wickedmouth - unang putok

Hey Kids! Sorry uli sa matagal na pananahimik sa blogosphere, wala pa akong maikwento dahil naging busy ako these past few weeks sa bentahan ng libro. Dahil wala pa sa bookstores, nag-direct selling muna kami ni Sir Mots as in may bitbit kaming bags na puno ng libro. Ako nga eh palakad-lakad pa sa mall tapos hahanap ako ng pwesto para i-meet yung mga bibili. Ahente ng encyclopedia much.

First gusto kong magpasalamat sa mga bumili ng books! Sa mga na-meet ko for the first time para bumili sa akin either sa malls, sa office, sa coffeshops, sa kalsada, sa PBO Bazaar, sa MRT stations at oo, sa gasolinahan, sa gitna ng nagliliparang jeep, nagkaroon ng bentahan, maraming salamat! Ramdam ko yung effort ninyo at sana it's worth it!

Sa mga nagtiyagang magmessage sa akin sa Facebook, Wickedmouth Page at Twitter para umorder, mag-deposit ng money at maghintay ng courier, maraming salamat! Thanks sa tiwala at sa paghihintay sana deserving yung libro!

Finally, here are some announcements!

Book Release

Lalabas na (*evil grin*) ang Unang Putok sa National Bookstores starting November 12, 2013. Eto yung 11.12.13 baka di pa rin malinaw LOL.



Major cities outside MM to follow.




O ha gumawa ako ng poster.

Book Launch - IMPORTANT!!!

Unfortunately, we were unable to get our preferred venue for the book launch sa Nov 16 2013, so we will move the date. Baka sa January na namin magawa. I'm sad :( Pero OK lang rin at least we have more time to prepare and invite people. More time to para sa raffle prizes yehey!  I'll be posting details as soon as I get updates.

Wickedmouth - Unang Putok FAQs

Marami ang mga nagtatanong sa akin ng common questions kaya sana masagot ko dito:
  1. OPO totoong TAO si Khikhi at hindi siya gawa-gawa ng imahinasyon ko. In fact, dahil marami siyang time, pinag-a-add nya ang mga blogger friends ko sa Facebook kahit hindi niya sila kilala. May mga nagmemessage sa akin like "Si Khikhi ba ito? Bakit ako in-add?" Sabi ko na lang, "Ah kasi ngayon lang siya natuto mag-Facebook. Paki-reject na lang."

  2. True stories po LAHAT ng nasa book. Some have asked me kung gawa-gawa ko lang daw yun. Well I WISH. Kung pwede lang hindi na lang nangyari yung mga kahihiyang kinasadlakan ko. The only thing I changed are the names.

  3. Most stories have previously appreared on this blog. Pero hindi ibig sabihin isang malawakang copy-paste lang ang naganap dahil hindi. Madugong editing, re-writring, proof-reading and arranging ang pinagdaanan ng mga stories bago na-print. May mga stories nga na naka-drawing na pero tinanggal last minute, dahil nagbotohan kami kung aling stories ang mapiprint at alin ang matatanggal. Nagkaroon pa ng "cleansing" session dahil binawasan namin lahat ng curse words at obscenities. OO sa lagay na yan, cleaner version na yan. So in short, we worked hard for this. And matagal nang wala sa blog (or anywhere else on the net) ang mga stories na nasa book. At syempre there are some new stories added.

  4. OPO may PDF copy ako but NO hindi ko isesend sa email! Haha.

  5. Ang mga major characters ang makikita sa cover. Try nyo na lang kung mamumukhaan nyo sila hehe. Spot nyo rin si Sir Mots hiding somewhere sa cover :)

  6. Sa mga nagtatanong kung may "Pangalawang Putok", ang masasabi ko po ay ubusin muna po natin yung Unang Putok. Dapat may recuperation period kung saan matapos ang unang putok ay kailangang magpahinga at mag-ipon uli ng lakas at katas. Otherwise, malabnaw ang magiging resulta. In other words, sana mabenta lahat ng books para magkaroon pa ng Book 2.

  7. If there's one person na hindi matatawa sa Wickedmouth - Unang Putok, it's Mudrax. Malakas ang kutob ko na maiiyak siya sa mababasa nya. Hanggang ngayon, hindi pa rin nila alam ni Pudrax ang tungkol sa libro, at lalong hindi alam ang tungkol sa blog.

Wag nyo akong isumbong OK? The END.

31 comments. Post your comment here.:

khantotantra said...

lapit na ang bentahan sa bookstores, di ka na mahihirapan ng slight sa pagbebents.

hopefully maraming bookstore ang magbenta at mafeature ka sa best selling book posters sa pwesto ng nationals at other bookstores :D

Rix said...

ouch hindi pala sya tuloy... ok lang yan hintay hintay na lang lung kelan ang book signing..

Bino said...

Ayun! Available sa alabang! At sayang di pala tuloy sa 16th! Anyway i'll be promoting pa rin sa Damuhan para mas madami ding makaalam. Once again congrats Glenn :)

akoaysalbahe said...

may darating dito sa pasko galing pinas kaya makakapagpabili ako ng book mo. ayus!

Geosef Garcia said...

Maraming sad kasi di tuloy yung sa 16 idol... *sigh* Mukhang matatagalan pa pala bago ko mabilhan ng signed copy yung friend ko na nasa US...

Anyway, interested ako sa mga kwento mo, if meron man, about sa pagbebenta mo ng advanced copies. Yung experience in general, yung mga bloopers and interesting bits. Wala lang, nagbibigay lang ng idea. :P

The Gasoline Dude™ said...

Dagdag pogi points daw kapag nagkakaroon na ng libro ang isang blogger. Madami na ba naghahabol sa 'yong chicks?

Kung me book launch sa January, baka umuwi ako!

tadong daniel said...

Hindi ako nagpaunang order kasi gusto ko sa book launch pumunta. Huhubells. Pero sige na nga. Kapag bumili ba ako ng libro, pwede pa ring i-present yun sa January? Haha.

Congrats, Sir Glentot! Naaaaakksss! Kisayted na ako mabasa libro mo! Pero bakit wala sa Rob Galleria? Hahaha.

Kita kitsssss... Sa January? Hmpfffff!

Ms. Leeh said...

Gusto ko yan pwamis.. so excited to grab a copy... buti na lang meron sa north..

Congrats po sir glenn!

eligadz said...

ayos! namove ang date ng book launch, magreresign muna ko sa january para makapunta at makita si khikhi :) congrats sir glentot.

Edgar Portalan said...

Thank you Glen for securing me a signed copy of your book ... tapoz ko na siya basahin and may review me later alligater he he ... hayaan mo at hindi siya harsh tulad ng request mo he he he ... god luck and God bless !

Jei Son said...

yap ang cute naman.. may nag tatanong rin sakin if pwede na mabili ang book sa NBS. sawakas may sagot na ako.

June | Life and Spices said...

Canat wait to get my very own copy.. awwww

Anonymous said...

Sana may Pangalawang Putok pa!!! Meetup FTW! :))

Marjorie G said...

Naku postponed pala ang book launch. Anyway sige sa January na lang para magandang pasok ng new year! At wish ko mabenta lahat ng books para magkaroon ng book 2!

khantotantra said...

sa robinsons galleria, meron na ng book mo kahit hindi pa nov. 12 :D

d-younker said...

It'll be available in SM Bacoor! Yey!

pnx said...

hahaha tnx uli, hopefully kita uli tayo, txt2. Mag diatabs ka na bago lumabas :p Lapitin ka tlga ng eksena. So proud of u friend (saludo)

Superjaid said...

Aww di tuloy ang book signing. Oh well, postponed lang naman hindi cancelled. Congrats po uli!! =)

Zei Maya said...

YEHEY POSPOND TALAGA SYA ... ADVICE THE DATE SANA MGA 3RD WEEK NG DEC OR FIRTS WEEK NG JANURAY PARA MAKAPAG PABILI AKO SA BROTHER IN LAW KO UUWI KASI SYA THIS DEC... SANA MAKABILI SYA AT MAKAPAG PA SIGN NA RIN :)

Anonymous said...

nakabili ako kahapon sa bestseller podium. sana di tinanggal o sinensor o nilagyan ng asterisk ang mga pw*t. pwet lang naman yon. no to censorhip!
rakenrol!

michymichymoo said...

Natawa naman ako dun sa wag isusumbong. hahahaha.

Anonymous said...

Letse gagawin ko pa naman sanang sexmas present ung signed book mo bakit sa january pa? Kelan ko bibigay ung book, Dec 2014??? Sked na yan, madali!

Anonymous said...

I read the book, i visited your FB and i found who is Angelo hahahahaha! aliw much

Eagleman said...

sa lahat ng blogger feeling ko ako nalang ang hindi pa nakakabasa nito :(

Simply Meeh said...

I know nagpapabili akoh sau but my ate is in pinas right now and I might juz ask her to buy d' book for me kung makapunta sya sa mall kc she's coming back na here next week... if not ehh oorder akoh sau glentot... so yeah... congratz sa book moh and to sir motz... so yeah... btw I have a new blog la lang.... I created a new one.... feel free to visit it but I know ur pretty bz right now so I don't expect u to be there readin' anytime soon.... so yeah... btw hopefully ur ok and ur fam w/ d' strong typhoon there.... aight... laterz... much love and Godbless!

-SimplyDhianz

Simply Meeh said...

waiittt..... pabili na lang akoh sau... nd yeahh... can u sign it for me pretty please!!!! send it to meeh na lang... tell me how... can u juz gimme ur email address and i'll communicate w/ u there... aight...thanks glenn! =)

akoysi MEcoy said...

un oh meron sa bacoor! madali na bumili

Anonymous said...

huhuhu.. walang available dto sa amin.. anyway bibilhan daw ako ng love ko.. hehe! excited na ako magkaron niyan ..:)

Zezil said...

Glenn, bought your book. Pero gusto ko may autograph mo! Kelan ka mag au autograph? Or kung sa Makati ka, pa autograph naman.
-Zezil

randomvignettesdotcom.wordpress.com

Otakore Literantadodist said...

Nice! Bibili ako nito bukas sa National!
Sana magkaroon ka po ng book signing event around Ayala malls.
Thanks!

Anonymous said...

Sir Glen, hindi ko po alam kung anong sumpa ang meron sa pagitan namin ng libro mo tatlong beses na akong nagtangkang bumili ng kopya at hanggang ngayon sawi pa rin ako. :( Yung first at third attempt ko, both sa NBS Bicutan, naubusan ng stock. Yung second try ko sa Glorietta, sarado na yung counter. Ita try ko ngayong bumili sa greenbelt, pag hindi pa ko nakakuha ng copy I swear magwawala na po ako sa store!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding