huwag kang bibitiw - the never bus sequel

Ngayong umaga I made the biggest mistake of riding the bus on my way home. Usually kasi sa MRT ako sumasakay pauwi para classy. Eh kanina sarado pa ang MRT kaya nag-bus ako. Kung ano ang unang bus na dumating, dun na ako sumakay.

Noong una OK naman ang byahe, sweet and simple. Pero pagdating sa GMA Kamuning flyover eh biglang sinaniban ang driver. Ang bilis ng patakbo nya pakiramdam ko sa outer space kami papunta. Napadasal talaga ako. Sa tindi ng kapit ko, lahat ng ugat-ugat ko sa katawan eh nagsilabasan. At nang chineck ko kung anong pangalan ng bus sa hawak kong ticket, lumuwa ang mata ko sa aking nakita.

(insert bus name here na sikat sa news recently)

OK hindi ko sinisiraan itong bus lines na ito, pero may takot talaga sa dibdib ko kasi kamakailan lang eh naaksidente ang isa nilang bus dahil nagtetext yung driver. Napasulyap tuloy ako bigla dun sa driver, hindi naman sya nagtetext. In fact he was holding his iPad and tweeting this:

It's you and me moving at the speed of light into eternity #suicidemuch #mylasttweet #followmesakabilangbuhay

Ilang beses na ba ako napasakay sa mga bus na napakabilis magpatakbo at ilang beses ko na ba sinabi sa sarili ko na last na yun??? Bakit nangyayari ito???

Ayoko talaga magbus eh hangga't maaari. Maraming DON'Ts!

1. Humahanap ka pa lang ng upuan, umaandar na. Just for laughs. Ilang Ate na ba ang nasubsob sa crotch ng mga Kuya sa ganitong paraan? *Cue: Closer You And I by Gino Padilla*

2. Ilalagpas ka nila sa kung saan mo gusto bumaba. Just to get to your nerves.

3. Ang katabi mong mukhang goons, may tendency na maglabas ng swiss knife at gripuhan ang bag mo. Gusto mo bang i-risk ang iyong Birkin?

4. Ang katabi mong mukhang bitch, amoy bitch rin.

5. May mga modus operandi na nagaganap lalo na kung nagbayad ka ng 500 or 1000 peso bill.

6. Matatakam kang bumili ng mani kahit hindi pasok sa iyong annual budget.

7. "Maluwag pa maluwag pa!" is a LIE!

8. May kakilala akong nakatulog sa bus. Paggising nya, wala na ang cellphone nya.

9. Kwento ng isa kong officemate na Ate na minsan daw nakatayo sya at nakakapit sa overhead railing nang biglang may isang stranger guy na lumapit sa likuran nya, hinawakan ang mga kamay nya sa railing hanggang sa hindi sya makakilos, dinikit ang kanyang naghuhumindig na crotch sa wetpaxxx ni Ate at pinumping scene sya nang very very X-rated dry hump. *Cue: Sharam Dyaram Kapag Tumibok Ang Puso by Donna Cruz*

10. May kakilala akong nakatulog sa bus. Paggising nya, nakalabas na sa pants nya ang kanyang "Jhun-Jhun" at mysteriously nasa bibig na ito ng katabi nyang si Kuya. Sya po ay inalmusal nang walang pakundangan. *Cue: Jumbo Hotdog Kaya Mo Ba To?*

So habang nasa bus ay talagang nakakapit ako sa upuan at talagang nakabantay ako sa backpack ko at pinakikiramdaman ang mga masamang balak ng mga goons sa paligid. Manakaw na ang pera wag lang ang puri. LOL!

Lahat tayo may bus story. Ikaw, what's your bus story???
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding