wala kang ligtas

I was on the subway train (subway talaga???) MRT one night last week on my way to work. Pagdating ko sa office nakita ko na na-slash pala yung bag ko ng kung sinong putanginang mandurukot.So bumili ako ng bagong bag. Alam mo yung feeling na may bago kang bag tapos suddenly iko-compare mo yung bag mo sa bags ng iba? So nasa MRT ako uli (hindi pa rin ako nadala sa pagkaka-slash) at nagmamasid-masid sa bags ng mga tao dun nang makita ko yung isang lalaking nasa tapat ko, ang backpack nya ay:



CD-R King ang brand.

Na-amaze ako. Huwow may ganitong product na pala ang CD-R King... expanding na talaga. All this time kasi akala ko mga computer-related products lang ang offer nila.

 And then naalala ko, nung minsang napadaan ako sa CD-R King SM North EDSA Annex (kailangan complete address?) at naghahanap ako ng murang laptop cooling fan eh may nakita akong kakaibang fan:



As in literal na pamaypay na fan.

I'm not joking, aside from photo albums, key chains at scrapbooks, may tinda talagang pamaypay ang CD-R King. Sabagay kung nakapila ka nga naman maiisip mo talagang mamaypay. At understandable kung bakit pinipilahan ang store na ito. Una: mura. Pangalawa: may CD-R King branch kahit nasaang sulok ka man naglalagi. Isa't kalahating dougie lang nasa CD-R King ka na agad. Pangatlo: Kung ano man ang maisip mong kailangan mo, meron sila.

I'm sure, darating ang time na mapapaisip ka na kailangan mo ng, let's say, water dispenser. Punta ka lang sa pinakamalapit na CD-R King branch at magtanong... at putang-ina!



Meron nga silang water dispenser! Amazzzzing.

Ang una kong binili sa CD-R king ay blank CD. OK naman, successful naman akong nakapagburn. Sumunod naman ay memory card reader memory card. OK naman ang quality. Although hindi maiiwasan na may mga taong nagrereklamo sa kalidad ng produkto nila.

May nakita nga ako sa forum online eh. Nagrereklamo sya kasi yung nabili nyang soldering iron, pagkauwi nya sa bahay para gamitin for the first time, pagkasaksak nya, pumutok. Sobrang disappointed sya. Hindi na daw sya uli bibili sa CD-R King ng... wait. Ano daw?

Soldering iron???


Ay punyeta, meron nga!


Sorry napamura na naman ako! Sadyang amazzzzzzzed lang! USB-powered kaya itong soldering iron na ito? Karamihan kasi ng mga gadgets ngayon eh USB-powered. USB desk fan? USB powered fountain (oo yung may tubig talaga)... USB massager... the list goes on. Lahat yan meron sa CD-R King.

Sige, umisip ka ng something absurd, na sa tingin mo ay NEVER magkakaroon ng USB powered version... like USB powered vibrator?

Ay amputangina, meron!!!

Joke. Hindi yan vibrator kundi...


Pero malay nyo may USB vibrator talaga, hindi lang nakadisplay.

Sobrang sikat na ng CD-R King as in like you're gonna shit sa kasikatan nila. At sobrang innovative sila sa kanilang mga products, kaya from electronics ay nag-cross-over na sila to food industry:


OK na-Goodle ko lang yang picture na yan at mukhang joke lang... sayang, mukhang masarap pa naman syang iprito sa CD-R King USB Stove joke!

Baka joke nga lang ang bangus... ...for now.

Ang mga sumusunod na products ay hindi joke, as in totoo talagang meron. Aaammmaaazzingghh!




At marami pang iba tinamad lang ako ipost.Visit nyo na lang website ng CD-R King lol.

Actually hindi maikakaila na medyo masama ang tingin ng iba sa mga CD-R King products, na dahil daw mas mura, na-compromise ang quality. Minsan nga eh nasa CD-R King Trinoma Branch beside Mercury Drug (talagang complete location?) kami at nagtitingin ng laptop table at sobrang natuwa ang kasama ko sa nakita naming laptop table with built in cooling fan with coffee cup holder. Sa sobrang tuwa nya, tuwa na may matching dahas, SNAP! natanggal nya yung coffee cup holder... ang bilis naming nawala at di na bumalik muli.

Pero kahit ganun ang impression, maraming tao pa rin ang satisfied sa products ng CD-R King. May nabasa nga akong thread sa PEX, mga personal experiences ng mga buyers ng CD-R King, sabi nila mas tumatagal pa daw yung mga nabili nila keysa sa "branded" products. Sabe?

Sinasanay ko na ang sarili ko na huwag magulat sa mga innovations ng CD-R King at tanggapin na lang na unti-unti silang nagiging pioneer sa mga products, from computer accessories to never-heard-of products to simply weird inventions (USB Fridge! meron pramis!).

Darating ang araw... ang CD-R King may magiging household name. Magmula sa tyane hanggang do-it-yourself sex change kit hanggang sa USB powered time machine... Sasakay tayo ng tren sa MRT... na ang tatak ay CD-R King. Itatak nyo yan sa bato gamit ang stylus pen (also available at CD-R King).

Lahat ng kailangan natin nasa CD-R King.

At kung wala sa CD-R King...

It doesn't exist.




Nga pala, yung mga pics kinuha ko sa www.cdrking.com except yung tsismosang bangus.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding