celebrity overnight

Ano kaya ang pakiramdam ng sikat? Masaya siguro. Unless sumikat ka for the wrong reasons, something na nauuso ngayon dahil sa pagiging prevalent ng mga smartphones, mobile Internet, at social networking sites. Remember Gwidougie na sumikat dahil nahuli siya ng Tatay nya wearing a wig and recording a Gwiyomi video? I think it started a trend.

Sa aking pananaliksik (wow) sa Facebook may mga nakalap akong mga examples ng mga taong nakakuha ng attention, whether wanted or unwanted hindi ko na masasabi, for something stupid, sad or both. It's up to you to judge if they are just attention seekers, or if they really need help.

Bang-bang Gentleman



Medyo matagal na itong video na ito, I think right after sumikat ang Gwidougie. This was posted on his Facebook profile with this caption:

Sabi nila mag gawa daw ako ng Gentleman. Eh sa labas kame nag gawa kasi madilim na sa loob ng bahay. Eh ang tanga ko pala kasi sa kina dame dame ng pag vivideohan sa tabi pa ng BANG BANG yan tuloy nahulog ako. XDD Panuorin nyo. Ü

If you watch the video you'll see na nahulog nga siya sa kanal but I suspect this is intentional. Most of the comments na nabasa ko said it was fake, staged etc and I agree. Not only did his fall look contrived, but the expression on his face right after the fall was like he was expecting it to happen.

Nevertheless I think umabot ito sa TV Patrol. I did not like this because for me it's not a good way to get attention. It's not even a parody, it's an attempt to create a funny scene like Gwidougie. Who knows what this guy, or others like him, are willing to do just for fame?

Gra Danica



This is just sad. Hindi ko alam kung aware kayo sa existence ng batang ito but he gained some followers for very wrong reasons. Biktima siya ng cyberbullying dahil sa mga "selfie" pics niya. It's easy to see na mahilig sya sa contact lens. This either enhanced or worsened his facial features, depending on who's looking. Majority ng nababasa kong comments sa kanya ay nagsasabing kamukha nya si Gollum.

Moreover, yung facial expression nya sa karamihan ng pics kung saan nakakunot ang noo nya habang nakangiti ay either style nya lang, or masakit na sa mata ang contact lenses nya at naiirritate na. Parang naluluha nga ang mata ko kapag nakikita ko yang picture na yan.

Maraming bashers, meron ding mga defenders. I'm starting to feel sorry for this kid, who gets hundreds of comments about his face. But then again, he made those pictures public. Gumawa pa siya ng FB Fan page at inimbitahan ang lahat (bashers included) na i-like.

I don't get the logic in that. Especially since he posted this:
yung mga taOng wala padin awa kahit nagmamakaawa ako na tuldukan na nila yung pang Lalait saken o sa iba pang dumadanas ng pangungutya ng iba dahil sa itsura .
siguro binigyan kayo ng Magandang mukha at sana gamitin nyo din ito sa Maganda paraan.
Kung ayaw talaga nyang laitin siya online, pwede nyang idelete ang Facebook page nya and keep a private profile kung saan mga kaibigan lang niya ang nakakakita, and the bashing will stop. Why did he have to entertain bashers? It's almost like he's asking for it.

Para ba sumikat? Is it worth it?

Selfie Girl

If Gra Danica's pics are sad, I don't know what to call this next one.


The story: nadulas si Ate sa sahig at nabagok ang ulo niya and, judging by the blood on the floor, it looks like masama ang bagsak niya. Normally ang gagawin natin sa ganitong sitwasyon ay humingi agad ng tulong, o kaya subukang makabangon. Inahin niyo si Ate. Picture-picture muna sabay upload.

Maraming nag-react sa picture na ito because the "selfie" thing has been taken too far. If I lost this much blood, I'll grab my phone to call for help, not to take my picture. At kung nakatawag man ako ng tulong at gusto ko talaga magpicture-picture, I will never upload it for everyone else to comment on

Tingin ko hindi naman niya ginawa ito para sumikat. In fact she posted this:
MGA PUTANG INA NYO WALA AKO GIGAWANG MASAMA SA INYO MGA GAGO PAKELAM NYO KUNG MAG PICTURE AKO NG GANUN LAHAT NA NG PANLALAIT NASAGAP KO SA INYO AH ? KALA NYO DI AKO NASASAKTAN AYOS LANG YANG KING INA 'NYO GAGANTI DIN YAN SA INYO .\. AKO PASIKAT ULOL KAYO NGA PASIKAT EH ALAM NYO NA NGANG GANUN YUNG TAO LALO NYO PANG DINADOWN KING INA NYO. TAO DIN AKO KATULADS NYO NASASAKTAN AT NAGKAKAMALI MGA ULOL ! ;'(
Sa post na yan I'll guess OK na siya sa pagkakabagok nya at hindi masyadong napuruhan.

I do hope na hindi sila sumikat, only for this reason: baka gayahin ng iba. If Gwidougie inspired the "Gentleman Fail" video, natatakot ako sa kung anong pwedeng mainspire sa pictures na ito.

Pinatulan ko talaga ang topic na ito eh. Dami kong time!

DISCLAIMER I don't own the pics, just grabbed them off Facebook. If you own the pictures and want them removed from this site, please contact me. Thank you.

49 comments. Post your comment here.:

Senyor Iskwater said...

WOW ikaw na maraming time! heheheh..

Natuwa naman ako sa ka-fez ni Gollum!

Si ate Gra sana napuruhan ng nabawasan ang mura sa king inang timeline niya!

hhyyyyyy... mga famewhore nga naman!

Bino said...

May limitation din kasi talaga ang mga selfie pics etc

khantotantra said...

shemay yung si selfie girl!!! naaksidente na at lahat, nagpicture pa! wagas! tsk tsk tsk...

yccos said...

wagi naman tong mga to... pero, kelangan nila ng awa at matinding intervention para mapag iba ang meaning ng pagpansin at bullying.. akala kasi nila they are just gaining attention for the attention itself, hindi nila alam, nabubully na sila.. something is damn wrong with this people, either sanay sila na nilalait and it became normal or kulang sila saa paligo este pansin pala.. hehehe

akoaysalbahe said...

potah! nabiwisit lang ako sa kanila. sa mga ganitong pagkakataon ako humihiling na sana pabilisin ang evolution. lol!

Pao Kun said...

I've seen those sa feeds ko.

I remember defending Gra Danica (Not knowing his name by then) on one of my liked FB pages. Grabe kasi.

Another instant sikat by cyber bullying is Totoy Brown if you know him (in FB) by any chance. Actually, hinahanap na nga sya ni Alodia. Haha!

Mr. Tripster said...

I'm usually a bigshot in commenting (dahil egoistic din ako at pasikat). But I really have no words to put together and no words convey my feelings about these half-wits.

And as for cyber-bullying, well, i don't know. Masama ba ang comment ko na ganyan? Siguro dapat kong pag-aralan ang definition ng cyber-bullying and learn more about etiquette in the internet, if there's such a thing.

Anonymous said...

these kids badly need help. nakakalungkot na maraming sasaktan o gagawing tanga ang sarili para lang sumikat.

June | Life and Spices said...

There was a serious hint on your post. Nakaka bother yung second topic.. nakakaumay. Tinignan ko pa yung page - malaking pag kakamali ko..

And the last one, well, it was her mistake in the first place. How could you even go and take you picture if you're harmed and all. Mga loko e. hay

Jenny said...

Hi Glenn,namiss ko na ang post mo. Nakita ko na sa news feed ko yung first at second, natawa ako dun sa video, dun naman sa second picture e, nanakit bigla ang pupils ko. Expired na siguro yung contact lens ni koya kaya namula na ng husto mata nya. Yung 3rd one,hindi ko nabalitaan yan. Pero nakakabother tignan. In short "parang tanga lang". Naumpog na, talagang pinost pa na duguan siya?
Dapat yung mga nagsasabi na "Facebook ko to, kaya kahit ano pwede kong ipost, wala kayong pakealam", eh dapat tandaan ang salitang "freedom of expression", oo may rights tayo na ipost and sari-saring kaek-ekan sa buhay natin pero always remember na "may freedom of expression" din ang iba para komentuhan ang nakikita nila lalo na sa social networking sites.

Akala ko mapapasama dito yung mga pinopost kong picture na mukha akong "Halimaw", buti nalang siguro hindi mo sila nakikita sa news feed mo. Hahaha!

Dhianz said...

buti kaw sumikat sa pagiging awesome cute funny great writer blogger... wooohoo! lol.... much love! later and Godbless! -di

88-Nutty Thoughts-88 said...

grabe naman si ateng duguan.....
literal na buwis buhay para lang sumikat?
lols

MEcoy said...

hmmm mejo di bumebenta saking ung mag ganyang
video ewan ko i find it desperate!
kay Gra danica, hmm mejo nakikita ko na yung pic nyang yan, pero di ako aware na nabubully pala siya kala ko ee sinasadya nya yan eeh
as for that girl, sorry! natawa talaga ko!
selfie ang inuuna kaysa sa first aid?

Mamon said...

So totoo pala yung yung duguang girl. OA na yung selfie ng bagok ulo. siguro naisip niya kung mawalan man siya ng malay at least alam ng sambayanang FB kung ano nangyari sa kanya.

Anonymous said...

Sorry pero I think the girl deserved to be called famewhore and cyber bullying. Parang paglalaslas din ng pulso yan, alam mong di ka mamatay pero ginawa mo lang para makita ng tao nadepressed ka. Yung una, keber.

Anonymous said...

di ka ba mamatay pag naglaslas ka ng pulso? na try na? nyahaha

fiel-kun said...

Awww, mas gugustuhin ko naman na sumikat sa social media in a good manner. Ayaw ko naman nang ganyan lol, yung pinagkakatuwaan at piangfi-fiestahan ng buong bayan ang pic or video mo. Amfanet lungs!

tabian said...

Sa generation ngayon kung ano nalang para makakuha ng attention...at si ateh ha walang patawad, kahit na bagok na eh selfie parin, pero malay baka yun ang resulta ng pagkabagok nya diba?!

you do for fame nga naman...

Momel said...

Oh well, the things people do for their five minutes of fame. At least we cyber bullies have a lot on our evil plates. Ay hindi pala. I am a good cyber bully. I only insult people who need the reality check. Like these fools you have for material, Andoy.

It really makes you wonder. What the hell would you give for a few hundred likes? And when are "Likes" a currency? What happens after your popularity has spilled? These imbeciles are just too distracted, waiting for their likes to roll in, to pay attention. What happens next?

I am seriously pissed.

Mar Unplog said...

desperado na ang mga ganyan makakuha lang ng attention... and the way I see it, successful sila ha! Ang dami nilang nauuto... dalawa lang naman kasi yan eh, may nagpapapansin at may namamansin! Siguro kong babaliwalain lang yang mga ganyang videos or photos, at walang papatol, palagay ko matatahimik mga yan...

Senyor Iskwater said...

90 almost 30 comments pa pala hahabulin ko para manguna bilang komentador mo! It's not about getting famous dito sa blog mo pero nakakainis lang talaga kasi may nanghahamon! Argghhh...!

tadong daniel said...

Wow! ngayon lang ulit ako nakapagbukas ng Blogger ko. Wala ka pa ring kupas! Pero sana, wag nang patulan. hahahaha

Mr.Mischievous said...

Galing mo talaga! Marami talaga ang nagpapapansin ngayon para lang sumikat, yung iba, OA na.

Nhil said...

I didn't know any of these pictures before. Pero wow, kahit na ano lang talaga gagawin para mapag-usapan. Sad.

Ungaz said...

Hindi ko kinaya ang selfie ni ate matapoz mabagok ang ulo...yown pa talaga inuna!very.....bright!lol

Cross said...

nais ko sanang maging online celeb din overnight but i think hindi ko makakabog 'tong mga 'to, lalo na yung last... kakaasar sya!

Arnica said...

Mas marami pa sa nawalang dugo sa ulo nya ang pinakawalang "KING INA" ni ate sa last picture. Nice write-up, Glentot. Wagas ang relevance sa Social Media responsibility. Kung ayaw ma-cyber bully, huwag gumawa ng kabully-bully.

John Michael Bueno said...

Si Glenn di nang aapi yan eh busilak hahahah :))

Renzer said...

Mas hindi ko kinaya yung 30 likes sa basag-ulo pic ni Ate. Kung ako makakakita nan sa timeline ko, baka mag-auto type ng 'RIP' yung daliri ko. Scary.

jhengpot said...

aww! Di ako aware na may mga ganito na palang pangyayari :( lang time eh.. Hehe. I dont get the logic din kung bakit nga ganoon, but i feel for them sa pangba-bash sa kanila ng mga tao.

Pero wala naman akong nakikitang problema sa mga taong gustong makakuha ng attention or kahit hindi talaga nila intention na magkaroon ng atensyon. As long as wala silang tinatapakang iba. Nasa mga viewers rin kasi minsan. Sabi nga ng friend ko "kung naiirita ka sa mga pinopost nya ehdi wag mo tingnan, i-unfriend mo, i-block mo."

JH Alms said...

tatlong proof na medyo hindi na nga talaga maganda ang pagpe-facebook.. hehehe

michymichymoo said...

Hi Glenn! Nice meeting you last time. :)

Nastress ako sa pic, lalo na yung may dugo.. ano ba yun.. :\

Marjorie G said...

Yung beki na nahulog sa kanal at yung isang mahilig naman sa contact lenses, medyo mapapatawad ko pa. Pero si ate na duguan, hindi ko kinaya. Ibang level ng pagpapapansin na yun. At talagang may gana pa siyang magalit ah.

Pink Line said...

i've never heard any of this before.. am i a looser? hehe.. but seriously na-bothered ako dito lalo na dun sa huling picture..oh my gash! i dont know what to say..

Joy said...

Hi! Dropping by to thank you for visiting my blog.
Anyway, nature na siguro ng tao na gusto ma recognized. Kaya lang yong iba ay sa maling paraan. Lucky them na na recognized for something that can contribute something good to this world.
Have a nice weekend:)

Phioxee said...

Disturbing yung pic ni ate. Maba bash ka talaga pag umappear ka sa newsfeed ko. At nakaktuwa naman yung video. Kahit alam kong fake

citybuoy said...

Sabi ng kaberks kong si Andy Warhol, "In the future, everyone will be world-famous for 15 minutes."

jonathan said...

Naunawaan ko naman kung bakit wrong spelling si Ate, kasi nga nasaktan siya ( salbahe lang me) Anyway, kanya kanya yan. Yung advertising nga, kahit kasinungalingan na, go pa rin!

aajao said...

hindi ko lang talaga ma-gets yung huli. WTF lang pagdating sa priority.

O_O

Ms. Leeh said...

ngay.. dito ko lang din nalaman at nakita ang video at mga picss na yan... anubeyerng mga yan.. sakit sa ulo ng mga pinaggagawa nila.. hindi naman kailngang magpasikat sa maling paraan.. lalo na kung ikasisira ng pagkatao mo.. mas okey kayang maging isang simpleng nilalang ..

napadpad lang po dito.. padalaw narin ng madalas :)

ZaiZai said...

kakaloka si selfie girl! parang ako dinugo din bigla sa mga pinag gagagawa nya!

bagotilyoako said...

nung nabasa ko to parang auko na tuloy mag selfie pic.

baka one of these days kasing lala na ako nila :3

hahaha

k0tz said...

d ko pa nakita yung mga yun ah.. lol

itsyourboyjlee said...

Isa sa maramiiing dahilan why I stay away from FACEBOOK.

- Ape

bundokngtralala said...

Sumakit ulo ko kay Gra Danica (but his name's cute.lol)

At nasira na nang tuluyan ang umaga dahil sa selfie ni Ateng nabagok.

Di ko na pinanood 'yung video. Wala na akong time. :))

Nomad said...

Sorry pero natakot talaga ako dun sa may blue contact lens. para siyang naka maskara yung tipong pang the strangers and the purge

Natawa naman ako sa video fake man yun o hindi. hahaha! meron din kaming video ng ganyan nung friend ko pero siya nakabasay nama kaka gentlemen. Hahahaha!

Geosef Garcia said...

A good entry and an interesting blog. Since, I just found this out from Kwentong Iskwater, I'm gonna do some backreading. :)

KikomaxXx said...

ngek i feel bad for them lalo na yung paano nila ginamit ang sarili nila for a wrong reason nagpakajejemon naman kasi eh.. nawala na talaga ang common sense sa mundo..

ikhsan jauhari said...

i thought that the last picture shown here was totally set up.

please visit my web InSight MarkComm - We design and make you look AWESOME!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding