eerie encounters - cj

Marami akong kaibigang tatanga-tanga. Yung mga slow. Yung hindi mo makausap nang matino kasi malayo ang sagot nya sa tanong mo. Isa mga college friends ko na ganito eh si CJ. Si CJ eh laging nakangiti kahit walang dahilan, tapos minsan yung laway nya tumutulo sa gilid ng bibig nya sa kakangiti nya.

Isa sa mga hindi ko malilimutan na nakakatawang karanasan eh yung nangyari kay CJ. Hindi ko alam kung eto ba eh resulta ng slowness nya, o kung nabiktima sya ng modus operandi, o gawa-gawa lang ng utak nyang 2 Megabytes.

O pwede ring supernatural phenomenon...

"Naglalakad ako nun pauwi galing sa inuman..." pagsisimula ng kwento ni CJ. Nakipag-inuman daw sya sa isang kaibigan nya na nakatira sa may outskirts ng town. Ewan ko kung anong kaputahan ang inaatupag ni CJ sa buhay nya at bakit wala syang pamasahe nung gabing iyon kaya napilitan syang maglakad pauwi kahit dis-oras na ng gabi at wala na masyadong mga taong naglalakad sa paligid.

Medyo tipsy-tipsyhan na si CJ noon at ang tanging goal na lang nya sa buhay eh huwag maligaw sa daan pauwi. Habang naglalakad sya, napansin na lang nya na may kotseng mabagal ang andar na sumasabay sa lakad nya. Bumaba ang window ng kotse at dumungaw ang isang babae na medyo nasa edad 30 at hindi naman kagandahan.

"Bale sinitsitan nya ako tapos lumapit naman ako."

"Bakit daw?"

"Sama daw ako sa kanila."

"Sure kang babae yun?"

Babae daw talaga yung kausap nya at pati yung driver ng kotse eh babae rin na nasa edad 30 rin at hindi rin nabiyayaan ng ganda much.

Niyaya daw sya na mag-inuman sa bahay nila sa Loakan Road (Baguio City). Kung pamilyar ka sa lugar, eto yung mahabang road papunta sa PMA na magubat at halos walang tao. Dito minsan may nananakawan, narerape o kaya namumulto.

Dahil nga hindi gifted much si CJ sa pag-iisip ng tama at mali, sumama sya sa mga babae. Tumutulo na naman ang laway ni CJ habang kinukwento nya ito.

"Pagdating sa Loakan lumiko kami sa isang street dun tapos nandun sa bandang dulo yung bahay nila..."

"Ano meron dun?"

"Inuman."

Kahit kakagaling lang nya sa inuman, sasabak na naman sya sa isa pang inuman at hindi nya pa kilala ang mga kainuman nya. Sa point na ito ng pagkukuwento ni CJ nagsususpetsa na ako na mga magnanakaw ang mga kasama nya. Pero ano naman ang nanakawin nila sa taong walang pamasahe pauwi... Sabagay maganda yung cellphone ni CJ, Nokia 6600 (maganda na yun noong panahong yun).

Pagdating sa bahay, walang tao dun, silang tatlo lang. Nakakapagtaka kasi kung normal silang mga tao, bakit sila magyayaya ng stranger na naglalakad sa daan para iuwi sa bahay at painumin... unless...

"Baka akala nila callboy ka?" May itsura naman si CJ, kahawig ni Jolo Revillia sa biglang tingin pero habang tumatagal nagiging Long Mejia. Kaya dapat, kug titignan mo si CJ, laging pabigla.

"Yun nga eh sana napagkamalan na lang akong callboy at least nagkapera pa ako."

Intact na intact lang talaga ang moralidad ni CJ.

So nag-inuman pa sila uli na parang galit sila sa mga liver nila. Si CJ more more tungga habang yung dalawang babae eh more more kwento. Nalibang naman si CJ.

And then the moment struck, nawalan na sya ng malay...

Alam ko kung anong mga tanong ang nasa isip nyo ngayon. Sobrang desperado ba yung dalawang babae at pinagsamantalahan nila si CJ na walang malay? Ninakawan ba nila sya, if not cellphone, eh body organs? Worse, pinatay ba nila sa CJ? Kung yung pangatlo ang naisip nyo, magkakasundo kayo ni CJ na 2 Megabytes ang brain. Paano ko sya makakausap kung pinatay na nila sya.

Nagising si CJ, umaga na. Nasa sala sya nakatulog at wala ang dalawang babae. Inisip na lang nya na tulog pa sila kaya lumabas na sya. Wala namang mali sa katawan nya nung inassess nya ang sarili nya habang naglalakad. Wala namang nawawala...

"Pagdating ko sa bahay, nung magbibihis na ako, saka ko napansin na may kakaiba..."

"?"

.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Inahit nila ang bulbol ko."

Merry Christmas Kids!

--------------------------
PS. Bago pa may magtanong kung totoo ang kwento o gawa-gawa ko lang, I'm telling you, totoo yan.

48 comments. Post your comment here.:

gillboard said...

at least yun lang ginawa sa kanya.

minsan talaga di mo alam kung ano ang trip ng mga tao.

tabian said...

HAHAHAHAHAHA...

si CJ ba eh kamag anak ni budoy?

I've said my piece before with your friends, so alam mo na..kung ano man meron ka glentot at kung bakit lapitin ka ng "tulad nila" eh ikaw na!! alam ko na rin ang nasa wishlist ni CJ for xmas..XD

McRICH said...

merry christmas glentot,atlis ur back, na-miss ka namin pati mga kwento mo, biruin mo, may mga tao palang ganon ang habol, at di ko maisip kong bakit ha :)

khantotantra said...

hahaha, buti at yun lang ginawa... at hindi sya pinatay. :p

baka trip trip lang ginawa sa kanya nung dalawang alleged na babae.

Otakore Literantadodist said...

HAHAHA, ang galing!

k0tz said...

hahahaha.. flawless na!

YOW said...

Bakit ba tawang tawa ako? Hahaha. Bakit ba ganyan mga friends mo Tumutulo na nga laway, naahitan pa ng bulbol, ang sakit sakit niya sa ulo. Hahaha. Yung dalawang babae naman, pinagpractice-san pa ata ng brazilian wax si CJ, duda ko masahista sila! LOL.

Nate said...

@glentot: hahaha!! you already!!

"kaputahan" at "hindi rin nabiyayaan ng ganda much" FTW... hahaha! kampon ka talaga ni Taning!! woooot!! :P

pampasaya ka ng araw.. :)

Anonymous said...

haayyysss after 20years of waiting may kwento ka ulit!nakakamiss kaya tae ka!!!

anyway, nakakatawa naman to hahaha ang sarap nyang dagukan ng matauhan sa kashungahan nya..hahaha tawa ko ng tawa dito "Inahit nila ang bulbol ko." wahaahahaha ikaw na glentot ikaw na!!!

-#1 fan

-=K=- said...

Panalo talaga ang mga kwento ng mga kakilala mo! Heheh! Pero buti nalang at yun lang ang ginawa sa kanya. Pakisabe ke CJ wag na uli sya sumama sa strangers, ok?

Marjorie Gavan said...

what the f?! ang lakas lang magtrip nung dalawang babae hahaha....

Goyo said...

Kung ako yun, mahihiya ako ng sobra dun sa dalawang babae. Puta, makikita na ang maliit kong tite. Huhu.

ELAY said...

titignan lagi ng pabigla hahahaha, FTW!

Anonymous said...

Siyehht! Kamag-anak ko yata iyan, hindi ko ma-gets. Slow lang mey. :D

Ungaz said...

ahahahahaha!!! Ibang klase friends mo. Hindi kayo normal impernez... Oo kasama ka don idol.hahahaha!!!

Anung enjoyment naman kaya makukuha nung dlwang hitad na yon sa bulbol?! tzk tzk...!!!

steven dela cruz said...

naku nakakatakot naman yun, grabe much, sure kang 2mb lang ang memory niya? naku wlang kaduda duda na nangyari ang lahat at inuwi nalang siya (yun ng wild guess ko) ang tanung alam talaga ng mga sinamhan niya kung saan siya nakatira?infearness kung ganun nga!!

citybuoy said...

Ruthless pubic hair thieves!

Sendo said...

hahahaha.....may fetish sa pubic hair? haha...baka gagawing wig! haha..grabe..ano kaya trip nung dalwang babaeng un? pang 1 terrabyte utak nila ah haha

L said...

hindi kaya parlorista ang mga babaeng gumang-bang kay cj? o_O

ang weird nga.

NoBenta said...

mga adil sa bulbol.

isang panalong kwento nanaman mula sa master. \m/

Akoni said...

Maniniwala na sana ako kaso nag lagay ka ng PS.

Robbie said...

Gusto ko yung mga pambungad na tulad ng andito. Alam na agad na gaguhan. Wahahaha.

At natawa ako dun sa titignan lang ng pabigla! =))

Feeling ko may iba pang ginawa sa kanya. Hahaha. At baka naman beki lang yung mga nakita niya.

Diamond R said...

ang galing mo talaga mag kwento glentot kakaiba.alamin mo pa kay CJ pag di na naglalaway malamang meron pang nangyari binibitin ka lang.

rah said...

salahat naman ng pwedeng kunin yung bulbol pa! hehe.

Boris said...

I wouldn't be sure kung totoo ito. naweweirdohan ako masyado XD

Otakore Literantadodist said...

NOTA: Binibisita kong muli ang blog ng mga bumisita sa akin ngayong taon para bumati ng Maligayang Bakasyon sa ating lahat :-)

Aris said...

merry christmas, glentot! :)

KUMAGCOW said...

Moral of the story: Tell me who your friends are and I'll tell you who Glennglenn is... piz!

Anonymous said...

tengeneng this, glenntot! hinahanda ko na ang sarili ko matakot tapos biglang inahitan lang pala siya ng bulbol! glenn tabarejos is definitely back!

bHeniPotpOt said...

HAHAHAHAHAHAAHAHAH. kaya pala nila inaya si CJ eh may free service sila ng ahit. hahaha.

Traveliztera said...

ang ku-kyut ng mga friends mo at ang swerte rin nila na friend ka nila :P nagiging starring sila sa mga kwento mo hahaha

lakas trip ng mga girls!

Boffill said...

Ang angas nung mga babaeng mag-ahit ng bulbol ng kaibigan mo. Lol. Laugh trip talaga.

Lakwatsero Ako said...

Malamang kukulamin sya nung mga yun! diba kelangan ng bulbol na ilalagay sa manika para makulam?

Or pwede ding blackmail material. Kung 2megabytes lang utak ng friend mo, malaking bagay sa kanya yung bulbol.

claudiopoi said...

Hahaha, parang serial killer lang ng mga bulbol!

It's nice to read from you again, Master Glentot!

Sana magtuloy-tuloy na to until the year ends! Happy New Year! :)

Ely said...

hahaha. I'm sure hindi lang ahit ng bulbol ang ginawa sa kanya.

Pero taga-saan si CJ? Taga-Loakan din ba? Else, di ba napalayo ang paglalakad nya pauwi? LOL

Bino said...

syempre late ang bisita ko hehehehe. baka fetish ng dalawang gurang ung bulbol kaya inahit hahahha. :D

fleur said...

"PS. Bago pa may magtanong kung totoo ang kwento o gawa-gawa ko lang, I'm telling you, totoo yan." ---Bakit pinakita sayo? Hehehe

Nhil said...

You just made my day. :)

Weird people are the funniest!

Allen said...

HAHAHAHAHA! This just made my day. Galing mo CJ idol! hanep ka! hahahaha!

glentot said...

gillboard oo nga or baka yun lang ang kinuwento nya haha

tabian haha oo nasabi mo na dati at tumpak na tumpak ahaha

McRich ako rin di ko maisip si CJ na lang siguro ang nag-isip LOL

khantotantra sana pinatay na lang nila sya mas masaya pa sana ang naiblog ko LOL

Otakore haha salamat po!

k0tz hahaha oi! bakit mo alam LOL gawain? joke

YOW Brazilian!!! Ahahaa lavet. Now I know something about you!!! LOLx

Nate salamat naman at natuwa ka LOL

#1 Fan haha mas dadalasan ko na ang pagpopost from now on kakahiya naman sa iyo LOL

-=K=- haha i think nag-enjoy naman sya sa kanyang special haircut LOL

Marjorie Gavan hahaha oo nga sheht

Goyo ahahahha kaya nga nilasing muna sya LOL

ELAY haha pag tumagal nga kasi nagiiba ng anyo

Michael anong parte ang di mo magets ahahaha

Ungaz aba naglogin ka sa account mo ngayon LOL try mo kaya magshave para malaman mo kung anong enjoyment lol

steven dela cruz huwag na natin ianalyze masyado baka nakamove on na rin si cj baka tumubo na rin uli ang nawala sa kanya LOL

citybuoy pag nagka-parlor si YJ i think ganito ang specialization nya

Sendo wiiiiig ahaha amputah!!!! lavet

L haha wtf naman kung may parlor sila hinding hindi ako papasok dun LOL

NoBenta wahahahaa basta kabastusan talaga mabenta kay nobenta LOL joke lang

Akoni hayop you!

Robbie hahaha thanks for appreciating this kind of writing LOL

Diamond R ay kung may iba pang nangyari baka nadehydrate sya sa paglalaway

rah haha mas makati siguro pag buhok sa kilikili ang inalis

Boris it's up to you! lol

Otakore Literantadodit ang haba ng name mo LOL

Aris Merry Christmas rin!

Kumagcow haha fuck you ka!!! friend kita!

runmdrun di naman ako umalis much kaputahan lang yung hiatus LOL!

bhenipotpot hahaha brazilian daw sabi ni YOW

Traveliztera kelan kaya ako makakapagkwento about you LOL hahahaha

Boffill angas ba! hindi ba mga abnoy LOL

Lakwatsero Ako hahaha wtf naman yung pangkukulam na yun! ang makulam magkaka-STD? pubic lice?

Claudiopoi haha susubukan kong magpost ng mas marami, sana ikaw rin LOL!

Ely may jeep na siguro nung oras na yun or whatever LOL

Bino ayoko na isipin kung anong ginawa nila sa bulbol after ahitin LOL

fleu ahahaha no at ayoko rin namang makita ang bird nyang kalbo LOL

Nhil haha salamat!

Allen mas idol ko yung dalawang babae LOL

SALAMAT PO SA LAHAT NG "NAKILITI" SA KWENTO NI CJ.

Tim Smithson said...

Happy new year witchy guy..

Sows said...

alam mo pag nalulungkot ako palagi akong napunta d2. palagi mo kong pinapatawa.


hnd lng ako maka comment dahil ang internet connection namin ay tulad ng 2mb na utak ni cj. haha. thanks for brightening up my day, hayop. :P

cArLo said...

nasaan na itong CJ na ito??!?!?!? yayain ko uminom tapos aahitan ko uli ng bulbol wahaha :D

Anonymous said...

feeling ko si glentot lng to. Ang layo mo naman Jolo Revilla! baka naman Ramon Revilla SR! Hahahah

Archieviner said...

Panalot talaga mga post mo. Mabenta parin :P

June | Life and Spices said...

Anep..pinulutan yata yung bulbol..

Zei Maya said...

hahahahaha ang mga kwento mo parang lang mansta sa damit na mahirap alisin sa utak ... kung anu ano nang katatakutan ang pumasok sa utak ko yun pala naahitan lang ng buhok sa baba hahahaha malamang mga bakla yung pumick up sa kanya sa kalasingan di nya napansin.

lam ko late na pero nag back track lang me ng mga post mo sarap basahin eh

SunnyToast said...

Gusto ko yong pa bigla lang! hahahaha! ano kaya ginawa nila sa kinuha kay CJ...ginawang bangs....lol

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding