facestalk

Hey kids! Bilang isang retired stalker, nais kong ibahagi ang aking konting kaalaman pagdating sa pangangalap ng impormasyon ukol sa kung sino man ang inyong kinahuhumalingan sa Facebook. Ikaw ba ay isang frustrated lover na ligaw-tingin? Sya ba ang laman ng bawat pintig ng iyong reproductive organs, pero hindi nya dapat malaman? Ikaw ba ay isang ex na nagpapanggap na wala nang pakialam, pero mahal na mahal mo pa rin sya? If YES then this post is for you!

Nabanggit ko kanina na retired na ako dahil hindi ko na ito gawain, at dahil nga itinigil ko na eh handa na akong ipamana ang aking nalalaman sa susunod na salinlahi, at sana ay makatulong ito sa inyong maiitim na balak.


#1 Potah nakaprivate lahat ng pics nya, paano na to???

Let's say na yung crush mo sa school o sa office eh nakaprivate lahat ng pictures at wala ka man lang makita ni isa na pwede mong ipa-print for "personal use." Ang pinakamadaling solusyon dito ay nasa profile ng kanyang nanay.

Kung alam mo ang profile ng  nanay nya, dun ka tumingin. Mothers are typically proud of their children, kaya malamang meron silang 1,082 albums ng mga pictures ng mga anak nila. At may tendency rin ang parents na hindi na alamin ang privacy settings ng Facebook kaya naka-public ang lahat ng albums. Upload lang nang upload ganun.

Yung crush ko noon na ayaw magpost ng pics sa FB eh naisahan ko sa ganitong paraan. Kung anong private nya, sya namang buyangyang ng nanay nya. Ultimo pictures ng interior ng bahay nila eh nakapost sa Facebook. Ayaw paawat. So hindi lamang ako nakakalap ng pictures ng crush ko, alam ko na rin ang pasikot-sikot sa kanilang tahanan, mula sa front door hanggang sa kanyang kwarto LOL.

DISCLAIMER: For obvious reasons hindi ka lagi magtatagumpay sa paraang ito. Lalo na kung walang panahon ang nanay nya na magcamwhore sa FB. Kung ganun, try mo ang bunso nyang kapatid.

ON THE OTHER HAND: Sana ay magsilbi itong lesson sa mga babae (at oo pati mga lalaki) na sadyang camwhore sa FB. Hindi nyo alam kung ano ang ginagawa ng mga tao sa inyong mga pics. Pwedeng nakaka-"forty calls" sila araw-araw sa kakatitig sa pics nyo sa Boracay. At kahit anong privacy feature ang i-on mo kung nakadisplay naman ang pics mo sa profile ng ibang tao, then useless. Know your friends!

#2  Gusto ko syang makita "by accident". Saan kaya ang usual hangouts nya?

Ang kasagutan ay nasa maps. Eto eh hindi ko naman masyadong pinapansin pero helpful ito para malaman kung saan ang paborito nyang mall. Pwede rin mga status nya. Pag-aralan maigi kung anong oras at saan sya nagchecheck-in. Maaari mong paghandaan ang "accidental" na pagkakasalubong nyo which could lead to many things. "Uy nandito ka pala! Wanna grab some coffee?" ganyan.

Halimbawa naman, nakita mong status nya ay "Walking alone!" tapos ang location ay "Kamagong Street", na alam mong isang madilim na eskinita... Ano pa ang hinihintay mo? Grab the chance! Ihanda na ang choloroform at sako LOL HOY JOKE LANG.

DISCLAIMER: May mga nagchecheck-in sa mga kalokohang places like "Pacific Ocean" o kaya "Moon". Huwag agad maniwala.

ON THE OTHER HAND: Sana marealize rin ng mga taong mahilig mag-turn on ng location na pwede itong gamitin to do them harm. Maswerte ka kung stalker lang ang nagbabantay sa maps mo. Paano kung ang naka-abang sa bawat check in mo ay isang kriminal na nagbabalak kang gawan ng masama, rape included? Hindi lahat ng bagay ay dapat i-share online. Like puday.


#3 What if nag-away kami at kailangan kong magpanggap na wala na akong pakialam sa kanya pero araw-araw kong gustong makibalita sa kanyang whereabouts dahil sya pa rin ang itinitibok ng aking... puso? at dahil nga nag-away kami ay malamang i-unfriend nya na ako! shet!

Ang kasagutan: i-block mo sya! Agad-agad! Now na!

Ganito kasi yun. Kapag blinock mo ang isang Facebook friend, hindi ka makikita ng taong blinock mo. Bigla kang maglalaho, at hindi ka nya pwede i-restrict, i-unfriend o i-block rin. Basically you don't exist, so wala syang magagawa sa iyo. This means you have all the control. Dahil hindi ka nya mahanap, malamang malimutan nya na nandiyan ka lang sa tabi-tabi, nag-aabang... parang aswang lang.

Kaya dapat matapos na matapos ang away nyo, bago ang lahat, ang una mong gawin ay maglogin sa FB at i-block sya. Dapat ma-block mo sya bago ka pa nya ma-block.

Kapag gusto mo na uli titigan ang kanyang Facebook profile, in-unblock mo lang sya. Friends pa rin kayo, at kung ano ang nakikita mo sa profile nya bago mo sya i-block eh makikita mo pa rin. Ang una mong tignan ay ang relationship status at kung may nakalagay na "In a relationship with". Tapos check mo kung (mas)panget ang ipinalit nya sayo.

Kung gagawin mo ito, mangyaring i-unblock sya sa dis-oras ng gabi o kung kelan ang alam mong hindi sya nakalogin sa FB. Gamitin ang oras na ito para makakalap ng gusto mong impormasyon.

At dahil hindi naman nya alam na online ka, hindi ka nya marestrict, unfriend o block habang pinagpipiyestahan mo ang kanyang wall. At pag nakalap mo na lahat ng kailangan mo, i-block mo na sya uli. Pakatandaan lamang na hindi ka dapat nya makita online, dahil kapag nakatunog sya at ikaw naman ang blinock nya, then game over.

DISCLAIMER Hindi ko alam if this still works dahil napakatagal na nung huli ko itong nagawa.

OK UPDATE: Ngayon raw pag blinock mo ang isang tao, automatically hindi na kayo friends. Dati kasi, pag-inunblock mo sya, friends pa rin kayo. So I'm not sure if this still works. Testing ko. Mai-block nga si Khikhi

UPDATE ULI: Sa halip na i-block sya, ang maaari mong gawin ay i-deactivate ang iyong account. Hindi ka nya ma-unfriend at ma-block, at kapag handa ka nang i-stalk sya, ireactivate mo lamang ang iyong account at lapastanganin ang kanyang profile nang hindi nya nalalaman.

ON THE OTHER HAND: No amount of cyberstalking will equal a real interaction. Kausapin mo na sya. Yung masinsinan. At magbaon ng vetsin.

Yan lang naman ang maibabahagi ko at hindi ko sinisigurado na they all work 100% at hindi ko rin maipapangako na ang resulta eh ayon sa pangarap mo. But you can always try.

OK thanks goodbye.

DISCLAIMER ULI: Hindi po seryoso ang tae-taeng post na ito at hindi ko po pinopromote ang rape, violence and acts of lasciviousness. I only promote love, peace, harmony and necking...

WHAT ABOUT YOU? May nalalaman ka bang tips kung paano gamitin ang Facebook sa maling paraan upang mang-stalk? Tell us! Sharing na to.

45 comments. Post your comment here.:

Bino said...

patok ang mga tips lalo na ung check in hehehe. long time no post! namiss ko ang blog mo :D

KUMAGCOW said...

Honestly glennglenn, you are a whore LOL

Pati pag stalk tintuturo mo sa iba, alam naman ng lahat na ikaw ang hari nyan... so hindi naman ito joke eh, this is based from your lifestory LOL

welcome back! :)

caloy said...

once na i-block and unblock mo ang isang tao, di mo na siya friend. at given na may privacy settings siya, dj mo magagawa yung pagkuha ng info

khantotantra said...

kahit na pangilan ngilan ang post mo, wala pa ding kupas ang laugh trip!!!

Tengene... grab the chance talaga kapag nag check in sa madilim na lugar.

pede din pang blackmail ang mga check-ins!

Overthinker Palaboy said...

ser glenn, nakakamiss ang wicked post mo. syempre nagkakalat ko ulit ng kalokohan at kawalangyaan. na may aral. haha XD

i deactivated my facebook dahil sa mga ganitong post mo. lol.

denggoy said...

dati may in-unfriend ako sa FB pero kapag may status update siya or nagpost ng bagong pics, nakikita ko pa rin. lately ko lang nadiscover na naka-"subscribe" pala ako sa kanya. pootek!

tabian said...

"forty calls" WAHAHAHAHAHA

isa ka talagang masamang nilalang glentot! chloroform? vetsin? and again forty calls...nakanang!!!

T.R.Aurelius said...

mukhang meron na akong magiging trabaho kapag nagresign ako sa office haha joke :))

tHirDy... said...

hahaha. tama to lahat.

gillboard said...

buti na lang wala akong dapat istalk. hehehe

pero tama, minsan isip ko dun sa mahilig magpost ng foursquare... sarap nilang abangan sa labas at nakawan... hehehe

Chikletz said...

I love this post! Palong palo!

Nate said...

@glentot: hahaha! #1 palang ang dami ko nang tawa.. tpos napalakas ang tawa ko sa check-in sa Moon at sa Pacific Ocean.. :))

Jenny said...

Parang this is by far the most helpful tips na nabigay mo. Nyahahaha. I mean in positive way yung mga "On the Other hand" portion. I agree! We must limit what we share on line, we still need privacy right? (Boyset, isang linggo kong inipon yung sentence na yan Glen[n]!) haha. Kaya ako di ako nagpopost ng mga pictures ko na nakabikini or whatsoever, baka mamuhi ang tao sa akin at kapootan ako habambuhay.
Pero the best to' : "ON THE OTHER HAND: No amount of cyberstalking will equal a real interaction. Kausapin mo na sya. Yung masinsinan. At magbaon ng vetsin. " Ano nga palang kinalaman ng Vetsin?
Well balik dun sa topic, nagawa ko na yung Number 1. Wag kang maingay ha, yung number 1 nagawa ko yan dahil sa pilit ko talagang inaalam kung sino ang Mgaepal.com. haha it was a long story though, pero successful naman! Yung sa number 2 ayokong gawin yan kasi parang frustrated naman ako masyado. haha Nice tips yo! More post!

The Gasoline Dude™ said...

Ikaw na ang may Doctorate Degree sa Cyberstalking.

k0tz said...

"bawat pintig ng iyong reproductive organs" at bakit reproductive organ? hahaha. ang kulit!

Try mo rin gumawa ng fake accounts, then ifriend mo ang friends nya. d kaya add mo sya as friend dun. kung shushunga-shunga sya e aaccept nya yun. hahaha. af viola! pwede kana magstalk!!! nagawa ko na to dati to investigate. Chos!

LJ said...

Hindi ako mahihiyang sabihin na nagawa ko ng mag stalk ng tao sa FB. Hmm...

Naka private din ang profile niya.

Pero iba ang ginawa ko e. Nung napansin ko na may mutual friends kami, hinanap ko siya dun sa page ng mutual friend namin. Ayun, may nakita akong picture niya, at download agad. Ang sunod na nangyari, ayun, wallpaper na siya ng phone ko. LOL.

Pero totoo nga, pag binlock ka niya, block ka na forever.

Very informative post, Glenn. :D

McRICH said...

Uy chloroform madami kami nyan sa lab sabihan mo lang ako kung sakaling kailanganin mo (kahit sabi mo e graduate ka na sa ganito hihi)!

Anonymous said...

papy glen..thanks sa mga stalking advice... dba sa rcbc ka nag work tower 1 o tower 2 hmmnn sa _ _ _ floor sa call cnter na ang acount ay _ _ _ _ _ _... hahaha ikaw na next ko stalk actually ang suot mo kagabi ay..... mwahchupa!!! lols

SweetIsh said...

OMG! Kuya Glentot natawa talaga ako sa entry na ito...tamang tama ako ah... I used to be an online stalker... minsan pa nga iaadd ko yung mga friends ng crush ko para makita nya na may mutual friends kami and if hes gullible enough iaaccept nya friend request ko,,,hahahaha! but those were the days...lol!

citybuoy said...

"No amount of cyberstalking will equal a real interaction. Kausapin mo na sya. Yung masinsinan. At magbaon ng vetsin. "

tangina ka glentot. ang bilis ng kambiyo. haha

Jag said...

Tamad ako eh kaya hindi ko din magagawa ang stalking advices mo LOL...pero susubukan ko yung mauunang magblock sa FB baka nagwowork pa until now...hehehe...

pnx said...

Nothing beats your stalking nung college tyo hehehe :p

mr.nightcrawler said...

Iyong iba, hindi nila iniisip na iyong pagpopost ng mga information na ganyan ay makakasama sa kanila lalo na at may mga masasamang taong nagview sa profiles nila. iwasan ang pagpost ng mg whereabouts saka numbers para mas safe.

lakwachera said...

haha! made me laugh... hindi ko alam pano ako napadpad dito, pero nandito na so might aswell comment diba!

nyabach0i said...

pota natawa ako sa check ang profile ng nanay. very truelagen.

akoaysalbahe said...

nyahaha! natawa ako sa chloroform. ayos ang mga tips mo sa fb. galing idol!

KULAPITOT said...

hahahahaah ...kaw na tlga author sa mga gnitong kalokohan hahahaha .. astig yung mg tips ha ... effective nagawa ko na kasi isa sa mga nyn hahahahaha

anakngtipaklong said...

nak ng. HAHAHAHA! ikaw na talaga ang master pagdating sa ganito glentot! :)))

Maniniyot said...

Wow. Ayos ah! Parang sa wikiHow lang. :) Sana gumagana pa yung block shit.

Archieviner said...

Panalo tong post na to. relate na relate. lol Teka ano yung forty calls sa no.1? Tama ba yung naiisip ko. Mag-iingat na nga rin ako sa pag checkin sa 4sq (feeling my stalker). lol

Superjaid said...

panalo sa tips. ngayon ko lang nareliaze to super useful to sana magamit ko to someday hehe

-mark- said...

wala n itong silbi ngayon, mas madaming hi-tech na paraan.. ireremote ko na lang ang modem niya ng maaccess ko mismo computer niya. kaya lang wala nang sense pa, wala na kong ganang magstalk..masarap mabuhay alone..

hash purcia said...

in fairness...dami ko natutunan sa tips mo ha... hehehe...

like your blog...

follow me @ forcehash.blogspot.com.. tnx

Ely said...

Nagawa mo lahat yan??? hehehe

Kamilkshake said...

Glentot! Lol lang! Hindi ko alam.. puro ngisi lang nagawa ko dahil hindi naman ako masaya ngayong araw.. pero kahit papaano napaligaya ako ng post mo. Inaamin ko kase na nag-stalk din naman ako sa ilang tao na..ewan ko.. binigyan ko siguro ng interest. lol. Pero anyways.. hindi ko naman ginawa ang mga kakaibang bagay na naisip mo..! kaya this post sparks my interest! chos! ang pinaka-nagpa-spark sa aking interest ay yung huli.. kase di ko alam na pwede pala gawin yun dati.. hahaha

sin at work said...

tsk tsk. sabi na nga ba master stalker ka! at inii-stalk mo si peeeeeeeeeeeep kaya napasaiyo. hahaha charot!

anyway thanks sa tips, magamit nga ito sa super crush ko na mala-aljur abrenica ang kulay, mukha at braso. mmm sarap. lol


"DISCLAIMER: May mga nagchecheck-in sa mga kalokohang places like "Pacific Ocean" o kaya "Moon". Huwag agad maniwala. "

dati nga nag-check in s'ya "sa puso mo" so ako naman wow really? sa puso ko? sheeeettttt --- tapos naexcite ako nicheck ko, oo andun nga sya pero hindi ko naman s'ya maramdaman.

charot lang!

hay naku anlakas talaga ng tama ng dragon katol at basang medyas!

- A n g e l - said...

Glentot! More more tutorial on viewing those private albums. Bwahaha! May maitim na binabalak?

jhengpot said...

pak na pak! nakatatlong tambling ako dito! Kainiz! hahaha.

Ang alam ko lang kapag viniview ko yung profile ng ex ko lagi syang nasa recent friends ko, ganyan. Kaya nung tumagal-tagal nagsawa na kong mang-stalk, tapos nakita ko lagi pa rin syang nasa recent friends ko. Sabi ng tropa ko ganun daw yun, either yung mga recent friends mo eh yung mga lagi mong vinuview o lagi kang vinuview. So ibig sabihin lagi nya rin akong vinuview kahit break it down na kami. Pero ewan ko lang kung totoo, parang ka-echosan lang din. haha

Mr. Chan said...

Pwede ba kitang tulungan sa pagpromote ng necking?! LOL

naisahan ko na ang ex ko gamit ang mga teknik na yan! hahahaha

natawa ako sa kloroform at sako. LOL

Pink Line said...

reproductive organ?vetsin?necking? wahahahaha..ano to?! :P

Olivr said...

Taob ako. mas magaling kang stalker sir!

Marjorie Gavan said...

bakit kailangan ng vetsin? parang aswang lang ang peg hahaha...

mahirap nga makipag-break, ang tendency talaga magsto-stalk ka sa fb. so ang ginagawa ko na lang di ko na muna binubuksan ang fb ko para lang di ma-unleash ang aking stalker tendencies hahaha...

Anonymous said...

Thank you for sharing. Not to many people in your position are so gracious. Your article was very poignant and understandable. It helped me to understand very clearly. Thank you for your help.

Anonymous said...

Amazing weblog! Do you might have any suggestions for aspiring writers? I'm hoping to start my own weblog soon but I'm a little lost on everything. Would you suggest starting with a totally free platform like WordPress or go for a paid option? You’ll find so several choices out there that I'm completely overwhelmed .. Any tips? Appreciate it!

Anonymous said...

claimed many people repay your lending options in timely manner and additionally without having fines
A number one financial debt charitable organization is trying may be most people looking at these for allow in excess of payday loan obligations to two bottle this particular. debts charitable claims available used the cash advance, high appeal to loans 2010. The actual charitable organization shows 3 years past how many shoppers with them ended up being minor.
strona, którą można polecić
kredyt chwilówka puławy
pożyczki prywatne
informacje na czasie
pożyczka gotówkowa bez bik
http://pozyczkanadowod24.net.pl
pożyczka przez internet dla bezrobotnych
kredyty bez bik
witryna domowa
pozyczkiprywatne.com

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding