i saw the sign

Hey Kids! Good day to one and all. Kanya-kanyang trip ang mga tao habang nasa mahabang byahe. Usually, may natutulog, nagso-soundtrip o kaya nagja-jackstone. Meron din namang palihim na nagma-manual sex (as opposed to oral sex) para maibsan ang nakakabaog na pagkabagot.

May friend ako, mahilig magbilang ng aso sa daan, mula sa pag-alis ng bus sa terminal hanggang sa pagbaba nya. Bale umaabot ng libo ang bilang nya.

Ako naman dati ang gawain ko eh magbilang ng mga lolang nakasuot ng plunging neckline, yung litaw ang wrinkles sa cleavage. Minsan naman ang binibilang ko eh mga confused teenage boys na naka-pekpek shorts. Last year ang inabangan ko eh mga "Bawal Umihi Dito" signs.

Nung Holy Week, umakyat ako sa Baguio para magnilay-nilay with my mudrax at dahil mahabang byahe ito, nag-soundtrip na lang ako. "Soundtrip" means nakatitig sa mga bukirin, talahiban at bangin sa saliw ng awitin ni ... you guessed it right... Aleck Bovick.

Nung pauwi na ako from Baguio to Manila na-impeksyon na ang tenga ko kay Ate Aleck kaya napagdiskitahan ko na lang tumingin ng mga karatula sa daan, yung mga pangalan ng businesses. Mabilis ang takbo ng bus pero mas mabilis ang mata ko lalo na sa mga kakaibang signs. Ang critera ko eh yung creative, agaw-pansin, memorable, mapapa-shet ka, may dating, or in layman's terms: nakakalurkey.

Dahil diyan ang agenda natin for today is an entrepreneurship seminar (seminar talaga?) entitled "Choosing The Right Business Name By Looking At Roadside Signs and Knowing What Not To Name Your Business" or CTRBNBLARS&KWNTNYB for short.

Ang una kong nakitang kakaibang business name ay ang Sweetest Name Eatery. Ang lande. Kung ano man yung "sweetest name" na yun, hindi na mahalaga, ang concern ko is, kung "sweetest" talaga yung name, bakit hindi mismo yung pangalan ang ginamit?

In-analyze ko ito nang mabuti. Baka si Jesus Christ yung tinutukoy nyang "sweetest name", which means creative nga ang eatery na ito wherein kinabog nya yung tindahan sa tabi ng bahay namin noon wherein ang pangalan ay "Amazing Grace".

Where does "spoof" end and "copyright infringement begin? Yan ang tanong na hindi balak sagutin ng isa pang kainan na nadaanan ko, Johnny Bee's Restaurant. Pakialam pa nila kung medyo sounds-like ito sa isang sikat na food chain?

Alam ni Johnny Bee na ang key sa magandang business name ay yung madaling maalala. Halimbawa sa kainan, kahit lasang pinakuluang medyas ang sabaw at may bato sa kanin, doon kakain ang tao kung madaling tandaan ang name. Minsan, kahit wala kang balak kumain dun sa kainan na yun, sisikat siya dahil sa word of mouth. Ayaw mong maniwala? Tanungin mo yung owner ng Babalu's Bulalohan sa Binalonan. Malaking signboard, check. Tongue-twister na pangalan, check. Masarap ba ang bulalo, kebs.

Kahit nadaanan ko lang yan sa bus, kahit hindi ako kumain diyan, maaalala ko sya habangbuhay. Kung hindi mo yan maalala, may something wrong sa iyo. Talk to Babalu.

May nadaanan akong tindahan ng mga halaman, ang Vhino's Garden. Hindi naman ito masyadong creative, maliban sa nagmamagandang letter H sa "Vhino". Hindi ko alam kung anong ikinaganda ng buhay ni Vhino sa pagdagdag nya ng letter H sa pangalan nya. Kanya-kanyang trip lang talaga yan. At least hindi sya nagda-drugs. Lulong lang sya sa letter H.

Yung may-ari ng Gooch Bar siguro ang naka-drugs. Or baka hindi lang nya alam na "gooch", according to UrbanDictionary.com, is the area between the balls and the anus, wherein kung hindi ako nagkakamali ang translation nito sa Tagalog ay "kuyukot". Kung tinawag na Kuyukot Bar ito, malamang kakabugin nito yung Babalu's Bulalohan sa pagiging memorable.

Imagine mo kung may magtetext sa iyo ng ganito: "Friend, kitakits tonight sa Kuyukot!"

Sasagot ako agad ng "See ya!"

Kung may amoy ang Kuyukot Bar, malamang hindi ito mabango. And speaking of hindi mabango... Kung may kaibigang bading ang may-ari ng Majoho Hotel and Restaurant, malamang hindi yan ang pangalan nyan ngayon. Hindi natin kailangang maging fluent sa gay lingo para magka-idea na hindi masyadong mabango sa pandinig ang name na "Majoho". Iba-iba ang level ng amoy. May mabaho, may mabantot, may maantod, masangsang, paakyat sa level ng makyoho, mashoho, papunta sa sukdulan: majoho.

Sobrang bango naman sa pandinig ng pangalan ng nadaanan kong motmot, ang 5 Star Apartelle. Luxury amenities ba ang hanap mo? Wala nyan dito. Ang tinutukoy nyang 5-Star ay hindi yung world class quality... kundi yung limang stars na naka-drowing sa tarpaulin.

Walang pakialamanan! -- 5 Star Apartelle Owner


Mga ilang minuto pa ay biglang bumalandra sa harap ko ang Bong Sabon Factory Price, at napakaraming katanungan ang mabilis na pumasok sa aking isipan: magkano ang Bong Sabon kapag sa mall binili, compared sa factory price sa outlet? In the first place, meron bang Bong Sabon sa mall? In the first place, ano ang Bong Sabon, at ano-anong sumpa sa katawan ng tao ang nagagamot nito?

Napa-imagine na naman ako bigla. Isang commercial, isang sexy at flawless na actress, nakatapis ng twalya at magbibitaw ng ganitong linya:

For skin so soft and smooth, I only use... Bong Sabon.


Minsan, sa pangalan pa lang ng business, alam mo na kung ano ang sitwasyon na kinasasadlakan ng mga may-ari. Halimbawa na lang itong magkatabing tindahan ng pakwan sa sidewalk, sa ilalim ng mga puno ng aratilis, ang Marcella's Sweet Pakwan at ang Janet's Sweet Pakwan. Malinaw na malinaw sa ating lahat ang rivalry sa pagitan ng mga pakwan ni Marcella at Janet. Ang ikinakabagabag ng kalooban ko ay kung sino sa kanila Marcella at Janet ang nauna sa pangalang "Sweet Pakwan" at sino ang second-rate trying hard copycat.

I-assume natin na ang original ay si Marcella at ang nanggaya ay ang hindot na si Janet. Napakahirap bang umisip ng pangalan ng pakwan stand??? Kailangan "Sweet Pakwan" rin? Pwede namang Janet's Malalaki, Mabibilog at Makakatas na Pakwan. O kaya Pakwan, Pakyu! Pakme!

Tignan natin kung hindi pilahan ang pakwan ni Janet.

Sad to say hindi na natin malalaman kung anong kahihinatnan ng dalawang magkaribal sa business na ito. Kaninong pakwan kaya ang mas malaki at mas masarap? Kaninong watermelon ang mas nagwawater-water?

Meron pa akong namataang apat na magkakasunod na stalls: ang Aurora Eatery, ang Aurora Eatery, ang Aurora's Eatery at ang Mercedes Eatery.

Malinaw na malinaw sa lahat ang rivalry na nagaganap dito, pero unlike sa Marcella vs Janet, kitang-kita natin kung sino ang mas nakakalamang kay Aurora vs Mercedes. Tatlong stalls kay Aurora, iisa lang ang kay Mercedes. Kung ako kay Mercedes, manliliit ako nang tunay at wagas.

Sabi nga ni Aurora kay Mercedes:

You're a Mom & Pop, I'm a corporation!


At hindi kayo namamalik-mata, may apostrophe talaga yung pangatlong stall. Sa lahat ng branches ni Aurora, itong isa lang ang naka-afford ng apostrophe.

So mga Kids I hope may natutunan kayo sa entrepreneurship seminar natin today. Ako, nangangarap rin magkaroon ng sariling business. Ang gusto ko ay computer shop at tatawagin kong Cyber 6 Den.

Thanks bye mwahchupa.

dear caloi

Naalala ko pa noong una kitang nakilala. Grade 3, first day of school. Bagong lipat ako sa school at wala pa akong kakilala, kaya kailangan ko ng new friends. Sa harap ako nakaupo, dahil according to height ang arrangement. Huwag kang mayabang, magkasing-height lang tayo... sa harap ka rin nakaupo.

Nung marinig ko kung anong apelyido mo, tumawa ako nang malakas, kasi sounds like "Gorilla". Naasar ka, sinabunutan mo ako. Hahaha. Hindi mo na siguro yun naaalala.

Pero I'm sure naalala mo na noon pa lang eh crush ka na ni Khikhi. Alam naman ng lahat yun. Ang aga nyang lumandi... Nakafocus lang sya sa iyo noon at hindi ka nya tinantanan. Hanggang college.

Noong Grade 4, naalala mo ba nung may ipinabasa ako sa iyo na short story? Yun ang pinakaunang sinulat ko. Istorya tungkol sa isang bampira na nakatira sa loob ng kweba. Matapos mong basahin sabi mo nakakatakot! Proud na proud naman ako. Haha! Parang mga shunga lang.

Naalala mo ba nung Grade 5, nag-camping ang Boy Scouts at ikaw ang leader. Galit ako sa iyo lagi nun, kasi lagi mo akong pinapagalitan dahil tanghali na ako bumabangon, hindi ako tumutulong sa mga gawain, at lagi lang akong naglalaro ng shatong.

Baka hindi mo na naaalala lahat ng iyon, pero etong mga recent lang for sure maaalala mo. Isang malaking flash forward!

Nung college, lagi kami sa apartment nyo sa likod ng SLU. Hindi ba laging may inuman sa inyo kapag weekends, at lagi kaming present? Si Khikhi pa ang inuutusan nating bumili ng alak. Kahit naka-uniform pa sya ng pang-Nursing, wala syang pakialam basta ikaw ang nagtext, bibili sya agad ng Emperador. Ganun ka nya ka-mahal.

Nung tinadyakan mo nga ang pinto ng CR habang umiihi sya eh hindi sya nagalit sa iyo. Yun ang tunay na definition ng Love. Dapat kapag sinabing "Define love", ang sagot eh "It's when a person kicks the bathroom door while you're peeing and you can't get mad because you can't stop smiling."

Di ba nagpropose pa sya sa iyo tapos binasted mo paulit-ulit... Bwahihihi nice one! (I labia Khikhi, mwah!)

Nung tinuruan ako ni Dyan na mag-yosi, nandun ka rin diba? Nandun tayo sa rooftop ng dorm namin. Halos gumapang ako sa bubong sa sobrang pagkahilo. Nagsuka pa ako. Dinamayan nyo ako LOLz.

Naalala mo ba nung sinabi kong ayokong umuuwi sa Bolinao dahil ayokong umuwi sa bahay namin dahil maraming problema sa bahay namin. Sabi mo sa bahay nyo na lang ako tumuloy. Syempre ayoko naman yun, Principal natin nung high school ang Tatay mo, nakakahiya naman makituloy sa inyo. Pero na-appreciate ko yun.

Matagal rin tayong hindi nagkita after ng graduation. Yung huli eh nung palihim akong umuwi sa Bolinao para makasama kayo sa inuman. As usual ang una nating sinabi sa isa't-isa ay "Ang liit mo pa rin!"



Eto yung huling picture na magkasama tayo nun. Hindi ka pa nakatingin sa camera.

Matapos nun, halos hindi na rin tayo nagkakausap, sagutan lang ng comments sa Facebook. Akala ko kasi, nandiyan ka lang naman lagi. Nasa isang circle of friends lang naman tayo. Nasa isang barkadahan.

Marami pa tayong napagsamahan, mga araw na hindi ko na naaalala, at hindi mo na rin maaalala.

April 14, 2011, Thursday. Araw ng Grand Alumni Homecoming natin. Ikaw ang nag-organize. As usual hindi ako um-attend, dahil may trabaho ako. Lagi namang merong "Next time!" Nagising na lang ako na may tumatawag sa phone ko, ayokong sagutin kasi akala ko HSBC telemarketers. Nung tumawag uli, sinagot ko na. Si Khikhi pala ang tumatawag, at umiiyak sya.

Patay ka na raw...

Hindi ako agad makapaniwala. Parang ang hirap isipin na ikaw, na laging nandiyan, laging online, madaling hanapin, one text away, madaling makausap, ay wala na habangbuhay.

Bakit naman ganun Caloi, alam mo namang maraming naaksidenteng motor dun sa pinuntahan mong lugar... Sana hindi ka na lang pumunta dun, sana nagpakalasing ka na lang dun sa inuman sa alumni party, kahit gumapang ka pang pauwi... Sana hindi ka na umalis. Marami na tayong kaibigan na namatay doon, at sumunod ka sa kanila.

Kung alam ko lang na yun na ang huling araw na pwede ka naming makasama, sana umuwi ako, kahit mameke ako ng sick leave or mag-aAWOL, makapagkita-kita lang tayong lahat uli. Tatanggapin kong sabihing mas matangkad ka sa akin (ng 1 millimeter), manalo ka lang.

Pero ganyan nga siguro talaga. Tapos na yung misyon mo dito sa mundo. At least, bago mo kami iniwan, nasabi mo raw na yung araw na yun ang pinakamasayang araw sa buhay mo. At kahit ginulat mo kaming lahat, at least marami kang iniwan na ala-ala, lagi ka pa rin naming mapag-uusapan, lagi ka pa rin naming babalik-balikan.

Naalala mo nung lagi kami nakatambay sa apartment nyo, at dun kami nagcocompose ng mga kanta namin? Kinatok pa nga kami ng kapitbahay nyo kasi alas dos na ng umaga, nag-iingay pa kami. Naggigitara si Junn at kumakanta si Khikhi...

Naalala mo pa ba yung nagawa naming kanta?

Yung kanta na alay para sa isang namatay na mahal sa buhay...

video

Never kong na-imagine na darating ang araw, sa iyo maide-dedicate yung kanta... Sana magustuhan mo Loi, yan na lang ang pabaon namin sa iyo. Sign yan na hindi ka namin kakalimutan.

We'll miss you so much Loi... Ngayon we're past the denial, the angst, the grief... we just really miss you. Thank you dahil naging parte ka ng buhay namin.

PS. Aaminin ko na, ako yung nagsulat ng "Personal Property of Caloi Gorilla" sa cover ng isang porn CD at iniwan kong pakalat-kalat sa apartment nyo para makita ng Ate mo hehehehehe. Sowee!

ang mga apo ni don tiburcio

Recently, may mga balikbayang bloggers (hindi ko na babanggitin kung sino dahil secret lang daw ang pag-uwi nila) na nag-set-up ng isang mini-get-together. Dahil ako ay likas na kaladkarin, mabilis akong nagpunta. May kainan eh haha. At may mga um-attend na mga bloggers na dati eh sa blogs ko lang nakikita at sa wakas nakilala ko sila.

Masaya naman ang kainan at kantahan at kwentuhan. Kaso ang aga magsara nung napuntahan naming place sa Seaside Macapagal, at dahil bitin pa kami, dumiretso kami sa MOA para ipagpatuloy ang alcohol intake.

Pagdating sa isang bar/restaurant dun, pag-upo sa table namin, mabilis akong nagmasid-masid at sa di-kalayuang table, may nakaupong limang babae.

Actually, dalawang babae at tatlong apo ni Don Tiburcio. Yups, mga teenager na tibo. At sa aking pagmamasid sa ayaw-paawat na PDA, yung dalawa dun eh mukhang magjowa, yung isang tomboy lang ang walang jowa. Fifth wheel sya.

Wala naman akong masamang masasabi sa kanila, or sa mga lesbian in general. Pansinin lang talaga sila kasi full blown lesbian get-up silang tatlo. Gupit lalaki, over-sized shirt, at lalaki talaga sila kumilos, sa unang tingin eh mapagkakamalan mo talagang mga lalaki. Hindi na phase ang pinagdadaanan nila. Hindi na sila confused. Decided na sila. Tahong over talong. Sugat over ugat.

Syempre napansin din ng mga kasama ko yung grupo ng mga tiboli, lalo pa at panay ang point out ko sa kanila na "LOL, may KFC sa kabilang table..."

KFC as in finger-lickin' good.

At ni-point out naman nila sa akin, "Ah, mga Lulu..."

"Huh? Anong Lulu?" tanong ko.

"Lulu... Basta, Lulu. Ulit-ulitin mo..."

"Lulululululululululululululululululululululu- ah OK gets!"

Mga ilang minuto pa eh nakaramdam ako ng weewee kaya nagpunta ako sa toilet. Eh yung toilet ng place na yun, unisex. May bowl at urinal sa loob (sabi nga ng kasama naming balikbayan blogger na itago natin sa pangalang Pkpk Queen, kapag nakaupo daw sya sa bowl eh kaharap nya na yung urinal, pwede na sya maghilamos dun sa sobrang lapit sa mukha nya).

Anyway, dahil isa lang ang toilet, may pila. At isa sa mga nakapila eh yung isang teenager na tibo. Habang nakapila kami eh palihim ko syang in-assess. Naka-wax ang hair, check. Baggy pants, check. Wala syang boobs, check. Tingin ko eh nagsuot sya ng girdle or something para mag-flat yung dibdib nya. Tinignan ko ang face nya, maganda sya. Hawig nya si Pia Archangel.

Panay ang tingin nya sa salamin, tinitignan ang sarili nya. Parang nag-papractice sya ng iba-ibang pose. May nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa, merong nakasandal ang siko sa wall. Pa-macho effect. Naisip ko, "Ang siga-siga mo eh pagpasok mo jan sa toilet, uupo ka rin. Hihi."

Uulitin ko, I have nothing against sa kanila. Naaliw lang ako dun sa teenager na yun. Kaya habang nakapila eh parang gusto ko syang alayan ng awiting "If I Were A Boy..." hahaha joke.

Pagbalik ko sa table namin, tuloy uli ang kwentuhan at inuman at hindi nagtagal, naiihi na naman ako. So nag-CR ako at pagbalik ko, excited yung mga kasama ko na ikwento ang mga pangyayari habang wala ako.

"Pina-take-out nila ang naiwan nilang beer!"

Paalis na siguro ang mga tomboy at nanghinayang sila sa hindi nila naubos na beer, kaya gusto nilang dalhin. Pero syempre ayaw nilang dalhin ang mga bote. Kaya ipinaplastic nila ang beer. Parang softdrinks lang. At dahil maraming bote ng beer yun, maraming plastic ang ginamit. Kaya pagsulyap ko sa table nila, may isang malaking plastic bag dun (yung plastic na pang-grocery) na ang laman eh mga nakasupot na beer.

OK wala namang masama kung ayaw nilang iwan yung beer na hindi nila naubos. Pero first time kong makakita ng ganun.

At mukhang nag-CR ang mga kasama ng tomboy, kasi mag-isa na lang sya (yung fifth wheel na walang jowa ang naiwan). Kaya habang hinihintay nya silang bumalik eh nilantakan nya yung kropeck.

Tuloy pa rin ang kwentuhan at inuman namin as time went by. Kailangan kong i-emphasize ang time went by, dahil mahabang oras na ang nakalipas, hindi pa rin bumabalik ang mga kasama nung tomboy. Pero cool lang sya, pa-munch-munch lang ng kropeck at pa-bounce-bounce ng head sa beat ng live band.

Tuloy pa rin ang kwentuhan at inuman namin as time went by. Hindi pa bumabalik yung mga friends ng tomboy, but it's cool. Natagalan lang siguro sa pila sa toilet.

Tuloy pa rin ang kwentuhan at inuman namin as time went by. Hmm nasaan na kaya yung mga friends nya... For sure may reason kung bakit sila natagalan. No need to panic though. Hawak nya ang cellphone nya pero hindi ginagamit, low-batt siguro. Munch-munch pa rin ng kropeck.

Tuloy pa rin ang kwentuhan at inuman namin as time went by. Ubos na ang kropeck. No need to panic. Pabalik na rin siguro sila.

Tuloy pa rin ang kwentuhan at inuman namin as time went by. Balisa na ang tomboy. Balisa na rin ako kasi bakit hindi na sya binalikan ng mga friends nya! (affected???) Nagsisimula nang magligpit ang mga waiter. Magsasara na ang bar.

Nilapitan na ng waiter ang tibo. Syempre hindi ko marinig ang usapan, pero parang ganito:

Waiter: Sir we're about to close.

Tiboli: Sandali lang kasi hinihintay ko pa yung mga kasama ko, nag-CR lang sila.

Waiter: Sir, are you THAT stupid? Don't be naive. Look around you, look at your watch! They were gone for hours! Your friends ditched you! They're probably out there by now, laughing their faces off because you were so stupid to fall for the toilet trick. You think this only happens in movies?And you really wanna wait here? My God, wake up!

Ako naman, sa isip-isip ko, kapag itong mga kasama ko eh biglang nagpaalam mag-CR nang sabay-sabay, magkakamatayan muna bago ako magpaiwan.

Maya-maya pa eh tinawag na ng Manager ang tibo kaya pumunta na sya dun sa counter, habang kami naman eh pack-up na at uwian na. Kahit gusto ko pang masubaybayan kung anong nangyari dun sa tibo, hindi naman pwedeng lumapit ako sa counter at maki-uzi.


Pero malamang, nagkaroon ang tibo ng isang ma-Axion na moment.

Umalis na kami, and all I can do was look back at that lonely, abandoned plastic bag na puno ng beer at naiwan sa upuan...

Sa totoo lang nakakaawa ang nangyari dun sa tibo. Biruin mo, pumunta ka dun na walang ka-partner, habang yung mga kasama mo eh naglalaplapan sa harap mo, ikaw eh nagkukuyakoy na lang... Tapos surprise! Ikaw ang magbabayad ng bill! At uuwi kang mag-isa!

Parang gusto ko syang alayan ng isang awitin... "Ang kawawang tomboy... may baril walang bala blah blah blah"

At ang masasabi ko lang dun sa kaibigan nyang iniwan sya na walang pambayad sa inorder nila,

SHAME ON YOU! KAHIHIYAN KAYO SA LAHI NI DON TIBURCIO!

april fools' day

Matagal kong pinag-isipan kung anong April Fools' Day prank ang gagawin ko sa blog ko. Ang hirap kasi tapatan nung ginawa namin ni Jepoy Pikpik last year kung saan nag-announce kami na magsasara ng blog matapos ang isang epic na fight scene. May mga naloko naman kami, mga 38 katao.

Halos isang taon akong nag-isip kung anong magandang gawing kalokohan this year. Isa sa mga naisip ko eh i-redirect ang link ko sa isang porn site. Naisip ko rin maglagay ng nude pic ko sa header. Pero dahil malamang may mga totoong maasar sa akin kapag ginawa ko yun, so hindi na ako magjojoke this year. Naisip ko na lang mag-compilation.

The 10 Greatest Pranks I Ever Did




Nung high school, mahilig kaming magkaka-barkada na mag prank calls. Magkukunwari akong staff ng isang game show at kung sino mang matawagan namin ay magiging lucky winner...

"Misis, kailangan nyo lang pong hulaan kung anong title ng song ito" (sabay play ng music).
"Ah eh, teka hindi ko yata-"
"Tama! Nanalo po kayo ng fifty thousand pesos!!!"



Nung nag-abroad ang best friend ko, tinawagan ko sya para lang magkunwaring taga-Rural Bank at sabihing i-dedemolish na ang bahay nila. Na-sense ko ang panic sa kanyang boses sa pagsigaw nya ng isang malaglag-karsonsilyong "WHUAAAAAAT???!!!!"


For the full story:
Clicking me!



Minsan nanood kami ni Rose ng movie. Naka-flip-flops sya nun, at nung hinubad nya para itaas ang paa nya sa seat, tinago ko yung tsinelas nya. Yun lang, masaya na akong nakakaperwisyo ng tao sa ganung paraan.



Minsan ang pranks ay hindi kailangang elaborate at pinagplanuhan. Pwedeng spur of the moment. Tulad nung first year high school, pinatid napatid ko ang kaklase kong babae... sa hagdan... Nalaglag sya, nagasgas ang tuhod nya. Hindi ko naman sinasadya! Balak ko lang syang patirin, hindi ko naman napansin na nasa hagdan pala kami.

Pero everything went fine naman, nag-sorry sya sa akin.

Opo sya ang nag-sorry.



Speaking of spur of the moment, nasubukan nyo na bang manggago ng maraming tao nang hindi sinasadya, dahil sa biglaang inspiration? There's this one time may dumaang bus at tumigil sa harap ko at nagtanong kung nasaan ang Kamagong Street. Tinuro ko sa maling direksyon. Pag-alis ng bus, nakita ko tatlong magkakasunod na tourist bus pala sila.

For the full story:
Clicking me!



Madalas kong gawin noong college ang manghiram ng phone ng barkada ko at palitan ang name ko na nakasave sa phone book nya. Ang ipapalit kong name eh name ng isa pang barkada namin na nasa phone book nya rin. Matapos i-edit, magtetext ako sa phone ng barkada ko (iisipin nya yung isang barkada namin ang nagtext sa kanya dahil name nya ang lalabas) at aawayin ko sya. Ang ending, mag-aaway sila nang hindi nila nalalaman kung bakit. Masaya na ako nun.



Syempre ang paborito kong gaguhin sa buong mundo ay si Khikhi. Here's one time na ginago ko sya sa text. Nagkunwari ako na ako yung crush nya noong college. It started with "Hi Khikz" and ended with "Gago ka Glennnnnn!!!!!"


For the full story:
Clicking me!



Nung high school, madalas kami tumambay sa bahay ng mga barkada namin. Ayoko nang sabihin kung anong movies ang pinanonood namin, let's just say na educational documentary ito. One time, patapos na ang movie at pabalik na kami sa school, nagnakaw ako ng mga naka-frame na pictures na nakasabit sa wall at dinala school para isabit sa library. Nagulat na lang yung barkada namin nung may lumapit sa kanya para sabihing "Bakit may family picture kayo sa library?"



Mahilig rin akong mangialam ng accounts ng iba. One time nag-login ako sa Friendster account ng isang kaibigan ko at lahat ng friend requests nya ay ni-reject ko. After a few months nalaman kong isa sa mga ni-reject kong friend request ay yung kagalit nyang nakikipag-bati sa kanya, kaya lalo silang nag-away at never na nag-usap uli.

For the full story:
Clicking me!



Noong college, during class, sabi ng instructor namin, isulat namin ang pangalan namin sa isang papel at i-pass to front, dahil isusulat niya ang grade namin sa papel. Matapos mag-pass, naisip ng instructor namin na huwag na lang pala mag-pass dahil next week nya na i-aannounce ang grades namin. Eh yung isang kaklase namin, si Reginald, hindi nakikinig. Kaya nung ibinalik ang mga papel, pagdaan sa akin ng papel nya, sinulatan ko ng "69".

Pag-abot nya sa papel, nanlaki ang mata ni Reginald sa nabasa nya. Priceless moment.

Ang twist eh the following week, nung binigay na ang grades namin, 69 talaga ang grade nya. Bwahahaha.



I sincerely apologize sa mga taong ginago ko... Here's a token of my sincere apology:



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding