pbo - bazaar

It's PBO time uli and this time we're organizing a bazaar which will be happening this month and I'm inviting everyone to join in. This is a fundraising activity which is open to everyone who wants to contribute in their own little way. See posters and print ads for details LOL.


Anyway so yun nga, right now we're taking donations in the form of "pre-loved" items. Clear lang natin yung term na "pre-loved" kasi baka may malito. These are items that you own and you think is better off owned by someone else kasi baka may mas nangangailangan dito. It should be in good condition if it has been used before. I mean "pre-loved" item kasi I love yung butas kong shorts sa bahay pero syempre sinong makikinabang dun kung idodonate ko pa yun diba.

We accept office and school supplies, clothes, construction materials (joke lang) and toys. Clear lang din natin yung toys. Hindi kasali yung mga naughty toys. Parang wala namang bibili ng secondhand na ganun so pakitabi na uli yan sa iyong aparador.

Para naman sa mga walang mai-donate or nahihiya, we'll appreciate if you could drop by sa bazaar (Oct 19, 20, 26, and 27 sa QCMC) and see if there's any item you'd like to buy for yourself or a loved one. 'Di ba "Ber" months nagsisimula ang Christmas ng Pinoy, so why not start giving gifts now?

Sana marami kaming ma-collect na donations, para marami kaming maibenta sa mismong araw ng sale. Sana marami ring umattend sa event para marami kaming mabenta. What will it take for you to attend? Let us know! LOL. 

Proceeds will be added to the PBO fund na ginagamit namin when we hold outreach activities like the ones I have preivously written about. Our founders and officers always make sure that funds are well-spent and marami ang nakikinabang. This is not like pork barrel LOL.

So I want to end this by inviting everyone again, especially the below people:
  1. 'Yung mga nagcocomment sa mga previous posts on PBO events saying "Next time isama nyo ako!" or "Inggit ako gusto ko rin makatulong!" Now is your chance! See you!
  2. The people who messaged me and requested to be part of PBO. I hope to meet you guys!
  3. The people on the PBO FB Group page. I can tell that the page is active and people there are active as well, I see blog/post links being dropped there so I hope nababasa rin nila ang mga invitations doon and hope they accept it!
Yun lamang see you!

Get in touch with us through https://www.facebook.com/PinoyBloggersOutreach

15 comments. Post your comment here.:

Geosef Garcia said...

Kitakits idol! Magdadala din ako ng mga kasama, pandagdag benta.

Pwede ba humingi ng souvenir? O kaya kahit autograph. :P

Superjaid said...

Maghahalungkat na ako ng mga gamit ko. As in now na. =D

Joy said...

Nice work again. Ang layo ko kasi kaya di maka join:) good luck na lang. GOD bless your good deeds.

reigun decena said...

Astigin to! Pero teka, pano kaya yung wala sa archipelago at the moment? (Sensya na sa headache) lols

Rix said...

kita kits sa meeting sa sunday :D

Mar Unplog said...

Malapit na pala! I will send my donations na lang... Goodluck Guys!

kalansaycollector said...

cool malapit ako sa circle! :p

citybuoy said...

Hawak ko na yung special toy ko tapos bawal pala yun. Shet.

You're a regular, Rosa Rosal! Daan ako pag walang ginagawa. Tapos papicture ha!

June | Life and Spices said...

Gusto ko talaga glentot..kaso nasa Bikol ako

Pink Line said...

sana maraming magdonate at sana maraming bumili...thanks for posting glentot! ;)

KULAPITOT said...

Natawa ako dun sa inggit much , gusto kong tumulong ang peg sa pagcomment hahaha

Marjorie G said...

Magdodonate nga pala akong books hehe...

Zion said...

Mag dodonate lang ako ng monies kasi nasa far flung area mi! good luck sa inyo guys!

Noel said...

Pwede naman siguro pumunta jan sa bazaar kahit hindi blogger no? Ipo-post ko sa bazaarmanila.com baka may interesadong makabasa kahit konting time nalang ang nalalabi. Regards!

dhianz said...

... pag nakadalaw akoh dyan sa pinas... join akoh sa outreach nyo Glen... God bless to u guyz... much love =)

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding