Okay Kids it's time for a serious post. Hindi ko nabanggit pero ang Lola ko ay namatay last August. I can talk about it now coz I'm past all the grieving and sadness although minsan namimiss ko sya pag naaalala ko sya. She was 89 nung kinuha sya ni Lord dahil na rin sa katandaan. Sabi ng mga Tita ko during her last few days parang alam nya na maeexpire na ang visa nya dito sa mundo kaya nakapagpaalam pa sya at nakapaghabilin which is "Huwag kayong mag-aaway-away."
Ang tagal ko nang hindi umuuwi sa aking hometown dahil sa hindi ko talaga gusto tumambay dun. Pero nung namatay sya, umuwi talaga ako agad. Yun na lang ang huling magagawa ko para sa kanya eh, ang um-attend ng premiere night, coronation night at grand parade ni Lola.
So pag-uwi ko sa aming bahay, yung dati naming bahay na ang nakatira lang eh ako at ang Tatay ko, ngayon eh converted na to a house full of little kids: mga pinsan ko at mga pamangkin. Nung pagbukas ko nga ng pinto eh sampung bata ang nadatnan ko, sabi ko "Tangina akala ko lamay, bakit children's party?"
So pagdating dun eh dumiretso ako agad sa kabilang bahay para makita si Lola na kasalukuyang naka-exhibit. Isa ito sa mga pinaka-critical moments, ang makita ang mukha ng namatay for the first time. Minsan eh hindi talaga maganda ang pagka-make up sa mga deads. Mahirap siguro make-upan talaga kapag rigor mortis na. Minsan dahil sa ayos ng mukha nila, nasisira yung solemnity ng event dahil kailangan mong magpigil ng tawa.
At nung una kong pagtingin sa Lola ko naisip ko Shit sinong may kagagawan nito? Bakit nyo sya ginawang clown??? Mga hayop magbabayad kayo! As in nagulat talaga ako like Lola bakit ka naka-lipstick na Hot Pink???
Pero katabi ko yung isa kong Tita nun kaya sabi ko na lang "Mmm okay". Keysa naman maglupasay ako dun at gumulong sa ilalim ng kabaong. Pinunas ko na lang ang namumuong luha sa aking kaliwang mata, tapos after 15 seconds yung luha naman sa kanang mata. Sabay reminisce ng aming mga happy times.
Alam nyo kung ano ang pinakapaboritong linya ng mga Lola? "Kumain ka na?" It's not even a question, it's a command. Ganyan ang Lola ko. Noong college kasi, ayoko nang umuwi sa bahay kaya kapag sem break, sa bahay nya ako umuuwi at dun ako natutulog sa kama nya. Sya naman, sa sofa sya natutulog pag nandun ako. Ganun sya kabait sa akin.
So matapos i-check si Lola hinarap ko ang mga pinsan kong kasalukyang nagtitipon sa kusina para magluto ng handa. As in HANDA. Akala mo piyesta. May menudo, adobo, calderetang baka, pinapaitan and other dishes. Syempre hindi mawawala ang mga biskwit at kape. Meron pa ngang isang buong box ng biscuits, may tatak pa na "Condolences from Mayor."
Lahat ng nakasalubong ko iisa lang ang sinasabi. Hindi ko na sasabihin kung ano exactly pero it has something to do with my weight. Mga hayop.
Yung isang pinsan kong menor de edad, ganito ang kwento: "Alam mo Kuya Glenn, si Kuya at yung asawa nya may scandal! Kitang-kita pinapasok! Di ba Ate may scandal kayo?"
Yung babae naman tumango sabay ngiti at sabing "Oo may scandal kami, hehehe."
Tangina proud??? Ayokong makita!
Nung tinablan na ako ng antok lumipat na ako sa bahay ng Lola ko at natulog sa kama nya like in the old times. Kahit galing ako sa byahe, more than 12 hours na akong gising at pagod na pagod, tangina hindi ako makatulog! I tossed and turned at madaling araw na ako nakatulog.
Kinaumagahan I was greeted by my Pudrax with this line: "Diyan ka natulog? Diyan sya namatay eh."
Putangina! Bangon ako agad.
Come Sunday morning, ang araw ng grand parade. Mula sa bahay inilabas ang kabaong at isinakay sa float. Tapos kaming mga family members naman eh nakasunod. May color scheme ang mga damit. Kapag mga anak ng Lola ko, naka-black. Kapag mga apo nya, naka-white. Ako? Naka-checkered blue at shorts! I was not informed!
So yun may walkathon mula sa bahay hanggang sa simbahan. Nung una eh kokonti pa lang kami, mga family members lang talaga. Habang naglalakad kami at nadadaanan ang mga bahay ng mga kamag-anak, kaibigan at kababata ng Lola ko, nadadagdagan kami. Hanggang sa dumami kami at nagkaroon ng stampede JOKE. Na-amaze ako kasi ang dami rin palang nagmamahal sa Lola ko na hindi ko kilala.
Pagdating sa simbahan may tatlong floats na naghihintay sa entrance. Ano to??? MMFF? Dami pala ka-batch ni Lola. Pagpasok namin sa loob nag-misa na si Father at binasbasan ang mga labi. Isa-isa kaming nag-wisik ng Holy Water habang ang mga mata ng mga tao dun eh nagwawater-water. Di ako umiyak no!
Someone suggested na magpicture-picture. Kung ako masusunod, ayoko sana kasi di ba? Pano kung dumungaw bigla si Lola sa kanyang kabaong at mag-Japan Japan? Pero yung mga pinsan ko kasi, pag nakarinig ng picture, kahit luhaan, biglang magpopose.
So nakalinya kaming lahat tapos nasa gitna si Lola syempre sya ang star ng event na yun. Hindi ko alam kung anong facial expression ang gagawin ko. Naka-smile? Magmumukha akong masaya sa mga pangyayari. Nakasimangot? Magmumukha akong napilitang umattend ng libing. So I settled for po-po-po-po-po-poker face.
Matapos ang photoshoot, nilabas na namin si Lola para sa kanyang final destination. Lakad na naman kami. Biglang umambon. Una pa-sweet lang tapos pa-harsh nang pa-harsh. Ang mga pamangkin kong high school bagets, aba kanya-kanyang payong sa mga boyfriend nila. Palibhasa hindi sila pinapayagang makipagdate o magpaligaw, ginawan na lang nila ng paraan kung paano sila magdedate: sa kalagitnaan ng libing. Way ways...
Pagdating sa sementeryo haggard na si Lola. Sino bang hindi ma-iistress kung inulan yung big day mo. Tingin ko eh gusto na talaga humimlay ni Lola. Eh yung sementeryo pa naman, mala-maze. Hindi talaga na-organize maigi ang mga libingan. Akala ko nga habang naglalakad ako eh nasa sidewalk ako, shet mga nitso pala. Napansin ko na ang location ng libingan ni Lola ay malayo sa kung saan nakalibing ang Lolo ko. Wala na kasing space dun, samantalang dito kay Lola, malawak pa pwede mag-skating.
So nandun na kami sa may puntod right? May hukay na rectangle tapos may naka-ready na semento sa gilid.
Yung isang Uncle ko may bright idea: magpapalipad sya ng white balloons! Ewan ko kung anong gusto nyang i-signify pero isang bagay ang natutunan naming lahat: hindi lilipad ang balloons patungo sa langit kung umuulan. BWAHAHA. Nakailang hagis si Uncle sa mga lobo, aangat lang sila ng ten feet tapos biglang mahuhulog pababa in the most disappointing and mapang-asar way. Yung ibang balloons nashoot sa hukay, yung iba nilipad ng hangin papunta sa ibang nitso LOL. I hope this made Lola smile.
So dahan-dahan nang ibinaba si Lola. Yung mga Tita ko, kung kanina sa Church eh luha lang, ngayon may hagulhol na. Ang Tatay ko hindi pa rin umiiyak. At this point gusto ko nang umuwi so ipinagdarasal ko talaga na maging successful ang libing para makabalik na kami sa bahay for the reception.
Habang naghahagis kami ng roses sa kabaong habang ibinababa ito sa hukay, bumulong sa akin ang Tatay ko:
"Nakikita mo yang sakong yan?"
Saka ko lang napansin yung sako na nandun sa may corner ng hukay. Sako as in SAKO it's not a metaphor or simile or exaggeration, sako talaga as in SACK. Nandun sa tabi ng kabaong. Una kong naisip, bigas. Pabaon kay Lola? Rice subsidy?
Medyo hindi ko maaninag pero alam kong may laman talaga yung sako na something heavy.
"Anong laman nyang sako?"
"Lolo mo."
Did this post offend you? Sad event tapos pinagpyestahan ko sa blog? It's up to you. Malamang si Lola hindi naman na-offend. Ito lang ang nakayanan kong tribute sa kanya eh. Mas nakaka-offend di hamak yung nag-make up sa kanya.
CLARIFICATION (naks!) Kaya po nasa sako si Lolo dahil in-exhume yung kalansay nya mula sa dati nyang puntod para mareunite sila ni Lola sa bagong location.