movie review: thy womb

See? Tinupad ko ang aking pangako na magsusulat ng something about Nora Aunor. This post is for Noranians. Or not, kasi baka may maoffend. So I dedicate this post sa mga hindi nanood ng Thy Womb, at nagbabalak pa lang manood, or wala nang balak manood at makikibalita na lang.

How to enjoy Thy Womb:

1) Ang pelikulang ito ay drama, ngunit hindi ibig sabihin na tadtad ito ng mga marubdob at maalab scenes.

1.1) Hindi luluha si Nora Aunor every 5 minutes.
1.2) Hindi sya biglang sasandal sa ref at mag-iislide pababa dahan-dahan. Dahil wala silang ref.
1.3) Hindi sya dudungaw sa bintana at titingin sa malayo, o humihikbi habang chini-check ang maruruming damit ni Bembol kung may kissmarks.

Baog si Nora Aunor. Masaya naman sila ni Bembol Roco sa kanilang pangingisda at paghabi-habi ng banig pero gusto nyang maibigay ang makakapagkumpleto sa buhay nila, at yun ay isang anak. Dahil mahal nya si Bembol, tatanggapin nyang magkaanak sya sa ibang babae. Actually sya pa ang nag-suggest. Legal yun sa kanilang pamayanan. So naghanap sila ng bagong mapapangasawa ni Bembol Roco. At ang mapalad at napakaswerteng napili nila ay si Lovi Poe.

2) Ang pelikulang ito ay tungkol sa "other woman" ngunit hindi ibig sabihin nito ay maraming confrontation scenes.

2.1) Hindi iimbitahin ni Nora Aunor si Lovi Poe sa bahay tapos magbibitaw ng "Mababaliw siguro ako kapag nalaman kong may babae siya. Baka mapatay ko iyong kabit. Silang dalawa, actually."
2.2) Hindi haharapin ni Lovi Poe si Nora Aunor sa swimming pool at sasabihing "You can call me anything you want: a snake, a bitch, an other woman. But I will never be a pathetic, boring housewife."
2.3) Hindi nya susugurin si Bembol Roco para kabog-kabugin sya sa dibdib habang umiiyak ng "Hindi ako to! Pero ginagawa ko to para sayo!!!"

About 3/4 na ng movie eh naghahanap pa rin ako ng conflict. This did not mean I was bored. I was just sure na hindi pwedeng it will all go so well. I mean, yeah nabaril si Bembol Roco habang nangingisda at dumalo sila ng kasalan na may sayawan sa saliw ng tugtuging Dayang Dayang, pero hindi pa yun yun. So far, ipinakita ang paghihirap ng mag-asawa na makaipon ng pambayad ng dowry para sa bagong mapapangasawa ni Bembol Roco. Eh malapit na matapos ang movie, wala pa ring conflict...

Tapos biglang sinabi ni Lovi Poe ang kondisyon sa pagpayag nyang maging asawa ni Bembol Roco: ang ma-evict si Nora Aunor sa kubo ni Bembol Roco. Yun yung hinahanap kong moment. Nung sinabi yun ni Lovi Poe, lahat ng tao sa sinehan, I swear, lahat ng tao pati yung nagpupunit ng ticket, napatingin kay Nora Aunor, hinihintay kung ano ang gagawin nya.

3) At this point ano sa tingin nyo ang sinabi ni Nora Aunor?

A) "Ano nga ba ulit yung tawag sa katulad mo? Ah, ahas! Bikini mo ba ‘yan o balat mo? Kaya pala ang galing mong gumapang."
B) "I’m not gonna give up Bangas-An without putting up a goddamn fight!"
C) *Smiles*

Correct Answer: *Smiles*

Tangina kaya hindi ito pinilahan sa sinehan eh. Walang linyang iquoquote sa Tumblr! Walang scenes na iscreenshot at ipopost sa FB! Walang matweet na may hashtag na #teamnora o #teamlovi! Kung ako ang masusunod, kakalbuhin ni Nora Aunor si Lovi Poe ala Market Market (search it on Youtube) at ilalagay ko yun sa trailer. Tapos maglalagay ako ng lines na ganito:

Lovi Poe: Mahal nya ako, mahal ko sya, magkakaanak kami, you can go now!
Nora Aunor: *Smiles* TANGINA KA!!! *Sabay dudukutin nya ang mata ni Lovi Poe.*

Ewan ko lang kung hindi ito pilahan mula Trinoma hanggang SM North Annex.

But that's how classy this movie is. It's not about who has the right to what. It's about who has the bigger heart to grant happiness to others shit gumaganon ako!!!

Well anyway, to fully enjoy the movie, mangyaring i-skip ang part kung saan kinakantot-- OOPS! ang halay ng term--......... nagtat*lik sina Bembol Roco at Nora Aunor WITH PUMPING SCENES. Yep, skip that.

Skip to that part kung saan nagpapa-anak si Nora Aunor for realz. As in sya ang humugot ng baby sa puday--OOPS sorry uli sa term!... sa h*yas ng buntis. That's a cinematic gem.

So yan po. Lubos kong nagustuhan ang pelikulang ito keysa sa ibang mga pelikula sa Film Fest 2012, mostly dahil ito lang ang napanood ko dahil dito lang walang pila. KThanksBye thanks for reading. I hope you watch No Other Womb.

41 comments. Post your comment here.:

Bino said...

na-access ko rin! kailangan ko pang itype ung www.

anyway,

di ko nagustuhan ang movie na to. ewan ko. mababaw kasi akong tao kaya siguro nababawan ako sa mga linyang binitwana na halos malimot na. walang bearing. ganun.

Mar Unplog said...

Buti na lang pala di ko pinanood ito... wala palang kaangas-angas amg movie!

Bait-baitan talaga? hahaha..

Pero sa totoo lang, mas masarap pang basahin itong review mo kesa manood ng No Other Womb! hahaha!

Will said...

Lakas ng tawa ko rito, nyahahaha. Pero nalulungkot ako na hindi ko ito napanood last year. Aktweli, wala talaga ako napanood na MMFF last year kasi papangit daw ng mubi maliban dito, na ironically hindi pinilahan.

Senyor Iskwater said...

I didn't watch the movie pero mas interesting nga ang review mong ito...

Litaw na litaw ang iyong pagka-Noranian sa post na'to.

Galing!

*slow clap*

joanne said...

The best ka talaga pag dating sa reviews! So martyr-martyran si Nora sa movie. Kaloka! Kung ako yan, kakalbuhin ko talaga si Lovi Poe! Haha. Hindi ko na papanuorin dahil di ko bet si Lovi ng big time. Haha. Parang boring nga pag walang conflict man lang no? Pinaalala mo pa yun vid ng kabit sa market, grabe yun e.. Super harsh! Baka mas masaya pang panuorin yun kesa dito sa No Other Womb. :P

Akoni said...

May clear copy na ba sa torrent?

Bulingit said...

No Other Womb sana title nito. LOL!
Walang linya na tulad ng WALANG HIMALA!
sex scene with nora aunor LOL! mas gusto ko pang makita si lovi Poe na nakatalikod. ^__________^

akoaysalbahe said...

tama ka. bagong tema ito kumpara sa paulit ulit at nakakasawang mga palabas sa MMFF natin. pero hindi pa rin ako manonood neto. haha!

Boffill Bernardes said...

Kahit kelan talaga hindi ako naging interested kay Nora. Lalo pang hindi nakakainteres ang movie na to. Sana nagcomedy na lang siya. Ano kayang feeling nung nanonood sa tutnakan nila ni Bembol. Hiyay.

KikomaxXx said...

OMG lahat ng mga nasabing linya eh nakita ko na sa cable pero ung thy womb di pa.. hahaha ay maghihintay nalang ako sa cinema one nyan... pero sayang mawawala na yung mga precious gems ng cinema syempre censored na ung to the pumping tune at hiyas... hahhaa

duking said...

lagi ko nang susubaybayan ang movie reviews mo,hahahaha!

nakakatuwa kung paano mo bigyan ng makatotohanang paghihimay ang pelikula.

taena. pati pag ko comment di na ko marunong...

88-Nutty Thoughts-88 said...

Sir Glen ask mo yung point of view ng Die hard fan ni nora Aunor na si Rix!!!
lols

Rix said...

Sira ulo ka Nutty ahaha ikaw kaya ang number one fan nya. Di ba nga yung banner ng mga fans ni Nora nung pilalabas ulit ang himala sa Megamall hiningi mo. at may top 10 fave nora movies ka pa sa blog mo ahahahaha.

khantotantra said...

hahahah, haneps!

Siguro nga kung may quotable quote ang peliks na to ay baka mabigyan ng pansin ng mga tao. Alam mo naman, hanggat natwitwit or natutumblr, mas sumisikats

romz said...

Noranian ako. At syempre happy ako sa review na ito. Magrerequest uli ako, Maricel movie naman.

Marjorie Gavan said...

Grabe tawa na naman ako ng tawa hahahaha... Ikaw lang yata ang may capability gumawa ng funny movie review, sakit na naman ng panga ko kakatawa.

Hindi ko din to napanood pero curious ako kasi nga first of all si Nora ang bida, well hindi ako Noranian pero alam naman natin ang galing nya sa pag-arte. Papanoorin ko na lang to sa video, mai-torrent nga hehe...

June | Life and Spices said...

Anep.. I always look forward sa post mo..an saya tumambay dito.. opss! wag ma presure. lol.. Nice post ulet Glenntot

Pao Kun said...

Hahaha!!! Husay!

Natawa ako sa gusto mong ipagawa kay Nora matapos mag smile. Morbid!

Hindi ko rin pinanood ito. Pero gusto kong mapanood dahil may pagtatalik palang naganap! Jk!

Overthinker Palaboy said...

nalulungkot ako sa nangyari sa pelikulang ito. hindi handa ang mga pinoy sa ganitong pelikula. sayang. mahusay pa naman ang habi ng kwento, pati na ang pagganap. gusto ko rin yung mga pagkwaderno sa paghagod ng dagat kapag may alon. ang galing.

gillboard said...

sayang at walang nanuod ng pelikulang ito. pero tama ka. kung dinukot ni nora ang mata ni lovi poe, mukhang eto yung pinanuod ko kesa dun sa alang kwentang sisterakas.

hayst

Genskie said...

Kaya pala hindi pumatok sa takilya...
At juice ko po si bembol at nora bedscene?!?! oh my gosh...

Zion Campo said...

LOL! Namamatay ako sa tawa!!!! Pasensya na talaga pero di ako manonood ng Pinoy movies sa sinehan unless mag upgrade sila ng quality. Until then, mag video streaming nalang ako.

Pero gusto ko talaga manood ng Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay kaso walang showing dito sa Bohol. huhuhuhu

SunnyToast said...

wala sinira mo na ang moment...lol...I'm planning to watch this movie sa rest day ko cause I heard alot of good review and this movie is nominated in dubai film festival pero dahil sa review mo bibili nalang ako ng pirated cgro:)

naloka naman ako sa sa pumping scene...thunderbolts na gumaganon parin:)

Superjaid said...

Palitan na ang title ng no other womb. Hahaha ibang level ka talagang gumawa ng movie review kuya hihi

Pink Line said...

yung sad post muna talaga binasa ko bago itong post mo kasi alam ko tatawa na naman ako..and yeah you never failed to make me LOL! hindi ko napanood to pero dahil sa review mo parang napanood ko na rin..pero na-curious ako kung anong ending kaya malamang panoorin ko rin.. eh kumusta naman ang "pumping" scene ni nora at bembol? hehehe...

Mac Callister said...

parang boring nga yun movie! LOL

Sana may torrent na nito soon :-)

Traveliztera said...

nagiging exciting yung movie pag ikaw yung nagrereview hahahahahah!

Marjonel Acedera said...
This comment has been removed by the author.
Vincent said...

hahaha shet si Nora at Bembol!

*nga pala, oo kilala ko si Bino via Zyra

*nga pala, happy balemtayms wahaha

*nga pala, may new blog ulit hahaha :P

- VeeBee (http://www.vincentbambico.com)

Anthony said...

Syet! Si Nora at Bembol? Pumping scene? Anak ng... dahil dito ay hindi ko na pagkaka-abalahan pang i-download ang peliks na ito. Salamat sa warning :D

Nong Inong said...

pwede kana bilang movie writer at direktor kasi alam mo kung anong mas gustong makita ng tao.

Sa SMILE ni Madam Nora nagka- best actress na siya! Ayos! haha.

Hindi ko pa napanuod 'to sana hindi pa huli ang lahat at mapanuod ko rin to haha

Marjonel Acedera said...

Kin'wento ko 'to sa mga ka-block ko. Hindi sila makapaniwala sa pumping scene! Pakiramdam ko nga hanggang ngayon ini-imagine pa rin nila kung ano itsura ni Nora habang jinujugjug s'ya si Bembol. EPIC!

jobologist said...

noon pa namin gustong bilhin ng kalav team ko yung pirated na thy womb sa may guada tulay....kaso nung nakaraan inuna namin ang hansel and gretel kasi malinaw na daw, tapos nung nakaraan ulit sisterakas naman na walang kakwenta kwenta, tapos nung nakaraan 3 idiots naman tapos hanggan sa nawala na sa eksena yung thy womb. Magaling si nora, sana gawan mo ng review yung himala....best asian movie of all time!!!

Dhianz said...

mas nag-eenjoy akoh sa pagrereview moh sa movie ehh... kaaliw ka nemen... ehhh dunno that movie... ahh showin' dyan?... ahhh more likely i'm not gonna watch it... nweiz... napadaan ditoh glentot... namiss koh blog moh and kaw den... *hugz* Godbless!

DEMIGOD WINZTON said...

ISANG MALAKING "LOL"!
HAHA!

Phioxee said...

ay yun pala yung story. martyr ang drama ni nora dito. ayoko sa ganintong eksena. madadala ako. nasi stress din pag di lumalaban yung bida. pero kakaiba din anoh. yung culture ng muslim bah sila nora dito? iba din yung culture nila.

bagotilyoako said...

may pumping scene si nora at bembol?

kailangan ko pala ng atsara habang pinapanood to;. kontra umay. hahahha

Peach Black said...

Glenn, I swear pag umuwi ako ng Pinas kukunin kitang Creative Consultant ng mga pelikulang ipo-produce ko.

Em said...

i did not get to watch this when i was in pinas. abang na lang ako sa youtube. hehe

sad to say, in this generation, mas maganda panoorin ang mga slapstick movies nila vice ganda na wala naman katuturan. ang mga kabit movies/ teleserye na nag e-encourage pa sa mga kabit na sila pa ang maging matapang.

if people are going to choose between a movie with a good actress in it and a good story line, and a movie with vice ganda in it with all his recycled punch lines, people would still choose the latter.

girva said...

galing mo naman gumawa ng movie review! sayang nga lang ngayon lang ako napadpad sa blog mo. promise, simula ngayon pabalik-balik na ako dito.

Anonymous said...

Thumbs up for the review. I was fortunate to have watched this film here in Australia. Yes, there are no hype moments. Nevertheless it cuts deep as it evokes the kind of drama that goes with you long after you leave the theatre. Naturally intelligent fine performance from Ms. Nora Aunor and Mr. Bembol Rocco. They were "being", not acting, especially Ms. Nora. Pardon me but contrary to the commentaries here, the love making scene was to me one of the best scenes. Doing it with her eyes wide open as if feeling numbness and pain at the same time, it's another classic, respectable Nora Aunor moment. Not to laugh about at all. Congratulations and Thank you to Director Brillante Mendoza and the whole cast for coming up with a very commendable film. A true Pinoy pride!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding