an in-depth analysis of the mind of a creature who eats kaningbaboy

Yes in-depth ito because I will be using bullet points. Gusto ko kasing sumulat sa MMK. That's right. Matagal ko nang pinag-iisipan kung paano ang format kapag susulat sa MMK. Ang gusto ko kasi eh kung ano ang nakalagay sa sulat ko, yun mismo ang mangyayari sa episode, kaya dapat talaga may bullet points. Hindi pwedeng wala. Baka ngayon pa lang makakatanggap si Ate Charo ng sulat na may bullet points.

Pero hindi tungkol sa akin ito. Tungkol ito sa dati kong officemate.

 Dear Ate Charo,
  • Hi. Kumusta ka ako I'm good and all that. OK Let's proceed.
  • Ganito kasi yun. May officemate ako noon, for the sake of the show tawagin na lang natin siyang Katniss, as in yung bida sa Hunger Games (lalaki po siya, technically).
  • Si Katniss ay:
  1. Baklang mataas mag-tuck in.
  2. Kaya siguro affected ang utak nya kasi ang taas nya mag-tuck in:
  • Meaning hindi na dumadaloy nang maayos ang dugo sa buo niyang katawan patungo sa utak.
  •  It's a medical condition Ate Charo I'm not making this up. I-Google mo yan.
  • So ano ba ang dahilan bakit sumulat ako tungkol sa kanya? Sa totoo lang kasi, ngayon lang ako nakakilala ng klase ng tao na tulad niya such as:
  1. Scavenger
  2. Kumakain ng tira-tira
  3. Kumakain ng panis (I made this up but it's safe to assume na totoo ito)
  4. Kumakain ng left-overs ng iba
  5. Magnanakaw ng pichi-pichi (I'll discuss this with you later)
  6. I wouldn't be surprised kung nangangalkal siya sa basurahan para may makain
  7. Now you know kung bakit Katniss from the Hunger Games ang name nya.
  • Gusto ko ang first scene ng episode ay yung na-hire si Katniss sa office namin tapos pagpasok nya ang taas ng tuck-in niya, kami ang hindi makahinga sa outfit niya.
  • Tapos paki-jump mo na agad sa next scene yung kumakain ako ng fried chicken. Gusto ko ang gaganap sa role ko ay si John Prats. Or si Bugoy Carino. Make this happen.
  • So I was eating fried chicken sa pantry with my officemates. Alalang-alala ko pa na leg part yung kinakain ko. Nakaupo sa harap ko si Katniss, hindi daw siya kakain kasi busog siya.
  • Matapos kong kainin yung fried chicken, Katniss asked "Kakainin mo pa yan?" Sabi ko hindi na.
  • Hala, kinuha ni Katniss yung buto tapos kinain nya yung tira-tirang laman na nakadikit sa bones.
I felt the following:
  1. Disgusted
  2. Slightly naawa baka wala siyang pambili ng pagkain?
  3. But no, pare-pareho kaming sumisweldo ah!
  4. Disgusted
  5. Lost faith in humanity

As it turns out, gawain pala ni Katniss ang magdilihensiya sa pagkain. Ang pera niya, siguro ipinapambili nya ng pants at belts para araw-araw siyang naka-tuck in. I don't know. Who cares about his life story.

Jump to next scene:
  1. Yung officemate kong babae may baon na pork chop with rice. Tapos bumili siya ng burger. Don't ask kung bakit may baon na siyang rice tapos bumili pa siya ng burger. It's perfectly normal.
  2. Katniss enters the scene, eyes on the pork chop.
  3. "Kakainin mo pa yan?"
  4. Sabay tusok ng tinidor niya sa pork chop.
  5. My officemate said "Oo kakainin ko pa!" Sabay tusok rin ng tinidor niya sa pork chop.
  6. "Eh may burger ka na!" sabi ni Katniss sabay hila sa pork chop.
  7. "Kahit na! Kakainin ko pa rin!" sabi ng officemate ko sabay hila rin sa pork chop.
  8. "Sige itong rice na lang ang akin!" sabi ni Katniss.
  9. "Hindi! Kakainin ko rin iyan!" Ate Charo sabi pala ng officemate ko, ang gusto niyang gumanap sa kanya ay si Gretchen Barretto. Get this done.
  10. Naawa ako sa pork chop.
Pwede ka muna mag-commercials dito. Hindi ko pa naisip kung sino pwedeng gumanap sa role ni Katniss. Kung walang available, pwede bang cartoons? Basta mataas ang tuck-in. Gawan mo yan ng paraan. I'm sure ito ang kauna-unahang MMK episode na may animation. Taob ang Magpakailanman.

Right after commercials huwag ka na mag-narrate kasi sayang ang oras. Jump na agad to next scene:
  • Birthday celebration ng isa naming officemate (hindi ko na siya natanong kung sino gusto nyang gumanap sa kanya kasi nakaresign na sya. Suggest ko na lang si Jessy Mendiola. Pwede rin si Irma Adlawan kung wala siyang indie film. Your choice.
  • So birthday nga nya tapos nasa pantry kami lahat para mag-partey-partey sa handa niyang pancit, barbecue, chop suey, cassava cake at pichi-pichi. There's enough for everyone, so ang expectation ko eh wala nang hingian ng leftover na magaganap. Actually ang dami ng natirang pagkain, kaya sinuggest ni Jessy Mendiola/Irma Adlawan na "Itabi na lang muna natin tapos mamayang mga before end of shift, kainin natin uli kapag nagutom na tayo."
  • Hala, nung nagliligpit na kami, nawawala na ang isang box ng pichi-pichi!
  • Kung barbecue ang nawala o kaya yung chop suey OK lang walang issue kaso putang-ina, pichi-pichi ang pinag-uusapan dito. Uminit ang ulo ng mga tao.
  • Ang hinala naming lahat, tinago ni Katniss yung pichi-pichi.
  • You can use some time-lapse scenes dito gaya ng pagfast-forward ng clock or pagkalanta ng flowers to indicate the passage of time and it's now 4:30 malapit na ang uwian at nagugutom na kami at nawawala pa rin ang pichi-pichi!
  • Hala, kitang-kita ni Gretchen Barretto si Katniss na dumudukot sa pedestal niya ng pichi-pichi paisa-isa at mabilis na isusubo pasimple para hindi halata.
  • Right then and there gusto ko siyang hagisan ng sibat.
Commercial break.
  • Pwede ka maglagay ng dream sequence kung saan lahat kaming magkaka-officemates ay nakapalibot kay Katniss tapos sabay-sabay kami binabaril namin siya tapos nagkakalasog-lasog ang gilagid nya sa sahig tapos may darating na isa pang Katniss at pupulutin yung mga nagkalat na gilagid at kakainin nya.
  1.  Last scene na ito. Nag-birthday yung dalawa pa naming officemates, sabay sila (ang gaganap daw dito ay si Kim Catrall (yung sa Sex and the City) at si Miles Ocampo)
  2. Hindi ako sure kung bakit si Miles Ocampo ang napili nung isa kong officemate na gaganap sa kanya.
  3. Actually first choice nya siya na lang daw ang gaganap sa sarili niya. #lakasngloob
  4. Yung isa pa naming officemate na walang baba (baba as in chin) sabi niya ang gaganap daw sa character nya eh si Mel Tiangco. Oo yung host ng Magpakailanman. Get that done.
  5. Marami akong officemates na nandun sa birthday party, nasa 25 kami. Dapat artista lahat yan walang extra.
  6.  Yung isa kong officemate tinanong ko kung sino ang gusto nyang gumanap sa kanya. Actually kaya natagalan akong tapusin itong sulat na ito dahil ang tagal niyang nag-isip ng gaganap sa artista. Eventually ang napili niya matapos ang mahabang deliberation ay si Jason Gainza.
  7. Anyway so yun nag-birthday sila. Dahil sariwa pa sa isip ng mga tao ang nakaraang trahedya ng nawawalang pichi-pichi, this time, hindi na inimbitahan si Katniss. Para walang mawalang handa.
  8. So we were at the pantry masaya ang lahat kumakain masigla ang gums ng mga tao.
  9. From afar nakita namin si Katniss papalapit sa pantry. Malayo pa siya, kita na yung tuck-in niya.
  10. Sabi ni Miles Ocampo, "Walang papansin diyan ha! Walang mag-iimbita! Walang kakausap! Walang magsasalita, walang eye-contact! Walang hihinga!" bitch na bitch yung ganap dito ni Miles Ocampo eh para close to reality sa officemate ko.
  11. Papalapit na si Katniss.
  12. Play some music here. Yung pang-horror.
  13. Hala nandiyan na siya.
  14. Hindi kami umiimik. Busy ang gums namin sa pagnguya.
  15. Lumapit si Katniss sa table.
  16. Nagtitinginan lang kami nila Gretchen Barretto, Mel Tiangco, Kim Catrall at Miles Ocampo, Jason Gainza, Jessy Mendiola/Irma Adlawan at Joem Bascon.
  17. "Ay sinong may birthday?" sabay kumuha si Katniss ng paper plate at nagsandok.
  18. Without waiting for an answer, umupo siya at nginuya ang food.
  19. Paki-focus yung mukha ni Miles Ocampo na hindi maipinta, tapos lagyan siya ng thought bubble: HALA SI BAKLA ANG KAPAL NG GUMS.
  20. Habang busy ang gums ni Katniss, isa-isa kaming nagligpit. Walang imikan, walang usap-usap. Nagligpit kami ng left-overs at isa-isang nagsi-alis. Naiwan si Katniss na kumakain mag-isa. Pakilagyan ng touching at emotional na background music. 
  21. Multong Bakla! Multong Bakla! Multong Bakla!
  22. So hindi naglaon nawala na sa company si Katniss due to reasons other than mahilig siyang ngumuya ng pagkain ng iba. Gusto ko ipakita siya na gumagapang palabas ng office building namin tapos may nadaanan siyang trash can at sa tabi ng trash can may taong grasa na kumakain ng left-over fried chicken yung thigh part. Tapos lalapit si Katniss sa kanya at magtatanong.
  23. "Kakainin mo pa yan?"
  24. END SCENE tapos eksena mo na ito habang nakaupo ka hawak mo yung sulat ko tapos bigla kang titingin sa camera habang umiiling-iling tapos sasabihin mo "Tsk tsk tsk putang-ina..." Ate Charo, please do this I'm serious. Ito ang sasabihin mo...
  25. "Mga kapamilya, ang nasaksihan natin ay isang kwento ng pagkagutom, pagnguya, kawalan ng hiya, kawalan ng respeto sa sarili, at pagta-tuck in at maraming gilagid. Sana magsilbing aral sa atin na hindi lahat ng pagkain na makita natin ay karapat-dapat isalaksak sa ating gums. Magandang gabi mga kapamilya."
TITLE OF THE EPISODE:

PUTANGINA KANG PATAYGUTOM NA DUGYOT

Yan I'm sure walang makakahula ng title ng episode.

That's it Ate Charo, you may go home now.

Ay wait Ate Charo, lagyan mo pala ng scene after credits, pakisingit itong scene na ito:

  1. Bangus ang ulam ni Gretchen Barretto tapos hinihimay nya pero ayaw nyang kainin yung balat ng bangus kasi may kaliskis. So itinabi nya yung balat sa tissue paper. Tapos habang kumakain siya, dun nya iniipon ang mga nakukuha nyang tinik sa balat ng bangus.
  2. Enter Katniss na naka-tuck in.
  3. "Kakainin mo pa yan?" sabay kinuha nya yung balat ng bangus, tinanggal ang naipong mga tinik at kinaskas ang balat ng bangus sa kanyang gums.
  4. Paki-close up yung reaction ni Gretchen tapos fade to black.

66 comments. Post your comment here.:

Nomad said...

Hahahahaha! tumatak na sa isip ko yung "Kakainin mo pa yan?" na parang tag line sa commercial. Kainis!

Favorite ko yung commercial na "free talk. Kakao talk" ang kyut kaya ni TOP.

Nakakatawa to. hahaha!

Wobi said...

Kakao Talk
Ginagawa mo bago buksan ang pinto.

Wahaha

Misyel Landia said...

Pwede bang ilagay dito yung video nong lalaki na naglalaro ng DOTA habang paulit ulit na sumisigaw ng:
"Putanginaaaa!!!"
"Putanginaaaa!!!"
"Putanginaaaa ka!!!"
Pakiresearch nyo sa youtube. Akmang akma.
Ahahahahahahha! Halos mapunit gums ko sa katatawa.
Putanginang salaysay ito.
Binuhay mo ang galit sa puso ko.
At nakakalumbay....dahil patext na sana ako sa MMK para hulaan ang title ng "GUMS".
Di pala tama. Tsk.

kalansaycollector said...

jusko si ate sobra naman ang pagtitipid tips!!!!!
dapat si katniss na lang talaga siya at sasali sa hunger games! jusko literal na hunger games ang peg ni ateng. lol

pero sa pagsali niya sa hunger games nangyari talaga na binagbabaril ang gums niya. shet. haha

justice for the inagawan ng pichi pichi! haha naiintindihan ko ang feeling ng pag-aamok dahil sa ninakaw na pichi pichi!!!

Rix said...

ahahaha adik lang lolz.

siguro magwowork nga ang letter na may bullet point sa history ng MMK. Kelan ang air nito? lolz

mike said...

so demanding and very authoritative mo sir glentot.

...make this happen...get this done...

i LIKE it.

i can't wait to watch this on MMK :)

Aris said...

friend, wala ka talagang kupas. ang aga-aga sa office, tawa ako nang tawa dahil sa post mo. :)

EssayniPayoyo said...
This comment has been removed by the author.
Essayni said...

Di pa ako tapos basahin, pero tangna, half-way pa lang tawa na ako ng tawa. Napaka-demanding naman ng letter sender na 'to, lakas maka-GET THAT DONE. MAKE IT HAPPEN. Punyeta, hahahahaha!

June | Life and Spices said...

Hahahahaha, tawa much nakakalis ng stress.. imagine Gretchen face at tthe last part.. imbyerna lang

Jenny said...

Grabedad. Naalala ko tuloy si mama sabi niya, tara nuod tayong "Hunger strikes". Haha yan dapat yata ang dapat i-title dyan. Mabenta yung "bullets" mo ha. Pwede kang director ng episode na yan.
"Kakainin mo pa yan?". Dapat ihastag yan at magtrend. Hahaha. Sumakit yung kalamnan ko sa kakatawa. Baka mamaya pati tira ng aso, kakainin mo pa yan? Hahahahahaha.

jhengpot said...

hardcore si Katniss! Epic!

Mar Unplog said...

Ibang usapan na yan pag pichi-pichi! Peyborit ko yan eh! Kung ako yan, tinanggalan ko ng gums si Katniss! hahaha

Naiimagine ko yong mataas mag tuck in! Meron nyan dito eh, hahaha! Picturan ko nga tapos i send ko sayo kung sino mas mataas ang tuck in!

Geosef Garcia said...

THIS.IS.EPIC! Mukha na kong baliw sa kakatawa. Di ako maka-get over! *hahahahahahaha!* Sakit na ng gums ko...

Marjorie G said...

Hindi ko kinaya si Katniss, define patay gutom ang peg hahahaha...

Anthony said...

Kakainin mo pa 'yan? - may naalala akong kakilala dahi dito. Ang linya naman niya ay "akin na lang 'yan." Mas garapal.

Ipush ito sa MMK! Lol. At walang Kakaotalk commercials please.

Superjaid said...

Hinding hindi na ako makakakain ng pichi pichi ng di ikaw ang maalala ko kuya wahahahaha get it done. Make this happen. Wahahahahaha IMBA sa kakapalan ng mukha tong si katniss dyusko. Nakakadiri.

Leo said...

Hahahaha! Kaloka. Naimagine ko si bakla. Shupal ng pez. Hahaha. Wala ka talaga kupas glentot. Love it!

yccos said...

hahaha.. hanep ah. kaloka to! nakailang- "get that done" ka dito?! lol ang demanding lang...

at hanep sa gums ah! sino kaya to... naabutan ko pa kaya to?

PaQ said...

Pinaka-natawa talaga 'ko dun sa "Tsk tsk tsk putang-ina..." eh.. Hehe.. Naimagine ko sa Charo habang sinasabi 'yan in national television. HAHAHA~ Tapos.. ano pa ba?

Kakainin mo pa ba yan?

Dino said...

Hahahaha, putang-ina, dami kong mura at tawa !!

khantotantra said...

hahaha. ang bangis! vulture na vulture at super duper gutom-patay much yang opismate mo. tsk tsk.

tawa me ng tawa with the kakaotalk and stuff. hahaha. oo, dapat wag kakaotalk ang commercial!

k0tz said...

hahahaha. pigil tawa ako! ang dugyot nya!!! bakit sya ganun? lol

Eagleman said...

bwisit! mukang magiging linya ko na yung kakainin mo pa yan? haha! lakas ko kasi kumaen.. pero hindi naman ako tulad ni katniss! kainis! lol ! dun sa birthday party lahat artista.. malamang mamulubi ang MMK sa TF:)

get that done ^_^

Zezil said...

Wala akong ma comment kundi, papanuorin ko to kung naging totoong episode to, haha.

Kala ko "gilagid" yung title or "baboy" or "agbibisin."

Gawa ka pa ng madaming magulong masayang post. :)

chingoy, the great chef wannabe said...

ang mahal ng production, one of those lang si Kim Catrall ehhehe


Nate said...

@glentot: ahahahah! putangina ni Katniss..

JUSTICE FOR THE PICHI-PICHI!!!!

Senyor Iskwater said...

Hala... Hindi ako maka-relate sa story... CLueless...

Caryl Joan Estrosas said...

OMG!!! sinech etech! at bakit feeling ko kakilala ko to? Senyor Iskwater, tama ba ang hinala ko??? please explain. LOL! sakit tiyan ko sa kakatawa! OMG talaga

Mamon said...

Naknamboogie! putangina, ang pichi-pichi!!!! LOL Maraming ganyan. Buraot at patay-gutom. dapat sa kanya binibigwasan sa gums at sa mataas na tuck-in.

Zion said...

Huwag kang mag alala glentot, second book ng hunger games, Catching Fire... ;)

pnx said...

5. Lost faith in humanity
so true!! I could imagine kung san sya nakatira at ano ang lifestyle nila, I wouldn't be surprised if nakatira sya sa ilalim ng tulay.

fiel-kun said...

Paaakkk!!! ahahaha, grabe ka Glen. Ang dami kong tawa dito. Malamang pati si Ate Charo, halos lumupasay na sa sahig sa kakatawa habang binabasa tong liham mo lol

My gums, grabe si Katniss ha. Kinabog pa nya yung mga "pagpag" boys sa bangketa XD

I'm sure super taas ang magiging ratings ng MMK, kapag naipalabas ito.

Nel Ian Rio said...

Haha nakakatawa to grabe :D

Ang HARDCORE ni KATNISS! Hunger Games na Hunger Games talaga ang dating..

Galing niyo po Kuya Glen! :D

Pink Line said...

ay ang taray sa pagka-PG ni ateng Katniss huh..grabehan lalo na sa pinaka last scene.. magttop rating ito..sisikat si Katniss..hahaha!

Zei Maya said...

Malupit to e push mo na mapalabas sa MMK aabangan ko... hahakot ng maraming award to.. winner ka talaga !!!

Mister Mischievous said...

hahhaha hunger games talaga!

Jei Son said...

Pak!!! ang saya basahin di ka sayang ang koryente. tiyak mananalo si Katnis ng Star awrd for single performance yan hahaha

Bulingit said...

Dapat bago ipalabas to sa TV ay meron munang paalala.

Ang palabas na ito ay Rated SPG (Super Patay Gutom).

Dapat sa kanya, pakainin ng space brownies na may marami talagang marijuana para maloka, tapos maglagay ng biscuit filled with mayo na may maraming sili. effort, but, worth it. haha

-mark- said...

hahahahahahahahahahahahahahaha.. tangina. lakas tawa ko.. peyborit ko ang pichipiching puro keso sa top.. meron akong kilalang blogger na ganyan. wahihihihihihihihihihi lols. joke.

tabian said...

Ang kupal, ang kupal kupal!!!

patay gutom is an understatement kay Katniss..pero felt ko lokang loka si ate charo sa mga request mo at infairness all star cast ang episode na 'to!!!

Gracie said...

Oh my GUMS!

Una, Salamat dahil dito natuto ako pano sumulat kay ate Charot ganito pala dapat as in may bullet points at siempre dapat demanding ang peg hahaha! Para lang tinutukan ng shotgun sabay sabing wag kang kikilos, holdap to charot!

Kainis lang si Katnis, ang kontrabidang bida.. kahit ako man ang makasalubong nito at tanungin ng, "Kakainin mo pa yan?" talagang mapapanganga nalang ako, magtatakang tanong siguro ako ng, "tao ba to?" With sounds sa background na "Banal na aso, santong kabayo, natatawa ako hihihihih!"

Ungaz said...

Bwahahahahahaha!!!Walanghiya ka talaga...mas bet ko episode title nito "tira".

Traveliztera said...

"Hala" hahhahaha promise naimagine ko lang na nanonood ako ng MMK ahahhahaha! favorite scene ko yung papalapit na siya sa pantry... alam mo... curious na ako... ENGENG PICTURE! hahahhaha!

- Steph
www.traveliztera.com

Anonymous said...

kaw talaga glen... oo nga sobrang nakakatawa...pero...ewan ko kung ako lang ang nakaramdam nito pero medyo naawa ako kay katniss, kung officemate nyo pa rin sya, isa-suggest ko sana na kausapin nyo sya nang maayos...there's definitely something wrong with the way he behaves but there's a possibility that he's not aware of it...i don't know but i think he needs help :)

Kamilkshake said...

Natawa ako sa scene na lahat ng celebrity nagtitinginan dun sa last kainan.. hahahahahahaah....

At muntik ko na makalimutan sabihin na nung nagwowork ako sa pinas dati..may kilala rin akong ganyan... pero hindi naman ganyan kalala siguro.. sana..

Ruth Laquinta said...

grabe tawa ko rito at nakarelate much! may opismate din akong ganyan pero nagtitipid kasi siya pang-derma, diamond peel at gluta-shot niya. hahaha

Con said...

PGT ang peg nya, PATAY GUTOM TALAGA! hahahaha

gillboard said...

sana may picture si katniss... nang maiwasan.

hahaha

ZaiZai said...

Dapat i-print ng isang milyong beses ang sulat na ito at padala kay Ate Charo ng mapilitan syang isa MMK talaga ito. Winner si Katniss, ibang level ang kadupangan.

Btw, bakit ayaw mo ng Kakao Talk? Masaya ang Kakao Talk dahil ito ay...free! free! free! Kakao Talk! :)

jobologist said...

tawa ako ng tawa...baka sa opis namin siya nalipat, nagkakawalaan kasi ang mga pagkain na iniiwan namin sa pridyidir...

SunnyToast said...

Dapat pala sa DPWH sya mag work! Department of Public Works and high waisted!

pero pag smin sya for sure umay sya sa pagkain...ito ang kailan namin sa office taga ubos ng cater food..yon nga lang dapat mahilig sya s chinese food...hahahaha

Joy said...

Meron ba talaga ganyang tao? Siguro nga:)
Anyway, thanks for dropping by in my blog.

silentassasin said...

Nyahahahahah ..BURAOT much. picture naman dyan oh..pls

Boffill Bernardes said...

Pahingi ng picture or facebook link niya. Papadala ko sa NBI.

Otakore Literantadodist said...

Super laughtrip ako dito! Ang husay mo talaga mag-kwento. Tawa ako ng tawa. Grabe naman yang office mate mo, kung gawin niya yan sa akin, baka hampasin ko ng keyboard. Di ako comfortable na shine'share pagkain ko unless matagal na kami magkaibigan.

I can feel you about Kakao Talk, nakaka-LSS "Free! FREE! FREE!!" HAHAHA

gord said...

Matapos mapalabas 'to sa ABS, mababan na si Charo at masususpend ng tuluyan ang MMK! Hahaha. Grabe si Katniss!

Laughtrip ng sobra! XD

art0rr said...

ngayon nalang ako ulet natawa sa mga binasa ko! whoo!

nice one sir! isa isahin ko na tong mga blog post mo. :D

littleyana said...

Hmm..nakakatawa yung story. Pero ang totoo hinde si Katniss ang nakakatawa. Binabasa ko ito parang na-aawa ako sa kanya. Parang hinde siya aware na pinagtatawanan siya first sa itsura niya second sa pagka PG niya. Sana may isang sincere friend/ officemate na nagsabi di ba?.. it's nice to drop by your blog..

Olivr said...

aani ng awards ang mmk pag natuloy to.

Jhanz A. said...

Mukhang makakapunta ng Cannes ang MMK dahil sa napakagandang episode na ito. Makapagbagbagdamdamin.

"Amazing" - JK Rowling
"This century's most brilliant episode of any drama anthology" - Leonardo de Carpio
"Alam mo, isa lang ang gustong sabihin sayo nyan ni Katniss: I. Am. Sorry" - Gloria Macapagal Arroyo

Anonymous said...

hahahahahahayop ka talagang glentot ka! anonimos tony

KikomaxXx said...

Love the Ending Scene... hahaha... Pang Rated G ang peg... go i cant wait to see this on TV... hahaha

Anonymous said...

Huh? Nothing extraordinary. K lang.

Anonymous said...

kEDEBON=KATNISS

Jemaima Robles said...

naiyak talaga ko sa sobrang tawa! LOL. ang galing ng script. lahat intense! great job, sir glenn!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding