i need a fucking break

Wickedmouth.com will take a break. I will be on hiatus. There's a lot happening right now and I can't keep up with everything. I will be back hopefully soon.




Sucks to be me right now.

mgaepal.com - ang pagpapatuloy

Hey Kids. This is my serious face. Kung madalas kayong tambay sa blogosphere malamang isa na kayo sa libo-libong nag-Like sa MgaEpal.com sa FB at nagbabasa ng mga posts sa website nila. Ang lakas lang talaga ng hatak nila Boss Chip, Manong Guard, Kulturantado at Bunso. Isa lang ang word na gusto kong ipang-describe sa kanilang apat: sensible.

Fan ako ng website na ito, bumili nga ako ng t-shirt eh na binibenta nila noon eh, suot ko pa kanina papunta sa work. Minsan na rin akong na-feature sa website na ito kasabay ng "Plema Ni Jepoy" kaya very proud ako.

Today I got the news na na-hack ang website nila and nabura lahat ng posts, which they are now trying to reload. Pero mas importante dun, nawala rin ang FB page nila kaya kinailangan nilang gumawa ng panibago.

At bilang dakilang gusto kong tumulong sa kanila sa pamamagitan ng pagpopost dito ng link sa bago nilang FB page:






So kung fan na kayo noon pa ng MgaEpal.com at hindi naman kayo busy, paki-Like sila uli sa FB. Kung ngayon nyo pa lang nabalitaan ang MgaEpal.com, hintayin lang natin at magpopost sila uli. Then i-Like nyo na sa FB lol.

Thanks MgaEpal hope this helps.

the worst birthday party ever

May napuntahan ka na bang birthday party na nagsisi ka na umattend ka pa? Ako marami na. Noong bata ako, napaka-mahiyain ko kaya kapag may nag-invite sa akin na pumunta ng birthday party eh kung ano-ano ang alibi ko, unless ni-require ako ni Doris na pumunta. At madalas rin akong eat and run, lalo kung kagalit ko yung kaklase kong magbibirthday.

Ang madalas kong iregalo noon ay Choco Mallows. Naalala ko nga nung nag-birthday yung kapitbahay namin na si Anabelle, yung niregalo kong mallows sa kanya eh ako rin ang kumain. Hindi ko sinasabi na masama ang lasa ng handa nyang pagkain. Ang sinasabi ko lang, mas preferred ko kainin yung dapat na regalo ko.

May isa akong kaklase noong elementary, itago natin sa pangalang "Ed". Malayo pa ang birthday nya, nagyayaya na sya. Huwag na huwag raw naming kalimutan. At magdala raw kami ng gift! Hindi naman kami close, bakit ko sya reregaluhan? Kaya bumili ako ng posporo at ibinalot ko ng Christmas wrapper.

Pagdating ko sa bahay nila Ed, ako lang at isa pang kaklase kong babae ang bisita nya. Nagtataka ako bakit tatatlo lang kami sa bahay nila, pati mga magulang ni Ed eh wala.

"Sandali lang ha dito muna kayo, aayusin ko lang yung handa" sabi ni Ed sabay iniwan nya kami sa bahay nila. Kami namang walang muwang, naghintay.

Pabalik-balik lang si Ed, pero wala kaming nakikitang handaan. Sabi lang nya hintayin daw namin tapos mawawala sya uli tapos babalik uli.

Nung napansin nyang nainip na kami, sabi nya "Sige na nga sumama na lang kayo" at naglakad na sya papunta sa kabilang kanto at nakasunod naman kami sa kanya. Pagdating sa kanto pinapasok nya kami sa isang bahay, maraming tao na hindi naman namin kilala. Nandun pala ang handaan.

Pero hindi si Ed ang may birthday party kundi pinsan nya. Magkasabay sila ng kaarawan.

In short, walang sariling handa si Ed sa sarili nyang birthday at balak nyang kumuha ng pagkain sa birthday ng pinsan nya at yun ang ipakain sa amin. Hindi siguro sya makadiskarte kaya dinala nya na kami sa mismong handaan ng pinsan nya, kung saan walang pumapansin sa amin.

Naawa ako sa sarili ko nun kasi hindi naman ako gutom pero nagmukha akong nag-aabang ng matitirang pagkain. Pero mas naawa ako kay Ed. Hindi ako nakikain, nagpaalam na lang ako at umuwi. Syempre hindi ko na ibinigay yung regalo kong posporo, pero on my way home nadaanan ko uli ang bahay ni Ed at na-tempt akong sindihan ang posporo at ihagis sa bahay nila.

May kaibigan ako noong college, si Kuya Ariel. May hiwa sya sa pisngi, nasaksak kasi sya. Marami akong natutunan sa kanya gaya ng kung paano manlaglag, kung paano mang-asar ng pikon at higit sa lahat kung paano manlait.

Ang madalas nyang linya kapag may nakita syang babaeng hindi naman kagandahan pero nag-effort sa make-up: "Alam mo, ang ganda mo, ikaw ang pinakamaganda dito. Kapag may nasalubong akong mas maganda pa sa iyo, sasampalin ko sya."

Kapag may barkada kaming nababagot at nagsabi ng "Kakaboring walang magawa!" sasagot agad si Kuya Ariel ng: "Magtikol ka tapos inumin mo yung tamod mo. Tapos ikwento mo sa amin kung ano ang lasa."

Kapag more than two persons na ang nagsabi ng "Walang magawa, kakabagot!" sasabihan nya ng "Mag-orgy kayo."

Sya ang pasimuno ng karamihan ng mga krimen na kinasangkutan ko.

One time nag-birthday si Kuya Ariel at imbes na mag-inuman at magparty-party sa apartment nya like normal persons, naisip nyang mas masaya kung mag-iinuman sa labas. Akala ko naman ang idea nya ng "inuman sa labas" ay bar o kaya kahit pipichuging beerhouse. Mali.

Labas as in literal na labas, sa kalye. Hinakot nya lahat ng mga kaibigan namin (konti lang ang nagsidating dahil maraming may galit sa kanya). Tapos yung mga dumadaan na hindi namin kilala, hinaharang nya para isali sa inuman.

So nakasalampak na kami sa sidewalk at napagsama-sama na ang mga Emperador, mga chasers, plastic cups at mga chips. Sa mga nagsidalo sa kanyang kaibigan, malaking porsyento dun ang hindi namin kilala, pero so far enjoy enjoy pa naman. May isang napadaang obese guy na hinila ni Kuya Ariel para makitagay. Awang-awa lang ako dun sa guy kasi kitang-kita sa mukha nya ang takot kay Kuya Ariel. Ikaw ba naman ang hilain ng lalaking may saksak sa mukha.

Pansin ko rin na yung guy eh hindi palainom. Akala ko pa naman eh natural sa mga obese ang malakas uminom dahil mataas daw ang water content ng katawan nila kaya hindi sila agad natatamaan. Yung obese na kainuman namin eh namula agad at mukhang pinagdudusahan talaga nya na napadaan sya sa kalye na yun.

So far enjoy enjoy pa naman kasmi kahit alam naming ilegal ang mag-inuman sa public. Confident pa si Kuya Ariel na kapag may nanita raw sa amin eh hahambalusin nya ng bote ng Empi. More more fun lang kami nun nang biglang may narinig kaming sirena ng pulis.

Natry mo na bang mahabol ng pulis? Pukinijamby! Hindi sya fun! Nakaka-stress! Kanya-kanya kaming hablot ng lahat ng pwede naming isalba. Ang nahablot ko yung plastic cups. Ang nahagip ng kamay ni Kuya Ariel eh yung bote ng Sprite, wala pa yung takip. Takbo kami agad, yung iba naming kainuman nag-spread out na rin at kanya-kanyang takbo na sa iba-ibang direksyon.

Pramis, sa gitna ng kaguluhan na ito nakuha ko pa rin matawa. Habang tumatakbo kami ni Kuya Ariel, napalingon ako, kitang-kita ko yung obese guy, halos hindi na makatakbo sa pagka-tipsy, at dun pa sya pumasok sa kalye na kayang-kaya syang sundan ng police car. Kitang-kita ko yung mukha nya habang tumatakbo sya, there's only one word written on it: "Putanginaaaaaaaaaaaaaaa!"

Hindi ko na alam kung nagkahulihan ba. Paghinto namin ni Kuya Ariel sa pagtakbo, nagpahinga lang kami saglit. Tapos bumalik kami sa spot namin. Wala na yung mga Empi, naconfiscate. So bumili uli si Kuya Ariel at itinuloy namin ang inuman na parang walang nangyari. Nagsibalikan rin ang iba pa naming friends, pero hindi na nakabalik yung obese guy. At never na namin sya nakita ulit.

Kthnkbye mwahchupa.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding