disgrasya

Nangyari ito noong September 12 2012, ganap na alas sais ng umaga. Pauwi na ako nun galing sa trabaho at pagdating ko sa kanto namin ay may nasaksihan akong isang aksidente. May lalaking nakamotor at may angkas na babae ang nabunggo ng isang kotse mula sa likuran. Napatumba yung motor at nalaglag ang dalawang sakay nito. Napahiga sila habang dumadausdos sa semento. Buti naka-helmet sila.

Napanganga na lang ako sa nasaksihan ko at napacover ng mouth with my hands. Nashock ako eh bakit ba?

Pagkabangon ng lalaking nakamotor, ang una nyang ginawa ay ibinangon ang babae at itinabi sa sidewalk, sa tabi ko.Tapos tinanong nya yung babae, "OK ka lang? OK ka lang?"

May isang babae na nagwawalis sa sidewalk ang biglang nagsisigaw, "Tatawag ako ng pulis! Sandali lang!" sabay hagis sa hawak nyang walis at pumasok sa loob ng bahay. Ako naman eh tinitigan maigi ang plate number ng kotse para kung sakaling takbuhan sila eh kahit papano may habol sila.

Habang nag-uusap ang lalaking nakamotor at ang driver ng kotse (na hindi bumaba sa sasakyan) eh kinausap ko yung babae at sabi ko sa kanya "Miss tandaan nyo yung plate number" kaso habang kinakausap ko sya eh yung mata nya parang duling na. Siguro nashock sya. Ako nga na onlooker lang nashock eh sya pa kaya. Parang hindi nagregister yung sinabi ko sa kanya.

Hindi naman sila tinakbuhan ng nakakotse at pabalik na yung babaeng tumawag sa pulis kaya dumiretso na ako pauwi sa amin.

Kahit napakapangit ng kaganapan na ito eh meron akong nakitang maganda. May nakita akong magandang halimbawa ng pagmamalasakit, responsibilidad, at pagmamahal. LOL.

So bakit "Disgrasya" ang title nito?

Kasi bago ako makarating sa bahay may nadaanan pa akong dalawang asong nagme-makelove. Tingin ko eh menor de edad pa yung asong babae and I don't think they were using protection. May malaking chance na ma-disgrasya sya nung asong lalaki, tapos iiwan din lang sya...

The End.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding