebye mwahchupa.

71 comments. Post your comment here.:

The Gasoline Dude said...

LOL! Meron ding kaming larong pinagkakaabalahan ng isang kaibigan kong Singaporean. Unahang makakita ng Pinoy, tapos sisigaw ng "KBY!" (meaning 'kababayan'). Ewan ko ba pero ako na itong Pinoy pero mas magaling siyang maka-spot ng ibang Pinoy. LOL!

Anonymous said...

Lols... Lakas lang talaga ng loob puhunan ng ibang 'cosplayers' :D luv it

Nate said...

@glentot: ahahahahaha! you na! you na talaga!! iyo na ang nobel peace prize!! :P

egG. said...

ANG GWAPO NUNG SI HARRY POWTAAAHHHHH... as in...

Diamond R said...

Alaskador to the max.Malaro nga ito.yong imitation na brand maramin niyan dito. tulad ng adodas,raybon,at kung ano ano pa.

khantotantra said...

lols. natawa ako sa mga nakuhaan mong pics. oks na yung parang shaider na red kaso kasama niya yung bayong pamalengke. wahahah. nagdivisoria.

yung mga crossplayers, waley.

Neneng Kilabot said...

kunga nagkataon pala na may pakontest kang blast from the past ay ako na ang champion. 24/7 kong nakikita ang super mega RAMBO ni mudra. na sinusuot nya kat san sya mapunta. at ayon sa kanyo, paborito nya ito. so hindi pala ako ang champion, si mudra pala.

at para naman sa iyon pararo..

ang winner pasok sa banga ay si..

ate sa 3rd photo dahil natakot ako sa kanya ng 10%

si bioman/power ranger/ shaider
(sorry di ko talaga alam)
ok sya, parang gusto ko siyang iuwi at ilagay sa mag gate ng bahay namin minus nga lang yung sako bag.

at si si kuya na may pink na buhok.. hanga ako sa kanya dahil ang lakas ng trip nya.. di ko alam kung napadaan lang siya at naglagay ng pink na wig o sadya yun.

dahil ala ako idea sa mga chracter na ginagaya nila, wala akong mapili para sa "areas for improvement".

yun lang.

Poldo said...

Area of improvement (except for harry pottah, tsaka si shaider red edition): lahat kailangang iimprove! LOL..

at gustong gusto ko ung larong copycats. In fact meron na akong nakita dito, suot ng isang indian. Ang tatak: LACOST

WV: inantic (syet LOL)

rainbow box said...

pota ka sa LACOST poldy. :)) :)) nakalimutan ko yung ico-comment ko. mamaya na nga lang!

Hoobert the Awesome said...

Ikaw na ang hari ng games Kuya! Bentang-benta 'to. Gusto ko yung "Copy Cats" and "Blast from the Past". Natawa ako dun sa Rambo. Akalain mo na nag-eexist pa pala yun.

About sa cosplayers. Ikaw walang nilait. Ako meron. Hehe.

Yung second pic. Parang kurtina lang. Nakakaloka ang laces.

Yung fourth pic. Pasensya na pero di ko talaga makuha kung sino ang peg niya. Sailormoon?

Yung eight pic. Mukhang napadaan lang si Ate.

Ang winner para sa akin ay si... Mystery Girl. Yung 3rd pic. EFFORT talaga.

Runner-up naman si Harry Potter.

kikilabotz said...

mukha naman maganda yung nakaitim, hahahahaha.

Orange said...

Talk to my Rambo! Hahaha... Nakakaconfuse naman ang trip ng mga nakacostume, pero i like it, ay hindi pala. :d

Hanapan na ng nakaneon!

Traveliztera said...

unang una... ang ganda ng mga games mo... pwedeng gawin natin soon? hahha!

and... eto nalang masasabi ko... anlakas ng tawa ko rito :P


and ang ganda ng word verification ko o: uglypig seryooooso wahhaha

bien said...

Winner ang may Bayong, effort kung effort

Runners up ang gender switching cosplayers na sina harry pottah and i-dont-know-what-to-call-him-my-boy-lollipop-ala-french-maid

Jag said...

LOLZ! maganda sana pag ang nagsuot ng neon color n damit ay sing puti ni whitney tyson hehe...o ha hndi rin ako nanlait. LOLZ!

Michael said...

3rd: si lechekels na kuyang geisha,, nanakot lang siya??

2nd: si ateng orange,, hindi ko alam kung may niko-cosplay ba siyang character o ano ...

1st: Harry Potter!!! Tiboli yata iyon e!!!

Its yu olreydi, Andoy!

gillboard said...

ang laro naman namin, hulaan kung magsyota o hindi ang lahat ng makakasalubong namin na dalawang lalaking magkasama.

sa cosplay naman, ganda ng costume ni shaider. sa totoo lang, isa lang naman talaga yung patapon dyan.

yung nakakimono na madaming an-an.

silentassasin said...

Glen nakakita ka na ba na "copycat" na Havananas? hahaha

YOW said...

WINNER PASOK SA BANGA: 2nd picture, yung creature na nakapink kimono na parang pangsapin sa mesa na may ribbon sa ulo na parang doggy. Hahaha. Ewan ko pero napatawa ako sa kanya. Gusto ko siyang sabuyan ng asin ng magkikisay. Uod? Hahaha. Tsaka halatang winnur siya, napasurrender na si Kuyang nakablue na nasa likod na hindi ko sure kung may beer belly.

NEEDS IMPROVEMENT: Yung 8th picture o yung 2nd to the last an-an ng mundo. Nagkulang sa emotion yung posing niya, nagmukha tuloy siyang bantay sa entrance ng landmark. Konting ngiwi pa siguro, pasok na siya.

citybuoy said...

omg kamukha ni yj yung nakapink na wig!

kotsengkuba said...

pawisan si ateng nakadilaw kaya nagkaganyan ang foundation. hahaha

Goyo said...

Kawawang mga bata. Ipinanganak na panget, lalaking panget. Dapuq!

Leah said...

Spot the neon.. Lols. I like that game.. so easeeyy... :P

Sa mga cosplayers.. winner na siguro yung si harry potter. Lols.. yung sa for imporvemnt.. hmmm...

wait lang..

wait..
wait..

waaaiiittt...

lahat ata eh. Hahaha!! Hala, ang bad ko. Lols..

Kritikong Kiko said...

Wala ka nga nilalait, cosplay ba nakita mo o horror movie?

Marjorie said...

potek, natawa ako dun sa ugly kids. kailangan talaga sabihan ng goodluck haha... sa cosplay yung first pic lang ang matino, yun lang, wala akong nilait hehe..

Nanay JoyniSha said...

Si Sadako na nag-clip ba yung last? Kalurx..

Saka si kuyang naka wig parang nag disguise lang.Parang tinataguan yung mga alagad ng batas.char!

Havey ang picture number 1.3.5

Nimmy said...

Bagong buhay? Hahaha. Pictures are enough. :P

Will said...

Lahat sila Pasok sa Banga sa akin.

Pasok sa Banga talaga.

nekilleg :x said...

Idol kita sa panlalait kuya Glen :) :D

Anonymous said...

wushu!!!bumural na pwet ng ngkukunyaring di namintas!posib...e si harry potter lang ang mukang pang cosplay.ung iba pasenya na, alam na.hahahahahha!!!


UNGAZ

stevevhan said...

LOve it!

Gusto ko yung cosplay game!, sayang, hindi pa ko nakakakita ng nakacosplay, madaming "Needs for improvement" sa cosplayer! hahaha, lalo na yung mga naka-japanese-kemono fashion!, nakakatawa yung pagkaputi nila parang mga harinang nilagay lang at nawisikan ng tubig kaya kumupas!, hekhek.

Panalo sa lahat!---the RAMBO Game!

Anonymous said...

Hayop yung matabang cosplayer at yung bading na nakastripe na medyas. Lumabas sila ng bahay nila para lang laitin!

duking said...

nyahaha! tawa ako ng tawa dun sa gumaya sa One Piece. butong-buto rin eh!

Shaider FTW!

mike said...

this post is so wrong....but i find it very amusing. hehehe.

Keatondrunk said...

Hahaha! yun lang masasabi ko sa mga Cosplayers na yun wla rin akong nilait.

-=K=- said...

Hindi ko kinaya yung naka Mickey Mouse na mitts. Hehehe. Parang naawa ako kase parang ndi ko alam kung ano ang gusto nyang palabasen. LOL. Pero tama ka minsan may mga babies talaga na ndi talaga cute at all. Laitera lang, haha!

Anonymous said...

buti pinapasok sila sa mall...

Jepoy said...

hindi ko kinaya si kuya harry potter. at kelan naman napunta ang scar ni hp sa gilid ng noo nya?! LOL

Minsan na nga lang me makapag bloghop buro kaitiman ng budhi pa makikita ko dito.

LOL

kaye said...

kalerkey ang mga nagcosplay. kung alam lang nila kumbaket mo sila kinunan. ahahahaha!

meron ngang havanasia? haha! I have to look for that. :-)

gasti said...

wala ka nga nilait sa cosplayers..kami na ang bahala manlait sa mga nilagay mong pics. hahahaha! putris lang yung huling pic. sa anime ba nakuha talaga yun o sa morgue? hahahaha!

pasok sa banga si luffy at harry pottahh!

ishna said...

Puahahaha! Ang saya naman! Minsan kapag nauubusan kami ng gagawin, nanonood kami ng mga tao at naghahanap na lang ng pagkakatuwaan! Thank you for the suggestions. Magawa nga minsan yan! LOL

ahmer said...

hoy glentot! bat nandyan ang pic ko!! di ka man nag paalam! haha

Karl said...

acid wash? maraming may ganyan sa caloocan at munoz. di ko alam kung bakit. sa baguio marami rin akong nakitang ganyan.

aleihs shiela said...

ayoko manlait dahil baka laitin din nila ako. bwahahah..

ung huli, nababakbak na ata ung pulbo. LOL

ano ung asa 2nd to the last? sino sia?

waah. si kuyang nakalolipap.. ikaw na. hahahaha

ano din ung pang apat?

tabian said...

ahahaha...may laro din kaming tulad nyan tawag namin eh "spot the difference" tapos kakanta ng "alin, alin, alin ang naiba.." parang sira ulong batibot lang..hahaha

pero maraming pasok sa banga sa mga pics:

#2 - wala ng kurtina ang bintana nila..fir sure naguurumentado na ang nanay nya!

#4 - si koyah/ateh kung makawig parang normal lang

#5 - shaider na galing sa divisoria napadaan lang para sumali ng cosplay

#8 - galit si ateh sa bright colors, ayaw nya ng bright colors!!!

#9 - foundation day period!!

KikomaxXx said...

hahha promise talaga pagboring na naman araw ko lalaruin ko siya sa mga empleyado ng gobyerno... hahaha

Avee said...

Ahahahahahaha! Tawang tawa 'ko, Glentot promise! Eh mejo favorite libangan namin ng mga friends ko yang people watching (lait-ing) hehehe...
Winner yung 3rd picture. Gusto ko sana si Harry Potter kaso mukha syang tibo kaya di na lang. Hahaha.

Btw... Ano ang itsura ng tibong mukhang Pokemon??? Di ko mapicture haha. At ang chakang supling, madami akong nakikitang ganyan! Haha!

~ JaY RuLEZ ~ said...

LOL..ang dami kongtawa dito...

nakaktuwa si harry pottah...LOl

nice kay nanay na buhay pa ang rambo hanggang ngaun..LOl

Drama King said...

Wahaha. Salamat sa mga suggestions! Madalas ako sa mall at gagawin ko 'to pag naghihintay ng mga kaibigang laging late. :D

Ester said...

hala ka! ikaw na talaga ang leader kuya glen. following the leader, parang na hyper din ako!pinaka nag enjoy ako dun sa pic ng babaeng mukhang bakla or bakla na medyo babae na nakapink, yung pose niya eh parang nag bo-boxing. siya! siya na ang winner! pasok na siya sa banga! hahaha

chilaxjukebox said...

INA MO kung wala kang nilait jan kahit isa! HAHAHAHAHA... pero sa totoo lang may nkita ako cool na nakacosplay sa megamall dati, naka-transformers.

nga pala, may rambo pa pala ng tsinelas? may gash!..hehehe

hana banana said...

naglalaro din kami nang ganyan pag wala na talagang ibang mapagtripan!...sobrang saya talaga! haha... -napadaan lan po ^_^

L said...

nagpunta rin ako sa cosplay minsan sa megamall. sabi ko: "tangina, ang tibay ng sikmura ng mga ke-kakapal na mukang 'to." para akong nanonood ng live-action ova - negrito version.

p.s. mukang kelangang i-combantrin si monkey d. luffy. nangangayayat o.

Klet Makulet said...

hahaha nakakaloka ito. at super nakakatawa yung mukhang inubos ang gawgaw sa mukha mero di pa din dumidikit...ganun kaya talaga itsura nung ginagaya nya o wala lang talaga mahanap na pangpaputi sa mukha nya...:P pwero 'stig ha pera at lakas ng loob din talaga puhunan dyan.. effort!

MgaEpal.com said...

Ilang points pag nakakita ng naka-elepants? Nakamedyas kahit nakasandals lang? May pendant na bungo o marijuana dahil cool daw? At babaeng hindi pantay ang kulay ng muka at leeg?

KUMAGCOW said...

glennglenn, magbago ka na... wag kang ganun... nangaapi ka ng kapwa... LOL

Ayie =) said...

Ikaw na ang hindi umabot sa acid wash!

nieco_speaks said...

wahaahha.. cosplayer ba yang last pic o ganyan-lang-talaga xa. wahahha

APE said...

Hindi naman sa pambabasag ng trip ng may trip. Pero hindi ko tlaga maappreciate ang COSPLAY.

pwera na lang kay Goxiengfiao ba yun?

-=K=- said...

Pssst, I remembered you when I saw a trailer of Human Centipede 2. Hehe. Diba gusto mo yun? It still looks sick as ever! Hanapen mo sa youtube, dali! Now na :)

Hehe, yun lang po.

glentot said...

The Gasoline Dude Baka na-spot nya dahil sa scent... or lack of scent...

Anonymous natawa ko sa comment mo haha tama ka!

Nate oo ako na talag aang awardee

egG. kelangan british accent haha

Diamond R nakakita ako noon ng Abibas

khantotantra I think nandun sa bag yung normal clothes nya

Neneg Kilabot saan naman sya nakabili pa ng rambo!

Poldo haha saan nakaharap yung buwaya na logo?

rainbow box haha salamat

Hoobert the Awesome haha hindi ko rin alam kung Sailormoon sya eh hindi na ako nagtanong baka maoffend sya

kikilabotz isa sya sa mga paborito ko dun

Orange madali lang makahanap ng naka-neon kahit sa dilim

Traveliztera haha uglypig ba may pumasok bigla sa isip ko LOL

bien I think lalaki si Harry Potter... hindi ba?

Jag Whitney Tyson talaga? so 90's! LOL

Michael hindi ko naman naisip na tomboy si HP...

gillboard ang ganda ng laro nyo haha tig-ilang points?

silentassassin havananas FTW!!!!!!

YOW alam mo sa haba ng comment mo kinailangan kong magskipread!

citybuoy bwahahahahahhaa fakyu oo nga no!!!

kotsengkuba haha medyo mainit yata yung araw na yun para mag-Geisha...

Goyo ikaw na ang pogi LOL

Leah haha lagot ka nilait mo sila

Kritikong Kiko hahaha buti di mo sinabing circus

Marjorie wala ka ngang nilait pero sabi mo isa lang ang OK hahahaha

Nanay Joynisha kung ako ang magtatago sa batas hindi ako magsusuot ng violet na wig LOL

Nimmy Hahaha mahirap na mademanda!

Will pasok sa legendary banga

nekilleg :x wala naman akong nilait ah

UNGAZ di ka na nag-abalang maglogin salamat pa rin

stevevhan madalas may cosplay sa megamall check mo

Anonymous sana naglogin ka LOL

duking at least in character talaga yung One Piece

mike my blog is known for many wrong things

Keatondrunk playing safe ka rin ba hehe

-=K=- magkasundo siguro tayo sa panlalait

Anonymous wahahahhaa sobrang natawa ko sa banat mo LOL

glentot said...

Jepoy magstay ka na lang sa blog mo tutal puro kaitiman din ng budhi ang laman nun! fakyu

kaye woi kinunan ko naman sila dahil naamaze din naman ako hehehe

gasti morgue bwahahahahaha nice one!

ishna salamat at may natutunan kang bago haha

ahmer haha di ka naman anonymous diba

Karl specified talaga ang Munoz! baka dahil uso pa ang wagwag

aleish shiela sige na don't be scared

tabian sna mabasa nila ang comments mo LOL

KikomaxXx so givernment employees talaga??/ bakeet??

Avee tibong mukhang pokemon? Sige may friend ako ipapakilala kita LOL

~ JaY RuLEZ ~ komportable ata sa paa yung rambo

Drama King ako rin, dahil dun nga ata nabuo ang games na ito LOL

Ester magandang hobby naman ito dapat ipagpatuloy

chilaxjukebox apparently oo meron pa rin wala lang siguro ata talaga yun sa mall

hana banana salamat po sa pagdaan!

L lakasan talaga ng loob. Ewan mukhang enjoy naman sila eh

Klet Makulet lagot ka baka mabasa nya comment mo!

MgaEpal.com Fuck ang dami ko palang namiss sa Blast from the Past! Yung nakamedyas na nakasandals meron nyan dito sa office haha.

KUMAGCOW hahaha if i know mas madalas ka pang manlait LOL

Ayie=) hahah nagsuot ka nun no?

nieco_speaks yan din ang tanong na gusto kong masagot

APE si Alodia!!!

-=K=- sobrang teaser lang yung trailer! sayang haha pero papanoorin ko talaga yan!

SALAMAT PO SA COMMENTS...

crunchee said...

nyahahah~~ nasama si sharivan~(hindi shaider) XD pakilala kita sa kanya glentot~ friendly uN~~XD

kcatwoman said...

hehe nakaktawa ang costume!
http://kcatwoman.blogspot.com/
can we exchange links

Myrtea said...

naka isang saang beses na ata ako nagpabalik balik sa blog mo, wala pa ring bagong entry! hoy magtrabaho ka naman at pasayahin kami. hehe. joke. you never cease to amaze me.

dati may nakita ako RAMBBO na tsinelas, not sure kung ano yung letter na doble, basta meron.

Myrtea said...

post script:

expired na ata yung ginamit na mena ni ate at nag-patche patche (patchy) na sa fes and neck nya. no offense teh, kinabog mo si Memeha ah!

Robbie said...

Lol at Havanasia. Pang beki lang.

Sorry pero winner si kuya Harry Potter! Hawig na hawig!

Beki ako ako pero T@ng!ina lang yung mga naka-cross dress!!!! As in schitt sila ha!!! =))

p0ks said...

sa picture ko lang ba nakikita ang nakikita ko kay pic number 3? galing nya...kuha nya ang attitude ng suot nya! at panalo ang suot! ganda,hihihi

Senyor Iskwater said...

ang cute ni harry potter...bet ko ang batang iyan!

June | Life and Spices said...

Same tayo ng Hava..yung green ang strap...

DEMIGOD WINZTON said...

KALA KO KAW YUNG NAKA-RAMBO, SI ATIH PALA. NAPATAWA NAMAN AKO RON NANG MAKITA KO CAPTION. AT MEDYO MAY HINDI NGA KANAIS-NAIS SA PANINGIN SA MGA COSPLAYERS NA YUN :) BUT THE EFFORT IS ADMIRABLE :) ASTIG!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding