movie review: di ko alam title

Sa aking palagay ako lang ang nag-movie review na hindi na nag-abala pang alamin ang title ng pelikula. One day I was just channel surfing nang mapadaan ako sa PBO, which is now my favorite channel. Eto ang nadatnan kong eksena:

Nasagasaan ni Mark Gil ang anak ni Lorna Tolentino, kaya ito na-coma at namatay. Inireklamo ni Lorna Tolentino si Mark Gil, pero ayaw nyang aminin ang pagkakasala nya. At bilang pulitiko, makapangyarihan si Mark Gil. Nagdadalawang-isip akong panoorin itong pelikula pero naabutan ko itong eksenang ito:

Mark Gil: Misis naiintindihan ko ang kalagayan mo. May anak rin ako. Siguro kasing-edad rin ng anak mo.

Lorna Tolentino: Putang-ina mo!!!!!!!

That's it. I'm watching.

Of course sa PBO sini-censor nila yung mga mura, pero kahit burahin nila ang audio, kitang-kita naman sa bibig nila kung ano ang sinasabi nilang line. As in cold hard "Putang-ina".

Hiwalay na si Lorna Tolentino sa asawa nyang si Gabby Concepcion, na nakipag-live in naman kay Nanette Medved, na ubod ng insecure. Dahil sa kanyang kulot-kulot na buhok at putah red lipstick, it's easy to see na si Nanette Medved ay kontrabida sa pelikulang ito.

Nanette Medved: Kaya never nag-click ang relasyon natin dahil nagkaanak ka kay Ellen sa akin hindi!

Gabby Concepcion: Hindi totoo yan!!!!!!!

Nanette Medved: Kung kani-kaninong doktor na tayo nagpunta, kung ano-anong gamot na ang isinaksak sa punyetang katawan na ito, hindi pa rin ako magkaanak! Sabihin mo sa akin, kung sasabihin ni Ellen na tatanggapin ka nya uli, babalikan mo ba sya ngayon din?

Gabby Concepcion: Basta ngayon ang mahalaga sa akin, gumaling ang anak ko.

Nanette Medved: Para mo na rin sinabing OO... *tumulo ang luha nalusaw ang putah red lipstick*

Si Lorna Tolentino, ayaw tumigil sa paghahanap ng ebidensya laban kay Mark Gil, kaya nilapitan nya ang asawa nito na si Amy Austria.

Amy Austria: *Nakalimutan ko kung ano yung linyang sinabi nya dito eh di na mahalaga*

Lorna Tolentino: Gusto ko lang, aminin nya ang ginawa nya!!!!!!!! *tumulo ang luha sa left eye* May anak ka rin, kung sa kanya mangyari ang nangyari sa anak ko???!!!!!!! *tumulo ang luha sa right eye*
Ang galing lumuha ni Lorna Tolentino I swear. Tig-iisang mata.

May napansin lang ako kay Amy Austria. Ewan ko kung napansin nyo rin:

Lorna Tolentino: Nasaktan ka sa sinabi ko? Salita lang yan. Wala yan sa sakit na dinanas ko sa pagkawala ng anak ko!

Amy Austria: Hindi ka naniniwalang inothente ang athawa ko? Eh di dalhin mo tha korte. Bathta huwag na uling babalik tha pamamahay ko!

Ang nakakatuwa sa pelikulang ito, dahil sa kalumaan, makikita mo kung ano ang itsura ng mga artista dati. Si Lorna Tolentino ang kapal ng eyeliner. Si Amy Austria yung gupit parang tibo. Si Nanette Medved ang kapal ng lipstick.

At si Rustom Padilla, lalaki pa sya. Ayaw rin paawat ng acting niya! Eto yung isang scene nya:

Gabby Concepcion: Di ba dapat nakakulong ka?

Mark Gil: You can't keep me in there, not with your veterinarian salary.

*Naasar si Gabby Concepcion, sinuntok nya si Mark Gil*

Rustom Padilla: Ano ka ba??? *Sabay awat kay Gabby Concepcion. Na sa tingin ko ay may slightest hint of 2.5% pagnanasa. Tingin ko lang naman.*

Marami pang ibang scenes na hindi na siguro napansin ng mga normal na tao pero ako napansin ko at tawang-tawa lang ako like higher than a motherfucka:

Katulong: Ma'am may bisita po kayo.

Lorna Tolentino: Diba sinabi ko sayo ayokong makipag-usap kahit kanino!!!!!!!

Katulong:  *Naglakad papunta kay Lorna Tolentino, mga 15 steps, bago nagsalita* Nakita daw nya ang pagbaril kay Carlo.

Lorna Tolentino: Papasukin mo!!!!!!!!!

Pramis agaw-atensyon yung katulong. Kailangang maglakad sya bago nya bitiwan ang lines.

Biglang pasok sa eksena si Cherry Pie Picache. Hanggang ngayon napapaisip ako kung totoong pangalan nya ang Cherry Pie. Alam nyo ba mga Kids? Anyway, so pagpasok nya sa bahay ni Lorna Tolentino, alam na natin agad na isa syang kabit dahil...

Putah red din ang kanyang lipstick. Hindi na nga ako nagtaka nung binitiwan nya ang opening lines na ito:

Cherry Pie Picache: Kabit ako. Ibinahay ako ng malaking tao diyan sa military.

As in yan ang unang lines nya sa movie.

Ang casual lang. Pero naging seryoso bigla si Cherry Pie nung nandun na sila sa police station. Sya ang pangunaging witness, at kailangan nyang i-identify ang salarin.

Pulis: Miss, maaari mo bang ituro sa amin ang salarin?

Cherry Pie Picache: *Tanggal ng shades...*

Cherry Pie Picache: *Tingin kay Lorna...*

Cherry Pie Picache: *Tingin sa line-up...*

Cherry Pie Picache: *Tingin sa pulis...*

Cherry Pie Picache: *Yuko...*

Cherry Pie Picache: *Tingala uli...*

Cherry Pie Picache: *Tingin kay Marc Gil, na may hawak na Bible.*

Cherry Pie Picache: Yang putang-inang may hawak na Bible!!!!!!!
(Swear, dito lang sa pelikula na ito ako nakarinig na ginamit ang salitang "Bible" at "putang-ina" in one sentence.)

Na-upstage talaga ni Cherry Pie yung attention-seeking na katulong. Pero wala syang panama sa mga eksena ni Nanette Medved, na sa tingin ko eh syang tunay na star sa pelikulang ito.

Rustom Padilla: Hello? Sino ito.

Nanette Medved: Si Suzette.

Rustom Padilla: Sinong Suzette?

Nanette Medved: Rolly, mainit ang ulo ko ha. Nasaan si Louie?

Rustom Padilla: Ewan.

Nanette Medved: Kasama nya si Ellen?

Rustom Padilla: Baka.

Nanette Medved: Sabihin mo sa kanya napanis na ako sa kakahintay sa kanya, putang-ina nya!

Rustom Padilla: Sabihin ko putang-ina nya?

Nanette Medved: Oo putang-ina nya at putang-ina mo rin!

One night nangialam si Nanette Medved sa mga gamit ni Gabby Concepcion. May nakita syang kwintas. Sure na sure sya na ibibigay yun ni Gabby Concepcion sa kanya. Excited na siya.


Nanette Medved: Honey wala ka bang nakakalimutang ibigay sa akin?

Gabby Concepcion: Wala. Bakit may hiningi ka ba?

Nanette Medved: Wala.

Gabby Concepcion: Yun naman pala eh. Tulog na tayo.

After three days, nanood ng TV si Nanette Medved. Iniinterview si Lorna Tolentino. Suot nya ang kwintas.

Nanette Medved: Putangina!!!!!!! *Sabay hagis ng TV sa bintana.*
No exaggeration. Dinampot talaga nya ang TV set, inangat sa ere at hinagis.

So galit na galit si Nanette Medved right? Sinugod nya si Lorna Tolentino. Gabi na pero may eyeliner pa rin sya.

Nanette Medved: Alam mo kung bakit namatay ang anak mo? Kasi pinaparusahan kayo ng Diyos dahil ang sasama ng ugali nyo!

Lorna Tolentino: Tumahimik ka, kung hindi, ilalampaso kita.

Nanette Medved: Sige, ilampaso mo ako. Akala ko ba matapang ka? Ano? Sige!

Lorna Tolentino: *Sinuntok si Nanette Medved sa mukha. Nakatulog sya sa pavement.*

Ang dami pang scenes ni Nanette Medved. Maganda kasi sya tignan on-screen.
Nanette Medved: Akala mo matatahimik ang kaluluwa ng anak mo? Hindi! Dahil hindi mo sya mabibigyan ng hustisya!

*Hinabol ni Gabby Concepcion si Nanette Medved sa sala. Nang maabutan nya, hiniga nya ito sa lamesa at sinakal. Habang sinasakal nya, may flower vase sa tabi ni Nanette Medved. Eh biglang ni-cut ng PBO ang scene, masyado yatang graphic. Basta eto lang ang napansin ko. Matapos ang cut, umuubo si Nanette Medved na parang nabibilaukan at hindi makahinga.

At wala na ang flower vase...

OK kahit binaboy ko nang wagas ang pelikulang ito isa lang masasabi ko: noong araw, pag sinabing "artista", magaling talagang umarte. Hindi naman makakarating si Lorna Tolentino sa kinalalagyan nyang status ngayon kung tae-tae ang acting nya. Ikaw ba naman magcontrol ng patak ng luha mo left and right. Congrats lang talaga sa cast.

Oo pati si Nanette Medved. Ikaw ba naman lumunok ng flower vase.

Ngayon ba sino na ang sukatan pagdating sa pagalingan sa pag-arte? Aljur? Myrtle?

BONUS SCENE: Alam nyo yung scene after credits na usong-uso sa mga Marvel movies? Eto naman, meron syang scenes during credits. Habang pinapakita ang listahan ng cast of characters, pinapaulit-ulit nila yung eksenang sinuntok ni Lorna Tolentino si Nanette Medved tapos nakatulog sya sa pavement. Don't know why.

I give this movie a rating of approximately 98.8535% out of 100 fresh tomatoes. Dahil naaliw ako nang malubha. Alam nyo ba itong movie na ito?

70 comments. Post your comment here.:

Bino said...

hindi ko alam ang title ng movie eh. hehehe. baka Narito ang Puso ko?

Bino said...

tama! Narito ang Puso KO ang title :D

khantotantra said...

tama ka... ang artista noon, talagang umaarte as in. Hindi yung patweetums na hilaw na hilaw na pag-iinarte.

uso sa mga artista noon yung capability na magpaluha ng left or right eye. At medyo bigatin din mga lines noon.

:D

Overthinker Palaboy said...

you're an old soul glenn! :)

mots said...

aliw! nasan na ba si nanette medved? dapat bigyan siya ng posisyon sa pagtrain ng bagong artista ngayon.si ricky lee pala writer nito eh hehe

tabian said...

dahil maganda ang review mo...
bigyan ng baybretor yan, este jacket!!!

tengene ka glentot, felt kong habang pinapanood mo ito eh nagjojot down notes ka...wahahaha at hindi ka galit sa exclamation point, intense na intense pagkasabi talaga?

Anonymous said...

da bezt talaga si idol Glentot sa movie reviews...MMMOOOORRREEE!!! hahahahahaha!!!! nakakaaliw talaga manood ng mga lumang films.ansarap ikumpara ng mga itsura noon sa ngayon pati pag-arte ng mga ertista!LOL

Ungaz

Anonymous said...

da bezt talaga si idol Glentot sa movie reviews...MMMOOOORRREEE!!! hahahahahaha!!!! nakakaaliw talaga manood ng mga lumang films.ansarap ikumpara ng mga itsura noon sa ngayon pati pag-arte ng mga ertista!LOL

Ungaz

Aris said...

sobrang na-enjoy ko ang pagbabasa ng movie review na ito. hahaha! kakaiba!

Archieviner said...

Whahaha ang dami kong tawa kay nanette medved na naka putah red lipstik, Hinagis ang tv, nakatulog sa pavement. Syak! Di ko pa napanood ang movie na yan. Drama ba yan? Parang comedy yata e. Ganda ng review mo!

Jenny said...

Di ba drama yung movie? Ba't parang naging comedy? Haha di ko alam kung paniniwalaan ko yung kwento mo o hindi, haha di ko pa kasi napanuod yan! Pero isa sa favorite kong faces si Nanette. She's pretty and sexy. About kay Lorna, seriously left muna tapos right eye naman? hahaha ang kulet mo Glen(n). Agree ako kay Tabian, nag jot down ka kasi imposibleng matandaan mo mga lines nila. hahaha!

akoaysalbahe said...

naalala ko tuloy ung pelikula ng Padilla brothers na mistah (ata?) ang title. macho brothers talaga. ngayon, sister na ang isa. lols!

Anonymous said...

bakit po kayo nagtataka kung totoong name ni cherry pie picache ang "Cherry pie"? hahaha.

KikomaxXx said...

hahaha same here... kung walang kwenta ang ga palabas sa TV punta kaagad ako sa PBO kung gusto kong tumawa...


-kikomaxxx

zezil said...

Unfortunately, di ko alam tong movie na ito. pero yung lines ha, sobrang raw at hardcore. Mahihiya si Maria Clara.Haha

Jepoy said...

Puki ni Jamby!!! Tawa ko ng tawa sa Scene ni Amy Austria! Dafuq YOu're such a bitchhhhhh! Kung maka-lait ka ng may dipirensya sa pananalita, wagas! Dati yung ngo-ngo ung nilalait mo tapos ngayun naman ung may speech defect??!!

I kinda like it. LOL

Puki mu!

mike said...

great review sir glen. can't wait for the next one. :)

nyabach0i said...

PUTANGINA MO.

That's it! I'M READING. Hahahaha. Naguluhan ako sa involvement ni Rustom. Hindi ko matanggal yung totoong Rustom.

Marjorie Gavan said...

Dito lang talaga ako nakakabasa ng movie review na humahagalpak ako sa tawa hahaha...

Natawa ako sa part na nilunok ni Nanette Medved ang flower vase langya hahaha..

Daday said...

Parang yung mga drama sa radyo lang ang peg.

k0tz said...

galing mo talaga mag observe!! hahaha

simplysaycheese said...

di mo alam ang movie title sir pero nakuha mo halos lahat ng conversation skit hehehe.

romz said...

ikaw na ang may photographic memory. Ang daming linya na natandaan mo. I actually like this movie. Na sweep ni LT ang best actress sa pelikulang ito kaya siya nataguriang grand slam queen. Tutal naman nahihilig ka sa mga tagalog film review. Try mo naman ireview mga movies ni Nora aunor, maricel soriano at vilma santos.

Ester Yaje said...

how come di ko kilala yang nanette medved na yan? anong nagyari sa kanya?

Turista Trails said...

welcome to the PBO club, Glentot. matagal ka na naming inaantay. sa PBO mo lang mapapanuod ang tutoong 1st movie ni coco martin (as if it's a matter of life and death) na kahit wikipedia missed.

kaye said...

e di ikaw na talaga ang nagnotes sa bawat eksenang pinanood mo. napatanong tuloy ako sa sarili ko kung baket tumigil ako nang matagal sa pagbabloghop. namiss ko ang paghalakhak nang matindi sa mga posts mo e. ang gulo mo talaga! :-))))

infer, talagang nanood ka. at di ko alam kung ano sa mga kinuwento mo ang totoo at hindi. haha!

Anonymous said...

Glentot, sana huwag kang tamurin. . . este, tamarin mag-review ng movies (foreign or local). You found another calling. Ano pa ang hindi mo kayang isulat? Inggit na inggit ako. Anyway, you inspired me to pick up my blog.

PEACH BLACK

joeyvelunta said...

Ahahahaha umuulan nga ng Putang ina sa pelikulang yan ano?

joanne said...

Haha, nabaliw na naman ako sa kakatawa! The best ka gumawa ng movie review kahit di mo alam ang title, haha! Ibang level ang tawa ko sa 2.5% na pagnanasa ni Rustom at sa luhang may timing ang pagpatak! May "s" defect si Amy?

Anonymous said...

naging imortal ang narito ang puso ko dahil sa review mo hahaha... di na ako badtrip lol...

citybuoy said...

i see what you did there. lolz :}

Bulingit said...

Ayos ang review ah!
kung nag nursing ka siguro, d mo na kelangan mag bayad ng pang review.. kaya mo na sarili mo.. wahahahh

panonoorin ko to sa youtube!
feel ko marami tong F-Scenes.. wahahhaah..

o mga romansa....

gord said...

Laughtrip nanaman! Grabe sa lines sir, kuhang-kuha! XD

Pink Line said...

wahaha..hindi ko alam tong movie na to.. pero i assumed drama sya kaya lang naging comedy dahil sa review mo..grabe dami kong tawa!

cepsdee said...

good review... i have been waiting for your new entry... sana lang dalasan ha... luv u taba...

McRICH said...

Napansin ko lang no bakit pag magkocomment kailangan sabihin ulit ang mga linya sa blog, siguro para imwestra na hindi nagskip read ang commentator, o pwede rin namang to highlight yung mga eksenang nagstand out sa blog lol. You made my day Glenn ang aga kong natawa! Btw mukhang malaking movie ito a, all star cast ang peg. Mukhang lumaban to dati sa mmff alongside shake rattle & roll!

BloggingGutom said...

Mukhang magkakasundo tayo dito idol Glentot! mahilig din akong manood ng mga pelikulang luma! sobrang tawa ako ng tawa dito...yung nasa harap ko tuloy na canadian tumingin sa akin! :D

BloggingGutom said...

Idol Glen, mukhang di na nag popost si jepoy sa blog nya? alam mo nangyari dun>?!

tadong daniel said...

putang ina. binasa ko sa jeep 'to. edi ayon mukha akong tanga. haha.

masarap talagang manuod ng mga lumang pelikula. parang ibang touch ng pelikula.

BON said...

Hahaha ayos ang kwento taragis!!

iya_khin said...

title ng movie?! Baka "putang inang lipstick na yan" LOL

ayos sa review!! wahaha

bien said...

eto young movie kung saan virgin pa si paolo contis?

gillboard said...

hinanap ko talaga yung pelikula...

Narito Ang Puso Ko.

hehehehe. sakit tyan ko kakatawa sa mga eksena nito.

Jag said...

In Fairview Power Cast eng movie ha hehe...at talagang na-compute pa na may 2.5% na pagnanasa si Rustom kay Gabby ha hehe galing LOL...

Traveliztera said...

Grabe! Hahahahahha! Eto dahilan bakit fave ko manood ng lumang pinoy films... At ang mga linya... hahahaha quotable ! Puro exclamation lang! hahahhaha! Fave ko yan si Nanette btw hahaha

The Gasoline Dude™ said...

Haha dami kong tawa! Crush ko si Nanette Medved dati. Ganda ganda niya.

Drama King said...

Sobrang panalo nito idol! HAHAHA. Best in tawa ako sa lunchbreak ko. Narito Ang Puso Ko. Alam ko dito naging grandslam best actress si Lorna kaya siya ang Grandslam Queen! O deba ang toroy lang! Puro murahan pala 'to. Sana mapanuod ko ulit :D

Señor Iskwater said...

glenn gawa ka na ng new entry... kaka-b*rat lang...

Artiemous said...

Hindi ko alam ang title, at hindi ko rin alam ang totoong pangalan ni Cherry Pie Picache, although sabi ng ibang nagcomment eh Narito ang puso ko. Npatawa mo nanaman ako ng hihihihi! *virgin laugh*

IndieEscape said...

Nag enjoy ako sa review mo! more!!!

Anonymous said...

[url=http://fastcashloansonlinedirectly.com/#kzdkl]payday loans[/url] - fast cash advance payday loans , http://fastcashloansonlinedirectly.com/#wnzgb advance payday loans

jobologist said...

maiyak iyak na talaga ako sa pagtawa- walang halong biro!

jobologist said...

ngapala....totoong cherry pie ang pangalang ni cherry pie picache at siya ay anak nina Ceferino Picache at Zenaida Picache.

mr. brigthside said...

my future ka sa mtrcb! ang galing mong magreview ng mga classic na lumang pelikula... sana mga bagong pelikulang pinoy ang mapagdeskitahan mong gawan ng review... :)

olyabut said...

oi, whatever happened to Nanette Medved, hahahaha!
Natawa ako kay Bino, niresearch nya talaga ung title ng movie :p

Señor Iskwater said...

antagal naman ng new post....grrrrr....nasa vacation ka ba?

Nong Inong said...

daming tawa sa th ni Amy haha.

Ibang klase ang review.

Tama ka sir pag artista noon artista talaga, hindi tulad ngayon may samoung fans lang na humiyaw dahil sa kagandahang pisikal may pelikula na agad.

SunnyToast said...

Ikaw na ang mahilig sa tagalog movies...lol...pero na miss ko ang PBO! I guess i need my tv back...6 years na rin akung walang tv!

Ely said...

Mula noon hanggang ngayon, favorite topic ang mga kabit sa Pinoy movies.

JM said...

kakatawa. haha!

Pao Kun said...

HAHAHAHAHAH! Andami kong tawa sa review mo! :) Gusto ko tuloy sya mapanood. First time here. And nag enjoy ako. HAHAH! Mukang mapapadalas ako dito. :P

Kareef Arzadon said...

puwedeng-puwede kang scenarist, Glentot. Napakatalas ng iyong sense for details. inggit ako, he he!

Marjonel Acedera said...

Natawa ako ng sobra! Tengeneng yen! Hahaha! Galing mo IDOL!

Marjonel Acedera said...

Natawa ako ng sobra! Tengeneng yen! Hahaha! Galing mo IDOL!

JaY RuLeZ said...

kahit late na late na ang koment ko sa pagbasa nito eh.solb na solb..tawa ako ng tawa... natawa much nawala flover vase at baka nalunok na nya hahaha.

for sure nakatuck in dun sa naneth hanggang bewang na pagkataas taas habang nagmumura ang mapulang labi..lol


Em said...

I REMEMBER SEEING THIS MOVIE AS A KID! hahahahaha winner! meron pa yung linya na asa bedroom sila gabby and nanette and pinag uusapan nila yung selos. i forgot the exact lines pero sabi ata ni nanette hinde kelangan ng basehan sa pagseselos. basta! hahaha

Anonymous said...

Silent reader here! Grabe nakakaaliw itong post mo sir! Keep these coming po :)

Anonymous said...

Narito ang Puso ko. Title ng movie na to.

Jemaima Robles said...

nilunok nya ang flower vase?!!!! LOL. I didn't see that coming..sakit ng tyan ko sa pagtawa.. congrats, sir! Keep it up!

blue logic said...

Kagabi ko lang napanood 'to sa PBO din. Akala ko nga simpleng "wala lang" na movie na hindi ko alam ang kwento kaya papatayin ko na dapat 'yong tv, pero binasa ko 'yong "info" at nacurios ako hanggang sa na-hook ako at napatapos ko na pala.
Naaawa lang ako dun sa bata nung kinakaladkad sya ng sasakyan ni Mark Gil. Pinilit nya sumabit sa ilalim ng sasakyan na umaandar. Sabi pa nya..."Mommy ko..." habang humahabol si LT. Nung may humps na, dun na naipit katawan ng bata against sa ilalim ng sasakyan.
At dahil fresh pa sa pagkakapanood ko kagabi, triny ko pang isearch sa net, at nakita ko 'tong review na 'to, nakakaaliw, hahah
Pero wala bang nakapansin sa acting ni Gabby C? Parang kulang sa pagka-natural. Di ko alam kung parang pilit, korny, or what. Lalo sa part na nasa veterinary office sila at sinasabi nyang mahal pa nya si LT. At marami pang ibang eksena all throughout the movie. (o subjective lang 'to?)

@Em
Naaalala ko 'yong pag-uusap nila Nanette at Gabby habang nasa kwarto sila
Nanette: Sorry nagseselos lang ako
Gabby: Ilagay mo sa lugar
Nanette: May selos bang nasa lugar?

'Yon un... "MAY SELOS BANG NASA LUGAR?"
Napangiti at napaisip din ako sa linyang 'yon

Naentertain talaga ako sa movie na 'yan. Nakakalungkot lang pagkamatay nung bata. Roller coaster of emotions. Nakakainis din. Maraming part na makikita rin sa reality (like justice and political matters.) At saka may thrill din. Galing. Ganda.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding