pbo - silid aralan inc

At this point siguro naman hindi na lingid sa kaalaman ng mga mambabasa ang kabutihang taglay ng aking puso. So it should not come as a surprise na sa sumunod na outreach activity ng Pinoy Bloggers Outreach ay sumali ako uli, straight from night shift.

Ang iba sa atin kapag nakarinig ng salitang "outreach" o kaya "charity" ang unang naiisip ay "gastos yan, dami kong bayarin". Actually to my surprise, hindi pala ganoon lagi. Minsan, ang pinakamahalaga at pinakamakabuluhan na mai-aambag mo ay oras at effort. Sa totoo lang halos wala akong nagastos sa pagsali ko sa event na ito dahil sa pagrent ni Kumagcow ng van papunta sa venue at may funds rin para sa food. Si Kumagcow na talaga ang Mapagkawanggawang Blogger Awardee 2013.

Ang napiling beneficiary this time ay ang Silid Aralan Inc located in Rizal, na akala ko eh malayo pero hindi naman pala masyado. Ang idea ko sa pupuntahan namin ay isang public school na napabayaan o nasalanta ng bagyo, dahil ang balita ko eh tutulong daw kami sa pagpipintura ng silid. So laking gulat ko na lang nang pagdating ko sa venue, ito ay isang unit sa isang mall (Montalban Town Center).

Agad kaming sinalubong ng founder ng SAI na si Kuya Arcie at ipinaliwanag kung paano nagsimula ang Silid Aralan Inc. Actually ang bilis nya magkwento at maraming side stories kaya eto lang ang nakayanan kong ma-absorb:

Matapos siyang grumaduate, lumipat siya sa Payatas para maranasan ang buhay doon, at makatulong sa mga taong nangangailangan. Doon nya nakilala ng isang batang babae. Tinanong nya ang batang babae kung ano ang pangarap nya paglaki. Sabi ng bata, pangarap daw nyang maging katulong. Dahil noong panahong yun, ang pagiging katulong ang pinakamataas na naabot ng ilang myembro ng kanyang pamilya.

Tinulungan nila ang batang ito at ngayon, maunlad na ang kanyang buhay. Nakapagtapos sya ng pag-aaral sa tulong ng SAI at inabsorb sya ng company kung saan sya nag-OJT at napaaral rin nya ang kanyang mga kapatid. Big success, compared sa nauna nyang pangarap. Inspiring di ba?

Isa lamang yan sa maraming istorya ng kahirapan sa komunidad doon. Sa piling ng mga taong nangangalkal ng basura at nagpapagpag para makakain, naging layunin ni Kuya Arcie at ng SAI ang makatulong sa mga bata sa pamamagitan ng edukasyon.

"Walang batang bobo, iba-iba lang ang natatanggap nilang oportunidad," sabi niya. And with that in mind, ang purpose ng SAI ay makapagturo ng basic skills sa mga batang matatawag na "bottom of the bottom". Mga batang hirap magbasa, magsulat at magbilang, hindi dahil bobo sila, kundi dahil hindi sila makapag-aral nang maayos.

And that brings our group PBO to SAI. Dahil may nagdonate ng new classroom sa SAI, ang PBO ay nagdala naman ng mga school supplies at tumulong rin kaming magpaint!

Batid sa larawang ito ang napakabuti kong puso...nakabukol eh.



Actually, stress-relieving mag-paint, pero kung ang katabi mo ay ang competitive na si Senyor Iskwater na maya-maya ipapaalala sa iyo na yung gawa daw nya ang pinakamahusay, nakakastress sya.



Tumulong rin ang mga bata sa pagpaint ng mural nila sa wall. Batid sa larawan na masaya si Marge sa kanyang pagtulong:



Sa ganitong paraan natanggal ang hangover ni Kumagcow. OO galing siya sa inuman at lasing-lasing pa pero sumama pa rin sya, so what's your excuse? (LOL jk lang)



Some of the kids and Kuya Arcie, the founder:



So yan matapos ang event, kumain kami sa bahay nina Kuya Raffy at nakinood ng grand finals ng Kalokalike. Then we went home baon ang masayang feeling na somewhere in the world we made a little difference. Ang saya. You can see it on my face.



Photos: Zaizai

Pasasalamat: Sa mga bumubuo sa SAI, sa hospitality ng pamilya ni Kuya Raffy, at sa mga fellow attendees na naglaan ng oras at effort. Who would have thought na enjoyable pala talaga ang mga ganitong activities? It woudn't have been as fun as it was without you guys! Till next time.

32 comments. Post your comment here.:

Bino said...

Kudos ulit sa PBO! Hong yomon naman talaga ni kumagcow!

khantotantra said...

congrats sa PBO! At mukang sa next outreach ay makikita ka namin ulit sa pics :D

Mar Unplog said...

Congrats PBO! Congrats din Glentot! Nakakadalawang outreach ka na!

At na stress ka talaga kay Senyor Iskwater hahaha

Rix said...

Sana po kasama kayo sa feeding program this Saturday ahahaha. 2 outreach na ako absent :D

Jei Son said...

Congrats PBO

Bulingit said...

mag-a-outreach rin kami dito sa cebu. sa isang magandang remote island. magdodonate ng school supplies sa mga bata. hahaha

Senyor Iskwater said...

wow ha...hindi ako aware na na-stress ka sa pagka-competitive ko... pero in fairness, most beautiful talaga gawa ko... noh?

tabian said...

wow two thumbs up at pat on the back sa bumubuo ng SAI at PBO!!! :)

at glentot ang healthy mo na, try mo kaya mag bra? hehe JOKE!!!!

Joy said...

Very nice work guys:)

KUMAGCOW said...

Lasing ako and I was out of my mind pero it felt good kahit may hangover. Hindi ako mayaman sus. Kayo ang mayaman, kayo ang anak ng dyos!

June | Life and Spices said...

Naka smile talaga while paiting? lols., Nakakamiss mag painting..at isang wall pa yan ha

Overthinker Palaboy said...

1. talagang kelangan basagin si senyor sa post nato? haha

2. iniisip ko kung talagang nag eenjoy ka sa mga otreach o may nilalandi ka lang sa PBO? hahaha. joke lang.

jep buendia said...

nakakataba naman ng puso ang mga ganyang gawain :)

SunnyToast said...

Agree ako na stress ako kay senyor! Kabog pa ang QA! Hahaha! For sure mas na stress ka sa byahe pa uwi ...try nyo kc magtabi tabi mga petite..lol

k0tz said...

nice!!! ang galing naman!ikaw na talaga ang may busilak na puso! :)

zezil said...

This is very nice!!!:D

Sino pala contact person sa PBO? :)

MEcoy said...

haha naku naiingit na ko sa post nina Zai
naiingit nanaman ako dito
hanubayan!
henyway! buti naman at nakasama ka! babait nyo talaga mga parekoy

JH Alms said...

congrats sa muling pagtulong ng grupo ni'yo.. sana matuloy na 'yung joint outreach program ng PBO tsaka BMIM.. hopefully this year..

http://www.blogmoipasuotmo.tk

ahmer said...

glen! parang ang healthy healthy mo ngayon eh non! =)

ZaiZai said...

Thank you for being a real part of PBO Glenn! Sana di ka mag sawa mag volunteer at maging member ng PBO :)

Til next outreach! :)

Zei Maya said...

congrats po at sana marami pang outreach program para sa inyo. :)

fiel-kun said...

Pagpalain nawa kayo ng ating mahal na Panginoon dahil sa mabubuti nyong mga puso :)

Ungaz said...

Nice one idol..Beri beri gud kayo! Next time nga magsuot ka ng bra!umbok ang jugenggay!LOL!!!!

Axl Powerhouse Production Inc. said...

wow.... congrats sa PBO,,, more outreach to go.....

KikomaxXx said...

ayus o.. sana may ganito din sa davao.. :) PBO Davao...

nyabach0i said...

bongga niyo ha! push ang outreach moments na yan.

Marjorie G said...

Akala ko din school ang pupuntahan natin so nalito ako ng slight nang sa mall tayo pumasok. Akala ko tuloy magsa-shopping pa haha.. Anyway it was a fun experience and obvious naman sa pic ko na ang saya-saya ko lang pagpe-paint hehe...

I do wish PBO would have more activities like this, masaya na, nakakatulong pa tayo.

citybuoy said...

You're a regular Rosa Rosal!

Momel said...

Nope. Not buying none of this outreach charity shit, Andoy. You don't have a bone of goodwill in your being. Nope. Those pictures with you on it? Photoshop. You're pulling my long legged legs, that's what you are doing. Really.


Haha, Muahness from Pasig Cirehhh!

Anonymous said...

Naks naman Glentot! Level up ka na tlga. Namiss ko tuloy ang teaching. Hehe. See you guys soon

jonathan said...

Lagi kong nariribig itong name mo sa ibang blog so I bloghopped. Ganda naman ng adhikain ninyo. Sana makasama ako minsan kung kalangan ng volunteers. Mega volunteer din ako before, may oras kasi. Hindi nga kailangan ng puro pera, oras lang puwede na. God bless!

thegirlbehindthecrazyworldofher said...

love your blog and I enjoy reading your post.. I also joined the Pinoy Blogger Outreach page in fb, but I hope I can also participate personally..

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding