shit happens

Sabi ng tanginang friend ko noong college "There's no such thing as a coaccidence!" Wala naman talaga. Coincidence ang meron. (Shunga talaga yung friend kong yun, one time magka-chat kami, ang spelling nya ng cabinet ay "Cavin net").

Isa sa mga recent "coaccidence" na nangyari sa akin eh last year.

One time sumakay kami ng friend ko sa jeep papunta sa mall. Naupo kami sa harap sa tabi ng driver, nasa gitna ako. Tuwing kakambyo yung driver eh nasisiko nya ako sa tagiliran. Bwisit, ginigitgit nya ako sa upuan, halos magkatabi na kami. Gusto ko sana syang itulak kaso baka magulat sya at mabangga pa kami.

Bago ako magalit, sinilip ko kung bakit ginigitgit ako ng Mamang Tsuper: katabi nya sa upuan ang isang pares ng sapatos. Pakingshet. Mas malaki pa yung space na inukupa ng sapatos nya keysa sa kanya, kaya close na close kami sa pagkakaupo at masakit na ang kidney ko na nasisiko nya nang paulit-ulit.

Kinimkim ko na lang ang poot ko hanggang sa makababa kami ng jeep. Pagbaba namin, nawala na sa isip ko yung kalbaryo na yun kaya hindi ko na nabanggit sa kaibigan ko.

Nung pauwi na kami, pagdating namin sa paradahan ng jeep eh bakante uli yung upuan sa harap, kaya dun kami umupo, nasa gitna ako uli. Medyo masikip uli yung pagkakaupo at dikit na naman ako sa drayber. Naalala ko yung nasakyan naming jeep papunta sa mall at kung paano ako nagdusa habang sinisiko ako ng drayber. Mauulit na naman ba ang pagdurusa ko???

Magsisimula na akong magkwento sa kaibigan ko, sisimulan ko sana sa "Putangina talaga yung nasakyan nating jeep kanina katabi nya yung sapatos nya sa upuan" nang biglang sabi ng katabi ko "Parang ito rin yung jeep na nasakyan natin kanina".

Buti hindi pa ako nakapag-rant, dahil sinipat ko ang Mamang Drayber at kung ano ang katabi nya sa upuan: isang pares ng sapatos. Gusto ko sana tumambling kaso ang sikip lang talaga sa kinauupuan ko. Siguro kung natuloy ko yung sinabi ko eh malamang hindi lang siko ang aabutin ko sa drayber.

(This is worse than that one time nung nasa Burnham Park kami tapos bumili ako ng ice cream(?) nung tinikman ko napasambit na lang ako bigla ng "Putang-ina, ang tabang!" without realizing na nasa likuran ko pala yung tindero.)

So nang mapuno na ang jeep, nagmaneho na si Kuya at siniko nya ako nang siniko as in unlimited to all networks ang pagsiko nya hanggang sa makababa kami. The End.

I think simple lang yung nangyari sa akin kaso na-amaze lang ako. Wala lang, masama ba ma-amaze...

May narinig akong kwento: yung isang guy, nagwo-work sa call center, at hate na hate nya ang Team Lead nyang bitch, to the point na inireklamo nya ito sa mga directors. Nagkasagupaan sila sa office, at soon enough nagresign sila pareho.

Nung naghahanap na ng bagong work yung guy, napunta sya sa isang malayong call center. On the day of his interview he was doing well, kahit medyo masungit ang interviewer na mukha ring bitch.

Ang tanong ng interviewer ay laging may kinalaman sa previous work nya. Ano raw ang problema nya dun? Anong issues nya?

So sinagot lahat ng guy ang mga tanong, not leaving any details behind, at isinalaysay kung paano nya hindi nakasundo ang TL nya dati.

Matapos ang interview, sabi ng interviewer...

Your previous Team Lead is my sister.


Coaccidence! LOL.

Pero itong next kwento you're gonna shit like buo-buo kasi mas amazing... Kinuwento lang ito ng isang kaibigan ko na itatago natin sa pangalang "K". Wala nang clue kung sino sya, basta K!

Nung elementary pa kami, isang gabi napagdesisyunan ni K kasama ang circle of virgin friends nya na magstroll around town and explore-explore hanggang sa mapadpad sila sa "red-light district" or in other words area ng mga beerhouses. Syemre bagets pa si K noon so hindi sila pumasok sa beerhhouse, palakad-lakad lang sila sa labas.

Sa kanilang paglalakad napadaan sila sa isang maliit na bahay-kubo at may unmistakable sound na nagmumula sa loob ng kubo. Sa saliw ng pagpopompyangan ng mga laman like Plak-Plak-Plak eh maririnig ang malakas na ungol ng dalawang magkaniig... magkasiping... magkatalik...

Syempre na-harrass ang kaluluwa nila K! This is worse than that one time nung "aksidente" silang naka-rent ng VHS na bold starring Ina Raymundo. Kaya bago pa masira ang innocence nila eh tumakbo na sila palayo.

JOKE!

Mas nanaig ang pagiging tsismosa nila so they did the only thing to do sa ganong sitwasyon: sumilip.

Eh since bahay kubo lang yun hindi mahirap manilip so soon enough nakaboso na sila sa private totnakan sa loob. It can be concluded na pokpok sa beerhouse yung babae at customer yung lalaki.

Habang namboboso hindi nila mapigilang tumawa kaya syempre narinig sila nung magsing-irog sa loob. Syempre huminto ang pumping scene at napabangon yung lalaki at sumigaw ng "Sino yan!!!" habang lumalabas sa kubo. Nagtakbuhan na sila K palayo as in stampede.

Actually nagkawatak-watak ang grupo nila kasi nadisorient ang iba at kung saan-saan na nagtatakbo hanggang sa makapag-regroup sila malapit sa may beerhouse. Nang makumpleto sila nagdesisyon na silang umuwi. Buti na lang may napadaang tricycle kaya sumakay sila agad papalayo sa red light district.

Habang nasa tricycle at humahangos, nagkukuwentuhan sila like "Shet may nagsesex sa kubo" and all that stuff.

It was only nung pababa na sila ng tricycle nang mapansin nila kung sino ang drayber...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding