sabay nating abutin ang langit

Oh ha ako na ang tumatanggap ng submissions ngayon. Busy kasi ako sa isa kong project kaya hindi ako makapagpost. Kaya isang reader ng blog ko ang naawa sa aking stagnant blog. Sya na ang nagmagandang loob at gumawa ng paraan para magkaroon ng update.

Itago po natin sya sa pangalang "Misyel Landia". Actually sya ay aking officemate. She's a shy type and virginal even though she is now a mother of 4. Actually yung panganay nya ay nakapagtapos na ng kursong abogasya. Joke lang.

Pero totoo, isa si Misyel sa mga pinakamasayang tao sa opisina. Sya ang nagbibigay ng buhay sa aming lunch break sa kanyang mga stories na nahahantong sa kasong sexual harrassment.

Some trivia about Misyel:
  • Ang ganda nya.
  • A few years ago nasaksak sya ng ice pick sa Cubao.
  • Ok na yan.

Ito po ang kanyang panulat na nais nyang ibahagi sa ating lahat. Handa na ba kayo mga Kids?

----- o=====8 - (o) - 8=====o -----

"Sabay Nating Abutin Ang Langit"

Bago basahin ang artikulong ito, gusto ko lang magbigay ng maiksing "disclaimer" na ang mga nakasulat dito ay hindi gabay upang maging maayos ang kasalukuyang estado ng iyong sex life kung meron man itong pinagdaraanan sa ngayon. Gusto ko lang mapag-usapan ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi lahat ay nakararating sa dapat patunguhan (bago, habang at pagkatapos ng ganap). Ito'y bunga ng naiinip ng malayang kaisipan habang nasa trabaho.

Kung isa sa mga nabanggit dito ay nakagawian mo na at malamang ay kinagigiliwan, mag isip isip (ng isa, dalawa, tatlo), iwasan ng gawin ito o baguhin ang pamamaraan...paraan na harinawa'y di mo makikita sa listahang ito.

Patok ang 50 shades of Grey. Di ko maisip kung bakit kasi salungat ito sa nasasaad sa kasalukuyang statistics na 80% ng kababaihan ay pinepeke ang orgasm during intercourse. "Ows?" Di ka makapaniwala Kuya? Masaklap pero totoo. Nagtanong tanong ako sa aking mga kaibigan, kakilala at syempre base na rin sa sarili kong karanasan, (though, di naman sya ganun kalawak) kung bakit nangyayari ito at narito ang ilan sa mga nakalap kong kadahilanan.

CINDERELLA STORY
Ito yung akala mo may curfew at may hinahabol na deadline si Kuya. Ang lahat ng bagay ay nararapat na dumaan sa proseso at kung ito'y lingid sa iyong kaalaman ang halik o paghahalikan ay syang panimulang hakbang upang maikondisyon ang aming sarili. Pero kung just like Cinderella ay may hinahabol kang oras, gawin ito kung maluwag na ang schedule.

PAG-IHIP SA TENGA
Aminin mo Kuya, napanood mo ang eksenang ito sa mga porn movies di ba? Ang eksena.... hinihipan ng lalaki yung tenga ng babae at yung babae humalinghing na parang natadyakan ng paa ng kabayo sa panga. Tapos like a bulb, gusto mong i-apply samin. "Pwede!" Pwede nga naman, pero may malaking kaibahan po ang pag-ihip ng hangin na maghahatid init sa aming katawan at pagbuga ng hangin na para bang pinapatay mo ang mga kandila sa cake tuwing ikaw ay nagdiriwang ng iyong kaarawan. Masakit po sa tenga.

HINDI PAG-AAHIT
Okay na sana na hindi ka nakapag-ahit pero para namang nananadya, walang humpay mo ito kung ikiskis sa mukha at hita namin. Kung nakikita mong kaliwa't kanan kaming pumipihit, hindi kami nahuhumaling, kami ay umiiwas.

PAGPISIL NG DIBDIB
Hindi kailanman nakakadagdag ng ligaya yung pagpisil nyo ng dibdib na parang gusto nyo ng kalkalin internal organs ko. Hindi nakaka eksayt na sa sobrang higpit ng pisil mo, halos nakapa mo na din balumbalunan at apdo ko.

PAGNGUYA NG NIPPLES
Bakit nga ba masyadong attached ang mga lalaki sa nipples ng mga babae? Parang gusto ni Kuya na higupin kaluluwa namin sa pagigitan ng pagsipsip sa nipples. Yung iba nag aala-Doding daga dahil may ngatngat pang kasama. Kuya, hindi po sikreto na ang nipples ay isa sa napakasensitibong parte ng katawan ng babae at hindi po ito dinisensyo para isiksik sa inyong mga gums at nguyain.

PAGPIHIT NG NIPPLES
Hindi din po nakakatuwang pihit pihitin ang aming nipples na para bang naghahanap ka ng matinong istasyon ng radyo sa masukal at magubat na lugar.

PAGDAGAN
In general Kuya, mas mabigat kayo kesa samin, kaya huwag basta basta pumatong na walang suporta. Ikalalagot namin yun ng hininga.

HINDI AKO SI CURACHA
Ang ganap na walang humpay ay sa pelikula lamang nakakaaliw panoorin. Sa pelikula kasi, may tinatawag na cut at edit. Kaya kung napapanood mo man ito ng tuloy tuloy, malamang sa malamang 4 na buwan nila itong shinoot. Huwag moing isummarize in 3 hours sa totoong buhay. May mga salitang nailathala katulad ng pagkangalay, pagod, panghihina, paghingal at paglupaypay. Bigyan kami ng karapatang magpahinga.

HICKIES
Okay lang naman na medyo may sipsipang ganap during the deed. Nakakaaliw naman talaga at some point.....KUNG mahinahon ang pagkakagawa. kasi, wala ng nakakahiya pa sa pag TUTURTLENECK habang naka declare ng EL NIÑO sa bansa.

MGA MUMUNTING SORPRESA
Surprise.....gamit na condom!!! Hala naman Kuya, ginamit mo, itapon mo. Ano mararamdaman mo kung iasa naming ipatapon sayo gamit na napkin ko? Exactly!


----- o=====8 - (o) - 8=====o -----

Nga po pala, ito po ang author ng article na ito:




Hindi po sya yang Dolly Ann Carvajal look-alike na nakasupsop sa iced tea. At lalong hindi sya ang cutie hot maalindog guy sa tabi ni Dolly Ann. Sya po yung nasa kanang bahagi ng larawan, yung legs.

Kita naman sa pamimilipit nya na matagal na syang walang aksyon. Meron po bang gustong magvolunteer para maisabuhay ang mga Dos and Don'ts?

Sana hindi nyo maisip na ang post ng author ay tadtad ng kaartehan, magpapakant*t rin naman. Marami syang nabanggit na good points para sa isang kahali-halina at makabuluhang pagtototnakan. Ito ay para sa ikabubuti ng lahat.

 ----- o=====8 - (o) - 8=====o ----- 

May blogging fever sa office. Maliban kay Misyel Landia na wala pang sariling blog pero nagsusulat na ng articles, meron na ring blog ang mga kaopisina kong sina Senyor Iskwater at Baronesa Gaysler. Mangyaring checkitawten rin sila kapag kayo ay bored.

45 comments. Post your comment here.:

Bino said...

buti na lang lagi akong nag-aahit hahaha.

Archieviner said...

Tagal ko nang di nag-aahit. lol Ngayon ko lang nalaman yang mga tip nya. haha :P

Bulingit said...

ohoy! malinis kaya tong birdie ko, hahaha
ang ganda ng legs ni ate. hahaha
masarap lang talaga ang nipples- parang gummies lang. nyahahah

nga pala. salamat sa greetings Idol! :-)

khantotantra said...

hahaha. takte ang sinulat... funny and witty! may point ang mga sinaad lalo na yung pagdagan... what if malaki nga yung guy tas petite ang gurl, patay.

napa-double look ako sa dolly look-alike. hawig nga nung artista.

sana magkablog na din ang guest blogger mo. Nkadaan na ako isang beses kay baronesa gaysler. next stop yung kay senyor

YOW said...

HAHAHAHAHA. Very Dra. Holmes lang! Dapat gumawa na din siya ng blog niya. Nafi-feel ko si Ate Powkie sa kanya. Virginal!

Senyor Iskwater said...

Sobrang dami kong tawa dahil kakilala ko yang Misyal Landia na yan... Ubod talaga ng ka-elyahan ang babaing 'yan... May jowa rin yang tomboy...jowk!

Thanks naman sa mention...

Baronesa Gaysler said...

waaah! naalala ko tuloy yung exchiba ni Misyel Landia na shi bash... tandang tanda ko ang pagbakat ng mga malalaking daliri sa hita nya sa puwersahang pag sundot sa pigsa nya... EPIC FAIL!

Misyel Landia said...

More than the content na nailathala, mas nagpapasalamat ako sa pagpapakilala mo sakin sa madla lalong lalo na sa kiming kiming larawan ko. Ngayon, mas bawas na ang respeto sakin ng tao...na sana'y ikaunlad ng isang parte ng buhay ko. *clap clap*

Xander said...

Hahahaha... tsek sa lahat.. lol... super witty.. thumbs up!

Aeschylus said...

Wow..nabuhay si YOW. Tagal mo na hindi naga-update =(

Pao Kun said...

HAHAH! Tipsy tipsy lang! :)) Natawa ko sa Cinderella Story. ^^ baka kasi may next customer pa kaya nag mamadali!

Bakit legs lang pinakita?! :D

Pao Kun said...

Ohhh and ser... maraming salamat sa pagiwan ng bakas sa aking blog, napatumbling* (napagulong) ako! With tears of joy! ^^ HAHAH!

Overthinker Palaboy said...

Miss Dolly!

rundeekalel said...

iba to ha. pananaw naman ng kababaihan. malinis. busilak. inosente. wala na akong mahihiling pa.
operada na ba ung Misyel? hahaha. joke.

akoaysalbahe said...

isa pang tip na narinig ko lang kung saan: maging mapagbigay din daw dapat ang mga lalake. hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ano ang dapat ibigay sa kanila. lols!

JM said...

haha. very nice. and informative. haha.

jobologist said...

lakas ngang maka dolly ann carvajal yung picture, sabay pakitaa lahat nga swarovski crystal na polseras

mike said...

hmmm....not sure what to say. i guess i'll just put no comments. :)

Anthony said...

Sino kaya si Misyel Landia? Pakiramdam ko ay marami akong matututunan sa kanya. :D Hindi ko maintindihan sa mga babae kung bakit nila pinepeke ang orgasm? Nakokonsensiya kaya sila kapag ginagawa nila iyon? Hirap pa naman sa panahon ngayon, kung ano ang mapanuod sa internet eh iaaplay din sa aktwal. Tila totoy romantiko.

Napa eye-to-eye ako sa Ms. Dolly sa pic. :))

Ester Yaje said...

KUYA GLEN! DI KO ALAM PANO MAGREAK. LOL NAMAN TO OH! PARANG BIGLA AKONG NAGING LIBERAL. PERO SUSMARYOSEP (WITH MATCHING SIGN OF THE CROSS). HAHAHA

Phioxee said...

hahaha super tawa mode ako.tapos tahimik lang dito sa hauz bigla akong napa halakhak. uber sa true naman yung sa hickies. ang sama sama kaya non. bakit pa me mga ganon.

ive read fifty shades, at di ko kaya powers ni anastacia steele.

gord said...

Tsalamats dito ser! Naliwanagan ako! Hahaha.

Ang cute ng legs niya! XD

Misyel Landia said...

Takte naman o! Di ako operada. Babae po ako. Maganda. Maputi. Makinis. Mahinhin. Mahina.

Woshooo! Habang 50 pointers nga yan. Iilan lang ang nilagay ng ating kyut na kyut na master blogger. Maglalagay na lang daw ng Part 2. Titingnan muna daw kung kagaya ng RHBill ay makapasa ng tuloy tuloy di lang sa kongreso.

Pink Line said...

nakakatawa pero informative lalo na para sa mga kalalakihan! go Misyel Landiya! i-post na yang part 2..

akala ko talaga sya yung humihigop ng iced tea sya pala yung legs lang ang kita..at ang cute naman nung katabi ni dolly ann look-a-like.. harap naman jan ;)

nyabach0i said...

humagalpak ako kakatawa sa dolly ann carvajal look-a-like. siyang tunay.

grabe agree ako sa nipples! i schwear! kelangan na isama sa rhbill ang nipple care promise.

at ang pagaahit. pasok sa jar yan! iprint nga to at ipasa sa mga lalake sa MRT.

Misyel Landia said...

AKO NAMAN!

Some trivia about Glenn:
1. **********
2. **********
Ok na yan.

Antayin mo lang. *evil grin*

Boogie Dolly said...

Si Dolly Ann ba at si Boogie sa nakaraan mong post ay iisa? Opo, sila ay iisa? Bakit ko alam... Kase ako yun! Hahahah! Langya ka.. Hindi ka na naman nagpaalam, hahaha!

gillboard said...

pag-iisipan ko ang mga puntong iyan kung sakaling magdesisyon akong umano ng babae.

hahaha

:P

lakastamalakasuga said...

ngayon ko lang nalaman.. kelangang bumago ng paraan o estilo sa paghimod sa naguumapaw na hukayan ng kabute na doon din sinasabawan..

Hustin said...

Marami rin namang natuwa sa balbas ko.. nakikiliti daw sila hihi
Ang nipples kasi maganda yan pang-foreplay pati yung ear thing. practice lang ng maigi para magawa ng tama :P

Gawa ka na rin blog Misyel Landia ala Sex consultant :P

Misyel Landia said...

@Hustin : Gagawa ako ng blog ala veterinarian. Bet?

Anonymous said...

applause naman ako kay misyel landia!

Bulingit said...

Langhiya! Tangina! wahaha!! Pokpok talaga! ang sagwa! jowk!
ngayon ko lang napansin to ah!!

----- o=====8 - (o) - 8=====o -----

Wahahahaha!!

Misyel Landia said...

San ka galing Bulingit? Nagrereat ka ba sa pink sisters sa Tagaytay? =)

Bulingit said...

galing ako sa mundo ng mga kumakatay sa pangalang Magelan. Chos! Cebu lang! ahaha

Pink sisters sa tagaytay? yun ba yun? kala ko chocolate hills yung tinira ko. :-) medyo dark kac. wahaha

SunnyToast said...

iwan ko sayo! hahahaha! your poisoning my virgin brain ...lol...dahil lagi mo ako nakikita...dapat makita rin kita so dapat tlga i should always wear my glasses...grh!

advance merry christmas!

Chikletz said...

hahaha! ayos ang post na yan!

natawa naman ako sa picture ng author. legs talaga?! pwede! lol!

joanne said...

Hahahaha, kabaliw lang.. mana pala sayo ang mga officemates mo! :p

Anyways, Merry Christmas! :)

Marjorie Gavan said...

Naks may guest posting ka na pala dito sa blog mo hahaha... In fairness nakakatuwa naman yung article at bilang babae tatlo lang ang masasabi ko dito:

1. Tama!
2. Tama!
3. Tama!

Sobrang natawa ako sa hickies hahahaha...

Akala ko si Dolly Ann Carvajal yung author, yung legs pala, alangya hahaha...

Senyor Iskwater said...

antagal naman ng new post... more than a week na....

Maniniyot said...

Honga po. Tama si Senyor Iskwater. Update ka sana bago ako makabalik ng work. Hehe.

KikomaxXx said...

may gad tamang-tama pala ito mamaya.. hahaha.. makaahit na nga...

DEMIGOD WINZTON said...

PANALO ANG PHOTO ATTACHMENT!

NAPA-ROLL ON THE FLOOR LAUGHING AKO!
HAHA!

June | Life and Spices said...

Sad thing is di pa din sya nag popost ng bagong post. Nakakatawa din tong si Michelle as per Crunchee. lols

sweetazukal said...

hahaha! Pero mas natawa ako dito:


----- o=====8 - (o) - 8=====o -----

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding