strange women - girlie

Ang tagal kong hindi nakapag-update sa aking Strange Women series ah. It's been a while nung naikwento ko ang mga kabalbalang kinasangkutan ko sa piling nina Kathy, Teresa at Katrina/Bugoy. Sa sobrang tagal, binura ko na yung mga posts na yun 'coz it's time to start anew.

Ang kuwento ko ngayon ay tungkol sa isa pang kakaibang girl na nakilala ko back in college. Hindi naman sya masyadong "strange" dahil wala naman siyang masyadong kababalaghan sa katawan. Hindi naman siya horny, klepto o may itinatagong lihim.There's just one thing she did na hindi ko makalimutan 'coz it made me shit and now I'm gonna tell you and hope you're gonna shit too.

Nagsimula ang lahat kay Kuya Benito, kaibigan ko noong college. Right after graduation, nakatambay lang ako sa bahay isang araw nang biglang napadaan siya sa amin. Just a little trivia: si Kuya Benito ay BABAERO of biblical proportions. Bawat kilos, bawat pagdilat ng mata niya, bawat lingon, ang hanap nya ay babae. Bawat hininga, hibla at himulmol ng katawan nya ay naghahangad ng babae. Sariwa, maganda at batang babae. Ok, optional yung sariwa, maganda at bata. Basta babae.

Sa aming pag-hangout sa kalye sa labas ng bahay namin nabanggit nya na nagbukas sya ng computer shop at naghahanap siya ng bantay, kaya nagpresinta ako since tambay rin lang naman ako noong panahong yun.

OK naman maging employee ni Kuya Benito. Madalas akong maunang dumating sa shop. Inaantay nya pa kasi tumila ang hangover nya bago siya pumasok. Pagdating naman nya, aalis siya para kumain. Tapos pagbalik niya, magra-Ragnarok na siya. Kapag nagsawa siya sa Ragnarok, Badjojo naman. Kapag nagsawa na siya, uuwi na siya. Minsan naman, magyayaya siyang uminom at bawal tumanggi. Siya daw ang boss kaya siya ang masusunod. Aangal pa ba ako?

Si Kuya Benito, kung saan-saang text clan sumasali. Oo mahilig siya sa ganun. Doon kasi siya nakakahanap ng chicks. Magsisimula sa patext-text, pameet-up meet-up hanggang sa magkadevelopan at magkahubaran ng undies.

One time sa kasagsagan ng pambababae nya, may ibinigay siya sa akin na number. "May ka-text ako kahawig ni Maui Taylor na morena. May pinsan siya! Itext mo yung pinsan, maganda yun. Bagay kayo!" Turns out, gusto nyang mag-set up ng double date.

Tinext ko naman yung pinsan. Sobrang memorable nga eh. Hindi ko na maalala ang pangalan nya kaya "Girlie" na lang. Galing no? Pinag-isipan ko yan.

Ang sarap lang katext ni Girlie. OK naman siya kaso, maraming typo! Alternate ang upper case at lowercase nya. Minsan naman yung S nya ay nagiging $ at yung E nagiging 3. Sagana siya sa H. I don't mind though, jejejejejeje.

Medyo matagal kaming magkatext sa mga malalalim na topics like favorites, likes and dislikes, mga ganun. Nakailang Unlitxt20 rin ako doon ah. Dumating sa point na parang kilala na namin ang isa't-isa at panahon na para kami ay magkakilala nang personal...

One day nakaupo ako sa cashier's counter at matimtimang nagbabantay ng shop nang dumating si Kuya Benito na parang pinipitik-pitik sa bayag sa tindi ng excitement. "Darating na sila!!!!" and I knew ito na ang araw na itinakda para sa aming grand eyeball.

Maya-maya pa dumating ang dalawang babae. Yung isa maganda, parang maitim na Maui Taylor nga. Pero sa dami ng naencounter kong maitim, siya lang ang rosy cheeks. Di ko alam kung paano nya yun nagawa. Siya ang textmate ni Kuya Benito.

Ang kasama naman niyang babae ay singlaki ng gasul. Siya si Girlie. Tangina rin itong si Kuya Benito eh pahamak mag-match making. Pero kung siya pala ang itinadhanang makatext ko eh bakit ko naman kukwestyunin? Ako pa ba ang maarte sa height?

Habang nag-uusap sina Kuya Benito at Maui, pinaupo ko si Girlie sa tabi ko sa counter and to break the ice, ipinaliwanag ko lang sa kanya kung ano ang mga ginagawa ko doon at pinag-usapan din namin yung mga bagay na napag-usapan namin sa text, etc etc. OK naman siyang kausap sa personal. Palangiti, medyo mahina lang yung boses nya, at may taglay din naman siyang hinhin. Medyo nerdy pa nga sya eh.

Mabilisan kong in-assess si Girlie. Kung hindi mo papansinin ang text nyang mahirap basahin, OK naman siya. Parang laid back na hindi maarte at pwede mong yayain mag-fishballs. Maayos naman siyang magsalita, mukhang may brains at may itsura siya with her wavy long her and mestiza skin.

We were doing just fine until...

"Hmm, pwedeng maki-Youtube?" sabi niya. So in-open ko ang Internet Explorer (oo IE pa uso noon, deal with it). "Anong isesearch ko?"

"Sulutera," sabi ni Girlie.

I have a bad feeling about this but let's not judge...

So natagpuan namin ang gusto niyang video, I clicked play at tumugtog na ang music...



Kung tinatamad kang i-play ang video, this is how the song went, ikukuwento ko na lang (although I highly recommend na pakinggan nyo yung kanta). Nagsimula siya sa konting plucking ng guitars. Tapos biglang may rap, and without missing a beat, sumabay si Girlie sa rap song with matching hand gestures and I feel deep in my heart na kabisado nya ang lyrics. Here are the intro lyrics nga pala:

Isa kang puta ang galing mong umagaw
Putang ina mo sa akin ikaw ay sumasawsaw
Galawgaw ka bitch
Ang kati ng puke mo
Kapal ng tingil mo agawin mo ang boyfriend ko

What... The... Fuck... To say na "nagulat" ako is an understatement. Ang mas appropriate term is "malubhang nasiraan ng bait". Napatitig na lang ako sa monitor. Hindi ko makayang tignan si Girlie na nagkakaganyan... nangingisay sa pagra-rap.

At nakakasindak talaga yung Intro ng kanta. Oo intro pa lang yun. Sa buong buhay ko noon lang ako nakarinig ng intro na "Isa kang puta".

Habang pinakikinggan namin ang kanta at sumasabay sya sa pag-rap ay pinagpapawisan ako nang malamig.

OK as you know I'm always considerate sa mga readers na hindi sanay makabasa ng bad words so I took time to re-write the lyrics na clean version, here goes:
Isa kang fuschia ang galing mong umagaw
Put a little more sa akin ikaw ay sumasawsaw
Galawgaw ka friend
Ang kati ng poodle mo
Kapal ng twinkle mo agawin mo ang boyfriend ko
Lakas ng kutob ko na personal ang level ng pag-interpret nya sa awiting ito, lalo na pagdating niya sa may chorus:

Putang ina mo bitch mangaagaw ka
Sariling boyfriend ko inaangkin mo na
Puta ka ano bang kasalanan ko?
Pukeng ina ginawa mo sakin ito
Trinato kita para kong kaaptid...
Sulutera ka ang galing mong manungkit
Fuck you bitch, boyfriend ko na siya
Tigilan mo na kalandian mo sa kanya 
Syempre ni-rewrite ko uli para hindi kayo ma-harrass:

Put a little more friend mangaagaw ka
Sariling boyfriend ko inaangkin mo na
Fruita ka ano bang kasalanan ko?
Cooking ina ginawa mo sakin ito
Trinato kita para kong kapatid...
Sulutera ka ang galing mong manungkit
Bad ka friend, boyfriend ko na siya
Tigilan mo na curiosity mo sa kanya

OK hindi ko naman siya hinuhusgahan sa kanyang choice of music. Lubusang nagulat lang talaga ako na there's this girl na singlaki ng gasul na puno ng ngitngit at hinagpis. Pakiramdam ko talaga ay may pinaghuhugutan siya eh. Andun yung angst sa emotions nya habang sinasabi niya yung "Ang kapal ng *twinkle* mo.

Tinapos ni Girlie ang kanta tapos nagsearch pa siya ng ibang songs na medyo nasa ganung genre rin. Meanwhile naudlot ang landian ni Kuya Benito at ni Maui. Parang medyo bad trip si Maui nung niyaya nya na si Girlie na umuwi. Naudlot rin tuloy ang pagra-rap nya. Bago umalis sabi na lang niya "Text text!"

Binura ko number niya. Jejejejeje.

Sa paglipas ng panahon nabaon na sa limot ang lahat. Nalugi ang computer shop at nagsara. Hindi nagkatuluyan sina Kuya Benito at Maui. Nabisto kasi ni Maui na meron nang asawa't anak si Kuya Benito. Pero kahit matagal na panahon na ang lumipas palaisipan pa rin sa akin kung ano ang tunay na kaganapan sa likod nina Girlie, Maui, Kuya Benito ang ng awiting "Sulutera".

Sabi ni Kuya Benito, "*Twinkle* na naging bato pa! Shet!"

How about you? May nakasulot na ba sa syota mo? May sinulot ka na ba? Anong rap song ang kinanta mo to let out your frustrations? Tell us!

31 comments. Post your comment here.:

Bino said...

Kawawa naman din si girlie. Nasukutan din ako dati. Relate hahaha

fiel-kun said...

Ayoko mag comment sa sulutan portion hahaha :D

Anyways, hindi ko gusto ang rap na may kasama pang mura sa lyrics. Ang dumi masyado sa pandinig. WTF!

Shiela said...

Gasul talaga. Hahah. Sakit sa tenga ng mga ganyan! Nakakainis kapag nagpapatugtog sila sa shop tapos sasabayan pa nila.

MEcoy said...

ahaha natawa ako sa translations mo! haha mejo relate ako dyan sa texting texting na yan, natandaan ko tuloy ung kwento ng tropa ko na may imemeet silang girl, tas pag kakita nila, di nila nagustuhan tinakbuhan nila, kawawa un girl haha, at natawa pa ko ee nu

khantotantra said...

hahahhah. gumagagong rapper ang peg ni girlie.... yan yung mga sikat na kanta sa mga jeep paakyat ng antipolo na full blast ang volumes. hehehe.

hindi kaya sinulot ni maui taylor lookalike si boss mo from being a textmate

Lakbay Diva said...

teng eneh yen di ko kakayanin katextmate jejemon j3j3j3j3j3

Senyor Iskwater said...

Anlakas ng Trip ni Girlie! Gusto ko 'yung mga bagsakan ng liriko ng kanta... Nakaka-uplift ng soul...

Senyor Iskwater said...

Maganda naman pala ang melody ng song... Nkkka-LSS!!!

tabian said...

bwesit ke aga ang laki ng tawa ko...

lapitin ka talaga ng mga strange glentot, bakit kaya? at si girlie ha, first meet and greet nyo pa lang walang kyeme na show your talent kagad wala ng hiya hiya stage...ang twinkle este tindi ng talent!

napaka life changing!!!!

gillboard said...

Sana nitranslate mo yung buong kanta. mukhang nakakaaliw din yun. hehehe

girlie.

lol.

Ungaz said...

Hahahahaha!demonyito ka glentot!gasul talaga?!twinkle?!hahahaha!!! sayang di mo nakatuluyan si girlie para nagkaanak kau ng keychain!LOL!!!

EssayniPayoyo said...

*matapos mangisay kakapigil ng sarili sa pagtawa*

Wagas ang kwento, Sir. Nanlamig din ako kakapigil ng tawa. Sinubukan kong basahin ulit to na straight face, pero di ko talaga magawa. Mahiwaga yung eksena sa utak ko noong nakatulala ka sa monitor at di mo siya tinitignan.

Gusto kitang mameet, Girlie, pero di tayo parehas ng trip na musika. Pero mukhang magkakasundo tayo sa ugaling walang hiya hiya.

Naalala ko tuloy yung mga eksenahan sa LRT na may makakatabi ako sa pagtayo tapos naka-headphone tas biglang sasabayan yung naririnig na kanta in max voice volume. Kunyari lang tulala ako sa scene sa labas, pero promise, aapaw na yung mata ko sa mga pagbirit na para bang wala sila sa public transpo.

Galing. Hahahaha!

Mar Unplog said...

hahaha napakanta ako ng twinkle twinkle little star! Salamat sa translation hahaha

gord said...

Nakarelate ako kay girlie. Haha.

Salamat sa translation mas naintindihan ko. Lol.

Anonymous said...

Hindi pa ito pwedeng ishare sa twitter?

johnny boy ni phat kid said...

Wadahek yung song. Hahaha!

Momel said...

Haha, karaktir si Girlie, Andoy. Angsty na, obese pa. Hindi akma, pero aminin mo friend (haha), kakaiba yun. Usually eh skinny little gay boys ang ang nage-emo, but who would have thought? Weird. Werd.

Oo, nangyari na sa kin yang nasulutan. Si Five Years naman eh nagpa-sulot. Okay fine, umabsent ako nun ng dalawang araw makalipas ang hindi magkanda-ugagang pag iyak. Pero naka move on na ako. Si Five Years may anak na, pero bumabalik pa rin dito sa amin paminsan minsan para makipag-kuwentuhan ng buhay buhay.

Loob loob ko eh, "Pakialam ko sa buhay mo? Gago."

Walang kanta kantahang naganap, friend (haha, aliw). Move on move on din, pag may tim... ops, di ko tinapos.

Haha, publish na to oh! Muahness from Pasig Cirehhh!

JH Alms said...

safe din kasi ako noon pagdating sa mga ligawan kaya tiyak akong wala akong nasulot at hindi naman ako sinulutan ng sinuman..

parang sa panahon yata ngayon eh ang dami nang kabataan ang humaling na humaling sa mga lokal rap songs na 'yan tulad ng Curse One, etc.. hehehe

iambabetski said...

try ko kayang patutugtugin sa bahay.. tiyak may garute ako... awww

alittlerabbit said...

twinkle HAHAHAHA.

HARD SI ATE

Nate said...

andame kong tawa!! yung unang translation, napalakas ang tawa ko, nagtinginan mga officemates ko.. :))))

panalo yung translations!!

salbehe said...

Anong rap song ang kinanta mo to let out your frustrations? Kabet.

Marjorie G said...

Hindi ko alam ang sasabihin ko hahaha.. Nashock daw ako ng slight na may ganyan palang kanta. About your questions no ang sagot hehe...

June | Life and Spices said...

Saved the best foir last para sa aking blog hopping: Makes me laughed again. Read your previous strange woman.. una to second yung umalis sa dorm at pinapakuha gamit sayo na medyo ikinatakot mo? lols

Dhianz said...

bwawaha... yeah may sumulot nang syota koh... lolz... dang! nagulat akoh sa song... i didn't know na may ganyang klaseng kanta... whoa.... wala lang... kalerkei!... nung na-heart broken akoh eh pa-adelle adelle lang akoh... nde ganyan... lolz.... sige napadaan glentot koh!... kahit hiatus hiatusan akoh ehh napapadaan pa ren akoh ditoh sa page moh... much love... ingatz nd Godbless!

ahmer said...

napadaan lang. hehe

ComfortablyKai said...

ohhmeeergeeeddd Glen!!

ahahahaha!!

well.. tinamaa na ko sa korteng gasul.. kea lang naisip ko ung sabe nung friend ko na ndi daw ako korteng gasul.. Coke padin daw ako.. 2 Liters nga lang.. nYahahaha

I enjoyed reading this as usual but I especially love the fact na nilagay mo muna ung original lyrics before the "clean" versions.. damage done.. too late!!! nyahahaha


More Power Glen!!

hana banana said...

kalokaaaaaaaaaaaaaa!!!!!! XD

KikomaxXx said...

hahaha.... yup kinalibutan din ako kay gerlie... hahaha ang daming angst...

jasonhamster said...

pota naman daming beses ko napasigaw ng tawa dito sa office kunware na lang umuubo ako. haha!

parang ruffamae lang - pakyu ka friendddd

Osang said...

i feel you brad! dami kung nakakasabay na mga ganyan sa internet cafe nuon, bigla nalang mg.rarap ng bongga2x na feel na feel talaga nilang concert na nila... those were the days na wala pang internet sa bahay... hahahahah

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding