soneva spa

Hey Kids! Mahilig ba kayo magpa-chpa? Sorry nabulol ako I mean, magpa-spa. Ako hindi masyado. Once ko pa lang nasubukan noon dun sa neighborhood spa na malapit lang sa apartment namin. Tinanong ako ni Ateng Masahista kung ano daw gusto ko, Swedish o shiatsu. Sabi ko "Te ikaw na bahala ipinapaubaya ko sa iyo ang lahat-lahat". Eh in the mood noon si Ate sa shiatsu. Nakiliti ako. Eh pag nakikiliti ako, nagiging violent ako nang hindi sinasadya. Nasipa ko si Ate sa bandang balakang/abdomen.. Hindi nya na ako kinausap simula nun. Ayun hindi na ako umulit para hindi na ako makapanakit pa.

Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon kamakailan lang eh kinontact ako ng isang kaibigan at sabing ililibre daw nya ako sa isang spa. Ako yung tipo ng tao na hindi tumatanggi sa libre so noong araw na iyon ng Sabado nagtungo ako sa Tomas Morato upang i-meet ang aking kaibigang ubod ng galante. Isa pa, kailangang-kailangan ko rin ng massage dahil pagal na ang katawang lupa ko.

Soneva Spa ang pangalan nung pinuntahan namin. Pagdating dun pinili ko agad yung pinakamahal na massage na available. Bakit ba? Libre diba? LOL. Ang pagkakaalam ko yung Soneva Elemental Jade Massage ang pinakamahal dun kaya yun na, kahit hindi ko alam kung ano yun.

So nagshower muna ako. Eh medyo dim lights yung buong lugar so nahirapan ako hanapin yung shower area. Tapos walang label yung door, or baka hindi ko lang napansin kasi nga dim lights, kaya hindi ako sure kung bathroom ba ng male o female yung napasok ko so bahala na.

Matapos mag-shower pumasok na ako dun sa private room and I took everything off... LOL syempre nag-robe naman ako para hindi obvious kay Ateng Masahista ang taglay kong alindog. Baka kasi in her 50 years of existence eh hindi pa sya nakakita ng "sarap personified" na gaya ko kaya konting discretion lang on my part. Wow haha!

Yep medyo oldie na yung napunta sa akin na masahista whose name is Beth. Mabait naman sya at conversational. Tadtad nga ng blind items ang naging usapan namin eh. Sabi nya "Sino itong isang TV personality na ang lalaki ng mga kalyo sa paa???"

Marahan naman sa paghagod si Tita Beth (Tita???) at lagi nya akong tinatanong kung "OK na ba ang preysure Ser???" Ayoko naman kasi malamog kaya gentle lang ang gusto kong setting ng hagod ni Ate Beth. And then matapos nyang himay-himayin ang bawat hibla ng muscles ko sa likod, bigla nyang ipinatong sa likod ko ang apat na nagbabagang jade stones.

Tinanong ako ni Ate Beth, "OK na ba ang init Ser, kaya nyo ba?"

"Mmmphhh ppo Ate OK langgggggggggg" habang nalulusaw ang balat ko. Ginusto ko itong jade stone massage di ba?

Joke, hindi naman nagbabaga pero may taglay talagang warmth. Ang relaxing lang kasi pakiramdam ko hinihigop nya talaga ang lamig-lamig sa likuran ko na dinulot ng napaka-stressful kong job LOL.

In-explore ni Ate Beth ang katawan ko gamit ang jade stones. Napanood mo yung pelikula noong 90's ni Alma Moreno na gumanap syang aswang na nasugatan, tapos ginamot nya ang sarili nya sa pamamagitan ng paghagod sa katawan nya ng bato/kabibe? Ganon ang ginawa ni Ate Beth sa akin at pakiramdam ko pagtapos nya eh tutubuan ako ng pakpak at maging ganap na maligno.

Sinimulan nya sa leeg then sa likod then sa lower back tapos sa hita then sa paa. Nung akala ko tapos na, hinila nya pababa ang waistband ng suot kong underwear. Joke! Ang professional ni Ate Beth she's not that kind of girl!

Until she said these words...

"Tihaya ka na Ser..."

Naguluhan ang utak ko... Ano itooo??? Fairy tale na may happy ending? Kung baga sa SM, "Happy to serve!"??? Nasagot ang mga katanungan sa utak ko nang biglang hagurin ni Ate Beth... ang braso ko LOL. I told you she's not that kind of girl... Yun tinapos lang nya ang massage.

Nagustuhan ko naman overall ang karanasan ko kay Ate Beth. Ramdam ko agad ang effects ng masahe nya. Nawala ang kirot-kirot ko sa likod. Nagbago ang aking outlook sa buhay, naging positive na ako sa pagharap sa mga hamon ng bukas.

Kaya nung matapos ang Jade Stone massage eh nagpa-foot scrub naman ako. So lumabas bigla si Ate Beth at pagbalik eh may bitbit na syang timbang may tubig at kahoy na may scrub. Hinimod nya ng scrub ang bawat sulok ng aking mga paa. Wala syang itinirang libag alikabok bato putik graba buhangin at nang bitawan nya ang paa ko eh pwede na sa mga eksena ng marubdob na foot fetish.

Matapos ang foot scrub hihirit pa sana ako ng kung ano pang massage ang meron kaso ayoko naman ma-stress si Ate Beth. Dalawang oras non-stop nya rin akong trinabaho at nakakapagod yun. Nag-iwan na lang sya ng envelope na may pangalan nya at ang bilis nyang nawala.

Dahil natuwa ako sa serbisyo nya at sa overall experience ko sa Soneva Spa eh nagbigay ako ng tip of course. Just so you know ako yung tao na never nagti-tip sa barbershop o kaya sa restaurant, but this time I feel generous so nagbigay ako ng dalawang 20-peso bill, isang 5-peso coin at limang mamiso.

So Kids if you're in Tomas Morato area halimbawa may ka-eyebol kayong textmate dun na ang cellphone number ay nakuha nyo sa listahan ng pa-autoload o di kaya ay sa Chat TV tapos naiinip ka na sa kakahintay dahil ang tagal-tagal nya either natraffic sya or pakiramdam mo wala na syang balak siputin ka, huwag nang mag-atubili, mangyaring pumanhik na sa:

Soneva Spa
Tomas Morato corner Limbaga St., 270 4th Floor, Forum Building, Quezon City
Service Hours: Monday-Sunday 1:00pm – 12:00mn
Phone.: (632) 926-6249 and (632) 0917 4071129
Email: info@sonevaspa.com

Magrelax-relax. Mag-rejuvenate. I-refresh ang iyong alindog. At least indianin ka man nung ka-eyebol mo, fresh ka namang uuwi mag-isa.

Good Points
Maganda ang lugar, kahit hindi obvious mula sa labas. Dim lights tahimik malinis maaliwalas.
Good naman ang massage, hindi minadali at walang dayaan sa oras.
Magiliw ang mga masahista at hindi ka nila itsitsismis sa mga susunod na clients.

Bad Points
Walang acts of lasciviousness na naganap. LOL joke lang. Di ko naman bet si Ate Beth.
Nais kong isuggest na magkaroon ng free drinks.
Or what if, palitan nila yung pinapatugtuog nilang music? Instead of nature sounds, magpatugtog sila ng Aleck Bovick. Suggestion ko lang naman.

Eto yung mga services na in-avail ko:

Soneva Elemental Jade Massage (eto yung may mga batong involved)
P1200 for 1 hour and 30 minutes na maaksyong haguran! Lapnos moments ka sa jade stones! Joke lang.

Foot Job Scrub
P250 ata ito, or P350 for 45 minutes. Di ko maalala yung presyo. Basta ang sarap nito. Tumirik mata ko.

Eto naman ang mga inirerecommend ko sa inyo mga Kids:

Volcanic Stone Therapy Massage
Eto ay para sa mga taong sukdulan ang stress, na ang tanging makakapagpagaling na lang sa kanila ay ang hilamusan sila ng lava.

Virgin Coconut Oil Massage
Eto naman ay para sa mga Ate (sige Kuya na rin) na sadyang nalaspag na sa marubdob na lovemaking at gustong maging virgin muli.

Super Intensive Callus Removal
Eto naman ay nais kong isuggest sa mga matitigas ng mukha. May solusyon pa, huwag kang mawalan ng pag-asa. The keyword here is "intensive".

OK JOKE LANG wala akong ideya kung ano ang mga massage na yan nakita ko lang yan sa website nila http://www.sonevaspa.com/. Punta na lang kayo dun at alamin nyo! Gowww!



Thanks!

48 comments. Post your comment here.:

citybuoy said...

wow. naconfuse ako.

joanne said...

Eto na ata ang pinaka-wholesome na post na nabasa ko dito, haha

Hustin said...

grabe naman yung kumukuha ng number sa listahan ng pa-autoload. may gumagawa talaga nun?! LOL [di na ko naman ako natawa sa Chat TV dahil nagawa ko na minsan sa buhay ko yun, tao lang din naman ako, minsan marupok :P]

Bino said...

nalate ako ng basa. di tuloy ako based! hahah. anyway, buti na lang legal na spa at walang extra service. may spa kasi dito sa shaw, ung tapat mismo ng building ng office namin. may extra service na nagaganap

Turista Trails said...

Nagbago ang aking outlook sa buhay, naging positive na ako sa pagharap sa mga hamon ng bukas. <<< best line!

Anonymous said...

Inggit ako! miss going to spas sa Pilipinas. You make my day.. BLOG ON! =)

Pink Line said...

ita-try ko na sana ang virgin coconut oil massage eh hahaha charot!

Superjaid said...

never ko pang nasubukang magpaspa. try ko din kapag may pera haha anyway.. akala ko may somethings sa post na to eh ayos sa title eh.

Lakbay Diva said...

hahahaha pangilang sponsor na itech? magpachpa nga rin ako! ay nabulol din ako ah. hahahaha

khantotantra said...

paid advertisement ba to sir glentot?

grabe ang hagakgak ko sa Tita Beth lines. pantanggal ng stress ang pagbabasa ng post mo!

Señor Iskwater said...

too commercial...

YOW said...

Mukhang decent naman nga ang spa. Gusto ko tuloy i-try, try ko bukas tutal wala naman effort sa akin yan. Hahaha.

Hindi ko kinaya yang muscle-toned back mo at ang "sarap personified". Hahahaha.

bien said...

aanhin and spa kung walang libreng _ _ _ _ _




Endorsement galore, parang lock and lock lang dati.

KULAPITOT said...

ayaw ko sanang magcomment baka sabhin dahil sa title andito ako hahahahahahah

McRICH said...

Sì ate may asim pa @50,naks parang sponsored post ito a! Kumikitang kabuhayan ang blog ayus!

Archieviner said...

Maswerte si ate at nadampian nya ang iyong mahiwagan balat at kalamnan. Pwede din makahanap ng textmate sa bus... sa mga upuan may nakasulat. lol DAmi kong tawa dito. :P

Ely said...

Free advertising ba ginawa mo or ikaw next model ng Soneva? hehe

PABLONG PABLING said...

magkano naman binayad nila sa iyo sa adbertisment na yan? pa-spa ka naman!

Ollie said...

Ngayon naniniwala na ako na di ka talaga sikat. Kasi kung sikat ka talaga, kung ako manager ng Soneva, di kita papasukin sa spa ko hahaha... kasi baka kung anong kwentong xerex nga ang ikuwento mo sa spa ko. or nagkataon nga lang na si Tita Beth ang masseuse du jour. joke.

Jenny said...

Haha, sa mga title! Makabagbag libag! haha. Wow pareho pala tayo, di tumatanggi sa libre. hahaha. Nag enjoy naman ako sa experience mo. Pero kung hindi free "majal" ha. Sa nanay ko nalang ako papamasahe, marunong yun e'. Ang lakas din kasi ng kiliti ko, baka makarate ko ng di oras ang masahista pag nagkataon.

Haha infairness, havey and descriptions mo sa iba't-ibang services ha! The best ka talaga!

Nacurious naman daw ako sa katawan mo. hahahaha!

Otakore Literantadodist said...

HAHAHA, seryoso? -> Volcanic Stone Therapy Massage & Virgin Coconut Oil Massage

jondmur said...

astig! sana ma experience ko din si ate... ung massage niya hehehe ...

denggoy said...

"sarap personified" - da best!!! hehe!

akoaysalbahe said...

sa morato din ako nagpapa-masahe nung anjan ako. nakalimutan ko ang pangalan ng spa. at wholesome din yun ha. lols!

mahal ang masahe dito. $30 for 30 mins. konting hagod lang yun.

Xander said...

Buti wholesome si Ate Beth... beri gud job sa kanya.. hehe

tadong daniel said...

nasubukan ko na 'yung legal na spa. gusto ko naman yung may extra. haha. kaso ayaw ko naman ng may extrang bayad. paano kaya yon, sir glen? patulong? hahaha. joke lang.

aajao said...

uy Bino, san sa Shaw yan? hahaha

Diamond R said...

so sino pa ang mga nakasama mo sa libring spa na ito? at ng mabasa din ang kanilang blog post. Nagkahangin yata ang tiyan ko sa kakatawa.
Pero ganon pa man ayon sa mga larawan maganda ang spa na ito.

[ a n t h o n y ] said...

"Walang acts of lasciviousness na naganap." ---saklap, minsan gusto ko rin magpa-spa pero hindi nakikisama ang bulsa ko. :DD

Marjorie Gavan said...

Langya ang dami ko na namang tawa, sakit sa panga hahaha... Misleading nga yung title, as in akala ko talaga may ginawa kayong kababalaghan ni ate, pero sabi mo nga she's not that kind of girl hahaha...

Sige nga mapuntahan nga yang Soneva na yan tutal mahilig naman talaga ako magpa-spa.

Marjorie Gavan said...
This comment has been removed by the author.
Kuri said...

I miss spaaakol! I mean spa!

Gusto ko ang pagkabusilak ng puso mo ha. Dahil dyan makakatanggap ka pa ng maraming maraming libreng spa service galing kay ate beth.

Zezil said...

Parang ayos dito a. Masubukan nga minsan.

Bait bait for the tip. Okay na gawi yan. :)

BloggingGutom said...

masarap talaga mag spa, namimiss ko na nga magpamassage. di ako makapag pamasahe dito ang mahal eh! 1 dollar per minute.

KUMAGCOW said...

Bat dina lang nilagyan sana ni ate ng bato ang mukha mo at dun hinagod ang jade.... kawawa naman si ate namamagasang malaki ang tip ni sir glennglenn.. soyong nomon

gillboard said...

benta sakin sana yang spa na yan kung hindi lang malayo yung lugar sa pque.

buti naman at nasarapan ka kay ate beth kahit walang happy ending. LOL

gillboard said...

benta sakin sana yang spa na yan kung hindi lang malayo yung lugar sa pque.

buti naman at nasarapan ka kay ate beth kahit walang happy ending. LOL

KikomaxXx said...

what the... hahaha tawa ako ng tawa parang baliw lang sa harap ni boss ngayon... banayad ang pagkawholesome ah.. hahaha anyways namiss ko tong bigla...

iya_khin said...

TNT sa comment ni kumagcow!! bkit di daw inilagay nalang sa mukha mo yung bato?!!! wahahaha! adik lang!

so inindian ka pala ng ka eyeball mo?!

iya_khin said...

TNT sa comment ni kumagcow!! bkit di daw inilagay nalang sa mukha mo yung bato?!!! wahahaha! adik lang!

so inindian ka pala ng ka eyeball mo?!

nyabach0i said...

labo! hahaha. ikaw ba talaga to? umamin ka, may porsyento ka sa pagpost nito noh!

Rei Mikazuki said...

makapagplug naman ng shop!

xoxo_grah said...

massage and spa talaga ang nagpapawala nang stress sa akin, but its kind of expensive lalo na pag mag foot spa pa...di ko na kinicarry yung price...hehehe buti na lang na change your perception mo sa SPA...hehe Have a blast!


xx!

Phioxee said...

wow! grabeh ano? kala ko kung ano pang massage ipagagawa mo. hahaha. nanghintay naman ang ate mo. hahaha

mr.nightcrawler said...

mukhang nagenjoy ka talaga kasama si beth ah. hindi ko pa natatry magpa-spa. matry nga.

bagotilyo said...

ROTFL ako sa "sarap personified" ..
hahahha..

parang gusto kong itry yung Virgin coconut oil massage. lalalalla

Bulingit said...

Wahahaha! tangina talaga! 3 times ko na tong binasa. nakakatawa talaga. tangina mo! ahahaha

Unknown said...

galing! pwede kang comedian!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding