ang lola ko

Okay Kids it's time for a serious post. Hindi ko nabanggit pero ang Lola ko ay namatay last August. I can talk about it now coz I'm past all the grieving and sadness although minsan namimiss ko sya pag naaalala ko sya. She was 89 nung kinuha sya ni Lord dahil na rin sa katandaan. Sabi ng mga Tita ko during her last few days parang alam nya na maeexpire na ang visa nya dito sa mundo kaya nakapagpaalam pa sya at nakapaghabilin which is "Huwag kayong mag-aaway-away."

Ang tagal ko nang hindi umuuwi sa aking hometown dahil sa hindi ko talaga gusto tumambay dun. Pero nung namatay sya, umuwi talaga ako agad. Yun na lang ang huling magagawa ko para sa kanya eh, ang um-attend ng premiere night, coronation night at grand parade ni Lola.

So pag-uwi ko sa aming bahay, yung dati naming bahay na ang nakatira lang eh ako at ang Tatay ko, ngayon eh converted na to a house full of little kids: mga pinsan ko at mga pamangkin. Nung pagbukas ko nga ng pinto eh sampung bata ang nadatnan ko, sabi ko "Tangina akala ko lamay, bakit children's party?"

So pagdating dun eh dumiretso ako agad sa kabilang bahay para makita si Lola na kasalukuyang naka-exhibit. Isa ito sa mga pinaka-critical moments, ang makita ang mukha ng namatay for the first time. Minsan eh hindi talaga maganda ang pagka-make up sa mga deads. Mahirap siguro make-upan talaga kapag rigor mortis na. Minsan dahil sa ayos ng mukha nila, nasisira yung solemnity ng event dahil kailangan mong magpigil ng tawa.

At nung una kong pagtingin sa Lola ko naisip ko Shit sinong may kagagawan nito? Bakit nyo sya ginawang clown??? Mga hayop magbabayad kayo! As in nagulat talaga ako like Lola bakit ka naka-lipstick na Hot Pink???

Pero katabi ko yung isa kong Tita nun kaya sabi ko na lang "Mmm okay". Keysa naman maglupasay ako dun at gumulong sa ilalim ng kabaong. Pinunas ko na lang ang namumuong luha sa aking kaliwang mata, tapos after 15 seconds yung luha naman sa kanang mata. Sabay reminisce ng aming mga happy times.

Alam nyo kung ano ang pinakapaboritong linya ng mga Lola? "Kumain ka na?" It's not even a question, it's a command. Ganyan ang Lola ko. Noong college kasi, ayoko nang umuwi sa bahay kaya kapag sem break, sa bahay nya ako umuuwi at dun ako natutulog sa kama nya. Sya naman, sa sofa sya natutulog pag nandun ako. Ganun sya kabait sa akin.

So matapos i-check si Lola hinarap ko ang mga pinsan kong kasalukyang nagtitipon sa kusina para magluto ng handa. As in HANDA. Akala mo piyesta. May menudo, adobo, calderetang baka, pinapaitan and other dishes. Syempre hindi mawawala ang mga  biskwit at kape. Meron pa ngang isang buong box ng biscuits, may tatak pa na "Condolences from Mayor."

Lahat ng nakasalubong ko iisa lang ang sinasabi. Hindi ko na sasabihin kung ano exactly pero it has something to do with my weight. Mga hayop.

Yung isang pinsan kong menor de edad, ganito ang kwento: "Alam mo Kuya Glenn, si Kuya at yung asawa nya may scandal! Kitang-kita pinapasok! Di ba Ate may scandal kayo?"

Yung babae naman tumango sabay ngiti at sabing "Oo may scandal kami, hehehe."

Tangina proud??? Ayokong makita!

Nung tinablan na ako ng antok lumipat na ako sa bahay ng Lola ko at natulog sa kama nya like in the old times. Kahit galing ako sa byahe, more than 12 hours na akong gising at pagod na pagod, tangina hindi ako makatulog! I tossed and turned at madaling araw na ako nakatulog.

Kinaumagahan I was greeted by my Pudrax with this line: "Diyan ka natulog? Diyan sya namatay eh."

Putangina! Bangon ako agad.

Come Sunday morning, ang araw ng grand parade. Mula sa bahay inilabas ang kabaong at isinakay sa float. Tapos kaming mga family members naman eh nakasunod. May color scheme ang mga damit. Kapag mga anak ng Lola ko, naka-black. Kapag mga apo nya, naka-white. Ako? Naka-checkered blue at shorts! I was not informed!

So yun may walkathon mula sa bahay hanggang sa simbahan. Nung una eh kokonti pa lang kami, mga family members lang talaga. Habang naglalakad kami at nadadaanan ang mga bahay ng mga kamag-anak, kaibigan at kababata ng Lola ko, nadadagdagan kami. Hanggang sa dumami kami at nagkaroon ng stampede JOKE. Na-amaze ako kasi ang dami rin palang nagmamahal sa Lola ko na hindi ko kilala.

Pagdating sa simbahan may tatlong floats na naghihintay sa entrance. Ano to??? MMFF? Dami pala ka-batch ni Lola. Pagpasok namin sa loob nag-misa na si Father at binasbasan ang mga labi. Isa-isa kaming nag-wisik ng Holy Water habang ang mga mata ng mga tao dun eh nagwawater-water. Di ako umiyak no!

Someone suggested na magpicture-picture. Kung ako masusunod, ayoko sana kasi di ba? Pano kung dumungaw bigla si Lola sa kanyang kabaong at mag-Japan Japan? Pero yung mga pinsan ko kasi, pag nakarinig ng picture, kahit luhaan, biglang magpopose.

So nakalinya kaming lahat tapos nasa gitna si Lola syempre sya ang star ng event na yun. Hindi ko alam kung anong facial expression ang gagawin ko. Naka-smile? Magmumukha akong masaya sa mga pangyayari. Nakasimangot? Magmumukha akong napilitang umattend ng libing. So I settled for po-po-po-po-po-poker face.

Matapos ang photoshoot, nilabas na namin si Lola para sa kanyang final destination. Lakad na naman kami. Biglang umambon. Una pa-sweet lang tapos pa-harsh nang pa-harsh. Ang mga pamangkin kong high school bagets, aba kanya-kanyang payong sa mga boyfriend nila. Palibhasa hindi sila pinapayagang makipagdate o magpaligaw, ginawan na lang nila ng paraan kung paano sila magdedate: sa kalagitnaan ng libing. Way ways...

Pagdating sa sementeryo haggard na si Lola. Sino bang hindi ma-iistress kung inulan yung big day mo. Tingin ko eh gusto na talaga humimlay ni Lola. Eh yung sementeryo pa naman, mala-maze. Hindi talaga na-organize maigi ang mga libingan. Akala ko nga habang naglalakad ako eh nasa sidewalk ako, shet mga nitso pala. Napansin ko na ang location ng libingan ni Lola ay malayo sa kung saan nakalibing ang Lolo ko. Wala na kasing space dun, samantalang dito kay Lola, malawak pa pwede mag-skating.

So nandun na kami sa may puntod right? May hukay na rectangle tapos may naka-ready na semento sa gilid.

Yung isang Uncle ko may bright idea: magpapalipad sya ng white balloons! Ewan ko kung anong gusto nyang i-signify pero isang bagay ang natutunan naming lahat: hindi lilipad ang balloons patungo sa langit kung umuulan. BWAHAHA. Nakailang hagis si Uncle sa mga lobo, aangat lang sila ng ten feet tapos biglang mahuhulog pababa in the most disappointing and mapang-asar way. Yung ibang balloons nashoot sa hukay, yung iba nilipad ng hangin papunta sa ibang nitso LOL. I hope this made Lola smile.

So dahan-dahan nang ibinaba si Lola. Yung mga Tita ko, kung kanina sa Church eh luha lang, ngayon may hagulhol na. Ang Tatay ko hindi pa rin umiiyak. At this point gusto ko nang umuwi so ipinagdarasal ko talaga na maging successful ang libing para makabalik na kami sa bahay for the reception.

Habang naghahagis kami ng roses sa kabaong habang ibinababa ito sa hukay, bumulong sa akin ang Tatay ko:

"Nakikita mo yang sakong yan?"

Saka ko lang napansin yung sako na nandun sa may corner ng hukay. Sako as in SAKO it's not a metaphor or simile or exaggeration, sako talaga as in SACK. Nandun sa tabi ng kabaong. Una kong naisip, bigas. Pabaon kay Lola? Rice subsidy?

Medyo hindi ko maaninag pero alam kong may laman talaga yung sako na something heavy.

"Anong laman nyang sako?"

"Lolo mo."

Did this post offend you? Sad event tapos pinagpyestahan ko sa blog? It's up to you. Malamang si Lola hindi naman na-offend. Ito lang ang nakayanan kong tribute sa kanya eh. Mas nakaka-offend di hamak yung nag-make up sa kanya. 

CLARIFICATION (naks!) Kaya po nasa sako si Lolo dahil in-exhume yung kalansay nya mula sa dati nyang puntod para mareunite sila ni Lola sa bagong location.

sabay nating abutin ang langit

Oh ha ako na ang tumatanggap ng submissions ngayon. Busy kasi ako sa isa kong project kaya hindi ako makapagpost. Kaya isang reader ng blog ko ang naawa sa aking stagnant blog. Sya na ang nagmagandang loob at gumawa ng paraan para magkaroon ng update.

Itago po natin sya sa pangalang "Misyel Landia". Actually sya ay aking officemate. She's a shy type and virginal even though she is now a mother of 4. Actually yung panganay nya ay nakapagtapos na ng kursong abogasya. Joke lang.

Pero totoo, isa si Misyel sa mga pinakamasayang tao sa opisina. Sya ang nagbibigay ng buhay sa aming lunch break sa kanyang mga stories na nahahantong sa kasong sexual harrassment.

Some trivia about Misyel:
  • Ang ganda nya.
  • A few years ago nasaksak sya ng ice pick sa Cubao.
  • Ok na yan.

Ito po ang kanyang panulat na nais nyang ibahagi sa ating lahat. Handa na ba kayo mga Kids?

----- o=====8 - (o) - 8=====o -----

"Sabay Nating Abutin Ang Langit"

Bago basahin ang artikulong ito, gusto ko lang magbigay ng maiksing "disclaimer" na ang mga nakasulat dito ay hindi gabay upang maging maayos ang kasalukuyang estado ng iyong sex life kung meron man itong pinagdaraanan sa ngayon. Gusto ko lang mapag-usapan ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi lahat ay nakararating sa dapat patunguhan (bago, habang at pagkatapos ng ganap). Ito'y bunga ng naiinip ng malayang kaisipan habang nasa trabaho.

Kung isa sa mga nabanggit dito ay nakagawian mo na at malamang ay kinagigiliwan, mag isip isip (ng isa, dalawa, tatlo), iwasan ng gawin ito o baguhin ang pamamaraan...paraan na harinawa'y di mo makikita sa listahang ito.

Patok ang 50 shades of Grey. Di ko maisip kung bakit kasi salungat ito sa nasasaad sa kasalukuyang statistics na 80% ng kababaihan ay pinepeke ang orgasm during intercourse. "Ows?" Di ka makapaniwala Kuya? Masaklap pero totoo. Nagtanong tanong ako sa aking mga kaibigan, kakilala at syempre base na rin sa sarili kong karanasan, (though, di naman sya ganun kalawak) kung bakit nangyayari ito at narito ang ilan sa mga nakalap kong kadahilanan.

CINDERELLA STORY
Ito yung akala mo may curfew at may hinahabol na deadline si Kuya. Ang lahat ng bagay ay nararapat na dumaan sa proseso at kung ito'y lingid sa iyong kaalaman ang halik o paghahalikan ay syang panimulang hakbang upang maikondisyon ang aming sarili. Pero kung just like Cinderella ay may hinahabol kang oras, gawin ito kung maluwag na ang schedule.

PAG-IHIP SA TENGA
Aminin mo Kuya, napanood mo ang eksenang ito sa mga porn movies di ba? Ang eksena.... hinihipan ng lalaki yung tenga ng babae at yung babae humalinghing na parang natadyakan ng paa ng kabayo sa panga. Tapos like a bulb, gusto mong i-apply samin. "Pwede!" Pwede nga naman, pero may malaking kaibahan po ang pag-ihip ng hangin na maghahatid init sa aming katawan at pagbuga ng hangin na para bang pinapatay mo ang mga kandila sa cake tuwing ikaw ay nagdiriwang ng iyong kaarawan. Masakit po sa tenga.

HINDI PAG-AAHIT
Okay na sana na hindi ka nakapag-ahit pero para namang nananadya, walang humpay mo ito kung ikiskis sa mukha at hita namin. Kung nakikita mong kaliwa't kanan kaming pumipihit, hindi kami nahuhumaling, kami ay umiiwas.

PAGPISIL NG DIBDIB
Hindi kailanman nakakadagdag ng ligaya yung pagpisil nyo ng dibdib na parang gusto nyo ng kalkalin internal organs ko. Hindi nakaka eksayt na sa sobrang higpit ng pisil mo, halos nakapa mo na din balumbalunan at apdo ko.

PAGNGUYA NG NIPPLES
Bakit nga ba masyadong attached ang mga lalaki sa nipples ng mga babae? Parang gusto ni Kuya na higupin kaluluwa namin sa pagigitan ng pagsipsip sa nipples. Yung iba nag aala-Doding daga dahil may ngatngat pang kasama. Kuya, hindi po sikreto na ang nipples ay isa sa napakasensitibong parte ng katawan ng babae at hindi po ito dinisensyo para isiksik sa inyong mga gums at nguyain.

PAGPIHIT NG NIPPLES
Hindi din po nakakatuwang pihit pihitin ang aming nipples na para bang naghahanap ka ng matinong istasyon ng radyo sa masukal at magubat na lugar.

PAGDAGAN
In general Kuya, mas mabigat kayo kesa samin, kaya huwag basta basta pumatong na walang suporta. Ikalalagot namin yun ng hininga.

HINDI AKO SI CURACHA
Ang ganap na walang humpay ay sa pelikula lamang nakakaaliw panoorin. Sa pelikula kasi, may tinatawag na cut at edit. Kaya kung napapanood mo man ito ng tuloy tuloy, malamang sa malamang 4 na buwan nila itong shinoot. Huwag moing isummarize in 3 hours sa totoong buhay. May mga salitang nailathala katulad ng pagkangalay, pagod, panghihina, paghingal at paglupaypay. Bigyan kami ng karapatang magpahinga.

HICKIES
Okay lang naman na medyo may sipsipang ganap during the deed. Nakakaaliw naman talaga at some point.....KUNG mahinahon ang pagkakagawa. kasi, wala ng nakakahiya pa sa pag TUTURTLENECK habang naka declare ng EL NIÑO sa bansa.

MGA MUMUNTING SORPRESA
Surprise.....gamit na condom!!! Hala naman Kuya, ginamit mo, itapon mo. Ano mararamdaman mo kung iasa naming ipatapon sayo gamit na napkin ko? Exactly!


----- o=====8 - (o) - 8=====o -----

Nga po pala, ito po ang author ng article na ito:




Hindi po sya yang Dolly Ann Carvajal look-alike na nakasupsop sa iced tea. At lalong hindi sya ang cutie hot maalindog guy sa tabi ni Dolly Ann. Sya po yung nasa kanang bahagi ng larawan, yung legs.

Kita naman sa pamimilipit nya na matagal na syang walang aksyon. Meron po bang gustong magvolunteer para maisabuhay ang mga Dos and Don'ts?

Sana hindi nyo maisip na ang post ng author ay tadtad ng kaartehan, magpapakant*t rin naman. Marami syang nabanggit na good points para sa isang kahali-halina at makabuluhang pagtototnakan. Ito ay para sa ikabubuti ng lahat.

 ----- o=====8 - (o) - 8=====o ----- 

May blogging fever sa office. Maliban kay Misyel Landia na wala pang sariling blog pero nagsusulat na ng articles, meron na ring blog ang mga kaopisina kong sina Senyor Iskwater at Baronesa Gaysler. Mangyaring checkitawten rin sila kapag kayo ay bored.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding