boots with the fur

So last month on a hot Wednesday night, patungo na ako sa pabrika kung saan ako namamasukan bilang taga-habi ng foot rug (night shift ako para may night diff) nang mapasakay ako sa jeep. Nung malapit nang mapuno yung jeep may sumakay na isang Ate na agaw atensyon.

Actually antok na antok ako nun pero napadilat talaga ang mata ko nang makita ko sya at dahil iyon sa kanyang outfit. Ang kanyang kasuotan nung gabing iyon ay jacket with hood, ang kanyang panloob ay shirt with plunging neckline kaya litaw na litaw ang kanyang Cleveland, Ohio at black leggings.

Lahat ng tao sa jeep ay init na init sa sobrang alinsangan ngunit hindi iyon alintana ni ate. Ginawin lang siguro talaga sya. Akala ko yun na yun, nang biglang mapadako ang paningin ko sa kanyang pang-ibaba at minasdan ang kanyang Uggs boots with the fur.

Hindi pala ginawin si Ate. Isa syang Eskimo. Parang any moment eh makakakita ako ng igloo.

Like everybody in the jeep, naiinitan rin si Ate pero hindi nya yata napag-connect na ang dahilan ng init nya ay ang kanyang jacket. Hindi nya talaga hinubad. Kasi nga naman baka kapag hinubad nya, ginawin naman sya bigla dahil exposed ang 50% ng kanyang mammary glands.

Nagtulug-tulugan ako pero palihim kong sinusulyapan si Ate at ine-estimate kung hanggang saan ang kakayanin ng kanyang make-up. Nalulusaw na kasi at dumadaloy na sa kanyang leeg patungo sa Cleveland, Ohio nya. Tingin ko talaga eh ilang minuto pa malulusaw na ang mukha ni Ate.

Napaisip ako. Ano kaya ang papel na ginagampanan ni Ate sa mundong ito? Ano ang sumpang hatid ng mga kuko nyang may nail polish na Very Puta Red ang color? Sya ba ang naglalakad na paalala ng global warming?

Mali ang magjudge ng tao ayon sa kanyang kasuotan. Porke naka-Eskimo outfit sa tag-init, dapat na ba syang husgahan? For all we know, baka galing sya sa isang cosplay event o di kaya sobrang lamig sa kanilang office kaya suot nya na ang proteksyon sa lamig kahit malayo pa sya sa office building.

Naalala ko tuloy bigla yung isang shemale na nakita ko noon sa MRT. Ang init init rin noong gabing yung at si Kuyang shemale ay nagdesisyong lumabas ng bahay at humarap sa mundo na ganito ang suot:


Yup, shades yung nakapatong sa hood ni Kuya. Hindi ko pa rin naiintindihan hanggang ngayon kung bakit may shades sya dun. Hindi ko rin maalala kung ano ang nagtulak sa akin para kunan sya ng picture.

Peace be with you. And also with you.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding