movie review: himala

Sabi??? Ako na naman ang maglalakas-loob magreview ng isang classic. Ang kapal ng mukha ko eh. Anyway it seems like I'm on a Nora Aunor fixation lately dahil lubos nya akong pinahanga sa Thy Wombzzz in fact nanalo syang Best Actress sa Asian Film awards, which is isang malaking "Suck My Dick Bitches!" sa kanyang mga tsismosang detractors.

Mahaba-haba ito so go get some Biogesic.





So yun nga. Isang araw sa barrio ng Cupang ay nag-solar eclipse. Kapag nagsolar eclipse, ang gagawin ko eh pumasok sa bahay at magtalukbong ng kumot. Ibahin nyo si Nora Aunor.



Just some trivia, sa burol na iyon napulot si Nora Aunor noong sya ay sanggol pa lamang. Masaya naman si Nora Aunor kahit ang umampon sa kanya eh si Vangie Labalan.



OK I know hindi si Nora Aunor ang tradisyunal na matatawag na HOT BABE. Tama na yung CUTE o kaya PRETTY-PRETTYHAN (kahit anong panlalait ang ibato nyo kay Nora Aunor I really think na maganda sya sa pelikulang ito mukha syang virginal). Yung umampon naman sa kanya na si Vangie Labalan is... well... Vangie Labalan.

Bakit ba ang sama ng loob ko kay Vangie Labalan?

Bilang isang 90s kid, nanonood ako noon ng Hiraya Manawari, and one morning itong si Vangie Labalan ay nag-shapeshift into an ipis and lumipad sa loob ng bahay ng mga kapitbahay para mangalap ng itsitsismis. Imagine my horror nung makakita ako ng ipis sa loob ng bahay I was like SI VANGIE LABALAN YAN.

Anyway so Nora Aunor was like doing her thing sa burol nang walang ano-ano'y...



So nagpakita pala si Mama Mary kay Nora Aunor. Sure ba yan? Bakit ikaw? Bakit sa Cupang? Anyways just a little information about this Cupang place:

1. According to myth years ago may isang person with ketong and the townspeople were like "ALIS! ALIS!" So bilang ganti, bago umalis yung may ketong, isinumpa nya ang buong bayan ng Cupang.

2. Simula noon hindi na umulan sa Cupang. Natuyot ang lahat:



So nung sinabi ni Nora Aunor sa mga kapitbahay na naka-EB nya sa burol ang Birheng Maria, nagkaroon ng pag-asa sa puso ng mga tao. Muli silang nanumbalik sa kanilang pananampalataya. Ito na ba ang hinihintay nilang pagbabago, ang hinihintay nilang kapatawaran, ang himala? Sabi?

So biglang may new superpowers si Nora Aunor. Nanggagamot na sya ng may sakit. Yun daw ang utos ng birhen sa kanya. Soon enough nagdagsaan ang mga tao sa bahay nila Nora Aunor para magpagamot ng kung ano-anong sumpa sa katawan. From carpal tunnel syndrome to buni to hallitosis.

And just like that. From being a simple towngirl, naging laman ng usap-usapan si Nora Aunor bilang sugo ni Mama Mary para manggamot, at isa syang effective na sugo dahil gumagaling ang mga nagagamot nya. Marami siyang naging mga tagasunod.



Masdan si Kuyang naka-pookie shorts. Kahit busyng-busy siya, nakapunta pa rin sya sa burol. He really made time for this despite his busy schedule. Hiyang-hiya si Nora Aunor at Virgin Mary sa kanya.

Anyway eto ang naging mga disipulo ni Nora Aunor:

1. Si Vangie Labalan.
2. Si Chayong, ang bestfriend ni Nora Aunor. Pero more than being a bestfriend and alalay, ang totoong role dito ni Chayong ay pandilatan lahat ng tao.
3. Si Sepa, some random lola.
4. Meron pang iba but let's not bother.

Meanwhile sa isang piggery, nagsesex sina Chayong at Pen Medina.



OK I know mahirap maaninag sa larawan pero trust me, somewhere there, may torrid necking na nagaganap . Poor Chayong. Although aminado sya na hindi ito ang pinaka-ideal place para magpamigay ng puday.

Nagkagulo ang buong bayan. Wala nang nagsisimba, dumidiretso sila kay Nora Aunor. Dumami ang mga turista, to the point na may nagtayo na ng hotel.



Wow ah.


Sa pagdagsa ng mga tao sa bahay nila Nora Aunor, dumagsa rin ang mga panindang T-shirt, tubig na ni-bless ni Nora Aunor, memorabilia, pamaypay, rosaryo etc. Autoload na lang ang kulang. Na-obsess ang mga tao sa kanya. Lumago ang kanyang mga followers, as in literal na FOLLOWERS. To the point na may isang filmmaker na taga-Manila ang gustong gawan sya ng documentary kaya sinundan-sundan nya si Nora Aunor everywhere she went.

Isa sa mga nainterview ng filmmaker tungkol kay Nora Aunor ay ang kanyang childhood friend na si Nimia. Habang nanggagamot si Nora Aunor at nagpopromote sa pagpapakita ng Mahal na Birhen, si Nimia naman ay nagtayo ng cabaret.



Ayon kay Nimia, sa cabaret laging may nagpapakitang birhen.




So far successful si Nora Aunor sa pagiging healer in her signature white dress, kasama ang kanyang buddies. Huwag nang magtaka kung bakit ganun kaputi ang damit nila:



One time isinama nya si Chayong sa burol para magdasal. Kung kelan naman sya sumama, saka naman may napadaang mga adik sa burol. Nirape silang dalawa nang very very harsh.

It just so happened na nasaksihan ng filmmaker ang pagkakagahasa sa dalawa but instead of helping them, kinuhanan nya pa ng video. What a dick.



OK so hindi uli clear ang shot pero trust me, may mga hiyas na pilit inaangkin going on over there.

So at this point there's just one thought on everyone's mind:

1) Nasaan ang Birheng Maria nang maganap ito? Busy?

Bakit hindi nya iniligtas ang kanyang sugo? How did they get away with something like that? Dahil sa takot sa kahihiyan, inilihim ni Nora Aunor ang lahat.

Meanwhile, diring-diri si Chayong sa naganap sa burol kaya nag-confess sya kay Father. For like 5 minutes isa lang ang paulit-ulit na sinasabi nya:



















Intense.

Kawawa talaga si Chayong dito. Muntik na sayang madonselya sa piggery. Iniwan siya ni Pen Medina kasi pakipot sya. Tapos nagahasa pa sya sa burol. N-acombo nya lahat ng kamalasan, eh sya pa naman ang most faithful follower ni Nora Aunor. Hindi nya ito kinaya.

Eto na sya:




As if Nora Aunor wasn't already having a really bad week, nangamatay ang ilang tao sa kanilang bayan dahil sa cholera. Na hindi nya magamot. Syempre hindi naman nya kayang gamutin lahat diba? People had faith in her but she let them down...



Daym. This is not good for business. Nagsara si Nora Aunor ng bahay. Tumigil sya sa panggagamot. Lalo na nang malaman nyang sya ay nagbubuntis. Actually may nagtsismis about this at akala nila, Immaculate Concepcion. Eh sinabayan pa ng ulan. Matapos ang ilang taon ng tagtuyot, biglang umulan. Must be some himala right? Eh ayaw na talaga ni Nora Aunor sa limelight hangga't maaari.


Syempre hindi matanggap ng mga tao diba? Paano na yung mga may sakit? Paano na ang mga umaasa kay Nora Aunor? Paano na ang mga paninda? Ang turismo? Paano na ang himala?

Enough of this! sabi ni Nora Aunor. "Guys, tara sa burol I have an announcement to make."



So everyone proceeded sa burol. Ang dami lang nila, nasa libo. Just a little trivia. Nung sinabi ni Direk Ishmael Bernal na kailangan nya ng maraming extras para sa burol scene, namrublema sila. Saan sila kukuha ng ganon karaming katao in just a few hours na willing magtatakbo sa alikabok sa ilalim ng araw for free?

Nora Aunor overheard the director and was like, "Hmm, pwede kong tawagin ang mga Noranians Northen Luzon Chapter?"

And just like that. Isang snap ng finger - isang katutak na extras. Na willing magbuwis ng buhay para kay Nora Aunor.

So yun nga ang daming tao diba? And not in the best condition pa sila. Kaya nga sila nandito para magpagamot kasi diba may sakit sila? Expectation nila, magamot, hindi mabilad. So maiinit ang ulo ng mga tao that day sa venue.



Isa pa, hindi glamorosa ang spot na napili ni Nora Aunor. Burol. As in mala-disyertong burol under the sun. Wala bang covered court sa Cupang? At least may nakapagset-up ng mini-stage with a statue of the Virgin Mary. Oo may time silang gawin yun. So pumwesto na si Nora Aunor sa mic.

And what she said next became the most memorable lines from any Filipino film. Habang sinasabi nya yun I was trying to type it, at ito lang ang nakalap ko:

"So yun nga. Ipinatawag ko kayong lahat kasi... hmm.. Guys, wag kayong magalit ha? Pero wala talagang himala! I made it all up! Walang nagpakitang Birhen. Bored lang talaga ako that day nung may eclipse. Walang himala you guys! Galit ba kayo sa akin? Guys?"

What happened next?








Sabi na eh, mainit talaga ulo ng mga tao nun. Ikaw ba naman na nag-aabang sa himala, dumayo mula sa malayo, pumila sa labas ng bahay ni Nora Aunor, pinalipat sa burol at pinaghintay sa ilalim ng araw eh sasabihang wala naman palang himala, hindi ka ba mambabaril? Kung nandun lang ako baka pinag-pipiraso-piraso ko sya sa stage.

Dahil nasapol si Nora Aunor, syempre nagtakbuhan na ang mga tao sa burol for safety. Well there's one thing na nakalimutan nila. It's a fucking BUROL. Hindi pantay ang lupa. Soon enough nagkaroon ng stampede at kawawa lang ang mga attendees na may kapansanan dahil natrample sila nang very very nice.



Samantala, nagkaroon pa ng paparazzi moment si Nora Aunor bago sya nawalan ng malay at dalhin sa ambulansya. Etong filmmaker from Manila, kung hindi panggagahasa ang kinukunan kay Nora Aunor, ang pagkamatay nya naman. I think he's making a snuff film.





May chance pa na buhay pa si Nora Aunor, baka magka-sequel pa. So dinala nila siya sa ambulansya. Pero bago ang lahat, isa munang crowdsurfing.



THE END!

So nasaan ang movie review? Nacarried away ako sa pagkukwento. Hmm the movie is OK I guess.

Haha OK lang???

OK Seriously this is one of the few Filipino films that I really like and I watched this over and over again. Story: check. Acting: check. Relevance sa buhay-buhay: check. I salute all the people involved in making this classic. I'm not a "Noranian" but this is probably my most favorite Filipino movie...

Himala, or the lack thereof. LOL.

DISCLAIMER I don't own the photos/movie stills. I don't claim to own them. All credits go to whoever owns the rights. ABS-CBN I guess. Thanks ABS-CBN. Thanks Nora Aunor. Thanks Ismael Bernal. Thanks Chayong. Thanks Tide. Thanks mwahchupa.

60 comments. Post your comment here.:

JonDmur said...

hehehe naaliw naman ako... saka nagustuhan ko ang mga photos.... ganda pala ni nora noon... bagay sa kanya ang role....

nakalimutan ko na ang kwento niyan... sa TV ko lang kasi napanood at minsan lang hehehe

Will said...

Syet lang ang Tide. Kaya pala. Haha. Napanood ko rin yung episode na naging ipis yung tsismosa sa Hiraya Manawari. Memorable talaga yun.

Kung ako rin yung pinaglakad sa burol sa desyerto tapos sabihang walang himala, mag-aamok din ako. LOL

Rix said...

Mag eenjoy si Nutty thoughts dito na noranian :D hinila nya ako para manood ng himala restored sa megamall last year :D. Infairness naaliw ako sa pelikula ang gusto kong scene yung bumalik sila sa burol para magdasal after isakay si Nora. Creepy :D

bien said...

Hahaha Noranian ako. Wait, Sharonian pala.
Gawan mo rin ng review ang Oro Plata Mata please.

Senyor Iskwater said...

Bakit ka ba kasi in denial na Noranian ka? Wala namang mali dun ah....

Hmmnnn.... Namatay ba si Nora sa movie? Hindi ko pa napapanuod eh... Hindi kasi ako maka-relate kasi panahon niyo 'yan eh...

May time mag-set up ng stageero hindi naisip na mainit... Sana may tent man lang....

As usual, maganda ang pagkaka-narrate mo sa movie. Expectedly hilarious at hindi naman offensive kahiqt itinaon mong lenten.... Gujavey!

mike said...

wow. can't remember the last time i saw this movie. no question asked - nora was great in this movie.

thanks for the refresher course of himala. :)

tabian said...

where do I begin? wahaha

tumawa na naman ako ng wagas...putek yung mga photo captions!
ang conyo lang ng pagkakwento at ang haba ng review tapos OK lang pala..

pero nonetheless ito nalang yung panonoorin ko kesa sa hikbi at uhog ni kris!

Neneng Kilabot said...

Ok, so eto almusal ko, asusual nabusog ako sa hangin kakatawa, leche haha

taena ipapalabas pa ba to ulet? di ko to natapos, tae kasi yung babaeng tumawag, 20 mins na lang daw, la ng pang extend haha

namiss ko to ng bongga! :)

mots said...

alam mo namang gustung-gusto ko rin ng himala lalo na yung mga chayong moments, kaya pak na pak tong post na to sakin. hahah


sa docu ng himala,si chayong lang yung walang interview kaya inassume namin na deads na talaga siya ahaha

Lakbay Diva said...

thanks for this review man!

Pink Line said...

hindi ko pa napapanood to.. pero as usual dahil sa kwento mo parang napanood ko na rin sya at nag-enjoy ako sa panonood i mean sa pagbabasa..

khantotantra said...

Grabe!!! Tnt kay Vangie... napanood ko din yung chinismis niya si bembol na kalbo... yun pala ipis sya... alam nia ang secrets sa baranggay... hahaha.

AT totally A for effort ang pagnanarrate mo sa movie!! with visuals and everything!!!

Etong himala, parang ipinalabas last sunday ata.... not sure, napadaan ako sa pantry sa opis at eto yung ipinapakita...

hihihih

randomvignettesdotcom said...

Sulit talaga paghihintay sa post mo. :)

After 20 million years ngayon ko lang "nabuo" yung kwento. :)

Zezil

Jepoy said...

Ang ganda ng structure at phrasing. Keep up the good work. Blog on.

Ilang beses mo nanamang pinagtikulan ang kabataan ni Nora Aunor! Puki ka!

June | Life and Spices said...

HAhahaha.. sobrang tawa ako kasi I was watching this sa ABS CBN last Sunday.. at shet talaga, anu bang ginagawa niya sa burol on that day na may eclipse.. napaisip pa ako kung start na agad yung film eh.. START na pala talaga.. so ambilis ng jump ng start to the point na may "power" na sya.. usually sa gitna pa yun ng film eh.


Di ko sya natapos pero really looking forward to finish dis esp di ko naabutan yung burol part.

romz said...

Yan yata ang Himala ng pelikulang yan. kapag napanood mo ang Himala magiging forever fan ka ni Nora.

88-Nutty Thoughts-88 said...

magkocomment pa ba ako sir glen?

ahahahahaha....

so 2 na kayo ni rix na may "himala" entry....
gudjeeeeeb!!!!


sayang wala yung 2nd fave scene ko?
:(

Phioxee said...

tawa ako ng tawa. nagtataka tuloy kasambahay namin.


maganda naman pala ang himala. papanuorin ko yan this holy week. nasa abs eh. hehehe

Bulingit said...

isang himala kung matatawag ko ang pagkapanuod ko ng movie na to,pero sabi nya, wala raw himala, eh di wala, hahahah, utos ng director eh,, :)

k0tz said...

hahaha. ang kulit naman. Iba talaga ang Classic films! wala pang effect effect yun, natural na luha lang at virginal looks.

I know deep inside isa kang big Fan ni Nora!! nyahaha.

Traveliztera said...

Pagkasabi mo pa lang kay Vangie, naalala ko agad yung ipis nyang episode sa Hiraya Manawari! hahaha! at pareho pala tayo ng naisip!

anyway... ang galing ! natatawa ako sa mga captions mo sa screen captures mo ! :P

pero in fairness, kahit kalokohan yung mga sinabi mo, naintindihan ko yung story mo hahaha!

galing galing talaga!

Genskie said...

ito ang pinaka nakakaenjoy na movie review na nakita ko...
with side comments and everything winner...feel ko na tuloy panoodin ang movie na ito.

Kamilkshake said...

wala ka talagang kupas glentot.. pagkailangan ko maging masaya nandito ang blog mo!! WAAAAAAHH!! DI ako makagetover sa lahat ng caption! Wahahaha! Wala akong interest dun sa topic eh.. sa way ka magkwento meron, at wag maging malisyoso! hahahahahah!!! (:

Bino said...

nagustuhan ko ang movie in fairness. ang ganda nga.

pero the best tong movie review lol.

ibang level, may mga foursquare instagram peg

Marjonel Acedera said...

Ang mga babae sa cabaret ay EPIC :D

KikomaxXx said...

Yup everytime i see Vangie Labalan Ipis talaga ang unang sumusundot sa utak ko... hahaha ayus na talaga ito pang #WalangHImalathemusical bagay ang review mo gawing script nito.. hahaha.... napakaEpic sa isang Epic movie...

Turista Trails said...

honestly na-shock ako nanunood ka ng Hiraya Manawari as a kid. I really thought babad ka sa Calvento Files. congrats. level up ka na pala. bumi-visuals ka na ha. effort kung effort.

KUMAGCOW said...

NAMUKAAAAAAAAAAAAAA GLENNGLENNN BINABOY MO hahaha


ayos sa review pang famas ganyan haha

Clemond Kurt Frias Diaz said...

Si Vangie Labanan as Ipis sa isang Hiraya Manawari episode: Yes, tandang-tanda ko rin ang moment ng pag-transform niya. Haha. Ang galing lang, akala ko ako lang nakatanda nun.

Jomar Gabato said...

Sobra naaliw ako sa review m ang cool! Sobra tawa ko sa hashtag sa pic ni nora

Jomar Gabato said...

Sobra naaliw ako sa review m ang cool! Sobra tawa ko sa hashtag sa pic ni nora

Mac Callister said...

jusko andami ko tawa sa twist ng pagkaka kwento mo! Modern na modern!!!!

May check in pa at tweet! Wagi!

Itong movie na toh ang sobrang gasgas n sa ma comedian ang di ko pa napapanood! Sana makakuha ako ng kopya soon.

tadong daniel said...

Huh? Anong palabas yan? Walang kwenta! Haha. Echos lang. Sige papanuorin ko na rin to. Kaso baka matawa lang ako kapag maalala ko mga captions dito. Haha. Hindi ko tuloy matapos pagkain ko! Galeeeeng!

pseudoleebieme said...

you forgot the confession scene of chayong - parang 5 mins na 1 dialogue lang -- "ang dumi-dumi ko father, ang dumi-dumi ko!"

your review is so LOL, i love it :))

citybuoy said...

grabe ka glen. natae ako sa kakatawa.

bernard umali said...

Winner!

DMLR said...

Ang galeng.. kakatuwa.. :)

Overthinker Palaboy said...

akala ko mababastos ang owsam na pelikulang pilipino. pero rakista ka. owsam ang pagkakakwento at pagiging spoiler. hahaha XD

kawawa ang mga taong hindi pa napapanood ito. alam na lahat. at salamat sa pagbibigay angulo sa puting damit at sa tide. mahusay!

McRICH said...

naks SUPERSTAR ka na rin glenn minus the nunal :D

Marjorie G said...

Ikaw na talaga ang best movie reviewer na kilala ko. Mapa porn, horror, or classics kayang-kaya mo ireview ng bongga. Noranian ang mama ko, yet konti lang ang movies ni Nora na talagang napanood ko. If I'd seen Himala hindi ko na matandaan pero dahil sa review mo naengganyo ako panoorin. Natawa ako meron ka nang visual presentation ngayon ah haha...

joeyvelunta said...

Di ko pa napanood ang Himala pero base sa kwento mo at paconyong captions (hahaha taragis instagram twitter combo) navivisualized ko na ang buong pelikula. At yung gahasaan moment mukhang doon ginaya yung gahasaan scene ng "Ang Huling Birhen sa Lupa" ni Ara Mina at Maui Taylor semi burol nga lang yung sa kanila ay hindi pala medyo kahuyan yata hahaha teka panoorin ko para sure. Pati yung Silip 1985 may ganung eksena sa burol di ko alam kung sino ang nauna pero mukang iisang burol lang ang venue hahaha.

blueberry_dream said...

Best movie review ever! Parang kami lang magkuwentuhan hahahaha :). Winner ka teh

Lalah said...

ang team noranian talaga!!! instant ang appearance! lol yong bumaril sa kanya hindi lang sa init ng ulo yon malamang kasi walang snax nagutom kaya yon ang nangyari!! hahaha

bakit si nora nong bata pa eh mukha pa rin siyang matanda? hahaha joke!!

KULAPITOT said...

at napansin mo tlga yun pak n pak! kaw na tlaga glenn ang laughtrip

Jei Son said...

Dami ko tawa sa mga captions.. heheheh.

kingdelrosario said...

Congratulations for making a movie review of some sort which is worth reading whenever one has time to burn.

Although your take on Himala is more of a narrative with punchlines than a real review, I must say you write interestingly enough for people to actually read your post. I did and I find your "insights" amusing.

To quote one of my grad school professors who also blogs for the university portal, "Have you read my blog? Of course not. Seriously, who reads blogs?"

Anthony said...

Nang mabasa ko ito sa cp ko way back pa noon eh nagmukha lang naman akong baliw dahil ako lang ang tanging tawa ng tawa sa grupo namin. Heto at makakapag comment na rin sa wakas! lol, magpapalaki lang ng name pero panalo talaga ang movie rebyu na ito ng himala. Next, Oro plata mata! :D

Ely said...

Tyinaga ko din panoorin yan sa ABS. Medyo hindi ko nga lang natutukan lahat ng scenes. Sino ba ung bumaril kay Nora? Wala lang? LOL

Senyor Iskwater said...

ano kaya ang next movie review mo sir? hmmnnnn... sana ate v movie naman...

tadong daniel said...

pinagkalat ko website mo, sir. isang linggo lang nagkabalikan na sila ng boyfriend niya. sumaya ang paligid niya. gumanda sya. para bang ikaw ang himala? charot! hahaha. nakapagcomment na ako ulit, nakakuha ng proxy laban sa kupal na opisina namin! happy reading ulit ako! ingat!

Nong Inong said...

Buwis buhay ang mga Noranians! haha, ibang klase si Elsa, titig palang at luhod sa mag burol sa Capang pang best actress na!, sana gawan ng part two tutal nasa Pinas na uli sa Nora.... "Ang pagbabalik ng Himala"

Nasaba at nai-share pala ito ni Ryan Chua, itong post na ito...nasa facebook niya!

Mr Green Thumb said...

Although this is a beautiful Nora film, I must say that this is not her best.

And that would be "Tatlong Taong Walang Diyos" which was directed by Mario O'Hara.

I would recommend "Bona" which was directed by the late great Lino Brocka.

chino said...

For the first time napanood ko na rin ang pelikulang Himala at maganda naman talaga. Di rin ako Noranian pero totoo lahat ng mga pangyayari sa kwento pati ang paniniwala ng mga Pilipino sa mga Himala.

sherene said...

Sa Paoay Ilocos Norte ito na shoot, SAND DUNES na ang tawag ngayon:)
At si Madam Imee Marcos ang producer, na may 5 milyonf budget that time.

Odee said...

best film review i ever read! favorite ko na to. ipagkakalat ko sa mga friends. ^^

Anonymous said...

luv ur review :)

ROBERT DC GANNON said...

sa mga nabasa kong comment di maganda about HIMALA ,i can say madami pa ring taong di marunung tumingin ng magandang pelikula..

Anonymous said...

hahahaa. thrice ko nang nabasa ang review na ito, pero napapangiti ako palagi....Congrats sa rebyu! Galing galing!

Anonymous said...

hahahaha kaaliw basahin :D dahil dito mapapadali ang pag gawa ng aking assignment tungkol sa movie na to. di ko na sya kailangan panuorin, basahin ko lang to sapat na haha thanks bro! :)))))

jasonhamster said...

parang napanood ko na din ang buong pelikula tawa ko ng tawa haha

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding