pbo - bahay ni maria

Unahan ko na kayo, this is not an April Fools Day prank. Lingid sa inyong kaalaman ay sumali ako sa isang blogger group na ang layunin ay tumulong sa mga kapwang nangangailangan. Ilang beses na akong niyaya na sumama sa mga outreach o kaya sa mga simpleng meet-ups kapag weekend pero hindi ako nakakarating dahil abala ako sa kung ano-anong kababalaghan.

Last Saturday sa wakas nakasama ako sa outreach program at ang aming beneficiary ay ang Bahay Ni Maria sa Calamba na two and a half dougie lang mula sa Bahay Ni Rizal. Ang Bahay Ni Maria ay kumakalinga sa mga inabandona, usually mga Lola at may ilan ring mga girls with special needs.




















From our meet-up point nagpunta kami sa Laguna nang medyo maaga pa, just in time sana for lunch ng mga Lola. Kaso pagdating namin dun, may naunang group sa amin. May nagcelebrate ng debut. Sa kagustuhan nyang maging meaningful ang debut nya, nagcelebrate sya kasama ang mga Lola. So itinabi muna namin ang dala naming pagkain at hinintay matapos ang debut.

Alas tres na ng hapon eh hindi pa sila tapos sa pagsayaw ng Cha-Cha na wala namang choreography. Kitang-kita ko ang mga pangyayari dahil nakapuwesto ako sa tabi ng"stage", sa tabi ni Sister Evelyn na isa sa mga namamahala ng Bahay Ni Maria. Bumulong sa akin si Sister Evelyn ng "Ang tagal naman nila, gutom na ang mga Lola."

I was like "WHAT! Hindi sila nagpakain???" So all this time, nagkakantahan at nagsasayawan lang talaga ang birthday girl at ang mga bisita nyang bagets.

Turns out wala silang dalang foods. Program lang talaga at mga donation na supplies. So habang tinatapos nila ang kanilang event, nag-distribute na kami ng mga food. Gutom na rin ako noon pero tiniis ko talaga dahil hindi naman para sa akin yung food LOL. Pero kung gutom ako, mas gutom yung isang Lola dun. Pagkaabot sa kanya ng siopao, kinagat nya agad, papel and all.

Sabi sa akin ni Sister, "Pwede rin kayo magpakain sa mga Lola." Hala. Natakot ako. Pero sinubukan ko pa rin.

There's this one grannie chilling on a wheelchair, si Lola Olen. Siya ang maswerteng Lolang napili kong tulungang kumain that day. Hawak ko ang isang bowl ng pancit canton at siya naman ay naghihintay na subuan ko dahil ayon sa kanya gutom na raw siya.

 
 *

Huwag nyo nang pansinin yang buhok ko, sa weekend pa ako magpapagupit.

So sinubuan ko si Lola Olen ng isang tinidor ng pancit. Eh ang haba pala ng strands nung pancit, umabot sa baba nya. Syempre chew sya nang chew pero ang haba talaga nung noodle ng pancit. Nung sa wakas nahigop nya na lahat at nalunok, sabi nya "Putol-putulin mo, yung maiiksi lang."

Ipinagpatuloy ko pa ang pagpapakain kay Lola Olen with some rapport. Sabi nya 87 years old na daw sya. Hinahanda ko na ang next na isusubo ko sa kanya at nilalagyan ko ng repolyo pero sabi nya, "Huwag mong lagyan ng gulay. Ayoko ng gulay." I was like Whut, gulay is good for you diba???

Hiniwalay ko na yung mga gulay tapos sinubuan ko sya uli ng canton. Nalimutan ko na naman gutay-gutayin. Na-work out talaga yung panga ni Lola that day. I made a promise to myself na gugutay-gutayin ko na talaga ang next na isusubo sa kanya.

Ang hirap pala. Kasi diba kapag gutay-gutay na yung pancit hindi na sya kumakapit sa tinidor? Hindi na sya ma-curl around the tines tapos dumudulas na sya. Talagang inaanalyze natin ito eh no? Pero sa totoo lang nahirapan talaga ako. Nakailang tries na ako pero ayaw talaga kumapit sa tinidor!

Napatingin ako kay Lola, nakanganga sya tapos sabi nya "Isubo mo na!". Let's not dwell on this part of the day and move on to the next topic shall we?

Eto na si Lola Olen matapos ko syang pakainin. She looks happy and full naman.




















So after ng kainan, the officers cleaned up and made the place livelier bago kami magkaroon ng maikling program with some banderitas and ballons going on.




















Nagkaroon ng pagpapakilala, inspirational talk, musical number at getting-to-know between the bloggers and the Lolas. Sabi ng aming host na si Senyor Iskwater, "Mga Lola, ang grupo po namin ay PBO. Pinoy Bloggers Outreach. Alam nyo po ba kung ano ang "blogger"?

Nalito sila Lola.

"Bladder?"
"Blotter?"
"Brother?"

While this was going on palakad-lakad lang ako sa paligid-ligid taking pics being the professional photographer that I am (not). Nung nangalay ako napansin ko ang ilang mga bloggers na mapayapang nakaupo sa isang bench. Gusto ko sanang umupo kaso wala nang space, so dun ako umupo sa arm ng bench.




















OK let's move on to the next topics!!!




















So this was when Sister Evelyn was giving her inspirational talk. Dinescribe lang naman nya ang buhay sa loob ng Bahay Ni Maria, ang mga unos na napagdaanan nila, at ang mga taong walang sawang tumutulong sa kanila. It made me sad. I'm not sure if these Lolas chose to be here. I think iniwan na lang sila ng kanilang mga mahal sa buhay. To sum it all up I overheard a conversation between a blogger and one of the Lolas.

"OK lang po ba kayo? Ano po nararamdaman nyo? May masakit ba?"
"Pagod na ako. Pagod na pagod na."

I knew at that moment she was not talking about how tiring that day was.

Or pwede ring napagod lang talaga sya dun sa nag-debut. The other Lolas are OK naman, masayahin at malalakas pa tumawa. Yung iba kumakanta pa at sumasayaw pa ng Gangnam Style. Aside from food, nagbigay rin kami ng mga gift bags na ang laman ay colorful na daster para maupdate naman ang wardrobe nila. I hope it made them happy.

The day was almost done and nakaramdam ako ng konting lungkot hapdi at kirot kasi naimagine ko kung anong kalagayan nila sa mga araw na walang dumadalaw, at sa mga gabi na nakahiga sila sa kanilang kama, ano kaya ang pinapangarap nila?




















Sabi ni Sister Evelyn, ang mga Lolang ito ay mistulang mga Nanay na natin, at tungkulin natin na paglingkuran sila. Check! At tungkulin ko rin na magpagupit as soon as possible.

Nga pala, to my female readers, sabi ni Sister Evelyn, baka gusto nyong mag-madre? Malay nyo yun ang calling nyo diba?



















I'm not sure if you already know this pero pwede pa daw magmadre kahit hindi na virgin. Yes, I asked, on your behalf. I'm sure yun ang magiging concern nyo. LOLjk.

Salamat sa mga nakasama ko sa event. It was a great way to end Q1. Meaningful and memorable. Salamat sa mga Lola for reminding me how important it is to grow old surrounded by people who love you.

Wanna join us? 

Lastly,  a shout-out sa mga nakasama ko: Senyor Iskwater, Michelle and daughter Kyle, Sunny Toast, Tiny, Marge, Madz, Bino, Josh, June, Hustin, Karlo, Kelly, Toshi, Kat, Erin, Rix, Mecoy, Jei Son, Empi, Joanne, Zai, Arline and Kuya Mar.

*Source

48 comments. Post your comment here.:

khantotantra said...

kasama ka pala nila bino, zai, empi and others sa outreach!

congrats sa successful na outreach..

grabe lang yung nagdebut, pero baka naman nalimutan lang din na nagugutom din ang mga grannies.

Walter Omaweng said...

Hahaha langya ka talaga Glentot wala kang kupas!hahahaha

#IsuboMoNa!
#LolaOlen

-#1 fan

Bino said...

Di ako nakabas3 hehehe. Nice meeting u. Kabadtrip ung nagdebut. Til next time :)

Senyor Iskwater said...

Magkahalong tawa at lungkot ang post na ito...

Isa sa mga posts mong tunay na may puso! Kitakits sa next outreach!

Hyyyyy....

tabian said...

parang na felt ko tuloy ang calling na maging madre dahil sa post mo glentot...salamat! chararat!!!

pero hats off to you guys! ^_____^

Mar Unplog said...

I agree with Senyor! Tawa at lungkot ang post na ito...

Nice meeting you Sir Glentot! Sana marunong ka nang mag floating pag nagswimming ulit! Hahaha

See you again sa mga susunod na outreach!

mike said...

hope that the lolas had fun that day. looking at the pictures, they sure did.

oh yeah, this can not be a post from sir glen without something funny (i.e. pwede pa daw magmadre kahit hindi na virgin)

:)

aajao said...

Congrats sa PBO!

Hustin said...

nangingilid na yung luha ko sa ibang parts sabay bawi naman ng tawa sa iba. hehe.

Nice meeting you ginoong glentot. :)

eMPi said...

Congrats!

Nice meeting you, glentot!

Nakakalungkot lalo ng paalis na tayo. Sabi ng isang lola doon, "akala ko magtatagal pa kayo dito....."

Ester Yaje said...

naloka ako sa last hirit. ok na sana eh. super serious na. hanggang dun sa point ng pagmamadre. hahay. ikaw na talaga kuya glen!

Marjorie G said...

Hindi ko alam ang iisipin dun sa isang grupo na nakasabay natin. I mean sige gusto nya mag debut, pero kalimutan talaga ang food? Buti pa inuman sa kanto may pulutan eh haha... Buti na lang talaga may dalang food ang PBO at napakain ang mga lola. It was a fun experience at the same time nakakalungkot din. Kita din sa mga lola yung lungkot na iniwan na lang sila ng mga mahal nila sa buhay.

jasonhamster said...

matagal ko na pangarap makasali sa ganyan,. sana magkaroon ng wednesday para makasama naman ako. haha!

mahilig din ako sa mga lola

88-Nutty Thoughts-88 said...

1. may rants ka rin pala sa dePUTAnte?
2. sabi ko nga, isang malusog na bata ang salarin sa nasirang bench.
3. si lola olen yung nagsuswimming sa sows ng siopao.
4. alam mo bang may pagkasadista si siter Evelyn?
*no kidd.... ibubulong ko sa yo kung bakit*
5. sapul ako sa NANAY-ly message ni sester ester.


7. THANK YOU SIR AT NAKAJOIN KA NAMIN SA EVENT... SEE YOU NEXT TIME.

joanne said...

So ikaw pala talaga may sala sa nasirang upuan, haha..

Touching at nakakatawa ang post mo.. Tinanong mo talaga si Sister Evelyn? Seryoso ba yun? Haha.

Nice to have met you. Ibang-iba yung in-expect ko sayo, hindi ko akalaing mukhang kang 12 yrs old na inosenteng inosente histura, haha

randomvignettesdotcom said...

nakaka touch naman ito. :)

Neneng Kilabot said...

yung buhok mo talaga una ko napansin at yung pagmamadre part lol

anyway, nakakatuwa lang dahil may mga gantong ganap pala :)congrats po sa inyo!

chingoy, the great chef wannabe said...

nagulat ako, may sumulpot sa lower right ng ads ng orlistat... aba naman, at may ads na talagang lumalabas,,, hehehe

Luna Longfellow said...

mixed emotions ako sa post mo..

sad kasi, nahuhurt ako pag nakakakita ako ng matandang naghirap ang napabayaan

laughing kasi ang kulit ng pics mo..

newbie here.. good reads you have.. :)

Rix said...

Nice meeting you Glenn.

Sana kahit yung cake man lang ng nag-debut eh iniwan nya para sa ibang mga bata o sa mga madre ng Bahat ni Maria eh kaso dinala din nila...

Lalah said...

wooooottt!!! tama nga ako sa fb! ikaw ang malusog na nakasira ng upuan!! hahaha dont worry think positive, inaanay na yong upuan kaya ndi kinaya yong pwet mo.

im so proud of u all sa pbo dahil beyond blogging na ang peg ng lahat. hihihihi

yccos said...

Antagal mo naman daw sabi ni lola olen. Hehe..
di ko alam kung anong mangingibabaw na mararamdaman ko sa post mong ito. Ambilis kumabig. Hehe..

Archieviner said...

Sorry ah pero ang dami kong tawa sa post mo nato. Lalo na sa "Isubo mo na" haha

Next time sana ma meet na kita sir glen.

Congrats ulit PBO :)

chilaxjukebox said...

una sa lahat, ang taba mo glen. lol! hahaha...parang ang sarap naman sumama sa mga ganyang activities, di ko pa nasubukan. But good job guys, kahangahanga ang inyong ginawa :)

Zei Maya said...

For last 4 days talagang sinulit ko bakasyon tulog at konting lakwatsa, pero sa post mong to muntik nang mag lock ang Jaw ko.. lalo na sa part na sinabi ni Sister Evelyn "Sabi sa akin ni Sister, "Pwede rin kayo magpakain sa mga Lola." Hala. Natakot ako. Pero sinubukan ko pa rin". as in na iimagine ko ang look ng face mong takot na takot hahahaha pati yung bench thingy at subuan moment kay Lola Olen... Pero sa bandang huli kinurot ng post mo ng bongang bonga ang puso ko dun sa isang Lola na nagsasabing Pagod na Pagod na sya.. na imagine ko yung life nya yung nadarama nya :( ang sakit lang sa matres... Isang malupit na pang hataw closing remark mo talaga yung... "pwede pa daw magmadre kahit hindi na virgin" kung nalaman ko lang noong kabataan ko pa sana sinubok ko sya hahaha echos lungsss

Pink Line said...

nung nakita kita na nagpapakain ng lola.. i was like "sino kaya tong batang to?" and then sabi ni nutty "si glentot yan ng wickedmouth" and i said "ha sya ba un? bakit parang..." hahaha.. anyway it was nice to finally meet you at sa very meaningful way pa.. tama si senyor matagal na kitang inaabangan haha! thank you sa pagsama sa outreach ng PBO.. next time ulet ah! dami ko tawa sa "isubo mo na!" lols

MEcoy said...

sa wakas na nakabisita na din ako sa sikat mong blog!
haha nice meeting you parekoy!
at see you sa nest outreach aah

fiel-kun said...

awww, kahit may halong komedya ang paglalahad mo ng naging experience nyo sa out reach sa bahay ni maria, ay nakaramdam pa rin ako ng kurot sa aking puso lalo na kwento ng buhay ni Lola Olen.

nabasa ko din sa blog ni Nutty (Erin) yang epal na debutante lols

anyways, gujab to all pbo'ers!

Senyor Iskwater said...

nakakatuwa naman ung comment ni arline na matagal ka na talaga niyang hinahanap tapos...change the subject agad... parang may frustration siya...

Cyron Agustin said...

frustration slash (disappointment?)

June | Life and Spices said...

It's JJ Glen.. NOT June.. hahaha,
I'm very happy and thankful as well that i finally met you idol..ayoko sana lapitan ka pero sayang ng opportunity eh.. lols

It was a nice experience, the lola with you on the pic was the one I assisted. Ang lungkot pag nasasabi nila na wala silang family. How hard must it be? hay, thanks for making this post a little lighter to take.

LJ said...

Congrats sa isang successful na project. I will try my best na makicooperate next time. :D

Bagay naman sa iyo ang buhok mo ah. Okay, move on na tayo sa next topic. :D

joy said...

Nice reading your story about the event. Katuwa ang experience mo ng pagpapakain kay lola:)
First time visiting yata dito:)
Until next time again:)

ZaiZai said...

Thanks at nakasama ka Glenn! Real nice meeting you, I'm sure same ang na feel ng other bloggers na fans mo :)

Mukha naman ngang nabusog si Lola Olen kahit minadali ka nya na pakainin sya :)

Sama ka ulit sa sunod na pasabog event ng PBO ha, see yah! :)

Dhianz said...

ur still as funny as ever... nakakaliw kang mag-blog... anyhoo... join akoh... sama naman akoh sa outreach nyo pag nag-vacay akoh dyan sa pinas... ha... aight... love wat u guyz doin'... keep it up... and Godbless!

KULAPITOT said...

alam na kung sino nakasira ng bench hahahaha ... nice meeting u glenn

Anthony said...

Bakit po kayo may picture na katabi si sister? #issue

Congratulations sa iyong buhok at sa lahat ng bumubuo ng PBO! Isang malaking bagay ang inyong naihatid sa mga lola, kahit simple ang paraan ay malaki ang kasiyahang dulot. Godbless sa lahat ng mga kapwa blogero na sumama!

Michael said...

Howmaygas Glentot! Bakit ang taba mo sa pektyur?! LOL. Juk lang.

Nice to be back here. :P

Senyor Iskwater said...

Natuwa naman ako sa malisyosong comment ni Anthony...hihihihi

Maya said...

Nice naman. :) sama next time. Cheers!

Traveliztera said...

Nakalimutan ko pala magcomment dito... E gustong gusto ko pa naman tong post na toh! Haha!

Naloka naman ako sa nagdebut... Pero baka kasi gusto niya nga na at least pagdating sa inyo, hindi na sila busog ahehehe

Swerte ni Lola Olen a... Ikaw pa yung pumili sa kanya.. Isa itong honour sa kanya hehehe :P

Natawa ako sa gulay hahahaha!

Basta cute ni Lola... Ikaw talaga Glen... Sumbong kita kay Lola sa picture nya ! hehehehe pero cute :D

Nu gnawa mo dyan sa bench hah!? :P

Nong Inong said...

Congrats sa inyo, ang dami nananamang napasaya ng PBO!, ang kulit ng tanong mo kay Sister haha! At ikaw pala ang may sala sa upuan na nasira na nakita ko na sa ibang mga entry para sa Bahay ni Maria outreach! haha

KikomaxXx said...

eik... dami niyo palang nakasama sa PBO..

Stephanie Beliaco - Pablo said...

magandang adhikain ang makapagkawang-gawa :) kudos :)

isinama ko ang blog mo sa links ko...had fun reading your blog! carry on :)

aL said...

Tambling naman ako sa entry na to. Jeskelerd!

k0tz said...

hahaha.. kaya siguro hindi na nagdala ang nagdebute ng food kasi nanjan naman daw kayo. hehehe.

Swerte naman ni lola Olen! Si Master Glentot ang taga subo nya. hehehe.

Congrats sa Outreach!

Anonymous said...

na touched naman ako sa post na ito...its nice to know that there are still good hearted people :-)

chard.policarpio@gmail.com said...

Hahaha! Congrats Glentot! Isubo mo na! Lol.. Sama ako sa next outreach.. :)

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding