iska

OK naghalungkat ako sa lumang baul ng mga drafts at nahanap itong post na ginawa ko three years ago pero hindi ko naipost for some reason. Naisip kong ishare ito ngayon dahil malapit na ang Halloween at gusto ko ako ang mauna sa mga horror posts. Yes I know it's July. Sue me.

Noong second year high school (2001) ako may ikinuwento sa akin ang pinsan kong si Kuya Jaja na hindi ko talaga makalimutan. After seven years muli kaming nagkita, at ipinakwento ko uli sa kanya ang mga pangyayari.

Si Kuya Jaja ay nais kong ilarawan bilang confused. Hindi kasi namin malaman kung bading ba talaga sya o trip-trip nya lang. May nagdaang phase sa buhay nya na napahilig sya sa pagsasayaw, sumasali pa sya sa Eat Bulaga. Tapos bigla syang mag-uuwi ng girlfriend sa bahay. Tapos may panibagong phase sya, ang kanyang Melanie Marquez phase, kung saan napakahaba ng kanyang curly hair at nagawa nya pang mag-Japan. Pag-uwi naman nya, nagkaroon sya ng Emilio Garcia phase, at may girlfriend sya uli, ang pangalan eh Annabelle. Pero habang girlfriend nya si Annabelle, napapanaginipan naman nya ang kuya ni Annabelle. Basta, ang gulo nya noon. Pero ngayon eh may asawa't anak na sya.

Ang kuwento nya sa akin ay kung paano syang muntik maaswang ng bestfriend nyang si Iska.

Let me tell you beforehand na ang pinsan kong confused ay mahilig manggoodtime. Minsan binigyan nya kaming mga bata ng candy. Sabi nya natutunaw daw yung wrapper sa dila, parang White Rabbit. Nangawit na kami sa kakanguya, buo pa rin yung wrapper. Tapos sabi nya lang "Ay hindi pala." With that said, hindi ko masigurado kung ilang porsyento ng kanyang kwento ay katotohanan at ilang porsyento ang gawa-gawa, guni-guni o trip-trip.

But you know what's freaky? Kung paano nya ito ikinwento noong 2001, ay ganun pa rin ang pagkakakwento nya noong 2008. May consistency. So hindi talaga ako sigurado kung kathang-isip nya lang ito, o nangyari talaga.

Nangyari ito sa kasagsagan ng kanyang Melanie Marquez days. Ang trabaho nya noon eh nagcho-choreograph sya ng mga dancers na gustong mag-Japan at kasamahan nya sa trabaho at roommate si Francis, na mas gusto nyang tawagin sa nickname na Iska.

"Noong panahong yun, almost twenty years na kaming magkaibigan ni Iska."

"Pero alam mong may lahing aswang sila?"

"Oo, siya mismo ang nagsabi pero hindi naman ako natatakot kasi kaibigan ko naman sya. Pero dumating yung araw na parang marami akong napapansin na kakaiba."

Madalas daw nyang mahuli si Iska na ginagamit ang toothbrush nya, kahit meron naman itong sariling toothbrush. At nagpipilit rin daw si Iska na gamitin ni Kuya Jaja ang mga gamit nya, gaya ng suklay o tuwalya. Sabi ni Iska, swerte daw yun kung gagamit ka ng personal na gamit na pagmamay-ari ng aswang. Wow.

Napapansin rin daw nya na kapag sabay silang naglalakad ni Iska, binabagalan ni Iska ang lakad nya at pinapauna si Kuya Jaja, lalo na sa makikipot na corridor o kaya hagdan. At nararamdaman ni Kuya Jaja na hinihipan ni Iska ang batok nya...

One time naimbitahan si Kuya Jaja na umattend ng birthday party ng kaibigan nyang si Jobel sa Nueva Ecija, pero bago bumyahe papunta doon, inimbita muna sya ni Iska na sumama sa bahay nila somewhere sa bandang North (di ko na sasabihin kung saan mismo) at doon mag-overnight.

"Sa twenty years namin na magkakaibigan, noon ko lang makikita ang pamilya nya."

Nagtaxi sila at ihinatid sa bahay nila Iska na medyo liblib na parte ng isang subdivision. Nilalandi pa raw ng pinsan ko yung taxi driver habang si Iska eh nakaupo lang sa likuran at tahimik.

Pagdating sa bahay nila Iska, ang unang napansin ng pinsan ko ay wala silang kuryente, pero ang ibang mga bahay sa malayo ay may ilaw. Ang bahay nila ay napapaligiran ng mga puno ng saging. Umaambon pero maraming tao sa labas ng bahay, at hindi sila nagsasalita, palakad-lakad lang, at walang bumati sa kanila.

Bago pumasok sa bahay, iniwan ni Kuya Jaja ang payong nya sa may pintuan. Noong ipinakilala sya sa Nanay at mga kapatid ni Iska, tinignan lang daw sya.

"Sabi ni Iska, maupo raw muna ako sa sofa habang kinakausap nya sila sa kusina. Past midnight na yun."

Habang nakaupo sa sofa, nagmasid-masid lang si Kuya Jaja. Nakakalat ang mga kandila sa sala ngunit madilim pa rin. Maya't-maya, may mga babaeng pumapasok sa sala at dumidiretso sa isang kwarto. Ang napansin ni Kuya Jaja, kahit madilim ay mabibilis silang kumilos. Lahat sila ay hindi sya pinapansin. Basta pasok lang sila nang pasok sa isang kwarto, pero napansin nyang walang lumalabas.

Ilang minuto nang nakaupo si Kuya Jaja sa sofa nang mapansing may katabi pala sya dun na tahimik lang na nakaupo: isang malaking asong itim. May phobia sa aso ang pinsan ko, at tinawag nya agad si
Iska.

"Punyeta ka alam mong takot ako sa aso!"

"Hindi naman nangangagat yan,"

"Kahit na..."

Dahil doon, pinapasok ni Iska si Kuya Jaja sa isang kwarto. Sa loob ng kwarto may isang double deck, at nakaupo sa lower bunk ang tatlong babae. Hindi pa rin sya binati, at pinaakyat ni Iska si Kuya Jaja sa top bunk.

"Isa lang ang napansin ko sa mga babaeng yun. Silang tatlo, iisa ang mukha. Nakakakilabot."

Medyo natatakot na sya noon, at naiinis kay Iska. Gusto nyang magyosi pero hinintay nya munang umalis ang tatlong babae. Pagkaalis nila, dali-dali syang bumaba at lumabas ng kwarto. Sa daan palabas napasulyap sya sa kusina at yung nakita nya, hinding-hindi nya malilimutan...

"May lalaki sa kusina, at sa harap nya, nakalapag sa lamesa ang isang palayok. May lamang karne ang palayok. Dumukot sya sa palayok ng isang slice, at kinain. Dumukot sya uli, pero sa halip na kainin nang normal, tumingala sya at saka ihinulog sa bibig nya ang karne. Habang nginunuya nya yun, kumakawag-kawag yung kamay nya sa ulunan nya na para syang nalulunod. Tapos nun, dumukot uli sya sa palayok at kinain nang normal. Paulit-ulit siya sa ganun. Hinanap ko na si Iska para magyosi sa labas."

Paglabas nila, hindi na umaambon. Madilim pa rin, pero wala nang mga tao.

"Alam mo, malapit lang dito ang bahay ni R-V- (isang male bold star noong 90s). Gusto mo puntahan natin?" yaya ni Iska.

Sumama naman si Kuya Jaja at naglakad na sila sa mahamog na daan. Ang pinsan ko, napakalabo ng mata, kaya hindi nakatulong sa kanya na kumakapal na ang hamog sa nilalakaran nila. Matagal na silang naglalakad pero kapag tinatanong nya si Iska, ang sinasagot lang nya lagi eh "Basta malapit na."

Parang kinukutuban na sya na hindi talaga sa bahay ng isang boldstar sila papunta. Para mawala ang takot, ipinapagpatuloy lang nya ang pag-uusap nila ni Iska.

"Ang ipinagtataka ko, noong naglalakad kami magkatabi kami, pero habang tumatagal, noong hindi ko na sya naaaninag, parang yung boses nya nanggagaling na sa likuran ko. Pinapauna na naman nya akong maglakad."

Hinanap nya si Iska, halos sumigaw na sya. Sumasagot naman si Iska, pero parang papalayo ang boses nya.

"Nasaan ka na ba? Saan na tayo pupunta?"

"Diyan lang, sige lakad ka pa, mauna ka."

"Bakit ako mauuna eh hindi ko alam ang daan, ikaw ang taga dito."

"Basta diyan lang maglakad ka pa."

Takot na humakbang ang pinsan ko noon kasi pakiramdam nya ipapahamak talaga sya ni Iska, at hindi nga sya nagkamali. Tumigil siya sa paglalakad at naaninag nya sa makapal na hamog na napapaligiran sya ng mga aso.

"Ang dami, mga twenty at pare-pareho ng kulay, nakapalibot sa akin. Galit na galit ako kay Iska at sabi ko, bumalik na lang kami sa bahay."

Tahimik silang bumalik sa bahay, hindi nag-uusap. At pagdating nila sa labas ng bahay, marami pa ring mga aso.

"Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, noong mga oras na yun, na yung mga aso eh yung mga bisitang babae."

Pagdating nila, sinalubong sila ng kapatid ni Iska para sabihing pwede na silang kumain. Wala naman syang napansing mali sa inihanda nilang pagkain, o siguro dahil na rin sa pagkainis nya. Ang gusto na lang talaga nya ay makaalis doon.

Matapos kumain, nagpaalam na sya kay Iska.

"Ang aga aga pa. Mamaya ka na umalis."

"Eh pupunta nga ako kina Jobel di ba alam mo naman yun."

"Mamaya na lang."

"Hindi ngayon na."

"Sige umalis ka na!"

Nagulat sya sa isinagot ni Iska, kasi hindi naman sya talaga ganun.

"Hindi mo ba ako ihahatid?"

"Kaya mo na yan."

Dahil parang pansin nya eh asar na si Iska sa kanya, hindi na sya nagpumilit. Kinuha na lang nya ang gamit nya sa loob ng bahay. Kahit papano, nagpaalam sya sa pamilya ni Iska at lumakad na.

Nakakailang hakbang pa lang sya ng naramdaman nyang umaambon, at naalala nyang nasa may pinto nila Iska ang payong nya, kaya bumalik sya agad. Inabot ng isang kapatid ni Iska ang payong kay Kuya Jaja.

"Alam mo, buti na lang hindi ko ugali na itaas muna ang payong bago buksan," sabi nya sa akin.

"Bakit?"

"Kasi, pagkabukas ko ng payong, may nakasiksik na kutsilyo."

Malaking kutsilyo raw yun at kung nahulog yun sa ulo nya eh malamang na-injure sya at hindi nakaalis. Tinanong nya pa daw si Iska kung bakit may kutsilyo doon. Ang isinagot sa kanya eh "Baka namisplace lang ng kapatid ko."

Hinayaan nya na lang at nagpaalam na uli sya para makaalis na. Malayo pa ang lalakarin nya hanggang makarating sa gate ng subdivision, pero buti na lang at mag-uumaga na kaya medyo maliwanag na rin.

"Habang naglalakad ako, palakas nangpalakas ang ambon at ang hangin, yung hangin parang may kasamang boses, parang alulong ng aso, parang tinatawag nila ako pabalik pero hindi ako lumingon, dumiretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makakita ako ng jeep."

At this point habang nagkukwento siya, naiihi na ako pero natatakot akong mag-CR.

"Ewan ko kung napaparanoid na ako o guni-guni ko lang, pero pakiramdam ko talaga eh may sumusunod sa akin. Kahit saan ako magpunta, kahit anong sakyan ko. Pagdating sa Nueva Ecija, pagbaba ko mula sa bus, maraming beses akong naligaw. Nakakapagtaka dahil napakaraming beses na akong nagpunta doon, pero ngayon lang ako naligaw. Paikot-ikot lang ako sa daan sa paglalakad. Pagod na pagod na ako pero hindi ako huminto."

Pabalik-balik lang siya pero siguro nagsawa rin kung sino man ang sumusunod sa kanya, dahil natunton rin nya yung bahay na pupuntahan nya.

Matapos ang pangyayaring yun, bumalik si Kuya Jaja sa pinagtatrabahuan nya at sa kwarto nila ni Iska. Wala na si Iska noon, at hindi na nagpakita sa kanya. Maraming buwan ang nakalipas nang makatanggap sya ng isang sulat galing kay Iska. Sa sulat, inilahad nya lahat ng sama ng loob nya kay Kuya Jaja na kinikimkim nya nang napakatagal. Napakarami pala nyang hinanakit, inggit at kung ano-ano pa. Ultimo yung R-V- na male bold star noong 90s, nadamay sa galit niya.

At tinapos nya ang sulat sa pagsasabing tinatapos nya na ang kanilang pagkakaibigan.

At yan po ang kwento ni Iska ang baklang aswang. The End.

Fact? Fiction? Happy Halloween!

32 comments. Post your comment here.:

khantotantra said...

early halloween talaga....

hala, baka nahumaling si iska sa kuya jaja mo. yung one sided love ganun.... e kaso me lahi... half-breed (aso?) lols.

John Michael Bueno said...

So kailangan pala bading ang aswang, hindi kaya pink yung mga aso #IkonekMoYan LOL

Senyor Iskwater said...

Napa-hhmmmnnnn ako sa ending... Di ko gets... 'Yun na ba 'yun? Nabitin ako... Mahaba pero engaging kaya lang I was waiting for more suntok sa bandang huli... Sayang lang 'yung kaba ko! Tsk... Pang-April Fool's ba 'to?

Mr.Mischievous said...

waaaaaaaaaah nakakatakot kaya lang bitin!

glentot said...

@Senyor Iskwater sorry ha! Sana pala napatay na lang ni Iska si Kuya Jaja para may magandang ending! Lol

tabian said...

feeling ko nagkatuloyan na si Iska at si R-V the boldstar and they lived happily ever after with their many dogs (mema ending lang)...
nga pala kamusta na ang kuya Jaja mo, ateh na ba? naresolve ba naman ang confusion nya?

jhengpot said...

Patayin sa shokot si Jaja pala ang gustong i-peg ni Iska... Iskeyri!!!

joeyvelunta said...

Hahahaha parang ibang pang-aaswang ang balak gawin ni Iska kay kuya Jaja. :)))))

Eagleman said...

wew nabitin ako dun ah hehehe ^_^ na wirduhan ako sa lalaking kumakaen ng nakatingala.

ano na kaya nangyari kay iska ngayon? feeling ko hindi pa full pledged aswang si iska noon..tapos para maging full pledged aswang sya need nya matikman si kuya jaja.. eh mas matimbang kay iska yung pagkakaibigan nila kaya hindi nya nalang tinikman si kuya jaja... yung tungkol naman sa kutsilyong nasa payong baka yung kapatid talaga ni iska naglagay nun kasi gusto nung kapatid nyang maging full pledged aswang na nga si iska.

wahahaha! haba ng comment ko ^_^

Jepoy said...

Structure ka! Nag hihintay ako ng finale, yung tipong kakainin ni Iska yung brain cells ni Kuya Jaja habang nag sex sila. I'm so disappointing so much!

Blog on...

Olivr said...

tingin ko aswang narin yung Jaja. At ibang version na ng kwento yung kinwento nya.

Ms. Leeh said...

enebeyen .. shetness.. sinikap ko pa naman tapusing basahin itong post na ito kahit uwian na at ako na lang ang natirang tao dito sa office.. grrrll.. talagang pinipigilan ko ang kaba ko.. tumayo ang mga balahibo ko.. maagang pa halloween ito ah .. haist.. malamang may gusto si Iska kay kuya jaja.. hihihi.. katakot ang mga aswang!

*inhale exhale*

jonathan said...

Habang binabasa ko ito eh gumagalaw ang mga imahe at paguusap ng mga characters at ako'y kinikilabutan. Ako na mismo ang tatapos sa aming friendship kung sakaling ako ay makatakas sa ganoong sitwasyon. Pang Halloween ba, or Valentine's?

Bulingit said...

ngaks! tumindig balahibo ko, hahaha, parang trending yata yung mga bakla ngayon ah! haha, may baklang nagnanakaw ng mga blog posts, may pope na pro gay, hahaha. ♪♫

JH Alms said...

interesting.. buti hindi napahamak si jaja du'n du'n sa lugar nina iska.. naalala ko tuloy 'yung isang shake, rattle, & roll na andu'n sina manilyn na dumayo sa isang baryo tapos andu'n din si richard gomez (tricycle driver yata role niya du'n), halos ganito 'yung istorya.. hehehe

Zei Maya said...

nakakatakot naman to naiimagine ko yung lugar, yung nangyayari at yung dog kinikilabutan ako. pero bitin ang ending eh

Pink Line said...

nakakatakot! ang weird pa kasi habang binabasa ko to may naririning akong mahinang alulong ng aso..galing pala sa radyo ng cellphone hehe.. buti naman walang nangyaring masama sa pinsan mo at nakauwi rin sya..

Zezil said...

Kala ko lulutuin si Kuya Jaja. Hahaha. Ang weird naman.

fiel-kun said...

Dapat tawagin natin si Juan Dela Cruth. Lalabanan niya si Iska, gamit ang Bakal na Kruth. Ito ay pagiging Ethpada ng Katapangan!

Pero in perness, ang tapang ni Kuya Jaja mo.

Ungaz said...

Bilib ako ke kuya Jaja.Andameng senzyalez na dapat na umaliz agad nagstay parin ng bahagya...Guzto din mapahamak talaga e!Hahahahaha!!!

Momel said...

Tangina Andoy! Nangilabot ako dito ha, grabe, biset! Seryoso, parang naimagine ko l... ehhh, nakakapangilasig!

nyabach0i said...

ANOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO? at ang pinaka paborito kong part na walang atubiling sumama si kuya jaja kay iska ng dahil sa boldstar. anong meron kay RV na boldstar? google ko nga wait lang. i need visual aids! HAHAHAHA.

tadong daniel said...

Pinipinahan ko habang nagbabasa para hindi ma-spoil. May ugali kasi ako na basahin ang susunod na talata bago ang nauna. Yikes! Medyo bitin! Walang conclusion kung ginudtaym lang siya o churvang aswang talaga si Vice Mayor Iska. (Medyo off haha). Nakakakilabot!

June | Life and Spices said...

Magaling ka talaga mag sulat Glen.. pero never ko makakalimutan yung kwento mo sa aswang na entry mo dati sa haloween writing contest.. THE BEST

MEcoy said...

shocks pang shake rattle and roll ang plot ahh
katakot, oks na ko kay sadako wag lang sa aswangers

Marjorie G said...

Ay... ang weird ni Iska, aswang ang peg. I wonder kung totoo ang mga aswang. When I try to dismiss their existence as fiction bigla akong nakakarinig ng accounts about them. Nice, merong early Halloween special haha...

Pao Kun said...

wow! Ang galing nung technique sa payong. Pang ninja!

Geosef Garcia said...

tengene ang freaky!!! pero parang fiction lang e

Superjaid said...

Creepy!! Nakakaloka at nakakapraning habang binabasa ko to kasi naman its 4am, malamig at umuulan sa labas kaloka!!

kalansaycollector said...

creepy. pero fiction! hehe

KikomaxXx said...

kay aga-aga nananakot na.. hehehe.. pero di ko parin maiwasang mapatawa.. hehehe

Anonymous said...

Rodel Velayo ba si boldstar? Haha. Bitin naman. Baka may Facebook si Iska, tignan natin at kapanayamin. Interesado rin ako kung anu-ano ang mga kinikimkim niyang poot kay Kuya Jaja.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding