movie review - bituing walang ningning

Eto ha. Two Saturdays ago, while watching color TV, nailipat ko nang hindi sinasadya ang channel sa PBO. Hindi ako mahilig sa mga lumang Pinoy movies lalo na yung mga tunog kinakain na cassette tape ang sound track. Pero iba itong gabing ito, dahil ang palabas ay isa sa mga classic Pinoy films na pinamagatang Bituing Walang Ningning.

Actually hindi ko nasimulan yung movie but who cares!

Just to give you an idea:

Si Sharon Cuneta ay nagtitinda ng sampaguita. Sya ang Number 1 fan ni Cherie Gil. Magiliw si Sharon Cuneta, plastic si Cherie Gil. Malinis ang hangarin ni Sharon Cuneta, maitim ang puso ni Cherie Gil. Mabuti si Sharon Cuneta, si Cherie Gil nambubuhos ng wine.

At ngayon pa lang sasabihin ko na, na sa buong pelikulang ito, ang simpatya ko ay kay Cherie Gil. Let me tell you why.

1. Pagod na pagod si Cherie Gil matapos magperform nang live. Nasa kotse na sya at pauwi na nang may humarang sa kotse. Nges hu. Si Sharon Cuneta, at gusto nyang magbigay ng sampaguita sa kanyang idol. Dahil sya ang number one fan kailangan nyang makausap si Cherie Gil at makakwentuhan, right now kahit dis-oras ng gabi. Kailangan malaman ni Cherie Gil na sya ang Number 1 fan. As in, kailangang kailangan ora mismo, ayaw paawat, dumudungaw pa sa bintana ng kotse. Sabi ni Cherie Gil, "Bye now love, you take care sweetie!" sabay bulong sa katabi nya "Kiki ng ina isara mo na yang bintana!"

2. Nagpeperform si Cherie Gil sa show ni German Moreno. Sa kalagitnaan ng kanta, may fan na tumakbo sa stage. Nges hu. Si Sharon Cuneta. At may dalang kwintas na sampaguita. Nasabi na ba ni Cherie Gil na allergic sya sa mumurahing bulaklak? Hindi sya makabirit nang matino dahil halos sumampa na si Sharon Cuneta sa leeg nya at pumulupot sa kanya may kiss pa sa cheeks! Upstaged Si Cherie Gil sa sarili nyang performance.

3. Nagimbal si Cherie Gil while watching the news. Sabi sa headline "Isang Fan, Naaksidente Dahil Sa Idol!" Nges hu. Si Sharon Cuneta. Sa sobrang tuwa nya dahil featured si Cherie Gil sa paborito nyang song hits, binasa nya ito habang naglalakad sa kalye. Nabundol sya ng kotse, nice. Everyone expects Cherie Gil na bisitahin si Sharon Cuneta sa ospital dahil sya ang dahilan ng pagkasagasa nito. Kasalanan ba ni Cherie Gil na tatanga-tanga sa kalsada si Sharon Cuneta? Tangina diba.

4. Nagimbal si Cherie Gil nang malaman nya na may bagong rising star. At dahil ayaw nyang may pumalit sa pwesto nya bilang superstar, kailangang pabagsakin nya ang kung sino mang challenger nya. Eh mukhang malakas ang challenger nya, may hit song agad at may album. Nges hu. Ang walanghiyang si Sharon Cuneta.

5. Matapos habul-habulin ng boyprend na si Christopher de Leon si Cherie Gil, nakipaghiwalay na ito. Nung gusto nang makipagbalikan ni Cherie Gil, nanlalamig na si Christoher de Leon. Eh di ba nga ayon sa kasabihan, "Kung nanlalamig sya, ibig sabihin nag-iinit sya sa iba." Oo may iba na sya. Nges hu. Si Sharon Cuneta. She's fucking her ex-boyfriend!

6. Inimbitahan si Cherie Gil na panoorin si Sharon Cuneta habang nagpeperform. Eto namang si Sharon Cuneta, sa dami ng kanta sa buong mundo, ang kinanta nya ay... Nges wat. Yung signature song ni Cherie Gil. Syempre umusok ang ilong ni Cherie Gil. Below the belt na ito. Wala syang pakialam kung agawan sya ng boyprend basta wag na wag syang aagawan ng kanta.

And the next scene will be remembered 27 years later. Oo literal na 27 years kasi 1985 pinalabas yung pelikula.

Matapos kumanta si Sharon Cuneta, lumapit si Cherie Gil. Dinampot ang basong may wine. Sinaboy sa mukha ni Sharon Cuneta. At alam natin lahat kung ano ang sinabi nya!

You're nothing but a second-rate trying hard suck my d
OK Kids sorry sa barubal na review ang masasabi ko lang I enjoyed watching this movie on color TV.

70 comments. Post your comment here.:

Will said...

Naku, di ko pa napapanood to kahit kailan, hanggang Sarah Geronimo version lang ako. Hahaha.

Natatawa ako tuwing nababasa ko yung Nges hu sa mga paragraphs. LOL

Anonymous said...

sir glenn !!! nges hu

claudiopoi said...

Exaj, ang sipag ni Will mag post ng comment. At natatawa din ako sa nges hu. ahahha. Ikaw na, master Glentot!

tabian said...

Nges hu! wahahaha ngungu na ngungu pagkasabi...

all along ang alam naten si sharon yung bida pero 'tong post mo na 'to you saw it on another angle...nice post, very insightful!

magaling, magaling, magaling (slow clap)

Bino said...

ito ang side ni cherrie gil. shunga naman kasi tong si sharon sa pelikula. sobrang die-hard fan hahaha

Turista Trails said...

points taken. maganda eh i-power point mo yan next time. yung iba mong readers eh tamad... but NOT MEEEE! i'm your #1 glentot! waaaa! bili ka naman ng sampaguita ko o...

rundeekalel said...

akalain mo yun...buti hindi nag pixelize ung resolution ng buong film on color TV. hahahaha.

akalain mo yun...na appreciate mo ang hirap at pagod ni cherrie Gil kahit pa ang buong bansa na kay Sharon ang simpatya.

nice one :)

khantotantra said...

Si sharon ay isang Fantard, isang wagas na panatiko.

tawa ako sa nges hu ni anonymous. iba ang naisip ko. Shet, im bad.

Hustin said...

malaking sagabal talaga nitong si... nges hu.. Sharon Cuneta. tsk. tamang lang paliguan siya ng wine. :)

BloggingGutom said...

Maraming salamat idol glentot at naliwanagan na ako sa totoong kwento, Hindi nga masama si Cherie Gil misunderstood lang dahil sa kagagahan ng #1 fan nya.

Kidding aside, sobrang kwela at nag enjoy ako sa pagbabasa.

Ayon nga kay Jepoy, may structure! :P

Maniniyot said...

Akala ko nges hu lang ang meron, pati pala nges wat kasama. Galing! Natawa ako sa madaling araw.

aajao said...

hahaha! sana napanood mo rin yung Magdusa Ka (na ipinalabas din lately sa PBO) para may review rin sana :P

mots said...

taragis, andun pala si kiki. in fairness sa review mo ah, lakas maka-hawa ng simpatya. team cherie na rin ako ahah

gillboard said...

may point ka.

hahahaha. lakas ng tawa ko dito. :D

McRICH said...

Pano mo naiisip ang mga ganitong bagay?

NGIFTED CHILD ka Glenn, NGIFTED hahaha!

joanne said...

Hindi ko pa napanuod yan.. ang loser ko lang! Ang alam ko lang e yun line nga ni Cherie Gil sa eksena sa buhusan ng wine.. Pero parang mas dapat nga kampihan si Cherie Gil, may point ka!

xoxo_grah said...

hindi ko rin napanood to...nice naman na kay cherie gil ka talaga kampi...hihihi


xx!

mike said...

now it make sense. cheril gil was definitely the martyr here, not sharon....

Jenny said...

Like ko yung nges hu! Ang sosyal slang! hahahaha Napanuod ko na din yan, habang pinapanuod ko nanay ko naman kwento ng kwento (kainis di ba?) asar din ako kay Shawi, papampam. Mang-aagaw e noh? hahaha. Nice limyu.

Jepoy said...

Letche!Tawa ko ng tawa! Kikimu!

citybuoy said...

They say brilliance is when somebody sees something that other people didn't or can't. Wala lang. Feel ko lang magpadeep.

and tell me you saw this in 3D. They should get this rereleased like Nemo pero the added dimension will make the liquid throwing a more interactive experience for the audience!

Anonymous said...

Nice post. Kif irr up!

Nges hu?

Dadang said...

ayun naman pala. si cherrie naman pala talaga ang inapi dito eh. :(

rica said...

HAHAHAHA! nawala ang takot ko dahil dito, hahaha! nges huuuu?? :DD

Anonymous said...

shet nawala badtrip ko dahil dito haha....

denggoy said...

bwahaha! napanood ko na dati to pero mali pala talaga pagkakaintindi ko sa movie. tanginang sharon yan. haha.

nga pala, ba't di ko makita pangalan ko dun sa side? --o>

;)

Dhianz said...

ahahaha... ahwabyu glentot... ur so cool... i don't usually say that but sobrang naaliw moh akoh... hugz... Godbless!

Archieviner said...

Nges hu.Ang walanghiyang si Sharon Cuneta. Lakas makaadik! Naspoiled ako. T.T Di ko pa napapanood ang movie. lol

bien said...

Mega forever hihihihih

Ollie said...

Paawa talaga si sharon no? nung napanood ko ito, sinabuyan sya ng wine... Tapos nung napanood mo, di pa rin umilag? Ewwww, Nges wat sharon, get lost. XOXO Cherie!

Dorm Boy said...

Ngawang ngawa talaga ango habang binabhasha ngo hang mhovie ngeriew mo. =) Ang ngulet ngulet mo! hahaha!

Dorm Boy said...

Ngawang ngawa talaga ango habang binabhasha ngo hang mhovie ngeriew mo. =) Ang ngulet ngulet mo! hahaha!

Inong said...

sa side ako ni Cherie Gil, parang hindi makaintindi ang labas ni Tita Sharon sa movie na bitwing walang ningning..

Ayos ang movie review!

Anonymous said...

good read...

Anonymous said...

i love you glenn taba... hihihi

Anonymous said...

MAY POINT KA HA....

Anonymous said...

di pa rin kumukupas ang NINGNING ng iyong BITUIN sa pagba-blog, ng Bolinao.

Peach Black said...

ahahay . . . pagod na ako sa pagiging anonymous. . .


di pa rin kumukupas ang NINGNING ng iyong BITUIN sa pagba-blog, ng Bolinao.

Peach Black said...

Mr. Taba. . . ng Bolinao

tadong daniel said...

hanggang ngayon naman, nakakabanas pa rin ang babaeng iyon. nges wu? tama ka. si ate shawi. ahah.

gord said...

Laughtrip ser! Idol ko pa rin siya. Nges hu. Si Sharon Cuneta! XD

the green breaker said...

Nice review. Considering bagong bago itong movie na ito at konti pa lang ata ang nakakapanood. Haha charot. As ever nakakatawa talaga ang posts mo.

Phioxee said...

hahaha nakakatuwa ka naman.kala ko tuloy mabait si cherie gil dito. nakagawa mong ibida ang kontrabida

Pink Line said...

ipinalabas pala to nung taong ipinanganak ako..who cares? hehe..

pero napanood ko pa to ng ilang beses dati nung hindi pa uso ang teleseryeng puro tungkol sa kabit sa hapon at mga lumang pelikula pa ang ipinalalabas sa tv.. inis na inis ako noon kay cherrie gil pero dahil sa review na to nagbago ang tingin ko kay sharon sa kanya pala ako dapat mainis! oh well...

Otakore Literantadodist said...

Hahaha, sana i'remake nila yang film na yan. New version na sasabihin ng gaganap na role ni Cherie Gil:

"You're nothing but a second-rate trying hard, Sotto-Cat!"

NOTE: Sotto-Copy
:D

akoaysalbahe said...

dahil sa post mo, namiss ko tuloy manood ng pinoy film dito. haha!

littleyana said...

Sobrang nakakatawa ito! Nakaka-ngongo basahin yun Nges Hu hehe. Overall, may point pala magalit si Cherrie Gil, lalo na yung nasa Number 3.

Zezil said...

Haha. Panalong movie review!
At ikaw lang, ikaw lang talaga ang kumampi kay Cherie Gil! Haha. Nice!

Anonymous said...

good post, added you to my RSS reader.

Boyong Aldana said...

hahaha, ano kayang wine ginamit pambuhos? Doon ako curious..haha

KUMAGCOW said...

Ikaw naman ang third rate copy cat *buhos wiwi galing sa arinola* splash! LOL

Lakbay Diva said...

hhahahahaa! maraming salamat at inexplain mo yung famaous line na yan!

chilaxjukebox said...

siguro kung alam ko tong movie na to e kay cherie gil din ako kakampi, bilang halos sa lahat ng napanood ko ang simpatya ko e sa kontrabida..hehehe..nice one glentot! galing galing!

Marjorie Gavan said...

Ngayon lang ako nakakita ng review na ang simpatiya nasa kontrabida. In fairness ha, na-enlighten ako ng slight, may katwiran nga naman ang mga points mo. Bigla tuloy ako nakisimpatiya kay Cherie Gil at biglang gusto ko ding mapanood yung movie hahaha...

Anonymous said...

Akalain mo yun!Nang dahil sayo nabago ang pananaw ko...si Dorina Pineda nga pala talaga ang kontra bulate sa muvi.hahahahaha!!!!

Ungaz

caloy said...

utot mo

caloy said...

utot mo

Mar Unplog said...

Nges hu? Naaliw ako sa review na ito... galing mo!

sireyna said...

kailangan mapanood ko yan NOW NA! makapaghanap nga ng free streaming ehehehe :)))

Goyo said...

Base sa review mo, ser. Putang ina nga 'tong si Sharon. Mukhang kahit sino naman ata eh maiirita sa ganun. Si Cherie Gil ata ang bida dito eh.

Superjaid said...

wagas ka talaga sir. at tama sila mukha ngang si cherie gil ang bida dito haha mapanuod nga to. hahaha

Steve Finnell said...

you are invited to follow my blog

Anonymous said...

[url=http://wholesalenfljerseysv.webs.com/]wholesale nfl jerseys[/url] [url=http://wholesalenfljerseysv.webs.com/]wholesale nfl jerseys[/url] http://wholesalenfljerseysv.webs.com/ I really like this handbag, case the main one I need!

Could not think how fast you shipped this particular! Great item. Thank you!!!

I had been very pleased along with my purchase and every thing came right on time, thanks!

Extremely seller with high quality, great service as well as communication. Extremely fast delivery, exactly as explained and pictured, excellent product, very happy!

Anonymous said...

hahahaha haneeeep ka talaga glentot! engaw na ngaaaa!

Anonymous said...

baboy!
hehehe from khikhi

dan said...

bitaw nindot kaayo ning salidaha ba, lalum ug grabeha makahilak, kung idaran na tingaleko sauna sa pagtanaw nilang mama ug papa aning salidaha mausab put tingale akong kinabuhi

KikomaxXx said...

hahaha... walang hiyang sharon na yan.. siya pa tong freaking fangirl siya pa itong disturbo.. hahaha... pasintabai lang sa mga fangirl din diyan ni sharon.. hehehe

June | Life and Spices said...

Well. all i can say is talagang maganda ang movie na to.. Old school pero aus na din... Minsan masarap bumalik sa nakaraan..at bitch si Sharon!

Senyor Iskwater said...

ang sarap talagang mag-backread lalo na't may nakikipag-compete sa paramihan ng comments...

this review is one of my favorites here...

Anonymous said...

salamat po dito hehe. At least alam ko na yung kwento ng movie. And I agree with you po, na kay Cherie Gil yung simpatya ko :D

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding