one fucked up day

Paniniwala ko noon pa man na kapag pangit ang simula ng araw ko, magiging pangit ang buong araw. Walang mintis, it always happens to me. Hindi ko alam kung malas talaga ang araw, or dahil sa kakaisip ko na mamalasin ako kaya ako minamalas. It's like I caused my own misfortunes to occur tsarot.

One Sunday last December, hindi maganda ang gising ko. Pagod na pagod lang ako the night before, at ang ikli lang ng tulog ko, pero kailangan kong bumangon ng 6AM para pumunta sa dance rehearsal. Yup, sayaw. Christmas party kasi namin itong araw na ito at kailangan namin mag-practice for the last time bago sumabak sa hatawan. Hatawan talaga? Shet.

On my way to the venue, nagtaxi ako at na-damage ng malaki-laki dahil malayo ang bahay namin. Ang tugtog sa radio na "Hey, hey, hey, it's a beautiful day" at parang gusto kong hanapin yung singer at sampalin. Napakapanget ng umagang iyon. Maulan, makulimlim, sarap lang matulog.

Pagdating sa venue ng Christmas party, kahit antok na antok ako eh pinilit kong magpractice. May parte pa naman ng sayaw na hihiga kami bigla sa sahig at tatayo rin bigla. Ang effort masyado, sumakit ang liver, kidneys at vas deferens ko.

Pagdating ng tanghali may isa na naman akong fuck-up pero ayoko nang ikwento dahil masyadong personal, basta it's about the word "Blumentritt" na simula ngayon eh hindi ko na makakalimutan.

Pagdating ng alas sais ng hapon, hindi pa rin tapos ang kamalasan ko. I lost track of time at nalate ako sa pagpunta sa Christmas party, kinailangan kong magmadali para lang hindi malate nang sobra. Naligo ako pero hindi na ako nakapag-shampoo ng buhok. Tuloy hindi sya manageable. Magagalit si Yuko Yamashita.

Dumating ang oras na kinatatakutan ko. Sasayaw na kami. Huwag na kayong manghingi ng video dahil hindi ko iuupload dito. Nakakahiya. Basta ang fuck up ko dun eh may parte na sandali kaming eexit sa stage habang sumasayaw ang ibang mga kasama namin, tapos may part na babalik kami uli sa stage.

Tangina sa bilis ng mga pangyayari, pagka-exit ko, nalimutan kong bumalik. Nasa gilid lang ako ng stage, pinapanood ang mga kasama ko habang sumasayaw sila, nang marealize ko, by partner pala ang parte na iyon ng sayaw at kawawa naman ang partner ko na nasa stage kung hindi ako aakyat, so kahit hiyang-hiya ako eh sumingit ako. Halatang-halata na nagkamali lang ako kasi awkward yung pagpasok ko. Nilunok ko na lang ang lahat ng kahihiyan at nagdasal na sana sa Christmas Party next year masagsaan ako ng kariton or magtae ng jolens or something para hindi na ako makapunta.

Naisip ko, shet matatalo kami sa dance contest and it's all my fault. Isa sa mga ka-fuckupan ng araw na ito. Pero looking at the bright side, kapag natalo kami this year malamang hindi na kami sasali next year, yes! Hindi na kailangang sumayaw uli...

Pagtapos na pagtapos namin sumayaw, nagbihis ako at umuwi, hindi ko na tinapos ang party. Suot-suot ang aking tuxedo with white bowtie, sumakay ako ng MRT LOL.

Alam mo yung sa mga pelikula kung saan laging minamalas ang bida, ano yung laging eksena? Uulan, at wala syang payong. Tangina, nangyari rin yan sa akin on my way home. Ang cliche pero umulan talaga. The best na talaga yun. No doubt, this is a bad day.

Pagdating sa bahay I was finally starting to settle back to my comfort zone. Lagpas midnight na so malamang tapos na ang kamalasan. I was getting ready for bed. Kailangan mag-take ng vitamins.

Alam mo yung malaking water jug na nabibili sa water refilling station, yung square na kulay blue, yung may built in faucet sa ilalim? Ganun ang binibili ko, nakapatong sa counter sa tabi ng sink. Bagong refill yun, inalis ko pa nga yung seal. Kumuha ako ng tubig para makainom ng vitamins. Magrerelax na ako nang biglang may malakas na BLAG! na parang may sumabog, followed by SPLASH...

Nahulog sa sahig yung jug at nagkalat ang tubig. Sa lakas ng impact, pati yung kisame nabasa. Matapos ang lahat ng kapaguran ko sa araw na ito, magpupunas pa ako ng sahig. Tanginaaaaaa.

Pero hindi pa the best yan. Nung nahulog yung jug, sakto sya sa tabi ng pinto palabas ng unit. So yung sumabog na tubig, umagos rin palabas. Nasa fourth floor ako nakatira at ang pinto ko eh malapit lang sa hagdan, so yung umagos na tubig palabas ng pinto eh umagos rin pababa sa hagdan.

All the way to the ground floor...

Parang waterfalls. Nung narinig kong isa-isang nagbubukasan ng pinto ang mga kapitbahay, na malamang eh nagtataka kung bakit umuulan sa hagdan, pumasok ako agad ng unit at naglampaso ng sahig.

Hindi kaya ng basahan ang kumalat na tubig kaya gumamit ako ng dustpan. Habang ginagawa ito, napaisip na lang ako. Ganito siguro ang pakiramdam ng na-Ondoy.

Tapos na ba ang kamalasan? Hindi pa rin. Nakatanggap ako ng text message sa aking officemate. Nanalo daw ang dance number namin. It means sasayaw kami uli next year.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding