kasamaan level: shiznit

Kumusta naman ang once a month update ko bwahihi. Busy lang talaga ngayon. Yung pagkabusy eh nadagdagan pa ng napakaraming issues sa buhay kaya napabayaan ko na itong blog ko. Malampasan ko lang ang mga hamon at dagok sa aking pagkatao ay makakapagpost na uli ako tungkol sa mga sira-sirang buhay ng mga tao sa paligid.

Actually kaya ako napa-post ngayon kasi recently may nasira na naman akong buhay. Okay hindi siguro buong buhay kundi childhood.

It all started with me getting on the MRT one evening on my way to work. May diarrhea ako nung araw na yun eh dahil sa nainom kong mango juice na may sumpa. Habang nasa tren nararamdaman ko na ang pagtindi ng sama ng panahon (not the weather) kaya inisa-isa ko na ang options ko kung saan ako pwede shumit.

Ang mga CR sa MRT: not even an option. Hindi naman sa nangmamata ako, pero hindi ko talaga kaya magsagawa ng drop-it-like-it's-hot dun... Ayoko sa Farmers Cubao, baka makatsamba ako ng CR na walang flush. Wala namang option na mashishitan sa Santolan. Kung sa Ortigas, ang layo ng lalakarin ko papuntang Megamall. Baka makunan ako habang naglalakad.

So bumaba ako sa Shaw Boulevard sabay pasok sa Shangri-La para shumiznit. Matapos ang ilang minutong pawisang paghahanap ng customer lounge, narating ko rin ang toilet kung saan may tatlong cubicles at occupied yung dalawa, sa gitna lang ang vacant. Kahit konti na lang yung tissue dun sa gitnang cubicle, pinatulan ko na.

So sa saliw ng pagbulusok ng kanya-kanyang diarrhea sa magkabilaang cubicle eh naitawid ko ang sarili ko sa krisis. After a few minutes, narinig kong bumukas ang pinto ng toilet at malakas ang kutob ko na kung sino man ang pumasok eh gusto ring shumit. Eh wala pa ring bakante. I can just imagine yung emotional at psychological pati spiritual torture na dinadanas nung taong yun. Ayan na eh, nasa CR ka na, abot-kamay mo na... at crowning na...

Mukhang ako ang mauunang matapos... Nagmamadali rin ako kasi ayoko malate sa office. So mabilis akong nag-"freshen up".
 
Nang matapos na ako, ang konti na lang ang natira sa tissue, sing-haba na lang ng pad paper na lengthwise, nahulog na nga sa sahig eh. And that's when the idea hit me...

Sa halip na itapon yung tissue, ni-roll ko sya uli dun sa core. Tapos nilawit ko yung dulo ng tissue, sabay binalik yung takip ng tissue holder. Inayos ko sya to the point na aakalain mong marami pang tissue...

Paglabas ko sa cubicle, may batang naghihintay. Mga Grade 5 siguro yun. Kitang-kita na tense na tense na sya, matindi rin ang pinagdadaanan nya, kaya pumasok agad sya sa cubicle na pinanggalingan ko, sabay sara ng pinto, sabay pakawala ng matinding shiznit. Saka naman bumukas ang dalawang cubicle sa gilid at nagsilabasan na ang mga ka-batch ko kanina.

Naghahasik pa rin ng lagim yung bata sa cubicle, dinig na dinig ko. As in kumbaga sa ulat panahon, may kaakibat na malalakas na hangin at manaka-nakang pagbuhos ng ulan ang narinig ko. Tropical thunderstorm. Tingin ko ganito ang tunog ng end of the world.

Naghuhugas ako ng kamay sa sink nang biglang naging tahimik... napatingin ako sa gitnang cubicle...

Maya-maya pa ay may kamay na dahan-dahang kumakapa sa sahig... gumagapang sa dingding... pilit na inaabot ang nakasabit na tissue paper sa kabilang cubicle... Eh hindi nya maabot...

Nasa hand dryer na ako nang dahan-dahang bumukas ang pinto ng gitnang cubicle, at lumabas ang bata... mabilis! Lumipat sa kabilang cubicle. Sobrang bilis, walang lingon-lingon! Hindi na sya nagkaroon ng panahon na hanapin ang nanggago sa kanya.

Kasi nakababa ang salawal nya.

Thanks for reading!

43 comments. Post your comment here.:

L said...

bad cheetah! pustahan tayo: supot pa ang gitna ng kabilaang dumangling-dangling na dyinggol bols ni "kakasa ka ba sa grade 5."

ambaba na siguro ng pagtingin mo sakin, glen. tumae kaya ako sa mrt - ayala. take note: sa women's cr pa!

Akoni said...

Fvck u very much.

apollo said...

naku sira nga ang childhood ng batang yun. lols!

mots said...

naawa ako sa bata. bad ka! hindi ka dapat bigyan ng certificate of good moral. lol

at least naisip niyang lumipat sa kabila. hahaha

Nate said...

@glentot: i'd have to agree with Akoni on this.. :)) pampasaya ka talaga ng araw!!

Superjaid said...

kawawang bata. hehe naimagine ko lang yung itsura nya nung lumipat siya ng cubicle. wahaha kawawa talaga.

tabian said...

naiimagine ko yung eksinang dahan-dahan syang lumipat ng cubicle with mathcing tiptoe...LOL

pero glentot ikaw talaga ang tagasira ng kinabukasan...paniguradong isusumpa ka ng batang yun at susulat sya ng blog na malufet!!
tae chronicles on the roll..\m/

khantotantra said...

grabe!!!! sirang-sira ang pagkashitsness ng kid. lols.

Lesson dapat may tissueng dala lagi. :D

Jenny said...

Ang lupit mo Glenn. Tawa ako ng tawa grabe! Ewan ko ha, pero bakit parang majority ng nae-eLBM eh puro lalaki. Observation ko lang. hahaha. Infairness ang sosy mo ha, Shangrila pa! Good choice! (Anyway asa Manila ka pala, I though asa Baguio ka?)Ayos ka sa descriptions ah, Tropical Thunderstorm, at ang tunog ng End of the World. hahaha! Pero atleast nagtira ka pa rin ng tissue kahit na sing haba sya ng 1-20 quiz sheet. nyahaha! Ang mga tao talaga nagiging natural na ninja sa oras ng pangangailangan. Haha. Have a nice day Glenn. Mwah!

Anonymous said...

ansama mo idol. >.<
pero natawa ko. haha!
Thank you! =))

buti nalang lagi ko may tissue ;)

-VEL

McRICH said...

agree rin ako sa comment ni jenny, actually tinanong ko na rin si Mrs, bakit nga puro boylets ang laging nagkakaroon ng mga shit moments?

ang sosyal nyo naman ng bagets, ginawa lang shittan ang shangri-la haha!

at natakot ako syo, wala ka palang sinasanto bwahaha, good luck sa susunod na buhay na masisira ni glentot!!

YOW said...

Very educational na naman ang post mo. Haha. Aylabet! Minsan ka na nga lang magpost, pero angd ami ko napupulot na kabutihang asal. Hahaha. Sana itinaas muna niya ng bahagya kahit papano. At I pray (Oo, I pray) na nag-flush muna siya bago siya lumipat. Hahaha. Malaki nga ang pinagdaanan niya. Kawawa naman. LOL

KATE said...

kawawa nung bata. Hahaha. Congrats may unforgettable experience na sya.

Napapatawa po ako lagi sa post niyo. This made my day :D Thanks! :)

Diamond R said...

Ang sakit kuya eddie kaya sa susunod dapat laging nakahanda have your own tissue. Di bali bata pa naman siya ano paki niya kong lumabas siya ng nakababa ang salawal at least sigurado tayong merong tissue pa sa kabilang cubicle.

sana sumigaw na lang siya ng HElP Tissue please parang awa niyo na.

T.R.Aurelius said...

kung ang sudden crisis nga ng pagwiwi habang nasa climax ang movie eh ang hirap pigilan, yung pag-jebs pa kaya,
haha

dapat lgeng handa, hehe

:))

iprovoked said...

ngayon lang ulet napabisita dahil gusto kong tumawa. salamat at sana hindi na trauma ang batang iyon sa iyong ginawa, wahahaha

Anonymous said...

wawa naman yung bata hehe! Pero naisip ko lang pano kung may edad na yun--ala na tissue kaya lumipat ng cubicle na nakababa salawal-- hindi lang sya ang kawawa pati yung (mga) naka-saksi bwahahaha!

NoBenta said...

gusto ko ang mga usapang-tae. lalo na kapag tungkol sa kashitan ng ibang tao. dabest ang torture na ginawa mo master. \m/

gillboard said...

naawa naman ako dun sa grade 5.

lol.

-mark- said...

hahahahahahahahahahaha!!titi ka! walang pagbabago.. kawawang namang bata yun.. kaya ako kahit shit na shit na sa mall, bibili muna ako ng wetwipes para sure ako lalo na nung nakilala kita.. gudnyt! senxa ngayon lang ulit nakadalaw.

Bino said...

naimagine ko ung katayuan ng paslit na un! pero honestly, tawang tawa ako hahahahaha

Ely said...

hahahahaha... nakitawa lang!

ComfortablyNumb said...

bka uminum din eung bata ng mango jus na me sumpa! =b

hahaha!! =)

k0tz said...

hahaha.. ang kulit! hahaha. kawawa namn yung bata.. pero Ok lang. ikaw lang naman ang nakakita eh. hahaha.. mas maganda sana kinukan mo ng pic ng lumalabas na sya. hahahaha.

iya_khin said...

hahahaha adik ka talaga!!! napapahagalpak ako sayo ng tawa, parang sinasaniban ako dito sa loob ng opisina! hahaha!

buti nga nakaka-update ka atleast once a month kesa naman sa wala!!

ISTAMBAY said...

simpleng tirada hehehe...

langya, natawa ko sa may kasamang pagkulog at kidlat..

butil butil na pawis na malamig :)

bHeniPotpOt said...

kawawa naman si boy :)) isinangla na ang kahihiyan dahil shit na shit na siya :))

therealmeganfox said...

you know there's a special place in hell for people like you.

bwahahahaha

Anonymous said...

Akala ko natrauma yung bata sa langhap sarap na aromang iniwan mo...hahahaha!


UNGAZ

KikomaxXx said...

hahaha... youre the beast talaga...

silentassasin said...

LOL.Atleast madiskarte ung bata wlang hiya hiya at transfer cubicle agad.

sin at work said...

grabe kaaaaaa! hahaha maninira ng childhood ng iba!!!!! hahaha :D

next time nga bago ako tumae sa public, hahanapin muna kita para di ako mabiktima. wahahaha :D

Marjorie Gavan said...

In fairness bilib pa din ako sa bata, talagang lumipat pa sa kabila hahaha...

Mr. Chan said...

andami kong tawa sa manggo juice na me sumpa! hahahahahahaha

andami kong experience sa ganito kaya nun nagka pera me, lagi akong me wet wipes sa bag :)

an_indecent_mind said...

pag taeng-tae na.. hahamakin ang lahat, makatae lamang! hahaha!

s said...

nagising ako sa post na to. haha!

Zezil said...

Haha.tawa ko ng tawa dito.=)

tadong daniel said...

kumakain ako habang binabasa ko 'to. buti ibang lengwahe ang shiznit. hahaha

Ers said...

grabe!!!!!!!

wahahaha!

Overthinker Palaboy said...

Evil man!

Archieviner said...

Kasalanan mo yun. Kung nagkataon na end of world na sa mga oras na yun baka sa hell ka napunta. joke lang :P

Anonymous said...

nag lock yata ang panga ko kakatawa hahahahahaha sakit na ng panga ko - Dark Angel

gogoiaxXx said...

kaya palagi akong may dalalng tissue!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding