pbo - blog mo ipasuot mo

Kamakailan lang sumali ako uli sa isang outreach activity. Very recently as in... July 20. OK alam ko late na ako nag-post, bakit kasi inuna ko pa yung story ng pang-aaswang ni Iska sa pinsan ko at yung kababuyang post tungkol sa Google keywords...

A few months ago naging member ako ng PBO (Pinoy Bloggers Outreach) at nakasali ako sa mga outreach activities (Bahay ni Maria, Silid Aralan Inc). This time, ang PBO naman ang naimbitahan ng isa pang blogger outreach group, ang BMIM (Blog Mo, Ipasuot Mo) para makatulong sa isang activity.

Ang napiling beneficiary ay mga bata sa Barangay San Martin De Porres, Parañaque City. Isa sa mga goals ng BMIM ay makapagbigay ng mga T-shirts sa mga bata, but what makes this unique and interesting to bloggers is a blogger can donate and promote his/her blog at the same time, dahil pwedeng ipa-print sa mismong T-Shirt ang iyong URL.



Matapos ang panggabi kong shift sa trabaho, nagkita-kita ako, si Senyor Iskwater and the pretty Marge (pic above) last July 20 Saturday morning para i-meet ang mga organizers ng event. Medyo marami kami, bloggers and non-bloggers alike, kaya medyo nahirapan ang punong-abala na pagsama-samahin kami para makapagpakilala sa isa't-isa.

Dahil malapit lang naman ang venue, nag-taxi kami nila Senyor Iskwater at Marge. I'm mentioning this only because on the way there, nilinlang kami ng Manong Taxi Driver.

"Kuya, alam n'yo yung Malugay Street?"

"Oo."

Sakay naman kami agad. Halfway sa biyahe, nagtanong si Kuya,

"Yun bang Malugay eh sa may etc etc etc" hindi ko na narinig yung ibang mga sinabi nya kasi nagmumura na ako sa utak ko like HALA PUKI KA MANONG SABI MO KANINA ALAM MO!

Nilabas bigla ni Marge ang kanyang iPhone sabay bukas ng app at type ng Malugay Street. Then she gave directions to the driver and suddenly, sabi ng app, "Destination Reached!!!". This portion is brought to you by Waze, available on iOS and Android for free.

So pagdating doon, agad naman kaming inasikaso ng isang barangay official at agad nag-set up ng mga chairs sa isang tahimik na street at tinipon ang mga bata.



Ang daming mga bata ang dumating, halos kinulang sa upuan. Sa pangunguna ng volunteers, nagkaroon ng storytelling at games. Ang bibibo ng mga bata pero hindi rin nagkulang sa kabibohan ang mga volunteers.



Except me. Mahiyain talaga ako in person. And I'm not great with kids. At dahil almost 24 hours na akong gising, nahirapan na mag-focus ang mga mata ko sa mga pangyayari. Dumudoble ang paningin ko. Tahimik lang ako sa isang tabi, nagmamasid-masid. Heto ako sa sulok. Literal na sulok.



Aminado naman ako na wala akong naitulong sa pagpapasaya sa mga bata. Hindi ako nakasali nung naglalaro na sila. Kaya talagang bilib ako sa mga volunteers na I'm sure pagot at puyat rin pero game na game makipagharutan sa mga kids.


After the games, the children were given a piece of paper each, where they were asked to draw what they want to be when they grow up. Yung isang papel na nabasa ko sabi nya "I want to be just like Glentot." Sabi? LOLjk.

Nagpamigay rin ang BMIM ng mga school supplies sa mga bata. Actually, mapapaisip siguro ang iba, mukha namang afford ng mga batang ito ang bags at school supplies. Well, hindi natin alam ang istorya ng kanilang buhay. May mga nakita akong mga bata doon na walang tsinelas, kaya naghihiraman sila. Sana mapadaan dito si Korina one time. So yun, ang mga school supplies, I'm sure may malaking naitulong sa mga bata.



Finally, syempre pinakain rin ang mga kids. Ayan kita nyo ba ang kasabikan sa kanilang mga mata? LOLjk it was a long morning at gutom na ang mga bata matapos ang mga activities nila.



So wrapping it up, I can say it was a success. I don't think there's a child there who went home saying Shet sayang ang Sabado ng umaga ko sana di na lang ako pumunta. The whole experience was educational and fun, not just for the kids but for the volunteers too. Oo kahit nasa sulok lang ako, nag-enjoy akong mapanood sila.



One of the joys of joining activities like this, maliban sa chance na makatulong kahit konti, ay makakilala ng ibang bloggers. Either mga blogs na nababasa mo na noon pa, or mga blogs na hindi mo pa nabasa dati. Sayang kasi hindi kami nagkaroon ng totoong chance na makapagpakilala sa isa't-isa at makapag-mingle na rin, dahil na rin sa dami ng activities na kailangang tapusin noong umagang iyon.


Nahiya naman akong mag-mingle on my own. Ayaw ko silang minglein baka ayaw pala nila magpa-mingle. Nahiya ako hihi. Tuloy, konti lang ang naka-minglean ko. At least kahit papano, nagka-minglean kami. Siguro kapag nakita ko sila uli next time, miminglein ko na talaga sila.

Sa mga nag-organize ng event, salamat sa pag-invite sa amin at pasensya na hindi ako nakatulong sa games, activities, kahit sa pag-distribute ng mga school supplies at ng pagkain. All the credits go to you and congrats sa event na ito.

To my fellow bloggers na nakilala ko that day, it was great meeting you. Hanggang sa muli!!!

To those interested to join BPO, just let me know! Kung gusto nyo rin sumali sa BMIM, please see the link below. If you want to donate and have your URL printed on a shirt, go!

So if your blog URL is something like "pinaycumswallower.blogspot.com" or "pakantot.ph" you will have to reconsider printing, dahil bata ang magsusuot. OK?


Photo Sources:
Blog Mo Ipasuot Mo Facebook Page
Marge Gavan

(In case you're wondering, I did not have my blog link printed on the shirt I donated because of my blog's naughty content. Wow naughty lang?)

36 comments. Post your comment here.:

John Michael Bueno said...

Dear Mr. Mingle,

Kamusta naman ang pagmimingle mo duon? Nakamingle ka ba sa pagmimingle? Baka naman namingle ka kaya ka puro mingle that day. Sanay madami pa kayong maminglean para makapagmingle kayo sa mga lugar ng pagmimingle. Mingle all the way!

k tnx mingle
MingleCOW

Senyor Iskwater said...

Thank you sa pagbibigay ng iba pang meaning sa word na mingle! Ang lusog ng taba mo!

Sana nabanggit din ung starstruck moments ng ibang bloggers sa 'yo! Hehehe

Overthinker Palaboy said...

Glen, ang dumi pakinggan ng mingle-an mo. LOL

At ehem, alam mong diyan sa mga ganyan nakakahanap ng syota at mapapangasawa. Outreach ba talaga ang habol mo o makahanap ng ng makakamingle-an habang buhay? :P

Geosef Garcia said...
This comment has been removed by the author.
Geosef Garcia said...

Iniisip ko sanang sumali, since college pa lang ay mahilig na ko sa mga ganitong service. Kaso mukhang hindi appropriate ang blog ko sa group na to. :)

Natawa ako dun sa pinaycumswallower.blogspot.com at pakantot.ph. In-imagine ko na suot ng bata yung shirts.

khantotantra said...

very updated ang post. lols.
buti na lang at may sosyaling app ang kasama ninyo at natunton ninyo ang malungay street na yans.

hahaha, naku..... slightly bawal pala ang blog ko, slightly bastusin pakinggan. hahhaha

tadong daniel said...

Hello! Meet tayo at magminglean! hahaha. Napakabait naman ni Glentot at sumasali sa outreach! Ikaw na! Magpapatayo na ng rebulto, at ang pose mo eh.... ikaw na bahala! hahaha

mike said...

kudos to BPO and BMIM. i wish i can spare some time volunteering pro distance is an issue. saludo ako sa inyo and to you as well sir glentot.

also, this post won't be complete with some classic words from sir glentot...pinaycumswallower.blogspot.com and pakantot.ph LOL...

joeyvelunta said...

Naudlot yung plano ko noong araw na yun. Dahil Huwebes pa lang alam kong sasama kayo ni Senyor. Kaya may nabuo na akong plano. Una, magdadala ako ng pwedeng sulatan ng fan sign para sana kay kumander. Pangalawa, makipagkamay sa 'yo kapag nakita na kita. Pangatlo, makipagpicturan sa 'yo. Kaso noong nakita na kita, parang naglaho na lahat ng plano ko. Para akong kandila na ibinilad sa arawan, nanlalambot hahahaha Fanboy na fanboy ako kahit ayokong ipahalata eh.

It was nice meeting you sir and Senyor!

Naalala ko bigla yung ipirint ko sa tshirt na ibinigay sa mga bata. Hiram na Kaligayahan, tsk tsk tsk! Baka pinagalitan ng mga magulang nila yung mga batang nakakuha ng tshirt ko. hahaha

Superjaid said...

Nagising ang diwa ko ng mabasa ko yung mingle part. Feeling ko tongue twister na mindfuck na di mo malaman haha nainvite din akp sa event ng bmim last july kaso nung nilipat yung date from 28 to 20 wala na di na ako nakasama. Sayang kasama din sana ako sa nastarstruck sayo kuya glen. Hahaha

Mamon said...

parang PBO ata yun, hindi BPO.

yan ang nangyayari kakamingle e. hinay-hinay lang pamimimingle. :P

Traveliztera said...

natawa naman akong literal nasa sulok ka hahahaha! namiss ko talaga mga ganito! lagi kami nag-a-outreach dati e... sayang sana nakasama ako sa bloggers' version naman ng outreach!

- Steppy

Anonymous said...

actually kasama talga dapat ako nitong araw, kaya lang bigla ako narecall sa work kaya di na ko sumama. nakito ko sana ang idol kong si glentot. lol

-kikilabotz

yccos said...

root word of the day: mingle...hehehe... nakakatuwa tlaga makipagkulitan sa mga kiddielets :D rewarding and fulfilling at nakakawala ng pagod... kahit nakakapagod..hahaha...

Marjorie G said...

Tungkol ito sa mga bata pero bakit parang nahaluan ng kahalayan hahahaha.... Buti na lang merong Waze (wow promote), kung hindi, baka kung sang part na Parañaque tayo nakarating.

Meron namang mingle-an na nangyari eh. Diba nagpa-photo op nga kami sayo hahaha...

Mar Unplog said...

Sana pag uwi ko, maka minglean kita ulit! hahaha

Nakakatuwa ka naman Sir Glentot! Very active ka sa mga outreach!

Bulingit said...

hahaha, ang saya naman, pag nagkita kami ni essa, miminglein ko rin siya :D

Pink Line said...

saya nito..sayang hindi ako natuloy sumama.. well, maybe next time.. cu-cute pa naman nung mga kids.. till next outreach glentot!

Axl Powerhouse Production Inc. said...

ang kulit ba? ilan yan sa mga txai driver eh na kunari alam para mapasakaya ka sa kanila buti na lang iba na ang technology ngaun...

ang saya lang natin dito no..

hapi to meet you sir glennn!!

Kamilkshake said...

Nalungkot nga ako dahil pumunta ka jan.. dahil wala na ako jan.. at idol kita.. eh di sana nag-miglean tayo.. lol.

MEcoy said...

as usual missing in action si mecoy sa event na yan
haha anyway, cucute ng mga bata, nakapaguwi ka ba ng isa?
haha

fiel-kun said...

Huge congrats guys/gals! ang dami na namang mga batang umuwi ng masaya at may ngiti sa kanilang mga labi :) Keep it up!

June | Life and Spices said...

Hahaahh, natawa ako dun sa URL sa last part..

Anyways mukhang mainit ulo mo dun sa pic na nasa gilid ka ha.. antok na masydo.

gord said...

Mingle mingle din pag may time! Haha.

Parang OP tayo dun sa sulok. Lol.

Congrats sa BMIM!

KULAPITOT said...

Hahaha lalo na ang blog ay isubomo.com o kaya tuwadka.ph hahaahah bawal bawal hahaahaha ....

Masarap talaga sumali sa mga gnyan ,, hehehe namiss ko tuloy ang pbo

knickknacksnix said...

sana magkaroon pa kayo ng ganyang activity :))) Godbless !

Joy said...

Pinahanga mo ko sa effort mo na kahit la tulog ay punta pa rin. Your effort to be there tells your desire to contribute. Anyway, saludo ako sa lahat. Very touching ang event. Thanks for sharing. Hope one day, makasama din ako sa outreach. My dream:)

kalansaycollector said...

bongga. busilak ang inyong mga puso. hehe

Umi said...

Ang saya talaga mag give back. Sana ako din, makasali uli sa outreach. :)

KikomaxXx said...

weeee... saya naman :)

ZaiZai said...

cute ng mga kiddos! congrats sa BMIM at nakapag pasaya sila ng mga bata :)

btw, ang taray pala ng waze! sana maya app din na makaka alam kung alam ba talaga ng tricycle driver kung saan pupunta no? haha

Eagleman said...

yun oh!? hehe.. kahit hindi kita nakamayan at hindi kita nakausap ( parang nagtanguan lang yata tayo?) atleast sa litrato ser magkasama tayo hihihi ^_^

yung totoo? nung may nagsabing "si glen yan ng wickedmouth" muntik na ako mapatili dahil na star struck ako..

mingle mingle din pag may time hehe.

steven dela cruz said...

Naks, napakabait oh! hahahahahhahaha.

Good thing that we extend our strength and kindness to these kids. Paglaki nila maaalala nila ang masayang araw na ito. :)

God bless Glentot!

Ms. Leeh said...

hehe .. ang kulit talaga .. hmm.. gusto ko talaga sumali sa mga ganitong programs .. paano po ang sa PBO .. ?

Allen said...

Ayyyy nakakainggit. Sana nakasama din ako. Kung may outreach sa november let me know at dadating ako. ihanda ang red carpet, haha. Pinakita ko to sa mga kaibigan kong nagdonate sa BMIM. natuwa sila in fairness. Mabuhay kayo!

Fanboy said...

Taray~ Ngayon ko lang nabasa. HAHA~ Sana makasama ulet kayo sa susunod ser glen! Para magka-mingle-an na. Hehe.. Salamat po pala ser! Apir~

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding