the worst birthday party ever

May napuntahan ka na bang birthday party na nagsisi ka na umattend ka pa? Ako marami na. Noong bata ako, napaka-mahiyain ko kaya kapag may nag-invite sa akin na pumunta ng birthday party eh kung ano-ano ang alibi ko, unless ni-require ako ni Doris na pumunta. At madalas rin akong eat and run, lalo kung kagalit ko yung kaklase kong magbibirthday.

Ang madalas kong iregalo noon ay Choco Mallows. Naalala ko nga nung nag-birthday yung kapitbahay namin na si Anabelle, yung niregalo kong mallows sa kanya eh ako rin ang kumain. Hindi ko sinasabi na masama ang lasa ng handa nyang pagkain. Ang sinasabi ko lang, mas preferred ko kainin yung dapat na regalo ko.

May isa akong kaklase noong elementary, itago natin sa pangalang "Ed". Malayo pa ang birthday nya, nagyayaya na sya. Huwag na huwag raw naming kalimutan. At magdala raw kami ng gift! Hindi naman kami close, bakit ko sya reregaluhan? Kaya bumili ako ng posporo at ibinalot ko ng Christmas wrapper.

Pagdating ko sa bahay nila Ed, ako lang at isa pang kaklase kong babae ang bisita nya. Nagtataka ako bakit tatatlo lang kami sa bahay nila, pati mga magulang ni Ed eh wala.

"Sandali lang ha dito muna kayo, aayusin ko lang yung handa" sabi ni Ed sabay iniwan nya kami sa bahay nila. Kami namang walang muwang, naghintay.

Pabalik-balik lang si Ed, pero wala kaming nakikitang handaan. Sabi lang nya hintayin daw namin tapos mawawala sya uli tapos babalik uli.

Nung napansin nyang nainip na kami, sabi nya "Sige na nga sumama na lang kayo" at naglakad na sya papunta sa kabilang kanto at nakasunod naman kami sa kanya. Pagdating sa kanto pinapasok nya kami sa isang bahay, maraming tao na hindi naman namin kilala. Nandun pala ang handaan.

Pero hindi si Ed ang may birthday party kundi pinsan nya. Magkasabay sila ng kaarawan.

In short, walang sariling handa si Ed sa sarili nyang birthday at balak nyang kumuha ng pagkain sa birthday ng pinsan nya at yun ang ipakain sa amin. Hindi siguro sya makadiskarte kaya dinala nya na kami sa mismong handaan ng pinsan nya, kung saan walang pumapansin sa amin.

Naawa ako sa sarili ko nun kasi hindi naman ako gutom pero nagmukha akong nag-aabang ng matitirang pagkain. Pero mas naawa ako kay Ed. Hindi ako nakikain, nagpaalam na lang ako at umuwi. Syempre hindi ko na ibinigay yung regalo kong posporo, pero on my way home nadaanan ko uli ang bahay ni Ed at na-tempt akong sindihan ang posporo at ihagis sa bahay nila.

May kaibigan ako noong college, si Kuya Ariel. May hiwa sya sa pisngi, nasaksak kasi sya. Marami akong natutunan sa kanya gaya ng kung paano manlaglag, kung paano mang-asar ng pikon at higit sa lahat kung paano manlait.

Ang madalas nyang linya kapag may nakita syang babaeng hindi naman kagandahan pero nag-effort sa make-up: "Alam mo, ang ganda mo, ikaw ang pinakamaganda dito. Kapag may nasalubong akong mas maganda pa sa iyo, sasampalin ko sya."

Kapag may barkada kaming nababagot at nagsabi ng "Kakaboring walang magawa!" sasagot agad si Kuya Ariel ng: "Magtikol ka tapos inumin mo yung tamod mo. Tapos ikwento mo sa amin kung ano ang lasa."

Kapag more than two persons na ang nagsabi ng "Walang magawa, kakabagot!" sasabihan nya ng "Mag-orgy kayo."

Sya ang pasimuno ng karamihan ng mga krimen na kinasangkutan ko.

One time nag-birthday si Kuya Ariel at imbes na mag-inuman at magparty-party sa apartment nya like normal persons, naisip nyang mas masaya kung mag-iinuman sa labas. Akala ko naman ang idea nya ng "inuman sa labas" ay bar o kaya kahit pipichuging beerhouse. Mali.

Labas as in literal na labas, sa kalye. Hinakot nya lahat ng mga kaibigan namin (konti lang ang nagsidating dahil maraming may galit sa kanya). Tapos yung mga dumadaan na hindi namin kilala, hinaharang nya para isali sa inuman.

So nakasalampak na kami sa sidewalk at napagsama-sama na ang mga Emperador, mga chasers, plastic cups at mga chips. Sa mga nagsidalo sa kanyang kaibigan, malaking porsyento dun ang hindi namin kilala, pero so far enjoy enjoy pa naman. May isang napadaang obese guy na hinila ni Kuya Ariel para makitagay. Awang-awa lang ako dun sa guy kasi kitang-kita sa mukha nya ang takot kay Kuya Ariel. Ikaw ba naman ang hilain ng lalaking may saksak sa mukha.

Pansin ko rin na yung guy eh hindi palainom. Akala ko pa naman eh natural sa mga obese ang malakas uminom dahil mataas daw ang water content ng katawan nila kaya hindi sila agad natatamaan. Yung obese na kainuman namin eh namula agad at mukhang pinagdudusahan talaga nya na napadaan sya sa kalye na yun.

So far enjoy enjoy pa naman kasmi kahit alam naming ilegal ang mag-inuman sa public. Confident pa si Kuya Ariel na kapag may nanita raw sa amin eh hahambalusin nya ng bote ng Empi. More more fun lang kami nun nang biglang may narinig kaming sirena ng pulis.

Natry mo na bang mahabol ng pulis? Pukinijamby! Hindi sya fun! Nakaka-stress! Kanya-kanya kaming hablot ng lahat ng pwede naming isalba. Ang nahablot ko yung plastic cups. Ang nahagip ng kamay ni Kuya Ariel eh yung bote ng Sprite, wala pa yung takip. Takbo kami agad, yung iba naming kainuman nag-spread out na rin at kanya-kanyang takbo na sa iba-ibang direksyon.

Pramis, sa gitna ng kaguluhan na ito nakuha ko pa rin matawa. Habang tumatakbo kami ni Kuya Ariel, napalingon ako, kitang-kita ko yung obese guy, halos hindi na makatakbo sa pagka-tipsy, at dun pa sya pumasok sa kalye na kayang-kaya syang sundan ng police car. Kitang-kita ko yung mukha nya habang tumatakbo sya, there's only one word written on it: "Putanginaaaaaaaaaaaaaaa!"

Hindi ko na alam kung nagkahulihan ba. Paghinto namin ni Kuya Ariel sa pagtakbo, nagpahinga lang kami saglit. Tapos bumalik kami sa spot namin. Wala na yung mga Empi, naconfiscate. So bumili uli si Kuya Ariel at itinuloy namin ang inuman na parang walang nangyari. Nagsibalikan rin ang iba pa naming friends, pero hindi na nakabalik yung obese guy. At never na namin sya nakita ulit.

Kthnkbye mwahchupa.

65 comments. Post your comment here.:

chilaxjukebox said...

base! haha..putris! sa totoo lang gusto ko rin maranasan yan :D

tabian said...

Sabi na nga ba lapitin ka talaga ng weirdo...ikaw na!! no doubt!

kawawa naman yung classmate mong si Ed..at kay kuya Ariel mo, no wonder may saksak ang mukha nya dahil wagas syang mapang-asar..di narin ako magtataka isang araw may hiwa na rin yang mukha mo!! hahahahaha XD

khantotantra said...

wahahaha. natatawa ako sa binalak mong regalo kay ed pati sa banat ni kuya ariel sa nabobored at sa comment ni tabian. hahaha.

kawawa naman yung kaklase mo... parang pinagkaitan ng langit na natapat ang bday nia na hndi man lang isineselebrate ng fam :(

taga-bundok said...

namiss ko na yang inuman sa kalye. maski ang mapatagay sa mga nagiinuman sa kalye / kanto.

YOW said...

Hahaha. Kawawa naman si Kuyang Obese. Sabi na nga ba't hindi na siya makakatakbo. Hahahaha. Bakit parang sayo naman nanggaling yung mga linya ni Kuya Ariel? Ikaw na ikaw eh. LOL.

Pinoy Adventurista said...

kawawa naman yung obese guy... hehehe!

lakbay philippines said...

ma try ko nga yang magpahabol ng pulis. hehehe

isp101 said...

Kawawa naman si Ed, at makapal din ang mukha niya, para magdala pa ng mga hindi invited, hehehe! Buti ka pa nga nagreregalo nuon ng choco mallows, masarap yun, ako walang dala nuon kapag uma attend ng party! Buti, hindi mo sinunog yung bahay nila Ed, hehehe! Umiwas kana sa mga kagaya ni Kuya Ariel, bad influence sya, mahirap na at baka masaksak ka rin sa mukha, hehehe! =)

Michael said...

Natawa ako dun sa obese guy! LOL. May naiisip kasi akong tao e,, kilala na! Bwahahahah. Juk lang!

Ikaw na talaga, Andoy! Kapag may nagsabing hindi ka, sasampalin ko! :D:D:D:D:D:D:D

WV: curveten. Kurba nung obese guy! LOL.

empi said...

Ayaw kong maranasan yan! Haha.

Ang astig lang, bumalik pa talaga kayo doon. :D

Traveliztera said...

kawawa naman si Ed :P natawa ako sa posporo-- wag mo ko regaluhan a... ikaw din ata gagamit e. lahat ng regalo mo ikaw lang nakakaenjoy like ung mallows :P hahahaha!

anyway... TAWA AKO NANG TAWA sa pangalawang bday. awang awa naman ako kay "obese guy" ... kayo talaga o! mga good influence!

the green breaker said...

what an experience! tawa ako ng tawa. at keast may lesson na natutunan sa pag-inom sa labas. hahaha

ISTAMBAY said...

naranasan ko na din mag inuman sa kalye pero ang habulin ng pulis ay hindi pa...

kakaibang experience yan sir.. kung iisipin ng sangkot ay talagang matatawa... :)

magandang araw sayo

egG. said...

nkklk!!! kawawa naman si kuyang nkaobese... naiimagine ko kung pano siya tumakbo siguro prang si eboy lag yung sa biggest loser...

natawa ako sa entry na to :)

Leomer Apolonio said...

Worst birthday party nga yang mga naatenan mo. Sakit ng tiyan ko kakatawa sa mga kwento mo Glentot. LOL

Nauto mo na naman ako. Hahahaha.

caloy rabino said...

wala kong napipicture sa utak ko nung binaggit si obese guy. promise.

mike said...

should we believe every story you tell or not? it seems like your story keeps getting weirder. LOL :)

oh yeah, haven't been chased by cops before...more like stalked...seriously.

glentot said...

@mike Are you implying that my personal experiences are not true? You think I'm a lowlife who invents stuff just to be able to post something?

Go fuck yourself. Get out of here.

Vajarl said...

Naisip ko kung pano mo kinonek yung birthday ni Kuya Ariel at ni Ed. Amazing lang dahil ang common denominator lang ay Birthday Party. Hahaha.

Ang puki ni Jamby! Hahahahaha.

Teka, naaalala ko may entry si Jepoy tungkol ata sa hindi sya madaling malasing? Tama ba Ang sweet nyo talaga haha.

kikilabotz said...

hahaaa, sino yng obeseguy na yan? kilala b nmin? ay kaaway ka nanaman glen, hahaaha.. oist magnominate ka naman ng pinay hottest blogger..hehee..

http://inusentepapalaako.blogspot.com/2011/11/pinay-hottest-blogger-of-year-2011.html

citybuoy said...

adik ka. bakit mo ginaganiyan si jepoy?

Boffill said...

Kawawa yung obese. Tipsy na nga sigurado hirap pang tumakbo yun. Malamang dun na natulog yun sa kulungan. Hehe.

Raymond said...

ang sama ng mga tao :P kung makassociate kay kuya jepoy.haha Wait, nasa pilipinas ba yang obese guy?hahahha

McRICH said...

im a fan. naadik lang ko sa mga posts mo kaya binasa ko from the start, peksman, kahi bigyan mo pa ko ng long quiz! keep it up sir :)

KikomaxXx said...

hahah parang adventure tim lang yung takbuhan.. hahaha

Lakwatsero Ako said...

Natawa ako sa comment ni citybouy :))
Baka kaya hindi nyo na nakita yung mataba kasi nasa singapore na? Joke ;p

Jpy Dee said...

natawa ako sa regalong posporo. sana sinamahan mo na din ng gaas o kaya mantika para mabilis sumilab. LOL

cArLo said...

kawawa si obese guy!!!!!!!!! haha. hindi na nga pala-inom, nahatak lang sa inuman na yan, s'ya pa ang nahuli (in-assume ko lang haha)
i tried drinking na din sa sidewalk. at sa kalye. oo sa gitna. puro empty lots magkabilaan, walang ilaw, at puro stars. it was fun.

Anonymous said...

lammo glen habang tumatagal the suspense is killing me kung sino ba talaga iyong obese guy sa mga posts mo. at bakit bigla na lang siyang naglaho sa mundo ng intarnet. intrigero? ah ha ha ha!!

mike said...

@glentot-i apologize if you thought i was implying that you are just creating stories out of the blue. not my intention.

KUMAGCOW said...

pukinijamby!~ LOL~

mommyJunkie said...

Kaloka naman si Ed.. Pag ininvite kita pwede kandila nalnag dalin mo wag posporo? joke! Natawa ko sa habulan scene parang ako yung hiningal kay obese guy=)

Salamat sa dose of happy pill=))

k0tz said...

bwahahaha... ang adik! sobra!! hahaha..

pero kawawa naman yung obese.. wla naman kasalanan yun.. nadamay lang... hnd nyo ba binisita sa presinto? baka andun sya. hehehe

gillboard said...

nakakaawa naman si ed at yung obese guy. buti at never pa ako nakaranas ng mga ganyang klaseng party.

Jepoy said...

Pak You bitch!

Allen said...

ang sama talaga ng ugali neto. wahahahaha!

pag nahuli ka ng pulis ano mangyayari sayo?

LordCM said...

kaawa naman si "Ed", ganyan din ako dati, pero kapatid ko ang kasabayan ko ng bday,magkasunod pala kami, pero sabay ang selebrasyon, yun nga lang lahat ng bisita sa knya pati regalo sa kanya, ate ko lang nagreregalo sa akin :D

sandali, saan mo ba iniexpect dumaan ung obese guy? sa iskinita? syempre dun sya sa kasya sya at nagkataong kasya din ung sasakyan ng pulis lolzz

Diamond R said...

parang na imagine ko naman ang isang obese na tumatakbo parang end of the world na at medyo lasing what the hell. at Na touch naman ako sa kwento ni Ed.Pero ang lakas ng loob mang imbita at isinama ka pa niya.bat naman ganon.

Oliver said...

Nawala ung comment ko, kainis haha.
Anyway, kawawa naman ung tao haha. Isa sa mga rason kung bakit kelangang magpapayat, para hindi mahuli ng pulis, haha. Parang snatcher lang, lols.

Ester said...

eto na talaga. ikaw na kuya glen. pag sad ako, promise, etong site mo ang unang-una kong pupuntahan. in fairness, sa haba ng post mo di ako na bore. and para akong adik dito, tawa ng tawa sa loob ng library. hahahaha. kawawa yung mataba, feel ko, nahuli siya ng mga pulis.

an_indecent_mind said...

isa din yan sa mga trippings namin... pero pinakapaborito namin e ang magpahabol sa mga malalaking aso! da best ang tawanan! bwahahaha!

an_indecent_mind

rainbow box said...

kawawa naman yung taya sa pagbili ng Empi, kinonfiscate lang. Kawawa naman yung sprite, hindi manlang natakpan.

takbo ba talaga ang ginawa nung obese guy? baka brisk walking kase. hehe..

Artiemous said...

next time, pag me birthday reregaluhan ko din ng posporo! magandang ideya yan! napatawa mo nanaman ako glentot, pukinijambi talaga! :D

farjah said...

Hi I just stumble upon from other blog and want to have a connection through blog hopping. I ask permission from you that I am leaving a link/s here in your comment box for my back-link. By the way I have joined your GFollow, you can guest post or post an article/s in my blog and I will provide a back-link for you directly to your blog/site my blog is just new with PR2 feel free to visit me soon.

Ayie =) said...

Sa birthday mo papadalan din kita ng regalo. Safeguard.

Pero may tatalo ba dun sa kending arabo? yung parang nougat na parang tira-tira?

heheh. gusto mo pa?

P.s. ay hindi pala, chocolate kisses na lang kse..eheheheh! lam mo na.

Bien Venido said...

Bago matapos ang kwento mo kay Ed, umasa ako na mapapaiyak ka sa lungkot. Napaka-naive ko pala. LOL.

Reyn Adonay said...

"Alam mo, ang ganda mo, ikaw ang pinakamaganda dito. Kapag may nasalubong akong mas maganda pa sa iyo, sasampalin ko sya."


Panalo 'to! Wahaha. Nice post. I mean, great! Add kita sa blogroll ko ah :)


Ang kulit din ng regalo mong posporo! Wahaha. Deserved naman ni Ed yun eh! haha LOL

Drama King said...

May napuntahan ako dati, lahat ata ng bakla sa Metro Manila andun sa party na 'yun. Haha. Hindi naman kami close nung host, gusto ko lang sana uminom. Keri na rin. FTW pa rin ang pukinijamby! Lol. :D

Drama King said...

May napuntahan ako dati, lahat ata ng bakla sa Metro Manila andun sa party na 'yun. Haha. Hindi naman kami close nung host, gusto ko lang sana uminom. Keri na rin. FTW pa rin ang pukinijamby! Lol. :D

Anonymous said...

hi glentot fan mo na ko swear i really like your blog, bina back read ko lahat ng entry mo kasi nakakatawa, balanse sya hindi boring hindi nakakaasar at higit sa lahat napaka totoo..ikaw na ikaw na!!!hahaha nasa November 8, 2010 entry mo na ko, ilan ba lahat ng entry mo?hihi...
post kn ng bago yung about naman sa lablayp mo..hehe
sana mameet kita at maexperience personally yung pagkalaitero mo tapos tatawanan lang kita..hahaha

-no.1 fan ;)

Marjorie said...

parang naawa naman ako as obese guy and sa classmate mo na wala naman palang handa. di kaya nahuli ng pulis yung obese guy?

caloy rabino said...

hansaveeeeeh ni mike, nag-sorry naman oh. bilang mabuting-mabuti ang puso mo, shemper papatawarin mo siya..tapos magbabalak ka na ngmasama sa buhay niya. lol

Maldito said...

may story pala kung bakit may saksak ang mukha ng kaibigan mo..aahhahaha..

kawawa naman si ambok....ahahhahaha...hinimatay na siguro yun..hala niyo!

glentot said...

chilaxjukebox parang nabasa ko nga sa blog mo noon na gusto mong makasakay sa police car tama ba?

tabian balik ka nang balik dito siguro weirdo ka rin haha joke

khantotantra ewan ko ha, ayoko ijudge yung pamilya nya pero sila yung type na nanghihingi ng ulam sa kapitbahay

taga-bundok pinoy culture LOL

YOW gagu ako ang nanggaya hahaha ako pa pagbintangan mo!

Pinoy Adventurista oo sobra!

lakbay philippines baka yun ang maging pinaka-memorable na lakbay mo

isp101 matagal ko nang hindi nakikita si kuya ariel, mula nung makipagsuntukan sya sa isa pang obese! kwento soon

Michael irelate talaga ang word verification LOL!

empi oo kasi in the spirit of the celebration LOL

Traveliztera haha now you know kung sino ang hindi dapat imbitahin sa birthday mo LOL

the green breaker marami talagang matutunan na lesson lalo kapag illegal stuff

ISTAMBAY tuwing naaalala ko nga yun nahihiya ako sa sarili ko eh LOL

egG. long time no see akala ko tigok na you LOL sayang di ako nanonood ng the biggest loser

Leomer Apolonio I hope maka-attend ka rin ng mga ganung party LOL

caloy rabino lagot ka!

mike .

Vajarl haha oo yun nga ang common denominator!

kikilabotz nagnominate na ako!

citybuoy adik ka! hindi si jepoy yun!

Boffill haha o malamang nagbayad para makalabas LOL

Raymond .

McRICH natempt tuloy akong i-challenge ka! hahahhaa salamat sa pagtitiyaga I hope you liked it

Kikomaxxx isang adventure na ayoko nang maulit LOL

Lakwatsero Ako hahaha lagot ka rin!!!

Jpy Dee or sana si Ed na lang mismo ang sinunog ko tutal mabilis sya magliyab LOL

cArLo wow ganda naman ng setting ng inuman nyo, sana sinabayan nyo na rin ng orgy LOL

Anonymous ako rin hindi ko na rin alam kung nilamon na sya ng lupa. Pero hindi talaga si Jepoy yun. Sya lang ba ang obese? LOL

mike ?

glentot said...

KUMAGCOW haha socket daw sabi ni Jamby

mommyJunkie thanks for liking the post. at ikaw ang nakarelate sa paghingal ah haha

k0tz ay kung sakali mang nabilanggo sya habangbuhay hindi pa rin namin dadalawin baka madamay kami LOL

gillboard sana maranasan mo rin one time LOL

Jepoy hoy wala akong binanggit na name mo ni minsan. Ikaw lang ba ang obese sa mundo? LOLx

Allen malamang tatakutin ikulong tapos pababayarin para laya na uli

LordCM naunahan talaga sya ng panic. sabagay no place to go nga sya hahaha

Diamond R buti nga diretso pa sya tumakbo eh. must be the adrenaline rush

Oliver honga no? walang obese na snatcher

Ester salamat naman at natutuwa ka pa rin sa posts ko LOL

an_indecent_mind fuck mas kakaiba yung trip nyo. at least ang pulis pag nahuli ka hindi ka bibigyan ng rabies LOL

rainbow box andami palang kawawa dito ngayon ko lang narealize, pati yung sprite kawawa LOL

Artiemous haha yung isang kahon ang ibigay mo tapos sabay sabay nya sindihan LOL

farjah no thanks

Ayie ayyy gusto ko yan hahaha kaso matagal pa makakalimutan mo na yan eh!

Bien Venido haha hindi touching yun kasi puno ako ng poot noon haha

Reyn Adonay thanks for the link and for liking the post!

Drama King kung nagkasunog dun, malaki pala ang mababawas sa populasyon ng bakla

Anonymous ay wag na ang lovelife kasi masalimuot LOLx kung meet up naman, the first step is huwag maging anonymous ahahaha salamat

Marjorie I think nahuli nga sya. it's his fault LOL

caloy rabino hahaha gago! i've learned to control my anger. sa ibang tao ko na lang irerelease.

Maldito marami pa akong istorya kay Kuya na tunay na nakakagimbal!

SALAMAT PO SA LAHAT NG NAGBASA AT NATUWA Mwah Mwah Smoochchupa!

darklady said...

hahahaha.hanep sa mga regalo ah..at kakaiba ngang birthday party napuntahan mo.grabe yun! lalo na yung may guest pang pulis.

Jag said...

Certified kanto boy ka na haha! Parang nakakagimbal nga yang kuya Ariel mo hehe...

cArLo said...

@glentot wahaha!! LOL sa ORGY! haha! :)
teka teka, did you mean the drink, or the other one? :) wahaha CHOS!

bagotilyo said...

kawawa naman c ed..

kawawa naman c obese guy..


wahahahha


exciting kasama c kuya ariel.. deadly!lol

cece said...

adik ka talaga glentot! tawa ko ng tawa. naiimagine ko tumatakbo ung obese guy na namumula, parang tumatakbong asado. haha ang bad ko pero mas bad ka reregaluhan mo ng posporo si ed e nakikiparty lang pla siya. buti di mo binigay haha

-=K=- said...

Sa January na ang aking kaarawan pero buti nalang at nabasa ko tong post mong to, ndi na kita iimbitahen if ever may handaan kase baka regaluhan moko ng posporo. LOL!

Naawa ako ng slight kay Obese guy =/

ispluk said...

kaloka naman yun. parang fun nga makipaghabulan sa mga pulis pero kakatakot huh! at talagang bumalik pa kau sa spot niyo eheheh!

ma try nga yan minsan.

jobologist said...

anlakas makabeki ng posisiyon niys sa manhole!nakakatuwa

Zei Maya said...

WAGAS MAG TRIP SI KUYA ARIEL MAKALAGLAG PANGA KASAMA AG BUONG KALULUWA HAHAHAHAHHA

DEMIGOD WINZTON said...

MAY TROPA TLGA TAYO NA MAPAGIMPLUWENSYA. KAHIT ANONG BAIT MO, AT IWAS MO, MAY MAPUPULOT TAYO SA KANILA NA KAHIT ILANG TAON NA NAG LUMIPAS EH DALA-DALA PA RIN NATIN, AT BAHAGI NA NG SISTEMA NATIN.

ANG KULIT LANG NG TROPA MONG SI KUYA ARIEL. JOLOGS NA ASTIG!
MINSAN GINUSTO KO MAGING GANON, PERO DI KO KINAYA. LOL! MAS BAGAY DAW SAKIN ANG "NICE". HASHTAG: TOINK

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding