movie review: di ko alam title

Sa aking palagay ako lang ang nag-movie review na hindi na nag-abala pang alamin ang title ng pelikula. One day I was just channel surfing nang mapadaan ako sa PBO, which is now my favorite channel. Eto ang nadatnan kong eksena:

Nasagasaan ni Mark Gil ang anak ni Lorna Tolentino, kaya ito na-coma at namatay. Inireklamo ni Lorna Tolentino si Mark Gil, pero ayaw nyang aminin ang pagkakasala nya. At bilang pulitiko, makapangyarihan si Mark Gil. Nagdadalawang-isip akong panoorin itong pelikula pero naabutan ko itong eksenang ito:

Mark Gil: Misis naiintindihan ko ang kalagayan mo. May anak rin ako. Siguro kasing-edad rin ng anak mo.

Lorna Tolentino: Putang-ina mo!!!!!!!

That's it. I'm watching.

Of course sa PBO sini-censor nila yung mga mura, pero kahit burahin nila ang audio, kitang-kita naman sa bibig nila kung ano ang sinasabi nilang line. As in cold hard "Putang-ina".

Hiwalay na si Lorna Tolentino sa asawa nyang si Gabby Concepcion, na nakipag-live in naman kay Nanette Medved, na ubod ng insecure. Dahil sa kanyang kulot-kulot na buhok at putah red lipstick, it's easy to see na si Nanette Medved ay kontrabida sa pelikulang ito.

Nanette Medved: Kaya never nag-click ang relasyon natin dahil nagkaanak ka kay Ellen sa akin hindi!

Gabby Concepcion: Hindi totoo yan!!!!!!!

Nanette Medved: Kung kani-kaninong doktor na tayo nagpunta, kung ano-anong gamot na ang isinaksak sa punyetang katawan na ito, hindi pa rin ako magkaanak! Sabihin mo sa akin, kung sasabihin ni Ellen na tatanggapin ka nya uli, babalikan mo ba sya ngayon din?

Gabby Concepcion: Basta ngayon ang mahalaga sa akin, gumaling ang anak ko.

Nanette Medved: Para mo na rin sinabing OO... *tumulo ang luha nalusaw ang putah red lipstick*

Si Lorna Tolentino, ayaw tumigil sa paghahanap ng ebidensya laban kay Mark Gil, kaya nilapitan nya ang asawa nito na si Amy Austria.

Amy Austria: *Nakalimutan ko kung ano yung linyang sinabi nya dito eh di na mahalaga*

Lorna Tolentino: Gusto ko lang, aminin nya ang ginawa nya!!!!!!!! *tumulo ang luha sa left eye* May anak ka rin, kung sa kanya mangyari ang nangyari sa anak ko???!!!!!!! *tumulo ang luha sa right eye*
Ang galing lumuha ni Lorna Tolentino I swear. Tig-iisang mata.

May napansin lang ako kay Amy Austria. Ewan ko kung napansin nyo rin:

Lorna Tolentino: Nasaktan ka sa sinabi ko? Salita lang yan. Wala yan sa sakit na dinanas ko sa pagkawala ng anak ko!

Amy Austria: Hindi ka naniniwalang inothente ang athawa ko? Eh di dalhin mo tha korte. Bathta huwag na uling babalik tha pamamahay ko!

Ang nakakatuwa sa pelikulang ito, dahil sa kalumaan, makikita mo kung ano ang itsura ng mga artista dati. Si Lorna Tolentino ang kapal ng eyeliner. Si Amy Austria yung gupit parang tibo. Si Nanette Medved ang kapal ng lipstick.

At si Rustom Padilla, lalaki pa sya. Ayaw rin paawat ng acting niya! Eto yung isang scene nya:

Gabby Concepcion: Di ba dapat nakakulong ka?

Mark Gil: You can't keep me in there, not with your veterinarian salary.

*Naasar si Gabby Concepcion, sinuntok nya si Mark Gil*

Rustom Padilla: Ano ka ba??? *Sabay awat kay Gabby Concepcion. Na sa tingin ko ay may slightest hint of 2.5% pagnanasa. Tingin ko lang naman.*

Marami pang ibang scenes na hindi na siguro napansin ng mga normal na tao pero ako napansin ko at tawang-tawa lang ako like higher than a motherfucka:

Katulong: Ma'am may bisita po kayo.

Lorna Tolentino: Diba sinabi ko sayo ayokong makipag-usap kahit kanino!!!!!!!

Katulong:  *Naglakad papunta kay Lorna Tolentino, mga 15 steps, bago nagsalita* Nakita daw nya ang pagbaril kay Carlo.

Lorna Tolentino: Papasukin mo!!!!!!!!!

Pramis agaw-atensyon yung katulong. Kailangang maglakad sya bago nya bitiwan ang lines.

Biglang pasok sa eksena si Cherry Pie Picache. Hanggang ngayon napapaisip ako kung totoong pangalan nya ang Cherry Pie. Alam nyo ba mga Kids? Anyway, so pagpasok nya sa bahay ni Lorna Tolentino, alam na natin agad na isa syang kabit dahil...

Putah red din ang kanyang lipstick. Hindi na nga ako nagtaka nung binitiwan nya ang opening lines na ito:

Cherry Pie Picache: Kabit ako. Ibinahay ako ng malaking tao diyan sa military.

As in yan ang unang lines nya sa movie.

Ang casual lang. Pero naging seryoso bigla si Cherry Pie nung nandun na sila sa police station. Sya ang pangunaging witness, at kailangan nyang i-identify ang salarin.

Pulis: Miss, maaari mo bang ituro sa amin ang salarin?

Cherry Pie Picache: *Tanggal ng shades...*

Cherry Pie Picache: *Tingin kay Lorna...*

Cherry Pie Picache: *Tingin sa line-up...*

Cherry Pie Picache: *Tingin sa pulis...*

Cherry Pie Picache: *Yuko...*

Cherry Pie Picache: *Tingala uli...*

Cherry Pie Picache: *Tingin kay Marc Gil, na may hawak na Bible.*

Cherry Pie Picache: Yang putang-inang may hawak na Bible!!!!!!!
(Swear, dito lang sa pelikula na ito ako nakarinig na ginamit ang salitang "Bible" at "putang-ina" in one sentence.)

Na-upstage talaga ni Cherry Pie yung attention-seeking na katulong. Pero wala syang panama sa mga eksena ni Nanette Medved, na sa tingin ko eh syang tunay na star sa pelikulang ito.

Rustom Padilla: Hello? Sino ito.

Nanette Medved: Si Suzette.

Rustom Padilla: Sinong Suzette?

Nanette Medved: Rolly, mainit ang ulo ko ha. Nasaan si Louie?

Rustom Padilla: Ewan.

Nanette Medved: Kasama nya si Ellen?

Rustom Padilla: Baka.

Nanette Medved: Sabihin mo sa kanya napanis na ako sa kakahintay sa kanya, putang-ina nya!

Rustom Padilla: Sabihin ko putang-ina nya?

Nanette Medved: Oo putang-ina nya at putang-ina mo rin!

One night nangialam si Nanette Medved sa mga gamit ni Gabby Concepcion. May nakita syang kwintas. Sure na sure sya na ibibigay yun ni Gabby Concepcion sa kanya. Excited na siya.


Nanette Medved: Honey wala ka bang nakakalimutang ibigay sa akin?

Gabby Concepcion: Wala. Bakit may hiningi ka ba?

Nanette Medved: Wala.

Gabby Concepcion: Yun naman pala eh. Tulog na tayo.

After three days, nanood ng TV si Nanette Medved. Iniinterview si Lorna Tolentino. Suot nya ang kwintas.

Nanette Medved: Putangina!!!!!!! *Sabay hagis ng TV sa bintana.*
No exaggeration. Dinampot talaga nya ang TV set, inangat sa ere at hinagis.

So galit na galit si Nanette Medved right? Sinugod nya si Lorna Tolentino. Gabi na pero may eyeliner pa rin sya.

Nanette Medved: Alam mo kung bakit namatay ang anak mo? Kasi pinaparusahan kayo ng Diyos dahil ang sasama ng ugali nyo!

Lorna Tolentino: Tumahimik ka, kung hindi, ilalampaso kita.

Nanette Medved: Sige, ilampaso mo ako. Akala ko ba matapang ka? Ano? Sige!

Lorna Tolentino: *Sinuntok si Nanette Medved sa mukha. Nakatulog sya sa pavement.*

Ang dami pang scenes ni Nanette Medved. Maganda kasi sya tignan on-screen.
Nanette Medved: Akala mo matatahimik ang kaluluwa ng anak mo? Hindi! Dahil hindi mo sya mabibigyan ng hustisya!

*Hinabol ni Gabby Concepcion si Nanette Medved sa sala. Nang maabutan nya, hiniga nya ito sa lamesa at sinakal. Habang sinasakal nya, may flower vase sa tabi ni Nanette Medved. Eh biglang ni-cut ng PBO ang scene, masyado yatang graphic. Basta eto lang ang napansin ko. Matapos ang cut, umuubo si Nanette Medved na parang nabibilaukan at hindi makahinga.

At wala na ang flower vase...

OK kahit binaboy ko nang wagas ang pelikulang ito isa lang masasabi ko: noong araw, pag sinabing "artista", magaling talagang umarte. Hindi naman makakarating si Lorna Tolentino sa kinalalagyan nyang status ngayon kung tae-tae ang acting nya. Ikaw ba naman magcontrol ng patak ng luha mo left and right. Congrats lang talaga sa cast.

Oo pati si Nanette Medved. Ikaw ba naman lumunok ng flower vase.

Ngayon ba sino na ang sukatan pagdating sa pagalingan sa pag-arte? Aljur? Myrtle?

BONUS SCENE: Alam nyo yung scene after credits na usong-uso sa mga Marvel movies? Eto naman, meron syang scenes during credits. Habang pinapakita ang listahan ng cast of characters, pinapaulit-ulit nila yung eksenang sinuntok ni Lorna Tolentino si Nanette Medved tapos nakatulog sya sa pavement. Don't know why.

I give this movie a rating of approximately 98.8535% out of 100 fresh tomatoes. Dahil naaliw ako nang malubha. Alam nyo ba itong movie na ito?

we found love

Ako na ang nagfeeling Calvin Harris at gumawa ng sarili kong version (music lang walang vocals) ng worldwide hit ni Rihanna na "We Found Love". Paborito ko kasi itong awiting ito since childhood (childhood???) LOL mula pa noong una itong irelease noong 2011. Hanggang ngayon eh ringtone ko ito. Problem???

Anyway dahil nga obsessed ako dito, araw-araw ko ito pinakikinggan noon at mangha lang ako sa pagka-rich ng sound nung background music. Ang galing lang ni Kuya Calvin dito ah. At maganda rin ang vocals ni Rihanna, bumagay sa kanya ang song. Maganda rin yung music video, meaningful na parang shinooting sa Instagram. In fact eto ang nanalong Video of the Year for MTV VMAs 2012.

Nainspire akong i-remake ang music sa Garageband. Konting research, konting panggagaya sa Youtube at ilang buwan ng pag-eedit, natapos rin ang aking project. Medyo iba ang tunog nya compared sa original. Parang pinaghalo-halong tribal outer space fiesta. Kayo na bahala kung ano interpretasyon nyo.

Here it is:






Naisip ko rin ilapat yung ginawa kong version sa music video pero hindi ko na pinost kasi ang mga readers kapag nakakita ng Youtube video MATIC yan magcocomment ng "Bawal Youtube dito sa office eh, sa bahay na lang!" O kaya "An error occured tsong" o kaya naman eh "Nice post keep it up follow back."



Did I infringe any copyright? If so, sowee! Didn't mean to. I just love the song at hindi ko naman pagkakakitaan ito no DUH.

All rights belong to the rightful owners.

Yun lang thanks mwahchupa.

movie review - bituing walang ningning

Eto ha. Two Saturdays ago, while watching color TV, nailipat ko nang hindi sinasadya ang channel sa PBO. Hindi ako mahilig sa mga lumang Pinoy movies lalo na yung mga tunog kinakain na cassette tape ang sound track. Pero iba itong gabing ito, dahil ang palabas ay isa sa mga classic Pinoy films na pinamagatang Bituing Walang Ningning.

Actually hindi ko nasimulan yung movie but who cares!

Just to give you an idea:

Si Sharon Cuneta ay nagtitinda ng sampaguita. Sya ang Number 1 fan ni Cherie Gil. Magiliw si Sharon Cuneta, plastic si Cherie Gil. Malinis ang hangarin ni Sharon Cuneta, maitim ang puso ni Cherie Gil. Mabuti si Sharon Cuneta, si Cherie Gil nambubuhos ng wine.

At ngayon pa lang sasabihin ko na, na sa buong pelikulang ito, ang simpatya ko ay kay Cherie Gil. Let me tell you why.

1. Pagod na pagod si Cherie Gil matapos magperform nang live. Nasa kotse na sya at pauwi na nang may humarang sa kotse. Nges hu. Si Sharon Cuneta, at gusto nyang magbigay ng sampaguita sa kanyang idol. Dahil sya ang number one fan kailangan nyang makausap si Cherie Gil at makakwentuhan, right now kahit dis-oras ng gabi. Kailangan malaman ni Cherie Gil na sya ang Number 1 fan. As in, kailangang kailangan ora mismo, ayaw paawat, dumudungaw pa sa bintana ng kotse. Sabi ni Cherie Gil, "Bye now love, you take care sweetie!" sabay bulong sa katabi nya "Kiki ng ina isara mo na yang bintana!"

2. Nagpeperform si Cherie Gil sa show ni German Moreno. Sa kalagitnaan ng kanta, may fan na tumakbo sa stage. Nges hu. Si Sharon Cuneta. At may dalang kwintas na sampaguita. Nasabi na ba ni Cherie Gil na allergic sya sa mumurahing bulaklak? Hindi sya makabirit nang matino dahil halos sumampa na si Sharon Cuneta sa leeg nya at pumulupot sa kanya may kiss pa sa cheeks! Upstaged Si Cherie Gil sa sarili nyang performance.

3. Nagimbal si Cherie Gil while watching the news. Sabi sa headline "Isang Fan, Naaksidente Dahil Sa Idol!" Nges hu. Si Sharon Cuneta. Sa sobrang tuwa nya dahil featured si Cherie Gil sa paborito nyang song hits, binasa nya ito habang naglalakad sa kalye. Nabundol sya ng kotse, nice. Everyone expects Cherie Gil na bisitahin si Sharon Cuneta sa ospital dahil sya ang dahilan ng pagkasagasa nito. Kasalanan ba ni Cherie Gil na tatanga-tanga sa kalsada si Sharon Cuneta? Tangina diba.

4. Nagimbal si Cherie Gil nang malaman nya na may bagong rising star. At dahil ayaw nyang may pumalit sa pwesto nya bilang superstar, kailangang pabagsakin nya ang kung sino mang challenger nya. Eh mukhang malakas ang challenger nya, may hit song agad at may album. Nges hu. Ang walanghiyang si Sharon Cuneta.

5. Matapos habul-habulin ng boyprend na si Christopher de Leon si Cherie Gil, nakipaghiwalay na ito. Nung gusto nang makipagbalikan ni Cherie Gil, nanlalamig na si Christoher de Leon. Eh di ba nga ayon sa kasabihan, "Kung nanlalamig sya, ibig sabihin nag-iinit sya sa iba." Oo may iba na sya. Nges hu. Si Sharon Cuneta. She's fucking her ex-boyfriend!

6. Inimbitahan si Cherie Gil na panoorin si Sharon Cuneta habang nagpeperform. Eto namang si Sharon Cuneta, sa dami ng kanta sa buong mundo, ang kinanta nya ay... Nges wat. Yung signature song ni Cherie Gil. Syempre umusok ang ilong ni Cherie Gil. Below the belt na ito. Wala syang pakialam kung agawan sya ng boyprend basta wag na wag syang aagawan ng kanta.

And the next scene will be remembered 27 years later. Oo literal na 27 years kasi 1985 pinalabas yung pelikula.

Matapos kumanta si Sharon Cuneta, lumapit si Cherie Gil. Dinampot ang basong may wine. Sinaboy sa mukha ni Sharon Cuneta. At alam natin lahat kung ano ang sinabi nya!

You're nothing but a second-rate trying hard suck my d
OK Kids sorry sa barubal na review ang masasabi ko lang I enjoyed watching this movie on color TV.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding