shit happens

Sabi ng tanginang friend ko noong college "There's no such thing as a coaccidence!" Wala naman talaga. Coincidence ang meron. (Shunga talaga yung friend kong yun, one time magka-chat kami, ang spelling nya ng cabinet ay "Cavin net").

Isa sa mga recent "coaccidence" na nangyari sa akin eh last year.

One time sumakay kami ng friend ko sa jeep papunta sa mall. Naupo kami sa harap sa tabi ng driver, nasa gitna ako. Tuwing kakambyo yung driver eh nasisiko nya ako sa tagiliran. Bwisit, ginigitgit nya ako sa upuan, halos magkatabi na kami. Gusto ko sana syang itulak kaso baka magulat sya at mabangga pa kami.

Bago ako magalit, sinilip ko kung bakit ginigitgit ako ng Mamang Tsuper: katabi nya sa upuan ang isang pares ng sapatos. Pakingshet. Mas malaki pa yung space na inukupa ng sapatos nya keysa sa kanya, kaya close na close kami sa pagkakaupo at masakit na ang kidney ko na nasisiko nya nang paulit-ulit.

Kinimkim ko na lang ang poot ko hanggang sa makababa kami ng jeep. Pagbaba namin, nawala na sa isip ko yung kalbaryo na yun kaya hindi ko na nabanggit sa kaibigan ko.

Nung pauwi na kami, pagdating namin sa paradahan ng jeep eh bakante uli yung upuan sa harap, kaya dun kami umupo, nasa gitna ako uli. Medyo masikip uli yung pagkakaupo at dikit na naman ako sa drayber. Naalala ko yung nasakyan naming jeep papunta sa mall at kung paano ako nagdusa habang sinisiko ako ng drayber. Mauulit na naman ba ang pagdurusa ko???

Magsisimula na akong magkwento sa kaibigan ko, sisimulan ko sana sa "Putangina talaga yung nasakyan nating jeep kanina katabi nya yung sapatos nya sa upuan" nang biglang sabi ng katabi ko "Parang ito rin yung jeep na nasakyan natin kanina".

Buti hindi pa ako nakapag-rant, dahil sinipat ko ang Mamang Drayber at kung ano ang katabi nya sa upuan: isang pares ng sapatos. Gusto ko sana tumambling kaso ang sikip lang talaga sa kinauupuan ko. Siguro kung natuloy ko yung sinabi ko eh malamang hindi lang siko ang aabutin ko sa drayber.

(This is worse than that one time nung nasa Burnham Park kami tapos bumili ako ng ice cream(?) nung tinikman ko napasambit na lang ako bigla ng "Putang-ina, ang tabang!" without realizing na nasa likuran ko pala yung tindero.)

So nang mapuno na ang jeep, nagmaneho na si Kuya at siniko nya ako nang siniko as in unlimited to all networks ang pagsiko nya hanggang sa makababa kami. The End.

I think simple lang yung nangyari sa akin kaso na-amaze lang ako. Wala lang, masama ba ma-amaze...

May narinig akong kwento: yung isang guy, nagwo-work sa call center, at hate na hate nya ang Team Lead nyang bitch, to the point na inireklamo nya ito sa mga directors. Nagkasagupaan sila sa office, at soon enough nagresign sila pareho.

Nung naghahanap na ng bagong work yung guy, napunta sya sa isang malayong call center. On the day of his interview he was doing well, kahit medyo masungit ang interviewer na mukha ring bitch.

Ang tanong ng interviewer ay laging may kinalaman sa previous work nya. Ano raw ang problema nya dun? Anong issues nya?

So sinagot lahat ng guy ang mga tanong, not leaving any details behind, at isinalaysay kung paano nya hindi nakasundo ang TL nya dati.

Matapos ang interview, sabi ng interviewer...

Your previous Team Lead is my sister.


Coaccidence! LOL.

Pero itong next kwento you're gonna shit like buo-buo kasi mas amazing... Kinuwento lang ito ng isang kaibigan ko na itatago natin sa pangalang "K". Wala nang clue kung sino sya, basta K!

Nung elementary pa kami, isang gabi napagdesisyunan ni K kasama ang circle of virgin friends nya na magstroll around town and explore-explore hanggang sa mapadpad sila sa "red-light district" or in other words area ng mga beerhouses. Syemre bagets pa si K noon so hindi sila pumasok sa beerhhouse, palakad-lakad lang sila sa labas.

Sa kanilang paglalakad napadaan sila sa isang maliit na bahay-kubo at may unmistakable sound na nagmumula sa loob ng kubo. Sa saliw ng pagpopompyangan ng mga laman like Plak-Plak-Plak eh maririnig ang malakas na ungol ng dalawang magkaniig... magkasiping... magkatalik...

Syempre na-harrass ang kaluluwa nila K! This is worse than that one time nung "aksidente" silang naka-rent ng VHS na bold starring Ina Raymundo. Kaya bago pa masira ang innocence nila eh tumakbo na sila palayo.

JOKE!

Mas nanaig ang pagiging tsismosa nila so they did the only thing to do sa ganong sitwasyon: sumilip.

Eh since bahay kubo lang yun hindi mahirap manilip so soon enough nakaboso na sila sa private totnakan sa loob. It can be concluded na pokpok sa beerhouse yung babae at customer yung lalaki.

Habang namboboso hindi nila mapigilang tumawa kaya syempre narinig sila nung magsing-irog sa loob. Syempre huminto ang pumping scene at napabangon yung lalaki at sumigaw ng "Sino yan!!!" habang lumalabas sa kubo. Nagtakbuhan na sila K palayo as in stampede.

Actually nagkawatak-watak ang grupo nila kasi nadisorient ang iba at kung saan-saan na nagtatakbo hanggang sa makapag-regroup sila malapit sa may beerhouse. Nang makumpleto sila nagdesisyon na silang umuwi. Buti na lang may napadaang tricycle kaya sumakay sila agad papalayo sa red light district.

Habang nasa tricycle at humahangos, nagkukuwentuhan sila like "Shet may nagsesex sa kubo" and all that stuff.

It was only nung pababa na sila ng tricycle nang mapansin nila kung sino ang drayber...

50 comments. Post your comment here.:

tabian said...

so kunyare nabitin ako sa kwento...so anyare?
ikaw ba yung driver glentot? bat alam na alam mo ang kwento, kasama ka ba ni K na namboso? LOL

nakakabagabag na talaga ang mga friends mo...tsk..tsk..tsk..

~ JaY RuLEZ ~ said...

ahahahaa,si lalaking nakikipagniig ay ang driver ng tricycle?ayt?hahaha


small word ika nga!!!

hehehe

apollo said...

nyahaha! buti hindi nilaglag ng driver ang grupo ni K.

L said...

napa-shit ako ng buo-buo sa shit happens shit mo, glen.

bigla akong na-curious: anong nangyari pagkababa nila sa tricycle?

khantotantra said...

hahaha, tnt sa tanong ni tabian. hahaha.

ambilis din ni driver, suot agad ang damit at parang walang pumpingan scene na naganap. hahahahahaha :D

Bino said...

parang marami ako'ng kakilala na laging may mga coaccidents hehehe, kala ko detalyado ung part ng sex ng mamang driver at ng gro lol

Anonymous said...

hi Sir Glen :*
haha! c K ba ay c Khikhi? LOL
c Manong Drayber ba ung Bida sa totnak scene or ikaw? :D

maligayang araw!
-Vel

Axl Powerhouse Production Inc. said...

anyare.. anung sabi ng drayber... bitin lang ang drama hahaha...
huling-huli.. kaya nga sabi nila dont say bad word.. hahhahaha...

Ms. Chuniverse said...

Si traysikel drayber at ang peyborit mong jeepney drayber ay wan and onli.


chos!


:)

Nate said...

@glentot: ahahahh! andame kong tawa! ikaw na ang mahilig sa COACCIDENCE!!! :P

Akoni said...

Buhay ka pa pala ayup ka.

iya_khin said...

tumambling ako sa coaccidence na yan!! hahahaha! ayos ang bahay kubo ano kaya nangyari kay K pagkakita kay mamang drayber?!!! hahahaha

ethel28 said...

at nagbalik ka na may malupit na kwento. hehe! nangyayari talaga yan.. lesson: magmasid muna sa paligid bago i-spill ang dirrty stories :p

k0tz said...

hahahah.. si K lang daw. kasama ka dn ata nya dun e. hahaha.

Maldito said...

bat hindi mo namention na kasama ka dun sa namboso? niyahahhahaa..
I miss you glentot!!!!!!!!!

Anonymous said...

hahahaha putangina mo tawa ko ng tawa!!!inis na ko sayo dahil ang tagal mo magpost pero natawa talaga ko ng wagas!!!hahahaha
thanks sa kwento...wehehehehe

-#1 fan

Hoobert the Awesome said...

HAHAHA. Halos mahulog ako sa upuan kakatawa dun sa Cavin net. Super laugh trip. :))) Hehe.

Hm, I wonder kung kasama ka dun sa grupo ni K. Lololol. Or ikaw yung tricycle driver? Hehe. Joke lang.

:) Peace out!

Diamond R said...

saang lugar yang red light district na yan at may kubo out of nowhere?

Natawa ako doon sa interview portion.Kaya magingat sa paglalabas ng loob.

KikomaxXx said...

coaacidence nga kawawang drayber nasilipan sa pumping beat nila.. hahaha... the best... hahaha

Ungaz said...

Ahahahaha!nagago na...e ganun lang talaga kaliit ang mundo.hahahaha!!!

bongkito said...

hahaha nakakatawa talaga itong kwentong ito ah! adventure talaga ang drama!

ngayon ko lang ulit narinig yang salitang totnakan! hahaha ginagamit rin namin n'yan dati (19-kopong kopong haha!)

napadaan lang at nakitawa! sa susunod ulit!

Goyo said...

Haha! Basta talaga drayber, sweet lover, maingay at malakas kumantot!

Traveliztera said...

tapos ang ending daw, siya rin daw yung drayber na naniniko sayo ahahaha

Pa Ul said...

interesting

bHeniPotpOt said...

napa-shit hollow blocks ung mga bagets :))

Allen said...

Now we can conclude na ang salitang Coaccidence ay dapat nasa dictionary. Kelangang kelangan to ng tao to express themselves. Hahaha!

the green breaker said...

nakakaloka, parang alam ko kung sino ang drayber. LOL

may kasabihan din pala ang TL ko dati: Shit happens. Sometimes all the time.

Hahaha nawa'y nakainspire.

ComfortablyNumb said...

wahahaha!!

pro nanyari din sken to..

EX ko OM sa isang call center.. na minura`mura ko to the highest level with matching "khet ang call center mo nalang ang pinka last na call center sa mundo ndi ako mag aaply dun!!! over my dead body!!"

ndi mapag kakailang nag resign ako at after ng 2 months na hiatus (at dhil na ubos na ang ipon ko.. at wula pa ang last pay ko sa previous company) nag apply ako sa call center sa ends of the earth in a land far far away.. tinawagan ng HR at sinabing.. "mam we would like to schedule you with an interview with the OM at blah blah blah..." ako naman si "okei.. ill be there"

on the day of the interview.. pag pasok ko sa interview room.. napa shit ako ng bricks....

John Michael Bueno said...

Una sa lahat


WELCOME BACK PAKSYET

at salamat sa pagpawi ng uhaw ng mga readers mo... nice post keep it up para mainis ka ng slight


Skip read po tayo tengenengyen hehe

Bridal Cars Rental said...

Easy !

SpendWell said...

hay. no change. ganyan ka pa rin magpost. parang friend lang. harhar. medalya sa phrase na nagkawatak-watak kasi na-disorient na. konting cherefer lang yan.

sin at work said...

oh sheeeeeeeet tangina!!!! yung drayber!!!!! wahahaha
hay naniniwala na nga ako "basta drayber, sweet lover" charot!!! hahaha :D

thankfully wala pa naman akong "coaccidence" na experiences. hahaha.

though may nasakyan akong jeep dati na papunta at pabalik s'ya pa din, pero without the sikuhan moments haha :)

Michael said...

Ang daming alam! Si Khikhi sigurado iyon. Mga kaibigan mo talaga, Andoy, grabe, ibang level, talaga as in unlimited to all networks!!! LOL. :D

McRICH said...

grabe, hindi ko pa na-experience yung ganitong eksena sa tanang buhay ko, asan na kaya ang mamang driver na yon, atlis ansipag nya ha, pagtapos ng deed, trabaho ulit!

salamat po sa pagdalaw ng mangilang beses sa mundo ko, pakiramdam ko tuloy, close na tayo :) nagpi-feeling lang naman, more power glentot!

citybuoy said...

Ikaw na kumicliff hanger! lolz

At alam ko ang true reason kung bakit nasisiko ka parati nung driver. shumushubis ka na daw! lolz

- A n g e l - said...

Namiss kong magbasa ng post mo, Glentot! At as usual hagikgik na naman ako sa tawa dito :D

glentot said...

tabian wala nang kasunod na nagyari haha di ka pa ba nasanay sa firneds ko

Jay Rulez oo sya na nga!

apollo or buti nga hindi binangga sa pader

L sabihin na lang nating awkward moment

khantotantra ganun dapat kapag under pressure LOL

Bino kung ako nakasilip malamang maraming details!

Vel haha dapat anonymous na lang yung K

Axl haha

Ms Chuniverse kung ganun nga ang nangyari ewan ko na lang...

Nate haha i'm starting to like that word

Akoni oo naman!

iya_khin tinigasan sya LOL

ethel28 yan din ang lesson learned ko eh haha

k0tz wala ako dun swear!

Maldito lul maka-miss you naman! hahaha sige na nga miss you too bwahaha

#1 fan ang hirap kaya magpost lagi LOL

Hoobert the Awesome haha kung ako yun hindi ko iboblog yun!

Diamond R haha para syang na-victim!

KikomaxXx at naikwento pa sa kanya mismo

Ungaz oo di rin naman kasi kami kalakihan LOL

bongkito haha nahalata ang edad!

Goyo ahaha scientifically proven ba yan!

Traveliztera pareho kayo ng iniisip ni ms chuniverse!

Pa UI thank you

bhenipotpot haha hindi talaga shit bricks!

Allen oo nga no dapat na syang isama parang combined concidence na may aksidente LOL

the green breaker ahaha gusto ko ang kasabihan na yan!

ComfortablyNumb hahaha arayyy ang sakit nun ah!

Spendwell LOL

sin at work siguro may experience ka na sa driver???

Michael wala naman akong binigay na clue na si Khikhi yun ah!

McRich hahaha ang dalang ko na nga makapagbloghop eh sorry naman

citybuoy gagu! masikip talaga sa jeep!!! baka yung kasama ko ang obese!

Angel salamat sa pagbalik uli! hehehe

sin at work said...

haha! well about sa driver, uhm.... *biglang suot ng invisible belo at takip sa bibig ng invisible abaniko*
hahaha charot!!

pero wala pa eh, although may ibang mga driver na parang may gusto akong gawin. wahahahaha kasi naman, may ibang driver na mukhang hindi driver, tipong nagkasakit ang lolo driver, tapos sila na muna nag-cover, mala ganon (di lang yung sa mga cab ah, pati sa mga tricycle kaloka!) wahaha

ay sorry po, holy week pa, quiet muna ako, ahihihi

chilaxjukebox said...

sa totoo lang napapaisip din ako na ikaw ung binosohan glentot 8==D

you never fail to make me laugh with your experiences and the way you put it into words..as usual tawa nanaman ako ng tawa dito sa office...hehe

Anonymous said...

pakyu dude...halos nakalimutan ko na yang parte ng buhay ko na yan..ahaha

Ahmer said...

Coaccidence!- genius! =)

Superjaid said...

coaccidence amp!=D nabitin din ako anong nangyari pagbaba nila?

steven dela cruz said...

pinakanagustuhan ko yung part ng driver astig ah! as in coaccident talaga yung ng much much much like hell! hahahahahahaha, never yun ah! rare in a blue moon! ever

Donnie Ray said...

astig ng blog na to!

lagi nako vivisit ^_^

keep it up Glentot!

rona said...

perstaym ko dito. Intro mo pa lang sakit na tyan ko katatawa! Da best ka magkwento. Nacurious lang ako kung ano susunod na mangyayari. Sana may part 2?

coaccidence lang nga pala ang pagpunta ko dito. pero nag-enjoy ako ng husto. maraming salamat! napatambling nang wagas ang beauty ko dito. LOL!

Ningning nga pala galing sa www.athomeakodito.blogspot.com

antu-KIN said...

WAHAHAH! ow em to the GEE! XD

caloy said...

yuck! unang-una sa lahat, bakit nanilip sila khikhi? kadiri sila! LOL

Marjorie Gavan said...

hahahaha... nakakaloka. kung yung driver pala yung starring sa pumping scene sa kubo, sobrang awkward naman kung nagkwentuhan sila about that in his presence, LOL.

Archieviner said...

Anyari? kailangan bitin? Buti nagbasa ako ng mga previous comments kaya may ending na. Sipag ko lang magbasa ng blog mo :P

Archieviner said...

Anyari? kailangan bitin? Buti nagbasa ako ng mga previous comments kaya may ending na. Sipag ko lang magbasa ng blog mo :P

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding