boots with the fur

So last month on a hot Wednesday night, patungo na ako sa pabrika kung saan ako namamasukan bilang taga-habi ng foot rug (night shift ako para may night diff) nang mapasakay ako sa jeep. Nung malapit nang mapuno yung jeep may sumakay na isang Ate na agaw atensyon.

Actually antok na antok ako nun pero napadilat talaga ang mata ko nang makita ko sya at dahil iyon sa kanyang outfit. Ang kanyang kasuotan nung gabing iyon ay jacket with hood, ang kanyang panloob ay shirt with plunging neckline kaya litaw na litaw ang kanyang Cleveland, Ohio at black leggings.

Lahat ng tao sa jeep ay init na init sa sobrang alinsangan ngunit hindi iyon alintana ni ate. Ginawin lang siguro talaga sya. Akala ko yun na yun, nang biglang mapadako ang paningin ko sa kanyang pang-ibaba at minasdan ang kanyang Uggs boots with the fur.

Hindi pala ginawin si Ate. Isa syang Eskimo. Parang any moment eh makakakita ako ng igloo.

Like everybody in the jeep, naiinitan rin si Ate pero hindi nya yata napag-connect na ang dahilan ng init nya ay ang kanyang jacket. Hindi nya talaga hinubad. Kasi nga naman baka kapag hinubad nya, ginawin naman sya bigla dahil exposed ang 50% ng kanyang mammary glands.

Nagtulug-tulugan ako pero palihim kong sinusulyapan si Ate at ine-estimate kung hanggang saan ang kakayanin ng kanyang make-up. Nalulusaw na kasi at dumadaloy na sa kanyang leeg patungo sa Cleveland, Ohio nya. Tingin ko talaga eh ilang minuto pa malulusaw na ang mukha ni Ate.

Napaisip ako. Ano kaya ang papel na ginagampanan ni Ate sa mundong ito? Ano ang sumpang hatid ng mga kuko nyang may nail polish na Very Puta Red ang color? Sya ba ang naglalakad na paalala ng global warming?

Mali ang magjudge ng tao ayon sa kanyang kasuotan. Porke naka-Eskimo outfit sa tag-init, dapat na ba syang husgahan? For all we know, baka galing sya sa isang cosplay event o di kaya sobrang lamig sa kanilang office kaya suot nya na ang proteksyon sa lamig kahit malayo pa sya sa office building.

Naalala ko tuloy bigla yung isang shemale na nakita ko noon sa MRT. Ang init init rin noong gabing yung at si Kuyang shemale ay nagdesisyong lumabas ng bahay at humarap sa mundo na ganito ang suot:


Yup, shades yung nakapatong sa hood ni Kuya. Hindi ko pa rin naiintindihan hanggang ngayon kung bakit may shades sya dun. Hindi ko rin maalala kung ano ang nagtulak sa akin para kunan sya ng picture.

Peace be with you. And also with you.

57 comments. Post your comment here.:

Hustin said...

walang pic si ate sa jeep? hehe

Baka may lagnat sila pareho kaya kelangan pawisan para fit to work parin. hehe :D

Bino said...

baka cosplayer sya? ehehehe. hanep ang fashion style :D

Rah said...

Papansin tong shemale na to, at successful naman siya so far. :) nupublish ang kanyang fazzione, parang Lookbook lang :)

Sana may picture ka din ni miss na labas ang 50% ng Cleveland, OH! Hayown! niya. :)

T.R.Aurelius said...

baka tlgang ginawin dhel sa lamig nitong mga nagdaang araw, hehe

Overthinker Palaboy said...

Hindi pala ginawin si Ate. Isa syang Eskimo. Parang any moment eh makakakita ako ng igloo.

HAHAHAHAHA. Isang sako ang tawa ko dito.

tabian said...

pigil na pigil ang buhakhak ko..WAHAHAHAHAHAHA

paniguradong may waterfalls na nagaganap sa kili-kili ni ate...at sa shemale, feel ko lang magkachukaran sila ni ate!

riChie said...

maganda ba yung Cleveland, Ohio?

SweetIsh said...

Naligaw ata si ate... LOL! Nakalimutan niya kung saan ang sakay papunta sa Alaska... Dami ko talagang taw... :)

mjomesa said...

giniginaw lng po..

mike said...

i don't get it. the way you describe ate and looking at kuya shemale pix, it's just amazing how can they tolerate the heat...or not.

Will said...

Matitinding sacrifices for the sake of porma... hehe

akoaysalbahe said...

sayang, walang pic ng cleavage. haha!

Superjaid said...

haha di yan cosplayer sagwa ng outfit nya kung cosplayer siya. haha anyway..kakaloka pumorma. sagwa talaga.

eMPoi said...

sana naman nakuhanan mo ng picture ang Cleveland, Ohio. Lol

jep buendia said...

baka tiis ganda lang si ate dun sa jeep...
dun sa shemale... hayaan na natin siya, ginusto niya yan eh :)

Jenny said...

Ayun may bago ng post. Haha baka nga galing sa cosplay si ateh! Kaya lang may pamporma ng ganon pero walang pambayad man lang sa taxi o fx. Di ba sana nagaircon nalang sya para di agaw pansin. Sabi na nanay ko Glen baka daw may trangkaso lang. Baka lamigin e. haha Infairness ha gusto ko yung furry boots ni shemale, love the color lakas makapastel. with balls pa yung boots. haha Nilalamig sya pero need nya ng shades. Hmm. Pati talaga tao aperktado na ng global warming. Kapag mainit nakaWinter outfit. Kapat malamig summer outfit ang peg. Buhay nga naman.

Dorm Boy said...

Akala ko si Ate na yung nasa picture. Mabilis kasi mata ko mapadpad muna sa picture before ko basahin ang isang blog post. Anyways sana naman nakayanan ni Ate ang init!

Cguro ganun lang talaga Fashion Statement nila. Minsan misstated hehehe!

khantotantra said...

wag nating husgahan... hahahahahahha...

baka nga super duper lamig lang sa pinanggalingan kaya todo effort sa suot.

Taragis yung pic ah....hindi masyadong mabalahibo ang boots :D

Nate said...

ahahahahahah! :p

Kamilkshake said...

Jusko glentot.. nananahimik ang buong baranggay,... pinatawa mo na naman ako dito.. hahahahha

Grabe..ano nga ba ang ginagampanan niya.. baka galing sa ukay lahat or baka may kamag-anak na nagpadala.. o baka naman siya yung galing sa ibang bansa.. hindi pa niya carry mga damit dito.. hahahaha

sayang walang picture.. baka hindi mag-maintain sa utak ko ang katatawanan na toh hahaha

KULAPITOT said...

lakas makabaguio ang peg!

Pink Line said...

baka may igloo sa pinanggalingan ni ate..trip ko yun boots ni shemale fave ko ang pink eh..

Traveliztera said...

dapat naman daw kasi mauso na dyan yung winter clothes... nakakapanghinayang kasi hindi bumebenta mga ganyan dyan-- baka yun yung gusto nyang ipromote sa pinas: yung matanggap ang pagsuot ng winter clothes bilang normal... marami rin kasing binebenta dyan na winter clothes pero di naman magamit hahahaha

Mr. Chan said...

LOL.

bka nagppromote lng si ate ng clean and green program kaya nililinis niya ang kalsada gamit ang ang kanyang boots with a furrr.

andami kong tawa sa very puta red. ahahahahahahahahaha!

Ungaz said...

"apple bottom jeans & bootch wid a pur" nakakamiss si Greta at Yow na kumakanta niyan...bwhahahahaha!!!!

Hindi nakainom ng gamot si ate kaya ganon.nacompyus masyado.kung ano nalang maisuot.LOL!

bien said...

wow, fasheen before comfort!

baka mandurukot si ate, style nya para madistract ang mga laitero't laitera

Anonymous said...

Hi Glen, wala bang "share" button yun mga articles mo dito, para ma share namin sa fb. salamat

Ely said...

@anonymous, kunin mo na lang ung link ng post, then share it on FB.

ako talaga sumagot? (epal lang).

KikomaxXx said...

wagas ang winter outfit ng mga ating.. hahaha sa kasagsagan ng tag-init babe nag fur.. hahaha

McRICH said...

Nyahaha sayang dapat may pic din ang Cleveland Ohio!

nyabach0i said...

ok naman suot niya ha? JOKE! hahaha. shet sana andiyan ako ng mga oras na yan.

k0tz said...

glentot sana nagpapicture ka kasama si ate with her Cleveland. hahaha.. ang hanep! baka galing States si ate? nagbakasyon lang sya. or maybe Alaska? at yun lang ang mga dala nyang damit dito? hahaha. kesa naman mamili pa sya diba? hahaha.

k0tz said...

btw. nung summer nga talaga.. nagtataka ako bakit ang daming tao na naka boots. babae at bading (no offense) ngayon na tag-ulan puro naman naka slippers? hahaha.

Jepoy said...

puki mo may kulani.

Marjorie Gavan said...

sayang wala ding pic si ate eh di sana nakapag-spot the difference na tayo hahaha...

gillboard said...

iba na talaga ang dala ng climate change... lol

Whang said...

nagbasa lang ako, parang ako ang naiinitan ^^

KUMAGCOW said...

isipin mo na lang ang kukurikapoo ni ateng may cleveland ohio! mas kadiri yun haha

Ang Maniniyot said...

Ang tagal ko nang nagbabasa ng blog mo at time to time binubuksan kung may update at siguro last week ko lang naisipang magbackread from the very beginning. Sobrang kawawa talaga si Khikhi sayo. :D Pero gaya nga ng sabi mo, binuburaut niya rin buhay mo. Pero para na kayong labteam niyan Glen! Nakakatuwa talaga blog mo. Nakabookmark to kahit sa phone ko. Hehe. Anyway, mag-aantay lang ako nang mag-aantay ng mga updates mula sayo. Good luck!!!

JaY RuLeZ said...

baka si donnie ray yan :) piz..


baka ganun talaga magporma si ateng :)

YOW said...

HAHAHAHA. Ilang beses mo ng nakita ang Cleveland, Ohio! Daig mo pa ako. Wag nga kasi tayong mapanghusga, baka attire nila yan sa trabaho. Sa planta ng yelo o kaya tagabenta sila ng halo-halo para in character ang pag-kadkad niya ng yelo. No shattering of trip!

imurgurl said...

My endless blog hopping is totally worth it because it brought me here. Naks! hehe. Pinagpupuyatan kong mag backread infernez to me. This is such a fun read. I'm now an official follower! :)

bagotilyo said...

isa siyang alien .. isa isa niyang dinadakip ang mga tao at nilalagay sa mala igloo niyang UFO .haha

bagotilyo said...

isa siyang alien .. isa isa niyang dinadakip ang mga tao at nilalagay sa mala igloo niyang UFO .haha

Jag said...

Malay mo mag o-audition si ate sa isang show or something hehe...pero mas matutuwa ako kung nagpapicture ka dun sa Cleveland Ohio na yun LOL...

Jake said...

Trip nya lng tlga siguro haha

Overthinker Palaboy said...

nagbaback-read ako syempre sa sulat ng idol ko. grabe ang visual representation ng ngipin ni basuka. grabe talaga.

^_^ wReY and R0bbY said...

hahaha!!! Gusto ko sanang makita piktyur ni ateng cosplayer! hehehe! ヅ

P.S. You may want to visit our blog & we'd love it more if we follow each other! ヅ

http://fashionmoto.blogspot.com

SunnyToast said...

ikaw tlga! dedmahin mo nalang....gusto mag fashyn ni ate eh!

mommyjunkie said...

Taray ni ate may sariling weather. =D Naloka naman ako sa Cleveland,Ohio buti naghello.

sin at work said...

alam ko ang sagot kung bakit ganun si ate!

galing s'ya sa bday inom ng kanyang jowang gwapo, at dahil alam n'yang gwapo ito eh nagplunging neckline sya para duon lang sa cleveland ohio n'ya tumutok ang kanyang jowa at hindi sa mga girlalu na pumapaligid sa kanya na parang vultures. at dinagdagan pa nya ng puta red nail polish para ipakita n'ya sa mga vulture girls na war mode sya anytime may dumampi sa cadaver ng kanyang jowang gwapo.

eh si kuya naman, ayaw n'yang makitang ganun ang suot ni girl, nalalaswaan daw s'ya kuno, so ayun ipinahiram ni kuya ang kanyang hoodie sa girl at pinauwi. sinabihan na hindi s'ya pwede magstay at uminom kung hindi s'ya magpapalit ng disenteng kasuotan worthy of being called the modern maria clara.

so si girl hala takbo agad at sakay ng jeep. so ang tanong, bakit hindi n'ya tanggalin ang kanyang hoodie sa jeep? kasi bukod sa plunging neckline eh backless pa ito.

chos lang. LOL

(oo sige na, nasayang ko ang 2 minutes ng buhay ng mga nagbasa nito lol charot)

Olivr said...
This comment has been removed by the author.
Archieviner said...

LOL nagdesisyon akong magbasa ng mga previous blog mo. eto agad ang nabasa ko si ate na taga eskimo. dami kong tawa dito. :P

Abbey Garcia said...

baka mga endorser sila para ma uso sa pinas at mapatunayan na ang fur ay in kahit anung season. =)

jobologist said...

super blog hopping mode ako kanina...pero na tigil na ako dito sa blog mo...pwede kang magbenta ng aliw per kilo!

jobologist said...

super blog hopping mode ako kanina...pero na tigil na ako dito sa blog mo...pwede kang magbenta ng aliw per kilo!

June | Life and Spices said...

Lakas ng trip ha...hahaha... sa MRT talaga different walks of Life nag mimeet. Pero nakaktakot to,..ikaw ang iinitan sa suot nya

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding