oh na na what's my name?

Hindi ko gusto ang pangalan ko. Glenn. Ang dahilan: wala akong nickname. Nung bago ako sa office namin, nagfill-up ako ng form para magkaroon ng ID, may field para sa nickname. Ang nilagay ko "Glen". Oo tinanggal ko lang yung isang N. Pinush ko talaga yun. Yung "Glentot" eh screen name ko lang yun.

Ang nanay ko ang nagpangalan sa akin. Dalaga pa lang daw sya, gusto na nyang magkaroon ng anak na Glenn ang pangalan. Meron daw kasi syang kakilalang Glenn at gustong-gusto daw nya yung tunog ng pangalan na yun. Naisip din daw nyang ipangalan ako sa Lolo ko, IƱigo, pero dahil lasenggo yun, wag na lang daw kasi baka daw gayahin ko.

Ang dapat na ipapangalan naman sa akin ng Tatay ko eh Joaquin. Kung hindi naman, eh Dennis. Kung sya ang nasunod eh di sana kahit papano may nickname ako, like Wack-Wack o kahit Dencio papayag ako, hindi yung stuck ako sa isang syllable na Glenn habambuhay. Yung isang Tita ko, binigyan ako ng nickname na Glenn-Glenn. Maipilit lang.

Pero minsan hindi rin magandang magkaroon ng nickname. Lalo kung mabaho ang nickname na ibibigay sa iyo. Yung pamangkin kong babae, ang palayaw eh Dagul. Yung isang schoolmate ko, ang pangalan eh pagkatino-tinong Tangerine, nabigyan ng palayaw na Tungaw. Yung kapitbahay namin noon eh nalimutan ko na ang tunay na pangalan pero ang nickname nya eh Kang-Kang.

At lalayo pa ba tayo, sa pangalang Krissa na naging "Khikhi"? Laswa.

Nabanggit ko na ba na ang dapat daw na ipapangalan kay Khikhi eh "Inderra Grande"? Sayang no? Pero for sure kahit ano pang ipangalan dun eh malaswa pa rin ang magiging nickname nya.

Sa Bacolod, marami kaming kamag-anak na ang palayaw eh generic. Lahat sila Inday. Parang hindi effective na magkaroon ng nickname na Inday kung tuwing tatawagin ka eh sixteen katao ang lilingon.

Ipupusta ko ang nose hair ko, lahat tayo may friend na ang palayaw eh isa sa mga ito: JR, Jay-R, Jhey-Are, o kaya Jhei-Ahr. Kung hindi naman eh Jun, Jun-Jun, Jhun-Jhun o kaya Unyor. Kapag ang pangalan nya eh pareho ng pangalan ng tatay nya, automatic yan. Junjun.

Ipupusta ko ang kaliwang eyelid ko, lahat tayo may kilalang ang pangalan eh may "Lyn" sa dulo. Ipupusta ko ang kanang eyelid ko na hindi bababa sa sampu ang kakilala nating may "Lyn" sa pangalan. Emelyn Remelyn Emmalyn Analyn.

And recently, Ernalyn.

Hindi naman natin kailangang ma-stuck sa kung anong nickname ang ibibigay sa atin ng mga family and friends. Ang tita ko, walang habas magpalit ng nickname. More more alias sya. Ang given name nya eh Sharin, at eto ang mga naging nicknames nya: Sharina, Shasha, Rina. Ang paborito ko eh yung nickname yang Tita Shawie.

Etong malupit. Nung malapit na syang mag-sixty nag-abroad sya kaya nagprocess sya ng mga requirements like birth certificate. At dun nya nalaman na ang tunay pala nyang pangalan eh hindi Sharin, kundi Maria Ciaren. After all these years...

Dahil sa pagkakadagdag ng Maria sa pangalan nya nadagdagan din ang nicknames nya. Ang latest eh Marie. Sa blog ko, she's better known as Sasha Fierce.

Sa side ng Tatay ko may Uncle ako akong pangalan eh Leovigildo. Ang nickname nya eh Bildo. I know right!!! Parang sex toy. Ang tatay nya ang pangalan eh Gaudencio. May anak si Gaudencio na isinunod ang pangalan sa kanya, kaya syempre ang palayaw ng anak nya ay... tama! Junior.

May Auntie ako ang pangalan eh "Luvizminda". Di ba yung common eh "Luzviminda"? Sa kanya eh "Luvizminda" talaga. Unique. As in LUzon VIZayas MINdanao. Kung sya ang pangalan nya eh nationwide ang scope, wait till you hear ang pangalan ng nanay nya (Lola ko), mas wider ang coverage. You're gonna shit.

"Planetas".

Yup!!! Planetas!!! Pang outer space.

Nickname nya, Maning. Don't ask why.

Buti na lang medyo natigil na ang pagpapangalan ng mga makalumang names sa mga bata ngayon. Ngayon kasi kung luma ang tunog ng pangalan mo eh tutuksuhin ka ng mga kaibigan mong masasama ang ugali. May mga ka-henerasyon ako na luma ang pangalan, para lang ma-update at maka-adapt sa makabagong panahon eh pinaglalagyan nila ng H ang pangalan nila. Ang resulta, bawat syllable tadtad ng letter H. Kung kulang pa ang embellishment, lahat ng S gawing Z.

Ito ang nag-udyok sa isang kakilala kong may makalumang pangalan na magpalit sya ng pangalan, "Third" daw ang itawag sa kanya. Ayaw nya kasi tinatawag sya sa kanyang given name na Pablito Jun. Hindi sya satisfied sa Phablhito Jhunn. Kailangan, Third.

Noong high school meron akong schoolmate ang pangalan eh Gumamelanie. Swear! Parang Gumamela dapat ang name nya, pero para sa parents nya, hindi pa unique enough ang Gumamela, ginawa na rin nilang Melanie sabay pinagmerge. Wala akong maisip na mas unique pa sa pangalang Gumamelanie, except yung nakakababata nyang kapatid na si Bougainvillajoy. Joke.

May benefit ang unique na pangalan, lalo sa NBI. Kapag common kasi, at may nakapangalan kang criminal, matagal na proseso ang pagkuha ng NBI clearance. For sure hindi yun naging problema ng dalawang na-encounter kong unique names noon sa school, sila Iaiae (pronounced as "Iyayi") at si Thz-Z (pronounced as "Zee-zay").

Noong college may kakilala ako ang pangalan eh Einstein. Imagine mo kung anong klaseng pressure sa iyo kung ang pangalan mo eh Einstein. Likas na scientist. Dalawa lang yan. Pigain mo ang lahat ng juices ng utak mo para maging genius. O kaya tiisin na lang ang panlalait tuwing sasabihan kang "Einstein pa naman pangalan mo tapos shunga ka!"

May nakita ako noon sa dyaryo naghahanap ng pen pal. Ang pangalan nya eh Louella. Which is ordinary lang naman. Ang medyo attention grabber eh ang apelyido.

Louella Quinantot.

Eto ang da best. Sa buhay mo, ilang "Jennifer" ang kilala mo? Siguro marami. Ako, may kilala ako, tatlo.

Nagtataka ka siguro kung bakit tatlo lang, common name ang Jennifer diba?

Oo common, sa babae.

Yung tatlong Jennifer na kakilala ko eh mga lalaki.

Yung una eh napangasawa ng pinsan ko. Ang spelling eh Jenepher. Kung babasahin mo nga naman parang hindi masyadong pambabae yung pangalan. Pero syempre pag binasa, Jennifer pa rin ang tunog. Ayun pinapalitan nya yung pangalan nya, Richard na sya ngayon.

Yung pangalawang Jennifer na na-encounter ko eh isang mahusay na instructor. Medyo takot ako sa kanya noon kasi bobo ako sa klase nya. Wala namang kinalaman ang pagtuturo nya sa pangalan nya, naaalala ko lang nga kakaiba yung pangalan nya. Ang spelling naman ng kanya eh Jennefer.

Yung pangatlong Jennifer eh Jennifer talaga ang spelling. Ang nickname nya eh "Amper". Mabuti na yun keysa naman kung ang nickname nya eh Jhen. Hindi ko na sya natanong kung bakit Jennifer ang ipinangalan sa kanya ng nanay nya. Nagkamali ba? O gusto talaga ng nanay nya ng kakaibang names? Kasi yung kapatid ni Jennifer, na lalaki rin, ang pangalan naman eh Charito.

You crazy! Bye Kids mwah mwah smoochchupa.

72 comments. Post your comment here.:

KUMAGCOW said...

punyeta lang hahah...

this is why I'm still awake at 5am in the morning... para magantay ng bagong entry ni glennglenn... maipilit lang na yan talaga tawag ko sayo :))

Bino said...

may kaibigan ako Daisy ang pangalan, pero lalaki un. pinalitan daw ang name niya kasi sakitin siya dati. tapos may mga kakilala din ako na "lyn" ang pangalan.

as alway naaliw ako sa post mo. :D

the green breaker said...
This comment has been removed by the author.
the green breaker said...

takte. tawa ako ng tawa kay Louella. lolz

May clasmate pala ako nung college, Emerald ang name pero lalake. tapos sa review naman, Jay pero babae. Ayus!

Will said...

Medyo nakakahiyang aminin na iisa lang ang kilala kong may Lyn sa dulo, at wala akong kilalang Jennifer. :))

khantotantra said...

bwahahaha. tawa ako ng tawa sa names.

Meron din ako kailala na lalaki ang name ay jennifer at ngayon may opismate na april ang name pero lalaki. ang wierd tawagin kasi nakaka-ilang, baka mainsulto sa sariling name.

sa nickname pede na siguro kahit di related sa given name mo, basta mapangatawanan mo. hehehe. :D

tabian said...

tawa na naman ako ng tawa, nyeta ka!!

Louella Quinantot? LOL

dagdag mo na rin ang counterpart ng inday - dodong. Excuse ko to minsan pag nakakalimutan ko ang pangalan nila...

Kol Me Empi said...

May medrep kaming ang name luzviminda..minsan niloloko namin kung saan siya ginawa ng tatay at nanay nya o pinanganak. Wala lang may maishare lang. Hahaha.

chingoy, the great chef wannabe said...

peste, natawa ako ke planeta at charito. :))

Yj said...

nakalimutan mo si EDmilyn... hahahaha

Anonymous said...

More! :D
kaaliw tlga mga post mo :*

-Vel

L said...

ang second name ko, pangalang pambabae. kabaliktaran ng second name ng utol kong babae na pangalang panlalake.

kaya kapag tinatawag ako sa second name ko, binubunutan ko ng tatlong buhok sa ilong. :p

ganun talaga, lakas mang-powertrip ng ermats eh.

btw, nice post.

hArTLeSsChiq said...

hahaha dami kong tawa dito, naalala ko tuloy yung classmate kong babae ang apelyido , PUQUIZ... siya na ang biniyayayaan!

dagdag ko din dito yung mga tito Boy at Baby na hindi nawawala sa pamilya :))

Superjaid said...

nagpapasalamat ako sa magulang ko kasi di nila ako pinagtripan. haha wala pa naman akong lalaki na nakilala pambabae ang pangalan. =D

Anonymous said...

Puki mo! natawa ko sa planetas! LOL like seriously?! Arte lang.

may kilala ako MelkiWeh ang name. intergalactic din ang drama. ganyan.

Diamond R said...

naalala ko tuloy yong kaklase ko noong high school ang apelyido Pante. Meron talagang mga di pangkaraniwang pangalan na sound catching.

nakakaaliw ang post mong ito

~ JaY RuLEZ ~ said...

natawa naman ako ng wagas hahaha buti na lang joke yung bougainvillajoy hahaha ang oa na eh..LOl

katrabaho ko naman name nya marifi,pero lalaki siya,yung isa naman girlie lalaque.kakasuya hahaha

kua romel may katrabaho din ako na pante ang apelyido.

gil angelo pante.

buti na lang maganda name ko kahit common :)

nice glen-len

Anonymous said...

nice glenn-glenn after 48 years may post kn ulit...hehehehe
nakakaaliw tlga mga posts mo para ka lang clown..hehehe
salamat sa pagpapaligaya..hehe

-#1 fan

Goyo said...

Nickname namin ng kapatid ko noong bata kami, generic sa Batangas. Utoy at Ineng. Si Ineng, hanggang paglaki, Ineng na talaga. Ako naman pagdating ng gradeschool, iba-iba na. Goryo at Goyo. Pinantutukso saken yun e, tapos... wala na tinamad na akong magkwento.

ethel28 said...

sus, names at nicknames ba? may classmate ako nung high school ako- mutya ang pangalan, yung ate niya diwata. ohah! impernes bagay naman sa mga mukha nila yung names nila :D

eh ako, yung nicknames ko naman:
tela
elah
ethel
marie
biscuit (derived from marie biscuit)

kainis lang ung biscuit. haha!

natawa ako dun sa Planetas! ang tindi! hehe.

paci said...

ako proud sa nick ko. hehe!
paci sa becky friends.
ods o audaud sa close friends. =)

YOW said...

May ginawa akong post na ganto, hindi ko pa napublish at kakaunti. Tsaka hindi kasing outrageous ng mga kakilala mo. Hahaha. Gusto kong makilala si Gumamelanie. Hahaha. Masyadong creative ang kanyang mga magulang. At sabi ko na nga ba si sasha fierce si Sharina. Haha. Ibahay mo na ulit siya para madami ka na ulit kwentong sasha.

T.R.Aurelius said...

dalawa lang ang kilala kong may Lyn sa dulo ng pangalan, pero ayaw nilang gamitin, gsto nila yung nauna like Freda, Jen (Jennelyn)

Marjorie Gavan said...

ako i have a cousin named jennifer at sa classmates ko hindi pwedeng walang jennifer LOL. dahil sa post mo na to, mas lalo kong minahal pangalan ko, hindi masyadong common, hindi rin naman weird hehehe...

Nate said...

hahaha! i've known 6 jennifers in my existence.. :) makulit ang first names? xyza (read: saiza) at abcdee (read: absidi)

Planetas FTW!!!

p0ks said...

dapat may batas na pwedeng kasuhan ang mga magulang na pangit ang binibigay na pangalan sa mga anak...

kasi may pinag huhugutan ako..bwahahahaha

ikaw na ang mary marlon...dagdag pa ang apelyido ko..hmpp!!!

iya_khin said...

lyn?!! ako lyn din pero bigla akong may naalalang lyn nakakilala mo din! wahahaha! di ko na imention baka kasi maisama na naman sa picture mong kyut pag ni-google! LOL

ComfortablyNumb said...

After 48 years!! me blog entry nnman si Glenn.. w00h000!!

meon ako kilala.. Japeth Paquipot ung name.. babae cia.. kea lang.. she did not own up to her last name.. alam na..

soo great to hear from you again Glennsky!!

Anonymous said...

"kapag ang pangalan nya eh pareho ng pangalan ng tatay nya, automatic yan. Junjun."

pano ba yan ung kapatid ko katulad ng pangalan ng papa ko, ang palayaw, biboy. nasan na ung nosehair na pinusta mo? hahaha...

taena, andami kong tawa dito, naalala ko tuloy lola ko, serconsisyon ang pangalan, sumalangit nawa :p

-chilaxjukebox

Anonymous said...

as always, natawa uli ako sa blog mo sir glen! lage ako nagbabasa ng blog mo pero ngayon lang ko nagcomment.
u rock!

caloy said...

kebs ko sa post mo. basta sabi nung nag-comment sa taas, u rock daw. bato ka! isa kang bato! LOL

charot. may kakilala ako na ernalyn talaga ang pangalan. isipin mo na lang kung ang magiging asawa niya ay ernaldo at may mga anak silang erna mae, ernalito at erna marie. hahaha! pamilyang tae.

ayus-ayusin mo nga yang captcha mo! kung maka-demand, akala mo ikakayaman ko pagde-decipher ng shiznit niya!

Anonymous said...

wala kang kupas Glen-glen. Ako naman ay naaaliw sa mga intsik na nagpipilit magin westernized ang name. iyong sekretarya ng boss ko ang pangalan ay CREAMY. . . wala lang sa amin pero iyong mga Brit na kupal napapahagikhik tuwing maririnig pangalan niya.

Chikletz said...

ang kulet ng post na toh. haha! may kapitbahay din akong Kang Kang pero di ko na maalala real name nya.. at may kaibigan din kaming Third kasi nga the III sya.. panalo!

astig pangalan ng lola mo. Planetas ampf!

k0tz said...
This comment has been removed by the author.
k0tz said...

hahaha.. ang kulit!

May classmate dn ako dati. Jennifer ang name pero lalaki.. at ang Nickname nya "Amo" (ilonggo term ng Monkey). hahaha.

My co-teacher nanay ko.. si Ma'am Mammon.

Yung Dev namin sa Aus. name nya Sundeep.

at marami pang mga name! like Dimakulangan.


tsaka yung name ko Panlalaki dn. pero babae ako. kahit pang Unisex, pero yung spelling panlalaki talaga. Yung sa ate ko panlalaki dn ang spelling ng name nya. kaya sa roll call lagi ako napagkakamalang lalaki. kahit sa conf call, akala nila lalaki ang makakausap nila. hehehe. but I like my name. Matipid sa ink e. 4 letters lang.

Michael said...

May nickname ka naman, db? Andoy? LOL. :D

Bebekoh said...

hahaha! love the post. keep posting. Bato ka nga di ba... hahaha! (You rock!)

i also know some odd names but they're from other countries so they're suppose to have odd names.

Had great laughs on this one. :)

gillboard said...

pag usapang pangalan talaga, di ako nagcocomment dyan, dahil isa ako sa mga biktima ng mga binanggit mo.

panalo yung gumamelanie!!! sakit ng tyan ko.

NoBenta said...

may kilala rin akong charito at jennifer na parehong lalake. meron din akong barkada na alex ang pangalan pero babae. ang pinakamalufet na pangalan na na-encounter ko ay "jikki boy". connected kami sa fb at nakita kong inalis niya ang "boy" siguro dahil matanda na siya para sa ganun.

yung kasamahan ko naman sa saudi noon, hirap na hirap akong bigkasin ang name niyang herminigildo kaya hermie nalang ang tawag ko sa kanya.

jay o son lang ang madalas itawag sa akin pero noong ako ay bata pa...jhay-jhay!

may kaklase akong may mga apelyidong "bulaga" at "patayan". ako naman, medyo kakaiba rin ang surname: quitiquit! madalas lang naman mababasa itong kyutikyut at kitikiti.

nice one, master! blogenrol \m/

dhianz said...

love kitah glentot! yan nickname moh! lolz... ehhh.. nyan na palah gamit moh.. anyhoo.... lam moh bah na tamad na tamad akoh magbasa nang blog... i think for da past months nd months koh na padaan daan sa blogspot eh kaw lang ata na blog ang nabasa koh nang buo... lahat skip read akoh... abaahhh! u should give urself a credit for dat... ibig sabihin magaling ka tlgah magsulat... nd 'ung title moh kc catchy mdalas.. nd never akoh na bored sa entry moh nd laging may funny part.. lavet! nalayo na akoh sa topic.. haha... hmm i was tryin' to think of a nickname for u eh... hmm.... glennie... ahhh... how about gie... or G! hey G!!! sup G!.. yan... may nickname ka nah... later G! Hugz! Godbless!

Traveliztera said...

Dear Glenn2x...

Salamat at nalaman ko na rin pangalan ni Khikhi haha!

OMG natawa naman ako kay Jennifer at Charito... adik nanay ! hahaha!

PS ganda ng words na pinapatype sakin sa baba:
pardsmo hahahhaa

Pao said...

Haha. Panalo si Bougainvillajoy! lolol This made me inspired na magkwento some time sa blog ko kung pano naging Jepoy si Paolo. :))

Ungaz said...

Glenn,Glentot,Glenda,Glenny anu pa man nickname mo weh mejo unique parin...kesa sa mga "BOY" at "BABY" ang nickname.

Anonymous said...

Taena natawa ako sa Gumamelanie! Hahahaha!

Ayie =) said...

Glenny Baby, nagpost ka rin sa wakas.

KikomaxXx said...

hahaha the best yung gumamelanie.. hahha nasobrahan ng pagkaunique bumaho na tuloy.. ahahhaa

kaye said...

Leche ka Glen (ayan ha kulang ng isang N) tawa ako nang tawa dito sa mga kwento mo.

pero truleh talaga ang mga sinabi mo dito. haha!

ako frustration ko rin ang maikling pangalan ko. Karen. boring. oo, nirereklamo ko talaga to kasi matalino naman ako. maganda akong magsulat pero walang kachallenge challenge ang pangalang naisipang (o hindi na pinagisipan) ibinigay ng mga magulang ko. hahaha! kapal ko. kaya nung magkaanak ako, sinigurado kong mahaba ang mga pangalan nila. ako na ang sadistang nanay. LOL!

e bakit hindi na lang G ang gawin mong nickname? parang ako. K lang dapat pero ginawa kong kaye so yung G mo pwede mong gawing geeeeeeh. e di mahaba na rin. LOL!

crunchee said...

hahah!

glentots! anu ung full name nung jennifer na isntructor? xa ba ung sa enginnering?

Myrtea said...

naniniwala ako dun sa jennifer na pangalan ng lalaki kasi yung former opismate ko "jason jennifer" ang name pero hindi pa rin siya pinatawad dahil "JJ" ang nickname nya, talagang dapat may "touch" pa rin nung second name.

pero ang kasumpa-sumpa sa lahat ng na-encounter ko is yung ipinangalan sa kapatid ng dati kong boardmate. JOLLIBEE. kasi ipinaglihi daw yung brother nya sa chicken joy. kung ikaw si Jollibee hindi mo ba isusumpa ang magulang mo?

glentot said...

KUMAGCOW style mo! natyempuhan mo lang eh haha

Bino Wow Daisy, siguro nickname nya eh... Dee?

the green breaker siguro si Emerald ang nickname ay Em?

Will meron, si Jennifer Lopez LOL

khantotantra anong nickname ni April? Apes?

tabian Haha oo nga si Dudong!!! nickname Dude LOL

Kol Me Empi baka three days siyang ginawa sa tatlong magkakaibang places LOL

chingoy haha pinagtawanan mo Lola ko!

YJ oo nga! shame on me!!!

Vel salamat po!


L nacurious ako sa second name mo. yung officemate ko may second name din, Reschelle, lalaki sya...

hArTLeSsChiq parang plural pa yung kay ate LOL

Superjaid ah baka may makikilala ka pa lang LOL

Diamond R ah oo medyo common yung Pante hehe ang matindi eh kung Brip lolx

Jay Rulez Marifi, baka kaya ginawang I para maging masculine?

#1 fan oo nga hahaha katamad magpost eh salamat sa pagcompare sa clown leche ka LOL

Goyo Ah common pala sa Batangas ang Utoy? Thanks sa trivia lol

ethel28 mutya at diwata, ang cool naman... cute kaya yung biscuit!

paci kung ang nickname mo ay paci at od, ano ang totoong name mo?

YOW Hoy Juswa!

TR Aurelius common na kasi kaya baka gusto nila maiba kahit papano hehe

Marjorie oo nga at least di ka nahihirapan kumuha ng NBI

Nate salamat sa comment mo may naalala akong two more names at naupdate ko ang post na ito LOL

p0ks ay oo nga ate nalimutan ko na marlon ka pala! sayang naisama sana kita sa examples hihihi

iya_khin Edmilyn! ahahaha

ComfortablyNumb LOL natawa ako sa comment mo! Sana hindi nya i-Google ang name nya at mapunta sya sa comment mo, kung saan nag-insinuate ka na isa syang pakantot! LOL joke

chillaxjukebox haha hindi nga ginamit ang Jun-Jun yung equally common na Biboy naman ang ipinalit LOL Serconsisyon? Sounds like... wag na nga baka magalit Lola mo hehe

Anonymous salamat sa "You rock!" LOL

caloy masama ang ugali mo LOL

Anonymous buti Creamy lang hindi ginawang Creampie!

Chikletz naalala ko na name ni Kang Kang, Catherine...

k0tz sabihin mo na kasi name mo! Kotz ba talaga?

Michael tsehhh!!! LOL

Bebekoh May naencounter akong foreign name noon, Fun Fong.

gillboard ano ba name mo? dali na... hehe

Nobenta haba ng comment pwede nang post! ahihihi ok yung kyutikyut ah!!

dhianz salamat naman sa pagtangkilik LOL! kung ako si G ikaw naman si D LOL

Traveliztera haha teptep!

Pao go sige babasahi ko yan hehe

Ungaz isa ka sa mga babaeng nabigyan ng wa-poise na nickname LOL

Anonymous ano name mo ba hehehe

Ayie oo after 48 centuries!

Kikomaxxx oi di naman mabaho!

kaye haha ayoko ng G baka bigyan ng kung ano anong definition like Gago or kung Geeeeh naman eh parang papunta na sa jejemon LOL!

crunchee hindi sya engineering, pero medyo malapit! SLU ka ba?

Myrtea naku medyo sasama loob ko kung pinangalan ako sa bubuyog... sana lang maging masayahin sya para medyo match ang name sa image hehehe


Salamat po sa inyong lahat mwah mwah, smoochchupah.

k0tz said...

@glentot
mas maganda yan pakinggan na nickname mo.nyahaha..

k0tz nickname lang yan! para maiba nman. hahaha. Kainis eh! ayaw pagamit sa office.

dapat name ko si P. kasi dapat nanay ko O lang name nya. kaso hnd raw pumayag ang pari. hahaha. kaya naging Victoria na sya.

Leo said...

Haha, tawa ako ng tawa sa mga stories behind the names! Ang galing mo talaga Glen.

Ako naman naweweirduhan din sa totoo kong name na Leomer. Buti na lang nickname ko, Leo. Haha. Makes sense right.

citybuoy said...

I have cousins na lahat beauregard. eh andami nilang magkakapatid. kaniya kaniyang nickname. rigi, rigi boy at ang beki nilang si gigi (zhee-zhee)

citybuoy said...
This comment has been removed by the author.
jhengpot said...

hahaha. natawa ako sa jennifer, as in lalaki??? imba!

silentassasin said...

May tropa ako panglan nya Domingo,gusto nya tawag sa kanya DOM, pero ang tawag namin sa kanya DOMAT,(hehe gets? baligtarin mo nalang)

cArLo said...

haha! sa mga lyn and dulo, you forgot about chenelyn! hahaha chos :D
yung anak ng friend ko, pwede idagdag sa roster ng unique names. "Oueia" - lahat ng vowels. O diba? pronounced as ooweya. nickname n'ya Eia or A. :)

Anonymous said...

ano ba yan? corny naman! wla na bang iba? sayang lang ang time na ini-spend ko sa pagbabasa. wlang kwenta!

bHeniPotpOt said...

naaliw ako sa names. kaso isa rin akong walang palag. dahil marami kaming vanessa sa mundo :))

sin at work said...

Glenn! hulaan mo name ko, hulaan mo kung sino ako :)

McRICH said...

naku marami talagang nagogoyo sa pangalan at nickname, kaya pinilit ko talagang walang nickname o alyas ang bagets namin, caleb lang talaga, wala ng iba, hagalpak na naman ako sa kwento mo!

Anonymous said...

Nickname ko naman eh "Baby".

okay lang kung puslit pa ako, hindi na naman eh :D

Ate Baby, Mama Baby, Lola Baby, Tita Baby. Mabuhay ang mga Baby!

dynonel said...

super natawa ako sa post na ito. first time maligaw sa blog mo =) anyway, super natawa ako sa Gumamelanie pero unique ha?!? and andg pinaka win sa akin, hindi ang Louella Quinantot kundi ang ......

lola mong si Planetas! hahaha excuse me pero baklang bakla. winnie cordero yan sa mga beauty contest. hehehe


share ko lang: me kakilala akong ang surname eh Fai kasi chinese...pangalan ng anak nya na one year ahead sa akin is Shakeys. OH DIBA? hahaha and other odd names such as Wyeth and Joecaipil.

also have this "hindi pinag isipang nickname" i have a nice name pero i am "ading" - the usual Ilocano nickname for someone youngest in the family. sigh!

APE said...

Glenn's a pretty solid name man.

buti hindi nasunod ung 'Joaquin' at 'Dennis'...cuz for some reason, 'Joaquin' just sounds like rich and bratty. While 'Dennis' sounds more like that asshole who stole your girl or something. lol.

victor said...

Jusko Glenn, title pa lang natawa na ako. Naimagine ko kasing ikaw ang kumakanta!

Bridal Cars Rental said...

Nice post !!

Gracie said...

nakarelate po ako, isang syllable lang din name ko - grace, boring kaya nung hayskul ako nag imbento ako ng nickname ko "jam" then yung "gracie" screenname lang din.. saw your blog thru idol mcrich hehe, following you po.

Donato said...

bat ngayon ko lang to nabasa? hagalpak ako sa kakatawa d2 sa office. lalo na kay louella. HAHAHA!

Jenny said...

Hi Glenn,
Ako pala si 'Jhenn' slash Jennifer. Kung di ako nagkakamali 4 times palang akong napadaan dito sa blog mo. Pero matagal ko ng naririnig yung 'wickedmouth' sa mga fb friends ko at sa favorite kong site na MgaEpal.com. pero kahit 4 times ko palang nabibisita to eh, I spent couple of hours para basahin ang mga post mo, and i think nabasa ko na silang lahat, may hiwaga pero may kalaswaan. hahaha joke only! Astig, napasama pa yung pangalan ko sa Oh nana, what's my name post mo. Dapat pangalan ko Sunshine eh, (mas okay sana kasi Sonny ang tatay ko) parang alipores na alipores ang dating, kaya lang buyset yung doktora, maepal, sabi Jennifer daw. Duhh, if she only knows na after 20 years eh dadagsa lalo ang ganong pangalan. imbyerna!
Astig naman yung pangalan mo, pang girl at pang boy. nyahahah. Anyway, makafollow na nga dito sa blog mo. Apir at Beso sayo Glen[n]. Mwuah mwuah tsup tsup

Archieviner said...

Lol. dami ko na namang tawa. binabalik balikan ko talaga mga post mo pag nalulungkot ako. pampasaya.

sherene said...

Grabe dami kong tawa dito ha, at dmi ko na ring backread hehehe.
Ang nickname ng brother in law ko ay JC, ano yan kamo hehehe, Juan Chito:)

gogoiaxXx said...

tawa session talaga dito sa blog mo!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding