wala kang ligtas

I was on the subway train (subway talaga???) MRT one night last week on my way to work. Pagdating ko sa office nakita ko na na-slash pala yung bag ko ng kung sinong putanginang mandurukot.So bumili ako ng bagong bag. Alam mo yung feeling na may bago kang bag tapos suddenly iko-compare mo yung bag mo sa bags ng iba? So nasa MRT ako uli (hindi pa rin ako nadala sa pagkaka-slash) at nagmamasid-masid sa bags ng mga tao dun nang makita ko yung isang lalaking nasa tapat ko, ang backpack nya ay:



CD-R King ang brand.

Na-amaze ako. Huwow may ganitong product na pala ang CD-R King... expanding na talaga. All this time kasi akala ko mga computer-related products lang ang offer nila.

 And then naalala ko, nung minsang napadaan ako sa CD-R King SM North EDSA Annex (kailangan complete address?) at naghahanap ako ng murang laptop cooling fan eh may nakita akong kakaibang fan:



As in literal na pamaypay na fan.

I'm not joking, aside from photo albums, key chains at scrapbooks, may tinda talagang pamaypay ang CD-R King. Sabagay kung nakapila ka nga naman maiisip mo talagang mamaypay. At understandable kung bakit pinipilahan ang store na ito. Una: mura. Pangalawa: may CD-R King branch kahit nasaang sulok ka man naglalagi. Isa't kalahating dougie lang nasa CD-R King ka na agad. Pangatlo: Kung ano man ang maisip mong kailangan mo, meron sila.

I'm sure, darating ang time na mapapaisip ka na kailangan mo ng, let's say, water dispenser. Punta ka lang sa pinakamalapit na CD-R King branch at magtanong... at putang-ina!



Meron nga silang water dispenser! Amazzzzing.

Ang una kong binili sa CD-R king ay blank CD. OK naman, successful naman akong nakapagburn. Sumunod naman ay memory card reader memory card. OK naman ang quality. Although hindi maiiwasan na may mga taong nagrereklamo sa kalidad ng produkto nila.

May nakita nga ako sa forum online eh. Nagrereklamo sya kasi yung nabili nyang soldering iron, pagkauwi nya sa bahay para gamitin for the first time, pagkasaksak nya, pumutok. Sobrang disappointed sya. Hindi na daw sya uli bibili sa CD-R King ng... wait. Ano daw?

Soldering iron???


Ay punyeta, meron nga!


Sorry napamura na naman ako! Sadyang amazzzzzzzed lang! USB-powered kaya itong soldering iron na ito? Karamihan kasi ng mga gadgets ngayon eh USB-powered. USB desk fan? USB powered fountain (oo yung may tubig talaga)... USB massager... the list goes on. Lahat yan meron sa CD-R King.

Sige, umisip ka ng something absurd, na sa tingin mo ay NEVER magkakaroon ng USB powered version... like USB powered vibrator?

Ay amputangina, meron!!!

Joke. Hindi yan vibrator kundi...


Pero malay nyo may USB vibrator talaga, hindi lang nakadisplay.

Sobrang sikat na ng CD-R King as in like you're gonna shit sa kasikatan nila. At sobrang innovative sila sa kanilang mga products, kaya from electronics ay nag-cross-over na sila to food industry:


OK na-Goodle ko lang yang picture na yan at mukhang joke lang... sayang, mukhang masarap pa naman syang iprito sa CD-R King USB Stove joke!

Baka joke nga lang ang bangus... ...for now.

Ang mga sumusunod na products ay hindi joke, as in totoo talagang meron. Aaammmaaazzingghh!




At marami pang iba tinamad lang ako ipost.Visit nyo na lang website ng CD-R King lol.

Actually hindi maikakaila na medyo masama ang tingin ng iba sa mga CD-R King products, na dahil daw mas mura, na-compromise ang quality. Minsan nga eh nasa CD-R King Trinoma Branch beside Mercury Drug (talagang complete location?) kami at nagtitingin ng laptop table at sobrang natuwa ang kasama ko sa nakita naming laptop table with built in cooling fan with coffee cup holder. Sa sobrang tuwa nya, tuwa na may matching dahas, SNAP! natanggal nya yung coffee cup holder... ang bilis naming nawala at di na bumalik muli.

Pero kahit ganun ang impression, maraming tao pa rin ang satisfied sa products ng CD-R King. May nabasa nga akong thread sa PEX, mga personal experiences ng mga buyers ng CD-R King, sabi nila mas tumatagal pa daw yung mga nabili nila keysa sa "branded" products. Sabe?

Sinasanay ko na ang sarili ko na huwag magulat sa mga innovations ng CD-R King at tanggapin na lang na unti-unti silang nagiging pioneer sa mga products, from computer accessories to never-heard-of products to simply weird inventions (USB Fridge! meron pramis!).

Darating ang araw... ang CD-R King may magiging household name. Magmula sa tyane hanggang do-it-yourself sex change kit hanggang sa USB powered time machine... Sasakay tayo ng tren sa MRT... na ang tatak ay CD-R King. Itatak nyo yan sa bato gamit ang stylus pen (also available at CD-R King).

Lahat ng kailangan natin nasa CD-R King.

At kung wala sa CD-R King...

It doesn't exist.




Nga pala, yung mga pics kinuha ko sa www.cdrking.com except yung tsismosang bangus.

53 comments. Post your comment here.:

Diamond R said...

dalawang beses na as in dalawang beses pa lang ako bumili diyan sa CD-R sa farmers Plaza brance may address din at sa dami ng bumibili naalala ko kailangan may number ka.Tama? ang lufet.

Bino said...

may cdr king tv at laptop na din sila. may mga matitibay naman na tinda sa cdr king. yung tipong hindi dispoable lol

Dino said...

Hindi ako nagulat sa cdr-king na bangus kasi may nabibili nun dito sa middle-east with similar packaging nakalimutan ko lang ung brand, kaya siguro naisipan gawin joke. share lang lol!

tadong daniel said...

nagulat din ako minsang napadaan ako sa cdr king. iba't iba na ang mga mabibili sa murang halaga. parang divisoria lang sila ngayon. haha

Will said...

"At kung wala sa CD-R King...

It doesn't exist."

Magandang slogan yan after a few years, kapag marami na sila talagang products.

Ang saya ngang interview ng product manager o kung sino man ang in-charge sa pag-iisip ng gagawing produkto. Para kasing lasing sila habang nagmemeeting ganyan.

Kol Me Empi said...

Totoo? May food na sila? Baka joke lang yan.

khantotantra said...

pag mapapadaan ka sa cdr-king halos di mo na makikita yung multi-designed cd/dvd nila. At parang wala na bumibili nun... mga kung ano-anong anik-anik na ang nabibili, cables, chargers, laptaop tables.

napapamura din me while seeing yung mga items... yung mapapa-potragis ka. hahah

JaY RuLeZ said...

tawa ako ng tawa hahaaha.

ewan.lol

riChie said...

ako basta kailangan ko ng gamit para sa pc o kaht anong electronics na alam kong meron ang CD-R King ito ang una kong pinupuntahan pero pag wala dun palang akong maghahanap ng ibang store. hehe

akoaysalbahe said...

ang hinala ko is ganito: ini-import lang ng cd-r king ung mga products from china then saka nila lalagyan ng sarili nilang packaging/branding. madami din sa mga product nila ang counterfeit (remember yung "branded" na blank cds worth 5 petots?). etong mga products na to, kinopya lang din ng china from all over the world. okay naman ang quality ng iba pero nakakapagduda talaga ang karamihan.

Otakore Literantadodist said...

Minsan makapag'trip nga, tatanungin ko kung meron silang CD-R King enlarger =))

LJ said...

susme... promotion ba ito? joke... well, astig nga ang cdr king, kulang nalang ata bahay at lupa ang ibenta nila...

Superjaid said...

paid advertisement ata to. wahaha

lahat ata tayo may gamit na galing sa cd-r king =D

Goyo said...

Sa CD-R King sa Starmall sa Edsa (mukhang uso ang kumpletong address, e) may nakita akong mug dati. :(

olyabut said...

binayaran ka ng CD-R King, I swear.... hahaha!
At malamang ung ginamit na pangslash ng bag mo ay nanggaling din sa CD-R King, MRT Ayala Station. =p
(posted using a CD-R King wireless keyboard and mouse combo bought at CD-R King SaveMore Nagtahan)

bien said...

kabog ang tagline ng SM

Ungaz said...

huwaw!lumelebel up ang CD-R king....shunalo ang banguz kung nagktaon!baka pwdng isaksak sa computer thru USB at mluluto na.hahahaha!asa..

nice one idol!

T.R.Aurelius said...

di na rin cguro malayo na magkaroon ng DLSR dun hehe

Dhianz said...

kaw atah ang spokeman nang CD-R King na yan eh... dunno that brand.. pinas lang atah... anyhoo... napadaan... ingatz glentot! mwahugz Godbless!

iya_khin said...

naglevel up kana pala ngayon glen!!! endorser kana din pala! heheheh! di ko din alam yang brand na yan, pero panalo sa bangus ha!! hehehe

mots said...

bad trip lang ang pila sa cd-r king. ahah

may tv, ref, saka aircon din sila nung last kong punta. oha

kukunin na nila ang "we've got it all for you" ng sm supermalls

KUMAGCOW said...

eh why naman are you looking for vibrators... ikaw ah LOL

aajao said...

next na ang CD-R King car battery! :P

PS. hindi ako robot. anyway, ang comment code na dapat kong i-enter ay 1-4-3-c-d-r-king. JOKE! :D

gillboard said...

imper, may nagdala sa office nung vacuum medyo useful siya. pantanggal ng dumi sa keyboard.

pero nakakagulat nga ang mga makikitang pwedeng bilhin sa CD-R King.

ang galing.

chilaxjukebox said...

may mga maayos naman silang products, siguro lang mas maraming hindi :D swerte lang ako at halos lahat ng nabili ko dun e nagtatagal, especially itong usb powered electricfan na pinauso ko dito sa office. lols! hehehehe...

next kong balang bilihin ung refrigerator!

ComfortablyNumb said...

Agree ko ke Mots..

ung CDR-King d2 sa cebu sobrang kumpleto din.. pati microwave oven pinatulan na.. pati CCTV camera meon na din.. libro nalang ata wula cla..

meon din mga items na mpapa "DAFAQ! meon pla nun!!" ka..

kumpleto na month ko dahil nabuhay ka nnman!!

=b

Jenny said...

Duda ko binayaran ka Glen(n) ng CD-R king no? Hahaha natawa ko sa "Isa't kalahating dougie lang" nasa CD-r king ka na! kaloka! Haha, pati bumbilya meron nga sila?? Well anywawy, mejo suki kami ng cd-r king ha, ay si papa lang pala, kasi ako sabi ko sa kanya mas gusto kong bumili sa iba kasi mejo madali ngang masira. Pero gayan mo una ko ding nabili jan yung blank cd, okay naman sya. tapos kung anu-ano na, lately bumili nga si papa ng keyboard, tapos mga ilang days nabura na yung print ng letters, pinagbintangan ba naman ako ng tatay ko, ang haba haba daw kasi ng nails ko, tuloy nagasgas at nabura yung letters A and S, may gulay! Sabi ko kasi nga, CD-R king mo yan binilli, bat naman yung ginagamit ko sa office di nabura?? kalerkey, sana may tinda na rin silang nail-cutter, makabili minsan. I bet, baka next time meron narin silang tindang Make-up, sapatos, at fashionable bags! Oha! San ka pa! Baka pati nuclear bomb, magproduce na sila soon! Bongga!

McRICH said...

Pero ang sungit ng tindera nila sa sm bicutan branch ha at balita ko kahit saang branch ganon din, made in the phils ba ang cdrking prods? Glad your back!

KULAPITOT said...

hahaahaha ankulet namn nito!

k0tz said...

baka next time may mga under garments nang kasama? hahaha.
ang kulit! nagulat nga ako everytime napupunta ako sa store nila. in fair view kompleto talaga sila! hahaha

SunnyToast said...

hahaha...Lahat na yata meron sila:)

Salamat sa post na 2...ang boring kc dito sa office...grh puro chinese ang naririnig ko nag kwenthn..hahaha!

tabian said...

paid ad ba ito glentot?

naamaze nga din ako kasi may laptop na sila complete with kachuvahan specs galore...
bumili ako ng wireless mouse sa kanila, ayush naman pero pagkatapos ng warranty period eh kahit palitan ko ng battery hindi na umandar..coincidence?

KikomaxXx said...

hahah kahit kailan at di ka parin kumukupas ngayon trip mo naman andoy itong cd rking.. hahaha hanep...

YOW said...

Ewan ko pero tawang tawa ako lalo na sa mga mura mo. HAHAHAHA. Nakakagulat nga naman, very innovative ang CD-R King... of Innovation. LOL. I think, ang future ng economy ng Pilipinas ay nakasalalay sa CD-R.

Anonymous said...

WALANG KWENTA!

Jaderated said...

hahaha kulet! di ako bumibili sa CD-R king, nag nenenok lang ako ng mga CD nila na number. hahaha.

mommyJunkie said...

Dapat may bayad ang cd-r king sayo dahil na feature sila sa blog mo.hehehe.Di na ko magugulat kung magkaka cdR coffee 3 in 1 with gluta and kojic. Namiss ko tong blog mo=)

Anonymous said...

hay salamat nabuhay ka ulit!kumusta naman yung once a month post mo?so next post mo either july or august na?hihi

panalo yung "isa't kalahating dougie lang nasa CD-R King ka na!"
wahahahaha panalo ka tlga glentot!

- no.1 fan

nyabach0i said...

tangina natawa ako sa bangus. nagaantay na nga ako ng CD-R toiletries. yung mga tipong napkin. namiss ko ang blog mo ah!

VeeBee said...

natawa ako sa DIY Tranny kit hahahaha... maraming matutuwa jan... malulugi ang Thailand sa Pilipinas pag nagkataon buwahahaha!

Olivr said...

Inangkin na talaga nila lahat. Soon, dealer na rin sila ng house and lot.

bagotilyo said...

inuunti unti na ng CD R king ang pagsakop sa sangkatauhan ..hehehe

mjomesa said...

everything else is made in china...cd-r king naman version natin....


musta na? mwahchupa....

Prinsesa Purakikinang said...

Pura loves CDR King :) Nice post.

R.A. Laborera said...

malay natin may CD-R King Cinema na! kalurks!

Marjorie Gavan said...

grabe ang dami ko na namang tawa dito hahaha....
especially this...

"do-it-yourself sex change kit "

pag magkaroon nyan ang cd-r king tatumbling ako from makati to cubao, LOL. siguro naman matutuwa na ang cd-r king nito, libreng promotion!

fave ko din puntahan ang cd-r king for inexpensive computer items like mouse, yun nga lang di talaga ganun kaganda ang quality.

Overthinker Palaboy said...

syempre matutulog nako dapat. pambihirang do it yourself sex change na yan. nawala ang antok ko. nakatatlong sako ako ng tawa.

hitokirihoshi Jr said...

ang tawa ko sa bangus! hindi ako makapaniwala na magkakaroon sila nyan.

pero totoo halos lahat pinapasok na nila. kaloka lang much. may nabili akong laptop table sa kanila, hindi ko pa nagagamit. para kasing pag ginamit mo minsan, hindi na mauulit. hehehe

pero karamihan ng binibili kong pc related sa kanila. pag nasira sa iba na lang ako. eh wala pa naman so far.

Gino Lamberto said...

May mga Bags and School Supplies na rin sila hahaha ang Kulit lang..Ang taba ng utak!! kso yung mga Eployee nila kada branch consistent Not Higher than 5 tpos may Number System pa!! Amp..ubos oras sa pila, para rides lng sa Star City ang datingan. :))

SeƱor Iskwater said...

kewl...

chingoy, the great chef wannabe said...

sobrang tawa ko sa upes! :))

Bulingit said...

hahaha! ang lupet ng bangus! parang gusto ko yatang makatikim ng CDR-king na bangus kung maging totoo man. baka lasang usb.. hahaha

Senyor Iskwater said...

sana may part two ang posts na ito... the last tym i isited cdr king...naalala ko itong post na itooo

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding