diz iz bowlshet

Last week on my way to work, napadaan ako sa Reyes Barbecue. Dahil natakam na naman ako sa menu, at dahil walang pila sa counter, dun na lang ako, keysa pumila ako sa ibang kainan. Kahit medyo hindi maganda ang experience ko sa branch na ito last year dahil marumi ang lamesa, madilim, ang bagal ng service at nagmamantika yung orange juice (hindi ko na sasabihin kung anong branch), dito pa rin ako kumain.

Paglapit ko sa counter, ang crew na kumuha ng order ko eh naka-taas ang t-shirt sa dibdib at nakalabas ang malaking tiyan. Bago ako tanungin kung anong order ko, pinunas nya ang laylayan ng t-shirt nya sa mukha nyang pawisan. Ganun ka-professional ang greeting sa akin.

Umorder ako ng 2-piece barbecue meal at para makaiwas sa orange juice na oily, nag-Royal in can na lang ako at humingi ng glass with ice. Imbes na 2-piece ang i-punch nya, 1-piece lang ang pinunch nya, at nag-additional 1-stick na lang ako na mas mahal nang konti. Simple mistake, o modus operandi?

Ako lang ang customer. Pag-upo ko, habang hinihintay ang order ko, nagkaroon ako ng mahabang time na magmasid, at nagmagandang-loob na rin ako na magpunas sa lamesang malagkit dahil nakakahiya naman istorbohin ang waiter.

Iisa lang ang waiter, at abala sya sa pakikipagflirt dun sa babaeng crew ng Pan de Manila na nakatambay lang. Yung dalawa pang waiters eh naka-off duty na at naglalandian rin (isang lalaki at isang bading). Ang crew na kumuha ng order ko, sya rin yata yung cook, at sumasalit rin sya sa pakikipaglandian dun kay Ateng Pan de Manila.

Bukod sa halos kalahati ng menu nila na nakadisplay sa wall ay may nakapaskil na "Not Available", at yung canisters nila ng mga toothpick ay wala nang laman, nakita ko rin na yung ini-slice na saging na saba (para sa Caramel Banana Ala Mode) ay naka-imbak sa malaking jar ng mayonnaise (na walang takip) at nakasalampak sa ilalim ng ref, sa ilalim ng mga softdrinks. Note to self, wag na wag oorder ng Caramel Banana Ala Mode.

Hindi na ako nagtaka kung bakit puno ng tao yung World Chicken sa kabila samantalang dito eh walang tao. May reputasyon na siguro itong branch na ito ng Reyes Barbecue.

Pagdating ng order ko, yung binigay na glass with ice, tunaw na ang yelo. Iinumin ko na lang sana yung tubig nang mapansin ko yung baso. May grasa sa loob. OK ewan ko kung grasa nga yun pero itim talaga, pinahid ko pa sa tissue. Pinapalitan ko agad yung baso, kumain, sabay alis.

Hindi ko sinisiraan ang Reyes Barbecue, kasi paborito ko ito. Itong branch lang talaga na napuntahan ko ang medyo FAIL. Kung isa akong undercover customer at isusurvey ko sila para ireport sa Manager, gagawa ako ng 10-page essay para masisante silang lahat, magmula dun sa dugyuting cook/tao sa counter, kung sino man ang taga-hugas ng baso, yung malanding waiter, pati na yung mga naka-off duty.

At oo, pati si Ateng taga-Pan de Manila. Damay-damay na ito.

happy father's day


Who's that happy baby???

Check-it-out-in si Pudrax sa pinaglumaan ng panahong larawang kupas na 15 Megapixels na hinalungkat ko sa baul ng kasumpa-sumpang mga litrato. Ampuge diba! Kaya na-inlab si Doris noong araw eh LOLOLOL. (One of these days ikwekwento ko kung paano nagkakilala sina Mudrax at Pudrax).

Hip na hip na hairdo - check!
Mala-kidnapper na ngiti - check!
Cute na baby in his arms - check!

Happy Father's Day to you Pudrax.

Pagpasensyahan na ang location ng photoshoot (likod-bahay) at ang aking outfit. Kita nyo yung suot kong bracelet? Yung black/red/black/red? Nagsuot rin ba kyo nyan?
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding