saranggola blog awards 2013

Hey Kids! Ang dami kong na-attendan na blogger events recently. Mga... let me count, hmm... bale dalawa. Sunod-sunod kaya hectic. At balak kong magpost about them. Eh di ako na ang events blogger LOLJK. Bihira ko lang naman gawin ito so pagbigyan nyo na. After these posts, kabastusan na uli promise LOL.

Last Saturday inimbitahan ako ng mga kapwa ko bloggers na dumalo sa Saranggola Blog Awards with the special basbas of its founder, Bernard Umali. Kahit nahihiya akong um-attend, nagpunta na rin ako para makita ang mga winners at makasama na rin ang iba pang mga bloggers. Pagdating ko sa venue the first thing I noticed was the buffet table LOLJK.

To start the program off, Bernard Umali asked all attendees to introduce themselves and their blogs.


So nung turn ko na I said "I'm Glenn, my blog is Wickedmouth.com. I started in 2007. Personal blog sya so sometimes I post about my experiences and charity works." HALA ang daming negative reactions nakakasama ng loob.

Aaaaand bukas ang zipper ko damn.

So the program went on with Bernard switching between awarding bloggers for their awesome entries, handing out raffle prizes and having us play ice-breaker games.


"Sibasib" ang gusto kong itawag sa game na ito kung saan kakainin ng mga boys ang gulay ng mga girls. That boy on the right is Senyor Iskwater and for some reason, ayaw nyang i-sibasib si Iyah.


Turn naman ng mga boys na magpakain ng saging. Notice Senyor Iskwater sa top right. Talagang pinakain nya si Iyah ng saging. Punong-puno ang bibig ni Iyah sa malaking saging ni Senyor. Habang tumatagal ang post na ito ay nagiging Xerex-ish.


Each time a winner is called to speak, they were given a chance to talk about their entry, give a little backstory and tell us how they came up with it. I can say na well-deserved nila yung awards, especially after hearing what they went through in their creative process. Some entries were read aloud which I enjoyed and ang galing talaga.

As the night progressed I had the chance to meet a lot of old friends and make new ones.


Me with Iyah and Arvin.


Bino, Me, Pablo and MJ. My biggest success that night ay ang hindi pagputok ng polo ko.

Sawa na ba kayo sa pictures ko? OK here's more:


With Mark Patatas and Iyah.


I also took the chance to take a picture with Bebang Siy, the author of "It's A Mens World". Ewan ko bakit mukha akong ni-copy-paste sa picture na yan.

I really like her and her encouragement of Pinoys to write in Filipino. "Sino pa ba ang susulat sa Filipino kundi tayo rin lang?" or something like that, which made me realize I was also contributing to this O ha sabi...

She also talked about breaking the tradition of writing stories where the mother is a labandera and the father is a tricycle driver, and then calling them "Inay" and "Itay". Let's face it, it's overused na nga naman. Refreshing talk!

A few other people got to talk, promote their movie and their volunteer work which made me realize na magandang venue nga ito for promotion dahil nga maraming bloggers who can spread the word. Dami kong narealize that night.


Of course, the man who made all this happen, Bernard Umali. I'm surprised kasi ang bait nya and very accomodating and he even gave me the chance to promote Wickedmouth - Unang Putok. Akala ko promote lang, sabi nya "Tell us how this book came about" HALA hindi ako prepared!!! Kung ano-ano na lang tuloy ang sinabi ko para matapos na coz I have fucking stage fright.


At nanalo ako sa raffle yehey!!! It was a great night and next year pupunta ako uli! Thanks Bernard Umali!!! Congratulations sa mga winners and congrats rin sa success ng SBA 2013.


Salamat PusangKalye.net and AXL Powerhouse Productions for the photos!

Merry Christmas Kids!

pinoy christmas carols - exposed

OK so here goes my obligatory Christmas post and this year ang tatalakayin ko ay ang hidden meaning sa mga popular Christmas songs. I don't know if anyboldy else is doing this but I'm taking on this task as a public service because the people deserve to know the TRUTH.

I'm sure karamihan sa atin ay narinig na ang mga kantang ito sa mga nangangaroling, sa radyo, sa TV, sa jeep, sa FX, sa mall, everywhere you go. Pero alam ba natin ang tunay na kahulugan ng mga awiting ito? Handa ka na bang malaman ang malagim na kwento sa likod ng mga kanta? You sure???

Sa aking masusing pananaliksik, wala naman akong napag-alaman na history ng mga kantang ito pero nung minsan wala akong ginagawa in-analyze kong mabuti ang mga lyrics and that's when I uncovered the hidden truths that changed my life forever.

Noche Buena (Kay Sigla ng Gabi)

Kay sigla ng gabi, ang lahat ay kay saya
Nagluto ang Ate ng manok na tinola
Sa bahay ng Kuya ay mayroong litsunan pa
Ang bawat tahanan may handang iba't-iba.

Tayo na, giliw, magsalo na tayo
Mayroon na tayong tinapay at keso.
'Di ba Noche Buena sa gabing ito
At bukas ay araw ng Pasko! 

Obviously, kinanta ito ng isang homeless person. Let's take a closer look.

Kay sigla ng gabi,
Ang lahat ay kay saya
Nagluto ang Ate ng manok na tinola

Sabi nya "ang Ate" hindi "si Ate", meaning they're not related. At inulit pa,


Sa bahay ng Kuya ay mayroong litsunan pa

Hindi sa bahay "ni Kuya" kundi sa bahay "ng Kuya" and it's easy to see, hindi siya nakatira sa bahay ng Ate at Kuyang tinutukoy nya. The singer is an outsider, looking in, and the fact that the person is homeless is revealed in the next line:


Ang bawat tahanan may handang iba't-iba.

Which is a shorter way of saying "Ang bawat tahanan, may handang iba't-iba, pwera lang kami, dahil wala kaming tahanan, kaya wala kaming handa. Naghihintay lang kami ng ibibigay ng Ate at Kuya."

But it's not an entirely bad Christmas eve, dahil mukhang nabigyan rin sila ng pagkain:

Tayo na, giliw, magsalo na tayo
Mayroon na tayong tinapay at keso.

Yeah, bread and cheese. Hindi na masama. Pero considering na sila Ate ay may tinola at sila Kuya ay may litson, and all they give you is some fucking monay and Eden cheese? Sad story behind a sad sad song. OK next.


Pasko Na Naman

Pasko na naman
O kay tulin ng araw
Paskong nagdaan
Tila ba kung kailan lang
Ngayon ay Pasko
Dapat pasalamatan
Ngayon ay Pasko
Tayo ay mag-awitan

Pasko! Pasko!
Pasko na namang muli!
Tanging araw na ating pinakamimithi
Pasko! Pasko!
Pasko na namang muli!
Ang pag-ibig naghahari!

OK somebody tell me that the inspiration for this song is NOT an old guy sa isang home for the aged? Let's take a closer look:

Pasko na naman
O kay tulin ng araw
Paskong nagdaan
Tila ba kung kailan lang

Old people tend to lose their memory a lot, at minsan ang naalala na lang nila ay ang mga major events, like Christmas. Kaya nga nasabi nya na "O kay tulin ng araw" at yung nakaraang Pasko daw eh "Tila ba kung kailan lang" That's severe memory loss for me. Kaya naging clouded na rin ang kanyang sense of time. Siguro wala masyadong ganap sa home for the aged kaya Pasko na lang ang naaalala niya.

Pasko! Pasko!
Pasko na namang muli!

You know kung sino ang may habit na manigaw? Yes matatanda. "Pasko! Pasko!" sabi niya, kasi nga yun lang ang panahon na masaya sya, therefore yun lang ang "Tanging araw na ating pinakamimithi." I mean if it were me, sitting around all day with other fellow matatanda basically just waiting for death to come, magiging masaya rin ako tuwing Kapaskuhan kung kelan nagdadagsaan ang mga bisita na may dalang pagkain, regalo at parlor games. Sad sad sad. OK next.

Sa Paskong Darating

Sa Paskong darating
Santa Klaus nyo’y ako rin
Pagka’t kayong lahat
Ay naging masunurin
Dadalhan ko kayo
Ng mansanas at ubas
May kendi at tsokolate
Peras, kastanyas na marami

Sa araw ng Pasko
Huwag nang malulumbay
Ipagdiwang ang araw
Habang nabubuhay

THIS IS THE ABSOLUTE WORST!!! Obviously, ang kumanta nito ay not just one big atheist, but also a person who likes to deceive people and is not scared to drop around some death threats.


Sa Paskong darating
Santa Klaus nyo’y ako rin

This is almost saying "Sa Paskong darating, Santa Klaus nyo'y ako rin, dahil walang Santa Klaus, walang Diyos, walang Jesus, it's all me."

Pagka’t kayong lahat
Ay naging masunurin

Messiah complex much? OBVIOUSLY the singer took this position of being a "savior" na nagpapala ng rewards sa mga taong naging masunurin. I'm not sure if this person started their own church. But if they did, I don't wanna be part of it kung ang magiging reward ko sa pagpapakabuti ay mansanas, ubas, kendi, tsokolate, peras at kastanyas kahit gaano pa karami.

And you know what the worst thing about this is? Not only did they insinuate that there is no God and no Jesus Christ, they even went as far as saying:

Sa araw ng Pasko
Huwag nang malulumbay
Ipagdiwang ang araw
Habang nabubuhay

Tell me that is NOT a death threat. Di ba??? "Ipagdiwang ang araw habang nabubuhay" is a way of saying  "Ipagdiwang ang araw habang nabubuhay, dahil mamamatay rin kayong lahat, bitchesss!"

So there. The end. LOL.

OBVIOUSLY all these ay guni-guni ko lang at hindi dapat seryosohin. The last thing I need is someone scolding me for ruining Christmas.

Sometimes we get too absorbed in the idea of Christmas, we get lost in all the sounds and the sights and the gifts and the food that we neglect the true meaning of Christmas... What is Christmas really about? The poor and homeless waiting for some tinola, the old and dying waiting all year round for holiday cheers, and Jesus Christ, not Santa Claus.

SABIIIIIIIII ok bye happy holidays

khikhi's open letter to glentot

Before anything else, of course available pa rin po ang Wickedmouth - Unang Putok sa mga bookstores sa Metro Manila and soon, nationwide :) Please grab a copy po! For you and for your loved ones LOL.

A lot of people have bought their copies (either from bookstores or straight from Sir Mots and me) and so far we're getting great feedback. Maraming salamat po!

Here are some reviews posted on Goodreads at maraming salamat sa mga nagbigay ng oras para gumawa ng reviews at magbigay ng rating!






Nagising ako kanina at Facebook agad ang una kong binuksan. Isang "note" ang tumambad sa akin, kagagawan ni Khikhi. Nagulat ako kasi wala syang pasabi na may sinulat siyang ganito, ni hindi man lang nya ako nagawang i-tag at nakita ko lang ito sa timeline. Sinimulan kong basahin. Tinigil ko agad. Sumakit ang ulo ko sa spelling niyang pang-shortcut sa text.

Nagawa ko namang tapusin at na-touch ako sa mga parte na hindi karapat-dapat ma-touch. Ise-share ko sa inyo ang isinulat ni Khikhi, something I'm doing for the very first time here sa blog.

BABALA: maghanda ng Advil. At huwag nyong pansinin yung pag-eemote nya sa dulo na para bang mamamatay na ako, at yung mga papuri nya na akala nya eh sikat na ako.

Here it is in its full, unedited glory.



para sa iyo glenn Taba rejos

November 20, 2013 at 1:33pm
bez,

            ilang taon n rin tayong magkaibigan.in fact,mtgal tgal mo n dn akong pinagtatyagaan.mrmi ka mang katarantaduhang ginawa s buhay ko,mrmi ka ring naimpart n mggnda.bez,ano n nga b ung impart?hehehe`.grade3 nga tlg tayo nung una tayong nagkakilala.mula noon,sby n tayong umuuwi dhl mlpt lng ang bahay mo s bhy namin.minsn nga nagtitrip tayo n hwakan ang mga tae ng kalabw,ung tuyo n.pero minsn akala q tuyo,basa p pla s loob ung tae at ndumihan ang sapatos ko.nkta ko kung papaano mo ko pinagtwanan.napakabuti mo tlg bez.hilig mo dn magkwento ng mga movies n napanood mo at mga bnbsa mo lalo n ung favorite mong xerex series s tabloid.nakikikain p q plg s inyo ng langka at tortang sardinas.ang charap charap.kw dn nagtatyagang magturo sakin ng math,my favorite subject.pg d ko makuha ang tinuturo mo,sasabhin m n lng ang linya mong,"ang tanga tanga m".pero infairness,s kbla nga ng love -hate relationship ntn,bkt nga b friends p dn tayo?nalungkot aq nung mejo lumayo ang bahay ninyo s bhy namin.wla na akong makakainan.pano kc talent ni inay doris ang paglilipat bhy.pero kht malayo ka n,pinupunthan p rn kta ryt?gnyn kta kmhl bez.kung san san mo ko niyayang sumama  aq s singing contest.sb mo kc talented aq kht alm ko joke m lng un.cnamahan mo ko s plaza with mader doris.wla ang pamilya ko nun pero ang tyga nyo ni mader dorish panoorin aq hanggang pumiyok aq.wlang hyang my heart will go on un.pnahiya aq.akala q ang sasabhin mo ay"ok lng yan bez." hala?antanga tanga m sby twa ka kya tumwa n dn aq.gnyan tayong magkaibgan.twanan lng ang mga wow mali moments s buhy.

         nag highschool tayo at no choice,fren p dn kta.at hayop ka nagpasma aq sau magpapagupit aq kay ate vanessa,ung bading.niloko mo c ate na gupitan aq ng barber's cut.antanga tnga ni ate ginupitan tlg aq ng ganun.pagtingin ko s salamin,omg mukha akng lalakeng natalo s siatong.mangiyak ngiyak n ko at cnb kong"hayop ka glenn!at ang paconsuelo de bobo mo ay,"wg ka alala bez nkta ko iba ntng classmates,gnyn dn ang gupit sau".mejo kumalma ako s cnb nyang un.pagkapasok q,aba aq lng ang mukhng lalake.hayop ka tlg bez.ang sarap m tlgng maging fren.meron ka pang gnwa eh.,ang hilig mo sumabay sakin at hbng naglalakad tau bgla bgla mo n lng akong papatirin.minsan down tlg aq s floor.twa ka p ng twa.ang bait mo tlg bez.pero wla  n tlgng hihgit pa s pinagsamahan ntn.ninakaw mo ang iniingatan kong childhood pic ko s ilalim ng puno ng niyog.hmpf ikw lng ang pwedeng gmwa nun.

       nagcollege n tayo at tlgng ksma p dn kita s baguio.wtf n buhy to oo.alm ko mrming kahihyan nanaman ang naghihinty sakin dhl sau.pero nag enjoy ako dhl plg tayong kumakain ng town's pizza at tlgng ayw mo sumby sakin hbng kumakain tayo nun ha.kamo kc nakakahya.at sarap dn tlg ng trip ntn magkamay ng andoks chicken s burnham.sb mo plg,"nakakahiya ka tlg khikhi" pero ikw panay kain ka rn.s tuwing humihingi aq sau ng pabor,plgng dpt may kapalit un.animal ka tlg naubos pera ko kakabyad ng serbisyo mo.ib ulit trip ntn nung 2nd yr.magcompose ng knta.ilang beses mo n akong binatter kpg d ako makabuo ng matinong melody hnd b?nakakahya naman sau bez.hehehe pero infairness ulit,nanalo s slu ung kinompose ntn.at ang prize,hinatian m lng kmi ng knti ni jun.aminin mo n.d rn ako magtataka n d ako mxdong nagkaroon ng lovlyf noon dhl umpisa p lng,ccrain mo n q agd.hmp ka tlg gusto mo plgng miserable tayong dlwa.mhl mo ko tlg bez.kung may irereto ka man noon,bading naman.nananadya ka tlg.i hate u.well mbuti n rn at nagkaroon aq ng lovelife ngaung malau ka n s landas ko.hehe

nung nagtpos tayo,d n kta nkta kc naglayas ka at pumunta n ng maynila.malaman laman ko n lng nagtatrbho ka s isang tabloid at gmgwa ka n ng article na......secret.kta m ha prinamiz ko n secret lng.balita ko,myaman ka n ngayon.pero grb hnd mo p rn aq tinantanan,gmgwa ka ng blog at ang ibng laman ay aq.gmwa ka dn ng page ko s fb.wtf ka bez.ngaun,ibang level at isinulat mo pa ang mga kwento ko s libro.huhu andmi nang nakakabasa ng mga kawalanghyaan mo sakin.

pero bez,kidding aside,kung meron mang msya s nttmasa mong tgumpy ngaun,ako un dhl ksma mo n q s hirap,hirap,hirap, at knting gnhwa.kht balahurain mo n q nationwide ok lng maging successful ka lng.grb anlayo n ng narating mo.ib ka n s glenn na kasa ksma kong normal lng.normal?cnong mag aakala na mangyyri yan s buhy mo ngayon.anyway,lagot ka ky mader dorish.d nya alm itong libro mo n ito.hehe txt q xa pg d ako busy.bez,mhl n mhl kta.salamt s friendship.hndng hnd ko makakalimutan yung cnb mo noon na talikuran na ako ng lht ng tao pero never mo aq iiwan at tatalikuran.touched tlg aq s cnb mo n un.mrming slmt kc naging matalik kitang kaibgan.hnd plastic,cncraan mo man aq pero harap harapan.un ang kaibgan,hnd nang iiwan,tanggap ka kung ano ka,sumusuporta kung saan ka msya at never kang ijajudge kht anong mangyri.mrming mrming slamat tlg bez.sna hanggang tumanda tau,wlang iwanan.pagtitiisan kta wg kang mag alala.nga pla,dlwin mo nmn ako minsan.miz n kta eh.chupamwah




OK na-survive nyo ba ang parusa ng pagbasa niyan? Like I said na-touch ako sa ginawa ng kaibigan kong ito. Pero hindi ko talaga matanggap yung pinagbintangan nya ako na ninakaw ko yung picture nya na kinunan sa ilalim ng puno ng niyog. Kapag may nawawalang picture, ako agad ang suspect? WTF. I don't know anything about that.



wickedmouth - unang putok

Hey Kids! Sorry uli sa matagal na pananahimik sa blogosphere, wala pa akong maikwento dahil naging busy ako these past few weeks sa bentahan ng libro. Dahil wala pa sa bookstores, nag-direct selling muna kami ni Sir Mots as in may bitbit kaming bags na puno ng libro. Ako nga eh palakad-lakad pa sa mall tapos hahanap ako ng pwesto para i-meet yung mga bibili. Ahente ng encyclopedia much.

First gusto kong magpasalamat sa mga bumili ng books! Sa mga na-meet ko for the first time para bumili sa akin either sa malls, sa office, sa coffeshops, sa kalsada, sa PBO Bazaar, sa MRT stations at oo, sa gasolinahan, sa gitna ng nagliliparang jeep, nagkaroon ng bentahan, maraming salamat! Ramdam ko yung effort ninyo at sana it's worth it!

Sa mga nagtiyagang magmessage sa akin sa Facebook, Wickedmouth Page at Twitter para umorder, mag-deposit ng money at maghintay ng courier, maraming salamat! Thanks sa tiwala at sa paghihintay sana deserving yung libro!

Finally, here are some announcements!

Book Release

Lalabas na (*evil grin*) ang Unang Putok sa National Bookstores starting November 12, 2013. Eto yung 11.12.13 baka di pa rin malinaw LOL.



Major cities outside MM to follow.




O ha gumawa ako ng poster.

Book Launch - IMPORTANT!!!

Unfortunately, we were unable to get our preferred venue for the book launch sa Nov 16 2013, so we will move the date. Baka sa January na namin magawa. I'm sad :( Pero OK lang rin at least we have more time to prepare and invite people. More time to para sa raffle prizes yehey!  I'll be posting details as soon as I get updates.

Wickedmouth - Unang Putok FAQs

Marami ang mga nagtatanong sa akin ng common questions kaya sana masagot ko dito:
  1. OPO totoong TAO si Khikhi at hindi siya gawa-gawa ng imahinasyon ko. In fact, dahil marami siyang time, pinag-a-add nya ang mga blogger friends ko sa Facebook kahit hindi niya sila kilala. May mga nagmemessage sa akin like "Si Khikhi ba ito? Bakit ako in-add?" Sabi ko na lang, "Ah kasi ngayon lang siya natuto mag-Facebook. Paki-reject na lang."

  2. True stories po LAHAT ng nasa book. Some have asked me kung gawa-gawa ko lang daw yun. Well I WISH. Kung pwede lang hindi na lang nangyari yung mga kahihiyang kinasadlakan ko. The only thing I changed are the names.

  3. Most stories have previously appreared on this blog. Pero hindi ibig sabihin isang malawakang copy-paste lang ang naganap dahil hindi. Madugong editing, re-writring, proof-reading and arranging ang pinagdaanan ng mga stories bago na-print. May mga stories nga na naka-drawing na pero tinanggal last minute, dahil nagbotohan kami kung aling stories ang mapiprint at alin ang matatanggal. Nagkaroon pa ng "cleansing" session dahil binawasan namin lahat ng curse words at obscenities. OO sa lagay na yan, cleaner version na yan. So in short, we worked hard for this. And matagal nang wala sa blog (or anywhere else on the net) ang mga stories na nasa book. At syempre there are some new stories added.

  4. OPO may PDF copy ako but NO hindi ko isesend sa email! Haha.

  5. Ang mga major characters ang makikita sa cover. Try nyo na lang kung mamumukhaan nyo sila hehe. Spot nyo rin si Sir Mots hiding somewhere sa cover :)

  6. Sa mga nagtatanong kung may "Pangalawang Putok", ang masasabi ko po ay ubusin muna po natin yung Unang Putok. Dapat may recuperation period kung saan matapos ang unang putok ay kailangang magpahinga at mag-ipon uli ng lakas at katas. Otherwise, malabnaw ang magiging resulta. In other words, sana mabenta lahat ng books para magkaroon pa ng Book 2.

  7. If there's one person na hindi matatawa sa Wickedmouth - Unang Putok, it's Mudrax. Malakas ang kutob ko na maiiyak siya sa mababasa nya. Hanggang ngayon, hindi pa rin nila alam ni Pudrax ang tungkol sa libro, at lalong hindi alam ang tungkol sa blog.

Wag nyo akong isumbong OK? The END.

quickie announcement


It's finally here! Sa wakas natapos na rin ang printing ng first batch ng Wickedmouth - Unang Putok. I can't believe it (wow). Pagbigyan nyo na ang excitement ko. We worked on this project for almost a year and it's now sitting sa bahay ng publisher. Bukas, gigisingin ko siya nang maaga para kunin ang first batch. Which I will be distributing sa mga nagpa-reserve in the next few days.

Unfortunately, the PBO Bazaar this coming Saturday/Sunday -  where I initially planned to sell some copies -  was cancelled. Medyo hindi kasi kami nakakuha ng suporta at mga donasyon kaya hindi na lang itutuloy ang bazaar this weekend at irereschedule na lang sa susunod na linggo.

This means ime-meet ko na lang sa ibang venue yung mga nagpa-reserve ng book. I'll be doing this sa weekend :) Sana OK sa inyo ang Trinoma, Shangri-La or Glorietta.

So nananawagan ako sa mga nagpa-reserve na gustong makuha ang book this weekend, please leave a comment kung saan and what time mo gusto and how to best contact you (FB, Twitter, email, text?)

Yung mga nagpa-reserve naman na outside Manila, I'll see kung ano yung best way to send you your order. Please leave a comment rin if you have a preferred courier service :)

Aasahan ko po yung mga nagpareserve to contact me here via comments, or sa FB or Twitter so we can schedule! Thank you!

So far since the announcement of reservations last Saturday, nasa 133 na ang nagpa-reserve :) Maraming salamat!!!

Sa next post na ako magkukuwento.

This post is dedicated to Barbie Forteza and Bea Binene I'll explain later LOL

some wicked news


Hey Kids! OK so mukhang hindi na namin maisisikreto pa itong project na ito (kahit teaser lang yung huli kong pinost about this). So yun nga, a book is coming out real soon, and we're super excited and hope you are too. This is a collaboration between me and Sir Mots, with the help of Kuya Chingoy/BHM Publishing House.

First of all we are very much pleased sa naging response ng mga kaibigan, kapwa bloggers at readers, friends sa Facebook, Twitter, at Instagram on the day that it was announced. It came as a surprise to me dahil hindi ko alam na in-announce na pala ni Kuya Chingoy sa FB noong araw na yun yung book. Maraming salamat sa mga kaibigan/bloggers na na-excite sa book, I appreciate it!

Currently, printing is under way and we expect to get the first batch (limited copies lang muna) next week. Very few copies lang... so alam na... The price is P200.

So since we did this project especially for you, I would like to share some of our plans:

October 19, 20, 26 and 27, 2013 (Saturdays & Sundays)
Last two weekends of October, may magaganap na bazaar/fundraising ang PBO (more information on my previous post). Dahil umaasa ako na maraming mga bloggers/readers ang maiimbitahan namin na dumalo sa activity na ito, we're thinking of taking the chance na makapagbenta rin ng books during these days. I have asked for approval from one of the founders, and fortunately pumayag naman siya (thank you uli Arline)

Nov 12, 2013 - Book Release (Tuesday)
Ito yung kaartehang "11.12.13" na pakulo ng publisher LOL. This is the date the book will be released sa isang bookstore (ayaw ko pang banggitin because it's not yet official). Selected branches lang ng bookstore na ito ang release and hopefully by next week I can post the list of branches.

Nov 16, 2013 - Book Launch & Signing (Saturday)
Ito ang first Saturday after the book's release, so we want to invite everyone for a small book launch na magaganap sa isang bookstore. During the book launch, ito ang mga magaganap:
  1. Special Appearance of Sir Mots
  2. If you have long been a fan of Sir Mots, chances are you only have a clue sa kanyang itsura pero hindi niya in-accept ang iyong Facebook friend request. That was what happened to me LOL. It took him YEARS bago ako i-accept bilang friend LOL. Here's your chance to finally meet the multi-talented teacher. He will be signing autographs!

  3. Special Participation of some idiot woman sa tabi-tabi
  4. Yes I'm talking about Khikhi. It's about time na magkita kami uli in person after 47 and a half years. And I want to introduce her na rin sa mga taong nababasa ang mga kwento tungkol sa kanya. You guys should see for yourself. It will take 5 minutes with her to convince you, "Shit tanginang Khikhi to, adik,". Although the chances of this actually happening are slim but I'm working on it. Ayaw nyang um-attend unless ako magbabayad ng pamasahe nya. What an asshole.

  5. Raffle Prizes
  6. Yaiy! We are preparing some stuff na ibibigay namin sa mga taong pupunta sa book launch, para hindi naman masayang ang pagod nila. We're not sure how many are thinking of actually going, so we'll just make the prizes (take note: MAKE. Yep kami ang gagawa ng prizes, can you guess what?) at kung ilan ang magawa namin, that's it. Kung kulang ang prizes, we'll raffle them off. Entry ticket: buy the book during the event.

  7. Snacks
  8. Just kidding. Let's just hang out.
 So aside from the above activities, meron pa kaming ibang mga naiisip.
  1. Since the first batch of prints ay limited in number, there's a chance na maubos ang first batch sa mga kaopisina/kaibigan namin and the next batch will be released the following month pa. Kung may gustong magpa-reserve, just let me know, at ang pick-up ay sa PBO event. Just leave a comment on this post kung gusto nyo mag-reserve ng copy.

  2. Kung walang time magpareserve it's OK, we're also inviting everyone to just come to the bazaar sa PBO event. Kung gusto mong bumili ng book, pwedeng doon na lang. There's a great chance for you to support the PBO bazaar, which is a great help to our cause.

  3. If you're not in Manila right now and would like to order, please let me know. You can message me on FB and we can talk about sending you the book :) 

  4. If you have a special/confidential request/order/question, just send me a message here: Wickedmouth Facebook Page
Again,  here's information on the upcoming PBO Bazaar:


We're also inviting everyone to donate some stuff that we can sell to people who actually need it. Books, clothes, toys, etc. are appreciated. The proceeds will be used for future PBO outreach activities.

Sorry for not posting anything else (but this) lately at sorry rin hindi pa ako makapag-bloghop masyado. We're just a bit busy ironing out all the details, and I'm really hoping for support sa PBO Bazaar at sa book launch.

I'll be posting the book cover, the raffle items and more details soon. Maraming salamat!

Mwahchupa!

pbo - bazaar

It's PBO time uli and this time we're organizing a bazaar which will be happening this month and I'm inviting everyone to join in. This is a fundraising activity which is open to everyone who wants to contribute in their own little way. See posters and print ads for details LOL.


Anyway so yun nga, right now we're taking donations in the form of "pre-loved" items. Clear lang natin yung term na "pre-loved" kasi baka may malito. These are items that you own and you think is better off owned by someone else kasi baka may mas nangangailangan dito. It should be in good condition if it has been used before. I mean "pre-loved" item kasi I love yung butas kong shorts sa bahay pero syempre sinong makikinabang dun kung idodonate ko pa yun diba.

We accept office and school supplies, clothes, construction materials (joke lang) and toys. Clear lang din natin yung toys. Hindi kasali yung mga naughty toys. Parang wala namang bibili ng secondhand na ganun so pakitabi na uli yan sa iyong aparador.

Para naman sa mga walang mai-donate or nahihiya, we'll appreciate if you could drop by sa bazaar (Oct 19, 20, 26, and 27 sa QCMC) and see if there's any item you'd like to buy for yourself or a loved one. 'Di ba "Ber" months nagsisimula ang Christmas ng Pinoy, so why not start giving gifts now?

Sana marami kaming ma-collect na donations, para marami kaming maibenta sa mismong araw ng sale. Sana marami ring umattend sa event para marami kaming mabenta. What will it take for you to attend? Let us know! LOL. 

Proceeds will be added to the PBO fund na ginagamit namin when we hold outreach activities like the ones I have preivously written about. Our founders and officers always make sure that funds are well-spent and marami ang nakikinabang. This is not like pork barrel LOL.

So I want to end this by inviting everyone again, especially the below people:
  1. 'Yung mga nagcocomment sa mga previous posts on PBO events saying "Next time isama nyo ako!" or "Inggit ako gusto ko rin makatulong!" Now is your chance! See you!
  2. The people who messaged me and requested to be part of PBO. I hope to meet you guys!
  3. The people on the PBO FB Group page. I can tell that the page is active and people there are active as well, I see blog/post links being dropped there so I hope nababasa rin nila ang mga invitations doon and hope they accept it!
Yun lamang see you!

Get in touch with us through https://www.facebook.com/PinoyBloggersOutreach

something wicked

an in-depth analysis of the mind of a creature who eats kaningbaboy

Yes in-depth ito because I will be using bullet points. Gusto ko kasing sumulat sa MMK. That's right. Matagal ko nang pinag-iisipan kung paano ang format kapag susulat sa MMK. Ang gusto ko kasi eh kung ano ang nakalagay sa sulat ko, yun mismo ang mangyayari sa episode, kaya dapat talaga may bullet points. Hindi pwedeng wala. Baka ngayon pa lang makakatanggap si Ate Charo ng sulat na may bullet points.

Pero hindi tungkol sa akin ito. Tungkol ito sa dati kong officemate.

 Dear Ate Charo,
  • Hi. Kumusta ka ako I'm good and all that. OK Let's proceed.
  • Ganito kasi yun. May officemate ako noon, for the sake of the show tawagin na lang natin siyang Katniss, as in yung bida sa Hunger Games (lalaki po siya, technically).
  • Si Katniss ay:
  1. Baklang mataas mag-tuck in.
  2. Kaya siguro affected ang utak nya kasi ang taas nya mag-tuck in:
  • Meaning hindi na dumadaloy nang maayos ang dugo sa buo niyang katawan patungo sa utak.
  •  It's a medical condition Ate Charo I'm not making this up. I-Google mo yan.
  • So ano ba ang dahilan bakit sumulat ako tungkol sa kanya? Sa totoo lang kasi, ngayon lang ako nakakilala ng klase ng tao na tulad niya such as:
  1. Scavenger
  2. Kumakain ng tira-tira
  3. Kumakain ng panis (I made this up but it's safe to assume na totoo ito)
  4. Kumakain ng left-overs ng iba
  5. Magnanakaw ng pichi-pichi (I'll discuss this with you later)
  6. I wouldn't be surprised kung nangangalkal siya sa basurahan para may makain
  7. Now you know kung bakit Katniss from the Hunger Games ang name nya.
  • Gusto ko ang first scene ng episode ay yung na-hire si Katniss sa office namin tapos pagpasok nya ang taas ng tuck-in niya, kami ang hindi makahinga sa outfit niya.
  • Tapos paki-jump mo na agad sa next scene yung kumakain ako ng fried chicken. Gusto ko ang gaganap sa role ko ay si John Prats. Or si Bugoy Carino. Make this happen.
  • So I was eating fried chicken sa pantry with my officemates. Alalang-alala ko pa na leg part yung kinakain ko. Nakaupo sa harap ko si Katniss, hindi daw siya kakain kasi busog siya.
  • Matapos kong kainin yung fried chicken, Katniss asked "Kakainin mo pa yan?" Sabi ko hindi na.
  • Hala, kinuha ni Katniss yung buto tapos kinain nya yung tira-tirang laman na nakadikit sa bones.
I felt the following:
  1. Disgusted
  2. Slightly naawa baka wala siyang pambili ng pagkain?
  3. But no, pare-pareho kaming sumisweldo ah!
  4. Disgusted
  5. Lost faith in humanity

As it turns out, gawain pala ni Katniss ang magdilihensiya sa pagkain. Ang pera niya, siguro ipinapambili nya ng pants at belts para araw-araw siyang naka-tuck in. I don't know. Who cares about his life story.

Jump to next scene:
  1. Yung officemate kong babae may baon na pork chop with rice. Tapos bumili siya ng burger. Don't ask kung bakit may baon na siyang rice tapos bumili pa siya ng burger. It's perfectly normal.
  2. Katniss enters the scene, eyes on the pork chop.
  3. "Kakainin mo pa yan?"
  4. Sabay tusok ng tinidor niya sa pork chop.
  5. My officemate said "Oo kakainin ko pa!" Sabay tusok rin ng tinidor niya sa pork chop.
  6. "Eh may burger ka na!" sabi ni Katniss sabay hila sa pork chop.
  7. "Kahit na! Kakainin ko pa rin!" sabi ng officemate ko sabay hila rin sa pork chop.
  8. "Sige itong rice na lang ang akin!" sabi ni Katniss.
  9. "Hindi! Kakainin ko rin iyan!" Ate Charo sabi pala ng officemate ko, ang gusto niyang gumanap sa kanya ay si Gretchen Barretto. Get this done.
  10. Naawa ako sa pork chop.
Pwede ka muna mag-commercials dito. Hindi ko pa naisip kung sino pwedeng gumanap sa role ni Katniss. Kung walang available, pwede bang cartoons? Basta mataas ang tuck-in. Gawan mo yan ng paraan. I'm sure ito ang kauna-unahang MMK episode na may animation. Taob ang Magpakailanman.

Right after commercials huwag ka na mag-narrate kasi sayang ang oras. Jump na agad to next scene:
  • Birthday celebration ng isa naming officemate (hindi ko na siya natanong kung sino gusto nyang gumanap sa kanya kasi nakaresign na sya. Suggest ko na lang si Jessy Mendiola. Pwede rin si Irma Adlawan kung wala siyang indie film. Your choice.
  • So birthday nga nya tapos nasa pantry kami lahat para mag-partey-partey sa handa niyang pancit, barbecue, chop suey, cassava cake at pichi-pichi. There's enough for everyone, so ang expectation ko eh wala nang hingian ng leftover na magaganap. Actually ang dami ng natirang pagkain, kaya sinuggest ni Jessy Mendiola/Irma Adlawan na "Itabi na lang muna natin tapos mamayang mga before end of shift, kainin natin uli kapag nagutom na tayo."
  • Hala, nung nagliligpit na kami, nawawala na ang isang box ng pichi-pichi!
  • Kung barbecue ang nawala o kaya yung chop suey OK lang walang issue kaso putang-ina, pichi-pichi ang pinag-uusapan dito. Uminit ang ulo ng mga tao.
  • Ang hinala naming lahat, tinago ni Katniss yung pichi-pichi.
  • You can use some time-lapse scenes dito gaya ng pagfast-forward ng clock or pagkalanta ng flowers to indicate the passage of time and it's now 4:30 malapit na ang uwian at nagugutom na kami at nawawala pa rin ang pichi-pichi!
  • Hala, kitang-kita ni Gretchen Barretto si Katniss na dumudukot sa pedestal niya ng pichi-pichi paisa-isa at mabilis na isusubo pasimple para hindi halata.
  • Right then and there gusto ko siyang hagisan ng sibat.
Commercial break.
  • Pwede ka maglagay ng dream sequence kung saan lahat kaming magkaka-officemates ay nakapalibot kay Katniss tapos sabay-sabay kami binabaril namin siya tapos nagkakalasog-lasog ang gilagid nya sa sahig tapos may darating na isa pang Katniss at pupulutin yung mga nagkalat na gilagid at kakainin nya.
  1.  Last scene na ito. Nag-birthday yung dalawa pa naming officemates, sabay sila (ang gaganap daw dito ay si Kim Catrall (yung sa Sex and the City) at si Miles Ocampo)
  2. Hindi ako sure kung bakit si Miles Ocampo ang napili nung isa kong officemate na gaganap sa kanya.
  3. Actually first choice nya siya na lang daw ang gaganap sa sarili niya. #lakasngloob
  4. Yung isa pa naming officemate na walang baba (baba as in chin) sabi niya ang gaganap daw sa character nya eh si Mel Tiangco. Oo yung host ng Magpakailanman. Get that done.
  5. Marami akong officemates na nandun sa birthday party, nasa 25 kami. Dapat artista lahat yan walang extra.
  6.  Yung isa kong officemate tinanong ko kung sino ang gusto nyang gumanap sa kanya. Actually kaya natagalan akong tapusin itong sulat na ito dahil ang tagal niyang nag-isip ng gaganap sa artista. Eventually ang napili niya matapos ang mahabang deliberation ay si Jason Gainza.
  7. Anyway so yun nag-birthday sila. Dahil sariwa pa sa isip ng mga tao ang nakaraang trahedya ng nawawalang pichi-pichi, this time, hindi na inimbitahan si Katniss. Para walang mawalang handa.
  8. So we were at the pantry masaya ang lahat kumakain masigla ang gums ng mga tao.
  9. From afar nakita namin si Katniss papalapit sa pantry. Malayo pa siya, kita na yung tuck-in niya.
  10. Sabi ni Miles Ocampo, "Walang papansin diyan ha! Walang mag-iimbita! Walang kakausap! Walang magsasalita, walang eye-contact! Walang hihinga!" bitch na bitch yung ganap dito ni Miles Ocampo eh para close to reality sa officemate ko.
  11. Papalapit na si Katniss.
  12. Play some music here. Yung pang-horror.
  13. Hala nandiyan na siya.
  14. Hindi kami umiimik. Busy ang gums namin sa pagnguya.
  15. Lumapit si Katniss sa table.
  16. Nagtitinginan lang kami nila Gretchen Barretto, Mel Tiangco, Kim Catrall at Miles Ocampo, Jason Gainza, Jessy Mendiola/Irma Adlawan at Joem Bascon.
  17. "Ay sinong may birthday?" sabay kumuha si Katniss ng paper plate at nagsandok.
  18. Without waiting for an answer, umupo siya at nginuya ang food.
  19. Paki-focus yung mukha ni Miles Ocampo na hindi maipinta, tapos lagyan siya ng thought bubble: HALA SI BAKLA ANG KAPAL NG GUMS.
  20. Habang busy ang gums ni Katniss, isa-isa kaming nagligpit. Walang imikan, walang usap-usap. Nagligpit kami ng left-overs at isa-isang nagsi-alis. Naiwan si Katniss na kumakain mag-isa. Pakilagyan ng touching at emotional na background music. 
  21. Multong Bakla! Multong Bakla! Multong Bakla!
  22. So hindi naglaon nawala na sa company si Katniss due to reasons other than mahilig siyang ngumuya ng pagkain ng iba. Gusto ko ipakita siya na gumagapang palabas ng office building namin tapos may nadaanan siyang trash can at sa tabi ng trash can may taong grasa na kumakain ng left-over fried chicken yung thigh part. Tapos lalapit si Katniss sa kanya at magtatanong.
  23. "Kakainin mo pa yan?"
  24. END SCENE tapos eksena mo na ito habang nakaupo ka hawak mo yung sulat ko tapos bigla kang titingin sa camera habang umiiling-iling tapos sasabihin mo "Tsk tsk tsk putang-ina..." Ate Charo, please do this I'm serious. Ito ang sasabihin mo...
  25. "Mga kapamilya, ang nasaksihan natin ay isang kwento ng pagkagutom, pagnguya, kawalan ng hiya, kawalan ng respeto sa sarili, at pagta-tuck in at maraming gilagid. Sana magsilbing aral sa atin na hindi lahat ng pagkain na makita natin ay karapat-dapat isalaksak sa ating gums. Magandang gabi mga kapamilya."
TITLE OF THE EPISODE:

PUTANGINA KANG PATAYGUTOM NA DUGYOT

Yan I'm sure walang makakahula ng title ng episode.

That's it Ate Charo, you may go home now.

Ay wait Ate Charo, lagyan mo pala ng scene after credits, pakisingit itong scene na ito:

  1. Bangus ang ulam ni Gretchen Barretto tapos hinihimay nya pero ayaw nyang kainin yung balat ng bangus kasi may kaliskis. So itinabi nya yung balat sa tissue paper. Tapos habang kumakain siya, dun nya iniipon ang mga nakukuha nyang tinik sa balat ng bangus.
  2. Enter Katniss na naka-tuck in.
  3. "Kakainin mo pa yan?" sabay kinuha nya yung balat ng bangus, tinanggal ang naipong mga tinik at kinaskas ang balat ng bangus sa kanyang gums.
  4. Paki-close up yung reaction ni Gretchen tapos fade to black.

movie review: kill bill vs i saw the devil

If I were asked to name a movie that describes my life, I'll say it's Kill Bill, because my life is full of action, violence and brutality. OK not really. I just couldn't think of a better intro. Anyway Kill Bill (referring to Volume 1 and 2) is my favorite movie ever since I first saw it back in college. It made me a Quentin Tarantino fan. I think I may have watched it more than a dozen times. So I consider myself an authority when it comes to Kill Bill. OK not really.

This movie has only one goal: to kill Bill. There is no playing around with the title. The Bride exacts revenge on his ex-workmates, to put it simply. Eventually she does get to kill Bill... and 500 others.



Just recently, I was browsing this list and I came across a Korean film called I Saw The Devil. The title is misleading, there's no actual "devil" or supernatural entity whatsoever, and I am not really a big fan of Korean movies/series, but I decided to give this film a try.

This movie is about a guy whose girlfriend was murdered by a serial killer/rapist. He hunts the killer down to avenge her death... again and again and again.


Both Kill Bill and I Saw The Devil focus on one main theme: revenge. Both are heavy on bloodshed and death. Both are not far from being torture porn. But the similarities don't end there. Being a Kill Bill obsessed fan, I noticed many other similarities with I Saw The Devil which may or may not be simple coincidences.

#1. The movies start with the villain killing a pregnant woman.




Bill shoots The Bride and leaves her for dead. He botches the job. Too bad for him.

Kyung-chul chops up Joo-yun and sells her "meat" to a cannibal. He does a good job at it. Too bad for him.

#2. The main character makes a hitlist.




The Bride's hitlist consists of her co-members in the Deadly Viper Assassination Squad, led by Bill. She knows them and she decides to kill them all.

Soo-hyun's hitlist consists of suspects. All of them are just potential killers. He is not sure. It's trial and error. Still, he goes through the list until he gets the right guy.

#3. These scenes in the snow.




The Bride scalps O-ren Ishii who then falls in the snow.

Kyung-chul drags the unconscious Joo-yun.

Both scenes were beautifully shot, it's definitely hard to miss.

#4. Rape in a hospital/clinic.




While The Bride lies in a coma, she is repeatedly raped by a hospital staff.

Kyung-chul rapes a nurse in a clinic.

And immediately following these rape scenes are these scenes:

#5. Cutting this part of the body:




The Bride slashes the rapist's foot (right above the ankle).

Soo-hyun stabs that exact same body part.

I don't know what this body part is called but it's one part of my body I will keep away from sharp objects.

#6. Yellow vehicle.




The Bride steals the rapists yellow "Pussy Wagon" and drives around in it. (If you're into Lady Gaga, you may have seen this car in the music video for Telephone).

Kyung-chul drives a yellow school service van.

#7. Decapitation.




The Bride basically dismembers and beheads a lot of people that I almost thought this movie is a bloodletting project. One of the prominent beheading scenes is that of O-ren Ishii who decides to separate an annoying Yakuza's head from his body.

Kyung-chul severs his victims limbs and heads before transporting them to his cannibal friend (who eats them raw). Eventually he gets his head chopped off under his own guillotine by no less than his own family.

BONUS: If you're a Quentin Tarantino fan, you know that one of his recurring themes in his movies is the "trunk shot" where the camera shows someone looking down (from the point of view of someone lying from inside a car trunk).




Is this a coincidence or an homage?

Who cares. I love both films. Did you watch them? Did you see any other similarities I missed? Got any film suggestions?

OF COURSE I don't own any of the pictures. I got them from... somewhere. Basta. OK thanks byebye.

pbo - blog mo ipasuot mo

Kamakailan lang sumali ako uli sa isang outreach activity. Very recently as in... July 20. OK alam ko late na ako nag-post, bakit kasi inuna ko pa yung story ng pang-aaswang ni Iska sa pinsan ko at yung kababuyang post tungkol sa Google keywords...

A few months ago naging member ako ng PBO (Pinoy Bloggers Outreach) at nakasali ako sa mga outreach activities (Bahay ni Maria, Silid Aralan Inc). This time, ang PBO naman ang naimbitahan ng isa pang blogger outreach group, ang BMIM (Blog Mo, Ipasuot Mo) para makatulong sa isang activity.

Ang napiling beneficiary ay mga bata sa Barangay San Martin De Porres, Parañaque City. Isa sa mga goals ng BMIM ay makapagbigay ng mga T-shirts sa mga bata, but what makes this unique and interesting to bloggers is a blogger can donate and promote his/her blog at the same time, dahil pwedeng ipa-print sa mismong T-Shirt ang iyong URL.



Matapos ang panggabi kong shift sa trabaho, nagkita-kita ako, si Senyor Iskwater and the pretty Marge (pic above) last July 20 Saturday morning para i-meet ang mga organizers ng event. Medyo marami kami, bloggers and non-bloggers alike, kaya medyo nahirapan ang punong-abala na pagsama-samahin kami para makapagpakilala sa isa't-isa.

Dahil malapit lang naman ang venue, nag-taxi kami nila Senyor Iskwater at Marge. I'm mentioning this only because on the way there, nilinlang kami ng Manong Taxi Driver.

"Kuya, alam n'yo yung Malugay Street?"

"Oo."

Sakay naman kami agad. Halfway sa biyahe, nagtanong si Kuya,

"Yun bang Malugay eh sa may etc etc etc" hindi ko na narinig yung ibang mga sinabi nya kasi nagmumura na ako sa utak ko like HALA PUKI KA MANONG SABI MO KANINA ALAM MO!

Nilabas bigla ni Marge ang kanyang iPhone sabay bukas ng app at type ng Malugay Street. Then she gave directions to the driver and suddenly, sabi ng app, "Destination Reached!!!". This portion is brought to you by Waze, available on iOS and Android for free.

So pagdating doon, agad naman kaming inasikaso ng isang barangay official at agad nag-set up ng mga chairs sa isang tahimik na street at tinipon ang mga bata.



Ang daming mga bata ang dumating, halos kinulang sa upuan. Sa pangunguna ng volunteers, nagkaroon ng storytelling at games. Ang bibibo ng mga bata pero hindi rin nagkulang sa kabibohan ang mga volunteers.



Except me. Mahiyain talaga ako in person. And I'm not great with kids. At dahil almost 24 hours na akong gising, nahirapan na mag-focus ang mga mata ko sa mga pangyayari. Dumudoble ang paningin ko. Tahimik lang ako sa isang tabi, nagmamasid-masid. Heto ako sa sulok. Literal na sulok.



Aminado naman ako na wala akong naitulong sa pagpapasaya sa mga bata. Hindi ako nakasali nung naglalaro na sila. Kaya talagang bilib ako sa mga volunteers na I'm sure pagot at puyat rin pero game na game makipagharutan sa mga kids.


After the games, the children were given a piece of paper each, where they were asked to draw what they want to be when they grow up. Yung isang papel na nabasa ko sabi nya "I want to be just like Glentot." Sabi? LOLjk.

Nagpamigay rin ang BMIM ng mga school supplies sa mga bata. Actually, mapapaisip siguro ang iba, mukha namang afford ng mga batang ito ang bags at school supplies. Well, hindi natin alam ang istorya ng kanilang buhay. May mga nakita akong mga bata doon na walang tsinelas, kaya naghihiraman sila. Sana mapadaan dito si Korina one time. So yun, ang mga school supplies, I'm sure may malaking naitulong sa mga bata.



Finally, syempre pinakain rin ang mga kids. Ayan kita nyo ba ang kasabikan sa kanilang mga mata? LOLjk it was a long morning at gutom na ang mga bata matapos ang mga activities nila.



So wrapping it up, I can say it was a success. I don't think there's a child there who went home saying Shet sayang ang Sabado ng umaga ko sana di na lang ako pumunta. The whole experience was educational and fun, not just for the kids but for the volunteers too. Oo kahit nasa sulok lang ako, nag-enjoy akong mapanood sila.



One of the joys of joining activities like this, maliban sa chance na makatulong kahit konti, ay makakilala ng ibang bloggers. Either mga blogs na nababasa mo na noon pa, or mga blogs na hindi mo pa nabasa dati. Sayang kasi hindi kami nagkaroon ng totoong chance na makapagpakilala sa isa't-isa at makapag-mingle na rin, dahil na rin sa dami ng activities na kailangang tapusin noong umagang iyon.


Nahiya naman akong mag-mingle on my own. Ayaw ko silang minglein baka ayaw pala nila magpa-mingle. Nahiya ako hihi. Tuloy, konti lang ang naka-minglean ko. At least kahit papano, nagka-minglean kami. Siguro kapag nakita ko sila uli next time, miminglein ko na talaga sila.

Sa mga nag-organize ng event, salamat sa pag-invite sa amin at pasensya na hindi ako nakatulong sa games, activities, kahit sa pag-distribute ng mga school supplies at ng pagkain. All the credits go to you and congrats sa event na ito.

To my fellow bloggers na nakilala ko that day, it was great meeting you. Hanggang sa muli!!!

To those interested to join BPO, just let me know! Kung gusto nyo rin sumali sa BMIM, please see the link below. If you want to donate and have your URL printed on a shirt, go!

So if your blog URL is something like "pinaycumswallower.blogspot.com" or "pakantot.ph" you will have to reconsider printing, dahil bata ang magsusuot. OK?


Photo Sources:
Blog Mo Ipasuot Mo Facebook Page
Marge Gavan

(In case you're wondering, I did not have my blog link printed on the shirt I donated because of my blog's naughty content. Wow naughty lang?)

iska

OK naghalungkat ako sa lumang baul ng mga drafts at nahanap itong post na ginawa ko three years ago pero hindi ko naipost for some reason. Naisip kong ishare ito ngayon dahil malapit na ang Halloween at gusto ko ako ang mauna sa mga horror posts. Yes I know it's July. Sue me.

Noong second year high school (2001) ako may ikinuwento sa akin ang pinsan kong si Kuya Jaja na hindi ko talaga makalimutan. After seven years muli kaming nagkita, at ipinakwento ko uli sa kanya ang mga pangyayari.

Si Kuya Jaja ay nais kong ilarawan bilang confused. Hindi kasi namin malaman kung bading ba talaga sya o trip-trip nya lang. May nagdaang phase sa buhay nya na napahilig sya sa pagsasayaw, sumasali pa sya sa Eat Bulaga. Tapos bigla syang mag-uuwi ng girlfriend sa bahay. Tapos may panibagong phase sya, ang kanyang Melanie Marquez phase, kung saan napakahaba ng kanyang curly hair at nagawa nya pang mag-Japan. Pag-uwi naman nya, nagkaroon sya ng Emilio Garcia phase, at may girlfriend sya uli, ang pangalan eh Annabelle. Pero habang girlfriend nya si Annabelle, napapanaginipan naman nya ang kuya ni Annabelle. Basta, ang gulo nya noon. Pero ngayon eh may asawa't anak na sya.

Ang kuwento nya sa akin ay kung paano syang muntik maaswang ng bestfriend nyang si Iska.

Let me tell you beforehand na ang pinsan kong confused ay mahilig manggoodtime. Minsan binigyan nya kaming mga bata ng candy. Sabi nya natutunaw daw yung wrapper sa dila, parang White Rabbit. Nangawit na kami sa kakanguya, buo pa rin yung wrapper. Tapos sabi nya lang "Ay hindi pala." With that said, hindi ko masigurado kung ilang porsyento ng kanyang kwento ay katotohanan at ilang porsyento ang gawa-gawa, guni-guni o trip-trip.

But you know what's freaky? Kung paano nya ito ikinwento noong 2001, ay ganun pa rin ang pagkakakwento nya noong 2008. May consistency. So hindi talaga ako sigurado kung kathang-isip nya lang ito, o nangyari talaga.

Nangyari ito sa kasagsagan ng kanyang Melanie Marquez days. Ang trabaho nya noon eh nagcho-choreograph sya ng mga dancers na gustong mag-Japan at kasamahan nya sa trabaho at roommate si Francis, na mas gusto nyang tawagin sa nickname na Iska.

"Noong panahong yun, almost twenty years na kaming magkaibigan ni Iska."

"Pero alam mong may lahing aswang sila?"

"Oo, siya mismo ang nagsabi pero hindi naman ako natatakot kasi kaibigan ko naman sya. Pero dumating yung araw na parang marami akong napapansin na kakaiba."

Madalas daw nyang mahuli si Iska na ginagamit ang toothbrush nya, kahit meron naman itong sariling toothbrush. At nagpipilit rin daw si Iska na gamitin ni Kuya Jaja ang mga gamit nya, gaya ng suklay o tuwalya. Sabi ni Iska, swerte daw yun kung gagamit ka ng personal na gamit na pagmamay-ari ng aswang. Wow.

Napapansin rin daw nya na kapag sabay silang naglalakad ni Iska, binabagalan ni Iska ang lakad nya at pinapauna si Kuya Jaja, lalo na sa makikipot na corridor o kaya hagdan. At nararamdaman ni Kuya Jaja na hinihipan ni Iska ang batok nya...

One time naimbitahan si Kuya Jaja na umattend ng birthday party ng kaibigan nyang si Jobel sa Nueva Ecija, pero bago bumyahe papunta doon, inimbita muna sya ni Iska na sumama sa bahay nila somewhere sa bandang North (di ko na sasabihin kung saan mismo) at doon mag-overnight.

"Sa twenty years namin na magkakaibigan, noon ko lang makikita ang pamilya nya."

Nagtaxi sila at ihinatid sa bahay nila Iska na medyo liblib na parte ng isang subdivision. Nilalandi pa raw ng pinsan ko yung taxi driver habang si Iska eh nakaupo lang sa likuran at tahimik.

Pagdating sa bahay nila Iska, ang unang napansin ng pinsan ko ay wala silang kuryente, pero ang ibang mga bahay sa malayo ay may ilaw. Ang bahay nila ay napapaligiran ng mga puno ng saging. Umaambon pero maraming tao sa labas ng bahay, at hindi sila nagsasalita, palakad-lakad lang, at walang bumati sa kanila.

Bago pumasok sa bahay, iniwan ni Kuya Jaja ang payong nya sa may pintuan. Noong ipinakilala sya sa Nanay at mga kapatid ni Iska, tinignan lang daw sya.

"Sabi ni Iska, maupo raw muna ako sa sofa habang kinakausap nya sila sa kusina. Past midnight na yun."

Habang nakaupo sa sofa, nagmasid-masid lang si Kuya Jaja. Nakakalat ang mga kandila sa sala ngunit madilim pa rin. Maya't-maya, may mga babaeng pumapasok sa sala at dumidiretso sa isang kwarto. Ang napansin ni Kuya Jaja, kahit madilim ay mabibilis silang kumilos. Lahat sila ay hindi sya pinapansin. Basta pasok lang sila nang pasok sa isang kwarto, pero napansin nyang walang lumalabas.

Ilang minuto nang nakaupo si Kuya Jaja sa sofa nang mapansing may katabi pala sya dun na tahimik lang na nakaupo: isang malaking asong itim. May phobia sa aso ang pinsan ko, at tinawag nya agad si
Iska.

"Punyeta ka alam mong takot ako sa aso!"

"Hindi naman nangangagat yan,"

"Kahit na..."

Dahil doon, pinapasok ni Iska si Kuya Jaja sa isang kwarto. Sa loob ng kwarto may isang double deck, at nakaupo sa lower bunk ang tatlong babae. Hindi pa rin sya binati, at pinaakyat ni Iska si Kuya Jaja sa top bunk.

"Isa lang ang napansin ko sa mga babaeng yun. Silang tatlo, iisa ang mukha. Nakakakilabot."

Medyo natatakot na sya noon, at naiinis kay Iska. Gusto nyang magyosi pero hinintay nya munang umalis ang tatlong babae. Pagkaalis nila, dali-dali syang bumaba at lumabas ng kwarto. Sa daan palabas napasulyap sya sa kusina at yung nakita nya, hinding-hindi nya malilimutan...

"May lalaki sa kusina, at sa harap nya, nakalapag sa lamesa ang isang palayok. May lamang karne ang palayok. Dumukot sya sa palayok ng isang slice, at kinain. Dumukot sya uli, pero sa halip na kainin nang normal, tumingala sya at saka ihinulog sa bibig nya ang karne. Habang nginunuya nya yun, kumakawag-kawag yung kamay nya sa ulunan nya na para syang nalulunod. Tapos nun, dumukot uli sya sa palayok at kinain nang normal. Paulit-ulit siya sa ganun. Hinanap ko na si Iska para magyosi sa labas."

Paglabas nila, hindi na umaambon. Madilim pa rin, pero wala nang mga tao.

"Alam mo, malapit lang dito ang bahay ni R-V- (isang male bold star noong 90s). Gusto mo puntahan natin?" yaya ni Iska.

Sumama naman si Kuya Jaja at naglakad na sila sa mahamog na daan. Ang pinsan ko, napakalabo ng mata, kaya hindi nakatulong sa kanya na kumakapal na ang hamog sa nilalakaran nila. Matagal na silang naglalakad pero kapag tinatanong nya si Iska, ang sinasagot lang nya lagi eh "Basta malapit na."

Parang kinukutuban na sya na hindi talaga sa bahay ng isang boldstar sila papunta. Para mawala ang takot, ipinapagpatuloy lang nya ang pag-uusap nila ni Iska.

"Ang ipinagtataka ko, noong naglalakad kami magkatabi kami, pero habang tumatagal, noong hindi ko na sya naaaninag, parang yung boses nya nanggagaling na sa likuran ko. Pinapauna na naman nya akong maglakad."

Hinanap nya si Iska, halos sumigaw na sya. Sumasagot naman si Iska, pero parang papalayo ang boses nya.

"Nasaan ka na ba? Saan na tayo pupunta?"

"Diyan lang, sige lakad ka pa, mauna ka."

"Bakit ako mauuna eh hindi ko alam ang daan, ikaw ang taga dito."

"Basta diyan lang maglakad ka pa."

Takot na humakbang ang pinsan ko noon kasi pakiramdam nya ipapahamak talaga sya ni Iska, at hindi nga sya nagkamali. Tumigil siya sa paglalakad at naaninag nya sa makapal na hamog na napapaligiran sya ng mga aso.

"Ang dami, mga twenty at pare-pareho ng kulay, nakapalibot sa akin. Galit na galit ako kay Iska at sabi ko, bumalik na lang kami sa bahay."

Tahimik silang bumalik sa bahay, hindi nag-uusap. At pagdating nila sa labas ng bahay, marami pa ring mga aso.

"Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, noong mga oras na yun, na yung mga aso eh yung mga bisitang babae."

Pagdating nila, sinalubong sila ng kapatid ni Iska para sabihing pwede na silang kumain. Wala naman syang napansing mali sa inihanda nilang pagkain, o siguro dahil na rin sa pagkainis nya. Ang gusto na lang talaga nya ay makaalis doon.

Matapos kumain, nagpaalam na sya kay Iska.

"Ang aga aga pa. Mamaya ka na umalis."

"Eh pupunta nga ako kina Jobel di ba alam mo naman yun."

"Mamaya na lang."

"Hindi ngayon na."

"Sige umalis ka na!"

Nagulat sya sa isinagot ni Iska, kasi hindi naman sya talaga ganun.

"Hindi mo ba ako ihahatid?"

"Kaya mo na yan."

Dahil parang pansin nya eh asar na si Iska sa kanya, hindi na sya nagpumilit. Kinuha na lang nya ang gamit nya sa loob ng bahay. Kahit papano, nagpaalam sya sa pamilya ni Iska at lumakad na.

Nakakailang hakbang pa lang sya ng naramdaman nyang umaambon, at naalala nyang nasa may pinto nila Iska ang payong nya, kaya bumalik sya agad. Inabot ng isang kapatid ni Iska ang payong kay Kuya Jaja.

"Alam mo, buti na lang hindi ko ugali na itaas muna ang payong bago buksan," sabi nya sa akin.

"Bakit?"

"Kasi, pagkabukas ko ng payong, may nakasiksik na kutsilyo."

Malaking kutsilyo raw yun at kung nahulog yun sa ulo nya eh malamang na-injure sya at hindi nakaalis. Tinanong nya pa daw si Iska kung bakit may kutsilyo doon. Ang isinagot sa kanya eh "Baka namisplace lang ng kapatid ko."

Hinayaan nya na lang at nagpaalam na uli sya para makaalis na. Malayo pa ang lalakarin nya hanggang makarating sa gate ng subdivision, pero buti na lang at mag-uumaga na kaya medyo maliwanag na rin.

"Habang naglalakad ako, palakas nangpalakas ang ambon at ang hangin, yung hangin parang may kasamang boses, parang alulong ng aso, parang tinatawag nila ako pabalik pero hindi ako lumingon, dumiretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makakita ako ng jeep."

At this point habang nagkukwento siya, naiihi na ako pero natatakot akong mag-CR.

"Ewan ko kung napaparanoid na ako o guni-guni ko lang, pero pakiramdam ko talaga eh may sumusunod sa akin. Kahit saan ako magpunta, kahit anong sakyan ko. Pagdating sa Nueva Ecija, pagbaba ko mula sa bus, maraming beses akong naligaw. Nakakapagtaka dahil napakaraming beses na akong nagpunta doon, pero ngayon lang ako naligaw. Paikot-ikot lang ako sa daan sa paglalakad. Pagod na pagod na ako pero hindi ako huminto."

Pabalik-balik lang siya pero siguro nagsawa rin kung sino man ang sumusunod sa kanya, dahil natunton rin nya yung bahay na pupuntahan nya.

Matapos ang pangyayaring yun, bumalik si Kuya Jaja sa pinagtatrabahuan nya at sa kwarto nila ni Iska. Wala na si Iska noon, at hindi na nagpakita sa kanya. Maraming buwan ang nakalipas nang makatanggap sya ng isang sulat galing kay Iska. Sa sulat, inilahad nya lahat ng sama ng loob nya kay Kuya Jaja na kinikimkim nya nang napakatagal. Napakarami pala nyang hinanakit, inggit at kung ano-ano pa. Ultimo yung R-V- na male bold star noong 90s, nadamay sa galit niya.

At tinapos nya ang sulat sa pagsasabing tinatapos nya na ang kanilang pagkakaibigan.

At yan po ang kwento ni Iska ang baklang aswang. The End.

Fact? Fiction? Happy Halloween!

dear glentot #1

Kids? DISCLAIMER lang as usual malaswa na naman ang susunod ninyong mababasa so alam na OK? Hindi naman actually puro kalaswaan lang, may halong kabuluhan at katuturan din dahil magbibigay ako ng advice. Yes...

So nakaugalian ko na everyday ay mag-check ng blog stats. Usually, ang traffic ay galing sa regular readers pero minsan may mga naliligaw sa blog ko nang hindi sinasadya. Sila yung mga nag-search sa Google pero sa blog ko napadpad. It's sad at nakakapanlumong malaman na ang sini-search nila sa Google ay kung ano-anong kalaswaan, at for some reason kasama ang blog ko sa search results. Kung bakit, I have no idea. Never naman akong nagpost ng bastos.

Noong una, napipikon ako, pero naisip ko na lang na ang mga taong nagsearch nito ay may matinding pangangailangan, kaya naisip kong tumulong na rin. I imagine na ang mga keywords nila ay mga katanungan na gusto nilang ipadala sa akin. At ngayon, sasagutin ko ang mga katanungan nila. Magkaroon man lang ng pakinabang ang blog ko kahit papano.

Are you Kids ready?




Ang screenshot na iyan ay hango sa Statcounter at yan ang mga nakukuha kong traffic lately. Bigyan natin ng pansin ang katanungan sa pangalawang linya:

"para saan ang bulbol"

Wow ah. Navi-visualize ko lang yung taong nagsearch nito. Unang-una, marami siyang time. Dahil ang taong busy, walang panahong mapagtanto ang mga kaganapan sa loob ng undies niya.

Ang payo ko sa iyo ay humanap ka ng pagkakaabalahan, hindi yung nagfo-focus ka sa mga malalalim na pagninilay-nilay sa pubic hair mo. Nagsasayang ka lang ng kuryente. Pero sige, eto ang mga naunang pumasok sa isip ko nung sinubukan kong sagutin ang tanong mo:

1) Palamuti
2) Indikasyon ng edad/maturity - "Kumilos ka! Humanap ka ng trabaho! Bulbulin ka na, puro Doraemon pa rin inaatupag mo!"
3) Self-experimentation

Nahirapan akong sagutin yan kaya noong nilapitan ako ni Senyor Iskwater at nag-offer siyang sumagot sa mga katanungan about love, siya ang pinasagot ko sa tanong ni Kuya:

From Glentot of Wickedmouth
Para saan ang bulbol? 
Senyor Amor: Love problem ba 'yan? Okay, ganito. Sa babae it's pampasikip. Subukang itirintas before making love, tiyak ang tightness to fullest. Sa lalaki, it's pampalasa. 'Wag i-shave at 'wag masyadong hugasan, for sure mangangamoy. 'Pag may amoy, may lasa. Yum yum yum...

OK next. Let's go through the list sa taas one more time (please just ignore yung mga keywords like "lolang malibog" or "masarap") at sabay-sabay natin sagutin ang isang nagbabagang katanungan:

"Paano magfinger sa Pekpek"

Wow. The first thing that struck me with this question ay ang capital P for Pekpek. Hmm ok, proper noun? Anyway, moving on... Mahirap masabi, base sa words na ginamit, kung babae o lalaki ang nagsearch. Kung lalaki ito, at gusto lang nya tulungan ang kanyang female friend na isagawa ang pagfinger nang tama at naayon sa standards ng lipunan, saludo ako sa iyo. Nakuha mo pa talagang i-Google.

Kung babae naman ito, and let's assume na babae nga, kahit medyo nakakapagtaka na kailangan mo pang ipagtanong kung paano mo ito gagawin, sasagutin ko na lang sa abot ng aking makakaya:

1) Maghugas ng kamay. Ate, huwag ka lang saksak nang saksak ng daliri sa h*yas mo at any moment habang ang huli mong hinawakan ay mamisong coins o basahang may floor wax.

2) After maghugas, it's time to choose kung aling daliri ang gagamitin mo. Ring finger para romantic. Middle finger para maangas. Try mo rin thumb para challenging.

3) Paki-figure out na lang sa sarili mo kung paanong rhythm ang nais mong gawin habang nakasalaksak ang kung ano mang nakasalaksak. Pechay mo ang topic dito. Walang makakapagdikta sa iyo kung paano mo ito hihimayin.

4) Kapag natapos na at solved ka na, maghugas uli ng kamay.

And lastly, 5) Sana sa uli-uli na maggo-Google ka ng something sensitive like this, gandahan mo naman ang keywords mo at nang hindi nade-degrade ang pagkababae mo. Ako ang nahaharrass sa iyo eh. Hindi ako sanay na makabasa ng mga words like "pekpek". Palitan mo. Maaari mong gamitin ang "hiyas", "bulaklak", or "pichi-pichi".

OK moving on, let's focus our attention sa susunod na screenshot, kung saan may isang hopeless na Kuya somewhere ang may matinding pinagdadaanan. Isa-isahin ang mga linya sa larawan. Hulaan mo kung sino:



Ayan matapos mong suyurin ang sunod-sunod na kalaswaan, may isang standout diba?

"paano tuliin ang sarili"

Kuya, SURE KA??? May dahilan kung bakit may kursong medisina at kung bakit meron tayong mga medical experts kabilang na ang mga nurses, isama na rin ang mga nursing students na nag-iipon ng cases para maka-graduate, idagdag pa diyan ang mga libreng operasyon na pinangungunahan ng mga volunteer groups, o mga pulitiko kapag eleksyon, at ang dahilan ay para walang sinumang Pilipino ang kailanman ay masasadlak sa sukdulang hirap para humantong sa sitwasyong kailangan nyang tuliin ang sarili niya. Kuya... ikaw lang ang nakaisip niyan. Ibaba mo muna ang gunting, mag-usap muna tayo.

Gusto kong intindihin ang sitwasyon mo. May dahilan kung bakit ayaw mong magpatuli sa tamang paraan: nahihiya ka kasi may edad ka na? OK nanghula lang ako, but something tells me if you're old enough to Google, then you're old enough para tuliin. Or too old.

Kuya, hindi dapat maging dahilan ang edad para ikahiya mo ang pagpapatuli. Confidential ito. Actually, hindi nga namin malalaman na hindi ka pa tuli kung hindi mo naman ito Ginoogle.

Something tells me rin na buo na ang loob mo na gawin ito on your own. Hindi ito fantasy or some weird fetish. Nagawa mo nang magresearch para dito eh. Let's assume na decided ka na, at nasabi mo na sa sarili mo na "Kaya ko ito! At ngayon na ang oras, tutuliin ko ang sarili ko!" Narito ang mga dapat mong gawin:

1) Maghugas ng kamay. Pareho ang Step #1 dun sa nagtanong about pagfi-finger.

2) Hilain ang balat. I won't go into details dahil Kuya, alam mo na dapat kung aling parte ng iyong s*ndata ang dapat hilain. Kung hindi mo alam, huwag mo nang ituloy. Baka ang tuli mo eh mauwi sa sex change.

3) Ihanda ang gunting. Sa mga panahong ito dapat narealize mo na maari mong ikadisgrasya ang isasagawa mong operasyon sa iyong sarili, at dapat alam mo rin na kung ano man ang magupit mo ay mahirap nang ibalik.

4) SNIP!

5) More SNIP! Actually, it's sniiiiiip sniiiiip sniiiiiiip (makunat na eh LOL).

6) Pagsisihan mo ang iyong nagawa at mangako sa sarili na ang mga ganitong operasyon ay hindi Do It Yourself at lalong hindi ikinukonsulta lang sa Google. Sa halip, maari kang magtanong kay Kuya na nakatry nang tuliin ang sarili (read here) and ask for tips.

7) Habang nagsisisi, linisin ang nagkalat at naghalo-halong dugo, luha, at... balat. LOL.

8) Success hindi ka na supot yehey. Happy now?

OK dito muna nagtatapos ang kalaswaan post na ito, busy na ako ulit. Bye Kids.

celebrity overnight

Ano kaya ang pakiramdam ng sikat? Masaya siguro. Unless sumikat ka for the wrong reasons, something na nauuso ngayon dahil sa pagiging prevalent ng mga smartphones, mobile Internet, at social networking sites. Remember Gwidougie na sumikat dahil nahuli siya ng Tatay nya wearing a wig and recording a Gwiyomi video? I think it started a trend.

Sa aking pananaliksik (wow) sa Facebook may mga nakalap akong mga examples ng mga taong nakakuha ng attention, whether wanted or unwanted hindi ko na masasabi, for something stupid, sad or both. It's up to you to judge if they are just attention seekers, or if they really need help.

Bang-bang Gentleman



Medyo matagal na itong video na ito, I think right after sumikat ang Gwidougie. This was posted on his Facebook profile with this caption:

Sabi nila mag gawa daw ako ng Gentleman. Eh sa labas kame nag gawa kasi madilim na sa loob ng bahay. Eh ang tanga ko pala kasi sa kina dame dame ng pag vivideohan sa tabi pa ng BANG BANG yan tuloy nahulog ako. XDD Panuorin nyo. Ü

If you watch the video you'll see na nahulog nga siya sa kanal but I suspect this is intentional. Most of the comments na nabasa ko said it was fake, staged etc and I agree. Not only did his fall look contrived, but the expression on his face right after the fall was like he was expecting it to happen.

Nevertheless I think umabot ito sa TV Patrol. I did not like this because for me it's not a good way to get attention. It's not even a parody, it's an attempt to create a funny scene like Gwidougie. Who knows what this guy, or others like him, are willing to do just for fame?

Gra Danica



This is just sad. Hindi ko alam kung aware kayo sa existence ng batang ito but he gained some followers for very wrong reasons. Biktima siya ng cyberbullying dahil sa mga "selfie" pics niya. It's easy to see na mahilig sya sa contact lens. This either enhanced or worsened his facial features, depending on who's looking. Majority ng nababasa kong comments sa kanya ay nagsasabing kamukha nya si Gollum.

Moreover, yung facial expression nya sa karamihan ng pics kung saan nakakunot ang noo nya habang nakangiti ay either style nya lang, or masakit na sa mata ang contact lenses nya at naiirritate na. Parang naluluha nga ang mata ko kapag nakikita ko yang picture na yan.

Maraming bashers, meron ding mga defenders. I'm starting to feel sorry for this kid, who gets hundreds of comments about his face. But then again, he made those pictures public. Gumawa pa siya ng FB Fan page at inimbitahan ang lahat (bashers included) na i-like.

I don't get the logic in that. Especially since he posted this:
yung mga taOng wala padin awa kahit nagmamakaawa ako na tuldukan na nila yung pang Lalait saken o sa iba pang dumadanas ng pangungutya ng iba dahil sa itsura .
siguro binigyan kayo ng Magandang mukha at sana gamitin nyo din ito sa Maganda paraan.
Kung ayaw talaga nyang laitin siya online, pwede nyang idelete ang Facebook page nya and keep a private profile kung saan mga kaibigan lang niya ang nakakakita, and the bashing will stop. Why did he have to entertain bashers? It's almost like he's asking for it.

Para ba sumikat? Is it worth it?

Selfie Girl

If Gra Danica's pics are sad, I don't know what to call this next one.


The story: nadulas si Ate sa sahig at nabagok ang ulo niya and, judging by the blood on the floor, it looks like masama ang bagsak niya. Normally ang gagawin natin sa ganitong sitwasyon ay humingi agad ng tulong, o kaya subukang makabangon. Inahin niyo si Ate. Picture-picture muna sabay upload.

Maraming nag-react sa picture na ito because the "selfie" thing has been taken too far. If I lost this much blood, I'll grab my phone to call for help, not to take my picture. At kung nakatawag man ako ng tulong at gusto ko talaga magpicture-picture, I will never upload it for everyone else to comment on

Tingin ko hindi naman niya ginawa ito para sumikat. In fact she posted this:
MGA PUTANG INA NYO WALA AKO GIGAWANG MASAMA SA INYO MGA GAGO PAKELAM NYO KUNG MAG PICTURE AKO NG GANUN LAHAT NA NG PANLALAIT NASAGAP KO SA INYO AH ? KALA NYO DI AKO NASASAKTAN AYOS LANG YANG KING INA 'NYO GAGANTI DIN YAN SA INYO .\. AKO PASIKAT ULOL KAYO NGA PASIKAT EH ALAM NYO NA NGANG GANUN YUNG TAO LALO NYO PANG DINADOWN KING INA NYO. TAO DIN AKO KATULADS NYO NASASAKTAN AT NAGKAKAMALI MGA ULOL ! ;'(
Sa post na yan I'll guess OK na siya sa pagkakabagok nya at hindi masyadong napuruhan.

I do hope na hindi sila sumikat, only for this reason: baka gayahin ng iba. If Gwidougie inspired the "Gentleman Fail" video, natatakot ako sa kung anong pwedeng mainspire sa pictures na ito.

Pinatulan ko talaga ang topic na ito eh. Dami kong time!

DISCLAIMER I don't own the pics, just grabbed them off Facebook. If you own the pictures and want them removed from this site, please contact me. Thank you.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding