soneva spa

Hey Kids! Mahilig ba kayo magpa-chpa? Sorry nabulol ako I mean, magpa-spa. Ako hindi masyado. Once ko pa lang nasubukan noon dun sa neighborhood spa na malapit lang sa apartment namin. Tinanong ako ni Ateng Masahista kung ano daw gusto ko, Swedish o shiatsu. Sabi ko "Te ikaw na bahala ipinapaubaya ko sa iyo ang lahat-lahat". Eh in the mood noon si Ate sa shiatsu. Nakiliti ako. Eh pag nakikiliti ako, nagiging violent ako nang hindi sinasadya. Nasipa ko si Ate sa bandang balakang/abdomen.. Hindi nya na ako kinausap simula nun. Ayun hindi na ako umulit para hindi na ako makapanakit pa.

Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon kamakailan lang eh kinontact ako ng isang kaibigan at sabing ililibre daw nya ako sa isang spa. Ako yung tipo ng tao na hindi tumatanggi sa libre so noong araw na iyon ng Sabado nagtungo ako sa Tomas Morato upang i-meet ang aking kaibigang ubod ng galante. Isa pa, kailangang-kailangan ko rin ng massage dahil pagal na ang katawang lupa ko.

Soneva Spa ang pangalan nung pinuntahan namin. Pagdating dun pinili ko agad yung pinakamahal na massage na available. Bakit ba? Libre diba? LOL. Ang pagkakaalam ko yung Soneva Elemental Jade Massage ang pinakamahal dun kaya yun na, kahit hindi ko alam kung ano yun.

So nagshower muna ako. Eh medyo dim lights yung buong lugar so nahirapan ako hanapin yung shower area. Tapos walang label yung door, or baka hindi ko lang napansin kasi nga dim lights, kaya hindi ako sure kung bathroom ba ng male o female yung napasok ko so bahala na.

Matapos mag-shower pumasok na ako dun sa private room and I took everything off... LOL syempre nag-robe naman ako para hindi obvious kay Ateng Masahista ang taglay kong alindog. Baka kasi in her 50 years of existence eh hindi pa sya nakakita ng "sarap personified" na gaya ko kaya konting discretion lang on my part. Wow haha!

Yep medyo oldie na yung napunta sa akin na masahista whose name is Beth. Mabait naman sya at conversational. Tadtad nga ng blind items ang naging usapan namin eh. Sabi nya "Sino itong isang TV personality na ang lalaki ng mga kalyo sa paa???"

Marahan naman sa paghagod si Tita Beth (Tita???) at lagi nya akong tinatanong kung "OK na ba ang preysure Ser???" Ayoko naman kasi malamog kaya gentle lang ang gusto kong setting ng hagod ni Ate Beth. And then matapos nyang himay-himayin ang bawat hibla ng muscles ko sa likod, bigla nyang ipinatong sa likod ko ang apat na nagbabagang jade stones.

Tinanong ako ni Ate Beth, "OK na ba ang init Ser, kaya nyo ba?"

"Mmmphhh ppo Ate OK langgggggggggg" habang nalulusaw ang balat ko. Ginusto ko itong jade stone massage di ba?

Joke, hindi naman nagbabaga pero may taglay talagang warmth. Ang relaxing lang kasi pakiramdam ko hinihigop nya talaga ang lamig-lamig sa likuran ko na dinulot ng napaka-stressful kong job LOL.

In-explore ni Ate Beth ang katawan ko gamit ang jade stones. Napanood mo yung pelikula noong 90's ni Alma Moreno na gumanap syang aswang na nasugatan, tapos ginamot nya ang sarili nya sa pamamagitan ng paghagod sa katawan nya ng bato/kabibe? Ganon ang ginawa ni Ate Beth sa akin at pakiramdam ko pagtapos nya eh tutubuan ako ng pakpak at maging ganap na maligno.

Sinimulan nya sa leeg then sa likod then sa lower back tapos sa hita then sa paa. Nung akala ko tapos na, hinila nya pababa ang waistband ng suot kong underwear. Joke! Ang professional ni Ate Beth she's not that kind of girl!

Until she said these words...

"Tihaya ka na Ser..."

Naguluhan ang utak ko... Ano itooo??? Fairy tale na may happy ending? Kung baga sa SM, "Happy to serve!"??? Nasagot ang mga katanungan sa utak ko nang biglang hagurin ni Ate Beth... ang braso ko LOL. I told you she's not that kind of girl... Yun tinapos lang nya ang massage.

Nagustuhan ko naman overall ang karanasan ko kay Ate Beth. Ramdam ko agad ang effects ng masahe nya. Nawala ang kirot-kirot ko sa likod. Nagbago ang aking outlook sa buhay, naging positive na ako sa pagharap sa mga hamon ng bukas.

Kaya nung matapos ang Jade Stone massage eh nagpa-foot scrub naman ako. So lumabas bigla si Ate Beth at pagbalik eh may bitbit na syang timbang may tubig at kahoy na may scrub. Hinimod nya ng scrub ang bawat sulok ng aking mga paa. Wala syang itinirang libag alikabok bato putik graba buhangin at nang bitawan nya ang paa ko eh pwede na sa mga eksena ng marubdob na foot fetish.

Matapos ang foot scrub hihirit pa sana ako ng kung ano pang massage ang meron kaso ayoko naman ma-stress si Ate Beth. Dalawang oras non-stop nya rin akong trinabaho at nakakapagod yun. Nag-iwan na lang sya ng envelope na may pangalan nya at ang bilis nyang nawala.

Dahil natuwa ako sa serbisyo nya at sa overall experience ko sa Soneva Spa eh nagbigay ako ng tip of course. Just so you know ako yung tao na never nagti-tip sa barbershop o kaya sa restaurant, but this time I feel generous so nagbigay ako ng dalawang 20-peso bill, isang 5-peso coin at limang mamiso.

So Kids if you're in Tomas Morato area halimbawa may ka-eyebol kayong textmate dun na ang cellphone number ay nakuha nyo sa listahan ng pa-autoload o di kaya ay sa Chat TV tapos naiinip ka na sa kakahintay dahil ang tagal-tagal nya either natraffic sya or pakiramdam mo wala na syang balak siputin ka, huwag nang mag-atubili, mangyaring pumanhik na sa:

Soneva Spa
Tomas Morato corner Limbaga St., 270 4th Floor, Forum Building, Quezon City
Service Hours: Monday-Sunday 1:00pm – 12:00mn
Phone.: (632) 926-6249 and (632) 0917 4071129
Email: info@sonevaspa.com

Magrelax-relax. Mag-rejuvenate. I-refresh ang iyong alindog. At least indianin ka man nung ka-eyebol mo, fresh ka namang uuwi mag-isa.

Good Points
Maganda ang lugar, kahit hindi obvious mula sa labas. Dim lights tahimik malinis maaliwalas.
Good naman ang massage, hindi minadali at walang dayaan sa oras.
Magiliw ang mga masahista at hindi ka nila itsitsismis sa mga susunod na clients.

Bad Points
Walang acts of lasciviousness na naganap. LOL joke lang. Di ko naman bet si Ate Beth.
Nais kong isuggest na magkaroon ng free drinks.
Or what if, palitan nila yung pinapatugtuog nilang music? Instead of nature sounds, magpatugtog sila ng Aleck Bovick. Suggestion ko lang naman.

Eto yung mga services na in-avail ko:

Soneva Elemental Jade Massage (eto yung may mga batong involved)
P1200 for 1 hour and 30 minutes na maaksyong haguran! Lapnos moments ka sa jade stones! Joke lang.

Foot Job Scrub
P250 ata ito, or P350 for 45 minutes. Di ko maalala yung presyo. Basta ang sarap nito. Tumirik mata ko.

Eto naman ang mga inirerecommend ko sa inyo mga Kids:

Volcanic Stone Therapy Massage
Eto ay para sa mga taong sukdulan ang stress, na ang tanging makakapagpagaling na lang sa kanila ay ang hilamusan sila ng lava.

Virgin Coconut Oil Massage
Eto naman ay para sa mga Ate (sige Kuya na rin) na sadyang nalaspag na sa marubdob na lovemaking at gustong maging virgin muli.

Super Intensive Callus Removal
Eto naman ay nais kong isuggest sa mga matitigas ng mukha. May solusyon pa, huwag kang mawalan ng pag-asa. The keyword here is "intensive".

OK JOKE LANG wala akong ideya kung ano ang mga massage na yan nakita ko lang yan sa website nila http://www.sonevaspa.com/. Punta na lang kayo dun at alamin nyo! Gowww!



Thanks!

update!!! khikhi's bus experience

So here's what really happened sa bus.


khikhi's bus experience

Hey Kids have I told you that one time na may Lolong ngumatngat sa dede ni Khikhi habang tulog sya sa bus? LOL! It's a very inspirational story you're gonna shiiiit. (Ang kwentong ito ay isinalaysay lamang sa akin ng isang kaibigan na isa sa mga napagkwentuhan ni Khikhi ng titillating scene na ito.)

Naganap ito isang araw nang si Khikhi ay nasa freshman year sa college, 17 years old at sariwa. Nasa Dagupan sya noon at sumakay sya ng Victory Liner paakyat ng Baguio suot ang kanyang blouse with plunging neckline (spoiler ba?)

Nagkataon naman na sa bus na iyon ay nagkurus ang landas nila ng isang matandang hukluban na itago natin sa pangalang Mang Berching, na napiling umupo sa tabi ni Khikhi dala ng masidhing pagkasilaw sa nakabalandrang cleavage. Walang kaalam-alam si Khikhi sa series of unfortunate events na naghihintay sa kanyang dede.

Mukha naman daw desente si Mang Berching. Nagkwentuhan pa raw sila tungkol sa buhay-buhay with topics ranging from quantum physics, advancements in the field of nanotechnology, ang pagkagunaw ng mundo according to Mayans at mga cup sizes ng bra. Siguro sa sobrang lalim ng kanilang usapan eh inantok si Khikhi at nagising na lang sya na wala na syang saplot.

Joke. Ang tindi naman ni Mang Berching nun.

OK so nung nagising sya nasa bandang Urdaneta pa lang sila nun kaya natulog sya uli... at nang magising sya uli... yun na... Nakapatong na sya kay Mang Berching.

Joke uli. Eto pramis totoo na. Habang himbing na himbing si Khikhi, isang kakaibang sensasyon ang pumunit sa kanyang kamalayan. Para bang may isang pares ng gums ang kumakalabit sa kanyang emosyon. At pagmulat nya ng kanyang mata, kasalukuyang nginunguya ni Mang Berching ang utong nya.

I swear I'm not lying yan talaga ang kwentong nakarating sa akin but to be fair tatanungin ko si Khikhi kung ano ang tunay na nangyari sa kanila ni Mang Berching and updates will follow.

ICHUCHULOY

ang mga kaibigan mong may pagnanasa sa iyo

Ang mundo ngayon ay umiikot sa libog. What, you think I'm kidding? Tignan mo kung anong patok na movies ngayon, kung anong patok na songs at music videos. They all sell sex. Ang Internet ay pugad ng mga manyak. Ang tanging safe place sa Internet ay Wikipedia at Wickedmouth. Ang mundo ay puno ng kalibugan at lahat tayo ay biktima (LOL ramdam mo na ba ang positivity ng post na ito?)

Biro lang. Pero in truth maraming mga manyak ang nasa paligid lamang, kaya gusto kong magbigay ng mga tips kung paano sila ma-dedetect. So this post is for girls, I hope you'll learn from it. (Sige for boys na rin, bilang ang pagnanasa, walang pinipiling gender LOL.)

OK first of all hindi ako guru when it comes to dating/relationships/gangbangs pero gusto ko lang magbigay ng ilang tips na maaring ikabuti ninyong mga Kids. Minsan kasi, nagpapanggap ang mga manyak bilang mga kaibigan, pero ang tanging purpose nila sa buhay ay hilain pababa ang T-back mo. At eto ang kanilang magic words.

Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako.

This translates to "I want your bibingka." Ganito usually ang linya kapag ang babae ay a.) underage/confused/depressed b.) may boyfriend pero nagkakaproblema c.) kaka-break lang. Habang nagpo-pour out ka ng iyong emotions sa matinding heart-to-heart talk, mamamalayan mo na lang wala ka nang saplot.

Ang mga ganitong eksena ay madalas nagsisimula sa text-text tapos meet-meet. Kapag ikaw na babae ay niyaya ng lalaki sa kanyang kwarto, kahit anong paggalang at pagrespeto nya sa iyo, huwag balewalain ang tendency na tamaan sya ng libog sa suot mong pekpek shorts. Kahit anong inosenteng imbitasyon ay maaaring mag-escalate. Kaya kapag inimbita ka na sa kwarto, dun pa lang huwag ka nang pumayag. Dahil sunod-sunod na yan. Ayon nga sa isang eksperto sa premarital sex (huwag nyo nang itanong kung sino, basta may link diyan sa sidebar papunta sa kanya ng fan club): "Kapag hinawakan na ng guy ang legs ng isang gurl, yun na yun. Mahirap nang itigil yun." Consider yourself devirginized.

Ihahatid ka namin pauwi, promise

This means "We want your bibingka." No matter what you do, huwag na huwag kang pupunta sa inuman kung 1.) puro lalaki ang guests 2.) house party na walang adult supervision 3.) nangako silang ihahatid ka nila pauwi. May malaking chance na vevetsinin nila ang iniinom mong pa-tweetums na Tanduay Ice at magigising ka na lang sa gitna ng isang marubdob na group sex.

Maraming babies ang nabuo dahil sa pagkakamali, pero di ako sure kung ilang babies ang binuo sa sabayang pagkakamali. What's worse than getting pregnant nang hindi mo ginusto? Yun eh yung mabuntis ka at ang choices mo ng posibleng ama eh hindi bababa sa lima. At pagdating ng araw, kapag nagtanong sa iyo ang anak mo ng "Mommy, sino po ang daddy ko?" paano mo ipapaliwanag sa kanya na isa syang collaboration?

"Anak, ang tunay mong ama (I think) ay si John-John, featuring Dennis, Michael Angelo & Christian with the special participation of Benedict. Wild guess yan anak ha."

Don't worry walang makakaalam

Eto naman ang linya kapag malapit ka nang ma-convince na makipagtotnakan dahil alam nyang wala ka nang pakialam sa natitirang hibla ng iyong virginity, ang tanging concern mo na lang eh baka kumalat ang balita. Haliparot! Dapat sa iyo binu-bukakke!

Kung ganito ka-forward ang imbitasyon sa iyo ng isang lalaki ibig sabihin may reputasyon ka na bilang isang easy gurl. Kalat na ang balita na nagpapamigay ka ng bibingka. Yung pagkakamali mo noon ay gagawin niyang basehan para isiping papayag ka uling magkamali. Ay kahit ipangako nyang walang makakaalam, the next thing you know, may kumakalat nang video. Huwag mo nang hintaying i-tag ka pa nya!

Sorry wala akong load

It means nakuha na ang bibingka at bigla na syang mawawala. Wala ka nang hahabulin. Nagsasayang ka lang ng load. Move on. Marami pang iba na maghahangad sa iyong bibingka. Give them a chance LOL.

Galit ka pa ba?

This means "Round 2?" LOL. Ang dati mong kaibigan, fubu na ngayon. Congratulations you're on track.

Nagsimulang matino ang post na ito. Public service nga eh. Bakit humantong sa ganito?

OK sorry sa isa na namang post na puno ng kabastusan but believe me, I mean well. Ito ang dahilan kung bakit isinusulong ang RH Bill: mga babaeng naka-pekpek shorts. JOKE! Ang tunay na dahilan ay ang lumulobong populasyon ng mga batang nagmula sa pamilyang hindi kayang tustusan ang pangangailangan nila at ng siyam nilang kapatid kaya wala silang makain, just rugby for brunch. Saan ba sila nagsimula ng mga kapatid nya, eh diba dun sa moment na hinila pababa ni Itay ang T-back ni Inay?

Kaya kung maaagapan sana ang mapusok na sandaling yun, hindi na hahantong sa pagbilli ng condoms, at later on pagbili ng pregnancy test kits, pagbili ng pills at pag hindi effective, later on ay pagbili ng lampin
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding