ang lola ko

Okay Kids it's time for a serious post. Hindi ko nabanggit pero ang Lola ko ay namatay last August. I can talk about it now coz I'm past all the grieving and sadness although minsan namimiss ko sya pag naaalala ko sya. She was 89 nung kinuha sya ni Lord dahil na rin sa katandaan. Sabi ng mga Tita ko during her last few days parang alam nya na maeexpire na ang visa nya dito sa mundo kaya nakapagpaalam pa sya at nakapaghabilin which is "Huwag kayong mag-aaway-away."

Ang tagal ko nang hindi umuuwi sa aking hometown dahil sa hindi ko talaga gusto tumambay dun. Pero nung namatay sya, umuwi talaga ako agad. Yun na lang ang huling magagawa ko para sa kanya eh, ang um-attend ng premiere night, coronation night at grand parade ni Lola.

So pag-uwi ko sa aming bahay, yung dati naming bahay na ang nakatira lang eh ako at ang Tatay ko, ngayon eh converted na to a house full of little kids: mga pinsan ko at mga pamangkin. Nung pagbukas ko nga ng pinto eh sampung bata ang nadatnan ko, sabi ko "Tangina akala ko lamay, bakit children's party?"

So pagdating dun eh dumiretso ako agad sa kabilang bahay para makita si Lola na kasalukuyang naka-exhibit. Isa ito sa mga pinaka-critical moments, ang makita ang mukha ng namatay for the first time. Minsan eh hindi talaga maganda ang pagka-make up sa mga deads. Mahirap siguro make-upan talaga kapag rigor mortis na. Minsan dahil sa ayos ng mukha nila, nasisira yung solemnity ng event dahil kailangan mong magpigil ng tawa.

At nung una kong pagtingin sa Lola ko naisip ko Shit sinong may kagagawan nito? Bakit nyo sya ginawang clown??? Mga hayop magbabayad kayo! As in nagulat talaga ako like Lola bakit ka naka-lipstick na Hot Pink???

Pero katabi ko yung isa kong Tita nun kaya sabi ko na lang "Mmm okay". Keysa naman maglupasay ako dun at gumulong sa ilalim ng kabaong. Pinunas ko na lang ang namumuong luha sa aking kaliwang mata, tapos after 15 seconds yung luha naman sa kanang mata. Sabay reminisce ng aming mga happy times.

Alam nyo kung ano ang pinakapaboritong linya ng mga Lola? "Kumain ka na?" It's not even a question, it's a command. Ganyan ang Lola ko. Noong college kasi, ayoko nang umuwi sa bahay kaya kapag sem break, sa bahay nya ako umuuwi at dun ako natutulog sa kama nya. Sya naman, sa sofa sya natutulog pag nandun ako. Ganun sya kabait sa akin.

So matapos i-check si Lola hinarap ko ang mga pinsan kong kasalukyang nagtitipon sa kusina para magluto ng handa. As in HANDA. Akala mo piyesta. May menudo, adobo, calderetang baka, pinapaitan and other dishes. Syempre hindi mawawala ang mga  biskwit at kape. Meron pa ngang isang buong box ng biscuits, may tatak pa na "Condolences from Mayor."

Lahat ng nakasalubong ko iisa lang ang sinasabi. Hindi ko na sasabihin kung ano exactly pero it has something to do with my weight. Mga hayop.

Yung isang pinsan kong menor de edad, ganito ang kwento: "Alam mo Kuya Glenn, si Kuya at yung asawa nya may scandal! Kitang-kita pinapasok! Di ba Ate may scandal kayo?"

Yung babae naman tumango sabay ngiti at sabing "Oo may scandal kami, hehehe."

Tangina proud??? Ayokong makita!

Nung tinablan na ako ng antok lumipat na ako sa bahay ng Lola ko at natulog sa kama nya like in the old times. Kahit galing ako sa byahe, more than 12 hours na akong gising at pagod na pagod, tangina hindi ako makatulog! I tossed and turned at madaling araw na ako nakatulog.

Kinaumagahan I was greeted by my Pudrax with this line: "Diyan ka natulog? Diyan sya namatay eh."

Putangina! Bangon ako agad.

Come Sunday morning, ang araw ng grand parade. Mula sa bahay inilabas ang kabaong at isinakay sa float. Tapos kaming mga family members naman eh nakasunod. May color scheme ang mga damit. Kapag mga anak ng Lola ko, naka-black. Kapag mga apo nya, naka-white. Ako? Naka-checkered blue at shorts! I was not informed!

So yun may walkathon mula sa bahay hanggang sa simbahan. Nung una eh kokonti pa lang kami, mga family members lang talaga. Habang naglalakad kami at nadadaanan ang mga bahay ng mga kamag-anak, kaibigan at kababata ng Lola ko, nadadagdagan kami. Hanggang sa dumami kami at nagkaroon ng stampede JOKE. Na-amaze ako kasi ang dami rin palang nagmamahal sa Lola ko na hindi ko kilala.

Pagdating sa simbahan may tatlong floats na naghihintay sa entrance. Ano to??? MMFF? Dami pala ka-batch ni Lola. Pagpasok namin sa loob nag-misa na si Father at binasbasan ang mga labi. Isa-isa kaming nag-wisik ng Holy Water habang ang mga mata ng mga tao dun eh nagwawater-water. Di ako umiyak no!

Someone suggested na magpicture-picture. Kung ako masusunod, ayoko sana kasi di ba? Pano kung dumungaw bigla si Lola sa kanyang kabaong at mag-Japan Japan? Pero yung mga pinsan ko kasi, pag nakarinig ng picture, kahit luhaan, biglang magpopose.

So nakalinya kaming lahat tapos nasa gitna si Lola syempre sya ang star ng event na yun. Hindi ko alam kung anong facial expression ang gagawin ko. Naka-smile? Magmumukha akong masaya sa mga pangyayari. Nakasimangot? Magmumukha akong napilitang umattend ng libing. So I settled for po-po-po-po-po-poker face.

Matapos ang photoshoot, nilabas na namin si Lola para sa kanyang final destination. Lakad na naman kami. Biglang umambon. Una pa-sweet lang tapos pa-harsh nang pa-harsh. Ang mga pamangkin kong high school bagets, aba kanya-kanyang payong sa mga boyfriend nila. Palibhasa hindi sila pinapayagang makipagdate o magpaligaw, ginawan na lang nila ng paraan kung paano sila magdedate: sa kalagitnaan ng libing. Way ways...

Pagdating sa sementeryo haggard na si Lola. Sino bang hindi ma-iistress kung inulan yung big day mo. Tingin ko eh gusto na talaga humimlay ni Lola. Eh yung sementeryo pa naman, mala-maze. Hindi talaga na-organize maigi ang mga libingan. Akala ko nga habang naglalakad ako eh nasa sidewalk ako, shet mga nitso pala. Napansin ko na ang location ng libingan ni Lola ay malayo sa kung saan nakalibing ang Lolo ko. Wala na kasing space dun, samantalang dito kay Lola, malawak pa pwede mag-skating.

So nandun na kami sa may puntod right? May hukay na rectangle tapos may naka-ready na semento sa gilid.

Yung isang Uncle ko may bright idea: magpapalipad sya ng white balloons! Ewan ko kung anong gusto nyang i-signify pero isang bagay ang natutunan naming lahat: hindi lilipad ang balloons patungo sa langit kung umuulan. BWAHAHA. Nakailang hagis si Uncle sa mga lobo, aangat lang sila ng ten feet tapos biglang mahuhulog pababa in the most disappointing and mapang-asar way. Yung ibang balloons nashoot sa hukay, yung iba nilipad ng hangin papunta sa ibang nitso LOL. I hope this made Lola smile.

So dahan-dahan nang ibinaba si Lola. Yung mga Tita ko, kung kanina sa Church eh luha lang, ngayon may hagulhol na. Ang Tatay ko hindi pa rin umiiyak. At this point gusto ko nang umuwi so ipinagdarasal ko talaga na maging successful ang libing para makabalik na kami sa bahay for the reception.

Habang naghahagis kami ng roses sa kabaong habang ibinababa ito sa hukay, bumulong sa akin ang Tatay ko:

"Nakikita mo yang sakong yan?"

Saka ko lang napansin yung sako na nandun sa may corner ng hukay. Sako as in SAKO it's not a metaphor or simile or exaggeration, sako talaga as in SACK. Nandun sa tabi ng kabaong. Una kong naisip, bigas. Pabaon kay Lola? Rice subsidy?

Medyo hindi ko maaninag pero alam kong may laman talaga yung sako na something heavy.

"Anong laman nyang sako?"

"Lolo mo."

Did this post offend you? Sad event tapos pinagpyestahan ko sa blog? It's up to you. Malamang si Lola hindi naman na-offend. Ito lang ang nakayanan kong tribute sa kanya eh. Mas nakaka-offend di hamak yung nag-make up sa kanya. 

CLARIFICATION (naks!) Kaya po nasa sako si Lolo dahil in-exhume yung kalansay nya mula sa dati nyang puntod para mareunite sila ni Lola sa bagong location.

61 comments. Post your comment here.:

Bino said...

ung mga relatives ko sa mother's side gustung gusto na magpapicture sa kabaong ng mahal na yumao. ewan ko ba. i find it weird tapos nakasmile pa?

anyway, si lola mo happy na siya ngayon dahil kasama na niya si lord.

Nong Inong said...

Matutuwa si Lola mo habang binabasa itong tribute mo sa kanya, malay natin kasabay ko pala siyang nagbabasa (kaya pala nilalamig ako haha). At syempre mas matutuwa siya kasi magkasama na sila ni Lolo mo (nakasako nga lang)

Anthony said...

Sir Glenn, paiyak na sana ang isa kng mata (then after 15 secs. yung kabila naman) kaso natawa talaga ako sa scandal. Proud na proud! Naalala ko rin ang lola ko. Champion talaga ang mga lola. Spoiled ako sa lola ko.

joanne said...

Ayan nga gusto ko sayo, pinapagaan mo kahit malulungkot na moments.. Weird na weird din ako sa pictorial pag may patay.. Naalala ko tuloy naman yung libing ng lolo ko, baha nun naglalakad kami papuntang simbahan sa biglaang ulan.. Bakit kaya nakasako lang si lolo..

Hustin said...

Naku ako ay isang certified lola's boy. alam ko namang dadating talaga yan pero parang di ko talaga kaya.

Nawei-weirdohan din ako sa mga nagpapapicture sa harap likod gilid ng patay. mas gusto ko pa maaalala sila dun sa natural face niya.

khantotantra said...

wala namang nakakaoffend sa manner of sharing the story.

While reading your post, i can sense na buong-buo mong idinetalye to somehow, makagaang ng lungkot na nadama mo.

may naaalala akong ganyang moments na bubuksan talaga yung ataon tapos papapicture. Yung iba hahalikan pa sa cheeks.

atticus said...

not offensive at all. baka kurutin ka nga lang ng lola mo.

ganda ng details ng kuwento. kompleto.

akoaysalbahe said...

at least kasama nya sa libingan ang lolo mo. di siya nag-iisa.

merry christmas and happy new year pre!

Senyor Iskwater said...

mabuti naman at successful ang libing ni lola...

ang happy part is instant reunion talaga ang event na gaya nito....

well written at hindi naman offensive.
bakit nasa sako lang si lolo?

Chikletz said...

kulet talaga. im sure masaya si lola sa mga naging events sa parade nya..

at mas sumaya pa kasi reunited (and it feels so gooood) na sila ni lolo. bongga.

Maniniyot said...

Hayop na balloon, natawa ako dun sa effort ng Tito mo. Tapos yung si Ateng proud sa kanyang very own scandal. Galing! Condolence nga pala sayo.

Jenny said...

Tsinaga ko syang basabin mula sa maliit kong screen. Ang kulit lang.i was 4 years old ng madeads ang lola ko so i cant really remember lhat ng happennings nun. condolence pala. uy bakit favorite ko pa naman ang hotpink.pag ako natsugi di ko na gagamitin yun maybe i will go for hot red nalang. lolo ko din nakasako nun sila ni lola nung nilibing tito..nagsama sa
a sila sa isang condo.masaya ang kwentong ito.may bahid pa rin ng kalaswaan.1% lang naman.

Ayie =) said...

Ang sweet naman. Si lola naka alpobre, si lolo nakasako.

Ang lolo at lola ko nga e, nakatayo inilibing. Coz' u know in Manila, very expensive the lot price kahit sa dedo na.

Hindi rin ako naiiyak sa libing, Naiiyak lang ako kse naiiyak sila.

Para sa akin, mas masaya nga e, abswelto na sila sa hirap ng life diba?

Archieviner said...

Serious post ba talaga to? Natawa ako e.

Weird nung magpapicture ka sa kabaong. Di ko alam kung tatawa rin ba ako o ano.

Masaya naman ang ending dahil magsasama na si lola't lolo mo :)

k0tz said...

natawa ako sa post na ito. nagreready pa naman sana ako umiyak.. anyway kung saan man ang lola mo happy na yun.. magkasama narin namn sila ng lolo mo ngayon.. pero bakit sako?

mike said...

like most of you readers, i was ready to shed tears. but then, it won't be you if didn't make it funny. :)

i'm sure your lola is having an ROFL moment right now reading you post.

jobologist said...

yung lolo ko namatay nung july, naalala ko siya bigla...kalungkot ano? tatlo din silang binasbasan ng pari sa simbahan at umuulan din nung araw na yun axuli lagpas sakong na ang tubig nung pasementeryo kami....haaaay nakakalungkot

June | Life and Spices said...

Offend? not at all.. lamay at libing is a happy experience too. u get to see a lot of people at mastress ka talaga ng bonga sa mga pamahiin.. wag ka uupo jan, wag ka kakain nyan, bat mo un gnawa.. mehgahd.. lol love this post

Nate said...

@glentot: ahahahha! asan ang seryoso??! ahahahaha! siguro kaya fave ka ng lola mo dahil kenkoy ka! :p

KULAPITOT said...

emote din tawa!

JM said...

written in the the usual glentot style. must admit na i felt a little tug in the heart dun sa ibang part. dun sa lobo fail scene.. joke! very profound. written all-over yung totoo mong feelings beneath the humor.

DEMIGOD WINZTON said...

HAHA. TAMANG KULIT LANG!
HAPPY NEW YEAR!
MORE POWER TO http://www.WICKEDMOUTH.com

tadong daniel said...

Yung tito ko, inuwi galing Manila papuntang La Union. Nakasako't kahon para itabi sa lolo ko. Gusto kasi nilang iisang libingan na lang para kapag dinalaw iisang puntod na rin.

Masaganang bagong taon, Glenn Idol!

Phioxee said...

glenn ewan ko kung matatawa ako tapos okay lang sau kung matawa man ;-) smile nalng aketch. condolences at happy new year na rin

Gino Lamberto said...
This comment has been removed by the author.
Gino Lamberto said...

Relate ako dun sa "Relocation" ng banggkay sa sako :)

Swerte ng Lola mo; ako kasi di na nakapunta nung Final Words nya tska Libing. Anyways nice blog; mas okay yan kesa mag Emote ka dba?? mas nakaka depress at nkaka BV yun . Aliw siguro yung Lola mo if mabasa nya toh.. :)


-Happy New Year!! :)

KUMAGCOW said...

Hindi ako skip read..

Ang alam ko lang glennglenn...

Ikaw na ang next wuhahaha :))

eMPi said...

iniimagine ko kung anong itsura niya sa make-up niya. :D

Marjorie Gavan said...

Hindi ko alam kung maiiyak ba ko or matatawa. Natawa naman ako dun sa scandal hahaha... Ayoko din makita.

Hindi naman offending yung post, nakakatuwa nga eh. You were able to make a sad affair, light. I think matutuwa ang lola mo sa post mong ito.

Kaye said...

sabi ko na nga ba at pagpunta ko dito a mapapabunghalit na naman ako ng tawa. galing pa naman ako sa post ko about Tarbs at sinagot ko yung comment mo (sorry naman at late na). tapos eto e, tungkol din sa yumao pero di ko kinaya ang kwento mo. sorry naman at tawa ako nang tawa. I don't think your lola was offended kasi masaya naman ang kwento mo at hindi ikaw si glentot kung naiba ang treatment ng tribute. heehee.

pero yung scandal, totoo? jusme. ako ang naeskandalo. hahaha!

Anonymous said...

Usually, naka sako talaga yung buto ng namatay pag inililipat from one tomb to another tomb. usual yan di lang sa probinsya, di ko lang alam sa mga shusyal na dedz - Anton

Bulingit said...

hahhaa.. ayos lang naman yang pagkatuwaan ang lola mo.. in the first place. hindi mo kailangang malungkot ng mahabang panahon.. kahit umiyak kapa ng isang dagat na luha.. hindi mo na siya maibabalik.. kaya move on lang ng move on! hahaha.

gillboard said...

Habang binabasa ko post mo naaalala ko yun libing ng lola ko. Halos kapareho ng pangyayari nang ilibing sya minus the lobo.

Pinagtabi din sila ng lolo ko sa isang puntod.

Misyel Landia said...

Pag may patay kasi, reunion na din yan. Kumustahan ng mga buhay. Isa na namang...tatak...eksklusibo!

tabian said...

sabihin nalang nating coping mechanism mo lang na lagyan ang nakakalungkot na pangyayari ng humor...diba? and seryoso ng comment ko!

Anonymous said...

naku! nakita ko nga ung pictures ng mga pinsan mong akala mo nag-a-audition lng sa PBB Teens. Buti na lng di ko sila kamag-anak, teka kung kamag-anak ko sila eh di kamag-anak din kita? buti na lng hindi talaga. Hehehe

Baronesa Gaysler said...

naalala ko tuloy si Papa Ketchup at Chiken Mami sa post na itey...together again din ang peg nila sa Coffiness ni Pudrabelles.

littleyana said...

Waling patid ang tawa ko. Hinde naman siguro na-offend si Lola. Sabagay pwede naman siyang magparamdam in case di ba? Ang ganda ng kwento!

SunnyToast said...

sabi ng lola mo...salamat daw sa entry na 2:) ang sakit ng ng ulo ko sa katatawa! oo nga naman bakit kc may pictorial portion pa? weird!

Taga-pitik said...

Masaya na lalo yung lolo mo idol kasi kasama na nya si lola :D

VeeBee said...

condolence glen tapos belated happy yuletide season na rin... tapos happy new year...

SweetIsh said...

theres nothing really offensive sa post. nakakatuwa lang kasi in times of sadness may mga funny antics pa rin..hahaha!

Ungaz said...

Condolence brad....Malungkot mang pangyayari dahil sa gilas mo naging nakakatawa ang events. Sino nagsabing mataba ka?!gagung mga yon a...hahahaha!!!

Jepoy said...

ang ganda ng structure ng post na ito. Blog on! Keep writing para sa kapayapaan ng sanlibutan.

Kiki ka!

Taga-pitik said...

wahahaha...natuwa naman ako sa comment ni jepoy :D
#structure

unni said...

condolence kahit late na,,,
natawa naman ako sa post mo lalo n dun sa haggard na c lola mo pagdating sa sementeryo hehe...
patingin ng pic na nakapoker face ka hehe...

Boffill Bernardes said...

Update ka po idol! :) Hehe.

Pink Line said...

kahit serious post nakakatawa pa rin..ibang level ka talaga glentot!

sigurado ako matutuwa si lola mo sa tribute mo sa kanya :)

Masarap said...

I Love You Glenn!

Anonymous said...

… Unbelievable , but I just found software which can do all hard work promoting your www.wickedmouth.com website on complete autopilot - building backlinks and getting your website on top of Google and other search engines 1st pages, so your site finally can get laser targeted qualified traffic, and so you can get lot more visitors for your website.

YEP, that’s right, there’s this little known website which shows you how to get to the top 10 of Google and other search engines guaranteed.

I used it and in just 7 days… got floods of traffic to my site...

…Well check out the incredible results for yourself -
http://magic-traffic-software.com

I’m not trying to be rude here, but I believe when you find something that finally works you should share it…

…so that’s what I’m doing today, sharing it with you:

http://magic-traffic-software.com

Take care - your friend Jennifer

Senyor Iskwater said...

hala antagal ng new post...

YOW said...

Aww.. My sincerest condolences Idol! Parang nun yung time na pa-isa isa lang yung post mo e. That explains a lot! Masaya na siya kasama si Lord at si Lolo mo. :)

Ganun din ginawa sa lolo ko, pinagsama sila ng Lola ko nung nilibing at isinako din siya.

KikomaxXx said...

recently lang din namatay ang lolo ko.. pero andun pa rin ako sa make-up and the balloon thingy... hahaha pero condolence parin kasi kahit di ka umiyak parang ngayon ka palang nagmove on..

ELAY said...

nawala yung nararamdaman kong lungkot nung binasa ko to. puro saya. im sure nakangiti ang lola mo kapag nabasa niya to from heaven. :) kilala mo po pala si kuya christian (gxs)

Maniniyot said...

Loko tong spammer na to. Amp. Hmm. Idol, wala bang bago dyan? Tigang na tigang na ako. :D Hehe.

DEMIGOD WINZTON said...

NAPAKA-ASTIG AT NAPAKA-TAPANG NA BLOG ENTRY! LOL!

NAKAKA-ALIW NGA :) 'STIG

PANG NUCLEAR BOMB, YUNG SAKO. PANG FINALE TALAGA.

Traveliztera said...

I don't find this post offensive... I'm sure nga mas gusto ng lola mo na you're remembering her in a positive light. Condolence nga pala...

Ang cute naman na irereunite sila ng lolo mo... Promise ang sweet...

And kung sino man yung nagmakeup, ireview mo. haha

ugmahay said...

Wagi ang post na ito!
Happy Condolence. Love the VISA, MMFF, Grand Parade thing!

Em said...

umpisa pa lang, d ko na tinapos. alam ko naman magiging masaya ang kabuuan ng entry na ito. pero kasi, asa grieving stage pa din ako. one day i'll make kwento about it. pero, good for you (?) na you're past the grieving stage na.

Overthinker Palaboy said...

Ito ang pinakabenta: "Diyan ka natulog? Diyan sya namatay eh."

SkySaunter™ said...

WTF! i am falling inlove na.. haha ^,^ love your works... =)

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding