one fucked up day

Paniniwala ko noon pa man na kapag pangit ang simula ng araw ko, magiging pangit ang buong araw. Walang mintis, it always happens to me. Hindi ko alam kung malas talaga ang araw, or dahil sa kakaisip ko na mamalasin ako kaya ako minamalas. It's like I caused my own misfortunes to occur tsarot.

One Sunday last December, hindi maganda ang gising ko. Pagod na pagod lang ako the night before, at ang ikli lang ng tulog ko, pero kailangan kong bumangon ng 6AM para pumunta sa dance rehearsal. Yup, sayaw. Christmas party kasi namin itong araw na ito at kailangan namin mag-practice for the last time bago sumabak sa hatawan. Hatawan talaga? Shet.

On my way to the venue, nagtaxi ako at na-damage ng malaki-laki dahil malayo ang bahay namin. Ang tugtog sa radio na "Hey, hey, hey, it's a beautiful day" at parang gusto kong hanapin yung singer at sampalin. Napakapanget ng umagang iyon. Maulan, makulimlim, sarap lang matulog.

Pagdating sa venue ng Christmas party, kahit antok na antok ako eh pinilit kong magpractice. May parte pa naman ng sayaw na hihiga kami bigla sa sahig at tatayo rin bigla. Ang effort masyado, sumakit ang liver, kidneys at vas deferens ko.

Pagdating ng tanghali may isa na naman akong fuck-up pero ayoko nang ikwento dahil masyadong personal, basta it's about the word "Blumentritt" na simula ngayon eh hindi ko na makakalimutan.

Pagdating ng alas sais ng hapon, hindi pa rin tapos ang kamalasan ko. I lost track of time at nalate ako sa pagpunta sa Christmas party, kinailangan kong magmadali para lang hindi malate nang sobra. Naligo ako pero hindi na ako nakapag-shampoo ng buhok. Tuloy hindi sya manageable. Magagalit si Yuko Yamashita.

Dumating ang oras na kinatatakutan ko. Sasayaw na kami. Huwag na kayong manghingi ng video dahil hindi ko iuupload dito. Nakakahiya. Basta ang fuck up ko dun eh may parte na sandali kaming eexit sa stage habang sumasayaw ang ibang mga kasama namin, tapos may part na babalik kami uli sa stage.

Tangina sa bilis ng mga pangyayari, pagka-exit ko, nalimutan kong bumalik. Nasa gilid lang ako ng stage, pinapanood ang mga kasama ko habang sumasayaw sila, nang marealize ko, by partner pala ang parte na iyon ng sayaw at kawawa naman ang partner ko na nasa stage kung hindi ako aakyat, so kahit hiyang-hiya ako eh sumingit ako. Halatang-halata na nagkamali lang ako kasi awkward yung pagpasok ko. Nilunok ko na lang ang lahat ng kahihiyan at nagdasal na sana sa Christmas Party next year masagsaan ako ng kariton or magtae ng jolens or something para hindi na ako makapunta.

Naisip ko, shet matatalo kami sa dance contest and it's all my fault. Isa sa mga ka-fuckupan ng araw na ito. Pero looking at the bright side, kapag natalo kami this year malamang hindi na kami sasali next year, yes! Hindi na kailangang sumayaw uli...

Pagtapos na pagtapos namin sumayaw, nagbihis ako at umuwi, hindi ko na tinapos ang party. Suot-suot ang aking tuxedo with white bowtie, sumakay ako ng MRT LOL.

Alam mo yung sa mga pelikula kung saan laging minamalas ang bida, ano yung laging eksena? Uulan, at wala syang payong. Tangina, nangyari rin yan sa akin on my way home. Ang cliche pero umulan talaga. The best na talaga yun. No doubt, this is a bad day.

Pagdating sa bahay I was finally starting to settle back to my comfort zone. Lagpas midnight na so malamang tapos na ang kamalasan. I was getting ready for bed. Kailangan mag-take ng vitamins.

Alam mo yung malaking water jug na nabibili sa water refilling station, yung square na kulay blue, yung may built in faucet sa ilalim? Ganun ang binibili ko, nakapatong sa counter sa tabi ng sink. Bagong refill yun, inalis ko pa nga yung seal. Kumuha ako ng tubig para makainom ng vitamins. Magrerelax na ako nang biglang may malakas na BLAG! na parang may sumabog, followed by SPLASH...

Nahulog sa sahig yung jug at nagkalat ang tubig. Sa lakas ng impact, pati yung kisame nabasa. Matapos ang lahat ng kapaguran ko sa araw na ito, magpupunas pa ako ng sahig. Tanginaaaaaa.

Pero hindi pa the best yan. Nung nahulog yung jug, sakto sya sa tabi ng pinto palabas ng unit. So yung sumabog na tubig, umagos rin palabas. Nasa fourth floor ako nakatira at ang pinto ko eh malapit lang sa hagdan, so yung umagos na tubig palabas ng pinto eh umagos rin pababa sa hagdan.

All the way to the ground floor...

Parang waterfalls. Nung narinig kong isa-isang nagbubukasan ng pinto ang mga kapitbahay, na malamang eh nagtataka kung bakit umuulan sa hagdan, pumasok ako agad ng unit at naglampaso ng sahig.

Hindi kaya ng basahan ang kumalat na tubig kaya gumamit ako ng dustpan. Habang ginagawa ito, napaisip na lang ako. Ganito siguro ang pakiramdam ng na-Ondoy.

Tapos na ba ang kamalasan? Hindi pa rin. Nakatanggap ako ng text message sa aking officemate. Nanalo daw ang dance number namin. It means sasayaw kami uli next year.

64 comments. Post your comment here.:

khantotantra said...

naniniwala din ako sa ganyan, kaya effort ako na makontra ang kamalasan. (kahit di ko alam pano gagawin)

Aw, ang finale ng kamalasan mo ay ang tubig sa jug.

Yung pagkakapanalo nio, blessing na yun, umayaw ka na lang sa pagsali next year. pede naman replacement dancer diba?

apollo said...

swerte pa rin yung pagkapanalo nyo. hehe!

L said...

at least, nanalo pa rin kahit sumemplang ka sa damubs mo.

iniimagine ko 'yung pagbagsak nung galon mo (ganun din kasi gamit ko sa apartment) tas 'yung pagbuhos niya mula 4th hanggang ground floor. parang mamamatay ako sa hiya pag nangyari sakin 'yun. mabuti't hindi sila umakyat para magreklamo sa instant waterfalls. o nagreklamo sila sa'yo?

sana maikwento 'yung alamat ng blumentritt. :p

joeyvelunta said...

hahahaha walang katapusan. At may naghihintay pa pagdating ng December ngayon taon.

Jaderated said...

ay badtrip nga yan, pero ganun talaga. we all have our own bad days. pag ganyan nangyayari sa kin, nang aapi ako ng kapwa. yung walang kamalay malay. somehow i feel relieved. LOLSZ

mike said...

after all of this, i am definitely interested to find out about "Blumentritt"......please!!!!!!!!

McRICH said...

sa palagay ko magaling talagang sumayaw ang grupo mo, kasi 2 christmases na ata kayong sumayaw (hope wala pa kong memory gap). yung sa blumentrit, parang kwentong ebs ba to kaya medyo personal?

Artiemous said...

nangyayari talaga yung ganyan, pero sabi nung kapitbahay namin me kontra daw sa ganyang kamalasan eh, maghanap ka daw ng gagambang 3 ang mata tas alagaan mo mabuti at pakainin ng itlog ng mangkukulam. hindi na daw magiging malas ang araw mo kahit kailan.

wv: copine

k0tz said...

congrats at least nanalo kayo!!! ganun talaga.. shit happens. =)

Akoni said...

Bwehehehehe...ang saya-saya!!!

cherie ann said...

hehehe your life!!! but at the end its exciting and fun though kasi sasayaw ka uli!goodluck sa mga signs...
pero ceguro hindi ka comfortable sa ginagawa mo that day kaya nagkamalas-malas ^^ kawawa ang jug...map sana ginamit mo para madali...

Anonymous said...

Anyare sa Blumentritt? Hahaha. Cheer up, Glentot! Nangangantot talaga ang buhay minsan! :D

aleihs shiela said...

hahahhahahahahahahaahha

Kol Me Empi said...

at least nanalo! hehe... pero ayusin mo na lang next year para walang awkward moments sa stage. :D

chingoy, the great chef wannabe said...

aysows! if i know, tuwang tuwa ka habang sumasayaw ka, kasi ikaw ang star dancer! woohoo!

KUMAGCOW said...

You're the best Glenn glenn! Looking forward to see your dance on full HD next year! Upload na yang punyetang yan!!!

Will said...

Naks, congrats! Dahil yata sa iyo kaya nanalo ang dance number mo. LOL

At wag mong alalahanin yung tubig, nangyari na rin sakin yan. Ayaw sumara ng faucet sa ibaba kaya patuloy yung agos. Lintik na water station yan o.

p0ks said...

Di ka umiyak??? kung ako nyan maiiyak na talaga ako..yung kahit ayaw mong umiyak eh unti unti lang babagsak ang luha..ang arte lang ng drama,hihihihi

Jepoy said...

Puki mu! sana inagos ka narin ng tubig hanggang ground floor ng hagdaan dahil sa hindi mo pag sipot nung umuwi ako.

I'm so hurt.

Tsarlotz!

YOW said...

Ang swerte mo kaya, sana tumaya ka sa lotto nung araw na yun. Hahaha. Na-advanced Friday the 13th ka Idol. Pinauna ka na, alam mo na, special! Haha.

Congratulations! Ikaw na ang dancer! I knew it! Navibes ko na nung una pang ikaw ang papalit kay Spencer sa Streetboys.

mommy-razz said...

haha! natawa ako! malas pala nanalo ka s dance na yon, Oo nga naman mapapagod ka ulit..hahaha

Leomer Apolonio said...

Buong araw mo siguro inisip na "bad day" yun kaya the universe conspired to give you what you always thought. Hahaha. Shet. "The Secret" ito.

Ok lang yan glentot. Mas marami ka naman sigurong happy days. :)

Cheers!

Rah said...

malas man ang araw, lucky charm ka naman.

Little Miss Pataki said...

Wait, di ako maka get over sa dance rehearsal. Ahihihihihihi.

Sa tinitirhan ko, nasa second floor kase ako. Tapos sa baba ng kwarto ko lutuan. Pag naglalagay ako ng tubig sa baso, minsan umaapaw. tanga much. Naimagine ko yung landlady ko nung naisip ko yung mga ka apartment mo nakakita ng stairs na nag wawater. Haha. Wululungs.

Wait hindi talaga ako maka get over sa pagsayaw sa stage. Haha.

taribong said...

Wala bang encore dance performance diyan? Haha painom ka na... katulad ng pagbuhos ng instant waterfalls... Happy new year, Glenn!

♥superjaid♥ said...

aww fuck up talaga. dont know what to say. kwento mo na lang yung bluementritt moment kuya =D

Nate said...

IKAW NA!! grabe naman, but atleast isang bagsakan na sila in a day, diba? Kesa nmn umabot pa ng the day after.. :P

gillboard said...

pansin ko rin yun. pag di maganda ang araw mo, kelangan mabasa ka sa ulan.

dalawang beses na nangyari sakin yan.

congrats pala sa pagkapanalo niyo. kahit mabigat sa loob mo. LOL

bHeniPotpOt said...

sana makita na namin kuya ung may higa at bangon effect. pang aero lang jk. :))
nag aabang para sa next dance number niyo,
bheni :))

Boyong Aldana said...

sir, paentrada lang, hanep mga blogs mo..! hehehe saka lupit mo sa web design! astig! more powers!

ELAY said...

hahaha okay lang yan, may mga ganun talagang araw pero at least diba at the end of the day maganda yung balita, nanalo kayo! congrats. :D

LJ said...

susme... kung ganito naman ang nangyari sa kin, baka bilhin ko na ang buong binondo para kahit papaano swertehen man lang.

Anyways, good job for winning. next year ulet, sana may video na. hahaha.

quin said...

hahaha all the way kamalasan mo!! law of attraction ata yan talaga minsan, na-iprove mo ngayon sa akin na it really happened. lels! keri nalang charge mo sa experience haha

silentassasin said...

hahaha vas deferens talaga!!
anong tugtug ba sinayaw nyo at kailangan humiga at bumangon??

citybuoy said...

Aww you poor thing! Hug kita when I see you. lolz

Goyo said...

Ang totoo, 'yung awkward entrance mo ang nagpapanalo dun. Akala siguro ng mga hurado, yun yung main act sa number nyo. LOL

natawa ako kay yuko yamashitae ganda lalaki. tang ina. haha! baka sa blumentrit, nakita mo ang ex mo?

Kukumpletuhin at hahabaan ko na ng husto ang comment, last year, nag-iinom kami sa malabon. may jug din na blue. pero nakapatong ng maayos. as in, imposibleng malaglag talaga. hanggang sa parang nagbago ang ihip ng hangin, bumagsak, wasak yung jug, baha, at lahat kami natulala. parang minulto e.

may award ba kapag mahaba ang comment? sana.

Boris said...

ewww panget naman ng tugtog sa taxi =))

Musta vas deferens dude? XD

Buti at bumalik ka kasi group dance yun eh. And wow astig yung nakatuxedo with white bow tie! astig yun! :D

Katuwa experience mo sa water jug XD

tabian said...

napagkakamalan na naman akong baliw sa kakatawa dito sa office...lol

well sabi nga nila when it rains, it pours...hard! pero sayo parang literally umulan sa loob..

we do have our bad days, pero sayo jampacked day yown..natatawa talaga akong naiimagine na sumayaw ka!XD

Hoobert the Awesome said...

Laughtrip dude! Sorry pero nakakatawa talaga 'to. Whatta fucked up day! Lahat yata ng kamalasan nung day na yun, nasalo mo. Pero at least, the good thing is: may nai-blog ka. Kasi kung hindi nangyari yun sayo, malamang ordinary day lang yun.

Nakakainis yung ganun 'no? Yung antok na antok ka na tapos may gagawin ka pa.

Anyway, sa tingin ko ikaw nagpanalo sa grupo. Hehe. I got curious talaga dun sa Blumentritt. Hmm. At talagang sumegwey si Yoko Yamashita?

the green breaker said...

I can relate, man. Haha. And the encore is the most malas of them all. Bwahahaha *evil laugh*

Marjorie Gavan said...

sabi nga nila when it rains it pours, pero tama yun, sabi nga nila pag nasimulan na pangit ang araw dire-diretso na yun hanggang gabi. sabi nga sa the secret, hehe...

cArLo said...

gusto ko yung waterfall effect! alam mo ba kung bakit nagkaganyan? ginalit mo daw kasi si yuko yamashita.
di bale, year of the water dragon naman ngayon, so isipin mo nalang nagbiyaya ka ng grasya at luck sa mga nakatira sa ibaba mo! haha
good luck sa sayaw n'yo next year! hopefully by that time may dance remix na si mystica :D

KikomaxXx said...

hahaha akala ko pa naman.. yun na yung swerte yung manalo.. di pala.. hahhaa

Icko said...

Hahaha. The best ang mga banat mo. Fave ko talaga 'tong blog na 'to. Pino-promote ko pa sa mga friends ko. :D

Belle said...

Naisip ko lang, what if may kapitbahay ka din na badtrip din ang buong araw niya tapos ang finale ng kamalasan niya for that day e nadulas siya sa hagdan dahil sa tubig na umagos galing sa unit mo? Minumura ka na siguro nun hanggang sa pagtulog niya.

Hahaha!

Anonymous said...

siguro kaya sinwerteng manalo yung grupo nyo kc umalis yung malas :p

-donato

TRAVELIZTERA said...

Alam mo pwede na tong short film hahahaha ikaw na si series of misfortunate events...

Nakaisip na rin ako ng mga background songs na gagamitin sa mga scenes mo nyahehehehehe...

Dun sa part na naglalakad ka na pauwi na umuulan, ULAN ng cueshe, tapos ung natapon ung tubig mo, Sinaktan Mo Ang Puso KO ni michael v... may part dun na parang nilampaso and stuff at un naisip ko nung nag-aayos ka ng sahig mo nyahahaha

GRABEEE NATUWA AKO SA ENDING! Uuwi ako nang bonggang bongga para mapanood ka! muhahahaha

Anonymous said...

BUTI NGA! hindi mo kasi ako sinabay sa taxi pauwi at papunta. karma yan! Hahaha

Anonymous said...

Lapitin ka talaga ng kamalasan e no...Magsimba ka naman kasi idol kahit minsan.hahahahaha!!!!!


UNGAZ

caloy said...

karma yan sa kasamaan ng ugali mo. tsarlot. hahaha

steven dela cruz said...

haha, naniniwala nga ako sa isang malas na araw kasi yun yng tipong lahat ng mga kelangan mu pagpasok sa school ay naiwan mung halos sa bahay tapos huling araw ng pasahan late ka, naiwan mu wallet mu, pati payo. Lahat. so ang mood affected tapos feeling mu pa ang pangit pangit mu dahil huggard ka na.

pero a round of applause sayo, ikaw na ang panalo, the most unlucky person of the year ka glen! :) Should i say congratulations?

Klet Makulet said...

how's you vas deferens? hehehe well sinuswerte ka rin naman..nanalo kayo..malas lang sasayaw ka ulit weheheheh

timangkey said...

that sure is one effed up day men... but it did make a great story post...

kotsengkuba said...

before i read this entry at mag-back-read, meron edsa writing contest dun sa blog ni JZ. isali mo yung nova bus. ikaw kase una kong naisip nung nabasa ko yung bagong litwit challenge.

glentot said...

khantotantra iresearch natin kung paano makokontra ang kamalasan LOL

apollo oo may victory celebration eh haha

L parang sinabi mo na ring walanghiya ako kasi hindi ako namatay sa hiya LOL joke lang

joeyvelunta ay naku di na talaga ako sasali sa sayaw

Jaderated haha tara mang-api tayo ng kapwa!

mike ah no it's too private ahaha

McRICH haha hindi kwentong ebs... at 3 years na kaming sumayaw LOL

Aritemous hahaha godluck na lang sa paghahanap ng gagambang yan!

k0tz haha parang hindi congrats ang tamang word!

Akoni fakyu ka LOL

cherie ann ay hindi na ako sasali sa next na sayaw

Anonymous hahahaha natuwa ako sa comment mo!

aleish shiela hehe

Kol Me Empi hindi na ako sasali swear!

chingoy haha star dancer talaga? center of attention? LOL

KUMAGCOW haha full HD lang? 3D ayaw mo?

Will haha ang hassle mabaha kahit hindi naman Ondoy no?

p0ks umiyak ako napasandal ako sa pinto at dahan-dahang napaupo LOL

Jepoy hahaha kasipot-sipot ba naman ang pagiinvite mo ng weekday! sinadya mo para di mo ko bigyan ng chocolate!

YOW putah ka! si spencer talaga? LOL at least hindi sex bomb ang sayaw ko LOL

mommy-razz oo sobrang pressure yun

Leomer kapag inisip ko naman na "happy day" nagiging bad day pa rin!

Rah ako ata ang may balat sa wetpaks

Little Miss Pataki baka pag napanood mo ang video eh hindi ka na makagetover buti hindi ko pinost LOL

taribong ay wala nang encore ibinaon ko na sa limot ang steps

superjaid ay ibinaon ko na rin sa limot yung blumentritt thing

Nate tama ka! at least hindi n nasundan haha

gillboard cue talaga ang rain kapag feel na feel mo ang kamalasan

bhenipotpot haha aero na hindi magandang tignan!

Boyong Aldana salamat sa pag-appreciate! ikaw lang nakapansin nyan eh haha

ELAY hindi ko naman maconsider na magandang balita eh hahaha

LJ oo nga no maraming pampaswerte sa binondo

quin oo nga charge nang charge sa linyak na experience

silentassassin naku mashup ng tatlong kanta na may pagkatechno!

citybuoy hahaha you!!!!!!

Goyo haha ikaw nga ang pinakamahang comment nahihiya na tuloy ako sa mga one liner na iniiwan ko sa blog mo!

Boris actually nakatux pa rin ako nung naglalampaso ng sahig para astig pa rin LOL

tabian hindi ka napagkakamalang baliw. naconfirm nila na baliw ka nga! LOL

Hoobert tawanan daw ang kamalasan ko huhuhhu JOKE oo kailangan mamention si Yuko Yamashita

the green breaker saan ka nakarelate banda hehe minalas ka rin ba nang severe?

Marjorie Gavan next time na ganun itutulog ko na lang!

cArLo kung nandun ka lang sana sa hagdan nakahiga habang nagfoflow ang tubig all over you... talo mo na ang music vid ni Aleck Bovick!

Kikomaxxx oo di ko sya maconsider na swerte hahaha

Icko salamat sa pagpopromote natutuwa ba naman sila? LOL thank you

Belle haha in fairness hindi ko naisip yan! oo nga no ang galing! meron at meron pa ring mas malas sa akin! haha

Donato buhay ka pa pala!!!!

TRAVELIZTERA ang weird kasi kakapanood ko lang uli ng A Series of Unfortunate Events! hahaha

Anonymous tse! magMRT ka yung lumiliyab!

UNGAZ ang ganda mo talaga!

caloy Ako? masama ang ugali? humanda ka sa next post LOL

steven dela cruz sana naman maipasa ko ang title for 2012! sa iyo gusto mo? LOL haha

Klet Makulet yun nga ang dahilan bakit hindi ako matuwa sa pagkapanalo LOL

timangkey that's the only silver lining haha!

kotsengkuba naka-subaybay ka rin pala dun! oo nga eh nakita ko kaso nahiya akong isali kasi obvious na blog post yung entry ko! hehe but thanks for remembering!!!

Thanks guys mwah mwah smoochchupa!

Diamond R said...

Ayaw mo talagang manalo sa dance number na yon dahil sa premyong sasayaw ulit. Gusto ko tuloy mapanood ang sayaw.

Ganon pa man sa natapong tubig mas masuwerte ka pa dahil sa sahig at hagdanan ito natapon hindi sa ulunan ng higaan mo kung saan natutulog ka kasi nangyari na sa akin yan isang basong tubig nga lang.

Hoobert the Awesome said...

Hoy kuya, mag-update ka naman! Hahaha. :)

Anonymous said...

pakyu ka! ikaw ang magMRT! tapos tataniman ko ng bomba para dust in the wind ka agad! Hahahha.-- Kilala mo na ko!

Anonymous said...

hoy Hoobert! my folks are from tabaco, dun sa barangay bacolod. city councilor ung pamangkin ko dyan (yabang lng. heheheh).wag ka masyadong magbabasa ng mga posts ni glenn baka masira kinabukasan mo at maging addict ka ng hindi nagdrugs. Nyahahaha

keko said...

Hayop naman kamalasan yan. pero sabi nga hindi natin maiwasan ang mga kamalasan kasi minsan sabay sabay sila haha XD

badtrip XD

cArLo said...

"cArLo kung nandun ka lang sana sa hagdan nakahiga habang nagfoflow ang tubig all over you... talo mo na ang music vid ni Aleck Bovick!"

haha korek!! :D

ThePinayWanderer said...

Hahaha, ang dami kong tawa dito, kakahiya sa kapitbahay dahil hatinggabi na pero dedma, natawa talaga ko ng sobra hahaha. Pero di po ikaw ang tinawanan ko ha, yun pagkwento mo lang. :D

Naligaw dito galing kay McRich! :)

Archieviner said...

Ang saya nito... ngaun ko lang nabasa kaya sumaya na naman ang malungkot kong araw :P Yung Blumentritt may post kanaba about dun?

GOD MARK LUTHER DIMAANO ROSAL said...


☆♥GOD MARK LUTHER DIMAANO ROSAL♥☆GOD MARK LUTHER ‏@GODMARKLUTHER1
I Love You Heart Animated :: Love :: http://MyNiceProfile.com GOD MARK LUTHER DIMAANO ROSAL PRESIDENT OF THE U.S.A. FOREVER! GUNDAM GOD MOVIE LEADING STAR!KUNG HEI FAT CHOI FEBRUARY 10,2013!HAPPY YEAR OF THE SNAKE!GOD MARK LUTHER DIMAANO ROSAL PRESIDENT OF THE U.S.A. FOREVER!HAPPY HOLIDAYS TO EVERYONE & HAVE A GREAT NEW YEAR 2013!SHARE THE LOVE & JOY TO EVERYBODY!GOD MARK LUTHER DIMAANO ROSAL MY SPACE APPLE FACEBOOK & TWITTER OWNER.I LOVE YOU ALL MY HAPPY VALENTINES DAY TO THE ENTIRE UNIVERSE! I LOVE YOU ALL! GOD MARK LUTHER DIMAANO ROSAL!♥★♥ HAPPY VALENTINES DAY TO THE ENTIRE UNIVERSE FEBRUARY 14,2012! I LOVE YOU ALL MY UNIVERSE! 1 TRILLION U.S. DOLLARS FOR God Mark Luther Dimaano Rosal.TRANSFORMERS OWNER GOD MARK LUTHER DIMAANO ROSAL PRESIDENT OF THE UNITED STATES OF AMERICA 2012 UNTIL FOREVER! GOD MARK LUTHER DIMAANO ROSAL PRESIDENT OF THE UNITED STATES OF AMERICA FOREVER!GOD MARK LUTHER DIMAANO ROSAL,WORSHIP ME GOD MARK LUTHER DIMAANO ROSAL FOREVER & NEVER TOUCH OR DELETE THIS MYSPACE OWNER PAGE!


GOD MARK LUTHER DIMAANO ROSAL NINJATRON THE MOVIE LEADING STAR!"GOD MARK LUTHER DIMAANO ROSAL TORCH & FLAG BEARER Chicago 2016 Olympics!LET THE FRIENDSHIP SHINE FOREVER!
1976 - 2012! Post GOD MARK LUTHER DIMAANO ROSAL PRESIDENT OF THE U.S.A. FOREVER! HAPPY FAMILY DAY!SPIDER MAN 4 MOVIE LEADING STAR GOD MARK LUTHER DIMAANO ROSAL IN HIS ROYAL BLUE SPIDER SUIT SONY PICTURES! 6th MEMBER OF LINKIN PARK GOD MARK LUTHER DIMAANO ROSAL DUE TO THE DEATH OF CHESTER BENNINGTON!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding