mani labas

Ayan po ang sagot sorry for wasting your time sa kababawang konsepto ng nakalabas na mani. Ako lang ba ang natatawa? Nung napanood ko kasi yung news, yung "mani labas" agad ang pumasok sa utak ko. Tigilan nyo na si Maki Pulido at ang kanyang boObiez. And congrats sa mga nakakuha ng "mani labas."

Next post: ang mabentang Strange Women series.

it's been a year




Look closely Kids.

do not do unto others unless you think they will do it to you too

Hey Kids! Sorry sa napakahabang panahon ng pananahimik. Naging busy kasi ako sa paghahanap-buhay kaya nakapag-lie low ako sa paninira ng mga buhay. Naubusan rin ako ng stories kaya hindi muna ako magkukwento ngayon. Magshe-share na lang ako ng iba't-ibang paraan ng panlalait ng tao pag-eenjoy.

Mahilig ba kayong tumambay sa labas with your friends na patapon na rin ang buhay? At matapos manood ng sine, kumain at mag-malling eh ayaw nyo pa rin umuwi pero nauubusan na kayo ng pagkakaabalahan? Puwes ibabahagi ko sa inyo ang sumusunod na masasayang activities!!!!!!!!!!!!!! (ang hyper lang)

Spot The Neon



Ang game na ito ay simple lang. Hanapin ang mga taong nakasuot ng damit na neon (pwedeng neon green, neon pink, neon orange, basta neon, yung masakit sa mata). Ang twist sa challenge: dapat ma-spot mo sila from 150 meters away. Which is surprisingly easy, kasi nga naka-neon sila, kaya kitang-kita sila kahit sa outer space.

Blast From The Past

Unahan lang makahanap ng lalaking naka-tuck in ng T-shirt (10 points), babaeng naka-macarena (20 points), babae o lalakeng naka-chaleco (30 points). Instant winner ka kung makakahanap ka ng taong naka-jumper (so far once pa lang akong nanalo sa Instant Win). Pero kung makakakita ka pa nito, ikaw na ang undisputed champion:


Acid Wash FTW!

Pero actually, kahit makakita ka ng naka-acid wash, may makakatalo pa rin sa iyo, kung may makakahanap ng pinaka-pamosong platform slippers in history, lalo na kung nakuha nyong magpa-picture:



"Talk to my RAMBO, bitch" -- sabi ni Ate.

Copycats

Hanapin lang ang nakasuot ng imitation. For starters, maghanap ng sumusunod:

Level 1: Havanas (easy round, madali lang humanap neto)
Level 2: Savannah (you must have a keen eye)
Level 3: Havanasia (tugsh! winner)

Pramis, may nakita akong Havanasia...

Ugly Kids

Ang mga bata ay cute by default... pero meron talagang mga magulang na sumuway sa batas ng kalikasan at walang habas na naghalo ng genes, kaya ang resulta ay mga chakang supling. Ang rule ng laro na ito ay simple lang, kapag may nakita kang kids na panget (mga 5 years old pababa) lapitan mo sya at sabihan mo ng "Tsk tsk tsk good luck with puberty..."

Cosplay Or Ganyan-Talaga-Sya

Kapag may dumaang may weird fashion sense, alamin kung sya ay naka-costume na pang-cosplay, o kung ganun talaga ang itsura nya sa pang-araw-araw na pamumuhay. Maaaring laruin ang game na ito kung may mapadaang: baklang naka-wig, lalaking naka-eyeliner, babaeng labas ang maugat na cleavage o tibong mukhang Pokemon.

Another version of this game: Masaya ring gawin ito sa mga cosplay events: alamin kung ang costume nila ay macoconsider na cosplay o isa lamang joke.

At dahil jan, let's play a game!!!!!!!! (hyper pa rin)

Ang mga sumusunod ay mga cosplayers na nadaanan ko sa Megamall. Pumayag naman silang magpakuha ng picture, pero hindi nila alam na gagawin ko itong kasangkapan sa game.

Instructions: Piliin sa mga larawan sa ibaba kung sino ang "Winner Pasok sa Banga" at sino naman ang may "Areas for Improvement".

Disclaimer: Wala akong nilalait sa mga cosplayers na nasa larawan.



















Malinaw ha? Wala akong nilait ni isa.

OK Kids thanks byebye mwahchupa.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding